Thursday May, 02 2024 11:12:44 PM

NDBC BIDA BALITA Feb. 2, 2016

 • 22:14 PM Tue Feb 2, 2016
1,733
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

FEBRUARY 02, 2016 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. PAGBABAWAL sa mga payong-payong at
habal-habal na dumaan sa highway, mahigpit nang ipatutupad sa Cotabato city.

2. Higit 700 ektaryang mga pananim sa
isang barangay sa Kidapawan City, tinamaan ng El Nino mga magsasaka umaaray na

3. ISA PANG malaking national event ng
DepEd, gagawin sa Region 12 ngayong buwan

4. OIL COMPANIES sa bansa, nagpatupad
ng oil price hike presyo naman ng isda sa mga pamilihan, tumaas din.

MAHIGPIT nang ipagbabawal na dumaan sa
national highway ang mga payong-payong, habal-habal at tricycle sa Cotabato
city.

Sinabi ni Traffic Management Unit
deputy chief police insp. Amil Andungan na ito ay bilang pagpapatupad sa city ordinance
4232 na base naman sa Republic Act 4136 o Traffic Code na ipinatutupad ng Land
Transportation Office.

Sabi ni Andungan, kahapon ay 21 mga
payong-payong na ang kanilang sinita sa Sinsuat Avenue.

Aniya, magpapatuloy ang kanilang
operasyon para matiyak na wala ng lalabag sa naturang batas trapiko.

Ang mga mahuhuli ay magmumulta ng P500
para sa 1st offense P750 sa 2nd offense, P1,000 sa third
offense at maaari pang ma impound ng hanggang sampung araw ang kanilang mga motorsiklo,
payong payong o tricycle.

Ipinaliwanag ni Andungan na matagal
nang inirereklamo ang mga habal-habal, tricycle at payong-payong na dumaraan sa
national highway dahil mas pinasisikip ng mga ito ang daloy ng trapiko.

Gayunman, paglilinaw ng opisyal, maaari
namang payagan ang mga naturang sasakyan na dumaan sa national highway sa oras
ng emergency.

IKALAWANG
ARAW na ngayon ng kauna-unahang Bangsamoro Women’s Summit sa Autonomous Region
in Muslim Mindanao o ARMM na ginagawa sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, Cotabato
city.

Sinabi ni Regional
Commission on Bangsamoro Women o RCBW ARMM chairperson Sittie Jehanne Mutin na
layunin ng naturang pagtitipon ng mga babaeng bangsamoro ay para hikayatin ang
mga ito na mas aktibong lumahok at makialam sa mga political activity sa
rehiyon at sa buong bansa.

Aniya, umaasa
silang mas mapapalakas pa at makikilala ang mahalagang papel na ginagampanan ng
mga kababaihan sa mabuting pamamahala.

Naging
panauhin at tagapagsalita kahapon si Maguindanao 1st District
Congresswoman Bai Sandra Sema.

Ngayong araw
ay magiging bisita naman si Camarines Sur 3rd District Congresswoman
Leni Robredo.

Abot sa
mahigit isang libong mga women leader ang lumahok sa aktibidad na nagmula sa
mga civil society organization, local government units at academe.

Nabatid na isa sa mga
pinaka mainit na isyung tinalakay sa summit ay ang Bangsamoro Basic Law o BBL
na nanganganib na hindi maisasabatas sa termino ni P. Aquino dahil sa
kakulangan ng panahon. Nagpatupad ng
dagdag na P1.05 kada litro sa presyo ng kanilang diesel ang ang Flying V habang
45 centavos kada litro naman sa gasolina at P1.20 sa kerosene.

Kaninang alas
sais ng umaga naman sumunod ang sa pagpapatupad ng dagdag presyo sa kanilang
petrolyo ang Petron, Seaoil, PTT, Eastern Petroleum, Shell at Phoenix
Petroleum.

Samantala, tumaas
din ng hanggang sampung piso ang presyo ng isda kada kilo sa mga pamilihan sa
buong bansa lalo na sa Metro Manila.

Sabi ni Bureau
of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Director Asis Perez, ito ay epekto ng
patuloy na paglakas ng amihan sa bansa sa klima ng karagatan.

Anya, mahirap
mangisda sa laot ngayon dahil sa malamig ang panahon sa dagat.

Paliwanag pa
ni Perez na kapag kakaunti ang suplay ng isda, nagkakaroon ng pagtaas sa presyo
nito sa pamilihan. KALABOSO ANG
ISANG LALAKI matapos mahulihan ng pinaniniwalaang shabu pasado alas dyes kagabi
habang nagpapatrolya ang mga elemento ng police station 1 sa Don Rufino Alonzo
street corner Don Roman Vilo street, Poblacion 6, Cotabato city.

Ayon sa City
PNP, nagsusugal si Tato Arsenia Guiapal, 33 years old, taga- Mabini Interior, barangay
Bagua 3 ng lungsod nang sitahin ng mga nagpapatrolyang pulis.

Nang kapkapan
ang suspek ay dito na nakuha mula sa kanya ang dalawang sachets ng
pinaniniwalaang shabu at isang improvised tooter.

Agad inaresto
ng mga pulis si Guiapal na kasalukuyang nasa lock-up cell na ng police station
1 at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165.

UMARANGKADA
NA NAMAN ang mga kawatan sa Cotabato city at tila sinusubukan ang kakayanan ng
mga pulis at barangay peace keeping force.

Pasado alas
singko ng hapon kahapon nang magsumbong sa city PNP ang biktimang si Suharto
Sanday, negosyante at taga – Gang, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Ito ay
matapos na sinira ng mga kawatan ang bintana ng kanyang Toyota Hi Ace Van
habang nakaparada sa kanto ng Macapagal St. at Sinsuat Avenue.

Nakuha ng mga
magnanakaw ang sampung Giordano T Shirts at isang dickies pants.

Samantala,
pasado alas otso naman nang dumulog sa pulisya ang isa pang biktima na Arapat Lagasan,
taga Pikit, North Cotabato.

Pinagnakawan
ng mga di kilalang suspek ang kanyang Starex van na nakaparada lang sa Sinsuat
avenue, partikular sa tapat ng episcopal church sa barangay Rosary Heights 10.

Nakuha ng mga
kawatan ang isang samsung tablet, at iba pang mahahalagang IDs at dokumento.

Sa hiwalay na
ulat, pasado alas nuebe naman ng ng gabi kagabi nang iulat ni Michael Sinarimbo
na pinasok ng mga magnanakaw ang kanyang bahay sa barangay Rosary Heights 11 ng
lungsod.

Umakyat ng
bakod, at sinira ng mga kawatan ang sliding window at pinto ng kanyang bahay.

Abot sa 100
thousand pesos ang halaga ng mga alahas ang natangay ng mga magnanakaw.

Kabilang pa
ang 40 thousand pesos na cash at isang ARMSCOR 45 cal. pistol na may serial no.
1220630 KASABAY nang
nararanasang power interruption sa Autonomous region in Muslim Mindanao o ARMM,
tiyempo rin ang paglulunsad ng Regional Communications and Eletronics office o
RCEO ARMM ng knailang Solar Power System Project.

Ang naturang
proyekto ay nabuo sa unang quarter ng taong 2013 upang maging alternatibong
pagkukuhanan ng kuryente sa kabila ng nagpapatuloy na power interruption sa
rehiyon.

Katuwang ng
PNP Performance Governance System, malaking tulong ang naturang proyekto upang
hindi maaberya ang operasyon ng PRO-ARMM lalong lalo na sa kanilang online
radio communication facilities.

Ayon kay PO2
Jaime Balbotin Jr. ng RCEO ARMM, tumatagal hanggang walong oras kada araw ang
naturang solar-power project.

Malaking
tulong ito sa aktibong serbisyo ng mga pulis ng PRO ARMM kada araw kahit may
brownout.

Makikinabang sa mga solar kit na bigay ng german company na NV Voght ang dalawampung mga eskwelahan sa South Cotabato.
Ang mga eslwelahan na ito ay matatagpuan sa mga liblib na barangay ng lalawigan na hindi pa naabot ng linya ng kuryente.
Ayon kay Manny Jumilla, ang Local Investment Promotion Officer ng South Cotabato, ang solar kit ay ibibigay sa dalawang mga eskwelahan ng Surallah, labindalawa sa T’boli, at tatlo naman sa Lake Sebu.
Hindi pa natukoy ang dalawa pang mga eskwelahan na maaring mabigyan nito.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Governor Daisy Avance Fuentes na ang pagbibigay ng mga solar kit ay bilang kabahagi ng corporate responsibility ng kompanya.
Ang NV Voght ang nagpatayo ng five megawatt solar power plant sa Barangay Centrala South Cotabato.
Ito ay pinasinayaan noong January 23
Plano naman ng Kompanya ayon sa gobernador na maglagak ng mahigit 150 million US dollars na investment sa South Cotabato sa mga susunod na taon. Maliban sa National Schools Press Conference o NSPC na na mas alam ng nakararami isa pang mahalagang national event ang nakatakdang i-host ng Department of Education o DepEd 12.
Ayon kay DepEd 12 Assistant Regional Director Evelyn Fetalvero, sa General Santos City ang National Festival of Talents o NFOT.
Sa isang pulong balitaan sinabi ni Fetalvero na ang NFOT ay magaganap kasabay naman ng NBSPC sa Koronadal City sa Pebrero a biente dos hanggang biente sais.
Ayon sa DepEd Official ang NFOT ay inaasahang dadaluhan ng mahigit 1,800 na mga delegado sa bansa.
Tampok dito ang pagpapakitang gilas ng mga participants sa Technolympics, Sining, Population Quizz Tagisan ng Talino at Foreign Languages.
Tiniyak naman ni Fetalvero na ginagawa ng DepEd ang lahat para sa ikatatagumpay ng dalawang mga malalaking events.
Ayon kay Fetalvero, mina-maximized ng DepEd 12 ang kanilang manpower para sa hosting ng NFOT at NSPC.
Inaasahang darating ang lahat ng mga delegado sa dalawang mga national events na ito sa Pebrero a biente. Target ng South Cotbato ang kampeonato sa SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association o SRAA meet.
Ito ang ipinahayag ni Alex Floro, ang Provincial Sports Coordinator ng Deped South Cotabato.
Ayon kay Floro natapos na ang dalawampung araw na pagsasanay ng mga atleta sa patimpalak.
Ang lalawigan ay mayroong 380 na mga atleta para sa regional meet.
Ipinahayag ni Floro na inaasahan ng South Cotabato Athletic Association ang magandang performance ng mga atleta nito sa athletics, archery, swimming, arnis at taekwondo.
Ayon kay Floro maituturing na powerhouse sa SRAA meet ang South Cotabato sa individual events.
Pinasalamatan naman ni Floro ang provincial government sa suporta nito sa mga atleta ng lalawigan.
Nabatid na naglaan ang pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato ng 4.6 million pesos para sa SRAA meet.
Ang 2.39 million pesos sa nabaggit na halaga ay gagamitin sa limang araw na SRAA proper habang ang iba naman ay inilaan sa training, uniform at iba pang pangangailangan ng mga atleta.
Mayroon na ring nareserbang mahigit walong daang libong piso para sa incentive ng mga atletang maguuwi ng medalya sa regional meet ang provincial government.
Ang SRAA meet ay gaganapin sa Kiamba, Sarangay Province sa Pebrero a tres hanggang syete. Inaasahan na ang pagbaba sa presyong kuryente sa General Santos City sa mga susunod na buwan.
Ito ay kaugnay naman sa nakatakdang pagkuha ng supply ng kuryente sa lungsod sa Coal-fired power plant ng Sarangani Energy Corporation o SEC sa Maasim, Sarangani.
Ayon kay Crisanto Sotelo, ang General Manager ng South Cotabato Electric Cooperative o Socoteco II mas mura kasi ang kuryente sa SEC na gumagamit ng coal kumpara sa diesel na ginagamit ngayon ng mga Independent Power Producers o IPP na kanilang kinontrata.
Matatandaan na umabot sa P8.35 per kilowatt hour ang presyohan ng kuryente sa Gensan ngayon.
Ito ay inaasahang bababa sa limang piso kapag nagsimula na ng operasyon ang 150 megawatt SEC ngayong taon.
Ang coal-fired power plant ay inaasahang magsisimula ng operasyon ngayong taon.
Ito ay sa kabila naman ng pagtutol ditong iba’t ibang sector dahil sa mga environmental issues.
Ipinahayag naman ni Gensan City Mayor Ronnel Rivera na handing makipagtulungan ang lokal na pamahalaan sa Socoteco II.
Ito ay upang matiyak ang pagkakaroon ng sapat na supply ng kuryente sa lungsod.
Ayon kay Rivera ang suliranin sa kakulangan ng kuryente ay may masamang epekto sa sector ng pagnenegosyo sa General Santos City.
Planong ipangalan kay South Cotabato Former Governor Hilario Larry” de Pedro ang South Cotabato gym and Cultural Center sa Koronadal City. Ayon kay Board Member Vicente de Jesus, ito ay kanyang isusulong sa konseho.
Ipinahayag ni De Jesus na sa kanilang huling mga paguusap, paulit ulit na pabirong sinabi ng namayapang dating gobernador na ipapangalan sa kanya ang gymnasium.
Ayon kay De Jesus marahil ito ang naging pangitain ni De Pedro bago ito binawian ng buhay dahil sa cardiac arrest noong byernes.
Ipinatayo ang ang South Cotabato Gym and Cultural Center sa termino ni de Pedro bilang gobnernador.
Kaugnay nito ipinahayag ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na hindi pa tiyak kung sino ang papalit sa namayapa nilang kapartido .
Ayon kay Fuentes, pinaguusapan pa ng pamilya kung sino possible sa mga anak ni De Pedro ang maaring hahalili sa kanya.
Si De pedro ay kumakandidato bilang board member ng South Cotabato sa ilalim ng LP-NPC Coalition na kinabibilangan din ni Fuentes sa May 9 election.
Maliban sa mga anak nito, maari ring pumalit sa kanya ang isa sa mga myembro ng kanilang partido.
Bilang pagbibigay pugay kay De Pedro, naka half mast ngayon ang bandila sa South Cotabato Provincial Capitol.
Gagawin din ang necrological service ng provincial government para kay De Pedro sa South Cotabato Gym and Cultural Center sa Pebrero a sais, araw ng Sabado. Kasong paglabag sa illegal possession of firearms and violation of the Comelec Gun Ban ang kakaharapin ngayon ng isang binatilyo matapos maaresto sa isinagawang Police Checkpoint ng PNP sa brgy. Luhong, Antipas, North Cotabato.Kinilala ni Senior Ins. Rolly Oranza, hepe ng Antipas PNP ang suspek na si Henry Castroverde Penuela, 20- anyos empleyado ng Strella Multi-Purpose Cooperative na taga brgy. Tambak, Tulunan, North Cotabato.Ayon kay Oranza, nagkahabulan pa raw ang PNP at suspek matapos nitong pinaharurot ang kanynag minamanehong motorsiklo at hindi huminto sa isinagawang COMELEC Checkpoint ng mga otoridad sa lugar.Agad naman itong nakorner ng PNP at nang rekisahin na ay dito na nakuha mula sa kanya ang isang caliber 38 revolver sa loob ng kanyang sling bag na may mga bala pa.Nabatid na wala ring dokumento ang naturang bitbit na baril.Sa ngayon nakakulong na sa Antipas PNP ang suspek habang iniaalam pa ng PNP kung para saan ang dala-dalang baril ng suspek. Magandang balita para sa lahat ng mga magulang at pampublikong mag-aaral sa Kidapawan City dahil tuloy na tuloy na ang ipinangakong subsidy ni City Mayor Joseph Evangelista sa susunod na shool year 2016-2017.Ibinunyag ni Evangelista na kung noon ay nasa 200 pesos lamang ang natatanggap na subsidy ng mga mag-aaral, sa susunod na taon ay 300 pesos na bawat isa sa kanila.Triple na ang Parent’s Teachers Association Subsidy pagpasok ngayong Hunyo mula ng simulan ito ng City LGU sa 100 pesos kada estudyante noong 2014.Samantala, maliban kasi na matulungan ang mga magulang sa mga gastusin sa kanilang mga anak, matutulungan rin nito ang Department Of Education School's Division na makamit ang zero dropout rates sa mga public schools.Maalalayan rin ng naturang subsidy ang mga magulang ng 4P's beneficiaries sa kanilang mga pangangailangan at mababawasan na ang pagliban nila.Ang regular na attendance naman sa klase ng kanilang mga anak ang isa sa mga kondisyon na dapat nilang sundin para mapanatili ang kanilang 4p's assistance na tinatanggap mula sa Pamahalaan. HIGIT 700 ektarya ng taniman sa kapatagang bahagi ng Barangay Sikitan sa Kidapawan City ang nangamatay na at wala na umano’ng pag-asa na maka-recover pa.
Ibinatay ni Kapitan Zach dela Cruz ng Barangay Sikitan ang kanyang pahayag sa pagtaya mismo ng Department of Agriculture.
Tinungo mismo ni dela Cruz ang mga palayan, maisan, gomahan, at sagingan sa kanyang barangay upang suriin kung gaano kalawak na ang kasiraang idinulot ng El Nino.
Bagama’t patag ang Barangay Sikitan, di na raw nararating ito ng irigasyon. Nangatuyo na rin kasi ang mga patubigan at ang mismong pinagkukuhanan nila ng tubig para sa kanilang tanim. Isa sa mga magsasakang apektado ng matinding tag-init ay si Aling Grace.
Higit 900 na puno ng saging ang kanyang itinanim sa halos limang ektarya niya’ng lupa sa Barangay Sikitan.
Wala ni isa man sa mga tanim na ito ang naka-survive sa tindi ng init.
Kaya’t si Aling Grace at higit 2,000 mga magsasaka sa Barangay Sikitan, luyluy ang mga balikat.Di pa raw kasi sila nakakaahon sa hagupit ng El Nino na tumama sa kanila noong huling quarter ng 2015, heto’t panibago na namang dagok sa buhay ang kanilang kinakaharap. Dahil sa lawak ng kasiraang idinulot ng El Nino, inirekomenda ng City Disaster Risk and Reduction Management Council sa Sangguniang Panglungsod na isailalim sa ‘state of calamity’ ang buong lungsod upang makapagpalabas ang city government ng Bahagi ng kanilang 5 percent calamity fund.
Una nang umaray dahil sa tindi ng hagupit ng El Nino ang mga magsasaka mula sa mga barangay ng Onica, Macebolig, Kalaisan, at Sumbak – mga barangay na nasa patag.
Ang Kidapawan City ay matatagpuan sa paanan ng Mount Apo – ang pinakamataas na bundok sa buong Pilipinas.
NDBC BIDA BALITA

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...