Tuesday May, 07 2024 07:15:58 PM

NDBC BIDA BALITA (April 23, 2016)

 • 20:46 PM Sat Apr 23, 2016
1,277
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

APRIL 23,
2016 (SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. WALK FOR PEACE ng mga lokal na
kandidato, gagawin sa Pikit, North Cotabato.

2. Makilala LGU Bumuo ng Negotiating
Panel para sa mabilis na release ng na-hostage na sundalo

3. MGA MAGSASAKA mula lake sebu,
aminadong hindi alam na rally ang madadatnan sa Koronadal City
4. 'Itigil ang paninira ng political campaign materials,' apela ng Comelec-ARMM IPAPAKITA NG MGA lokal na kandidato sa
Pikit, North Cotabato ang nais ng bawat isa na magkaroon ng mapayapa at maayos
na halalan sa nasabing bayan bukas sa pamamagitan ng isang Unity Walk.

Ayon kay incumbent Pikit mayor Muhairyn
Sultan-Casi, sasamahan din sila ng iba't ibang sektor sa nasabing walk for
peace tulad ng DepEd at COMELEC.

Magkakaroon din aniya ng commitment
speech ang bawat lokal na kandidato sa bayan.

Nabatid na una nang lumagda sa isang
peace covenant ang mga lokal na kandidato sa Pikit para matiyak na magiging
mapayapa at matiwasay ang halalan sa nasabing bayan.

SINAMPAHAN na
ng kasong paglabag sa republic act 9165 o comprehensive dangerous drugs act of
2002 ang dalawang lalake na naaresto sa bayan ng Pikit, North Cotabato
kamakalawa ng hapon.

Sa
isinagawang buy bust operation ng PDEA AT PIKIT PNP, huli sina Alex dimampao
Muhammad, 32-anyos, may asawa at walang trabaho at si Kasan lamdan Salik,
36-anyos, na pawang mga residente ng nasabing bayan. Sa report,
aktong nagbebenta ng illegal ng droga ang dalawa nang maabutan ng mga otoridad
sa area.

Nagtangka
pang tumakas ang isa sa mga suspek pero napalibutan na ito ng mga operatiba. Nakuha mula
kina Muhammad at Salik ang anim na pakete ng pinaniniwalaang shabu, maliit na
gunting at isang improvised toother. Kasalukuyan
namang nakakulong ang mga suspek sa Pikit PNP locked-up cell. BUMUO ng Negotiating Panel ang Crisis Management Committee ng Makilala LGU na siyang magaasikaso sa pagpapalaya kay PFC Eduardo Hilaga Jr na ngayon ay nasa kamay ng Rebeldeng New Peoples' Army (NPA) Ayon kay Makilala Mayor Rudy Caogdan, unang hakbang na kanilang ginawa ay ang pagsulat kay Luis Jalandoni na siya'ng Chair ng National Democratic Front (NDF) na kong saan nakalakip ang hiling ng LGU na makapag ugnay sa Lokal Leaders ng NPA sa layuning mapabilis ang pag-asikaso ng pagrelease ni Hilaga mula sa kamay ng mga abductors. Hanggang sa ngayon ay wala pang natatanggap na kumonikasyon ang komite at ang pamilya ng biktima sa kalagayan at lokasyon ni Hilaga. Samantala, naging emosyunal na umapela ang asawa ni Hilaga sa mga rebelde na palayain ng ligtas ang kanyang asawa. Inilarawan nito bilang responsable sa pamilya at may maayos na pakikitungo sa kanilang komunidad. Ayon kay Diana, umuwi lang umano si Eduardo upang kunin ang kanyang uniform para sa kanilang isasagawang medical outreach program sa bayan ng Kabacan. Nagulat na lamang siya ng mabalitaang tinangay ito ng mga rebelde matapos na mahadlangan sa higway ng mga rebelde. UMAAPELA
si ARMM-COMELEC Regional Director Atty. Mike Abas sa lahat ng mga supporters ng ilang mga
kandidato sa rehiyonat maging sa Cotabato City kaugnay sa mga inireklamong
paninira at paglalagay ng dumi sa mga poster ng mga kandidato.

Pakiusap
ni Abas, hayaan na lamang na ipaskil ang mga campaign materials ng mga
kandidato at huwag na itong sirain, baklasin o lagyan ng dumi dahil maari
silang kasuhan kung mapapatunayang may ginagawa silang paninira.

Aniya,
may mga common posters area naman sa lungsod at sa ibang panig ng rehiyon kaya
naman hayaan na lamang ang mga ito na idikit ang kani kanilang mga campaign
materials.

Iginiit
ng opisyal na ang halalan ay lilipas lang kaya huwag itong gawing personal.

NAGHANDA
ng maraming basurahan ang Department of Environment and Natural Resources
Autonomous Region in Muslim Mindanao o DENR para paglagyan ng sangkatutak na
basura pagkatapos ng halalan.

Sinabi
ni DENR ARMM Secretary Hadji Kahal Kedtag na pinagaralan na nila ang gagawing
hakbang sa paglilinis ng mga campaign materials na nakakalat sa mga common
poster area na itinalaga ng Comission on Elections.

Prayoridad
din sa Operation Baklas ng COMELEC ARMM at DENR ang mga campaign paraphernalia
na idinikit sa mga non-common poster areas.

Inasahan
na ng environment department ang mas maraming

trabaho
sa pagliligpit ng mga poster namaikukunsiderang

basura
pagkatapos ng eleksyon.

Ayon
kay Kedtag, agad niyang ipinag-utos sa kanyang mga

staff
ang paghahanap ng paglalagyan ng nabanggit na mga

materyales
lalo pa at karamihan sa mga ito ay plastic at hindi nabubulok.

Kinakailangan
aniya ang proper disposal sa naturang mga

basura
dahil may dala itong lason o toxic na nakakasira sa kalikasan.

Ang
mga tarpaulin at plastic na ginamit bilang campaign

posters
ay delikado ring maitapon sa mga daluyan ng tubig dahil magdudulot ito ng baha
kapag nagbara ang mga canal.

Desidido ang mahigit tatlong libong protester na manatili sa compound ng Regional Center 12 sa Barangay Carpenter Hill sa Koronadal City.
Ito ay matapos tumangging makipagkasundo sa Social Action Center ng Diocese of Marbel.
Pinadala ng Crisis Management Committee ng lalawigan sina Sister Susan Bolanio OND at Father Joy Pelino,para hilingin sa lider ng mga nagprotesta na kausapin si South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes.
Gayunpaman hindi pa rin nagkasundo ang magkabilang panig dahil gusto naman ng mga protester na ang gobernador mismo ang lalapit at kakausap sa kanila.
Ayon kay Sister Susan, kahit na karamihan sa mga protester ay galing sa ibang lalawigan, makatutulong sana ang pakikipag usap ng mga ito kay Governor Fuentes para maiparating sa mga concerned na agencia ng gobyerno at kani-kanilang LGU ang kanilang hinaing.
Para hindi humantong sa karahasan ang kilos protesta, mahigpit na binabantayan ngayon ng pulisiya ang tanggapan ng DA 12.
Nagkaroon naman ng close door meeting si DA 12 OIC Regional Technical Director Carlene Collado, Superintendent Michael Lebanan ng Provincial Police Office at South Cotabato Board Member Romulo Solivio na naging kinatawan ng mga protester.
Ayon naman sa magsasakang si Dodong Ebarbia ng Alabel Sarangani Province, sumama siya sa rally para humiling ng bigas sa gobyerno.
Ayon kay Ebarbia nawalan sila ng kabuhayan matapos sirain ng dry spell ang kanilang mga pananim na saging at mais.
Sinabi din nito na hindi rin sapat para sa kanyang pamilya ang limang kilo ng bigas na ibinigay sa kanila ng lokal na pamahalaan.
Nakiisa sa rally ang mga magsasaka, indigenous people at progresibong grupo mula sa Cotabato Province na ang iba sa kanila ay napasama pa noon sa Kidapawan City dispersal.
Para maiwasan ang gulo, mariin namang ipinatutupad ng pulisiya ang maximum tolerance sa mga protester. Tinulungang makauwi ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato ang 175 na magsasaka .
Ayon kay Lake Sebu Disaster Officer Roberto Bagong, hindi kasi inakala ng mga magssaka, na rally ang kanilang sasamahan sa Koronadal City.
Ayon kay Bagong, nakumbisi ang mga magsasaka ng Lake Sebu na sumama sa mga nagyaya sa kanila matapos pangakuan na bibigyan ng isang sakong bigas at P20,000 livelihood Assistance sa bayan ng Surallah.
Ngunit pagdating ng Surallah, hindi pinababa ng truck ang mga ito matapos sabihan na inilipat ang pamimigay ng tulong sa Koronadal City
Nadismaya naman ang mga magsasaka ng Lake Sebu nang malaman na rally ang kanilang pupuntahan ng dumating sa Koronadal City kamakalawa ng gabi.
Matapos pakainin ng MDRRMC, ang mga magsasaka na mula sa mga barangay ng Tasiman, Lamfugon at NED ay inihatid na sa kanilang lugar kahapon. Kinatigan ng Commission on Election o Comelec ang hiniling na exemption sa Election ban ng South Cotabato Provincial Government .
Ibig sabihin nito maari nang makapamigay ng tulong sa mga drough victims ang pamahalaang panlalawigan.
Ang hiling na ito ng South Cotabato LGU ay dinepensahan mismo ni Provincial Legal Officer Atty. Romeo Sucaldito sa Comelec En Banc.
Tinukoy ng Comelec en banc ang kahalgahan ng agarang pagbigay ng tulong sa mga drought victims kaya nila pinayagan ang kahilingan ng Provincial Government.
Ipinahayag ni South Cotabato Governor Daisy AVance Fuentes na inaayos na ang mga relief goods na ipamimigay sa mga apektdo ng dry spell.
Ang pamimigay ng tulong sa mga apektado ng tagutyo’t ayon kay Fuentes ay posibleng sisimulan sa susunod na linggo.
Nabatid na ang El Nino ay nagresulta naman sa pagkalugi ng abot sa P5.5 million ng 133 na mga inland fisheries operators sa South Cotabato.
Apektado din ng El Nino phenomenon ang abot sa 54,000 mamamayan sa lalawigan.
Makikinabang sa Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displace Workers o TUPAD ng Department of Labor and Employment o DOLE ang 100 displace workers sa unang distrito ng South Cotabato.
Ayon kay Provincial Employment Service Office o PESO Focal Person Merlyn Esteban, kabilang sa maaring mag-apply sa programa ang mga nawalan ng trabaho o hanapbuhay dahil sa natural at man made disasters.
Inilaan din ang livelihood program para sa mga underemployed at walang trabaho at naghihirap na displace Overseas Filipino Workers o OFW.
Gayunpaman nilinaw ni Esteban na ang mga ito ay dapat may edad 18 hanggang 60 anyos.
Ayon kay Esteban bago tanggapin sa programa kailangan muna ng mga aplikante na magtrabaho sa mga community projects ng gobyerno.
Kabilang dito ayon kay Esteban ang pagsasaayos ng public facilities tulad ng mga kanal, farm to market road at iba pang infrustruktura.
Ang mga benipisyaryo ay tatanggap naman ng tig P270 arawang sahod sa loob ng 15 araw.
Ang mga mabibigyan naman ng self employment project ay isasailim muna ng DOLE sa Basic Orientation on health Safety.
Ang mga nais makinabang sa TUPAD project ay makipag ugnayan lamang sa mga opisyal ng barangay na siya namang tutukoy sa mga benipisyaryo ng programa.
Prayoridad naman ng TUPAD Program ng DOLE ngayon ang mga magsasaka na apektado ng El Nino Phenomenon. Sinanay para tumulong sa pagpapatupad ng Adolescent program sa South Cotabato ang 149 na mga teenage facilitators.
Ang programa ay ipinatutupad sa pamamagitan ng Adolescent Development Program na You for You Teen Trail ng Provincial Population Office.
Layon nito na maituro sa mga sinanay na teenager o youth leaders kanilang mga karapatan, pangangatawan, at kung papaano iligtas ang sarili sa pangaabuso.
Ang programa ay apat na oras na session para sa mga nasa adolescent stage.
Ayon kay South Cotabato Provincial Population Officer II Crispy Galvez, ang Teen Trail Program ay pinondohan ng mga lokal na pamahalaan.
Sinabi ni Galvez kumuha sila sila ng mga trainers na teenagers para sa You for You program dahil mas madali rin sa mga ito na makapag-share at makapag-connect sa kapwa nila teenager.
Bumaba naman ng 5.04 percent ang teenage pregnancy rate sa South Cotabato noong 2015.
Ayon kay Galvez pinakamaraming teenage mother na umbot sa 273 ay nasa bayan ng Polomolok.
Pinakamabata naman sa kanila ayon kay Galvez ay isang 14 anyos na dalagita. PATAY ang isang rebelde matapos nagkaengkwentro ang New Peoples Army at militar sa bukiring bahagi ng Sitio Bulol Lomot, Barangay Datal Blao, Columbio Sultan Kudarat. Kinumperma mismo ito ni 39th IB Civil Military Operations Officer Capt. Danny Boy Tapang. Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng nasawi pero kombinsido ang opisyal na rebelde ito na pinaniniwalaang sakop ng Guerilla Front 72 Far South Mindanao Region. Ayon kay tapang, ginawa nila ang operasyon matapos makatanggap ng sumbong hinggil sa presensya ng mga rebeldeng nangingikil at nag-iextort sa nasabing lugar. Umabot ng 30 minuto ang naging palitan ng putok sa panig ng mga militar at rebelde na nagresulta sa pagkamatay ng nasabing lugar habang wala namang nasugatan sa mga myembro ng militar. Dagdag ng opisyal na ang kanilang mga nakasagupang rebelde ay mga kasamahan ng tumangay kay PFC Eduardo Hilaga Jr. na kanilang nakorner sa Highway Block sa Barangay Malasila, madaling araw noong Huwebes. HULI sa isinagawang buy-bust operation ng Kidapawan City PNP ang tricycle driver na si Jonathan Padernal Paniza alias ‘Atan’ at isang Marlon Icawalo Gutierrez na kilala sa alias na ‘Intsik’. Nahuli ang dalawa sa Poblacion, Kidapawan City. Nakuha mula sa mga suspect ang ilang gramo ng shabu na isang uri ng ilegal na droga at mga paraphernalia. Ayon sa report, matagal ding minamannan ng mga pulis ang dalawa hanggang sa tuluyang maaktuhan na nilang nagbebenta ng shabu ang mga ito. Nanguna sa buy-bust si Inspector Fulache ng intelligence division ng Kidapawan City PNP. Samantala Huli naman sa ginawang follow-up operations ng PNP ang dalawang lalaki matapos maaktuhang gumagamit ng ipinagbabawal na droga sa isang abandunadong gusali sa Pikit Public Market. Kinilala ni Pikit Deputy Chief Insp Sindatu Karim ang mga suspek na sina Alex Dinampao Mohamed, 32, at Kasan Lamalan Salik, 36, pawang residente ng Brgy. Punol, Pikit, North Cotabato. Agad namang sinampahan ng kaso ang dalawa at isinailalim sa inquest proceeding.****** HALOS limang ektarya ang lawak ng watershed sa Barangay Bituan, Tulunan sa North Cotabato ang natupok ng apoy, kamakalawa. Pero hanggang sa ngayon di pa batid ang sanhi ng sunog. Ikinababahala ng mga residente ang mabilis na pagkawala ng suplay ng tubig dahil na rin sa matinding epekto ng El Nino. Ayon kay Max Casulukan, chair ng Inter-Peace Zone Coordinating Council ng Tulunan, ang nasunog na watershed ang nags-suplay sa kanila ng malinis na tubig maiinom sa halos 200 mga pamilya sa erya. Plano ng taga-Barangay Bituan na agad magsagawa ng reforestation program para maibalik ang normal na daloy ng tubig sa kanilang mga gripo.

USM professor, nag-public apology sa pag-angkin ng thesis ng isang USM student

Public Apology ng dating university professor sa kanyang estudyante dahil sa pangongopya nito sa kanyang thesis. Naglabas ng kanyang public...

Imbestigasyon sa pagkasangkot ng 3 pulis sa pagpatay kay Capt Moralde sa MagNorte, nagsimula na -iimbestigahan ng PNP

INIIMBESTIGAHAN na ngayon ng PNP ang tatlong mga pulis na kasama ni Police Captain Roland Moralde nang ito'y paslangin ng limang mga gunmen sa public...

Cotelco announces power interruption on May 11 in Kabacan, Matalam

Kabacan, Matalam towns TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on...

Cotabato Light announces brownout sked in Sultan Kudarat

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company announced today a scheduled power interruption affecting Macaguiling, Sultan Kudarat on Thursday...

Cotabato Light urged consumers to conserve energy amid rising electricity rate for May

COTABATO CITY - Cotabato Light customers will experience an electricity rate hike in May due to increased generation charges from higher Wholesale...