Monday May, 06 2024 02:43:46 AM

NDBC BIDA BALITA (Feb. 13, 2016)

 • 19:57 PM Sat Feb 13, 2016
1,353
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

FEBRUARY 13, 2016 (SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. IED na natagpuan sa Bayan ng Buluan,
Maguindanao, napigilan ang pagsabog

2. Tatlong mga bandido na nanlaban sa
mga pulis patay sa Surallah, South Cotabato

3. PNP-ARMM tuloy sa paghahanda para sa eleksyon seguridad ng lahat inaasikaso.4.Lovapalooza 2016, gagawin sa Koronadal ngayong Valentines Day, mag-asawa at magkasintahan pwedeng sumali SA KABILA ng kasiyahan sa pagdiriwang
ng ika limang taon ng SAGAYAN FESTIVAL, naalarma ang publiko dahil sa iniwang
Improvised explosive device o IED sa bayan ng Buluan, Maguindanao.

Buti na lamang at naka-alerto ang mga
kapulisan at kasundaluhan sa lugar kung kaya't napigilan ang pagsabog nito.

Ayon kay 33rd Infantry Battalion
commander Col. Ricky Bunayog, na difuse ng Army Explosive Ordnance Disposal
team ang naturang IED kahapon ng tanghali.

Sa report, dakong alas-7 ng umaga ng
marekober ang naturang IED na gawa sa bala ng 81mm mortar at nilagyan ng alarm
clock bilang triggering device.

Nabatid na iniwan ang IED na nakasilid
sa itim na backpack sa harap ng opisina ng Provincial Risk Reduction and
Management Office sa Provincial Capitol Grounds malapit sa national highway.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga
otoridad sa isang concern citizen na agad na nagsumbong sa naka-pwestong mga
sundalo at pulis malapit sa erya nang mapansin nito ang naturang kahina-hinalang
bagay.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa
naturang insidente.

Kinondena naman ni Mangudadatu ang
tangkang pambobomba at nanawagan siya sa mamamayan na manatiling alerto at
mapagmatyag.

Magtatapos bukas ang pagdiriwang ng ika
limang taon ng SAGAYAN FESTIVAL. NAKIKIPAGUGNAYAN na ang
mga pulis sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM sa mga local chief
executive para paghandaan ang nalalapit na May 9, 2016 national elections.

Ayon kay ARMM deputy
regional director for operations Sr. Supt. Rodelio Jocson, puspusan ang
kanilang paghahanda lalo na sa usaping panseguridad upang matiyak ang mapayapa
at matiwasay na halalan.

Maliban rito,
nakikipagugnayan rin sila sa komunidad dahil malaking bagay ito para matiyak na
walang anumang grupong manggugulo sa gaganaping prosesong demokratiko.

Kabilang sa mga hakbang
na inilalatag ng mga otoridad para sa ligtas at patas na eleksyon ay ang
pagpapaigting sa kampanya ng PNP na SAFE 2016 o ang Secured and Fair Elections
at ang mas pina igting na checkpoint operations. PATULOY na
sinusuri at pinag-aaralan ng Malacañang ang draft Executive Order o EO sa P57.9
bilyon pesos na dagdag pasahod sa 1.6 milyong government workers.

Ayon kay
Secretary Herminio Coloma Jr, sinusuri pa rin ng legal staff ng Office of the
President ang implementasyon ng draft EO ng first tranche ng panukalang Salary
Standardization Law IV.

Una rito,
sinabi ni Department of Budget and Management under Secretary Florencio Abad,
nais nilang bigyan ang pangulo ng option sa kung paano ipatupad ang budgetary
allocation sa hike pay.

Magugunitang
hindi naresolba ang deadlock ng Kamara at Senado sa bicameral
conference committee dahil sa pagmamatigas ni Sen. Antonio Trillanes sa kanyang
hirit na isama ang indexation ng pensyon ng mga retiradong uniformed personnel.

Pero ayon kay
Abad, walang budget ang pamahalaan na pondohan ang indexation.

Nasawi ang tatlong mga bandido matapos manlaban umano sa mga pulis na magsasagawa sana ng raid sa Barangay Upper Sepaka, Surallah, South Cotabato.
Ang mga suspek ay dead on arrival sa ospital sa kalapit na bayan ng Sto. Nino.
Kinilala ni Police Superintendent Maximu Sebastian, ang Hepe ng Regional Special Investigation and Detection Team o RSIDT 12 ang mga nasawi na sina Ruel Kipad, trenta’y nuebe anyos na tinamaan ng bala ng baril sa leeg.
Ayon kay Sebastian binawian din ng buhay sina Tono Silungan Oto kwarenta anyos na may tama ng bala sa kaliwang dibidb at kamay, at Martinez Mopak biente sais anyos na nabaril naman sa kanyang tiyan.
Ang mga nasawi ay pawang mga residente ng Sitio Kuhan,Upper Sepaka na sinalakay ng mga pulis dakong alas kwatro ng madaling araw kahapon.
Arestado din ang apat pang mga kasama ng mga ito na sina John Umbo, isang taton alyas teng , Toto Taton,at Tingon Angon Tigo.
Pinabulaanan naman ni Sebastian ang akusasyon ng mga kaanak ng mga suspek na planted ang mga baril at granada na nakuha sa walong mga bahay na ni raid ng mga pulis.
Ipinahayag ni Sebastian na ang mga suspek ay pawang mga myembro ng bandidong grupo na responsable sa panghaharass sa lugar.
Ayon kay Sebastian isa sa kanilang naaresto ay umamin sa pagpaslang sa isang barangay kagawad at isang vendor na pumasok sa Upper Sepaka kamakailan lang. Kasama ng RSIDT 12 na sumalakay sa lugar ang Regional Police Safety Battalion o RPSB, Special Action Force at mga pulis sa mga bayan ng Sto. Nino at Surallah . Iniimbitahan ng lokal na pamahalaan ng Koronadal ang mga magasawa at magkasintahan na makiisa sa Valentines Day Celebration sa lungsod.
Ang Lovapalooza 2016 ay gaganapin sa Rizal Park sa bukas ng gabi.
Ayon kay City Veterinarian Dr. Charliemagne Calo na siyang namamahala sa aktibidad, ang mga nais makiisa sa selebrasyon ay maaring magpatala sa City Veterinary Office sa City Hall lobby hanggang ngayong araw.
Nilinaw ni Calo na kailangan ng mga magpatala na magdala ng kanilang birth certificate , o anumang dokomento na magpapatunay ng kanilang edad.
Paliwanag nito tampok kasi pagdiriwang ang kissing event na lalahukan lamang ng mga nasa disi otso anyos pataas. Mabibigyan ng livelihood assistance ng Overseas Workers Welfare administration o OWWA ang mga Overseas Filipino Workers o OFW na matangal sa kanilang trabaho.
Ayon kay Marilou Sumalinog ang Regional Supervisor ng OWWA region 12, bawat benipisyaryo ng kanilang Balik Pinas, Balik Hanap Buhay Program ay makatatanggap ng tig sampung libong piso.
Ang halaga ayon kay Sumalinog ay gagamitin ng mga nagbalikbayang OFW sa pagsisimula ng maliit na negosyo.
Ipinahayag ni Sumalinog na kabilang sa mabibiyayaan ng livelihood assistance ang limang mga OFW na umuwi sa South Cotabato at apat sa Sultan Kudarat ngayong linggo.
Isa sa mga makatatanggap nito si Lloyd Ala ng TAcurong City, Sultan Kudarat na planong gamitin ang halagang makukuha sa OWWA sa pagpapatayo ng kanyang rice trading business.
Ayon kay Sumalinog karamihan sa mga naging benipsyaryo ng livelihood program ng OWWA ay nagpatayo ng rice buy and sell, mini grocery at karenderya.
Bago pa man nabigyan ng tulong ang mga benipsiyaryo ng programa ay isinailalim muna sa pagsasanay sa pagpapatakbo ng negosyo..
Layon nito na matiyak na hindi masayang ang puhunan na ibinigay sa kanila ng gobyerno. Inilunsad na ng Department of Environment and Natural Resources o DENR 12 ang kanilang Basura Free Election 2016.”
Layon nito na maisulong ang isang election na ligtas sa anumang uri ng basura.
Ayon kay Datu Tungko Saikol, ang Regional Director ng DENR 12, kasabay din nito ang maigting na panawagan ng ahensya sa mga kandidato na ingatan ang kapaligiran.
Hiling pa nito sa mga kandidato, huwag maglagay ng mga campaign materials at iba pang paraphernalia sa mga puno at iba pang mga ipinagbabawal na lugar.
Pinaalalahanan ni Saikol ang mga politiko na linisin din ang venue ng kanilang mga campaign sorties.
Binigyan diin ni Saikol na ngayong nagsisimula na ang campaign period, mariing ipatupad ng DENR ang batas na pumoprotekta sa mga punong kahoy, mga bulaklak at iba pang halaman sa mga pampublikong lugar.
Ang mga halaman kasing ito ayon kay Saikol ay nagpapaganda sa mga daan, park, plaza at nagbibigay ng healthy environment sa mga tao. Handa na ang comelec South Cotabato para sa mock election ngayong araw.
Ayon kay Atty, Jay Gerada, ang Election Supervisor ng lalawigan ang mock election ay gaganapin sa mga barangay ng Libertad at Canahay sa bayan ng Surallah.
Nilinaw naman ni Gerada na ang dalawang mga barangay ay pinili mismo ng Comelec national office.
Ayon kay Gerada tulad ng sa halalan sa May 9 susubukan ng comelec na magtransmit ng resulta ng eleksyon sa munisipyo, probinsya at Comelec national.
Ang mock election ayon kay Gerada ay magsisimula alas syete ngayong umaga.
Umaapela din si Gerada sa mga mamamayan lalong lalo na ang mga nakatira malapit sa mga voting center na makiisa at bumoto sa mock election.
Ito ay kabilang sa mga paghahanda ng Comelec sa May 9 election. BAGO na ang
hepe ng bayan ng Pikit, North Cotabato.

Ito ay sa
katauhan ni Police Chief Inspector Jingle Paralan.

Pinalitan
nito si Police Inspector Sindato Karim.

Bagama't
babae si Paralan, Binigyang diin nito na may sapat siyang kakayahan para
pamunuan ang bayan.

Mahigpit
niyang ipagpapatuloy ang kampanya laban sa droga at carnapping sa bayan.

Giit ni
Paralan, hindi kailangan na idaan sa dahas sa halip ay sa pamamagitan ng
diplomasya magiging matiwasay ang implimentasyon ng seguridad sa bayan.

Lubos naman
ang pasasalamat ng mga taga-Pikit sa mga programa at pagiging aktibo ng
kanilang dating hepe na si Karim sa implimentasyon ng seguridad at pagiging
malapit rin nito sa komunidad.

PRO-BAR chief Tanggawohn bestowed posthumous award to Capt. Moralde

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - The Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region bestowed posthumous award to late PCPT ROLAND ARNOLD...

Suspected gunrunners huli, mga armas nakumpiska sa kanila sa Alamada

COTABATO CITY - KULONG na ngayon ang dalawang mga gunrunners matapos mahuli ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM sa isang...

High value drug peddler falls, yields 150 grams of shabu in Lanao Sur

MARAWI CITY - Lanao del Sur PPO's Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Special Operations Group, 1st Provincial Mobile Force Company, Marawi...

6 armed villagers wounded in Basilan ambush incident

COTABATO CITY - Ambushers seriously wounded six men in a rival group in an attack early Saturday in Sitio Lessem, Barangay Bato-Bato, Akbar...

DA: Price freeze needed only in areas under state of calamity

MANILA – The Department of Agriculture (DA) on Friday said that a price freeze of rice and other basic commodities should only be implemented in...