Sunday May, 05 2024 08:37:01 PM

NDBC BIDA BALITA Feb. 16, 2016

 • 17:16 PM Tue Feb 16, 2016
1,673
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

FEBRUARY 16, 2016 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MGA NAGTITINDA ng
Takal-Takal na gasolina sa Cotabato city, bilang na ang mga araw.

2. Suplay ng kuryente na nabibili ng
Cotelco mula sa Napocor mas lalo pang bumaba dahil sa El Nino

3. Kawalan ng sanitary landfill ng
Koronadal City inireklamo sa Ombudsman ng Eco Waste Coalition
4. Araw ng mga puso, naging matrahedya para sa isang pamilya mula Magpet, N. Cotabato. At ngayon sa detalye...NAKIPAGPULONG NA KAHAPON ang Bureau of
Fire Protection o BFP-Cotabato city sa lokal na pamahalaan para palakasin ang
kampanya laban sa mga nagbebenta ng takal-takal na gasolina sa lungsod.

Ito ay kasunod na rin ng reklamong
ipinadala ng mga concerned citizen sa programang Madam Public Service ng DXMS
Radyo Bida noong nakaraang linggo.

Napagkasunduan ng mga taga-BFP Cotabato
city, ni Secretary to the city mayor Aniceto Boy Rasalan at City Administrator
Dr. Danda Juanday na ipupulong muna ng city government ang mga punong barangay
sa lungsod bago magtapos ang buwang ito.

Naniniwala ang BFP at ang City
government na ang mga barangay officials ang siyang dapat manguna sa
pagpapaalam sa kanilang mga constituents na maliban sa delikado, ay mahigpit na
ipinagbabawal sa batas ang pagbebenta ng tingi-tinging gasolina.

Inaasahan namang magpapalabas ng
memorandum ang City Government na siyang magbibigay ng ultimatum sa mga ilegal
na nagtitinda ng gasolina, na kapag hindi pa tumigil ang mga ito ay mapipilitan
ang BFP, City Government at City PNP na kumpiskahin ang kanilang mga paninda at
pwersahan itong ipasasara.

Nabatid na ang pagbebenta ng mga
takal-takal na gasolina ay hindi lamang talamak sa lungsod ng Cotabato at
matagal ng inirereklamo.

Sa katunayan hindi lamang ito
nakakasira ng mga sasakyan kundi nakakaperwisyo rin sa kabuhayan ng mga legal
na nagbebenta ng gasolina, lalo na ng mga malalaking kompanya.

Umaasa naman ang ilang mga negosyante
na apektado ng takal-takal na gasolina sa iba't ibang panig ng South Cotabato,
North Cotabato at iba pang karatig probinsya na sana'y tularan ang hakbang ng
BFP-Cotabato, City PNP at Cotabato City Government laban dito.

Ayon sa Implementing Rules and
Regulations ng Republic Act 8479 o Downstream Oil Industry Deregulation Act of
1998”, bago makapagbenta ng produktong petrolyo ay kailangan munang
magparehistro sa Departmet of Energy, pahkuha ng fire safety permit mula sa
Bureau of Fire Protection, Environmental Compliance Certificate mula sa
Environmental Management Bureau ng DENR, building permit, zoning clearance at business
permit mula sa lokal na pamahalaan.

NANANATILI sa evacuation
centers ang ilang mga residente ng Datu Salibo, Datu Piang at Datu Saudi sa
lalawigan ng Maguindanao.

Ito matapos na sumiklab
ang bakbakan sa bayan ng Datu Salibo at Datu Saudi sa pagitan ng Bangsamoro
Islamic Freedom fighters o BIFF at Militar nitong nakaraang mga araw.

Dahil dito, patuloy ang
pagbibigay ng ARMM humanitarian action response team o ARMM-HEART ng ayuda sa
mga apektadong pamilya kasama ang ilan pang ahensya sa ilalim ng ARMM
Government, kabilang ang DOH, OCD, DSWD AT DILG.

Ayon kay Jo Henry, ng
ARMM-HEART, nagtungo sila sa tatlong mga bayan kahapon para ihatid ang bigas,
sardinas, kape at noodles ng mga internally displace persons o IDPS.

Ayon kay Jo Henry, abot
sa 2390 families ang apektado ng kaguluhan mula sa Datu Salibo, habang 388 na
pamilya naman mula pa rin sa Datu Salibo ang nanatili sa bayan ng Datu Piang.

976 families naman ang
nasa tatlong evacuation areas ng Datu Saudi.

DAHIL SA
kapansin-pansin na marami ng mga food establishment o mga kainan sa lungsod ng
Cotabato na hindi sumusunod sa operational guidelines ng sanitation code.

Katulad ng
kawalan ng hairnet o bonnet, mask o kaya'y damit ng mismong mga food server at
maging ang mga tagapagluto nito ay nakatakdang magsasagawa ng surprise sanitary
inspection ang Cotabato City Health office sa mga ito.

Dati rati
kasi, ayon kay Cotabato city health officer Dr.Zulqarnyn Abas, ipinapaalam pa
muna sa mga nangangasiwa ng mga food establishment ang sanitary inspection
kaya't madali para sa mga ito na makapaghanda.

MALIBAN sa DENR-ARMM, handa rin ang CENRO sa
PPALMA area na baklasin ang mga campaign materials na nakadikit sa mga puno at
maging sa poste ng COTELCO.

Sa isinagawang pagpupulong kahapon ng DENR,
DPWH AT COTELCO sa PPALMA, napagusapan ang mahigpit na pagbabantay at
pagpapanatili ng malinis na kalsada ngayong kasagsagan ng campaign period laban
sa mga abusadong supporters ng mga kandidato sa May 2016 elections.

Ayon kay PPALMA Cenro officer Ambolo
Bantugan, sa oras na ipagutos ng Comelec sa DENR sa baklasin ang mga campaign
paraphernalias na nasa mga ipinagbabawal na erya, ay agad nila itong babaklasin
ng walang pahintulot.

Giit ni Bantugan, partikular nilang tututukan
ang mga poste ng cotelco at national highway pati na ang mga punong kahoy na
madalas na dinidikitan ng mga campaign posters.

LUBOS ang
pasasalamat ng mga taga-Maguindanao kay Gov. Toto Mangudadatu at sa buong
provincal government sa masaya at bonggang Sagayan Festival na isinagawa sa
kanilang lalawigan

Bago ito
nagtapos noong linggo ay naging makulay ang selebrasyon sa isinagawang FLOAT
parade and competition kung saan
tinanghal na champion ang bayan ng Mangudadatu, na sinundan ng bayan ng Datu
Piang at bayan ng Upi bilang 2nd runner up.

Hindi rin
nawala ang Streed Dancing Competition at showdown.

Nakamit naman
ng Upi ang kampeonato, 1st runner up ang Pandag at 2nd runner up ang Datu
Piang.

Mainit naman
ang pagtanggap ng mga residente at bisita kina Richard Poon at RNB Princess na
si KYLA sa Governor's night.

Special guest
din sa concert na pinangunahan ng 6th infantry division ang the voice season 2
finalist na si Jason Fernandez.

Sampung mga
boksingero rin mula sa iba't ibang panig ng bansa ang naglalaban-laban sa
isinagawang blow by blow boxing kasama ang people's champ na si Manny Pacquiao.

Ito na ang ika-limang
taong pagdiriwang ng Sagayan Festival sa lalawigan ng Maguindanao. Umapela si Atty Richard Opinion, ang Election officer ng Koronadal City sa mga kandidato at kanilang mga suporters na tumalima sa mga mga common poster areas ng comelec.
Ito ang ipinahayag ni Opinion, bunsod ng pagkalat ng mga campaign materials sa mga ipinagbabawal na lugar sa Koronadal City.
Kapansin pansin na ilan sa mga campaign materials ng mga kandidato sa lungsod ay inilagay sa mga kawasd at poste ng kuryente.
Karamihan sa mga ito ay makikita sa kahabaan ng General Santos Drive.
Ikinadismaya din ni Opinion ang paggamit ng pako ng mga supporters ng ilang mga politiko sa pagkabit ng mga campaign ads sa mga puno.
Ayon kay Opinion, magpapadala sila ng notice sa mga kandidato na naglagay ng mga campaign materials sa mga bawal na lugar.
Ipinahayag ng election officer na bagama’t maaring tanggalin na lamang ng comelec ang mga campaign ads na wala sa kanilang itinalagang lugar, maari ring makasuhan ang mga kandidatong lumabag sa kautusan na ito ng Comelec.
Isinasailim sa Defensive and Combat Martial Arts o Tekwondo Proficiency Training ang tatlumput anim na mga Jail Guards ng South Cotabato Rehabiliation and Detention Center o SCPRDC.
Ang pagsasanay ay pinaglaanan ng dalawamput pitong libo ng Human Resource Development ng lalawigan.
Layon ng training na maturuan ng dagdag na depensa ang mga jail officers sa panahon ng emergency tulad ng jail breaks o tangkang pagtakas ng mga preso.
Ito ay ayon kay Rodith Delfino,ang Supervising Administrative Officer ng HRDD, South Cotabato.
Ayon kay Delfino, inaasahang matatapos ng mga jail guards ang pagsasanay ngayong Pebrero.
Matatandaan na napigilan ang pagtakas ng isang preso sa SCPRDC matapos nakipagbuno sa kanya ang isa sa mga jail guard ng piitin noong nakaraang buwan.
Dalawang preso rin sa SCPRDC ang munting nang makatakas matapos pagdutungin ang mga kumot at magtangkang akyatin ang mataas na pader ng pasilidad noong nakaraang taon.
Ito ay maliban pa sa ilang mga preso na nasalisihan ang mga jail guards habang ginagamot sa South Cotabato Provincial Hospital.
Kinumpirma din ni Delfino na magsisimula na rin ang orientation sa mga bagong kawani ng Provicial Government sa susunod na linggo.
Ituturo naman sa mga ito ang mga panuntunan para sa mas maayos na pagtupad sa kanilang tungkulin.
Iimbistigahan ng Office of the Ombudsman ang kabiguan ng lokal na pamahalaan ng Koronadal sa pagsunod sa Ecological Waste Management Act.
Ito ang tugon ng Ombudsman sa reklamong inihain ni Eco Waste Coalition Commissioner Romeo Hidalgo.
Naging dahilan naman nito ang ay kabiguan pa rin ng lokal na pamahalaan na makapagpatayo ng sanitary land fill.
Nagpaliwanag naman sa usapin si Agustus Britania, ang City Environment and Natural Resources Officer ng Koronadal sa kanyang pagharap sa Sangguniang Panglusod kahapon.
Paliwanag ni Britania, hindi nabili ng lokal na pamahalaan ang lupain sa Barangay Paraiso na paglagyan ng Sanitary Land Fill.
Ayon kay Britania, limang taon na rin kasing nangibang bansa ang may ari nito.
Tutol din ang mga residente sa isa pang lupain sa Purok Pagunsan, barangay paraiso na plano ding paglagyan ng city LGU ng pasilidad.
Bukod dito ayon kay Britania, wala ring deed of donation ang daan sa iba pang lupain na balak bilhin ng lungsod.
Ipinahayag ni Britania na naghahanap pa rin ng sampung ektayrang lupain ang city government para mapagtayuan ng Sanitary Landfill.
Ang Koronadal City at Kidapawang City sa North Cotabato ay dalawang mga LGU sa Rehiyon dose na iimbistigahan ng Ombudsman .
Layon ng imbistigasyon ng Ombudsman ay upang malaman kung may sapat bang basehan para kasuhan ang mga LGUs na bigong makapagpatayo ng sanitary land fill
Magbibigay ng parangal ang pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato sa mga local government units na may pinaka-epektibong air management program.
Ito ay sa pamamagitan ng The Search for Best Practicing LGUs/Industries in the Establishment of Air Quality Management Program.”.
Ang patimpalak ay nakatakdang ilunsad ng South Cotabato Airshed Governing Board o SCAGB
Layon ng programa na maipalaam sa bawat LGU at Industriya ang kahalagahan ng pagsunod sa air compliance qualities and management.
Ito ay ayon kay Dominador Samilin, ang Senior Environment Specialist ng Environment Management Bureau o EMB ng DENR 12 at myembro ng SCGAB.
Sisimulan naman ng Technical Working Group at SCAGB ang evaluation sa patimpalak sa Oktobre.
Gananapin ang awarding ceremony sa patimpalak kasabay ng Clean Air Month , Environment Awareness Month sa Nobyembre.
Tututukan ng Bureau of Fire Protection o BFP ang pag inspeksyon sa mga night clubs, bar, at iba pang mga kahalintulad na establisemento sa General Santos City.
Ayon kay Gensan Fire Marshall, Senior Fire Inspector Jeraniel Topacio, ito ay matapos matuklasan ang paglabag ng maraming establiemento sa lungsod sa Fire Code of the Philippines.
Ipinahayag ni Topacio na karamihan sa mga gusali na ininspeksyon ng BFP sa Gensan ay walang labasan o fire exits at kung mayroon man ay may nakaharang din.
Ito ayon kay Topacio ay maliwanag na paglabag sa fire safety regulation at delikado sa publiko.
Ayon kay Topacio kabilang sa mariing sinuri ng BFP ang fire alarms, emergency lights, linya ng kuryente, at availability ng fire extinguishers.
Binigyan diin ng city fire marshall na ang sinumang bigong sumunod sa fire safety regulations ay maaring makasuhan ng administratibo o ikansela ang kanilang business permit.
Binalaan din ni Topacio ang mga negosyante sa Gensan na dapat tingnan kung ang kanilang fire safety practices ay naayon sa batas. Magdadalawang buwan nang nagkukulang sa suply ng tubig ang Puas Inda, isang liblib na Sitio sa barangay Amas, Kidapawan City.Ito ang pahayag ng kanilang Sitio Leader na si Datu Antonio Puas dahil na rin daw sa patuloy na nararansang El Niño Phenomenon.Ayon kay Datu Puas, para naraw silang mga magnanakaw, dahil gabi silang naghahanap ng mapagkukunan ng inuming tubig dahil kulang na ang suply nito.Sa ngayon meron naman daw silang pinagkukunang balon pero hindi naman sigurado kung ito ba ay malinis at ligtas inumin.Aniya, Disyembre pa nagsimulang nawala ang suply sa kanilang tubig gayung buwan buwan naman silang nagbabayad sa Metro Kidapawan Water District o MKWD.Panawagan ngayon ng mga residente sa MKWD na sana ay matugunan na ito kaagad dahilVC- PUAS INDAHalos hindi na rin daw sila nakakakin ng tatlong beses sa isang araw.Hindi na rin mapapakinabangan pa ang mga yellow cassava na ipinatanim ng City Government.Ang Palay, mais, Tubo at saging na tanging pangkabuhayan sana sa naturang lugar ay pareho pareho naman hindi na napapakinagabangn dahil sa naapektuhan ito ng matinding tagtuyot.Sa ngayon hinihintay na lamang nila ang tulong ng City Government lalo pa't una nang isinailalim ang Kidapawan City sa state of calamity dahil sa malaking pinsala na dulot ng El Niño Phenomenon sa lungsod. Kung sakaling may mag positibo sa isinagawang Mandatory Drug Testing sa mga empleyado ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO, tiniyak ni COTELCO General Manager Engr.Godofredo Homez na matatangal ito sa kanilang trabaho.Ito ang pahayag ng opisyal sa panayam sa kanya ng Radyo sa kasagsakagan ng Drug Testing na isinagawa kahapon ng umaga sa COTELCO Main Brgy. Manubuan, Matalam, North COtabato.Ayon kay Homez, paraan din ito para masigurong malinis ang hanay ng COTELCO at para masagot na rin ang mga impormasyon na kanyang natatanggap na umano ilan sa kanilang mga trabahante ay gumagamit ng ilegal na droga.Samantala, Katuwang naman ng COTECLO ang Cotabato Police Provincial Office o CPPO para isagawa ang naturang programa sa pangunguna naman ni CPPO Director Sr. Supt. Alexander Tagum.Sinuguro ng pulisya kahapon na kahit isang indibidwal ay walang makakalusot sa nabanggit na drug test.Nabatid na umabot sa 137 na mga empleyado ang sumailalim nito habang 26 naman ang absent.Tiniyak naman ni Homez na ngayong linggo ay sasailalim din sa kaparehong testing ang nalalabing 26 na mga employee. Abot na si higit 400 million pesos ang naitalang danyos sa epekto ng matinding init ng panahon sa probinsya ng North Cotabato.Ito ay base naman sa pinakahuling report ng Office of the Provincial Agriculturist o OPAG mula naman sa bawat munisipyu ng bayan.Base sa datos nasa 23, 280 na mga magsasaka na ang apektado sa nabanggit na kalamidad.Umaabot na rin sa 27, 558.55 na ektarya ang napinsala nito sa buong lalawigan.Kabilang sa mga nasirang taniman ay ang palay, mais, oil Palm, niyog, rubber, cacao at kape.Pinakamaraming magsasaka naman na nagmula sa bayan ng Makilala, ang pinakanaapektuhan ang taniman na rubber na umaabot sa 901 na magsasaka, sa cacao naman ay ang Matalam na may 39 na mga magsasaka sa kape ay mula sa Magpet na may 38 na mga apektadong magsasaka sa oil palm ay ang bayan ng Carmen na may 359 na apektadong magsasaka, habang sa niyog naman ay ang bayan ng Alamada na may halos isang libong apektadong magsasaka.Ang mga nabanggit na bayan rin ang may pinakamalawak na damage sa kanilang mga lupain.Samantala, sinabi naman ni Eliseo Mangliwan, ang North Cotabato provincial agriculture officer, ang mga nabanggit na danyos ay magkaiba pa sa naging pinsala ng pag atake ng mga daga sa mga bayan sa lalawigan.Aniya posible rin itong madagdagan pa dahil hindi pa kasali rito ang kabuuang danyos sa mga pananim ng saging.Sinabi ni Mangliwan na kung hindi pa rin makakaranas ng mga pag-ulan sa darating pang mga araw ay posibleng lolobo pa ang nabanggit na halaga ng pinsala at mas dadami pa ang mga magsasaka na maaapketuhan nito. Nauwi sa malagim na trahedya ang sanay isang masayang birthday celebration matapos na malunod at napatay ang mag-pinsan sa isang beach resort sa Sta. Cruz Davao del Sur.Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Rhea Mae Servano, 13 anyos at nag- aaral sa Saniel School Annex sa Kidapawan City at Ricky Bernardino, 14 na taong gulang kapwa taga brgy. Basak, Magpet, North Cotabato.Sa panayam ng Radyo Bida sa tiyuhin ng mga biktima alas otso ng umaga noong linggo nang mangyari ang insidente.Bigla na lamang daw tumaas ang tubig sa dagat at hindi na namalayan ng mga menor de edad at doon na sila nalunod.15 minuto pa nang mapansing nawawala na ang dalawa at doon na sila nagkagulo nang matagpuang wala nang buhay ang mga biktima.Sa ngayon nakaburol ang mga labi ng biktima sa Magpet, North Cotabato. HIGIT 50 porsiento ang pagbaba sa suplay ng Kuryente na nakukuha ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco mula sa mga planta ng hydro-electric na nasa Agus sa Lanao del Sur at Pulangi sa Bukidnon.Kung noong Enero, naka-kontrata ng walong megawatts na Kuryente mula sa National Power Corporation o Napocor ang Cotelco, ngayong Pebrero, abot na lamang ito sa tatlong megawatts – o 62.5 percent na mas mababa.Para kay Cotelco general manager at Engineer Godofredo Homez, malaking kabawasan sa suplay ng elektrisidad ang mababang kontrata nila sa Napocor.SA NGAYON, kumukuha ng suplay ng Kuryente ang Cotelco mula sa coal-fired power plants ng Therma South, Inc. diesel-fed power plants ng Therma Marine, Inc. at geothermal power ng Energy Development Corporation.Kulang raw ang suplay na ito kaya nga ba’t muli na namang nakakaranas ng tig-i-isang oras na brownout ang buong service area ng Cotelco.Pero ito, ayon pa kay Homez, ay magiging temporaryo lang.Darating umano ang panahon na hindi na nila aasahan ang walang kaseguraduhang suplay ng Kuryente mula sa hydro ng Napocor.Naka-kontrata na raw kasi sila ng dagdag na suplay mula sa San Miguel Power Corporation, WMPC, at sa iba pang mga independent power producers.
NDBC BIDA BALITA

PRO-BAR chief Tanggawohn bestowed posthumous award to Capt. Moralde

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - The Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region bestowed posthumous award to late PCPT ROLAND ARNOLD...

Suspected gunrunners huli, mga armas nakumpiska sa kanila sa Alamada

COTABATO CITY - KULONG na ngayon ang dalawang mga gunrunners matapos mahuli ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM sa isang...

High value drug peddler falls, yields 150 grams of shabu in Lanao Sur

MARAWI CITY - Lanao del Sur PPO's Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Special Operations Group, 1st Provincial Mobile Force Company, Marawi...

6 armed villagers wounded in Basilan ambush incident

COTABATO CITY - Ambushers seriously wounded six men in a rival group in an attack early Saturday in Sitio Lessem, Barangay Bato-Bato, Akbar...

DA: Price freeze needed only in areas under state of calamity

MANILA – The Department of Agriculture (DA) on Friday said that a price freeze of rice and other basic commodities should only be implemented in...