Tuesday May, 07 2024 05:40:14 AM

NDBC BIDA BALITA (Feb. 12, 2016)

 • 18:27 PM Fri Feb 12, 2016
2,318
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

FEBRUARY 12,
2016 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. ISANG SUNDALO at MILF member, patay
sa engkwentro sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.

2. Isang bayan sa South Cotabato,
nagdeklara ng State of Calamity dahil sa dengue fever

3. Kakulangan ng tubig sa South Cotabato, nakakaalarma na ayon sa otoridad.4. Di pagk-aksyon ng senado sa BBL, dahil daw sa OPAPP SA DETALYE...BUKAS ang pamunuan ng 6th Infantry Division
na makipagkasundo sa pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front o MILF matapos
ang nangyaring bakbakan sa Datu Saudi Ampatuan para sa ikakapayapa ng bawat
panig.

Naganap ang mahigit 30 minutong
sagupaan ng dalawang panig pasado alas dyes ng umaga kamakalawa sa Sitio Badat,
Brgy. Madiya, Datu Saudi Ampatuan.

Sa naturang engkwentro, isang sundalo
ang nasawi habang isa rin napatay sa hanay ng MILF at may dalawa pang sugatan.

Nabatid na binawian na ng buhay ang
isang sundalo na nagtamo ng tatlong tama ng bala.

Kinilala ni 6th Infantry Division
Public affairs office Chief Captain Joan Petinglay ang nasawi na si Staff Sgt.
Ronilo Quimba ng 601st Reconnaissance Company.

Ayon kay Petinglay, nagtamo ng tama ng
bala si Quimba sa kanyang leeg, baywang at hita.

Nagawa pang isugod sa pagamutan si
Staff Sgt. Quimba pero binawian rin ito ng buhay kahapon ng madaling araw.

Sinabi ni Petinglay na nagbabantay
lamang ang tropa ng sundalo sa isang dredging project doon nang mangyari ang
bakbakan.

At sa pagkakaalam nila, grupo ng
Bangsamoro Islamic Freedom fighters o BIFF ang kanilang nakasagupa sa Sitio
Badat, Brgy. Madiya.

Samantala, nang makapanayam ng DXMS
Radyo Bida si Moro Islamic Liberation Front o MILF Vice Chairperson for
Military Affairs Von Al Haq KINUMPIRMA nito na, MILF at HINDI BIFF ang
nakasagupa ng AFP sa Sitio Badat, Brgy. Madiya, Datu Saudi Ampatuan.

Sabi ni Al Haq, bago pa man nagtungo
ang militar sa lugar ay nagkaron ito ng koordinasyon sa Ad Hoc Joint Action
Group at ceasefire committee.

Kasalukuyan ng nagsasagawa ng
imbestigasyon ang kanilang investigating body kung bakit sumiklab ang gulo sa
pagitan ng 105th base command ng MILF sa ilalim ni Commander Haon na naka-base
sa lugar at ng militar.

Agad namang kumilos ang Ceasefire
committee para matigil ang nangyaring bakbakan kasama ang International
Monitoring Team.

Samantala, kapwa naman nagpahayag ang militar
at MILF na sa kabila ng nangyaring bakbakan, suportado pa rin nila ang lahat ng
peace efforts. MULI na
namang nangharass ang grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa
kampo ng 40th Infantry Battalion Bravo Company sa Brgy. Bacat, Rajah Buayan,
Maguindanao.

Nangyari ang
insidente pasado alas-nuebe kagabi.

Ayon kay 6th
Infantry Division Public affairs office Chief Captain Joan Petinglay, mismo ang
grupo ng BIFF na pinamumunuan ni 2nd Division Commander Samad Simpal alias
Commander Zok ang umatake sa mga militar.

Tumagal naman
ng 30 minuto ang bakbakan sa pagitan ng dalawang grupo.

Masuwerte
namang walang namatay o nasugatan sa hanay ng 40th IB.

Naniniwala si
Petinglay na gumaganti ang BIFF matapos na maaresto ang isa sa kanilang mga
lider sa Barangay Kalanganan, Cotabato City.

Naaresto si Hassan
Indal alias Abu Hazam sa inilunsad na joint operation ng Armed Forces of the
Philippines at Philippine National Police kamakalawa ng gabi.

Si Indal ay
Vice Chairman for Internal Affairs ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement at
Commander din ng 4th Division sa BIFF.

Sangkot si
Indal sa iba’t ibang kriminalidad at atrocities sa Central Mindanao simula ng
mabuo ang BIFF noong 2010.

Sinabi ni
Petinglay na pinaniniwalaang nagtatago sa Cotabato City si Indal para iwasan
ang nagpapatuloy na sagupaan sa pagitan ng militar at BIFF sa may Butilen
River, Datu Salibu, Maguindanao.

Narekober ng
militar at pulisya ang mga 1 M653 rifle, magazine at bala, 1 cal.45 at 2
magazine at bala, at 1 fragmentation grenade.

Samantala,
handa ang AFP sakaling may pangangailangan para dalhin sa Maynila si Indal.

Karamihan
kasi sa matataas na lider ng mga itinuturing na teroristang grupo ay
ikinukulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ayon kay AFP
Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, may available namang transportasyon ang
AFP para ibiyahe si Indal.

KABILANG
ang ilang mga lugar sa Mindanao na pagdarausan ng mock elections ng Commission
on Elections o COMELEC bukas, February 13.

Gagawin
sa Dadiangas East at San Jose sa General Santos City Libertad at Canahay sa Surallah
San Raymundo at Tulay sa Jolo, Sulu at sa Malinis at Parangbasak

Sa Lamitan
City, Basilan ang mock elections.

Ang
naturang mga lugar ay kabilang sa 20 mga lugar na pagdarausan ng mock
elections.

Sinabi
ng COMELEC na nasa mahigit 25 libong mga botante ang inaasahan nilang dadalo sa
nasabing test na naglalayong subukan ang voting system na gagamitin nila sa
halalan sa May 9.

Dito
rin nila titiyakin ang security, accuracy, system and functional capability at
integrity ng mga vote-counting machines, transmission devices, consolidation at
canvassing system.

Ayon
pa sa COMELEC, ang magaganap ay isang simulation ng buong proseso ng halalan,
mula sa deployment, bismong pag-boto, consolidation at transmission, para mabuo
ang tiwala at pagtanggap ng publiko sa Automated Election System.

Gagawin
rin ang mock elections saand Taguig City, Pateros, Quezon City, Manila, Dagupan
City, Alaminos,

Tuguegarao
City, Aparri, Sorsogon City, Matnog, Kalibo, Malay, Cebu City, Santander, Dipolog
City at Sindangan.

Samantala,
naging isyu kamakailan lang ang hindi pagtanggap ng VCMs ng 1 to 2 percent ng
mga balotang tinest, at dahil rito, maaring 500 thousand hanggang one million
sa 50 milyong balota ang hindi tanggapin ng makina sa mismong eleksyon.

Dahil
dito, nangamba na ang mga presidentiables sa maaring maganap na glitches sa
araw ng halalan sa May 9.

Kaya
nanawagan ang mga kandidato na sana ay maayos na ang mga isyu, at nang hindi
magamit ng COMELEC ang ‘glitches’ para suspendehin ang eleksyon o ibalik sa
manual ang botohan.
NAGPAKATOTOO si Moro Islamic
Liberation Front o MILF chief peace negotiator Mohagher Iqbal sa tunay na
nararamdaman ng kanilang grupo matapos hindi naipasa ng Kongreso ang Bangsamoro
Basic Law o BBL.

Ayon kay Iqbal, masyadong
nadismaya ang kanilang mga miyembro dahil sa kabiguan ng gobyerno na pagtibayin
ang panukalang magbibigay ng kapayapaan sa Mindanao.

Ginawa ni Iqbal ang pahayag
kasabay ng pagpupulong ng MILF at government peace panel sa Kuala Lumpur,
Malaysia para pag-usapan ang mga plano kasunod ng kabiguang maipasa ang BBL sa
ilalim ng Aquino administration.

Gayunman, sa kabila nito ay
tiniyak ni Iqbal na patuloy silang makikipagtulungan sa pamahalaan para
mabigyan ng solusyon ang problema sa seguridad ng Mindanao.

Tiniyak naman ni government
peace panel chairperson Miriam Coronel Ferrer na mananatili pa rin ang
nilagdaang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o CAB sa kabila ng
kabiguang maisabatas ang BBL. WALA
PANG MALINAW na tugon ang pamunuan ng Mindanao Star sa demand ng mga kawani
nito hinggil sa dagdag-sahod.

Kamakalawa,
daan-daang mga pasahero ang na-stranded nang mag-strike ang mga empleyado ng
nag-iisang kumpanya ng bus na may biyaheng Cotabato-Davao.

Kaya
ang iba, sumakay na lamang ng pampasaherong van patungong Davao, North
Cotabato, at Davao del Sur.

Pero
ang ibang commuters, ipinagpaliban na lang ang kanilang biyahe.

Nag-strike
kasi ang mga kundoktor, driver, inspektor at iba pang mga empleyado ng Mindanao
Star, na dating Weena Bus, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rind aw naibibigay
ang hinihingi nilang wage hike.

Giit
ng mga kawani ng Mindanao Star, ‘Overworked’ pero ‘underpaid’ sila.

Gayunman,
muling nag-resume ang byahe ng naturang bus company, matapos na magpulong ang
management nito at ang mga nagwelgang empleyado.

Pero
habang suspendido ang byahe ng bus, sinamantala naman ng mga passenger van ang
sitwasyon para makakuha ng mga pasahero.

Nasa
75 vans ang pumila sa terminal ng Mindanao Star para maisakay ang mga
na-stranded na pasahero. Nakaalarma na ang patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bayan ng Surallah, South Cotabato.
Ayon kay Surallah Vice Mayor Pinky Divinagracia, ito ang dahilan kung bakit, tuluyan nang ideneklara ang State of Calamity dahil sa dengue sa bayan.
Kinumpirma ni Divinagracia na noong Enero abot na sa tatlumput tatlong kaso ng dengue ang naitala sa Surallah.
Ito ay mas mataas naman sa anim na kaso lamang sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ang mas nakababahala pa ayon kay Divinagracia, mayroong dengue cases ang labin anim sa labinpitong mga barangay sa Surallah.
Dalawa katao na rin ang nasawi dahil sa sakit na dengue sa bayan.
Ayon kay Divinagracia, isinailalim sa state of Calamity ang kanilang lugar para magamit ang bahagi ng quick responds fund sa mga programa kontra dengue.
Ipinahayag ng bise alkalde na pinoproseso na ngayon ng lokal na pamahalaan ang pagbili ng fogging machine, at gamot kontra dengue.
Gayunpaman pinayuhan din ni Divinagracia ang publiko na para di madale ng sakit na dengue kailangan ding maging alerto ang mga ito. Nauna nang umapela ang integrated Provicial health Office o IPHO South Cotabato sa mga opisyal ng Barangay na para malabanan ang dengue, dapat ay maigting na ipatupad ng mga ito ang kanilang ABKD Program o Aksyon barangay Kontra Dengue.
Pagkatapos sa Kidawapan city sunod namang sinuyo ni Vice Presidential bet at Senator Francis Chiz” Escudero ang mga mamamayan sa Tacurong City, Sultan Kudarat kahapon.
Inilatag ni Escudero ang mga programang bibigyan prayoridad nila ng kanyang presidentiable na si Senator Grace Poe sakali mang maluklok sa pwesto.
Naniniwala si Escudero na kung paiigtingin lamang ng Social Security System ang kanilang collection kaya ng Social Security System o SSS magbigay ng dagdag pension.
Ipinahayag din ni Escudero na para lalo pang mapakinabangan dapat na ilakip din sa Conditional Cash Transfer o CCT Program ng gobyerno ang pagbibigay ng livelihood training sa mga benipisyaryo nito.
Binatikos din ni Escudero ang kasalukyang administrasyon dahil sa kabagalan umano ng pag tugon sa masamang epekto ng El Nino Phenomenon.
Binigyan diin ni Escudero na alam na ng pamahalaan na magkakaroon ng El Nino Phenomenon sa bansa noon pang nakaraang taon ngunit tanging cloud seeding pa lamang umano ang nagawa ng gobyerno sa ngayon.
Ipinahayag din nito na dapat ay maging pantay at tapat ang gobyerno sa pagbibigay ng serbisyo sa bawat Pilipino.
Kasama ni Escudero na dumating sa Tacurong City ang mga Senatoriables na sina Susan Toots” Ople at Bayan Muna Party List Representative Neri Colmenares.
Umaabot na sa nakaalarmang situwasyon ang kakulangan ng tubig sa mga sakahan sa buong lalawigan ng South Cotabato.
Ayon kay Engineer Orlando Tibang, ang head ng National Irrigation Administration ng South Cotabato, halos wala nang supply ng tubig ang kanilang communal irrigation system.
Ito ay bunsod pa rin ng nararanasan ngayong El Nino Phenomenon.
Ayon kay Tibang, apektado na ng kakulangan sa supply ng tubig ang mahigit limang libong ektaryang sakahan sa South Cotabato.
Ito ayon kay Tibang ay problema din ng mahigit 3,500 na mga magsasaka.
Ayon kay Tibang hindi sapat ang mga tubig sa mga dam ng NIA para maabot ng supply nito ang mga sakahan.
Ipinahayag ni Tibang na kung magtatgal ang tagtuyo’t hanggang sa Hunyo posibleng mauubusan na ng tubig ang mga dam ng NIA.Nabatid sa pinakahuling datus ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na umaabot na sa siyamnapung milyong piso ang pinsala ng El nino sa Agrikultura sa South Cotabato. Ayon kay PDRRM Officer Mila Lorca , hangga’t wala pang bayan ang nagdeklara, hindi rin maaring ideklara ang State of Calamity dahil sa dry spell sa buong lalawigan ng South Cotabato.
Mangandang balita para sa mga naghahanap ng trabaho .
Magkakaron na naman ng jobs fair ang Department of Labor and Employment sa iba’t ibang lugar ng South cotabato.
Ang jobs fair ay gaganapin sa City Hall sa February 26 at Gaisano Grand Mall sa March 4 sa Koronadal City.
Magkakaroon din ng Jobs fair sa bayan ng Banga sa February 29.
Payo ni Ofelia Domingo, ang Regional Director ng Department of Labor and Employment o DOLE 12 sa mga job seekers na makilahok sa jobs fair, magdala ng maraming kopya ng mga kinakailangang dokomento.
Layon nito ayon kay Domingo ay upang makapag apply sa mas maraming kompanya at masulit ang kanilang oras.
Mas malaki ayon kay Domingo ang pagkakataon na matanggap sa trabaho ang isang aplikante kung nakapag-apply ito sa mas maraming employer.
Mahalaga din ayon kay Domingo na maging tapat sa pagsagot sa mga katanungan sa kanila ng mga employer ang mga aplikante, lalong lalo na kung ito ay may kaugnayan sa kanilang kasanayan at training.
Nabatid na magiging prayoridad ng Jobs Fair sa Banga at Koronadal sa February 26 at 29 ang local employment. Inaasahan naman ang pakikilahok ng mga kompanya na magaalok ng trabaho sa labas ng bansa sa Jobs fair sa Gaisano Grand mall sa Koronadal sa March 4.
Katuwang ng DOLE sa pagsagawa ng jobs fair ang mga lokal na pamahalaan ng Banga at Koronadal.
Magsasagawa muli ng immunization sa measles rubella at polio ang mga local healht officials sa South Cotabato sa Pebrero biente dos hanggang biente sais.
Ayon kay Genesis Navales, ang Health Education Promotions Officer ng lalawigan, kabilang sa mabibigyan ng bakuna ang mga bata na nagkakaedad ng limang taon pababa.
Layon nito ayon kay Navales na matiyak ang kaligtasan ng mga bata sa polio at tigdas.
Tiniyak ni Navales na dahil sa aprubado ng World Health Organization, ligtas ang bakuna na ibibigay sa mga bata.
Pinaalalahanan ni Navales ang mga magulang na kung may reaksyon man ang mga bata sa mga bakunang ibibigay sa kanila, ito ay temporaryo lamang.
Nilinaw naman ng Provincial Epedemiology and Surviellance Unit o PESU na walang pang naiulat na measles sa South Cotabato ngayong taon. ITINANGHAL
na may natatanging Gawain o ‘best practices’ -- partikular sa larangan ng local
revenue generation at public safety, ang Barangay Linangkob sa Kidapawan City
sa nakalipas na taong 2015.
Over-all champion ang naturang barangay
na tumanggap ng cash incentive na abot sa P200 thousand.

Sumunod rito ang Barangay Birada na
tumanggap ng P100 thousand cash at P70 thousand para sa Barangay Manongol na
pangatlo sa patimpalak.

Sinukat ang mga barangay sa
larangay ng local revenue generation, public safety at disaster preparedness,
health services, child protection, at sa larangan ng edukasyon.

Ang Best Barangay Practices
Award ay taunan nang ibinibigay ng Kidapawan City Government – alinsunod sa Seal
of Good Housekeeping na isinusulong ng Department of Interior and Local
Government.

Maliban dito, nanguna ang Barangay New
Bohol sa larangan ng Public Safety at Disaster preparedness Barangay Paco sa Child
Protection at Barangay Balabag sa larangan ng edukasyon.

Ang Barangay Indangan ang tumanggap ng
award bilang, Health Achiever habang itinanghal na, Dynamic Barangay” ang
Barangay Singao.

Ang Barangay Best Practices ang nagsilbing
highlight sa Barangay Night na Bahagi ng weeklong foundation day celebrations
ng Kidapawan City. KUNG
si Vice-Presidential aspirant at Senator Chiz Escudero ang tatanungin, pabor
siya na maipasa ang Bangsamoro Basic Law o BBL
-- ito ay kung ang Senate version nito ang maipapasa.

Paliwanag ni Escudero, sa amended version
kasi, natanggal na nila ang mga itinuturing na, ‘objectionable portions’ ng
panukala.

Aniya, payag raw ang central leadership ng
Moro Islamic Liberation Front o MILF na tanggalin ang naturang mga
‘objectionable’ provisions ng BBL. Ang
tutol lamang umano ay ang Office of the Presidential Adviser on the Peace
Process o OPAPP.

NAG-ADJOURN
ang Kongreso noong nakaraang buwan na ‘nakabitin’ ang BBL.

Kawalan ng quorum ang pangunahing dahilan
kung bakit naisantabi ang panukalang batas.

Sa kabila nito, umaasa ang mga peace
advocates at mga NGOs na maipapasa ng Kongreso ang BBL kapag nag-resume na ang
sesyon nila ngayong May 23. MAINIT na
sinalubong ng mga kabataang estudyante mula sa mga naglalakihang unibersidad at
kolehiyo sa Kidapawan City at sa Kabacan, North Cotabato ang grupo nina
Vice-Presidential candidate Chiz Escudero at senatorial aspirants Neri
Colmenares at Susan ‘Toots’ Ople nang bumibisita sila sa mga lugar na ito
nito’ng Huwebes ng umaga.

Pagkatapos ng kanilang radio hopping at
press briefing sa Cotabato media, agad nilang tinungo ang Colegio de Kidapawan
na nasa sentro ng lungsod, bandang alas-9 ng umaga.

Makalipas ang isang oras ay tumuloy sila
sa University of Southern Mindanao sa Kabacan – ang pinakamalaking state-owned
university sa buong Central Mindanao.

Pangunahin sa mga isyu na tinalakay ng
grupo nina Escudero ang tungkol sa ‘di pagpayag ng Pangulong Aquino na ibigay
sa mga pensioners ng Social Security System (SSS) ang dagdag na P2,000 buwanang
pension. GIIT naman ni Colmenares
na hindi malulugi ang gubyerno kung sakali mang ibigay ito ng Pangulo.

Pero tiniyak ni Escudero na
ma-o-override ng Kongreso ang pag-veto ng Pangulo sa naturang panukala, kapag
bumalik na ang mga mambabatas sa kanilang regular na session ngayong a-23 ng
Mayo. SAMANTALA ,
dala rin ng ‘ticket’ nina Escudero ang kandidata na tututok sa kapakanan,
interes, at kagalingan ng mga overseas Filipino worker – siya si Ople, anak ng
dating foreign affairs secretary Blas Ople.

Nais ni Ople na kapag siya ay naupo sa
Senado, pangunahin sa isusulong niya ang pagtatayo ng hiwalay na sangay ng
pamahalaan na tututok sa OFW na tatawaging, ‘Department of OFW’ na hiwalay sa Overseas Workers Welfare
Administration at sa Philippine Overseas Employment Administration.

Sa
ganitong paraan, aniya, matitiyak na mabibigyan ng pansin ng pamahalaan ang mgaOFW na para sa kanya
ay tunay na mga Bayani ng bayan. UMALMA
si M’lang Mayor Joselito Pinol sa umano’y di makatarungang trato ng EMCOR
Appliance Store – M’lang branch sa apat na mga Maguindanaon Moro na puro
opisyal ng isang barangay sa bayan ng M’lang.

Di raw kasi pinayagang umutang ng
motorsiklo ang naturang mga barangay official, kahit pa tumayo na siya bilang
guarantor nila.

Tinungo pa raw niya ang opisina ng EMCOR
nito lamang Miyerkules para lamang i-follow up ang kanilang motorcycle loan
application.

Para kay Pinol, isa ito’ng maliwanag na
diskriminasyon sa hanay ng mga Moro.

Kaugnay nito, ipinag-utos ng alkalde na
kanselahin ang lahat ng transaksyon ng LGU sa naturang kompanya.

PALIWANAG
naman ng branch manager ng EMCOR na si Araceli Napolitano na may mga lugar raw
sila’ng tinukoy na ‘credit limit’.
Kabilang raw sa mga lugar na ito ang Barangay Dugong – kung saan
nanggaling ang apat na mga opisyal na aplikante ng kanilang motorcycle loan. TADTAD
ng bala ang iba’t ibang Bahagi ng katawan ng 50-anyos na magsasaka na
kinilalang si Jun Tindagan na taga-Sitio Dilutan, Barangay Tamped sa bayan ng
Matalam, North Cotabato.

Naganap ang pamamaril sa loob mismo ng
pamamahay ng biktima, alas-onse ng gabi, nito’ng Huwebes.Ayon sa report, natutulog na ang biktima
sa may kusina nang pasukin ng di pa kilalang gunman at walang awang
pinagbabaril hanggang sa malagutan ng hininga.

Agad tumakas sa erya ang suspect.

Na-recover naman sa crime scene ang mga
basyo ng bala mula sa kalibre 45 na pistola.

Dalawa ang anggulong pinag-aaralan ngayon
ng Matalam PNP.

Una, maaari’ng personal ang motibo sa
pamamaril at pangalawa, may kinalaman sa lupa.

Cotelco announces power interruption on May 11 in Kabacan, Matalam

Kabacan, Matalam towns TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on...

Cotabato Light announces brownout sked in Sultan Kudarat

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company announced today a scheduled power interruption affecting Macaguiling, Sultan Kudarat on Thursday...

Cotabato Light urged consumers to conserve energy amid rising electricity rate for May

COTABATO CITY - Cotabato Light customers will experience an electricity rate hike in May due to increased generation charges from higher Wholesale...

Motorcycle thief killed, 2 arrested in Sultan Kudarat police operation

COTABATO CITY - Policemen shot dead a long-wanted motorcycle thief, wounded two others and seized from them three firearms in an operation on Monday...

PRO-BAR chief Tanggawohn bestowed posthumous award to Capt. Moralde

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - The Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region bestowed posthumous award to late PCPT ROLAND ARNOLD...