Sunday May, 05 2024 07:15:03 PM

NDBC BIDA BALITA DEC. 26, 2015

 • 17:07 PM Sat Dec 26, 2015
1,585
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS

NEWSCAST
DECEMBER 26, 2015 (Saturday)7and00 AMHEADLINESand 1. WAREHOUSE tinupok ng apoy sa Cotabato City MGA Magnanakaw, umatake sa bisperas at araw ng pasko2. 9 patay sa pananalakay ngBIFF sa araw ng Pasko.3. IPHO South Cotabato may payo sa mga motorista sa pagsalubong sa bagong taon.
4. Department of Agriculture, papanagutin ang mga sangkot sa pagpupuslit ng expired meats Local………………..
ABOT SA 50 hanggang 100 thousand pesos ang naitalang danyos sa nangyaring sunog kagabi, alas-8:20 sa Putok Mabuhay, Chavez St. poblacion dos, Cotabato City.Sa report ng City Police Station 1, isang Golden hardware warehouse na pagaari ni Jonathan Guiamad ang tiupok ng apoy.Agadn namang rumisponde ang mga pulis kasama ang bureau of fire protection Cotabato City.Alas-845 naman kagabi ng idineklarang fire out na ang naturang insidente.S inisyal na imbestigasyon ng BFP, posibleng nagsimula ang sunog sa isang kubo na kahilera lamang ng naturang Golden hardware warehouse.SAMANTALA, WALANG tawad namang umatake ang mga kawatan sa bisperas at araw ng
Pasko sa lungsod ng Cotabato.Kung saan sinamantala ng mga ito na nagsiuwian o abala ang lahat para sa paghahanda sa holiday season.Sa report ng City Police Station 1, mula December 24 nasa apat na insidente na ang kanilang naitala sa kanilang area of responsibility.Dalawa rito ay halos, animo'y binagyo ang kanilang mga bahay sa sobrang gulo dahil aktong wala sila nang mangyari ang panloloob ng mga magnanakaw.Pakiusap naman ng mga otoridad, kung sakaling aalis at walang maiiwan sa inyong bahay tiyaking wala kayong naiwan na mga pera, mamahaling gamit o kahit anong gamit na pwedeng mapakinabangan ng mga masasamang loob. 0Local...SIYAM NA SIBILYAN at apat na mga myembro ng BIFF ang nasawi sa nangyaring pangaatake ng Bangsamoro Islamic Freedom fighters sa Pigcawayan,Cotabato.December 24, nang sinalakay ng BIFF sa pamumuno ng isang kumanDer Abunawas sa Brgy. Simsiman ng nasabing bayan.Kabilang sa mga nasawi ang isang Brgy. Kagawad na kinilalang si Robert Latosa, kung saan pinasabogan ang kanyang tinadahan.Hindi pa nakuntento ay ginawa pang hostage ang ilan sa mga residenteng nasa isinasagawang misa sa isang kapilya, alas-9 ng gabi bago ang pagsalubong sa pasko, nang magsimula ng magpaulan ng mortar ang mga sundalo sa umatakeng BIFF.NABATID na una ng sumalakay ang mga armaod sa siang detachment ng Cafgu sa nasabing bayan, na halos kasabay rin sa pangaatakeng nangyari sa Brgy. dapiawan, Datu Salibo, Maguindanao. Local...TINUTUGIS NA NGAYON ng pinagsanib na pwersa ng PNP at Philippine Army ang mga pinaniniwalaang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa barangay na nasa pagitan ng Maguindanao at Sultan Kudarat Province.Ayon sa naunang report ng Philippine Army's 33rd Infantry Battalion, umabot sa 13 katao ang nasawi sa isinagawang pag-atake ng BIFF sa pamumuno ng isang Commander Sukarno Sapal.Walo sa mga nasawi ay mga magsasaka habang apat naman sa panig ng BIFF.Inihayag ni 33IB commander Lt. Col. Ricky Bunayog na unang inatake ng BIFF ang isang Army detatchment sa Sitio Manilog, Barangay Banaba, Datu Badullah Sangki, Maguindanao dakong alas tres nang madaling araw noong December 24 na nagresulta sa tatlong oras na bakbakan.Kasabay nito, umatake naman ang tinatayang 30 armadong BIFF sa mga kalapit na Barangay ng Paitan, Sagasa at Takal na pawang nasa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat Province.Kinumpirma ni Col. Bunayog na dalawang magsasaka ang nasawi sa Barangay Paitan na kinabibilangan nina Gerardo Alsagar, 52 anyos at Angelo Janelsa, 25 anyos.Nanghostage pa umano ng mag-ina ang mga umatakeng BIFF pero pinakawalan din ang mga ito nang dumating na ang tropa ng mga sundalo.Pagsapit ng alas singko nang umaga, limang mga magsasaka naman ang pinaslang ng BIFF members sa Sitio Sabaduan, Barangay Kauran, Esperanza habang naghahanda na ang mga ito para mag-spray sa kanilang mga pananim na palay.Kinilala ang mga nasawing magsasaka na sinaand Ramonito Estoque, 40 Empe Bocaes, 40 Mario Estonote, 40 Mark Anthony Templa, 30 Henry Tuazon, pawang mga residente ng nasabing lugar.Agad namang inako ng BIFF ang nasabing pag-atake.Pero nilinaw ni BIFF spokesperson Abu Misri Mama na hindi mga magsasaka ang pinaslang kundi mga kasapi ng CAFGU.Kinumpirma naman ng PNP na may mga lumikas na residente sa lugar dahil sa takot na madamay sa bakbakan. Local...NAHAHARAP SA KASONG paglabag sa section 5, 6, 7, 11,12 at 15 sa article II ng RA 9165 ang labing tatlo kataong naaresto sa buy-bust operation ng Philippine drug enforcement operation ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o PDEA-ARMM kasama ang 603rd brigade at 37th Infantry Batallion Philippine Army.Isinagawa ang operasyon noong huwebes sa Brgy. Pigcalagan, Sultan Kudarat, Maguindanao.Kinilala ang mga suspek na sina Ebrahim Lanang Ali, Canapi Ali Solaiman, Christopher Ragasa Crisologo, Renelito Salcedo Espartero, Samsudin Mokamad, Ruel Aporada Pineda, Jason Omar Amar, Rodelio Mosco Awtajay, Ismael Dagadas Dali, Argie Yala Unabia, Renben Kuan Estolaga, Alvin Siit Cacapit, Joenifer Asanji Magluyan at Eden Ali Saliguidan.Nabatid na nakatakdang hulihin ang magasawa na sina Ma. Suzzane Patagan Saliguidan alias Soshane at Eden Ali Saliguidan na pinaniniwalaang nagooperate ng drug den sa lugar.
Pero nakatakas si Soshane ng malamang paparating ang mga operatiba sa kanilang erya.Sa report, narekober mula sa naturang drug den ang isang pakete ng pinaniniwalaang shabu tatlong plastic canister na may lamang 25 maliliit na pakete ng pinaniniwalaang shabu limang medium sized na pakete ng shabu, isang large heat seales sachet ng shabu na may bigat ng humigit kumulang 50 gramo isang red pouch na may lamang walong testubes.Apat na improvised glass tooters anim na bamboo sealers anim na improvised lighters maliit na weighing scale black cellular phone iba't ibang transparent plastic sachets isang roll foil paper isang .45 caliber pistol n baril na may serial number 23172 at pitong bala.Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng PDEA-ARMM ang mga naaresto. Local…………………….ABOT SA 13 cargo trucks ang tinanggap ng mga magsasaka sa Sulu at Lanao del Sir mula sa Department of Agriculture and Fisheries o DAF-ARMM sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan o PAMANA program ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP.Ang mga magsasaka na dating MNLF fighters ay bumuo ng farmers' cooperative at nakarehistro na sa Cooperative Development Authority o CDA-ARMM.Ayon kay ARMM Executive Secretary Laisa Masuhud-Alamia, ang bawat cargo truck na nagkakahalaga ng 500,000 pesos hanggang 850,000 pesos ay may kabuuang halaga na 6 million pesos.Maliban sa mga cargo truck, nakatanggap din ang anak ng mga magsasaka ng cash assistance para sa kanilang pag-aaral.Nabatid na ang PAMANA program ng pamahalaan ay may layuning mapaunlad ang mga komunidad na dating naging sentro ng giyera sa pagitan ng mga rebeldeng grupo at mga sundalo. Local…………………….ABOT SA 2.3 billion pesos ang inilaan na pondo ng Department of Agriculture o DA para sa implementasyon ng iba't ibang agri-support programs sa rehiyon dose sa susunod na taon.Ayon kay DA-12 Regional Director Amalia Jayag-Datukan, kasama na ang 2016 budget ng DA-12 sa nabanggit na pondo na mas mababa ng 500 million kung ikukumpara ngayong 2015 na umabot ng 2.8 billion pesos.Ipinaliwanag ni Datukan na ito ay dahil sa paglilipat ng ilang mga programa sa ilalim ng Bottom-up Badgeting o BUB at sa Payapa at Masaganang Payamanan o PAMANA program.Aniya, sa 2016 ay nakatuon na ang pansin ng DA-12 sa production support services, karagdagang farm mechanization programs at farm-to-market projects.Inihayag din ng opisyal na 70 porsyento ng kanilang pondo para sa susunod na taon ay nagmula sa proposal ng mga farmers' group at cooperatives.Hinihikayat naman ni Datukan ang mga ito na maghain pa ng mga proposal sa DA-12 para mapunan ang natitirang 30 porsyento ng kanilang 2016 budget. 0-Local...Magingat sa pagmamaneho lalong lalo na sa pagsalubong ng bagong taon..
Ito ang paalala ng Integrated Provincial Health Office o IPHO sa mga mamamayan ng South Cotabato.
Ayon kay Dr. Rogelio Aturdido Jr, karamihan sa mga nasasangkot sa aksidente sa daan tuwing sinasalubong ang bagong taon ang mga naka-motorsiklo.
Ito ayon kay Aturdido ay batay naman sa mga datus ng mga pampublikong ospital sa South Cotabato.
Payo pa nito sa mga motorista huwag nang magmaneho kung nakainom ng alak, motorsiklo man o four-wheeled vehicle ang sasakyan.
Paliwanag ni Aturdido kadalasan kasi ay nagkakaroon ng distortion sa paningin at hindi makapag isip ng mabuti ang isang taong nakainom ng alak, na maaring maging sanhi ng aksidente.
Ito ang naging pahayag ni Aturdido dahil sa kaliwa’t kanang inuman na inaasahan sa pagsalubong sa bagong taon.
Nabatid na nitong bisperas ng pasko lamang abot sa mahigit labin tatlong kaso ng aksidente sa daan ang naitala sa South Cotabato. Local...Sapat ang supply ng prutas sa Koronadal City para sa bagong taon.
Ayon sa fruit vendor na si Joy Bendor, bagama’t nanatili pa ring stable ang presyo ng prutas sa lungsod, ilang mga bilog na prutas na mabili tuwing bagong taon ang tumaas ang presyo.
Kabilang sa mga prutas na ito ayon kay Bendor ang manga na kung dati ay mabibili lamang sa P40 per kilo, ngayon ay naibebenta na hanggang P70 kada kilo.
Ang Chico naman na dati ay pumapalo lamang sa P30 kada kilo, ay umaabot na sa P80 ang presyohan ngayon.
Paliwanag ni Bendor , dahil sa hindi pa panahon ng nabanggit na mga prutas, ang mga ito ay inaangkat pa nila sa ibang lugar.
Sa ngayon ay nagsimula nang dumami ang mga fruit vendors sa Koronadal City.
Inaasahan din ng mga fruit vendors na mananatiling stable ang presyo ng kanilang mga produkto hanggang sa bagong taon.
Biente kwatro oras na rin nagbubukas ng kanilang mga pwesto ang mga fruit vendors sa lungsod.
Ayon sa mga ito, may mga mamamayan kasi na dahil sa tindi ng init ng panahon mas gustuhing mamili tuwing gabi. Local...Kailangan ng South Cotabato na magkaroon ng Cloud seeding.
Ayon kay Governor Daisy Avance Fuentes, ito ay upang maisalba ang mga pananim ng mga magsasaka at makapag-ani pa ng kanilang mga produkto sa huling cropping season.
Binigyan diin ni Fuentes na hindi pa rin kasi sapat ang mga pagulan na naranasan sa lalawigan nitong mga nakalipas na linggo, para makatawid sa taginit ang mga magsasaka.
Kaugnay nito, ipinahayag ng gobernador na hiniling na ng provincial government sa Department of Agriculture ang pag release sa may 1.5 million pesos .
Ang pondo ay gagamitin para sa cloud seeding operation sa lalawigan.
Ayon kay Fuentes mahalaga na mapanatiling stable ang produksyon ng mga magsasaka sa South Cotabato upang makatulong din sa iba pang mga lugar na apektado ng kalamidad.
Aminado din ang gobernador na kailangan pa ng lalawigan pagibayuhin ang mga paghahanda nito sa El Nino Phenomenon. Local..Abot sa labinlima katao ang nasugatan dahil sa paggamit ng paputok mula Nobyembre a biente singko hanggang sa bisperas ng pasko.
Ito ay batay naman sa datus ng Provincial Epediomology and Surviellance Unit o PESU South Cotabato.
Ayon kay Dr. Rogelio Aturdido Jr, ang provincial health officer ng lalawigan, ito ay bahagyang mababa kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Tulad noong mga nakaraang taon, karamihan sa mga biktima ay mga bata na nagkakaedad ng anim hanggang sampung taong gulang .
Ang mga ito ay nagpaputok ng ipinagbabawal na Piccolo.
Isang kwarenta’y nuebe anyos naman na lalaki ang naitalang pinakamatandang naputukan sa lalawigan ngayon.
Inihayag din ni Aturdido, posibleng may mga nabiktima pa ng mga paputok ang hindi nakapagpa-ospital kaya maari pang madagdagan ang maitatalang fire cracker related injury.
Aminado naman ito na dahil magtatagal pa hanggang sa Enero a singko sa susunod na taon ang kanilang monitoring, hindi pa masasabi kung naging epektibo ang mas pinaigting na kampanya kontra paputok sa South Cotabato ngayon.
Matatandaan na Nobyembre pa lamang nitong taon ay nagpatawag na noon ng stakeholders meeting ang IPHO.Layon nito na mapagusapan ang mga kaukulang hakbang para lalong maipaliwanag sa publiko ang masamang epekto ng paggamit ng paputok sa pasko at bagong taon Local..Nagdiwang ng pasko sa municipal gym na nagisilbi nilang evacuation center ang mahigit dalawang daang mga pamilya sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat.
Ayon kay Police Chief Inspector Bryan Bernardino, ang Officer in Charge ng Esperanza PNP ang mga bakwit ay mula sa mga barangay ng Paitan, Esperanza at katabing barangay ng Kakal sa bayan ng Datu Abdullah Sangki, Maguindanao.
Inihayag ni Bernardino, na lumikas ang mga residente matapos salakayin ng mahigit dalawang daang myembro ng armadong grupo ang kanilang lugar.
Naganap ang pang-haharass alas singko ng madaling araw noong Disyembre a biente kwatro.
Ang mga lumikas ayon kay Bernardino ay nabigyan na ng paunang tulong ng lokal na pamahalaan ng Esperanza.
Ang mga ito ayon kay Bernadino ay umuuwi naman sa kanilang barangay tuwing umaga at bumabalik sa evacuation center pagsapit ng takipsilim.
Kinumpirma din ni Bernardino na tatlo sa limang mga hinostage ng armadong grupo ay nasawi.
Kinilala ni Bernardino ang mga ito na sina Julian Angelo Henilsa, Jerry Alcazar, at Teodolfo Cabaylo, pawang mga magsasaka.
Ayon kay Bernardino, pinakawalan naman ng mga suspek ang misis ng nasawing si Jerry na si Salome at labindalawang taong gulang nilang anak.
Nilinaw naman ni Bernardino na hindi pa kumpirmado kung totoo ngang mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang responsable sa krimen.
Maging ang motibo sa karahasan ayon kay Bernardino ay inaalam pa rin ng mga otoridad sa ngayon. Umapela din si Bernardino sa mga residente ng Esperanza na tumulong sa pagpapanatili ng katiwasayan sa kanilang lugar.
Ito ay sa pamamagitan ng pagsumbong sa mga kinauukulan sa mga kaduda dudang personalidad na makikita sa kanilang lugar. sand//www.facebook.com/messages/search/roel.osano?query=roel# rel= toggle

PRO-BAR chief Tanggawohn bestowed posthumous award to Capt. Moralde

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - The Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region bestowed posthumous award to late PCPT ROLAND ARNOLD...

Suspected gunrunners huli, mga armas nakumpiska sa kanila sa Alamada

COTABATO CITY - KULONG na ngayon ang dalawang mga gunrunners matapos mahuli ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM sa isang...

High value drug peddler falls, yields 150 grams of shabu in Lanao Sur

MARAWI CITY - Lanao del Sur PPO's Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Special Operations Group, 1st Provincial Mobile Force Company, Marawi...

6 armed villagers wounded in Basilan ambush incident

COTABATO CITY - Ambushers seriously wounded six men in a rival group in an attack early Saturday in Sitio Lessem, Barangay Bato-Bato, Akbar...

DA: Price freeze needed only in areas under state of calamity

MANILA – The Department of Agriculture (DA) on Friday said that a price freeze of rice and other basic commodities should only be implemented in...