Sunday Apr, 21 2024 11:37:29 PM

NDBC BIDA BALITA April 4, 2016

 • 17:25 PM Mon Apr 4, 2016
1,391
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

APRIL 04,
2016 (MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. PAGPANG-ABOT ng mga raliyistang
magsasaka at mga pulis sa Kidapawan city, binatikos ng mga church leaders.

2. Mga magsasaka sa South Cotabato, sinuportahan ang mga kapwa magsasaka na nag-piket sa Kidapawan City

3. Mga raliyista na inaresto sa picket line sa Kidapawan City kakasuhan mga militanteng magsasaka, maghaharap din ng kaso laban sa LGU at PNP4. Mga magsasaka sa South Cotabato,
sinuportahan ang mga kapwa magsasaka na nag-piket sa Kidapawan City

5. Gov. Mendoza, mangunguna sa peace rally ngayong arawsa North Cotabato provincial capitol grounds.5. Islamic preacher, patay sa pamamaril sa Cotabato City UMANI ng mga negatibong reaksyon mula
sa mga lider ng simbahan sa buong bansa ang karahasang nangyari sa Kidapawan
city na ikinasawi ng tatlong magsasaka at ikinasugat ng marami pang iba noong
Biyernes, April 29.

Ito ay matapos na magpang-abot ang mga
pulis at mga raliyista na nakaharang sa national highway ng lungsod.

Ayon kay Catholic Bishops' Conference of
the Philippines o CBCP president Archbishop Socrates Villegas, maituturing na
isang trahedya ang pagkamatay ng isang tao lalong-lalo na kung ito ay
naghihirap sa buhay.

Ipinapanalangin ng arsobispo ang
mabilisang pagresolba sa problema at umapela sa mga raliyista at pamilyang
namatayan na iwasan ang paghihiganti.

Hinihikayat din ni Villegas ang mga
pulis na bumalik sa kanilang mandatong protektahan ang naaapi at tulungan itong
makamit ang hustisya.

Una rito, mula sa bayan ng Arakan,
binisita ng Italyanong misyonero na si Fr. Peter Geremiah ang mga magsasakang
nagpoprotesta sa Kidapawan city dahil mga parishioner niya ang ilan sa mga ito
at benepisyaryo ng mga proyekto ng parokya.

Sabi naman ni United Methodist Church
General Secretary Susan Henry-Crowe na kailangang magkaroon ng makatarungan at
mapayapang solusyon sa hinaing ng mga magsasaka.

Tinawag naman ng ecumenical group na
Promotion of Church People’s Response na isang barbaric action” ang ginawa ng
mga alagad ng batas at maituturing aniya itong pagpapabaya sa karapatang pantao
ng mamamayan.

Dahil dito, maglulunsad ng fact-finding
mission ang grupo.

Binatikos din ng Iglesia Filipina
Independencia ang hindi pagtugon ng pamahalaan sa hinaing ng mga magsasaka at
paghahabol sa mga ito kahit nasa loob na ng Methodist church.

Ayon kay IFI Bishop Rhee Timbang ng the
Diocese of Surigao, isang pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao ang
ginawa ng law enforcers sa mga magsasaka na siyang naghahatid ng pagkain sa
mamamayan.

Aniya, sa ibang lugar ay
pinoprotektahan ng pamahalaan ang mga magsasaka pero sa Pilipinas, ang pamahalaan
pa ang nagpapahirap sa mga ito.

Samantala, ngayong araw, pangungunahan ni North Cotabato Gov. Emmulou Mendoza ang prayer rally for peace sa Amas provincial capitol grounds.Ito ay tugon sa nagaganap na kilos protesta naman ng mga magsasakang humihingi ng bigas mula sa pamahalaan dahil sa nararanasang gutom dulot ng drought. Kinondena ng grupo ng mga magsasaka sa Koronadal City ang umanoy marahasa na dispersal at umanoy kapabayaan ng local na pamahalaan sa mga magsasakang nagpiket sa Kidapawan City.Abot sa mahigit isang daang mga magsasaka na pawang myembro ng militanteng grupo ang nag-noise barrage sa harap ng Koronadal City Police Station, hapon noong Sabado.Pagkatapos nito, nagmartsa naman ang grupo patunong harap ng City Public Market kung saan itinuloy ng mga ito ang kanilang kilos protesta.Ayon kay Anakpawis National Coordinator Domingo Azures,ang kanilang ginawa ay bilang pagpapakita ng pagka-dismaya sa umanoy marahas na dispersal ng mga nag-piket sa Kidapawan City.Ikinadismaya din ng grupo ang kabiguan ng lokal pa pamahalaan na tugunan ang hinihiling na bigas ng mga magsasakang apektado ng tagtuyo’t.Nananawagan din ang grupo kay Governor Daisy Avance Fuentes na ibigay na ang rice assistance sa mga drought victims sa South Cotabato.Kinumpirma din ni Azures ang pagpunta ng kanilang grupo sa Kidapawan city para bigyan ng suporta ang mga kasama nilang mga magsasaka. PATULOY PANG INAALAM
ng mga otoridad ang motibo sa pamamaril sa isang ustadz pasado alas tres ng
hapon kamakalawa sa Yap-Sy extension, barangay Rosary Heights 10, Cotabato
city.

Kinilala ang
biktima na si Ustadz Adzis Pasawilan Ayao alyas Ustadz Ampan Lawa Ayao, 59 years
old, at taga-Barangay Tanuel, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.Batay sa
inisyal na imbestigasyon ng City PNP, papasok na sana ng Ummoh Abdulrakim
mosque ang biktima nang pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek.

Nagtamo ng
tama ng mga bala mula sa kalibre 45 na pistola si Ustadz Ayao sa kanyang ulo at
katawan dahilan ng agaran niyang pagkasawi.

Agad namang
nakatakas ang suspek habang narekober sa crime scene ang pitong empty shells ng
caliber 45 pistol.

Samantala,
sa Pigcawayan, North Cotabato, kinilala na ng PIGCAWAYAN PNP ang lalaking nasawi
matapos magtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo noong biyernes ng gabi, April 1.

Ayon
sa report, mismo ang kaanak na nito ang kumilala sa biktima na nagngangalang
Henry Te matapos itong lumapit sa kanilang istasyon.

Matatandaang
nananawagan ang mga otoridad sa publiko sa posibleng kaanak ng biktima matapos
itong barilin at binawian ng buhay sa ospital.

Ang
biktimang si Henry Te na nasa edad na 40, ay binaril at napatay habang nakasakay
ito sa kanyang Kulay Black at blue na Suzuki G110 na motorsiklo na may plakang
9486MD sa bayan ng Pigcawayan.

Patuloy
namang iniimbestigahan ng mga otoridad kung sino ang nasa likod ng pamamaril sa
biktima at kung ano ang motibo nito. SINAMPAHAN
NA ng kasong paglabag sa section 11 at 12 ng Republic act 9165 o comprehensive
dangerous drugs act of 2002 ang isang lalaki na naaresto ng Criminal
Investigation and Detection Group o CIDG Central Mindanao noong nakaraang
linggo.

Naaresto
ng CIDG-CENMIN si Roben Oriol Ponce sa Sitio Quarry, Brgy. Awang, Datu Odin
Sinsuat, Maguindanao.

Nakuha
mula kay Ponce ang labing-limang pakete ng pinaniniwalaang shabu.

Agad
namang inendorso sa ARMM crime laboratory ang mga nakumpiskang ebidensya.

Kung
saan nag-positibo sa laboratory test ang mga nakumpiskang shabu na may bigat na
20.77 grams na nagkakahalaga ng abot sa 94 thousand pesos.

SAMANTALA,
sa ilalim ng kanilang kampanya laban sa mga wanted person sa lalawigan ng
Maguindanao, arestado naman si Emerson Tagay alais Botoy na nahaharap sa kasong
Frustrated Murder mula pa noong nakaraang taon.

Huli
si Tagay sa pinagsanib na puwersa ng CIDG-ARMM at North Upi PNP sa Sitio Kape
brgy. Sefegefen, North Upi, Maguindanao.

Inirekomenda
naman ng korte ang abot sa 200 thousand pesos na piyansa para sa kasong
ikinakaharap ng suspek.

Samantala,
matagumapay naman na naaresto ng PDEA-ARMM ang fifth most wanted person ng
Maguindanao PNP at PDEA ARMM at isa pang kasama nito sa kanilang isinagawang
drug buy bust operation sa Mabini Interior, Bagua 3, Cotabato City noong sabado
ng umaga, April 30.

Kinilala
ang mga naarestong suspek na sina Mokademin Salvo at Usop Salvo.

Nakuha
mula sa kanila ang isang small heat-sealed at tatlong large heat-sealed sachets
ng shabu na may bigat na sampung gramo, limang pirasong tig isang daang piso
bilang marked money, assorted empty plastic sachets, gunting, lighters at bank
receipts.

Kasalukuyang
nasa kustudiya na ng PDEA -ARMM ang mga suspek habang inihahanda na ang kasong
RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa kanila.

NAKARANAS ng labing isang
oras na brownout ang mga power consumer ng Cotabato Light and Power Company
kahapon, April 3.

Ayon sa COLIGHT, ito ay para mabigyang daan ang the scheduled repair and maintenance ng
National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa Capiton-Pinaring line
section.

Nangyari ang power
interruption mula alas siyete ng umaga hanggang alas sais ng gabi.

Gayunman, nagpatupad ng
tig-dalawang oras na pagrarasyon ng kuryente sa kanilang mga power consumer
gamit ang kanilang standby generator.

Samantala,
ngayong Sabado, April 9 ay magkakaroon muli ng limang oras na brownout sa
lungsod mula alas siyete ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.

Ito ay
para sa ma-disconnect ang loop o jumper at pagkabit ng mga drop wire pagkatapos
ng repair andamp maintenance.

Sa
April 24, makakaranas din ng isang oras na brownout ang mga mamamayan ng
lungsod para sa shifting ng power supply mula Tacurong patungong Sultan Kudarat
Substation.

Tiniyak
naman ng Colight na ginagawa nito ang lahat ng paraan para mabigyan ng sapat na
supply ng kuryente ang kanilang mga power consumer. NAGHIHINTAY
PA RIN NGAYON NG feedback ang militar kaugnay sa estado ng apat na kidnap
victims na pwersahang dinukot sa Samal Island sa Davao del Norte noong
nakaraang taon.

Ayon
kay AFP Public Affairs Office chief Col. Noel Detoyato na nagpapatuloy pa rin
ang kanilang search and rescue operation para masalba ang mga bihag.

Batay
kasi sa video na inilabas ng mga Abu Sayyaf Group o ASG noong March 8, binigyan
lamang nila hanggang April 8 ang mga concerned individual para ibigay ang
kanilang hinihinging ransom kalapit sa kalayaan ng mga bihag.

Napag-alaman
na tig isang bilyong piso ang ransom na hinihingi ng ASG sa bawat isang kidnap
victim.

Binigyang-diin
naman ni Detoyato na prayoridad ng militar ang kaligtasan ng mga bihag kaya ginagawa
nila ang lahat para sagipin ang mga ito.

Hawak
ngayon ng ASG ang mga bihag na sina John Ridsel at Robert Hall pawang mga
Canadian national, ang Norwegian na si Kjartan Sekkingstad at ang Pinay na si
Maritess Flor.

Banta pa
ng ASG, kapag hindi ibinigay ang kanilang demand ay pupugutan nila ang kanilang
mga bihag.

Naninindigan
naman ang militar na mahigpit nilang ipinapatupad ang ‘no ransom policy’ ng
pamahalaan. Problema pa rin ang road right of way sa 57 sa 110 na mga provincial road sa South Cotabato, ayon sa Provincial Planning and Development Office o PPDO.
Ito ang lumabas sa survey ng Road Inventory and Surveying Unit ng PPDO noong nakaraang taon.
Ayon kay Engineer Jose Daniel, 53 sa road right of way sa mga provincial road ay walang papeles o deed of donation .
Sinabi din ni Daniel na ilang mga road right of way din sa mga barangay ay sinakop na ng mga sakahan.
Problema din ang road right of way sa mga inilipat na provincial road.
Kinumpirma din ni Daniel na paiba iba rin ang lawak ng mga mga provincial road sa South Cotabato.
Upang maresolba ang problema, sinimulan PPDO ang geotagging sa mga kalasada at tulay sa lalawigan.
Isinagawa ang survey sa mga daan at tulay upang makabuo ng datus na gawing batayan sa pagpapatupad ng mga proyektong pang infrustruktura sa South Cotabato. Makatutulong sa pagsulong ng turismo ng South Cotabato ang National PRISAA Games sa Koronadal City.
Ayon kay Provincial Administrator Danilo Supe, magandang pagkakataon ang isang linggonog sport event upang ipakita ang kultra at turismo ng lalawigan.
Ito ang dahilan kung bakit ayon kay Supe tampok sa pagbubukas ng PRISAA games ang Madal Be’lan, Kadsagayan Alalan, at Kasadyahan sa kapatagan Street Dancing.
Ipinakita ng mga ito ang kultura ng tri-people ng South Cotabato.
Mabibili din sa Protect Center ang mga souvenir items, processe foods at iba pang mga produktong ipinagmamalaki ng lalawigan.
Sa isang pulong balitanaan, ipinahayag ni Supe na may inihahanda ring tour package para sa Lake Sebu ang Arts, Culture Tourism and Sports o ACTS Promotion Unit para sa mga PRISAA delegates.
Ang PRISAA ay dadaluhan ng may 6,000 na mga manlalaro mula sa pribadong ekswelahan sa bansa. Sasanayin sa group dynamics at team building ang mga scholars ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA region 12.
Ayon kay OWWA 12 Regional Supervisor Marilou Sumalinog, layon ng pagsasanay ayon kay Sumalinog na maituro sa mga OWWA scholars ang mga nararapat gawin bilang mga iskolar ng gobyerno.
Binigyan diin ni Sumalinog na maliban sa tulong pinansyal, tinutulungan din ng OWWA sa iba pang aspeto ng buhay ang kanilang mga scholar. Ayon kay Sumalinog tema ng kanilang 6th Scholar Conference ang Kabataang may maayos na kaisipan, karangalan ang hatid sa ating lipunan.
Gaganapin ang training sa General Santos City sa Abril 7 at 8
Ito ay dadaluhan ng may isang daang benipisyaryo ng Educational Development Scholarship Program EDSP, OFW Dependent Scholarship Program o ODSP at Congressional Migrant Workers Scholarship Program o CMWSP scholarship programs ng OWWA. Nakapagtala ng 59 na kremin ang pulisiya sa Koronadal City sa unang tatlong buwan ng 2016.
Ayon kay Koronadal City Police Director, Superintendent Barney Condes.Ito ay mas mababa kung ikukumpra sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Naniniwala si Condes na ito ay resulta ng pagpapatupad ng lambat sibat” ng PNP.
Ipinahayag ng police official na kabilang sa mariing tinututukan ng PNP ngayon sa Koronadal ang mga kaso ng murder, homicide, robbery, carnapping at physical injury.
Kaugnay nito umaapela naman si Condes sa publiko na maging maingat sa pag park ng kanilang motorsiklo, upang hindi masalisihan ng mga magnanakaw.
Ayon kay Condes karamkihan kasi sa mga nawalang motorsiklo sa Koronadal ay ipinarada sa mga di ligtas na lugar.
Pinakamaraming motorsiklo sa Koronadal ay ninakaw sa mga barangay ng Sto. Nino, Morales, Zone II at Zone III.NDBC News AM April 4

13 potential human trafficking victims rescued in Tawi-Tawi

BONGAO, Tawi-Tawi - Prompt response by combined forces from 1st SOU Maritime Group (lead unit), 1st Tawi Tawi PMFC, Sea Marshall Unit-SWM, Coast...

Bloody 'rido' in isolated North Cotabato barangay waning down

COTABATO CITY --- Guns are silent in Barangay Matilac in Pigcawayan, North Cotabato since last week after the military had repositioned away from...

Sultan Kudarat province, isinailalim sa state of calamity dahil sa El Niño

ISULAN, Sultan Kudarat - Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu has placed the entire province of Sujltan Kudarat under state of calamity due to El Niño that...

2 wounded in Cotabato City ambush

COTABATO CITY - Two Moro residents were wounded in an ambush at a residential area here on Friday night that caused panic among villagers....

Iba’t-ibang mga kagamitang pandigma, isinuko sa 57IB

  CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Boluntaryong isinuko ng mga residente sa tatlong mga lugar na nasasakupan ng 57th Infantry (Masikap)...