Sunday Apr, 28 2024 04:11:23 PM

NDBC BIDA BALITA April 5, 2016

 • 23:32 PM Tue Apr 5, 2016
1,362
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

APRIL 5, 2016
(TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. BOMBA, SUMABOG sa loob ng Cotabato
City State Polytechnic College tatlo katao, sugatan.

2. MGA NAWAWALANG RALIYISTANG
MAGSASAKA, hawak daw ng mga otoridad sa Kidapawan city Cotabato Governor at Provincial
PNP Director, pinabababa sa pwesto

3. 400 mga magsasaka, nagrally din sa Koronadal, bigas kanilang hiningi

4. BLACKOUT SA NINOY AQUINO
INTERNATIONAL AIRPORT terminal 3, isang pambansang kahihiyan ayon sa isang
kongresista

INAALAM PA sa ngayon ng mga otoridad kung
sino ang nasa likod ng pagpapasabog ng isang Improvised Explosive Device o IED
sa Grand Stand ng Cotabato State Polytechnic College, sa Sinsuat Avenue,
Barangay Rosary Heights 4, Cotabato city pasado alas onse kagabi.

Batay sa report ng City PNP, tatlo
katao ang nasugatan sa naturang pagsabog na kinilalang sina Neil Barasbaras
Borja, 20 years old, Dondon Jumalon Bangis, 25 at Tyrone Sunico Jore, 17,
pawang mga taga- Notre Dame Avenue, Barangay Poblacion Uno ng lungsod.

Ang mga biktima ay nagtamo ng mga tama
ng shrapnel sa kanilang mga paa.

Nabatid na katatapos lang ng Battle of
the Bands sa nabanggit na lugar at pauwi na sana ang mga biktima nang mangyari
ang pagsabog.

Ayon naman sa mga nakasaksi, may nakita
silang mga lalaki sa likod nang grandstand ilang minuto bago ang pagsabog.

Samantala, sa inisyal naman na report
ng Explosive and Ordnance Disposal Team ng City PNP, ang naturang bomba ay gawa
sa Flash powder at mga pako bilang shrapnel.

Hihingi naman ng CCTV footages sa CCSPC
ang mga imbestigador dahil baka makatulong ito para matukoy ang mga responsable
sa naturang pagpapasabog.

IKINAGULAT ng mga namumuno ng Spottswood Methodist Center ang notisya na nagmumula sa opisina ng mayor ng Kidapawan City na nagsasabing kakanselahin ang kanilang business permit dahil sa umano pagpayag na gamitin bilang headquarter ng mga lider ng mga raliyista ang kanilang lugar. Para sa city government, ang naturang mga grupo ang siya’ng nanguna para lagyan ng harang ang national highway na umano isang malinaw na paglabag sa umiiral na batas trapiko. Nilinaw ni Mayor Joseph Evangelista na inabuso ng management ng Methodist ang pribelihiyo na ibinigay ng gubyerno sa kanila para mag-negosyo sa lugar. Ang notisya para sa business cancellation ay natanggap ni Revered Pastor Ernie Ramos ng United Methodist Church. Para kay Pastor Ramos isang panggigipit ito sa kanila ng lokal na pamahalaan. Ayon kay Reverend Pastor Manuel Rapisura, siya’ng tumatayong director ng Mission Center, naipagbigay-alam na nila sa kanilang abogado ang naturang isyu. SAMANTALA, pina-i-isyu ng Obispo ng United Methodist Church si Cotabato Governor Lala Mendoza ng public apology nang sabihin nito na ang Simbahan nila ay nagkakanlong ng mga ‘lawless elements’. Ayon kay Rev. Rapisura, ito ay kinakailangan dahil hindi lamang reputasyon ng kanilang Obispo ang nasira kundi ng buo nilang Simbahan. Nilinaw ni Rapisura na hindi mga kriminal ang kanilang kinakanlong kundi mga tao na wala nang makain dahil sa matinding gutom at kahirapan. NAKALULUNGKOT raw at nakakadismaya na kahit siya ay nananahimik na sa takbo ng pulitika sa North Cotabato ay pilit pa ring idinadawit si dating Governor Manny Pinol. Ang pinakahuling alegasyon ay nagmula mismo kay Agriculture Secretary Proceso Alcala. Sa national media inakusahan ni Alcala si Pinol na nasa likod ng mga magsasaka na nagsagawa ng rally noong nakaraang linggo para umano sirain ang kandidatura ni incumbent Governor Lala Mendoza. Nilinaw niya na walang tumatakbong Pinol sa pagka-gobernador. Pangalawa, hindi na siya nakikialam sa pulitika sa lalawigan. At pangatlo, Biyernes na siya napunta sa rally area. Ni minsan raw ay ‘di siya nakipag-usap sa mga raliyista. SINABI ni Pinol na ang tanging pakialam lamang niya sa rally ay no’ng pakiusapan niya ang tumatakbong presidente na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na kausapin ang mga raliyista na iwanan na ang barikada sa highway. Nangako raw si Duterte na pupunta ng Kidapawan City noong Biyernes. Pero di raw nila inakala na magiging madugo at marahas ang dispersal operations noong Biyernes. NAKIUSAP rin si Pinol kay Secretary Alcala na ‘wag niya’ng gawin sa North Cotabato ang magpalaganap ng mga maling impormasyon.At wag din siya’ng paasa tulad ng ginawa niya’ng pagpapaasa sa buong Pilipinas no’ng mangako siya na magkakaroon ng rice sufficiency sa bansa sa taong 2013. KULANG-KULANG isang libo na mga raliyista ang nasa loob ng Spottswood Methodist Center sa Kidapawan City. Ito ang mga naging pagtaya ni Reverend Ernie Ramos ng United Methodist Church at ni Bai Ali Endayla ng Gabriela party-list. Simula nito’ng Sabado ay higit tatlong libo na ang umalis ng Methodist, matapos sunduin ng kani-kanilang mga mayor, barangay official, pamilya, at mga kaanak. Pero tuluy-tuloy naman ang pagdating ng mga tulong tulad ng bigas, canned goods, at iba pang donasyon mula sa iba’t ibang grupo, institusyon, media, at mga artista. Sa ngayon, halos 700 na ang sako ng bigas ang nakarating sa Spottswood.Sa bilang na ito, 220 ang mula kay Robin Padilla 200 mula sa magkapatid na Jasmine at Anne Curtis 99 ang mula sa unknown donors at 146 ang mula sa media. Ayon kay Bai Ali Indayla, pantay-pantay ang hatian ng bigas sa bawat magsasaka na sumama sa rally. Ihahatid rin ang iba sa kani-kanilang mga organisasyon para maibahagi sa kanilang mga miyembro at nang may makain sila sa kanilang hapag-kainan. AT HABANG tuluy-tuloy ang pagdagsa ng tulong, nanawagan naman si Bai Ali kay Cotabato Governor Lala Mendoza at Sr Supt Alex Tagum ng Cotabato PNP na bumaba na sa puwesto. NAKAHANDA rin umano ang mga rally organizer na harapin ang anumang kaso na isasampa sa kanila ng gubyerno. PATAY ang isa sa mga pinaniniwalaang
holdaper na nagtangkang pasukin ang isang mall sa Cotabato city pasado
alas-onse ng umaga kahapon.

Habang sugatan naman ang isang security
guard na kinilalang si Ernesto Lawan na nagpapagaling ngayon sa ospital matapos
magtamo ng tama ng bala nang pagbabarilin ng mga suspek.

Ayon kay City Police Station 1
Commander Sr. Insp. Lorenzo Henares, bago pa ang insidente ay may nakalap na
silang impormasyon na may notoryus na grupong nagtatangkang mang-holdap sa mga
mall o establisyemento sa lungsod.

Base sa kanilang inisyal na
imbestigasyon, papasok na nang entrance ng mall ang nasa dalawa hanggang apat na
suspek at binaril ng mga ito si Lawan.

CUE.... HENARES

Nagkataon naman na nagpa-patrol sa
lugar ang mga pulis ng Police Station 1 kaya’t agad na nakapagresponde.

Nabatid na matapos na masawi sa
shootout ang isang hindi pa nakikilalang suspek ay nakatakas naman ang iba pa mga
kasama nito.

Samantala, nanawagan naman ang City PNP
sa mga posibleng kaanak ng isa sa mga suspek na nasawi sa naturang shootout na lumantad
ang kilalanin ito.

Naniniwala si Henares na sa pamamagitan
nito ay maaari silang makakalap ng dagdag na mga impormasyon hinggil sa iba
pang mga kasamahan nito.

Kasalukuyang
nasa Villa Funeral Homes sa lungsod ang mga labi ng nasawing suspek. 0NAABO
ang isang bakery sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao sa sunog na nangyari pasado
alas nuebe ng umaga kahapon.

Sinabi
ni Bureau of Fire Protection ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o BFP ARMM
Director Supt. Adam Guiamad na nasunog ang bakeshop na malapit sa highway na
pagmamayari ng isang Abdul Hadir Kalantungan.

Sinabi
ni Guiamad na mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang
naturang establisimiento.

Gayunman,
mabilis ding naapula ang sunog na nagtagal ng hanggang 40-minuto.

Tinatayang
nasa isang daan libong piso ang kabuuang danyos sa naturang sunog.

Samantala, hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa ang
imbestigasyon ng BFP ARMM para matukoy ang pinagmulan ng sunog. TINATAYANG
UMAABOT NA sa dalawang milyong piso ang danyos sa nagpapatuloy na forest fire
sa paanan ng Mt. Matutum sa Polomolok, South Cotabato.

Ayon
sa Polomolok Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, abot na sa 55
ektarya ng taniman ng kape ang apektado na bahagi ng tinatayang nasa 100
ektaryang lupaing nasusunog sa Brgy. Kinilis.

Nasa isang
daang indibidwal o mahigit 50 pamilya naman ang apektado at inilikas mula sa Purok
5, 6, 7, at 8 sa nasabing barangay.

Ang
mga naturang bakwit ay pansamantalang nanunuluyan ngayon sa covered court ng Purok
Uno, Brgy. Kinilis.

Nabatid
na tatlong araw na ang nakakaraan mula nang magsimula ang sunog sa naturang
bundok.

Ayon
sa Bureau of Fire Protection – Polomolok, nahihirapan sila na apulahin ang apoy
dahil nahihirapang makapasok ang kanilang mga bombero sa lugar.

Una
rito, ipinagbawal na ng lokal na turismo sa lugar ang pag-akyat sa naturang
bundok para na rin sa seguridad ng mga trekker. HANDANG
IPAGLABAN ni PNP chief Police Director-General Ricardo Marquez ang hiling na
isang libong pisong allowance para sa mga pulis na magbabantay sa mismong araw
ng halalan sa May 9.

Sinabi
ni Marquez na non-negotiable ang nabanggit na halagang nais niyang ibigay sa
bawat pulis na tutupad ng kanilang election duties lalo na sa mga mabababad sa
mga polling precinct.

Ayon
kay Marquez, hindi malaki ang kanilang hinihingi kung ikukumpara sa mga gurong
magsisilbing Board of Election Inspectors na bukod sa allowance ay matatanggap
pang honorarium.

Iginiit
ng opisyal na hindi siya papayag na maipagkait ang one thousand pesos allowance
para sa kanyang mga kasamahan na tiyak na sasabak sa peligro sa papalapit na
halalan. Tumanggap ng parangal bilang Best in Local Health Initiatives in Family Planning Program sa buong rehiyon dose ang Provincial Health Office ng Sarangani.
Naging batayan naman sa pagbibigay ng parangal ang tatlong mga programa sa lalawigan, tulad ng Paaral sa Sarangan, Tutok Buntis, at Resilliency program para sa mga Barangay Health Workers sa lalawigan.
Nabatid na ang Paaral sa Sarangan ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga Indigenous People o IPs na magaral ng midwifery.
Layon nito na matugunan ang kakulangan ng mga health personnel sa mga liblib na barangay ng Sarangani.
Siyam sa 13 scholar ng lalawigan ay nakapasa sa midwifery licensure exam at ngayon ay nagtatrabaho na sa provincial government.
Ang tutok buntis naman ay nakatutuok sa pangangalaga sa mga buntis para masawata ang pagkamatay ng mga ina at kanilang sanggol.
Tintutukan din ng pamahalaang panlalawigan ng Sarangani ang pagpapababa ng teenage pregnancy.
Nabatid na abot sa 3,203 na mga kabataang may edad 10 hanggang 19 ang naitalang nabuntis sa Sarangani noong 2015. Umapela si Koronadal City Police Director, Superintendent Barney Condes sa mga tircyle drivers na tumulong sa pagpapanatili ng katiwasayan sa lungsod.
Ito ay habang ginananap sa lungsod ang National Private Schols Athletic Association o PRISAA meet .
Ang kahilingan na ito ay ipinarating ni Condes sa pamamagitan ng mga opisyal ng iba’t ibang tricyle drivers associations na pinulong nito kamakalawa.
Hiniling din ng police official sa mga tricyle drivers na agad na isumbong sa mga kinaukulang ang kahinahialang bagay o personalidad.
Pinayuhan din ni Condes ang mga ito na huwag mamili at protektahan ang mga pasahero sa pamamagitan ng paniningil ng tamang pasahe.
Binigyan diin ni Condes na sa pamamagitan ng magandang pakikitungo sa mga bisita, makatutulong ang mga tricyle drivers sa pagbuho ng imahe ng lungsod bilang isang matiwasay na lugar. Ang PRISAA meet na itinuturing na palarong pambansa ng mga pribadong ekswelahan ay nilahukan ng mahigit 6 na libong delegado mula sa 17 rehiyon sa bansa.
Ito ay magtatapos naman sa April 9. Patay ang isang senior citizen matapos barilin ng riding tandem na mga suspek sa Tupi, South Cotabato.
Kinilala ni Tupi Chief of Police, Inspector Rey Egos ang biktima na si Normita Camit, sitenta’y uno anyos, single at residente ng Poblacion, Tupi.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na ang biktima ay binaril ng isa sa mga supek.
Ito ay habang abala sa pakikipag transakyon sa harap ng isang rice mill para sa shelling at drying ng kanyang mais, sa Poblacion, Tupi dakong alas nuebe ng umaga kamakalawa.
Ang biktimang si Camit ay tinamaan ng bala ng bala ng baril sa kanyang kaliwang mukha.
Siya ay nasawi habang ginagamot sa Garcia Clinic and Hospital sa Tupi.
Narecover ng mga pulis sa crime scene ang basyo ng 45 pistol.
Ang mga suspek na naka ball cap at bonnet ay agad na tumakas sakay ng pulang Honda XRM 125 motorcyle na walang license plate.
Di pa batid ng mga pulis kung ano ang motibo ng mga salarin sa pagpatay sa biktima. Nagpadala ng ng mga rescuer ang local na pamahalaan ng T’boli sa nasusunog na bahagi ng Lake Holon.
Ayon kay T’boli Mayor Dibu Tuan, layon nito na alamin ang lawak ng pinsala ng grassfire na nagsimula pa kamakalawa ng gabi.
Sinabi ng alkalde na para sa mas maayos na pagresponde sa grass fire, nagtatag na rin ng command center ang T’boli LGU.
Ayon kay Tuan, para mapigilan ang pagkalat ng apoy at di matulad sa Mt. Apo, plano ngayon ng local na pamahalaan na gumawa ng fire line sa nasusunog na lugar.
Nilinaw naman ni T’boli Chief of Police, Inspector Jose Mari Simamgan, na walang epekto sa pagdating ng mga turista sa Lake Holon ang grass fire.
Ayon kay Simangan ang grass fire ay naganap malapit sa outlet ng Lake Holon na malayo sa campsite at trail paakyat sa lawa.
Ipinahayag ni Simangan na dahil sa wala namang pumunta sa lugar, ang grass fire ay maaring sanhi ng sobrang tindi ng init ng panahon. Matatandaan na para mabigyan daan ang rehabilitasyon nito, mahigit tatlong buwang ding isinara sa mga turista ang Lake Holon. Kinalampag ng abot sa apatnaraang mga myembro ng militanteng grupo ang tanggapan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD 12 sa Koronadal City kahapon.
Ayon kay Anakpawis National Coordinator Domingo Azures kabilang sa kanilang hiniling sa DSWD ay ang mabigyan ng sapat na bigas ang mga magsasaskang apektado ng El Nino Phenomenon.
Hiniling din ng grupo sa ahensya na kumbinsihin ang mga local government units na gamitin na ang kanilang calamity fund para pantulong sa mga biktima ng tagtuyo’t.
Ayon ky Azures ito ay bilang pagpapakita na rin nila ng suport sa mga kapwa magsasa na nagpiket sa Kidapawan City.
Mapayapa namang umalis ang mga protester nang makipag pulong sa kanila ang mga opisyal ng ahensya.
Ayon kay DSWD 12 Assisant Regional Director Emelita Dizon, tutulong ang ahensiya sa mga mamamayang nagpiket sa Kidapawang City.
Sa katunayan ayon kay Dizon nakapagpadala na sila ng bigas sa Methodist Center kung saan nanatili ang mga nagpiket na magsasaka. Ayon kay Dizon magsasagawa rin ng stressed debriefing ang DSWD 12 sa mga nagpiket lalong lalo na sa mga bata at kababaihan na maaring na-trauma sa karahasang nasaksihan. SABAY-SABAY na nag-usal ng dasal o pangalangin para sa mga pulis ang daan-daang mga pastor mula sa iba’t ibang kongregasyon ng mga Protestant churches mula sa iba’t ibang Simbahan sa buong lalawigan ng North Cotabato sa prayer rally na ginawa sa provincial capitol complex, kahapon. Lumuhod ang higit isang daang mga pulis sa pangunguna ng kanilang provincial director na si Senior Superintendent Alex Tagum, habang umuusal ng dasal para sa kanila. Pagkatapos nito ay pumirma ng kanilang commitment at statement of support sa provincial government at sa PNP ang mga dumalo sa peace rally kahapon. Sa malaking tarpaulin nakasulat ang suporta ng iba’t ibang sektor at institusyon sa liderato ni Governor Mendoza. Wala naman sa prayer at peace rally ang gobernadora. Ito ay dahil hindi naman siya ang nanguna sa rally kundi kusang isinagawa ng mga religious organizations. Nagsimula ang prayer rally bandang alas-nuebe ng umaga at nagtapos bandang alas-onse y media ng tanghali, kahapon. Dinaluhan ng higit 10 libo katao.

Dealer killed, P13.6-M worth shabu seized in Sulu PDEA operation

COTABATO CITY --- Anti-narcotics agents seized P13.6 million worth shabu from a peddler who was killed in a shootout he provoked when he sensed he...

Miss Unverse PH in float parade in Sultan Kudarat

ISULAN, Sultan Kudarat - The 2024 Miss Universe Philippines candidates during float parade from Tacurong City to Isulan town. ...

DSWD advises 4Ps cash grants beneficiaries to use ATM cards wisely

MANILA - Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) eligible beneficiaries may now claim their cash grants from select Land Bank of the Philippines...

New political party in BARMM inducts new officers, members in Cotabato City

COTABATO CITY - Mass oath taking of officers and members and general assembly ng "Serbisyong Inklosibo Alyansang Progresibo" o SIAP Party na...

Leaders fuse ranks for peaceful 2025 BARMM elections 

COTABATO CITY - Three provincial governors and the congressional representative of Basilan have agreed to help each other ensure a peaceful and...