Wednesday Apr, 24 2024 09:57:19 AM

NDBC BIDA BALITA Dec. 31, 2015

 • 20:22 PM Thu Dec 31, 2015
1,458
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS

NEWSCAST

DECEMBER 31,
2015 (THURSDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. RESIDENTE ng barangay Kauran,
Ampatuan, Maguindano inabotan ng tulong ng provincial Government Gov.
Mangudadatu nakiramay sa mga pinatay na magsasaka ng BIFF

2. Dalawa ka-tao patay sa vehicular
accident sa Makilala, North Cotabato

3. Kita ng mga firecracker vendor sa
Koronadal City bumaba

4. Granada, natagpuan sa isang barangay ngSuralla, South Cotabato

NAKIRAMAY at nagpaabot ng tulong ang
probinsya ng Maguindanao sa mga residenteng biktima ng panghaharass at
pangaatake ng bansgamoro Islamci Freedom fighters o BIFF sa Brgy. Kauran,
Ampatuan, Maguindano kahapon ng hapon.

Ito ay pinangunahan ni Maguindanao Gov.
Toto Mangudadatu kasama ang kanyang mga kapatid at ilang opisyal ng barangay pati
na si 6th Infantry Division Philippine Army Commander Gen. Edmundo Pangilinan.

Naging emosyonal naman si Gov.
Mangudadatu nang makita ang sitwasyon ng mga residente ng Brgy, Kauran sa
Gymnasium kung saan pansamantalang nanatili ang mga ito.

Giit ng gobernador, mananagot ang dapat
na managot sa naturang insidente.

Kinondenda nito ang brutal na pagpatay
sa mga inosenteng magsasaka sa bayan ng Ampatuan.

May panawagan naman si Governor
Mangudadatu para sa mga armadong grupong BIFF at maging sa Moro Islamic
liberation front o MILF.

Tiniyak naman ni Gen. Edmundo
Pangilanan na naka alerto at nakahanda sila sa muling pagatake ng mga armadong
grupo.

Nananawagan naman si Pangilinan sa
publiko na wag basta bastang maniniwala sa diumanoy pananakot ng BIFF.

Hindi man naging madali para sa pamilya
ng isa sa mga magsasakang pinaslang sa naturang pangaatake ng BIFF, humihiling
naman ang isa sa kapatid ng mga biktima na sana'y wag na nilang idamay pa ang
mga inosenteng tao sa kanilang lugar.

Si Rhea, na kapatid ng isa sa pinaslang
na magsasaka ng BIFF.

Kahapon lang ay nakatanggap ng cash
assistance at relief goods ang mga residenteng naapektuhan ng kaguluhan sa
Brgy. Kauran, Ampatuan, Maguindanao.

BAGAMA'T
NAGPAALALA ang mga otoridad sa pagbabawal ng mga paputok sa pagsalubong ng
bagong taon, nagbigay parin ng sampung fireworks safety tips sa Cotabato City
Police Office.

Una rito ay
ang paggamit ng fireworks sa labas lamang ng bahay kung saan iwasan ang
pagtatapon at pagdirekta nito sa ibang tao.

Tiyakin rin
na may kasamang mas nakakatanda para magsubaysubay kung sakaling gagamit ng
papautok. Ilayo ang mga bata na paglaruan ito.

Kung maari ay
iwasan rin ang pagbili ng fireworks na nakasilid sa brown paper, dahil maaring
ito ay para sa professional display lamang at maari magdulot ng malaking
pinsala.

Ilayo ang
katawan kung sisimulan ng sindihan ang paputok, at kung maari ay isa isa lang
ang sindihan.

Kung hindi
man pumutok matapos sindihan ay wag agad na lumapit, hintayin ang 20 minuto at
buhusan ito ng tubig at wag nang subukan pang sindihan.

Wag nang
haluhaluin ang mga paputok, upang hindi magdulot ng pinsala.

Panatilihing
may planggana ng tubig o garden hose para agad na magamit kugn sakaling hindi
maiwasang sumiklab ang sunog o may hindi pumutok na sinindihang paputok.

Panatilihing
ligtas ang sarili sa pamamgitan ng paggamit ng safety eye glasses o shades.

At panghuli,
wag haluin ang alcohol at fireworks.

PATULOY
ang monitoring ng Department of Health ARMM sa lahat ng ospital at health centers
para sa mga kaso ng biktima ng paputok, ligaw na bala at maging sa kalusugan ng
mga taga-ARMM ngayong pagsalubong ng bagong taon.

Sinabi
ni DOH ARMM Sec. Kadil Jojo Sinolinding Jr. na bagama't wala pa silang natatanggap
na report sa rehiyon na kaso ng holidays related injury ay naka alerto pa rin
ang kanilang ahensya.

Ayon
kay Sinolinding, kamakailan lang ay ISASAILALIM na sa white alert ng Department
of Health o DOH ang lahat ng mga ospital nito sa buong bansa.

Ito ay
bahagi ng kanilang paghahanda para sa posibilidad na tumaas ang bilang ng mga magkakasakit
bunsod ng malamig na panahon at holidays related injury.

Mahigpit
namang pinaalalahan ni Sinolinding ang publiko na wag ng gumamit ng paputok sa
pagsalubong ng bagong taon.

ITINAAS na ng Bureau of Fire
and Protection ang red alert status bilang bahagi ng paghahanda ng ahensiya sa
mga sunog na posibleng mangyari dahil sa paggamit ng paputok sa pagsalubong ng
Bagong Taon.

Sinabi ni Cotabato City BFP
Fire Insp. James Rah na suportado ng ahensiya ang panukala ng Department og
Health at iba pang ahensiya ng gobyerno na total ban sa paggamit ng paputok.

Una nang ipinagutos ng BFP
national na mas maiging magkaroon na lamang ng iisang lugar kung saan gaganapin
ang fireworks display at tanging mga eksperto lamang ang magsasagawa nito para
maiwasan ang anumang disgrasya.

Sa ngayon, patuloy ang
pag-iikot ng mga tauhan ng BFP sa mga barangay para bigyan ng abiso ang mga
kababayan sa tamang pagsalubong sa New Year.

PINAGIINGAT
ng Regional Higway Patrol Unit ARMM ang mga motorista na babiyahe ngayon para
sa holiday season

Ayon
kay Regional HPU executive Police Sr. Officer SPO4 taja Enoc na disiplina at
presence of mind sa pagmamaneho ng mga motorista ang tanging solusyon para
maibsan at mapanatili ang seguridad sa kalsada ng bawat isa.

Binalaan
naman ni Enoc ang mga motoristang mabibiktima ng mga magpapanggap na miyembro
ng kanilang ahensya na tiyaking lehitimo ang mga taong nakakausap nila.

Isa
rito ang katiyakang nakasuot ng kanilang uniporme ang taong miyembro ng
kanilang opisina, kung saan sa kaliwang bahagi ay naroon ang badge ng HPG at sa
kanang bahagi ay badge ng PNP, pulang guhit naman sa kanilang pantalon para sa
non-officer at dilaw naman para sa mga opisyal.

Kasabay ng bisperas ng bagong taon magdamag ring bukas ang ilang mga pwesto ng mga pyrotechnics sa Kidapawan City High walk kagabi.Dumagsa rin kasi ang mga mamimili sa posibilidad na bababa pa ang presyo nito hanggang mamamayang hating gabi.Matatandaang December 23 nagsimula ang display ng mga pyrotechnics at firecrackers sa city plaza na magtatapos naman ngayong araw.Una na ring tiniyak ng City LGU na ang bentahan ng naturang mga paputok ay nasa iisang lugar lamang para masiguro na ang ibebenta ay mga pyrotechnics na regulated at ligtas gamitin.Samantala, bahagya namang tumaas ang presyo ng mga prutas sa Kidapawan City.Ang Grapes ay nasa 350 na bawat kilo, Lanzonez 200 ang kilo at ang ibang mga bilog na prutas na kadalasang nakikita sa mga display sa mga hapag ay nanatili pa rin sa kanilang mga presyo kagaya ng apple, orange, melon at chinese melon at iba pa.May mga nakahandang ring 13 bilog na prutas na naka basket na nasa 250-280 pesos.Ayon sa ilang fruit vendor sa public Market, posible pang tataas ang presyo ng mga nabanggit na prutas lalo na't kung magkaubusan ng stocks ng mga ito.Aasahan kasi na mas dadagsa pa ang mga mamimili ngayong araw. Kulungan ang bagsak ng isang 33-anyos na lalaki dahil sa kasong pagnanakaw at illegal na droga sa Kabacan, North Cotabato alas nuebe kagabi.Kinilala ng Kabacan PNP ang suspek na si Maximillan Quemirit, may asawa at residente ng Aglipay St., Poblacion, Kabacan.Ang suspek ay itinuturong responsible sa nangyaring nakawan sa Mapanao St. Kabacan.Pagkatapos naman ilang minuto dahil sa maagap na pagresponde ng PNP sa lugar ay agad namang nahuli ang suspek. At Habang nasa KAbacan PNP station ay aksidenteng nakuha mula sa suspek ang isang improvised tooter, isang piraso ng plastic container na naglalaman ng dalawang glass tube at dalawang disposable lighter na sinasabing illegal drug paraphernalia.Sa ngayon, ay nakakulong na ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya. Hindi na umabot pa ng bagong taon ang dalawang lalaki matapos itong masangkot sa vehicular accident sa National Highway ng brgy. Malasila, Makilala, North Cotabato madaling araw kahapon.Kinilala ang mga biktima na sina Roderick Ramos na taga brgy. Kisante, Makilala, habang kinilala naman ang angkas nitong si Ryan Ray Nokorda ng brgy. Malasila, Makilala.Sinabi ni PO1 Arnold Dalion, ang Traffic Investigator ng Makilala PNP, sakay ang dalawang mga bikitma sa kanilang Sniper Motorcycle patungong brgy. Kisante.Batay sa report sinubukang mag overtake ng dalawang mga biktima sa isang sasakyan pero hindi nila namalayan ang kasalubong na isang ten wheeler truck at doon na bumangga ang kanilang motorsiklo.Ang naturang truck ay pag-mamayari umano ng Nagazat Hardware na may mga karga pang construction materials na minamaneho ni Prolyn Serrano Franciquete, 38-anyos ng Brgy. Kalasuyan Kidapawan City.Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay inararo pa ng halos 12 metro ang mga biktima na nagresulta naman sa kanilang agarang kamatayan.Nabatid na papunta sana sa isang aktibidad ang mga biktima nang maaksidente ito na patuloy namang inaalam ng PNP kung nakainum ba ang mga ito.Nasa kustodiya pa ngayon ng Makilala PNP ang driver na si Franciquete.Kaugnay nito, nanawagan ngayon si Dalion sa mga motorista na maging responsable sa pagmamaneho para maka iwas sa disgrasya. Sa pagbubukas ng 2016, aasahan na ng mga residente ng Brgy. Poblacion, sa Makilala, North Cotabato na magagmit na nila ang bagong biling Garbage Truck ng barangay.Ito ang ipinabatid ni Poblacion Makilala Chairperson Erick Quibod sa Radyo Bida.Ilang mga text na rin kasi mula sa mga BIDANG TEXTER na natatangap ng Radyo Bida kaugnay sa umano nakakalat na basura sa isang area ng brgy. Poblacion partikular sa Kalantas Street, Poblacion.Paliwanag naman ng opisyal na ngayon lang naman mapapansin ang mga basura dahil sa mga sunod sunod na Christmas party sa lugar.Nagholiday rin kasi ang mga personahe na responsable nito mula sa Makilala LGU.Samantala, tiniyak nama ni Quibod na sa susunod na linggo ay mag-uumpisa na sa pag-iikot ang kanilang Garbage Truck sa buong Poblacion para mangolekto ng basura.Paalala lang ng opisyal sa mga taga brgy. Poblcion, Makilala na huwag kalimutang ipunin ng maayos ang mga basura at kung maaari ay ihiwalay na ang mga nabubulok sa mga hindi nabubulok na basura. Binalaan ngayon ng Traffic Management Unit o TMU sa Kidapawan City ang lahat na mga motorista na sumunod at maging responsable sa mga traffic rules sa mga daanan.Binigyang diin ni TMU Head Rey Manar na walang pasko pasko o bagong taon sa kanilang ipinapatupad na polisiya sa National highway.Ayon kay Manar sa kabila kasi ng kanilang paulit ulit na paalala, may mga pasaway pa ring mga driver ang hindi marunong pumarada sa daanan at minsan ay nasa inner lane pa at ang iba naman ay maling pagkakarga ng mga pasahero.Dahil dito ilang oras na naman na nagkabuhol-buhol ang trapiko sa National Highway kahapon.Tiniyak naman ni Manar na magtutuloy-tuloy ang kanilang pagbabantay at monitoring sa highway ngayong araw.Sa katunayan aniya, naka deploy na ang mga TMU personnel sa ilang bahagi ng Kidapawan City para sa pagpapanatili ng maayos na daloy ng trapiko sa lungsod.Inaasahan rin kasing mas dadagsa pa ang tao ngayong araw lalo na't huling araw ng taon at mamimili ang lahat para sa kanilang buena noche sa pagsalubong sa 2016. Matumal ang bentahan ng mga paputok sa Koronadal City ngayon.

Ito ang kinumpirma ni Jomel Alo, ang Presidente ng Koronadal
City Firecrackers Vendor Association.

Naniniwala si Alo na naging dahilan naman nito ang kawalan ng pambili
ng karamihan sa kanilang mga suki.

Ayon kay Alo, maaring nakaapekto ng malaki sa mga empleyado sa
gobyerno ang pagtanggal ng kanilang Christmas bonus.

Inihayag din ni Alo na marami ring mga kawani sa pribadong
sector ang walang natanggap na bonus
ngayong taon.

Gayunpaman ayon kay Alo, umaasa pa rin ang kanilang grupo na
dadami pa ang bibili ng kanilang mga paninda habang papalapit ang pagsalubong
ng bagong taon.

Ang Koronadal City Firecraker Vendors Association ay mayroong
dalawamput isang myembro.

Ang mga ito ay nabigyan ng permit ng lokal na pamahalaan.

Itinalaga para mapagbentahan ng mga ito ang bahagi ng General
Santos Drive sa barangay Sto. Nino.

Natagpuan ang isa na namang granada sa, Barangay Sepaka, Surallah, South Cotabato.

Ang hindi sumabog na granada ay narecokober ng Explosive
Ordnance Division o EOD team ng PNP di
kalayuan sa bahay ng magsasakang si Ruel Kipad, trenta’y nuebe anyos.

Ayon sa Surallah PNP, matapos barilin, hinagisan ng di kilalang
suspek ng hindi sumabog na granada si Kipad noong Disyembre a biente sais.

Nirepondehan lamang ng mga pulis ang insidente matapos itong
mareport sa kanila ng mga opisyal ng barangay kamakalawa lamang.

Ito na ang pangalawang granada na nadiskubre ng mga pulis sa
Upper Sepaka.

Matatandaan na isang granada rin ang pinasabog ng EOD sa lugar
matapos itong matuklasan sa tabi ng
isang bodega na pinaputakan rin ng di kilalang mga suspek noong Linggo ng gabi.

Inaalam pa ng mga pulis kung sino ang mga suspek sa insidente.

Huwag hayaang humawak ng mga paputok ang kanilang mga anak.

Ito ang apela ni Dr. Rogelio Aturdido Jr, ang provincial health
officer ng South Cotabato sa mga magulang sa lalawigan.

Layon nito ayon kay Aturdido na matiyak ang kaligtasan ng mga
bata lalong lalo na sa mga ipinagbabawal tulad ng Piccolo.

Ito ang ipinahayag ni Aturdido kaugnay naman sa nalalapit na
pagsalubong ng bagong taon.

Nabatid batay naman sa pinakahuling datus ng provincial health
office na pinakamarami pa ring bilang ng mga naputukan ngayon sa South Cotabato
ang mga bata.

Hiniling din ng mga otoridad sa mga mamamayan na bago gumamit ng
mga paputok at iba pang mga pyrotechnics dapat ay isalang alang din ng mga ito
ang kanilang kaligtasan.

Payo pa ng mga ito sa halip na mga paputok at iba pang pyrotechnic
devices gumamit ng alternatibong pampaingay. Tulad ng mga torotot, lata at iba pa.

Maari ring makisaya ang mga ito sa mga community fireworks
display sa kanilang lugar.

Sa koronadal city
magkakaroon ng community fire works display ang lokal na pamahalaan sa
rotunda area mamamayang gabi.

Naniniwala si Justina Navarete, ang OIC Provincial Agriculture
Officer ng South Cotabato inaasahan na ang pagtaas sa presyo ng mga produktong
prutas sa lalawigan.

Ito ay dahil na rin sa mas mataas na demand nito habang papalapit ang pagsalubong ng bagong
taon.

Bukod dito ayon kay Navarete,
hindi pa panahon ng pamumunga o off season pa ng mga bilog na prutas
ngayon tulad ng durian, Lanzones, rambutan at iba.

Ininayag ni Navarete na karamihan sa mga bilog na prutas na
ibinebenta sa south Cotabato ay nangaling pa sa ibang lugar.

Ayon kay Navarete, tanging Pomelo lamang ay mayroong sapat na
supply ngayon sa lalawigan.

Ang paghahanda ng bilog na prutastuwing bagong taon ay naging tradisyon na ng
mga mamamayang Pilipino sa paniniwalaang magdadala ito ng kasaganahan sa
pagpasok ng bagong taong.

Handang magbigay ng scholarhip ang lokal na pamahalaan sa mga
anak ng mga mangingisda sa General Santos City na nawala sa karagatan dahil sa
pananalasa ng Bagyong Pablo.

Ayon kay Gensan City Mayor Ronnel Rivera, Ito ay pinagaaralan na
ngayon ng city Social Welfare and Development Office.

Ito ang ipinahayag ni Rivera kaugnay sa paggunita ng mga kaanak
ng mga naulila ng bagyong Pablo sa Gensan kamakailan lang.

Matatandaan na tatlo lamang sa mahigit tatlumpung mga
mangingisda sa Gensan at Sarangani ang nakaligtas matapos sirain ng bagyo ang
kanilang mga sasakyang pandagat noong 2012.

Ipinahayag din ni Rivera na isinusulong din ng lokal na
pamahalaan ang paglalagay ng marker sa mga nasawing mangingisda.

Ito ay bilang pagbibigay
pugay na rin sa nagawa ng mga ito para sa pagsulong ng industriya ng Tuna sa
Gensan.

Binigyan diin ni Rivera na kahanga hanga ang ginawa ng mga
mangingisda na ilagay sa peligro ang kanilang buhay para maitaguyod ang
kanilang pamilya.

P340K na halaga ng smuggled cigarettes, natagpuan sa Maguindanao del Norte

COTABATO CITY - MAHIGIT P340,000 na smuggled cigarettes nasamsam sa baybayin ng Simuay, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte. Sa isinagawang Anti...

Maj. Gen. Rillera honors wounded soldiers in clash with BIFF in MagSur

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Major General Alex S. Rillera PA, Commander of the 6th Infantry Division/Joint Task Force Central, led the...

Cotelco announces power interruption sked in Kidapawan

TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following scheduled date...

Cotabato Light announces power service interruption for April 25

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company has announced a scheduled power interruption for April 25, Thursday affecting Bubong, Kalanganan...

NDBC BIDA BALITA (April 23, 2024)

HEADLINES 1   BIFF leader Kagi Karialan at 11 mga tauhan, patay sa Army offensive sa Maguindanao del Sur; sabi ng BIFF laban nila di pa...