Sunday May, 05 2024 07:48:46 PM

NDBC BIDA BALITA (Aprl 8, 2016)

 • 17:10 PM Fri Apr 8, 2016
1,170
By: 
NDBC-NCAT

NEWSCAST

MARCH 08,
2016 (FRIDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. NAKAPARADANG SASAKYAN, inararo ng
hindi pa matukoy na uri ng sasakyan sa Cotabato City

2. Cotabato Gov. Mendoza itinuro ang
PNP sa Dispersal ng mga raliyesta sa Kidapawan City Sr. Supt. Tagum ng CPPO, at Supt. Calinga ng
KidapawaN City PNP sinibak na sa kanilang pwesto

3. 130 sachet ng suspected shabu
narekober ng mga pulis sa T’boli, South Cotabato

4. North Cotabato, makakaranas na naman ng mahabang brownout PINANINIWALAANG INARARO nang hindi pa
matukoy na klase ng pribadong sasakyan na may license plate na RNW 804 ang
isang kulay puti na KIA AVILA na may license plate KEK 451 pasado alas-12 ng
hatinggabi kanina.

Ayon kay Cotabato City Traffice
Management Unit deputy Chief Ramil Andongan, nakaparada lamang ang KIA AVILA sa
kahabaan ng Sinsuat Avenue partikyular sa may Ante Residence sa lungsod nang
mabangga at araruin ng di pa matukoy na klase ng sasakyan.

Ayon kay Andongan mismo ang mayari ng
KIA na si Glenn Iran ang tumawag sa kanila para ipagbigay alam ang sinapit ng
kanyang sasakyan.

Malaki naman ang natamong pinsala sa
likurang bahagi ng naturang puting sasakyan.

Naniniwala si Andongan na mabilis ang
pagpapatakbo ng nakabanggang sasakyan dahilan upang umabot sa kabilang bahagi
ng Sinsuat Avenue ang KIA Avila na sasakyan mula sa area kung saan ito
nakaparada.

Bagama't hindi na identify ang nasabing
umararong sasakyan, NAIWAN naman nito ang LICENSE PLATE sa area na na may plate
number RNW 804.

NASAMPAHAN na
ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang isang kasapi ng Philippine Army
matapos mahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint ng PNP sa Tamontaka
bridge, Cotabato city pasado alas 10and00 kamakalawa.

Kinilala ang
nasabing sundalo na si PFC Ali Kala Baraguir, 46 anyos, residente ng Dalican,
DOS, Maguindanao at kasapi ng Philippine Army's 40th Infantry Battalion na
nakabase sa Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao.

Ayon sa
report ng Police station # 3, minamaneho ni Baraguir ang isang kulay pulang
motorsiklo na walang license plate nang maharang ng pulisya.

Nang usisain
ng tropa si Baraguir ay dito nakuha mula sa kanyang ang isang kulay itim na
flashlight king saan inilagay ang isang improvised all-weather.

Dahil dito,
agad inaresto ng tropa si Baraguir at kahapon lang ay nasampahan na ito ng kaso
sa piskalya. DELIKADO
na para sa mamamayan ang Matampay bridge II sa Cotabato City.

Ito
ang binigyang diin ni Cotabato City Mayor Japal Guiani Jr. matapos ang ilang
mga kapansin-pansing mga sira sa bahagi ng naturang tulay.

Inihayag
naman ni Guiani na dapat na itong bigyang pansin ng Department of Public works
and higways o DPWH-12 bago pa man ito magdulot ng mas malaking problema.

Nais
ng alkalde ng lungsod ng Cotabato na magpaliwanag ang contractor ng Matampay
Bridge II upang malaman kung ano ang problema at mga hakbang na gagawin.

SUPORTADO
ng Department of Environment and Natural

Resources
Autonomous Region in Muslim Mindanao ang Voters Education na ilulunsad ng
Comission on Elections at Bangsamoro Youth Environmentalist o BYE.

Ang
naturang aktibidad ay gagawin sa EM Manor Hotel,

Cotabato
City ngayong araw.

Ayon
kay DENR-ARMM Secretary Hadji Kahal Kedtag, magsisilbi itong ambag ng kanilang
ahensya sa kampanya ng COMELEC patungkol sa pagpapakalat ng impormasyon at
kaalaman sa mga bagong proseso ng botohan ngayong May 9 local and national
elections.

Nabatid
na umaabot sa 350 participants ang unang dadalo mula sa second district ng
maguindanao na susundan ng mga partisipante mula sa unang distrito.

Hindi
lamang limitado sa mainland ng ARMM ang naturang

voters
education dahil ipatutupad din nila ito sa Island provinces partikular sa
Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Base
sa paglilibot ng BYE, kanilang nadiskubre na marami sa mga botante ngayon ang
wala gaanong ideya sa mga bagong proseso ng pagboto at pagpili ng mga kandidato
lalo na ang tungkol sa Party Lists.

Umaasa
si Kedtag na sa pamamagitan ng kanilang kampanya ay matutulungan ang komisyon na
maipaintindi sa mga obtante ang kanilang gagawin sa araw ng halalan. Arestado sa drug buy bust operation ng mga pulis ang isang dating myembro ng Barangay Peace Keeping Action Team o BPATs sa Banga, South Cotabato kahapon ng hapon.
Ang 36 anyos na si Filipe Sarona ay natimbog ng mga pulis sa barangay Dirilon, Banga.
Ayon kay Banga Chief of Police, Chief Inspector Marvin Duadua, nakuha mula sa suspek ang dalawang malaki at apat na maliit na sachet ng suspected shabu. Ito ay nagkakahalaga naman ng mahigit P4 thousand.
Ang suspek ay nakapiit na ngayon sa Banga PNP lock up cell.
Ayon kay Duadua si Sarona na nasa drug watchlist ay matagal ng minanmanan ng mga pulis.
Si Sarona ay naaresto kasunod naman ng operasyon laban sa illegal na droga ng mga pulis ang isang suspected drug pusher sa T’boli, South Cotabato .
Kinilala ni T’boli Chief of Police, Chief Inspector Josemarie Simangan ang suspek na si Arnel layo alias Untok” kwarenta’y uno anyos at residente ng Sitio Tunnel, Barangay Kematu,T’boli.
Nakuha ng pinagsanib na pwersa ng T’boli PNP at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 mula sa pamamahay ng suspek ang 110 na maliliit na sachet ng suspected shabu. Ang mga ito ay nagkakahalaga ng mahigit P30 thousand.
Nakumpiska din ng mga pulis ang apat na cellphone na ginagamit umano ni Abastillas sa kanyang illegal drug transaction. Hinahulghog ng mga pulis ng bahay ni Abastillas sa bisa ng warrant of arrest ng korte Inihahanda na ng PNP ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa suspek. Nag-viral sa mga networking sites ang video ng isang staff ng South Cotabato Provincial Hospital habang tinatalakan ang misis ng kanilang pasyente.
Ayon sa nagreklamong si Gemma Panes, ikinagulat nito ang umano’y hindi magandang paguugali ng nurse na si Karen Joy Millan nang humiling siya ng sputum cup para sa mister nitong may pneumonia.
Binigyan diin ni Panes na tumaas ang boses ni Millan nang tanungin ang pangalan ng pasyente habang sila ay nasa Central Supply Room ng South Cotabato Provincial Hospital noong Abril 5.
Ayon kay Panes, nang sitahin niya si Millan dahil sa hindi magandang pakikitungo nito, lalo naman itong nagalit.
Sa Video na unang nai-post sa facebook page ng isang Rheds Spike, kitang kita kung papano sinigawan at tinuro ni Millan si Panes.
Kitang kita rin sa kumakalat na video na sa kabila ng pakiusap ng kanilang chief, tuloy pa rin sa pagtatalak si Millan.
Magiyak ngiyak naman na ipinahayag ni Panes na sana ay mabigyan aksyon ng tagapamahala ng South Cotabato Provincial Hospital ang paguugali ng kanilang staff.
Giit pa nito, hindi katanggap tanggap ang paguugali na ipinakita ng isang empleyado ng gobyerno sa isang tulad niyang ordinaryong mamamayanVoice Ipinahayag naman ni Provincial Hospital, Chief of Hospital Dr. Conrado Brana na bagama’t nagkaharap na ang complainant at ang kanilang nurse, iimbistigahan pa rin nila ang insidente.
Di na muna pinag-report sa trabaho si Millian habang nagpapatuloy pa ang imbistigsyon sa gusot na kinasangkutan nito Umabot sa 825 na kaso ng dengue ang naitala sa South Cotabato mula Enero hanggang ngayong Abril.
Ayon kay Provincial Health Office mosquito-borne diseases focal person Jose Barroquillo, ito ay mas mataas ng 55.4 percent na naitala sa lalawigan sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Binawian rin ng buhay dahil sa dengue ang anim katao sa South Cotabato ngayong taon,tatlo sa mga ito ay mula sa Koronadal City at tig dalawa sa mga bayan ng Surallah at Banga.
Pinakaraming kaso ng dengue sa South Cotabato ay naitala sa Koronadal City na umabot sa 206.
Pumapangalawa naman ang Surallah na may 153 dengue cases, 101 sa Banga, 95 sa Tupi, 83 sa Polomolok,47 sa T’boli,45 sa Sto. nino, 36 sa Tantangan, 23 sa Norala,21 sa Lake Sebu at 15 sa Tampakan.
Ipinahayag ni Barroquillo sa isang pulong balitaan na ang hindi tamang pagimbak ng tubig ng mga mamamayan ngayong tagtuyo’t ay posibleng naging dahilan ng pagdami ng mga lamok na nagdadala ng dengue.
Payo ni Barroquillo sa mga mamamayan, maliban sa regular na paglililnis ng kapaligiran, dapat ding takpan ang mga pinagimbakan ng tubig tulad ng drum at lata para di pangitlogan ng dengue carrying mosquito. Makikinabang sa Agri-based tourism project ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang mga Indigenous People o IP’s sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato.
Ang proyekto ay unang ipatutupad sa Barangay Lamlahak, Lake Sebu.
Ayon kay DENR 12 Protected Area Superintendent Leonisa Alfaro, layon nito na mabigyan ng kabuhayan at mapangalagaan ang likas yaman sa Lake Sebu.
Kabilang sa mga proyektong ipatutupad sa lugar ayon kay Alfaro ang information center para sa mga turista at product display shop.
Ipatatayo din sa lugar ang konkretong tulay, river pool, at butterfly garden.Ipaayos din ang tribal house at museum.
Ang ground breaking ceremony ng proyekto ayon kay Alfaro ay isinagawa noong Marso.
Ayon kay South Cotabato Provincial Environment and Natural Resources Officer Engineer Mama Samaon, kapag naalagaan ng mga residente, malalagpasan pa ng eco-tourism project ang mga kilala nang tourist destination sa Lake Sebu.
Ang proyekto ay popondohan naman sa pamamagitan ng Tourism Development Fund ng DENR. Mariing itinanggi ni Cotabato Governor Emylou Mendoza na siya ang nag-utos na buwagin ang mga raliyesta na nagbarikada sa
Kidapawan City National Highway noong biyers, April 1.Sinabi ni Menodza na ang Philipine National Police ang siyang nagdesisyon sa oras kung kelan isasagawa ang clearing operation
dahil ang PNP lamang raw ang may police power rito.Ang naging posisyon lamang ng Crisis Management Committee ay ang humingi ng pahintulot sa Commision on Elections o COMELEC na
payagang ipatupad ng PNP ang law enforcement.Samantala, inako naman ni Cotabato Police Provincial Director Sr. Supt. Alexander Tagum ang responsibilidad sa nangyari at sa
pagpapatupad ng clearing operation.Ayon kay Tagum ang mandato ay nanggaling mismo kay Police Regional Director Chief Supt. Noel Armilla.Nilinaw ni Tagum na ang kanilang naging desisyon ay bunga sa bigong negosyayon sa pagitan ng mga rally organizers at reklamo
din mula sa business sektors sa pagkakabalam sa kanilang negosyo.Kaugnay nito, ni relieve na rin sa kanilang pwesto si CPPO Director Sr. Supt. Alexander Tagum at Kidapawan City PNP Chief of
Police Supt. John Meridel Calinga.Kinumpirma ito ni Sr. Supt. Danilo Peralta ang Regional Chief for Administration ng Police Regional Office 12.Ito ay base na rin sa standard operating Procedure na ipinapatupad ng PNP sa lahat ng mga PNP official na isinasailalim sa
imbestigasyon.Temporaryo namang uupo bilang OIC ng Cotabato Police Provincial Office si Supt. Jose Briones Jr habang magiging OIC chief of
Police naman sa Kidapawan City PNP si Supt. Noel Kinazo. Nasa 9,487 na pamilya ngayon sa bayan ng Kabacan ang matinding naapektuhan ng matinding tagtuyot.Ito ang pinakahuling datos na inilabas ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer David Don Saure.Sinabi ni Saure na ang 24 na barangay na sa bayan ng Kabacan ang apektado ng El Nino Phenomenon.Pinakamalalang barangay na naapektuhan ay ang brangay Kayaga kungsaan umabot sa 1085 na pamilya ang apektado.Sa ngayon, patuloy naman ang pagsasagawa ng mga relief operations ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Kabacan Mayor Herlo
Guzman Jr. katuwang rin ang Municipal Social Welfare and development Office o MSWDO.Nitong linggo lamang ay nakapaghatid na ang LGU ng tulong sa brgy. Tamped na may lamang bigas, asukal, noodles, kape at iba
pa.Nilinaw naman ni Saure na ang ginagawang hakbang ng LGU Kabacan ay bahagi sa deriktiba ng alkalde ng bayan matapos isailalim
sa state of calamity ang Kabacan, North Cotabato. Muling nakakaranas ngayon ng dalawa hanggang tatlong oras na load curtailment ang service area ng Cotabato Electric
Cooperative O COTELCO.Ito ay base naman sa ipinadalang impormasyon sa Radyo Bida ni COTELCO General Manager Engr. Godofredo Homez.Nabatid na isa at kalahating oras na brown out sa umaga gayundin sa hapon.Dahilan ng nabanggit ng load curtailment ay mas bumaba kasi sa 120 MW ang kakulangan sa suplay ng kuryente ang National Power
Corporation o NPC.Bukod dito, ang isang unit rin ng Therma South Inc. o TSI ay nasa emergency shutdown habang ang TSI unit 2 naman ay kulang
ang kanyang output.Habang ang Mt. Apo 2 ay nagpatupad din ng emergency Shutdown.Dahil dito, aasahan sa service area ng Cotelco ang isa at mas mahaba pang oras na kawalan ng supply ng kuryente.Una na ring binanggit ni General Manager Homez na sa April 16 sa susunod na Sabado ay may aasahan ding mahabang brownout
dahil magpapatupad ang Cotelco ng Preventive Maintenance. Isa ang asawa ni Aling Elinita Mangga na sumama sa mga magsasakang bumaba sa Kidapawan City mula brgy. Binoongan, Arakan,
North Cotabato noong March 29.Mismong si Aling Elinita raw ang nag-kumbinsi sa kanyang Mister na sumama sa daan daang magsasaka mula sa kanilang barangay
patungong Kidapawan.Dahil sa tindi ng kahirapan hindi na naisip ni Elinita kung sino ang mga nag imbita sa kanila at kung anong ang magiging
kahihinatnan ng kanyang asawa.Aniya, narinig lang daw rin niya sa mga kapwa magsasaka sa barangay na magpalista lamang ng pangalan, mabitbit ng sako at
plato dahil mamumodmod ng bigas si Governor Lala Mendoza sa Kidapawan City.Pero kung rally raw ang pupuntahan ng asawa ay wala silang kaalam-alam rito.Iginiit niyang kahit raw magkakamoteng kahoy sila araw araw ay bastat buo ang kanyang pamilya ay okay lang sa kanya.Sa nangyaring dispersal noong biyernes isa ang ang asawa ni Elinita na si Marcelo Mangga ang naaresto ng PNP at ngayon ay
nahaharap sa kasong direct assault.Kasama rin doon ang asawa ni Rosemarie Solano na nakulong.Narinig na lamang daw nila ang pangyayari sa DXND pati na ang mga pangalan ng kanilang asawa at kamag-anak na nahuli na ng
PNP.Panawagan nila ngayon kay Governor Mendoza na palayain na ang kanilang mga asawa dahil inosente raw ang mga ito.Naloko lamang daw sila.Ang pinunta nila doon ay bigas raw at hindi pagsama sa kilos protesta.Samantala, nangako naman ngayon si Arakan Mayor Rene Rubino na tutulungan niya sina Elinita at Rosemarie na makababa sa
Kidapawan City para makita at makausap ang kanilang mga asawa.Magbibigay si Mayor Rubino ng libreng sasakyan para sa kanila pati na ang kanilang pagkain.Pero kaugnay sa 12 libong bail ban sa kasong kinakaharap ng mga ito ay pag-aaralan pa umano ngayon ng Arakan LGU.Si Arakan Mayor Rene Rubino.Nabatid na higit isang libong magsasaka ang sumama sa Kidapawan City noong nakaraang linggo kung saan 900 sa kanila ay
nakauwi na raw sa kanilang mga barangay kahapon. Lahat ng pamilya, may kaya man o wala ay mabibigyan ng libreng bigas ng Arakan LGU.Ito ang nilinaw ni Arakan Mayor Rene Rubino sa panayam sa kanya ng DXND Radyo Bida.Ayon kay Rubino magsisimula ngayong araw ang nabanggit na relief distribution sa 28 barangay ng bayan.Ito ay bahagi naman sa kanilang mga hakbang matapos isailalim sa state of calamity ang bayan.Paliwanag naman ni Rubino na kaya na delay ang kanilang pamamahagi ng ayuda para sa mga magsasaka at pamilyang labis
naapektuhan ng El Nino ay dahil matagal rin kasi ang pagsumite ng report ng mga barangay kaugnay sa danyos ng kanilang mga
pananim.Pero sa ngayon nasa mga barangay hall na ang bigas para sa bawat pamilya at handa nang ipamahagi na pangungunahan naman ng
RED Cross personnel.Makatatanggap rin tig apat na kilong bigas ang bawat pamilya.

PRO-BAR chief Tanggawohn bestowed posthumous award to Capt. Moralde

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - The Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region bestowed posthumous award to late PCPT ROLAND ARNOLD...

Suspected gunrunners huli, mga armas nakumpiska sa kanila sa Alamada

COTABATO CITY - KULONG na ngayon ang dalawang mga gunrunners matapos mahuli ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM sa isang...

High value drug peddler falls, yields 150 grams of shabu in Lanao Sur

MARAWI CITY - Lanao del Sur PPO's Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Special Operations Group, 1st Provincial Mobile Force Company, Marawi...

6 armed villagers wounded in Basilan ambush incident

COTABATO CITY - Ambushers seriously wounded six men in a rival group in an attack early Saturday in Sitio Lessem, Barangay Bato-Bato, Akbar...

DA: Price freeze needed only in areas under state of calamity

MANILA – The Department of Agriculture (DA) on Friday said that a price freeze of rice and other basic commodities should only be implemented in...