Tuesday May, 07 2024 08:11:13 PM

NDBC BIDA BALITA Dec. 3, 2015

 • 01:55 AM Fri Dec 4, 2015
1,611
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

NOVEMBER 03, 2015
(THURSDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. HABAL-HABAL DRIVER, SUGATAN matapos
pagbabarilin sa Cotabato city.

2. Dating waiter patay sa pamamaril sa
Kidapawan City.

3. Top 10 most wanted person sa
Matalam, North Cotabato, naresto.4. Anim katao, kabilang ang apat na minors, huli habang aktong gumagamit ng illegal drugs sa South Cotabato

Local………………..

NAG
AAGAW BUHAY NGAYON sa pagamutan ang isang habal-habal driver matapos
pagbabarilin pasado alas syete kagabi sa Purok Zion B, TV Juliano street,
Mother Barangay Rosary Heights, Cotabato city.

Kinilala
ang biktima na si Jeffrey Juntillano Sobrevilla, 38 anyos, residente ng Tanghal
subdivision, Mother Barangay Bagua ng lungsod.

Ayon
sa impormasyong nakalap ng mga imbestigador, minamaneho ni Sobrevilla ang
kanyang Rusi motorcycle na may license plate 9160 NW angkas ang pasaherong si
Leonides Castor Liberato mula sa Rufo Mañara street, Barangay Rosary Heights
10.

Nang
makarating ng TV Juliano street ang dalawa, tatlong hindi pa nakikilalang
lalaki na sakay ng isang motorsiklo ang nag-overtake sa kanila at pumara sa
unahan.

Bumunot
umano ng baril ang isa sa tatlong lalaki at pinagbabaril ang mga biktima nang
maraming beses gamit ang kalibre 45 na pistol

Hindi
tinamaan si Liberato habang nagtamo naman ng isang tama sa kanyang dibdib si
Sobrevilla na nakapagmaneho pa hanggang sa Sousa extension kung saan ay
nakahingi ito ng saklolo sa mga nagpapatrolyang tropa ng 5th Special Forces ng
Philippine Army na siyang nagdala sa biktima sa ospital.

Sa
ngayon ay nasa kustodiya ng Police station number 2 ang motorsiklo ni
Sobrevilla.

Patuloy pang inaalam ng mga imbestigador ang
motibo sa nasabing pamamaril at kung sino ang posibleng nasa likod nito. Local …………………

TULOY PA RIN
ang serye ng nakawan sa Cotabato city matapos magreport sa police station
number 2 ang isang negosyante at pulis kahapon.

Unang
nagreport sa himpilan ng pulisya ang negosyanteng si Tato Bagundang, 30 anyos,
residente ng Purok Tubigan, Mother Barangay Rosary Heights ng lungsod kahapon
nang umaga.

Ayon sa
salaysay ni Bagundang, binisita niya kasama ang kanyang buong pamilya ang
kanilang mga kamag-anak sa Sousa street kamakalawa.

Pero dahil sa
lakas ng ulan ay nagdesisyon silang doon na lang magpalipas ng gabi.

Paguwi ng
pamilya Bagundang dakong alas sais kinaumagahan ay doon na nila natuklasan na
puwersahang sinira ng mga magnanakaw ang main door at pinasok ang kanilang
nirerentahang bahay.

Tinangay
umano ng mga ito ang kanyang dalawang broadband na nagkakahalaga ng 3,000
pesos, isang unit ng wifi na nagkakahalaga ng 1,800 pesos, isang laptop na
nagkakahalaga ng 12,000 pesos at cash money na nagkakahalaga ng 10,000 pesos.

Sumunod
namang nagreport sa pulisya ang pulis na si PO2 Loremae Mascod, 30 anyos,
nakatalaga sa Sultan Dumalundong Municipal Police station, sa Lanao del sur at
kasalukuyang nakatira sa Ilang-Ilang street, Mother Barangay Rosary Heights,
Cotabato city.

Ito ay
matapos umanong puwersahan ding pinasok ng mga magnanakaw ang kanyang bahay at
tinangay ang kanyang bagpack, limang relo na kinabibilangan ng isang Guess
wrist watch na nagkakahalaga ng 10,000 pesos at apat na G-shock wrist watch na
may kabuuang halaga namang 28,000 pesos, isang IPad na nagkakahalaga ng 18,000
pesos, Samsung Galaxy S4 cellphone na nagkakahalaga ng 29,000 pesos at sampung
libong cash money.

Maliban dito,
tinangay din ng mga magnanakaw mula sa bahay ni Po2 Mascod ang dalawang
magazine assembly na may bala at cleansing kit para sa Glock 17 pistol na
nagkakahalaga ng 6,500 pesos.

Nabatid na sa
pagroronda ng Radyo Bida, bahagyang huminto ang serye ng pamamaril pero halos
araw-araw namang nakakapagtala ng insidente ng pagnanakaw ang apat na himpilan
ng pulisya sa Cotabato city.

Pero tiniyak
naman ng pulisya na patuloy silang nagsisikap na mahuli ang mga nasa likod ng
serye ng pagnanakaw sa lungsod.

Local…………………….

NAGTIPON-TIPON
sa kauna-unahang pagkakataon ang nasa 160 mga tourism officer mula sa iba’t
ibang probinsya, bayan at lungsod ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o
ARMM para sa 1st ARMM Tourism Assembly na ginawa sa Cotabato city.

Lumahok
din sa naturang aktibidad ang mga tourism committee chair mula sa local
government units, at tourism industry players, at maging ang mga policy maker.

Ang Department
of Tourism o DOT-ARMM ang nanguna sa aktibidad na may layuning palakasin pa ang
turismo sa iba’t ibang mga lugar sa rehiyon.

Sinabi
ni DOT-ARMM Secretary Maritess Manguindra na ang mga lumahok sa naturang
assembly ay mga frontline service provider na mas higit na nakakaalam ng
tourism potentials sa kani-kanilang lugar.

Ayon
kay Maguindra, tinalakay sa naturang pagpupulong ang mga stratehiya, polisya at
inisyatiba na maaaring gawin upang mapalago pa ang industriya ng turismo sa
rehiyon.

Base
sa report ng DOT-ARMM, abot sa mahigit 170 thousand domestic and foreign
tourists ang bumisita sa ARMM noong nakaraang taon.

Mas
mataas ito ng 11 porsyento kumpara sa 147 thousand, 37 visitors noong 2013.

Nabatid
na ang Lanao del Sur ang may pinakamaraming naitalang tourist arrivals na abot
sa 53 thousand,394 noong 2014.

Samantala,
bukod sa isinagawang meeting, tampok din sa ARMM Tourism Assembly ang product
exhibit ng mga local products at product collaterals mula sa mga local
producer, service provider at local government units ng ARMM. Local……………….

LUBOS
ang kasiyahan ng mga farmer’s cooperative sa Maguindanao matapos tumanggap ng
tulong para mas mapalago pa ang kanilang pagsasaka.

Kamakailan
kasi ay namahagi ng mga farm equipment at mga hayop sa mga magsasaka sa Maguindanao
ang Department of Agriculture and Fisheries ng Autonomous Region in Muslim
Mindanao o DAF-ARMM na nagkakahalaga ng mahigit 7.5 million pesos.

Sinabi
ni ARMM executive secretary Atty. Laisa Alamia, siya ring DAF-ARMM
officer-in-charge, na ang naturang proyekto ay sa ilalim ng Payapa at
Masaganang Pamayaman o PAMANA.

Aniya,
ang Moro National Liberation Front o MNLF communities ang direktang nakinabang
sa naturang PAMANA program.

Mismong
si Alamia ang nanguna sa pamamahagi ng 16 na farm equipment at 400 mga hayop.

Ito ay
kinabibilangan ng mobile rice mill, rice thresher, at corn sheller, mga baka,
kalabaw at kambing. Local…………………..

HINDI
PWEDENG maipasa ng Senado ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL kung hindi
ito maunang maipasa ng Kamara.

Ito
ang sinabi ni Senate President Franklin Drilon matapos iginiit ni Senate
Minority Leader Juan Ponce Enrile sa plenary debate na kailangan maunang
maipasa ng Kamara ang BBL dahil maituturing ito na bill of local
applications.

Pero
binigyang diin ni Drilon na tuloy ang debate ng BBL sa Senado hanggang sa
magkaroon ng amendments ngunit hindi maaring pagbotohan para maipasa hangga't
hindi unang maipasa ng Kamara.

Sa
ngayon tanging si Enrile na lamang ang huling senador na nakikipagdebate kay
Senate Local Government Committee Chairman Bongbong Marcos bago matapos ang
period of interpellation.

Ayon
kay Drilon dapat maipasa na ng Kongreso bago matapos ang taong 2015 ngunit kung
hindi ay dapat maipasa na ito bago matapos ang buwan ng Enero ng susunod na
taon dahil maaaring maapektuhan na sa nalalapit na halalan.

Local...Umaabot na sa 2,629 katao ang nagkasakit ng dengue fever sa South Cotabato mula Enero hanggang Nobyembre katorse nitong taon.
Mas mataas ito ng dalawamput tatlong porsyento, kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon .
Ito ay ayon kay Cecile Lorenzo ang Disease Surviellance Officer ng Integrated Provincial Health Office ng South Cotabato.
Inihayag din ni Lorenzo na 1,884 sa mga dengue cases na ito ay may kaakibat na mga warning signs o sintomas.
Kabilang sa mga ito ang mataas na lagnat na tumagal ng mula dalawa hanggang pitong araw at pananakit ng tiyan.
Apat katao din ang nasawi dahil sa dengue sa mga bayan ng Polomolok, Banga at Tampakan, nitong 2015 ayon kay Lorenzo.
PInakamaraming kaso ng dengue sa South Cotabato na umaabot sa mahigit tatlumpung porsyenteo ng kabuuang kaso nito sa lalawigan ay naitala sa Koronadal City.
Sumunod naman ang bayan ng Tupi na mayroong labinpitong porsyento.
Ayon kay Lorenzo ang kaso ng dengue sa Koronadal ay mas mataas sa mga barangay na nasa poblacion area.
Myaroong ding labinisang clustered barangay ang Koronadal City dahil sa mas mas mataas na kaso ng dengue.Sa buong South Cotabato dalawamput dalawang mga barangay naman ang naitalang may clustering ng dengue.
Nagkakaroon ng clustering kapag umaabot na sa magkasunod na apat na linggo ang kaso ng dengue sa isang barangay, ito ay batay naman sa panuntnan ng National Epedemiology Center.
Nauna nang ipinahayag ni Dr. Rogelio Aturdio Jr, ang provincial health officer ng South cotabato na malaki ang maitutulong ng bawat komunidad sa pagsugpo ng nakamamatay na dengue fever.
Ito ayon kay Aturdido ay sa pamamagitan ng pagpapatupad ng ABKD Program o Aksyon Barangay Kontra Dengue ng Department of Health.
Layon nito na hikayatin ang mga mamamayan na makiisa sa kampanya kontra dengue lalong lalo na sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang lugar Local...Arestado ang limang na mga high school students at isang out of school youth sa Norala, South Cotabato.
Ito ay matapos mahuling aktong gumagamit ng illegal na droga.
Kinilala ang dalawa sa mga inaresto na sina Roel Villamor, out of school youth at Mark Joseph Luzara, grade 10 student.
Ayon kay Police Chief Inspector Dennis Madriaga, ang chief of Police ng Norala PNP, ang paggamit umano ng illegal na droga ng mga suspek ay isinumbong mismo ng isang concerned citizen sa PNP.
Ang mga suspek ayon kay Madriaga ay nahuli sa isang abandonadong rice mill sa PUrok Quirino Barangay Lopez Jaena, Norala, kamakalawa ng umaga.
Nakuha ng mga pulis mula sa mga ito ang limang small sachet at isang medium size na sachet ng suspected shabu , drug paraphernalia,at mahigit P1,300.
Ang mga naarestong menor de edad ay nai-turn over na ng PNP sa Municipal Social Welfare and Development o MSWD.
Inihahanda na ng pulisiya ang pagsasampa ng kasong paglabang sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa dalawa pang mga suspek na nasa custody ng Norala PNP Local...Pinaghahandaan na ng Commission on Human Rights o CHR 12 ang National Human Rights Consciousness Week.
Ayon kay Atty Erlan Deluvio, ang regional director ng CHR 12 ang pagdiriwang ay gaganapin mula Disyembre a kwatro hanggang dyes.
Ipinahayag ni Deluvio sa isang pulong balitaan na tampok sa isang linggong pagdiriwang ang Human Rights Symposium sa Notre Dame of Marbel University sa Disyemre a nuebe.
Ito ayon kay Deluvio ay dadaluhan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang lugar sa South Cotabato.
Inaasahan din ang pagdalo sa symposium ng mga kinatawan mula sa Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, local government units at iba pang mga stakeholders ng CHR.
Ipapakita din ng CHR 12 ang tatlumpung Universal declaration of Human Rights sa pamamagitan ng paglalagay ng malaking tarpuline sa Alunan Avenue, sa Koronadal City.
Ayon kay Deluvio, layon nito na lalo pang maipaalam sa mga mamamayan ang kanilang mga karapatang pantao upang makaiwas sa anumang uri ng pangaabuso.
Kabahagi din ng selebrasyon ang pagsasagawa ng CHR 12 ng pagsasanay sa mga desk officer ng Violence Against Women and Children o VAWC at mga human righs Action Center.
Tema naman ng National human rights consciousness week ngayong taon ang karapatang pantaoand Igalang, ipagtanggol, at isakatuparan.” Local...Natangay ng mga magnanakaw ang isang motorsiklo habang naka-park mismo sa loob ng bahay ng may ari nito sa Banga, South Cotabato.
Sinabi ng gurong si Angelito Gasmin, kwarenta’y syete anyos sa mga pulis na iniwan nito ang kanyang kulay pulang Bajaj Kawasaki motorcycle na may license plate 9800 MI sa kanilang bahay sa Sitio Kataan, Barangay Lambingi, Banga noong Nobyembre a biente otso.
Ayon kay Gasmin, kailangan kasi nitong dumalo sa Boy Scout Camping sa Polomolok, South Cotabato.
Laking gulat na lamang ni Gasmin ng sa kanyang paguwi makalipas ang tatlong araw ay nawawala na ang kanyang motorsiklo.
Nagpapatuloy pa ang imbistigasyon ng Banga PNP para matukoy kung sino ang suspek na tumangay sa motorsiklo ng biktimang guro.
Local...May mabuti ring naidulot ang tumataas na bilang ng kaso ng HIV/AIDS.
Ayon kay Dr. Rogelio Aturdido, Jr, ang provincial health officer ng South Cotabato, ito ay patunay lamang na nagtagumpay ang gobyerno sa kanilang adbokasiya.
Ibig sanihin nito ayon kay Aturdio, nakumbisi ang maraming mga mamamayan na sumailalim sa counseling at HIV/AIDS testing.
Ito ang dahilan ayon kay Aturdido kung bakit dumami ang mga naitalang kaso ng HIV/AIDS sa South Cotabato.
Nabatid na abot na 348 sa 551 na mga HIV/AIDS cases sa rehiyon dose ay mula sa South Cotabato at General Santos city.
Ito ay batay naman sa pinakahuling datus ng HIV/AIDS Antiretroviral Registry of the Philippines o HARP.
Para mapaigting ang kampanya kontra HIV AIDS sa South Cotabato naglalagay ng mobile HIV testing facility ang provincial health office sa mga mall, at ibang lugar.
Bukas din ang South Cotabato HIV/AIDS Core Team o HACT Clinic sa loob ng biente kwatro oras.
Naniniwala si Aturdido na maaring mapababa ang kaso ng HIV/AIDS kapag natukoy ang sinumang nagtatalay nito, pagpapabuti sa serbisyo ng mga health service providers at support service system. Local...Matapos magpositbo sa sakit na dengue ang tatlong miembro ng Scout Ranger Company ng Philippine Army agad nagsagawa ng fogging operation ang City Call 911 Emergency Medical Technicians mismong kampo nito sa Barangay Binoligan, Kidapawan City.Ikinabahala kasi ng pamunuan ng kampo sa pagkakasakit ng tatlo sa kanilang mga kasapi kaya agad itong humingi ng saklolo sa City Government.Bilang tugon, agad hinlughog ng pinagsanib na pwersa ng City Health Office, Public Safety at Barangay Officials ang kampo kung saan dito nila natagpuan ang ilang imbakan ng tubig na posibleng pinamumugaran ng lamok na may dalang dengue virus.Ilang mga kalapit na lugar din ng kampo ang tinungo ng nabanggit na team para sa fogging operation para mapigilan ang pagdami ng lamok na may dalang dengue virus.Paalala ngayon ng mga otoridad sa publiko na panatilihing malinis ang kanilang lugar at palakasin pa ang 4 o'cklock habit upang maiwasan magkasakit ng dengue. Local...Muling nagpaala si Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista sa mga taga Kidapawan na bawal pa ang pagbebenta at paggamit ng mga paputok sa kasalukuyan.Sinabi ni Evangelista na hangang December 23 ang bisa sa firecracker ban at pagkatapos ng araw na yan ay puwede nang gumamit at magbenta ng mga paputok.Pero nilinaw ng alklade na ang papayagan lamang magbenta ng mga paputok ay yaong mga miyembro ng Kidapawan City Fireworks Vendors Association.Kailangan kasi muna nila’ng kumuha ng permit at lisensiya mula sa licensing office, dumalo sa seminar ng Bureau of Fire Protection, at ang paglalagay ng safety measures sa kanilang tindahan para iwas sunog.Magtatalaga rin si Evangelista ng isang task force na siyang magpapatupad ng ban at pagre-regulate naman nito hanggang sa pagsalubong ng Bagong Taon.Kabilang din sa mga bawal ang paggamit ng ' boga' o improvised PVC Hand Cannon na malimit ginagamit bilang alternatibong paputok lalo na ng mga bata.Matatandaang ipinagbawal sa lungsod noong nakaraang taon ang pagbebenta ng mga paputok matapos ang ilang mga naitalang insidente kaugnay sa paggamit ng mga firecrackers.Umaasa naman si Evangelista na maiintindihan at susundin ng publiko ang nabanggit na mga polisiya para na rin sa kanilang kapakanan at seguridad. Naaresto ang isang 35-anyos na lalaki na umano sangkot sa pagtutulak ng illegal droga sa inilatag na drug raid ng PNP sa Purok Krislam, Poblacion, Matalam, North Cotabato alas 11:20 ng umaga kahapon.Kinilala ni Police Chief Ins. Sunny Leoncito, hepe ng Matalam PNP ang suspek na si Lance Mangacop Mamalangkay ‘alias’ stainless, na residente rin ng nasabing lugar.Hinalughog ang bahay ng suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Laureano Alzate, ng Regional Trial Court Branch 22, Kabacan, Cotabato kung saan narekober sa loob ng bahay nito ang tatlong sachet ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na limang gramo na tinatayang nagkakahalaga ng P45,000.00 at mga drug paraphernalia.Samantala, isang kalibre .45 na pistola, pitong mga bala at isang magazine rin ang narekober ng mga otoridad ilang metro lamang ang layo mula sa bahay nito.Ang suspek ay kabilang sa top ten Watchlist ng PNP na matagal na nilang minomonitor na nagbebenta ng ilegal na droga sa bayan.Nakakulong na ngayon ang suspek sa Matalam PNP lock up cell habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya. Local...Dead on the spot ang isang 27-anyos na lalaki matapos itong pagbabarilin ng di pa kilalang riding tandem suspect sa Purok Tambis, Dumacon Subdivision, Poblacion Kidapawan City pasado alas syete kagabi.Kinilala ni Supt. John Calinga, hepe ng Kidapawan City PNP ang biktima na si Anjo Agtuca Gumera residente rin ng nabanggit na lugar.Ayon sa report sinalubong lamang ng mga suspek na sakay ng isang suzuki raider motorcycle ang biktima na naglalakad sa lugar at agad na pinagbabaril.Nagtamo ng walong tama ng bala ang biktima sa kanyang katawan mula sa. 45 caliber pistol base na rin sa narekober na mga basyo ng bala sa crime scene. Sa salaysay naman ng ilang mga nakasaksi sa insidente nakasuot ng helmet ang driver ng motorsiklo at nakabonet naman ang angkas nito na siyang bumaril sa biktikma dahilan para mahirap nilang matukoy ang pagkakakilanlan sa mga suspek.Samantala, mismong ang ina ni Anjo na si Antonette Gumera ang nagbunyag sa Radyo Bida na ito na ang ikalawang pagkakataon na binaril ang biktima pero noong una ay maswerte itong nakaligtas sa pamamaril.Dating waiter umano si Anjo sa isang restaurant sa Koronadal City pero pinauwi ito ng kanyang ina noong Enero matapos ang sinapit niya doon.Ayon sa PNP, posible namang may kaugnayan ang pagbaril at pagpatay sa biktima sa unang beses nitong pagkakabaril sa kanya sa Koronadal City na una na ring nasangkot sa ilang krimen sa lugar.Personal Grudge naman ang sinusundang anggulo ng PNP sa nabanggit na insidente. Local...Hindi na kelangang gumastos pa ng malaki para magkaroon ng magarang palamuting pampasko.Patunay nito ang ang naggagandahan at naglalakihang ibat-ibang disenyo ng mga parol, christmas tree, belen at iba pa, na ngayon ay nakadisplay sa harap ng Municipal Hall ng Mlang North Cotabato.Ito ay kaugnay naman sa kanilang Let your Light Shine Activity na nilahukan ng mga estudyante, mga residente ng Mlang, Civil Society Organizations, Mlang LGU at iba pa.Sinabi ni Mlang Tourism Officer Harold Santillan gawa sa mga recyclable materials ang naturang mga palamuti na ang akala ng iba ay hindi na mapapakinabangan.Ang Let you Light Shine Activity ay isa sa mga Highlight ng Kawayanon Festival ng bayan na ngayon ay patuloy na ipinagdiriwang sa bayan.Si Mlang Municipal Tourism Officer Harold Santillan.

USM professor, nag-public apology sa pag-angkin ng thesis ng isang USM student

Public Apology ng dating university professor sa kanyang estudyante dahil sa pangongopya nito sa kanyang thesis. Naglabas ng kanyang public...

Imbestigasyon sa pagkasangkot ng 3 pulis sa pagpatay kay Capt Moralde sa MagNorte, nagsimula na -iimbestigahan ng PNP

INIIMBESTIGAHAN na ngayon ng PNP ang tatlong mga pulis na kasama ni Police Captain Roland Moralde nang ito'y paslangin ng limang mga gunmen sa public...

Cotelco announces power interruption on May 11 in Kabacan, Matalam

Kabacan, Matalam towns TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on...

Cotabato Light announces brownout sked in Sultan Kudarat

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company announced today a scheduled power interruption affecting Macaguiling, Sultan Kudarat on Thursday...

Cotabato Light urged consumers to conserve energy amid rising electricity rate for May

COTABATO CITY - Cotabato Light customers will experience an electricity rate hike in May due to increased generation charges from higher Wholesale...