Saturday May, 04 2024 10:07:18 AM

NDBC BIDA BALITA (April 30)

 • 18:51 PM Sat Apr 30, 2016
996
By: 
NDBC

NEWSCAST

APRIL 30,
2016 (SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. CIDG-ARMM, patuloy ang kampanya
laban sa illegal gambling at pagtugis sa mga miyembro ng mga private armed
group

2. Mga barangay sa Kidapawan City,
inulan ng yelo

3. Iba’t ibang aktibad tampok sa Labor
Day Celebration ng DOLE 12

4. Simbahan sa Matalam, nasunog piggery sadyang sinunog4. 14TH MONTH PAY, MATATANGGAP ng mga
empleyado ng Gobyerno ngayong Mayo

AMINADO si Crime investigation and
detection group o CIDG-ARMM Regional Chief Supt. Jimmy Daza na hirap sila na
tuluyang sugpuin ang illegal gambling sa rehiyon dahil sa kawalan ng
kooperasyon ng ilang mga naaaresto nilang sangkot rito.

Bagama't nagkakaroon sila ng ideya kung
sino ang mga financer sa lumalaganap na illegal gambling sa rehiyon, hirap
naman silang matunton ang eksaktong lokasyon ng mga ito.

Sa programang Madam Public service ng
DXMS Radyo Bida, inihayag ni Daza na bagama’t hindi medaling sugpuin ang
illegal gambling sa rehiyon, hindi naman ito gaanong problema.

Sa halip pinagtutuunan rin ng pansin ng
CIDG-ARMM ang mga private armed groups at loose firearms sa kanilang area of
responsibility lalo na sa lalawigan ng Maguindanao..

Kasabay nang pagsisikap ng CIDG-ARMM sa
pagsugpo nang iba't ibang krimen, kaakibat naman nito ang banta sa kanilang
seguridad.

Mula nang maupo bilang regional chief
ng CIDG-ARMM, aminado si Daza na nakakatanggap siya nang ilang threat pero
nanindigan siya sa kanyang tungkulin pati na ang pagpapairal ng batas. MATATANGGAP
na ng mga empleyado ng gobyerno ang kanilang 14th month pay sa May 15, 2016.

Ayon
sa Department of Budget and Management o DBM ang naturang 14th month pay ay ang
mid-year bonus na katumbas sa buwanang basic salary kaugnay sa Executive Order
o EO No. 201 na nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III noong Pebrero.

Sa
Budget Circular na pirmado ni Budget Secretary Florencio Abad makakatanggap ng
14th month pay ang lahat ng mga government employees, civilian at military
maging ito ay regular, casual, o contractual in nature, appointive o elective, full-time
o part-time.

NILINAW
naman ng DBM na hindi naman sakop sa naturang circular ang mga empleyado ng
government-owned at controlled companies.

TULUYAN
ng isusulong ng Department of Labor and Employment o DOLE ang istriktong
eight-hour working period para sa empleyado ng film at TV.

Sa
ipinalabas na Labor Advisory 04 ni Labor secretary Rosalinda Baldoz, sakop ang
lahat ng mga manggagawa sa Telebisyon at pelikula na obserbahan ang walong oras
na pagtatrabaho.

Dagdag
pa nito na dapat hindi lumagpas pa sa mahigpit na 12 oras sa isang araw ang
gugulin ng mga trabahador sa nasabing mga industriya.

Nilinaw
din nito na bago aniya ipalabas ang nasabing advisory ay nakipagpulong pa ito
kina Film Academy of the Philippines director general Leo Martinez, Actor's
Guild president Rez Cortez, at iba pang malalaking pangalan sa naturang
industriya.

PRAYORIDAD
ng Department of Environment and Natural Resources na maibigay ang mga good
lumber sa Department of Education.

Ito'y
para magamit sa kabi-kabilang ipinapatayong mga classrooms para sa full
implementation ng K-12 program sa darating na Hunyo.

Kaugnay
ito ng tambak na mga puno na nasa kanilang pangangalaga mula sa Department of
Public Works and Highways o DPWH dahil sa mga naputol na punong-kahoy sa
kanilang mga road widening projects.

Ayon
kay DENR spokesperson Joel Perillo, bagama't sa huling mga nai-turnover sa
kanilang mga naputol na kahoy ay wala pa silang napipiling mga beneficiaries.

Binigyang
diin ni Perillo na prayoridad ng kanilang kagawaran ang DepEd para maggamit sa
pagpapatayo ng mga classrooms at mga upuan ng mga mag-aaral.

Kaugnay
nito, nabanggit din ni Perillo na una nang nabigyan ang ilang mga local
government units at ilang mga ahensiya ng pamahalaan na humiling sa kanilang
opisina para sa mga punong-kahoy na nasa kanila Patay
ang dalawang hindi pa nakilalang Islamic State of Iraq and Syria o ISIS
sympathizer sa nangyaring engkwentro sa Dalioa, Maasim, Sarangani.

Sa
pinagsanib na elemento ng pulisya, huhulihin sana ang wanted bomber na si
Muhammad Maguid alyas Tokboy gamit ang 15 warrant of arrest pero nakatunog ang
tropa nito kaya nagkaroon ng kalahating oras na bakbakan.

Hindi
nakuha ang target pero dalawa sa kasama nito ang napatay.

Narekober
ng pulisya ang dalawang M1 carbine rifle, improvised barret, mga improvised
explosive device, dalawang 60 mm mortar at sari-saring mga bala.

Nakuha
rin sa lugar ang mga subersibong dokomento ng grupong Ansar al Kalifha na
suporter ng ISIS at itim na flag.

Sinabi
ni Supt. Maximo Sebastian Jr. ng RSIDT-12, nabawasan ang kakayahan ni Kumander
Tokboy para maghasik ng kaguluhan subalit magpapatuloy aniya ang interventions.

Wanted
si Tokboy na pinaniniwalaang nasa likod ng bombing incident noong 2008 at
nakatakas sa Sarangani Provincial Jail noong 2010.

Noong
nakaraang taon naman, walong tauhan ni Tokboy ang namatay sa sagupaan laban sa
pulisya at Philippine Marines. Kung si brgy.Kalaisan Kagawad Elma Umac ang tatanungin mala jolen raw ang laki sa mga yelong bumagsak sa kanilang bubong nitong nakaraang araw sa Kidapawan City.Una raw pumatak ang naturang mga yelo at sinundan naman ng malakas na buhos ng ulan pasado alas tres ng hapon nitong huwebes.Ayon kay Umac hinawakan pa umano ng kanyang mga anak ang naturang mga yelo na parang kristal ang kulay.Takot naman ang naramdaman ng ilang mga residente dahil ito pa ang unang pagkakataon na umulan ng yelo sa lugar.Ang thunderstorm o ang pag-ulan ang siyang dahilan ng pag-ulan ng yelo o hailstorm dahil ang CUMULONIMBUS clouds ay gawa sa ice particles.Aniya, habang bumababa lumulusaw kaya gamais na lang pagbagsak sa lupa.Ang insidente ay nangyarin rin sa brgy. Paco ng lungsod at maging sa ilang parte ng Luzon.Samantala sa kabila ng malakas na buhos ng ulan na ikinatuwa ng ilang magsasaka, libu-libong mga puno ng saging naman ang natumba dahil sa naturang ulan.Ilang mga banana planters naman ang apektado nito.Isa rito ang pamilya nina Umac kung saan mula sa dalawang libo nilang puno ng saging ay limang daan na lamang ang natira dito.Aniya hindi na raw ito mapapakinabangan kung saan umabot sa halos isang daang ektarya ang naapektuhan. Sinimulan na ng Kidapawan City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC ang assesment sa pinsalang dulot ng Ipu-Ipo na tumama sa ilang mga barangay sa Kidapawan City.Sinabi ni CDRRM focal person Psalmer Bernalte, ang nabanggit na insidente ay nag-iwan ng pinsala sa hanay ng agrikultura ug imprastraktura.Sa inisyal na datus, nasa 13 mga bahay ang nasira ng hangin kung saan walo nito ay mula sa brgy. Magsaysay habang apat naman mula sa brgy. Balindog. Lima rito ang totally damaged matapos matamaan ng Ipu-ipo at nabagsakan ng punongkahoy.Malawak rin na area rin ng sagingan ang nasira partikular sa Brgy Kalaisan, Katipunan, Singao, at brgy. Linangkob.Inaasahang aakyat pa ang bilang ng mga apektadong residente habang hinihintay pa ang resulta sa ginawang validation mula sa barangay officials at City Agriculturist.Ayon pa ka Bernalte agad nilang isusumite ang kanilang nakalap na datus sa CDRRMC para agad na matukoy ang tulong na pwedeng maipabot ng lokal na pamahalaan sa mga apektadong pamilya. Emosyonal ang naging pagkikita ulit ng 79-anyos na si Valentina Berdin sa kanyang pamilya matapos itong makauwi kasama sa 70 mga magsasaka na nakasuhan ng PNP sa Kidapawan City rally.Sa impormasyon nakalap ng Radyo Bida, personal umano silang inihatid ng mga organizers sa kanilang mga tahanan sa ibat ibang barangay sa Arakan, North Cotabato noong hapon ng Miyerkules.Sinabi ni Berdin na kahit paman hindi pa natapos ang pagdinig sa kanilang kaso ay susubukan nila uli ang pamumuhay ng normal sa pamamagitan ng pagsasaka sa kanilang mga lupa.Pero nilinaw naman ng mga organizers na kailangan pa ang presensya ng mga magsasaka sa nakatakdang hearing sa korte para harapin ang kanilang kaso.Ang mga akusado ay nagkaroon ng temporaryong kalayaan matapos silang makapagpiyansa ng anim hanggang labindalawang libong piso sa tulong na rin ng ilang indibidwal at grupo. Ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban kay North Cotabato Governor Emmylou Taliño-Mendoza dahil sa kasong graft nito kaugnay sa P2.4 million fuel scam noong 2010.Nakapaghain kasi ang kampo ng gobernador ng motion for judicial determination sa 1st Division ng anti-graft court.Paliwanag naman ng legal counsel ng opisyal na si Atty. Thea Daep hindi pa raw nila natatanggap ang kopya ng desisyon ng korte na nag-uutos ng pagpapalabas ng arrest warrant laban sa kanyang kliyente.Noong April 18, iniutos ng korte ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban kay Mendoza matapos makitaan ng sapat na dahilan upang litisin ang kaso nito.Nagpasya ang hukuman na ikansela muna ang pagpapaaresto kay Mendoza nang tanggapin ng korte ang nasabing mosyon ng kampo ng gobernador.Iginiit naman ni state prosecutor Raymundo Julio Olaguer na hindi na dapat tanggapin pa ang mosyon ng kampo ni Mendoza dahil idineklara na ng korte na mayroong probable cause ang kaso.Binigyan naman ng korte ng sampung araw ang prosekusyon upang makapagsumite ng kanilang komento. Limang araw naman ang ibinigay na palugit sa panig ng depensa para magkomento sa magiging kasagutan ng prosecution panel. Abot sa 250,000 pesos ang naging danyos ng lamunin ng apoy ang simbahan ng Iglesia ni Cristo sa Matalam, North Cotabato.Sa imbestigasyon ng pulisya electrical short circuit umano ang pinagmulan ng sunog.Sa kabilang dako, agad namang naaresto ang suspek sa panununog sa isang piggery sa nabanggit na bayan.Sinabi ni FOI Jaynald John Flores, investigator ng BFP Matalam, nakakulong na ang suspek habang pinababayad naman siya ng may-ari ng naturang piggery ng abot sa 250, 000 pesos bilang danyos nito.Ayon kay Flores, nakadagdag rin ang init ng panahon sa pagdami ng kaso ng sunog sa bayan.Nabatid na umabot sa 39 na kaso ng sunog ang naitala ngayon lamang unang quarter ng taon kung saan tatlumput lima sa mga ito ay grass fire habang apat naman ang naitalang structural fire kabilang na ang simbahan ng Iglesia ng Kristo at ng isang piggery sa bayan.Kaugnay nito, hindi naman tumitigil ang BFP Matalam sa kanilang awareness campaign para maiwasan ang sunog. Katunayan, magkatuwang ang BFP at ang Municipal Social Welfare and development Office sa bawat barangay ng bayan hinggil sa nasabing kampanya.NDBC BIDA BALITA

DENR-12 MANP Cotabato documents encounter with "Ibong Adarna"

KIDAPAWAN CITY - Four birds of the Philippine Trogon (Harpactes ardens), a bird species associated with the mythical Ibong Adarna, were documented...

Cotabato Light announces power service interruption in DOS

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) has announced a scheduled power interruption affecting Dinaig Proper to Tapian...

Barangay treasurer sa Cotabato City, anak na babae, patay sa ambush, isa pa sugatan

COTABATO CITY - DEAD on arrival sa pagamutan ang dalawang biktima na kinilalang si Mhadz Mamantal, Treasurer ng Mother Barangay Bagua, driver ng...

21 kilos shabu seized in Zamboanga City PDEA sting

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P145.5 million worth of shabu from four dealers entrapped in Barangay Mampang in Zamboanga City on...

2 cops linked to murder of police captain in Maguindanao Norte surrender

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - Two of five suspects who gunned down a police captain in a public market of Poblacion 2 in Parang,...