Sunday Mar, 03 2024 01:57:35 PM

NDBC BIDA BALITA *Feb. 18, 2016)

 • 21:50 PM Thu Feb 18, 2016
1,389
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

FEBRUARY 18,
2016 (THURS)
7and00 AM

HEADLINESand

1. IED natagpuan sa bayan ng
Guindulungan, Maguindanao PAMILYA biktima rin ng pagsabog ng IED sa Datu
Salibo.

2. Cotabato Police Provincial Office,
hinamon ang lahat ng Government Offices, NGO's at iba pang private sectors na
isailalim sa drug test ang kanilang mga empleyado

3. Mister na nahuling illegal na
nagtatago ng armas arestado sa Surallah, South Cotabato, anak na suspek
nakatakas

4. Electrical short circuit, dahilan ng sunog sa PIgcawayan municipal gymnasium NAANTALA ang biyahe ng mga motorista
kahapon sa bahagi ng Datu Saudi Ampatuan malapit sa Guindulungan Municipality,
matapos itong pansamantalang ipasara.

Ayon kay 6th Infantry Division Public
affairs office chief Capt. Joan Petinglay, base sa impormasyon na kanilang
natanggap, nakatanggap ng report ang 1st mechanized company Philippine Army na
nakabase sa lugar na may suspected baggage na may lamang improvised explosive
device o IED na iniwang sa kalsada.

At dahil dito napilitang ipasara ang
kalsada para sa kaligtasan ng lahat.

kumpirmado namang IED ang laman ng
bagahe na agad na-disrupt ng EOD team.

Hindi naman natukoy kung anong klaseng
IED ang natagpuan.

Dakong alas-5:50 naman ng hapon ng
mabuksan muli ang kalsada.

SAMANTALA, PINAALALAHAN ng 6th Infantry
division Philippine Army ang publiko na kung maaari ay sumunod sa kanilang mga
abiso o babala sa tuwing mapapadaan sa kanilang mga inilalagay na checkpoint
bago magtuloy-tuloy sa pagbabiyahe.

Ayon kay Capt. Joan Petinglay, kung
maaari, pansamantalang wag ng magpaabot ng gabi sa daan kung babiyahe paalis ng
lungsod ng Cotabato.

Ito ay dahil sa nagpapatuloy na
kaguluhan sa pagitan ng militar at Bangsamoro Islamic freedom fighters o BIFF
sa ilang bayan ng Maguindanao.

Maliban rito, biktima rin ng pagsabog
ng Improvised explosive device o IED ang isang pamilya na bumabiyahe papuntang
Datu Saudi Ampatuan mula sa Brgy. Sambulawan, Datu salibo, Maguindanao pasado
alas-10 ng gabi noong martes.

Kinilala ni Petinglay ang apat na
nasawi sa insidente na sina Nurodin Macabangen ang municipal treasurer ng bayan
ng Datu Salibo, 38 anyos Benzar Luminda, 28, Sofia Adel Macabangen 6 years
oldm pati ang driver na si Alex anak Danoy, 44.

Sugatan naman ang dalawa na sina
Zagabay Adel Macabangen, 36 at Hamod Adel Macabangen.

Ayon kay Petinglay, sakay ang
magkakamaganak sa kanilang private vehicle na Delicam Mitsubishi kulay black at
may license plate na RDS 928.

Nang makarating sila sa Brgy. Salbo,
Datu Saudi Ampatuan, dito na sumabog ang iniwang IED sa lugar. PATULOY NA
INAALAM NGAYON NG mga imbestigador ng Police station number 2 ang totoong
motibo sa pamamaril sa isang menor de edad pasado alas nuwebe kagabi sa Virgo
subdivision, Barangay Rosary Heights 8, Cotabato city.

Kinilala ang
biktima na si Anthony Jade Farnate, 14 anyos, isang highschool student at
residente ng Bliss project, RH-8 ng lungsod.

Batay sa
inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pauwi na si Farnate galing sa internet
cafe nang biglang pinagbabaril ng mga kalalakihan na nakasakay sa isang
motorsiklo.

Nagtamo ng
tama si Farnate sa kanyang leeg pero mabilis na naisugod sa pagamutan kung saan
ito nagpapagaling hanggang sa ngayon.

Hinala ng mga
otoridad, posibleng may nakaalitan si Farnate sa internet cafe na
pinanggalingan nito dahilan ng pagkakabaril sa kanya. ABOT
SA 3 MILYON PESOS ang naitalang halaga ng danyos sa pagkasunog ng Old Municipal
Gymnasium ng Pigcawayan, Cotabato kahapon, alas-12:30 ng madaling araw.

Lumalabas
sa imbestigasyon ng BFP PIGCAWAYAN na electrical short circuit ang sanhi ng
naturang sunod matapos na nakakonekta ang dalawang establisyemento sa
electrical post ng naturang Gym at nakasabit lamang sa yero.

Ayon
kay Pigcawayn BFP Investigator SFO1 Rene Villarma, mabilis na kumalat ang apoy
dahil gawa sa light materials ang naturang gymnasium.

dahil
dito, umabot ng dalawang oras bago nila tuluyang naapula ang sunog.

Taong
1965 pa ng maitayo ang Old municipal Gymnasium sa bayan.

Abot
naman sa 20 hanggang 25 mga tindahan ang nakahelera malapit rito, kabilang ang
botique, tindahan, carenderia at parlor. NAGSAGAWA ng initial na
inspeksyon ang Department of tourism region 12 sa isa sa limang Bus ng Yellow
Bus Line.

Ito ay upang ma accredit ang
YBL INC. sa ahensya.

Kamakailan lang ay isinagawa
ang inspeksyon kasama si Regional Director Nelly Nita Dillera at accreditation
officers ng DOT 12 sa bus na may 35 hanggang 45 na seating capacity.

Mula airport papuntang
tacurong City, hanggang Surralah, Koronadal at ilang bahagi ng Mindanao at ng
YBL Bus.

Posibleng maging tourist
transport ang YBL Bus kung papasa ito sa mga standards ng ahensya at ng LTFRB.

Inaasahang sa susunod na
buwan ay makikita sa sa mga bus ang mga bago nitong disenyo ma hango sa mga
natatanging destinasyon ng rehiyon dose.

Ito ay isa sa mga proyektong
napagkasunduan sa pagitan ng DOT 12 at YBL INC. noong nakaraang taon upang mas
mapa igting ang pagtangkilik ng parehong local at foreign tourist sa rehiyon. Umapela si Koronadal City Mayor Peter Miguel sa mga mamamayan ng Koronadal na tumulong sa pagsawata ng sakit na dengue fever.
Ayon kay Miguel, dapat ay seryosohin ng mga mamamayan ang pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang lugar.
Ipinahayag ng alkalde na sa kabila kasi ng El Nino Phenomenon at mainit na panahon nagiging agresibo pa rin ang mga lamok na nagdalala ng dengue.
Payo ng alkalde sa publiko, dapat ay buhayin ang bayanihan spirit sa bawat purok.
Tiniyak ni Miguel na handa ang lokal na panmahalaan na tumulong sakali mang hilingin ito ng mga mamamayan.
Ayon kay Miguel magbibigay ng insentibo ang city government sa mga purok na nagbabayanihan sa pagpuksa ng dengue.
Pinagaaralan din ng city government kung maari ring ideklara ang state of calamity sa Koronadal dahil sa dengue.
Lumabas sa datus ng city health office na siyamnaput pitong kaso na ng dengue ang naitala sa Koronadal mula Enero hanggang sa kasalukuyan.
Ito ay mas mataas naman sa limamput pitong dengue cases sa lungsod sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Isinailalim na sa State of Calamity dahil sa pinsala ng El Nino Phenomenon ang tatlo sa dalawampu’t pitong mga barangay sa Koronadal City.
Batay sa tala ng City Agriculture Office, apektado ng dry spell ang mahigit 1.5 million pesos na halaga ng mga pananim sa barangay Esperanza.
Sinira rin ng tagtuyo’t ang mahigit 850 thousand pesos na sakahan sa katabing barangay ng Cacub.
Habang ang barangay Magsaysay naman ay nakapagtala ng mahigit 1.7 million pesos na danyos sa mga pananim.
Ayon sa city agriculture office, sa kabuaan umaabot na sa mahigit tatlumpu’t limang milyon ang halaga ng mga produktong mais, palay at gulay ang sinira ng tagtuyo’t sa Koronadal City.
Nilinaw naman ni Cyrus Urbano ang Action Officer ng City Disaster Risk Reduction and Management Council na nagsasagawa pa ng validation ang lokal na pamahalaan sa danyos ng el nino na inireport ng mga barangay.
Layon nito ayon kay Urbano na matiyak na wala nang magiging sagabal pa sakali mang tuluyan nang ideklara ang State of Calamity dahil sa dry spell sa Koronadal City. Kalaboso ang isang mister sa bayan ng Surallah, South Cotabato.
Ito ay matapos makuhanan ng baril sa kanila mismong lugar sa Barangay Lamian, Surallah, kamakalawa ng umaga.
Ang paghuli sa suspek na si Jose Mateo ay pinangunahan ni Police Senior Inspector Timothy Narciso Jr, ang Provincial Chief ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG South Cotabato.
Maliban sa di kwarenta na baril nakuha din ng mga pulis mula sa suspek ang labinlimang mga bala nito, tatlong basyo at isang magazine.
Hindi na naabutan ng mga pulis ang anak ni Jose na si Joeleo Mateo, na isa rin sa target ng kanilang search warrant.
Inihahanda na ng CIDG ang pagsasampa ng kaso sa suspek na nakakulong na ngayon sa kanilang lock up cell.
Isinagawa ng mga pulis ang paghalughog sa bahay ng mga suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Oscar Noel ng Regional Trial Court Branch 39 sa Surallah. Tumanggap ng tig isang motorsiklo ang labindalawang mga Rural Health Workers o RHW sa South Cotabato.
Ito ay sa pamamagitan ng motorcycle fund program ng pamahalaang panlalawigan.
Ang proyekto ay kabilang sa isang milyong pisong tulong na ibinigay noon sa lalawigan ng Australian Agency for International Development o AUsAID.
Ayon kay Dr. Regelio Aturdio Jr., ang Provincial Health Officer ng South Cotabato, abot na sa mahigit limampung mga RHW sa lalawigan ang nabigyan ng motorsiklo simula ng ipatupad ang programa noong 1991.
Ang motorsiklo ay ibinigay bilang loan, at babayaran ng mga BHW sa loob ng limang taon na walang interest.
Layon ng programa na mapaigting pa ang pagbibigay ng serbisyon pangkalusugan ng mga RHW , lalong lalo na sa mga liblib na lugar.
Umaapela din si Aturdido sa mga RHW nakapag loan ng motorsiklo na regular na magbayad para mapakinabangan din ng kanilang mga kasama ang programa. Napapakinabangan na ng labinpitong mga eskwelahan sa South Cotabato ang mga solar lighting kit system na ipinangako sa kanila noon ng German Company na NV Voght.
Ang lightning system ay tinanggap mismo ng mga school principal ng mga school beneficiary sa turn over ceremony na isinagawa sa Provincial Capitol noong Lunes.
Ang mga eskwelahan na nabigyan ng tig dalawang solar lightning kit system ay matatagpuan sa liblib na lugar at walang linya ng kuryente.
Karamihan sa mga ito ay nasa mga bayan ng T’boli at Lake Sebu.
Kaugnay nito, ipinahayag naman ni Mario Madrero ang Assistant Schools Division Superintendent ng South Cotabato na dahil sa lightning kit, mararanasan na ng mga estudyante sa mga malalayong lugar na makapag aral sa maliwag na silid aralan.
Umaasa din si Madrero na mabibigyan din ng solar lightning kits ang mas marami pang mga eskwelahan sa South Cotabato.
Ipinahayag noon ni South cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na ang pagbibigay ng mga solar lightning kits ay corporate responsility ng NV Voght.
Ang kompanya ang nagtayo ng Solar Power Plant sa bayan ng Surallah na pinakamalawak sa buong Mindanao. Aminado mismo si Department of Environment and Natural Resources o DENR Regional Director Datu Tungko M. Siakol na marami nang mga mamamayan ang nagrereklamo kaugnay sa mga campaign materials ng mga politiko na idinidikit sa mga punong kahoy.Kaugnay nito, pinatatanggal ngayon ng DENR sa Comelec ang mga campaign materials na nasa mga puno dahil hindi naman ito ang dapat na paglagyan ng mga naturang posters.Sinabi ni Saikol ang puno ay isa lamang sa mga lugar na ipinagbabawal ang paglalagay ng mga campaign poster. Ang ilan pa sa mga ito ay kinabibilangan ng tulay, kawad ng kuryente, post shrines at mga pangunahing kalsada.Bagaman at walang malinaw na batas tungokl rito iginiit ni Saikol na hindi dapat sinisira ng mga kandidato ang mga puno dahil isa itong likas na yaman na dapat pahalagahan.Aniya, karamihan sa mga puno ay nasisira dulot ng mga staple wire na ginagamit ng mga kandidato sa pagdidikit ng kanilang mga campaign posters.Hiling din ng DENR sa mga kandidato ang pagpapatupad ng ENVIRONMENTAL POLICY #145 na no nails, no staple wires policy upang mapangalagaan ang mga puno.Nakikipag ugnayan na rin sila sa mga lokal na pamahalaan sa rehiyon para sa pagpapatupad ng nabanggit na polisiya. Sa layuning maisalba pa mula sa matinding pinsala ng El Niño ang mga pananim, sinimulan na kahapon ng Provincial Government ng Cotabato ang cloud seeding operation sa buong lalawigan.Martes pa lang ay handa na ang gagamiting eroplano sa Central Mindanao Airport sa Brgy. Tawan Tawan, Mlang North Cotabato.Sinabi ni Merciditas Fronda ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC, sa unang lipad ng eroplano, umikot muna ito sa bayan ng Mlang.Nilibot rin nito ang mga bayan ng Makilala, Alamada, President Roxas, Matalam at lungsod ng Kidapawan.Matapos ang naturang operasyon, agad na umambon ang Makilala habang patuloy naman ang monitoring sa iba pang mga bayan.Tatagal naman ng dalawampung araw ang nabanggit na operasyon at posibleng ihihinto muna ito sa March 1 hanggang March 12 dahil magsisimula na rin ang Cloud seeding activity ng Department Of Science and Technology o DOST sa North Cotabato.Samantala, napili naman bilang contractor ng naturang operasyon ang Inter Island Incorporated na nakabase sa pasay City na accreted naman ng Bureau of Soil and Water Management.Hinihikayat naman ni Fronda ang mga mamamayan na kaagad makipag ugnayan sa kanilang tanggapan upang mamonitor ang ginagawang Cloud seeding sa kanilang mga lugar. Tadtad ng tama ng bala ang buong katawan ng isang magsasaka matapos itong pagbabarilin ng di pa kilalang mga armadong suspek sa Sitio Marang, Brgy. Tupig, Carmen, Cotabato alas dose ng tanghali kahapon.Kinilala ni Police Senior. Ins. Julius Malcontento ang biktima na si JOENITO JOVERA VILA, 64-anyos na taga Brgy TUPIG, Carmen.Ayon sa report ng Carmen PNP, nagpapastol lamang ang biktima ng kanyang alagang kalabaw ng bigla na lamang lumabas ang mga suspek at agad siyang pinagbabaril.Tama sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang tinamo ng biktima at narekober din sa area ang mga basyo mula sa CAL.30 GARRAND Rifle, Cal 7.62 at CAL. 5.56 na agad namang isinumite sa PNP Crime laboratory.Personal Grudge naman ang sinusundang anggulo ng PNP na posibleng motibo sa nabanggit na krimen habang patuloy naman ang kanilang imbestigasyon sa pagkakakilanlan sa mga suspek. Unti unti nang nawawalan ng pag-asa ang Pamilya Mendoza mula sa Peace Zone Area ng Tulunan, North Cotabato dahil sa sitwasyon ng kanilang anak na isang Overseas Filipino Worker o OFW sa Riyadh, Saudi Arabia.Sinabi ni Max Casulukan, coordinator ng Tulunan Municipal Peace Zones Development Council, matapos raw nilang malaman na binubugbog at minamaltrato ang kanilang anak na si Mayleen ng kaniyang amo ay nawala na rin ang kanilang kontak dito.Kinumpiska kasi ng mag-asawa nitong amo ang kaniyang cellphone.Sinubukang magkipag-ugnayan ng kanilang pamilya ang recruiter pero bigo itong sunduin si Mayleen sa bahay ng kanyang pinagtatrabahuan.Ayon kay Casulukan, ilang buwan pa umano bago nalaman ng pamilya Mendoza ang sitwasyon sa kanilang anak na hindi siya pinapakain, delayed ang sahod at sinasaktan pa.Umapela ngayon si Casulukan at Pamilya Mendoza sa mga opisyal at responsableng ahensya ng gobyerno na tulungan sila na marescue si Mayleen at mapauwi na ito sa Pilipinas.

Cotabato City disaster response official slain in ambush

COTABATO CITY - Gunmen killed the operations chief of the Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office in a daring ambush here on...

Cotabato City CDRRM officer slain in gun attack

COTABATO CITY - Dead on arrival sa ospital ang Chief Of Operations ng Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office na si Jose Raymond...

Unang araw ng fire prevention month, isang bahay sa Cotabato City, nasunog

INAALAM pa ng Bureau of Fire Protection Cotabato City ang pinagmulan ng sunog sa Block 21, Barangay Rosary Heights 8 kahapon ng umaga kung saan isang...

15 BIFF sumuko sa Cotabato City at BARMM government

DALA ang pitong mga matataas na kalibre ng armas ay nagdesisyon ang 15 dating kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Karialan Faction na...

Cotabato Light announces power service interruption in Sultan Kudarat on March 1

To all our valued customers, please be informed of the scheduled power interruption affecting customers in Barangay Calsada, on Friday, March 1, 2024...