Tuesday Jun, 18 2024 04:45:09 AM

NDBC BIDA BALITA Dec. 12, 2015

Breaking News • 18:59 PM Sat Dec 12, 2015
886
By: 
NDBC News and current affairs

NEWSCAST

DECEMBER 12, 2015 (SATURDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MAHIGIT sampung oras na brownout,
naranasan ng mga taga-Cotabato City at karatig lugar

2. Pagsasaayos sa pinabagsak na Tower
ng NGCP sa Aleosan, North Cotabato, posibleng aabutin pa ng ilang araw

3. Kontribusyon sa Philhealth maari
nang bayaran sa mga piling LGUs sa
rehiyon dose

4. Duterte-Cayetano tandem, dadalaw sa North Cotabato

Local………………..

UMARAY na ang mga residente at
negosyante sa sobrang haba ng brownout na naranasan sa Cotabato City at maging
sa probinsya ng Maguindanao.

Mula alas-9:28 ng gabi noong huwebes
hanggang pasado alas-12 ng tanghali kahapon, paralisado ang lahat ng negosyo at
tinitiis ng residente ang init ng panahon dahil sa kawalan ng kuryente.

Bagama't nagiimplimenta ng isang oras
na rotational brownout ang Cotabato Light and power company dahil sa kakulangan
ng tubig sa Agus at Pulangi na pangunahing source ng elektrisidad sa rehiyon,

Hindi naman inaasahan ng mga taga
cotabato na daranas ng mahabang brownout ang lungsod dahil sa pagpapasabog sa
isang steel tower ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa
Brgy. Pagangan, Aleosan, North Cotabato.

Hanggang sa ngayon, hindi parin tukoy
ng mga otoridad ang suspek sa naturang insidente at wala pa ring mga anumang
armadong grupo ang umaako sa pagpapasabog.

Ayon kay Aleosan Chief of police Sr.
Insp. Jun Napat, hindi pa nla matukoy kung anong klaseng Improvised explosive
device o IED ang ginamit sa pagpapasabog.

Ayon kay Napat, nang makausap nila ang ang
secutiry officer sa lugar, wala namang silang natanggap na threat bago ang
insidente.

Mabuti na lamang at malayo ang tore sa mga
kabahayan kung kaya’t walang naitalang nadamay sa naturang pagpapasabog. Local
…………………

TINANGGAL na sa serbiasyo
ang 21 pulis kabilang ang isang provincial director ng National Police
Commission dahil sa kasong grave misconduct at serious neglect of duty kaugnay
sa Maguindanao massacre na ikinamatay ng 58 katao.

Kinilala ang mga nasibak
sa puwesto na sina Supt. Abusama Mundas Maguid, Chief Insp. Zukarno Adil Dicay,
Insp. Rex Ariel Tabao Diongon, Insp. Michael Joy Ines Macaraeg, SPO2 Badawi
Piang Bakal, SPO1 Edurdo Hermo Ong,

PO3 Rashid Tolentino
Anton, PO3 Felix Escala Enate, PO3 Abidudin Sambuay Abdulgani, PO3 Hamad
Michael Nana, PO2 Saudiar Ubo Ulah, PO2 Saudi Pompong Pasutan, PO1 Herich
Manisi Amaba,

PO1 Michael Juanitas
Madsig,PO1 Abdullah Samma Baguadatu, P01 Pia Sulay Kamidon, PO1 Esperileto
Giano Lejarso, PO1 Esmael Manuel Guialal, PO1 Narkou Duloan Mascu at PO1 Rainer
Tan Ebus.

Sinibak din si Insp.
Saudi Matabalo Mokamad dahil sa serious neglect of duty.

Nabatid na noong mangyari
ang krimen ay nakatalagang acting Maguindanao provincial director si Supt.
Maguid habang deputy si Chief Insp. Dicay.

Anim na taon nang
nakalilipas nang mangyari ang Maguindanao Massacre noong November 23, 2009 pero
hanggang sa ngayon, uhaw parin ang mga pamilya ng biktima na makamit ang
hustisya sa pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay. Local………………….. INAANYAYAHAN ni Cotabato Auxiliary Bishop Most. Rev. Colin Bagaforo, DD ang mga pari, relihiyoso, Parishes at Lay faithful movements at mga organisasyon na makibahagi sa kanilang paglulunsad ng Jubilee year of Mercy.Gaganapin ang naturang aktibad, bukas sa Immaculate Conception Cathedral sa Cotabato City kasabay ng misa, alas-8:15 ng umaga. Kamakailan lang ay inilunsad rin ni Pope Francisang isang extraordinary” Roman Catholic Jubilee sa temang mercy o awa sa Roma. Local…………………….

HINILING
ngayon ng DEPARTMENT of Health o DOH sa mga lokal na pamahalaan, partikular sa
kanilang counterpart na local health office at sa mga pulis na higpitan pa ang
kampanya laban sa pagbebenta ng paputok na piccolo” ngayong pasko at bagong
taon.

Sinabi ni
Health Secretary Janette Garin na hanggang ngayon kasi, ang Piccolo pa rin ang
nangungunang dahilan ng mga firecracker-related injury sa buong bansa.

Naniniwala si
Garin na kapag tuluyang naipagbawal ang pagbebenta ng Piccolo sa mga pamilihan
at maging sa mga sari-sari store o maliliit na tindahan, ay bababa rin ang mga
naitatalang pinsala na duloy ng mga paputok ngayong holiday season.

Noong
nakaraang taon, nakapagtala ang DOH ng abot sa 860 injuries sa buong bansa,
kung saan 32 percent nito ay sanhi ng piccolo.

Nakiusap din
si Garin sa Bureau of Customs, Department of Trade and Industry at iba pang mga
ahensya ng gobyerno na bantayang mabuti ang pagpuslit ng naturang paputok mula
China na nire-repack lamang dito sa Pilipinas.

Gayunman,
para sa EcoWaste Coalition, dapat ipagbawal sa mga bata ang pagbili ng anumang
uri ng fireworks at firecracker dahil ito ay mapanganib maging sa kanilang
kalusugan.

0-- Local……………….

ISASARA na ng Kamara ang period of
interpellation sa Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region o BLBAR sa
loob ng natitirang tatlong araw ng sesyon sa susunod na linggo.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte,
kakayanin nilang gawin ito dahil nag-atrasan na ang marami sa mga natira sa
listahan ng interpellators.

Sa katunayan, mula sa dating 21 ay may apat
hanggang lima na lamang ang tutuloy sa interpelasyon sa BBL.

Pero aminado si Belmonte na hindi na ito
mapapagbotohan bago ang kanilang Christmas break at mangyayari na lamang ito sa
pagbalik ng sesyon sa Enero.

Umaasa ang House leader na kakayanin pa rin
nilang ihabol sa Enero ang approval ng BBL hanggang sa third reading bagama't
hindi siya makapagbigay ng kasiguruhan tungkol dito.

0- Local...Dahan dahan ng ipinamimigay ng Kidapawan City LGU ang kanilang pamaskong handog para sa mga barangay workers at government employees.Gift checks na nagkakahalaga ng P1000 - P2500 ang ipinamahagi ng City Government sa mga barangay workers na kinabibilangan ng Health and Day Care Workers, Nutrition Scholars, Animal Health Workers, Human Rights Officers, Lupong Tagapamayapa, BPAT at iba pang nagta-trabaho sa mga barangay.Ito ay inaabot mismo ni City Mayor Joseph Evangelista sa mga empleyado kasabay ng isang maikling programa kahapon.Maliban sa kanila, tumanggap din na kahalintulad na halaga ng gift checks ang mga guro ng City DepEd Division at maging mga miyembro at kawani ng City PNP at Bureau of Fire Protection.Sinabi ni Evangelista paraan na ito bilang pagkilala sa maganda at maayos na performance ng mga government workers alinsunod sa mga programang isinusulong ng City LGU sa kasalukuyan.Nakatakda namang tumanggap ng P20,000 na Collective Negotiations Agreement Benefits ang mga City Officials, Regular at Casual Employees at P5000 na pamasko naman para sa Job Order workers pagkatapos ng gagawing anunsyo ni Mayor Evangelista sa gaganaping City LGU Convocation Program sa lunes ng umaga. Local...Patuloy pa ngayon iniimbestigahan ng mga otoridad ang nangyaring pagpapasabog sa isang tore ng National grid Corporation o NGCP sa Sitio 1, Brgy. Pagangan, Aleosan noong nakaraang gabi.Ayon sa report, sa pagtungo ng PNP sa nabanggit na lugar, ang bumagsak na TOWER KS 68 na ang sumalubong sa kanila matapos itong kabitan ng isang Improvised Explosive Device o IED.Ang naturang pagsabog ay nagdulot naman ng kawalan ng supply ng kuryente sa ilang mga service area ng power utilities kagaya ng Cotabato Light, COTELCO, at MAGELCO na bahagi ng Maguindanao province, ilang parte ng North Cotabato at Cotabato City.Ayon sa report, ito na ang pang-11 pagpapasabog sa transmission tower ng NGCP ngayong taon.Inaalam pa kung may kaugnayan ang mga nagdaang pagpapasabog sa mga tore ng NGCP kungsaan una ng natumbok ang extortion ang motibo sa nasabing pangyayari.Posible namang aabutin ng ilang araw ang pagkukumpuni sa nasabing torre.NDBC BIDA BALITA Local...Bagamat humupa na ang tensyon matapos ang nangyaring enkwentro ng dalawang grupo ng magsasaka sa Sitio Saban, brgy. Maybula, Tulunan, North Cotabato na ikinasawi ng anim katao, posibleng sa evacution center naman magpapasko ang higit 50 pamliyang nanatili ngayon sa brgy. Kanebong, Tulunan.Ito ang sinabi Engr. Ernie Diaz ng Tulunan. Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council.Ayon kay Diaz, maayos naman ang sitwasyon ng mga bakwit sa lugar at hindi naman pinababayaan ng Tulunan LGU, MDRRMC, MSWD at iba pang mga ahensya para sa kanilang mga pangangailangan.Samanatala, sinabi naman ni Captain Danny Tapang, ang civil military operations officer ng 39th IB maliban sa pagbuo ng council of elders na magmumula sa iba’t-ibang concerned na barangay nag deploy na rin sila ng kanilang mga miembro sa lugar kasama na ang PNP para hindi na maulit pa ang insidente.Inactivate ring muli ng Columbio Sultan Kudarat ang kanilang joint monitoring ceasefire.Nakatakda ring magkaroon ng negosasyon ang magkabilang grupo na sangkot sa nabanggit na enkwentro.Bunga naman ito sa isinagawang Municipal Peace and Order Council Meeting ng Tulunan LGU sa pangunguna mismo ni Layor Lani Candolada kasama ang CCH-MILF, International Monitoring Team, Local Monitoring Team, pati na ang joint Task Force Barko-barko, AFP at representative mula sa Probinsya ng North Cotabato.Una nang nabanggit na PNP na posibleng awayan sa lupa ang dahilan ng insidente pero para kay Mayor Candolada hindi awayan sa lupa ang ugat ng kaguluhan sa lugar at isolated lamang ang nasabing kaso.Ang dati umanong problema sa lupa ay patuloy namang tinutugunan ngayon ng Department of Agriculture kasama na ang DENR at iba pang ahensiya ng pamahalaan. Local...Dead on arrival sa pagamutan ang isang 50-anyos na lalaki matapos itong pagbabariln ng di pa kilalang suspek sa Sitio Lumayong, Brgy. Kayaga, Kabacan, North Cotabato pasado alas kwatro ng hapon kahapon.Kinilala ni Sr. Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Adem Mansul na taga brgy. Manili, Carmen North Cotabato.Ayon sa report pauwi na sana ang biktima galing Poblacion Kabacan sakay sa kanilang motorsiklo na minamaneho ng kanyang anak nang pagbabarilin ito ng riding tandem suspek.Nagtamo ng tama ang biktima sa kanyang katawan gamit ang kalibre 45 na baril base na rin sa basyo ng bala na narekober sa crime scene.Rido naman ang sinusundang anggulo ng PNP na posibleng motibo sa nabanggit na pamamaril. Darating sa Kidapawan City Si Presidential Aspirant Davao City MAyor Rodrigo Duterte at Running Mate nito na si Senator Allan Peter Cayetano ngayong Dec 16, 2015.Ayon kay dating North Cotabato Gov. Manny Piñol, layunin ng pagbisita ni Duterte at Cayetano ay ipaunawa ang usapin ng federalismo sa pamamagitan ng isang forum at upang makadaupang palad nila ang mga residente ng North Cotabato.SAMANTALA Inaasahan ang libu libong taga suporta na dadagsa sa Kidapawan City gymnasium sa susunod na araw ng Miyerkules.Aasahan din na ihahayag ng dalawang kandidatu ang kanilang mga prayoridad o plataporma de gobyerno at pagsagot sa mga katanungan mula sa kanilang mga taga suport sakaling sila ang mahalal na pangulo at pangalawang pangulo ng Pilipinas.Posible ring mag organisa ang grupo ng mga point person sa bawat barangay o Friends of Rody Duterte upang mangasiwa sa pangangampanya ng dalawa sa North Cotabato.Si dating North Cotabato Gov. Manny PiñolNDBC BIDA BALITA

6 dead, four hurt in General Santos City highway accident

COTABATO CITY - Five commuters, among them a 12-month-old child, and a tricycle driver died when the three-wheeled vehicle carrying them...

NDBC BIDA BALITA (June 17, 2024)

HEADLINES 1   P2.2 million na halaga ng shabu, nakumpiska ng PNP sa simultaneous operation nito sa Region 12 2   Sa North...

63 guns seized, confiscated during PRO-12 Sacleo

GEN. SANTOS CITY - A total of 62 operations were conducted that resulted in the arrest of 2 individuals and the confiscation of 63 assorted...

P2.2-M shabu seized during PRO-12 SACLEO

GEN. SANTOS CITY - The Police Regional Office 12, under the leadership of Regional Director Brig. Gen. Percival Augustus Placer has successfully...

Kagi Murad: Reflect on Eid al-Adha for stronger, unified Bangsamoro

COTABATO CITY – As Muslims celebrated Eid al-Adha on Sunday, Chief Minister Ahod Ebrahim called on the Bangsamoro community to reflect on the...