Tuesday May, 07 2024 10:38:10 AM

NDBC BIDA BALITA Feb. 11, 2016

 • 20:23 PM Thu Feb 11, 2016
1,681
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

FEBRUARY 11,
2016 (THURS)
7and00 AM

HEADLINESand

1. BOMBA, na natagpuan sa labas ng
police station 1 sa Cotabato city.

2. BABAENG biktima ng Hit and Run sa
Matalam, North Cotabato, nanawagan nang tulong sa driver na nakasagasa sa kanya
dahil sa malaking bayarin sa ospital

3. Mahigit 13 milyong piso, inilaan
para sa Sports Development Program ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato

4. Dalawang babae, huli sa illegal drug buy bust sa Koronadal SA DETALYE....BINULABOG ng malakas na pagsabog ang
mga mamamayan ng Cotabato city kagabi.

Ito ay matapos na kusang pasabugin ng
Explosives and Ordnance team ng Philippine Army ang natagpuang improvised
explosive device o IED sa likod ng police station 1 ng lungsod.

Sinabi ni City PNP Dir. Police Sr.
Supt. Raul Supiter na pasado alas otso kagabi nang magsumbong sa pulisya ang
isang concerned citizen hinggil sa kahina-hinalang bagay na nasa tabing daan sa
likod ng police station 1.

Ang naturang bomba ay nakabalot ng
cellophane at madaling napansin dahil sa blinker nito.

Naglalaman ito ng black powder, baterya
bilang power source at concrete nails na magsisilbi sanang shrapnels.

Sabi ni Supiter, maswerte at napigilan
ang pagsabog nito at hindi nakapaminsala sa mga mamamayan ng lungsod.

Gayunman, sabi ni Supiter, kontrolado
pa naman ng mga otoridad ang sitwasyon at kailangan lang ng kooperasyon ng mga
residente para mapigilan ang anumang krimen.

KAKASUHAN NA
NGAYONG ARAW ng paglabag sa Section 5 Article II ng Republic Act 9165 ang isang
dating pulis matapos maaresto sa buy-bust operation ng Philippine Drug
Enforcement Agency o PDEA-ARMM pasado alas tres nang hapon kahapon sa Quezon Avenue
corner Makakua Street, barangay Rosary Heights 2, Cotabato city.

Kinilala ang
suspek na si Abdulrahman Singgon Sulaiman, dating kasapi ng Cotabato city PNP
at taga- Purok Sampaloc, Barangay Bagua Mother ng lungsod.

Ayon sa
report ng PDEA-ARMM, pumayag magbenta ng 50 gramo na shabu si Sulaiman sa asset
ng tanggapan kaya naghanda agad ang kanilang mga ahente.

Gayunpaman,
nang magkita na ang asset at ang suspek sa parking lot ng Mc Donalds – Cotabato
ay limang gramo lang ang dala nitong shabu na nakalagay sa isang sachet at
nagkakahalaga ng walong libong piso.

Nang
magkapalitan ng item at pera ay agad siyang inaresto ng mga naka-antabay na operatiba
ng PDEA ARMM.

Sa ngayon ay
nasa detention facility na ng PDEA-ARMM ang suspek habang hinahanda na ang kasong
isasampa laban sa kanya.

Samantala, sa
Libugan, North Cotabato naman, arestado ang apat na mga lalaki sa barangay
Poblacion kamakalawa ng gabi.

Akto kasing
nahuli ang mga ito na gumagamit ng iligal na droga habang nagsusugal.

Kinilala ang
mga naaresto na sina Roman Bangos, 27 years old, isang driver Bidi Gallendo,
36 walang trabaho Edgar Mineses, 33 walang trabaho at Jerry Jokino, 35.

Nabawi mula
sa kanila ang mga gambling paraphernalia at drug paraphernalia.

Nasa Libungan
PNP lock up cell na ngayon ang mga suspek.

NAKILALA
na ng mga otoridad ang bangkay na natagpuan sa National Highway ng Brgy.
Ulamyan, Libungan, Cotabato.

Sa
report, sinabi ni Brgy. Kagawad Raning Rumarate, posibleng noong nakaraang gabi
pa iniwan ang bangkay ni Reynaldo Cruz, alyas tagalog, 53 years old, magsasaka,
taga- Maynila at nakapangasawa ng taga-Libungan.

Natagpuan
ang bangkay nito malapit sa irrigation kanal kahapon ng umaga.

May
sugat sa ulo ang biktima na posibleng pinukpok ng matigas na bagay saka
inihulog sa kanal.

Kinilala
siya ng mga kapatid ng kanyang live in partner.

SAMANTALA,
HINDI NAMAN INABUTAN PA ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency
o PDEA-ARMM ang isang habal-habal driver sa kanyang bahay matapos isilbi ng mga
ito ang search warrant na inisyu ni Judge Bansawan Ibrahim para halughugin ang
bahay ng isang habal-habal driver sa Almonte extension, Purok Bualan, Barangay
Poblacion 2, Cotabato city pasado alas singko nang madaling araw kanina.

Nang
pinasok ng mga operatiba ang bahay ni Tato Bansil, ay mabilis itong nakatakas
suot lamang ang kanyang underwear.

Inabutan
naman ng mga operatiba ang asawa ni Bansil na kinilalang si Rahmina Ulong.

Sa
paghahalughog ng PDEA-ARMM sa bahay ng mag-asawa ay nakita nila ang isang
malaking sachet ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nasa 50 gramo at
nagkakahalaga ng 80 libong piso.

Sa
ngayon ay nasa kostodiya na ng PDEA-ARMM si Ulong na nakatakda ring sampahan ng
kasong paglabag sa RA 9165 habang pinaghahanap pa ng mga ito si Bansil.

Agaw pansin ngayon sa
facebook at iba pang social networking sites ang singing police woman na si PO1
Jackylou De Dios ng PRO-ARMM matapos mag trending ang kanyang mga video na
kumakanta habang suot ang uniporme ng pambansang pulisya.

Sabi ng 25 years old na
singing police woman, hindi niya lubos akalain na magiging viral ang kanyang
unang video na inilagay sa facebook na alay niya sa kanyang kaibigan na nagdiwang
ng kaarawan.
Aniya, bata pa lamang siya,
ay hilig niya na ang pagkanta at 2007 pa nang unang mag-upload siya ng kanyang
video habang kumakanta.

Si PO1 De Dios o kilala sa
Social Media bilang si Raindimple, The singing Police Woman ay pang lima sa
anim na anak nina Mr. Juanito De Dios Jr. at Mrs. Rebecca Bayeta De Dios ng
Baranggay Sarmiento, Parang, Maguindanao.

Nagtapos siya ng kursong
Bachelor of Science in Nursing sa San Pedro College sa siyudad ng Davao noong 2011
at Pumasok sa Hanay ng Pambansang Pulisya noong 2012.

Bago pa man sumikat sa
Social Media si De Dios ay miembro na siya ng banda at sumasali sa singing
contest kung saan mas nahasa ang kanyang talento sa pagkanta.

Pero sabi ni de Dios,
bagaman at masaya siya sa natatamong kasikatan dahil sa pagkanta, hindi niya
iiwan ang kanyang sinumpaang tungkulin bilang isang pulis.

Gayunman, aniya,
nagpapasalamat siya sa lahat ng tumangkilik sa kanyang mga video.

BULAG
na teenager ang tinanghal na kampeon sa Kategelan Sa Maguindanao, Battle of
Talents kaugnay ng 5th Sagayan festival celebration sa Buluan,
Maguindanao.

Si
Eljan Aliman, 17 years old na taga-Ampatuan, Maguindanao ang nag uwi ng 50 thousand
pesos na cash prize.

Napahanga
ni Aliman ang mga hurado matapos na kumanta ito habang tumutugtog ng keyboard o
organ.

2nd
place naman sa Senior Citizen at Persons with Disabilities Division si Esmael
Ahmad habang 3rd place si Bryand Kendayo.

Sa LGU
employees division, grand winner naman si Dante Saliling, isang Teduray mula sa
bayan ng South Upi.

Pumangalawa
sa kanya si Hazzam Pangalao ng Ampatuan town at 3rd place ang Rayray
Band na mula pa rin sa Upi, Maguindanao.

Samantala,
ngayong gabi, gaganapin naman ang masayang Concert ng mga Moro Singer.

Sa
February 12, aabangan din ang pageant night ng Palamata Nu Maguindanao kung
saan 13 mga magaganda at matatalinong kandidata ang maglalaban para sa titulo.

Magkakaroon
din ng concert sa February 13 ang R and B princess na si Kaila.

Napili para maging national awardee ng Bayan Ka! Awards ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang Barangay Eday sa bayan ng Columbio Sultan Kudarat.
Naniniwala naman si Eday Barangay Chairman Marcelo Gusanan na sikreto ng kanilang tagumpay ang bayanihan system sa kanilang barangay.
Ayon kay Eday dahil sa pagtutulungan ng mga residente nakapagpatayo sila ng school building.
Nakinabang din sa solar dryer at water system na pinatulungan nilang ipatayo ang mahigit pitong daang mga residente sa lugar.
Ayon kay Gusanan ang mga proyekto na ipinatayo sa pamamagitan ng Kalahi-CIDSS ay pinili mismo ng mga taga Barangay Eday. Aminado naman si Gusanan na noong una hirap ang mga barangay officials na kumbinsihin ang mga residente na tumulong sa pagpapatayo ng mga proyekto.
Ayon kay Gusanan nakatulong sa pagkumbinsi sa mga mamamyan ang regular na barangay assembly at transparency ng mga lokal na opisyal sa implementasyon ng mga proyekto ng Kalahi-CIDSS Ngunit bago pa man tanggapin ang parangal sa Kalakhang Maynila, tinaggap muna ni Gusanan ang Bayan Ka! Award sa Best Volunteer Category, sa regional awarding ceremony na ginanap kamakalawa sa Koronadal City.
Kabilang din sa mga tumanggap ng parangal ang Notre Dame Broadcasting Corporation bilang Best Media Partner.
Ang Bayan Ka! Award ay ibinibigay ng DSWD sa kanilang mga volunteer at stakeholders na malaki ang naiambag para magtagumpay ang mga proyekto ng KALAHI-CIDSS. Mayroon nang bagong tourist destination ang bayan ng T’boli, South Cotabato.
Ito ay matapos buksan sa mga turista ang Bakngeb River Cave Adventure.
Ang pinakabagong water destination na ito ay matatagpuan sa Barangay Laconon, T’boli.
Kabilang sa mga tiyak na papatok sa mga turistang bibisita sa lugar ang Diving at canyoneering sa loob mismo ng kweba.
Para sa mas mahilig sa adventure, maari ring subukan ang water rafting mula sa loob palabas ng Bakngeb Cave.
Ang proyekto ay suportado ng Department of Tourism o DOT 12.
Ayon kay DOT 12 Regional Director Nellie Nita Dillera ang Bakngeb River Cave Adventure ay isang Community Based Ecotourism.
Ito kasi ay pinamamahalaan mismo ng mga residente na nakapaligid sa tourist site na kumikita bilang mga cook, food server at river guides.
Ang Bankngeb River Cave Adventure ay alternatibong destinasyon sa Lake Holon na pansamantalang ipinasara ng lokal na pamahalaan ng T’boli para bigyan daan ang rehabilitasyon at paglalagay ng dagdag ng mga pasilidad.
Kalaboso ang isang buntis sa anti illegal drug operation ng mga pulis sa Sitio Bagong Tuklas, Barangay Liwanay, Banga, South Cotabato.
Kinilala ni Banga Chief of Police, Inspector Marvin Duadua, ang suspek na si Diane Banez, biente uno anyos at pitong buwang buntis.
Ang suspek ay aktong nahuling nagbebenta ng droga dakong alas nuebe y medya kamakalawa ng gabi.
Narekober naman ng mga pulis sa ibabaw mismo ng mesa ng biktima ang labintatlong disposable lighter, gunting, limamput siyam na sachet na mayroong bakas ng shabu, tatlong daang marked money at iba pang drug paraphernalia.
Nakuha din sa kanya ang apat na mga cellphone na ginagamit umano nito sa kanyang illegal drug transaction.
Tumakas naman agad ang live in partner ni Banes na si Dennis Bandianon, biente tres anyos nang matunugan ang mga pulis na paparating sa kanilang bahay.
Samantala, arestado din ang isang babae nang pasukin ng mga pulis ang isang Shabu tinagge sa Purok Ferry, Barangay General Paulino Santos, kahapon ng umaga.
Ayon kay Police Superintendent Barney Condes, ang Chief of Police ng Koronadal, ang naarestong si Vivian Apura, trenta’y syete anyos ay nasa drug watchlist at matagal nang minamanmaman ng PNP.
Narekober mula sa suspek ang dalawamput anim na maliliit na sachet, labintatlong medium size at isang large sachet ng suspected shabu.
Nakuha din mula kay Apura ang isang disposable lighter, cellphone at limang daang marked money.
Nabatid na ang suspek na si Apura na minsan na ring nagtago ng illegal na droga sa maselang parte ng kanyang katawan ay nahuli din noon sa PUrok Forro, Barangay General Paulino Santos.
Inihahanda na pulisiya ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa dalawang mga babaeng drug suspek.
Problema ngayon ng mga flower vendors sa Koronadal City kung papano kumita habang papalapit ang araw ng mga puso.
Bukod kasi sa kulang na supply ng bulaklak, biglaan din ang pagtaas ng presyo nito.
Matumal din ang bentahan ng mga bulaklak ngayon sa Koronadal city ilang araw bago ang valentines day kung ikukumpara noong nakaraang taon.
Ayon sa flower vendor na si Grace Anticuando, dumoble ang presyo ng mga rosas na pinakamabenta tuwing araw ng mga puso.
Nabatid na ang isang dosena ng short stem na rosas na mabibili noon ng singkwenta pesos ay umaabot na ngayon sa isang daan.
Habang ang per dozen naman ng long stem nito ay pumapalo na sa P150.00 mula sa dating presyo nito na otsenta pesos.
Ayon kay Anticuando, apektado na rin kasi ng El Nino Phenomenon ang mga pataniman ng bulaklak sa Koronadal City.
Sa katunayan ayon kay Anticuando, hindi na rin sapat ang supply ng mga bulaklak na inaangkat nila mula sa kanilang mga supplier sa lungsod.
Naglaan ng 13.18 million pesos para sa sports program development ang pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato.
Ito ay mas mataas naman sa 12.8 million budget noong nakaraang taon.
Ang pondo ay bahagi ng apatnaput dalawang milyong Special Education Fund o SEF ng lalawigan.
Sa isang pulong balitaan, ipinahayag ni Alex Floro ang Physical Education and School Supervisor o PESS ng DepEd South Cotabato na ang pondo ay gagamitin sa lahat ng mga school sports activity.
Ayon kay Floro, kabilang dito ang SOCCKSARGEN Regional Athletic Association o SRAA meet at Palarong Pambansa.
Nabatid na 1.3 million pesos sa pondo ay inilaan sa mga atleta ng lalawigan na maglalaro sa Palarong Pambansa sa Legaspi, Albay sa Abril.
Gagamitin ang bahagi ng halaga bilang insentibo sa mga atleta sa Palarong Pambansa na makapaguwi ng medalya sa South cotabato. Sabay-sabay na tumakbo kagabi ang halos dalawang libung mga mamamayan sa Kidapawan City sa isinagawang COLOR FUN RUN na bahagi naman ng ika labing walong anibersaryo ng lungsod.
Ayon kay Gillan Lonzaga ng City Tourism Office, kung ikukumpara raw noong nakaraang dalawang taon ay mas dumami pa ng halos 50 porsyento ang lumahok kagabi.Paliwanag ni Lonzaga ito ay dahil sa mas maagap nilang impormasyon sa publiko gayundin din ang pagiging sensitibo na ngayon ng mga taga Kidapawan para sa isang Healthy Active Lifestyle.Ang naturang aktibidad ay pinangunahan mismo ni City Mayor Joseph Evangelista kasama si City Tourism Officer Joey Recimilla at LGU officials.Maging ang NDBC Kidapawan ay nakiisa rin sa nabanggit na event.Kapansin pansin din na kahit mga nasa edad limang taong gulang na bata ay nakipag FUN RUN din mula sa harapan ng City Hall at umikot sa Landmark area, ang boundary ng Makilala at Kidapawan City.Tumanggap naman ng cash at medalya ang mga nanalo.Para sa 3kilometer run Women's Category nanalo si Lara Gayramara habang sa men's category ay si Reymar Padaya at siyam na iba pa.Para naman sa 5kilometer run Women's category nanguna rin si Monalisa Aubasa habang sa Men's Category ay si Jessmar Lopez at siyam na iba pa.Samantala, pinuri naman ng City Government ang Traffic Management Unit o TMU sa pangunguna ni TMU head Rey Manar dahil sa maayos nilang pag-implementa ng Traffic Rules sa Highway.Organisado raw ngayong taon ang daloy ng trapiko.Nabatid na ginamit ang kaliwang lane ng kalsada patungog Davao Side habang sa kanang lane naman ang dumadaan na mga sasakyan.Sa kabuuan naging matagumpay, maayos at mapayapa at kitang kita sa bakas ng mga mukha ng Kidapawenyos ang saya sa paglahok sa naturang aktibidad. Umaabot ngayon sa halos apat na libung ektaryang palayan ang nasira sa Mlang, North Cotabato matapos mawalan ng suplay ng tubig ang kanilang irrigation canal dahil sa ipinatupad na proyekto ng National Irrigation Administration o NIA.Sinisi ni Mlang Mayor Joselito Piñol ang NIA sa pwersahang pag-implementa sa 130Million pesos irrigation rehabilitation project na sinimulan naman noong Disyembre.Ayon kay Piñol, sa kabila raw ng resolusyon ng Sanguniang Bayan na umapela sa NIA na ipagpaliban na muna ang proyekto dahil sa paparating na El Niño ay hindi pa rin ito pinakinggan.Dahil sa ginawa ng NIA, nawala ang water supply sa palayan sa ilang barangay kagaya ng brgy. Lipaga, Bagontapay, Buayan, Sangat, Dugong, New Antique, Inas, Dalipe at Brgy Bialong na nagresulta naman sa pagkamatay sa kanilang mga pananim.Dahil sa malaking pinsala agad na isinailalim sa State of Calamity ang bayan at sinimulan na rin ang pamamahagi ng mga water pumps at gasolina sa mga farmers Association at relief goods sa mga apektadong pamilya.Tiniyak rin ng opisyal ang pamamahagi nila ng libreng seedlings mula sa LGU oras na bumalik na sa normal ang panahon. Abot sa 97 na mga pulis at sundalo ang matagumpay na nagtapos kahapon sa kanilang anim na buwang pagsasanay sa Urban Counter Revolutionary Warfare Course ilawom sa Special Action Force o SAF sa Amas, Kidapawan City.Bisita sa naturang Commencement exercises sina BGen. Noel Clement, ang Commander ng 602nd Brigade, SAF Deputy Director Police Chief Supt. Edward Carranza, at Police Provincial Director Senior Supt. Alexander Tagum at pamilya ng mga graduates.Sinabi ni Course Director Chief Supt. Edward Carranza, sumailalim ang mga pulis at sundalo sa selective firing, hostage rescue, at Advanced closed Quarter battle sa Urban at mountain operations, kabilang rin sa kanilang tinutukan ang proper handling o paggamit sa mga specialized equipment.Ang mga trainee ay nagmula pa sa Regional Public Safety battalion PRO 12 at ARMM, Special Action battalion ng Agusan at North Cotabato at piling myembro ng military kasama ang Anti-insurgency operations team.Isa sa pangunahing layunin ng naturang pagsasanay ay ang itaas pa ang moral ng PNP at AFP lalo na sa kanilang pinanumpaang serbisyu na sugpuin ang anumang mga grupo na nagdudlot ng banta sa kanilang mga area.Kaugnay nito, hinihikayat ng opisyal ang mga young professional na nagtapos ng 4-year course, at may elegibility, 5'4 ang height sa mga lalaki at 5'1 sa babae na bukas na ang kanilang recruitment para sa mga gustong maging SAF Commandos. Patuloy ngayon nagpapagaling sa pagamutan ang isang 34-anyos na si Mergie Gabao matapos itong magtamo ng matinding sugat sa ulo ng mahagip ng isang kotse sa Purok Ipil-ipil, brgy. Dalapitan, Matalam North Cotabato.Dahil dito, humihingi ngayon ng tulong ang kanyang asawang si Jay Gabao dahil nanatili pa sila sa pagamutan at hindi makalabas dahil na rin sa malaking bill nito.Tinakasan raw kasi sila ng nakabangga sa asawa.Kwento pa ni Jay Gabao sa Radyo Bida, gabi noong February 2 nang pauwi na sana sila ng kanyang asawa sakay ang kanilang motorsiklo at habang papaliko ito sa nabanggit na lugar ay bigla na lamang bumaba ang kanyang misis habang nasa shouldering pa lamang.Dahil na rin sa bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan ng di nakilalang driver ay nahagip nito si Mergie na nagtamo ng matinding sugat sa ulo.Di rin daw nakuha ni Jay ang plate number ng sasakyan na isang kulay green na kotse na mabilis ring tumakbo matapos ang insidente at madilim ang area.Sa ngayon, hindi pa makalabas sa isang pagamutan sa Kidapawan City ang biktima dahil narin sa laki ng babayarin nito na aabot sa 84 thousand pesos.Apela ngayon Ni jay sa may-ari ng nasabing sasakyan na tulongan sila sa babayarin sa hospital. Idinagdag ni Gabao na wala naman silang balak na sampahan ng kaso ang nabanggit na driver. Magiging bisita nagyong alas-otso ng umaga sa NDBC Kidapawan si Senator Chiz Escudero, Tots Ople at Neri Colmenares.Ito ay para mabigyan ng pagkakataon ang tatlong mga personalidad na ipahayag ang kanilang mga agenda's at adbokasiya para sa bansa.Si Sen. Francis Joseph Chiz” Escudero ang siyang running mate ni Presidential Aspirant Senator Grace Poe bilang bise presidente ng Pilipinas.Si Tots Ople ay isa naman sa mga sumusulong sa karapatan ng mga OFW's habang si Bayan Muna Representative Neri Colmenares ay isa rin sa nagsusulong ng Social Security System Pension Hike at parehong tatakbo bilang senador ng bansa.Pagkatapos nito ay dederetso naman ang nabanggit na mga kandidato sa iba't ibang eskwelahan sa North Cotabato para sa kanila pang ibang adbokasiya na nakatutok sa mga Kabataan.

Cotelco announces power interruption on May 11 in Kabacan, Matalam

Kabacan, Matalam towns TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on...

Cotabato Light announces brownout sked in Sultan Kudarat

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company announced today a scheduled power interruption affecting Macaguiling, Sultan Kudarat on Thursday...

Cotabato Light urged consumers to conserve energy amid rising electricity rate for May

COTABATO CITY - Cotabato Light customers will experience an electricity rate hike in May due to increased generation charges from higher Wholesale...

Motorcycle thief killed, 2 arrested in Sultan Kudarat police operation

COTABATO CITY - Policemen shot dead a long-wanted motorcycle thief, wounded two others and seized from them three firearms in an operation on Monday...

PRO-BAR chief Tanggawohn bestowed posthumous award to Capt. Moralde

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - The Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region bestowed posthumous award to late PCPT ROLAND ARNOLD...