Monday May, 06 2024 01:37:56 AM

NDBC BIDA BALITA Feb. 15, 2016

 • 17:14 PM Mon Feb 15, 2016
1,943
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

FEBRUARY 15,
2016 (MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. CARETAKER NG INTERNET CAFE, BIKTIMA ng pamamaril sa Cotabato city
Mekaniko, pinagtataga sa lungsod.

2. No. 1 most wanted person sa Antipas,
North Cotabatao, nakatakas sa sanay OPLAN PAGLALANSAG OMEGA ng CIDT-North
Cotabato

3. Koronadal City Traffic Section
pinaghahanda ang mga tricyle driver sa NSPC 2016

4. 40th Diocesan Clergy Convention, gagawin sa Kidapawan City PATULOY NA NAGPAPAGALING ngayon sa
isang pagamutan sa Cotabato city ang isang lalaki matapos pagbabarilin dakong
ala una kahapon sa Rosal street, Barangay Rosary Heights 7, Cotabato city.

Kinilala ang biktima na si Alex Minosa
Cabaluna, 26 anyos, residente din ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya,
nagbabantay umano ng internet cafe si Cabaluna nang may tumawag dito kaya siya
lumabas.

Dito na nakarinig ng limang putok ng
baril ang mga nasa loob ng internet cafe.

Paglabas ng mga ito ay inabutan na
lamang nilang nakabulagta si Cabaluna at may tama ng bala sa kanyang tiyan at
kaliwang hita.

Agad isinugod sa pagamutan ang biktima
na nasa ligtas nang kalagayan sa ngayon.

Samantala, patuloy ring nagpapagaling
sa pagamutan ngayon ang isang mekaniko matapos pagtatagain pasado alas syete
kagabi sa isang welding shop sa Rufo Mañara street, Barangay Rosary Heights 10,
Cotabato city.

Kinilala ang biktima na si Julius
Lagitao Pablico, 21 anyos, residente ng Pascual subdivision, Mother Barangay
Rosary Heights ng lungsod.

Ayon sa inisyal na report ng pulisya,
nakikipaginuman ang biktima sa mga barkada nang may makaalitan ito dahilan ng
pagkakataga sa kanya.

Nagtamo ng sugat sa kanyang kaliwang
balikat si Pablico habang agad namang nakatakas ang hindi pa nakikilalang
suspek.

Patuloy pang iniimbestigahan ng PNP ang
dalawang insidente. NAGPAPATULOY
ang isinasagawang validation ng Department of Agrarian Reform o DAR-ARMM sa
listahan ng ARBs o Agrarian Reform Benefeciaries.

Ito ay
sa pangunguna ni regional secretary Amihilda Sangcopan.

Mula
sa mahigit na animnapung libong ARBs, mahigit apatnapung libong ARBs pa lamang
ang kanilang na-validate.

Ayon
kay Sangcopan, karamihan dito ay nadiskubre nilang inabandona na, o kaya'y
hindi na ginagamit at ang iba nama'y nagpapatuloy na pinagyayaman ang lupa.Samantala,
Nilinaw naman ni sangcupan na walang direktang kautusan sa kanila si ARMM
governor Mujiv Hataman na unahin munang ayusin ang kapakanan ng mga na-validate
na ARB at ihinto ang pamamahagi ng lupa sa kwalipikadong ARBs sa rehiyon. ISA
PANG BANGKAY na nakalibing ang natagpuan sa Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat,
Maguindanao dakong alas sais nang umaga kahapon.

Ayon
sa salaysay ni Barangay Semba Kagawad Embo Lalaog, nagii-spray siya ng kanyang
gulayan nang matagpuan niya ang bangkay na nakilalang si Alamin Manebpel
Saguili, 28 anyos, residente ng Broce, Barangay Tamontaka sa nasabing bayan.

Ang
bangkay ni Saguili ay may saksak sa braso at leeg.

Nabatid
na si Saguili ay unang inireport na nawawala noong February 6, 2016.

Una
rito, isa ring bangkay ang natagpuan sa room 211 sa 2nd floor ng Hill Side
resort, Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao dakong alas dose nang
tanghali kahapon.

Batay
sa imbestigasyon ng DOS PNP, nagcheck-in ang biktima sa Hill side resort noong
Huwebes, February 11, 2016 at kinatok ng room boy noong Biyernes, February 12
para ipaalam na overstaying na ito.

Pero
walang sumasagot kaya ipinaalam ng room boy sa management na siyang napilitang
buksan ang kwarto kung saan ay tumambad sa kanila ang biktima na nakahiga sa
sahig at wala nang buhay.

Inaalam
pa ngayon ng pulisya kung may foul play sa pagkamatay ng biktima na hanggang sa
ngayon ay hindi pa nakikilala ng DOS PNP.

Gayunpaman,
lumabas sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives o SOCO na cardiac arrest
ang ikinamatay ng biktima.

NAIUWI na ang bangkay ng isang Overseas Filipino Worker o OFW na
si Ruby Jean Soria sa bansa.

Si Ruby Jean ay isa sa 14 na mga Pinoy na nasawi sa sunog sa
isang hotel sa Erbil, ang kabisera ng Kurdistan Region sa Iraq, nitong Biyernes
ng gabi, February 5.

Ang biktima ay taga-barangay Poblacion Uno, Pigcawayan, North
Cotabato at napangasawa ng pulis na si PO3 Midzichael Angie na taga-Parang,
Maguindanao,

Ayon sa kanyang ina na si Nenita Flores, pagkarating ng bangkay
ng kanyang anak sa Maynila kamakalawa ay dumuritso na sila ng Pigcawawan
kahapon.

Kasalukuyan namang nakaburol si Ruby sa kanyang mismong
pinatayong bahay.

Alas dose mamayang tanghali nakatakdang ibiyahe ng pamilya ang
bangkay ni Ruby sa Parang, Maguindanao kung saan ito ililibing dakong alas-2 ng
hapon.

Nagpapasalamat naman si Nanay Nenita sa lahat ng tumulong sa
kanila.

TULOY
ang pagsagawa ng operasyon ng Crime investigation and detection group o
CIDG-ARMM sa araw ng mga puso kahapon.

Pasado
alas-12:44 ng hapon kahapon ng maaresto si Salipada Abo alias Keypad sa Bliss,
Notre Dame Village, Brgy Rosary Height 8, Cotabato City.

Si
Salipada Abo ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o comprehensive law on
firearms and ammunition at kasong murder.

Huli
ang suspek sa bisa ng arrest warrant ng inilabas ni Judge Bansawan Ibrahim ng
RTC 12, Branch 13, Cotabato City.

Nabatid
na si Abo ay isa sa mga tinututukang suspek sa lalawigan ng Maguindanao dahil
sa mga kinakaharap na kaso.

Kasalukuyan
namang nakakulong ngayon sa CIDG-ARMM lock up cell ang suspek.

Sumunod sa proper dress code at kagandahang loob.
Ito ang hiniling ni Edgardo Tabago, ang City Traffic Supervisor ng Koronadal sa mga tricyle driver sa lungsod.
Ayon kay Tabago, dapat ay ipakita rin ng mga driver sa Koronadal ang pagiging propesyonal ng mga ito hindi lamang sa pananamit kungdi maging sa paguugali.
Payo na nito sa mga tricyle driver, hangga’t maari ay nakasapatos at huwag magsuot ng sleevless kapag bumibyahe.
Dapat din ayon kay Tabago na sumunod sa fare matrix ang mga tricyle driver at huwang mag-overcharge sa pasahe lalong lalo na sa mga dayo.
Ayon kay Tabago ito ay bilang kabahagi pa rin ng paghahanda ng city traffic section sa National Schools Press Conference o NSPC 2016
Ang NSPC ay inaasahang dadaluhan ng mahigit apatnalibong mga campus journalist sa buong bansa.
Ito ay gaganapin sa Koronadal City sa Pebrero a biente dos hanggang biente sais.
Inaasahan ng lokal na pamahalaan ang pagdating ng mga delegado sa NSPC ilang araw bago pa man ang pagsisimula nito.
Ang opening program na gagawin sa Koronadal City Hall ay posibleng dadaluhan din ni DepEd Secretary Armin Luistro. Ipinagutos na ng City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC Koronadal sa mga barangay na paigtingin ang kanilang kampanya kontra Dengue.
Ayon kay CDRRMC Action officer Cyrus Urbano, ito ay sa pamamagitan ng pagsagawa ng massive clean up drive.
Layon nito ayon kay Urbano na linisin ang mga lugar na maaaring pamahayan ng lamok na magdadala ng sakit na dengue fever.
Tiniyak din ni Urbano na agad na nagpatupad ng mga kaukulang hakbang ang City Health Office para matigil ang patuloy na pagdami ng dengue sa Barangay Santa Cruz.
Ito ay sa kabila ng pag-kwestyon ng lokal na pamahalaan ng pagdeklara ng state of calamity dahil sa dengue ng barangay.
Ayon kay Urbano kabilang sa mga barangay na mayroon ding kaso ng dengue sa Koronadal ang Avancena, Caloocan, Carpenter Hill, Concepcion, General Paulino Santos, Mabini, Magsaysay, Morales, Namnama, New Pangasinan, Rotonda, San Jose, San Roque,Sto Nino, at Zone 1,2,3 at 4.
Binigyan diin ni Urbano na malaki ang maitulong ng mga mamamayan para masawata ang dengue sa kanilang barangay.
Nabatid na abot na sa siyamnaput pitong kaso ng dengue ang naitala sa Koronadal City, mula Enero hanggang sa kasalukuyan.
Ito ay mas mataaas naman sa limamput pitong dengue cases sa lungsod sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Tatlo katao na rin ang nasawi dahil sa dengue sa Koronadal ngayong taon. Handa ang pamahalaang panlalawigan na tumulong sa mga magasasaka na apektado ng El Nino Phenomenon sa South Cotabato.
Sa katunayan ayon kay Mila Lorca ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer ng South Cotabato naglaan ng dalawang milyon ang kanilang tanggapan para sa livelihood assistance ng mga apektadong magsasaka.
Layon nito ayon kay Lorca na mabigyan ng alternatibong mapagkakakitaan ang mga magsasakang nasiraan ng mga pananim.
Ayon kay Lorca ilan sa mga livelihood na hinihiling ng mga munisipyo ang barbecue stand, karenderya, parlor at iba pa.
Naglaan din ang PDRRMO ng tatlong daang libong piso, para sanayin ang mga magsasaka sa paggawa ng silage o pagpapatuyo ng damo para may makain pa rin ang mga alagang hayop sa dry spell.
Magtatayo rin ang pamahalaang panlalawigan ayon kay Lorca ng overhead tank na kayang makapag imbak ng mahigit apatnaput limang libong litrong tubig.
Ang overhead tank ayon kay Lorca ang kukunan ng tubig na isusupply sa mga barangay ng South Cotabato.
Ayon kay Lorca inihahanda na rin ng PDRRMO ang mga binhi ng gulay, mais at palay na ipamimigay sa mga magsasaka kapag nagsimula muli ang planting season.
Ang El Nino Phenomenon ay posibleng mararanasan sa South Cotabato hanggang sa Hunyo.
Ito ay batay naman sa naging prediksyon ng PAGASA. Nagsanib pwersa ang city environment and natural resources at asosasyon ng mga transport group para matigil na ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa Koroandal City.
Ayon kay City Environment Officer Agustus Britania, lumagda na sa kasunduan ang lokal na pamahalaan at mga kinatawan ng Triycle Operators at Drivers Association o TODA.
Ang kasunduan ay nagbigay ng pahintulot sa mga myembro ng TODA na hulihin ang sinumang naninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Ito ay bahagi pa rin ng pinaigting na pagpapatupad ng anti-smoking ordinance sa Koronadal City.
Ang ordinansa ay ipinatupad dahil sa kasamaang dulot ng paninigarilyo sa kalusugan.
Ito ay bilang suporta na rin sa programa kontra paninigarilyo ng Department of Health o DOH.Nakinabang sa water system na bigay ng lokal na pamahalaan at Department of Interior and Local Government o DILG ang mga residente sa liblib na Sitio ng General Santos City.
Sa pamamagitan ng Salintubig Program, nagkaroon na ng sarili nitong mapagkukunan ng malinis na supply ng tubig ang maliit na komunidad sa Sitio Balnabu.
Ayon kay Gensan City Mayor Ronnel Rivera, ang proyekto ay matagal nang pinangarap ng mga residente sa lugar.
Ito ay nagkakahalaga ng mahigit 1.3 million pesos.
Maliban sa Balnabu, makikinabang din sa water system ang mga residente ng katabi nitong mga Sitio ng Abing Mok at DaSallsing Pandian.
Ang Salintubig ay isang proyekto sa patubig ng lokal na pamahalaan ng Gensan.
Ito ay pinondohan naman sa pamamagitan ng Bottom-Up-Budgeting o BUB ng DILG Inisa-isa na ng Barangay Poblacion Kabacan ang mga eskwelahan sa bayan para magsagawa ng Drug Symposium.Naniniwala kasi si Poblacion Chairperson Mike Remulta na sa pamamagitan ng ganitong aktibidad ay maturuan at magabayan ang mga kabataan para hindi mapariwara ang kanilang mga buhay at malihis ang kanilang landas.Noong nakaraang linggo isinagawa ang nabanggit na aktibidad sa Kabacan Wesleyan Academy, High School Completers ng Notre Dame of Kabacan at ngayong araw ay isasagawa rin ito sa Saint Lukes Institute at susundan pa sa maraming paaralan.Matatandaang ilang mga search operation na ang isinagawa ng mga otoridad sa bayan dahil sa nanatiling talamak ang bentahan at gamitan ng iligal na droga sa lugar.Una na ring nabanggit ni Chief Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP na ikinaalarma na nila ang pagkakasangkot ng ilang mga kabataan sa ilegal na gawain sa bayan.Kaya naman isa rin sa mga isininusulong ngayon ng PNP at base na rin sa deriktiba ni Kabacan Mayor Herlo Guzman para labanan at sugpuin ang nabanggit na gawain ay ang Drug Symposium Activity sa mga paaralan sa Kabacan. TUWING sasapit ang Valentine’s Day o Araw ng mga Puso, tuwing ika-14 ng Pebrero, maraming pamamaraan ang ginagawa upang ipadama ang pagmamahal ng nagmamahal at minamahal.May nagpapadala ng mga bulaklak at tsokolate sa nililigawan, kaibigan at kakilala, at mahal sa buhay.Kagabi sa Kidapawan City, ay maghahatinggabi na nalang ay pautloy pa rin ang pagdagsa ng mga tao kung saan dinumog ng mga pagpapartners ang City PLAZA at City Highwalk para iselebra ang araw ng mga puso.Kasabay ng naturang pagdiriwang, binalot rin ang buong area ng mga love songs mula sa apat na malalaking sound boxes na nakalagay sa City PLAZA mula sa Happy FM music. Hindi lamang mga magkasintahan ang pumuno sa lugar kundi maging ang mga magpamilya atnaroon din.Para naman sa mga grupo ng mga magkakaibigan hindi lamang daw para sa mga mag-asawa at magnobyo ang Valentines day kundi pwede rin sa kanila.Simbolo ng Valentine’s Day ang mga pulang puso at ang mga ito ang karaniwang palamuti at dekorasyon sa mga tindahan, shopping mall, bakeshop at iba pang business establishment kung saan kapansin pansin din ito sa lungsod.Maging ang mga tricycle drivers ay gumawa rin ng kani kanilang lang mga dekorasyon sa kanilang mga sasakyan, nagpapatugtog ng musika at ikinatuwa rin ang pabalik balik nilang paghahatid ng pasahero dahil sa binaha ng tao ang Kidapawan.Samantala, Kagabi rin nagtapos ang weeklong celebration ng ika-18th anniversary ng lungsod kung saan nilubos-lubos na ng mga mamamayan ang kanilang pagbisita sa mga tiangge kung saan bumida ang mga ukayukay store, Agro Ornamental gardens, sovieneers. mga panindang pagkain at iba. Mga armas at ekplosibo na lamang ang naabutan ng Criminal Investigation and Detection Team o CIDT- North Cotabato sa sanay isasagawang OPLAN PAGLALANSAG OMEGA sa brgy. Malatab, Antipas, North Cotabato noong Sabado.Narekober nila sa bahay ng kanilang target ang isang unit ng hand grenade, isang unit ng 38 caliber pistols at limang mga bala, magazine ng caliber 45 pistol, pitong empty shells ng 9mm caliber pistol at isang bala, at isang plastic box na lalagyan ng mga bala ng caliber .22 pistol.Ayon sa report ng CIDT, target nilang pasukin ang bahay ng suspek na si Felix Ballo alias Ferling ng Sitio Mesalay, brgy. Malatab, Antipas.Si Ballo ay ikinokonsidera ng mga otoridad na number 1 most wanted person sa bayan na una na ring nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.Nang isagawa na ang nabanggit na operasyon ay nakatakas umano ang suspek na posible namang natunugan ang pagdating ng mga otoridad.Ang mga narekober na mga armas, bala, at eksplosibo ay dinala na sa provincial headquarters ng CIDT sa Kidapawan City. Headlineand Ilang residente ng President Roxas, North Cotabato, inireklamo ang umano pagkakampo ng militar malapit sa baragangay Hall ng bayan.Nababahala ngayon ang ilang mga residente ng La Esperanza, President Roxas, North Cotabato dahil sa presensya ng 39th Infantry Batallion, Philippine Army na nagkakampo malapit sa kanilang baranggay.Ayon sa isang residente ng nakapanayam ng Radyo may mga bitbit kasing armas ang mga militar bagay naman na ikinatakot nila.Pinangangambahan rin nila ang posibleng pag-atake ng mga armadong grupo sa kanilang area dahil nga presensya ng mga sundalo.Pero sa pahayag naman ni 39th IB spokesperson Capt. Danny Tapang, bago raw sila pumasok sa nabanggit na barangay ay humingi sila ng pahintulot mula sa barangay council.Katunayan aniya, sa isinagawang barangay assembly noong sabado karamihan sa mga residente doon ay pabor naman sa kanilang panantili at iilan lamang umano ang may reklamo.Ang pananatili ng 39th IB sa barangay La Esperanza ay bahagi lamang sa kanilang isinasagawang Peace and Development Outreach Program sa mga barangay sa bayan. Kumpirmado ang pagdating ng labing pitong mga obispo at higit sa apat na raang mga Diocesan Priest mula sa ibat-ibang panig ng Mindanao.Mismong si Diocesan Administrator Monsignor Carlito Garcia ang nagkumpirma nito sa panayam sa kanya ng Radyo Bida.Ayon kay Fr. Garcia, ang pagtitipon ng mga obispo at mga pari ay bahagi ng 40th Diocesan Clergy of Mindanao Convention na bubuksan naman mamayang alas singko ng hapon sa Our Lady Mediatrix of All Grace Cathedral sa Kidpawan City at magtatapos sa araw ng Miyerkules.Kasabay ng naturang pagbubukas ang banal na misa na pangungunahan naman ni Orlando Cardinal Quevedo, OMI.Ayon kay Fr. Garcia, naka sentro sa gagawing aktibidad ang Eucharist in the Family na isa rin sa mga tinalakay sa isinagwang 51st International Eucharistic Congress Sa Cebu City noong nakaraang buwang.Naka angkla naman ang tema sa nabanggit na event sa Reflecting on the Family as nourish by the word of God and the Eucharist.

PRO-BAR chief Tanggawohn bestowed posthumous award to Capt. Moralde

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - The Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region bestowed posthumous award to late PCPT ROLAND ARNOLD...

Suspected gunrunners huli, mga armas nakumpiska sa kanila sa Alamada

COTABATO CITY - KULONG na ngayon ang dalawang mga gunrunners matapos mahuli ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM sa isang...

High value drug peddler falls, yields 150 grams of shabu in Lanao Sur

MARAWI CITY - Lanao del Sur PPO's Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Special Operations Group, 1st Provincial Mobile Force Company, Marawi...

6 armed villagers wounded in Basilan ambush incident

COTABATO CITY - Ambushers seriously wounded six men in a rival group in an attack early Saturday in Sitio Lessem, Barangay Bato-Bato, Akbar...

DA: Price freeze needed only in areas under state of calamity

MANILA – The Department of Agriculture (DA) on Friday said that a price freeze of rice and other basic commodities should only be implemented in...