Monday Apr, 29 2024 12:40:29 PM

NDBC BIDA BALITA Feb. 20, 2016

 • 19:47 PM Sat Feb 20, 2016
1,464
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

FEBRUARY 20,
2016 (SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MGA MAMAMAYAN, hinikayat na panoorin
sa telebisyon o pakinggan sa radyo ang debate ng mga kandidato sa pagka-pangulo
bukas ng hapon.

2. NEGOSYANTE at 19 na iba pa, huli sa
drug search operation ng PNP sa Kabacan, North Cotabato

3. IMBESTIGASYON hinggil sa panunog ng
tatlong mga water truck sa Surallah, South Cotabato, nagpapatuloy

4. Mga ahas, naglabasan sa Lake Sebu dahil sa matinding init, publiko pinag-iingat. SA DETALYE....DADALO sa presidential debate bukas,
February 21, ang lahat ng mga presidentiable.

Ito ang kinumpirma ni Commission on
Elections o Comelec spokesperson James Jimenez.

Ang tinaguriang 'PiliPinas Debates 2016'
ay gaganapin sa Capitol University sa Cagayan de Oro city.

Ito ang kauna-unahang debate na gagawin
sa labas ng Metro Manila.

Sinabi ni Jimenez na dadalo sina Bise
Presidente Jejomar Binay, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Sen. Grace Poe,
Liberal Party standard bearer Manuel Mar Roxas II at Sen. Miriam
Defensor-Santiago.

Magkakaron ng modified two-moderator
format ang debate, kung saan bibigyan ng tig-iisang minuto ang lahat ng
kandidato para sa kanilang opening statement.

Karamihan sa mga tanong ay tututok sa
agriculture development, poverty reduction, charter change at peace and order.

Ang gaganaping debate sa linggo ay una
sa tatlong gagawin.

Sa March 20 ang ikalawang debate na
gagawin sa Cebu at sa Pangasinan naman ang ikatlo sa April 24.

Kaugnay nito, hinimok ng Comelec ang
publiko na huwag palagpasin ang pambihirang pagkakataong ito para mas makilala
ang mga pagpipiliang kandidato.

Ayon kay Comelec Chairperson Andres
Bautista ang naturang debate ay pangangasiwaan
ng Comelec at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Ayon kay Bautista, ang masasaksihang debate
ay ibinatay sa international best practices katulad sa ginaganap na mga debate
ng presidential candidates sa US Elections.

Kinumpirma rin ni Bautista na personal
itong dadalo at mga pinuno ng komisyon kasama ang ilang mga opisyal ng KBP na
katuwang nila sa nasabing paghahanda sa unang debate.

Samantala, naglabas naman ng panuntunan
ang komisyon para sa media

Sinabi ni Bautista na walang kasapi ng
media na basta-bastang makakapasok sa media center ng theater building kung
hindi accredited.

Ipinaliwanag ng ahensiya na dahil sa
limitadong seating capacity ng venue ay hanggang 500 katao lamang kasama ang 25
kasapi ng media ang makapasok sa mismong loob ng debate hall.

Mahigpit ding ipinagbabawal ng media
partners ng Comelec na makakuha ng mga larawan at videos sa loob mismo ng lugar
na magde-debate ang limang presidential candidates.

Batay kasi sa napagkasunduan ng
ahensiya, ang KBP at ibang media partners ay hanggang dalawang minuto lamang na
highlight ng debate ang maaaring gamitin ng ibang entities upang maiparinig sa
ere bilang news clip.

Kailangan din na kung kukuha ng video
clips ay dapat mayroong tama na attribution mula sa pinaka-source ng debate.

Imbistigasyon sa panunog ng tatlong water truck sa Surallah, South Cotabato nagpapatuloy pa rin
Iniimbistigahan pa ng pulisiya ang panunog sa tatlong mga water truck sa Purok Lipunan, Upper Lamian, Surallah, South Cotabato.
Ang mga water truck ay sinunog habang nagsagawa ng spraying sa gitna ng banana plantation ng Sumifru dakong alas dyes y medya kagabi.
Ito ang kinumpirma ni Surallah Chief of Police, Senior Inspector Joel Fuerte sa panayam sa kanya ng DXOM Radyo Bida, Koronadal.
Ayon kay Fuerte wala nang nagawa pa ang driver ng truck ng pababain ng apat na armadong kalalakihan bago sinunog.
Nilinaw naman ni Fuerte na walang nasaktan o nasawi sa insidente.
Maging ang mga water truck ayon kay Fuerte ay nagkaroon lamang ng minor damage.
Ang mga sinunog na equipment ayon kay Fuerte ay pagaari ng JE Palermo Trucking Services.
Ito ay kinontrata ng kompanya para mag-spray sa kanilang banana plantation.
Inaalam pa ng PNP kung sino ang mga suspek at ano ang motibo ng mga ito sa panunog sa naturang mga water truck.
Lalahok sa Treasures of SOX o SOCCKSARGEN ang lalawigan ng South Cotabato.
Ito ay pangungunahan ng Department of Tourism o DOT 12 sa Glorietta Activity Center sa Makati City sa Abril onse hanggang katorse.
Ayon kay Cesar Sulit, ang Provincial Tourism Officer ng South Cotabato kabilang sa inaasahan nilang dadalo sa apat na araw na Travel and Trade Expo ang mga kinatawan mula sa pribadong sector.
Ito ay upang makalahok sa gagawing business matching sessions.
Ayon kay Sulit ipapakita nila sa mga posibleng investors sa mga hotels, convention enters at iba pang kahalintulad na negosyo ang Lahit Development Project sa bayan ng Lake Sebu.
Magkakaroon din ng performance sa travel and trade Expo ang ipinagmamalaking Hinugyaw Dance Troupe ng Koronadal City.
Ipinahayag ni DOT 12 Regional Director Nellie Nita Dillera na target nilang makakuha ng tig sampung milyong tourism sale at product sale sa Treasures of SOX. Kwalipikadong tumaggap ng pinansyal na tulong mula sa bottom-up-budgeting o BUB program ng gobyerno ang tatlumput tatlo sa isang daan at siyamnaput siyam na barangay sa South Cotabato.
Ito ang tiniyak ni Lailyn Ortiz ang Director ng Department of Interior and Local Government o DILG sa lalawigan.
Ayon kay Ortiz , dahil sa Dungog sa barangay award ng lokal na pamahalaan, kaya ng mga barangay sa South Cotabato na makipagsabayan sa mga barangay sa buong bansa at tumanggap ng tig isang milyong cash incentive.
Ang mga makatatanggap ng insentibo ay ibabatay naman sa resulta ng evaluation ng BUB
Magiging batayan naman nito ang mabuting pamamahala sa bawat barangay.
Ipinahayag ni Ortiz ang insentibo na matatanggapay dapat ilaan din ng mga barangay sa napili nilang proyekto.
Ayon kay Ortiz, para matiyak na nagagamit ng tama ang ponding makukuha sa gobyerno, magsasagawa ng maigting na monitoring ang DILG. Maaring apektado na rin ng El Nino Phenomenon maging ang mga ahas sa mga gubat ng South Cotabato.
Ito ay matapos umanong maglabasan sa kanilang mga lungga malapit sa Lake Maughan sa bayan ng T’boli at ilang bahagi ng Lake Sebu ang mga black diamond snake.
Ayon kay South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer,Mila Lorca, bagama’t kinukumpirma pa nila ito, kailangan pa ring magingat ng mga mamamayan.
Nabatid na sa ngayon ay wala pang anti venom para sa black diamond snake.
Apat na mga kalabaw na rin ang namatay matapos tuklawin ng Cobra sa barangay Desawo , T’boli.
Isang ginang din na residente ng Columbio, Sultan Kudarat ang ginagamot ngayon sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City, matapos umanong tuklawin ng King Cobra na mas kilala sa tawag na Diamond Snake.
Ikinaalarma rin ng isang pamilya sa Marville Homes Subdivision sa Koronadal City ang isang sawa na nakitang nagtago sa butas sa kanilang bakuran noong nakaraang linggo.
Sinubukan naman ng mga kawani ng City Veterinary Office na hulihin ang nakitang sawa ngunit nabigo ang mga ito.
Walang pasok ang labinwalong mga eskwelahan sa Koronadal City na ginawang billeting quarter para sa National Schools Press Conference o NSPC 2016.
Ito ang kinumpirma ni Koronadal Schools Division Superintendent Leonardo Balala sa DXOM Radyo Bida Koronadal.
Binigyan diin ni Balala na ang mga billeting quarter ay off limit sa mga taong walang kinalaman sa NSPC.
Layon nito na matiyak ang seguridad ng mga NSPC delegates.
Gayunpaman ayon kay Balala , obligado ang mga esklwelahang ginawang billeting quarter na magsagawa ng make up classes.
Ito ay para maabot ang isang daan at walumpung araw na minimum school days sa loob ng isang taon.
Sa katunayan ayon kay Balala, may mga billeting quarter na sinimulan na ang Saturday classes bago pa man ang NSPC.
Nilinaw naman ni Balala na tuloy ang klase sa mga eskwelahan sa Koronadal City na hindi ginawang billeting quarter ng mga NSPC delegates. Ang NSPC 2016 na inaasang dadaluhan ng may limang libong school campus journalist sa bansa ay gaganapin sa Koronadal City sa ikatlong pagkakataon sa Pebrero biente dos hanggang biente sais. HINAHANDA NA ang
mga ebidensya laban sa isang rent-a-car driver matapos maaresto nang maglunsad
ng raid ang operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-ARMM sa bisa
ng isang search warrant pasado alas onse kagabi sa mismong bahay ng suspek sa
Ummah village, Barangay Upper Capiton, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ang search
warrant na inilabas ni Judge Bansawan Ibrahim noong February 16, 2016 ay
isinilbi ng PDEA-ARMM laban kay Anwar Esmael alyas Orly Malaco na
pinaniniwalaang miyembro ng malaking drug syndicate na may operasyon sa Maynila
at Mindanao.

Nakuha mula
kay Esmael ang tinatayang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit 200
libong piso at mga drug parapahernalia.

Ayon sa
intelligence gathering ng PDEA-ARMM, direktang kumukuha si Esmael ng malaking
halaga ng shabu sa Maynila at dinadala dito sa Mindanao sakay ng iba’t ibang
uri ng 4-wheel vehicles.

Sa ngayon ay
nasa detention facility na ng PDEA-ARMM ang suspek at nakatakdang sampahan ng
kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 o possession of dangerous
drugs.

At dahil
lumampas ng sampung gramo ang iligal na drogang nakuha mula kay Esmael, ay
hindi ito papayagang makapagpiyansa, sang- ayon na rin sa batas.

Kapag
napatunayang guilty, mapaparusahan ng habambuhay na pagkakakulong ang suspek at
multang aabot ng kalahating milyong piso hanggang sampung milyong piso. MAGKAKAROON
ng kasunduan ang Commission on Elections o Comelec at Department of Health para
mas maging maginhawa at maayos ang araw ng halalan.

Ayon
kay Comelec Chairman Andres Bautista, nakipagpulong na siya kay Health
Secretary Janette Garin para ayudahan ang mga botante na posibleng makaranas ng
pagkahilo dahil sa init ng panahon at haba ng pila sa mga polling center sa May
9, 2016.

Plano
umano nila na magtayo ng mga medical assistance desk sa lahat ng mga polling
center na magsisilbing first aid clinic.

Positibo
naman aniya ang naging tugon ng DOH sa Comelec at katuna­yan, inihahanda na ang
memorandum of agreement para sa nasabing proyekto. UMAPELA
si Moro Islamic Liberation Front o MILF chairperson Murad Ebrahim sa lahat ng
kasapi ng kanilang hanay na panatilihin ang pagkakaroon ng ceasefire sa pagitan
ng gobyerno ngayong panahon ng kampanya.

Sa
pamamagitan ng Facebook ng MILF, sinabi ni Murad na mananatili silang nasa
defensive position bilang pagpapatunay ng kanilang sensiridad sa peace process
bagaman at hindi naisabatas ang Bangsamoro Basic Law o BBL.

Dagdag
pa ng MILF lider, suportado rin nila ang pagkakaroon ng maayos at mapayapang
halalan ngayong Mayo.

Una rito,
nagpahayag na rin ang MILF na pina uubaya na nila sa susunod na administrasyon
ang pagpapatuloy ng Usapang pangkapayapaan sa pamamagitan ng pagpapatibay sa
BBL. Anim kagaad ang naresto ng Kabacan PNP katuwang ang Cotabato Police Regional Office o CPPo at Lambat Sibat Volunteers sa isinagawang drug search operation sa isang Videoke Bar sa Rizal Avenue, Poblacion Kabacan, North Cotabato alas tres ng madaling araw kahapon.Target ng PNP sa naturang operasyon si Lina Defensor alias Mommy Sunset,57- anyos na isang negosyante.Huli si Defensor kasama na ang kanyang limang Guest Relation Officer na kinilalang sina
Roda Garde, 22, Mercy Samillano, 23 , RubelynAwag, 23, Joan Panya, 30 at Monica dela Cruz.Sinabi ni Chief Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ginagawa na umanong drug den ni Defensor ang kanyang pag-mamayaring videoke bar.Matagal na rin itong isinailalim sa surveilance at monitoring ng PNP.Samantala, sa paghalughog naman ng mga otoridad sa lugar nakuha mula dito ang siyam na sachet ng pinaniniwalaang shabu, 14 na empty plastic sachet na may residue ng shabu at mga drug paraphernalia.Kasama din sa mga hinuli ng pulisya ang mga nandon sa Bar nang gawin ang operasyon na kinilalang sina Remy Mayuga, Jeffrey Sabat, Mark Anthony delaCerna, Carlos Pulido,James Bacana,George Pigcaulan, Joeven Buentipo, ,Mamasakitao Salih, Jenny Artegenio, Ricardo Castro Jr.,Donna Fundo,Wilmer Julian, Jay Datang, at Eric Sapan.Parehong nakakulong na ngayon sa Kabacan PNP lock up cell ang 20 mga suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila. Dahil sa matinding pinsala ngayon sa mga palayan at maisan sa ilang mga bayan sa North Cotabato, namahagi ang Office of the Provincial Agriculturist ng higit isang libong sachet ng zinc phosphide para sa mga magsasaka.Nakatanggap rito ang mga magsasaka mula sa bayan ng Kabacan, Libungan, Magpet, Pres. Roxas at Kidapawan City.Sinabi ni Provincial Agriculturist Eliseo Mangliwan layunin ng naturang pestisidyu na makontrol ang populasyon ng mga mapinsalang daga sa mga taniman ng mga magsasaka.Tinatayang aabot na sa higit 82 miliion pesos ang pinsalang dulot ng mga pesteng daga sa mga palayan at maisan sa buong lalawigan.Ito ay base naman sa datos ng nabanggit na tanggapan hanggang ngayong pebrero.Inaasahan naman na mababawasan ang pagdami ng mga daga kasabay na rin sa pagpapanatili ng mga magsasaka sa paglilinis sa kanilang mga sakahan para hindi pamahayan ng daga.Ang zinc phosphide na ipinamahagi sa mga magsasaka ay mula sa pondo ng Department of Agriculture 12 Regional Crop Protection Center na naka base naman sa Tacurong City. Binigyan na ng ultimatum ng Kidapawan City Government ang isang gasoline station na pinaniniwalaang doon nagmula ang gasolina na dumadaloy ngayon sa creek ng Alim street, Brgy Poblacion, Kidapawan.Sinabi ni City Public Safety officer Psalmer Bernalte, nangako na sa kanila ang managment ng naturang gasoline station na isasailalim nila sa Leak-test ang kanilang tanke sa pamamagitan ng kanilang Company Engineer.Ayon kay Bernalte, una na umanong ipinaayos ng may-ari ang kanilang dispenseng pump na nakitaan ng leakage. Pero ilang araw pa ay nanatili pa rin ang leaking ng gasolina sa creek.Malaki naman ang paniniwala ni Bernalte na ang mismong tanke ang may deperensya nito.Kinumpirma rin mismo ng Bureau of Fire Protection o BFP-Kidapawan na gasolina ang dumadaloy sa kanal matapos itong magliyab nang kunan nila ng sample. Nabatid na nasa 30 pamilya sa lugar ang apektado sa amoy ng gasolina na pinangangambahang magiging sanhi ng sunog at makakasira sa kanilang kalusugan lalo na sa mga kabataan.Matagal na umano itong idinadaing ng mga residente sa lugar pero tanging pagsilip lamang ang ginawa ng management at walang konkretong aksyon.Idinagdag pa ni Bernalte na kung manatiling magmatigas ang management ng naturang gasiolinahan ay mapipilitan silang sampahan ng kaso at posibleng maipasara pa ang kanilang establisyemtno.NDBC BIDA BALITA

Graduation ceremony ng MILF, MNLF police recruits, pinangunahan ni P. Marcos

PARANG, Maguindanao del Norte - PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang graduation ceremony ng unang batch ng mga Moro combatants na...

Cotabato Light announces power service interruption for May 2

COTABATO CITY - Please be informed of the scheduled power interruption affecting Upper Dimapatoy, Awang D.O.S. on Thursday, May 2, 2024, from 8:00 AM...

Political alliances of former archrivals unfolding in BARMM

COTABATO CITY - Ang dating magkakalaban ngayon nagtutulungan. Sa isang pambihirang pagkakataon nagyakapan, nagkabati at magkasama na sa isang...

NDBC BIDA BALITA (April 29, 2024)

NEWSCAST 1   P. MARCOS, bibisita ngayong sa Maguindanao del Norte, at Pikit, North Cotabato 2   MGA PARTIDO pulitikal sa...

3 finalists ng Miss U Ph, napili na

ISULAN, Sultan Kudarat - Tatlo sa mga kandidata ng Miss Universe Philippines ang napili bilang finalists ng best in national costume sa ginanap na...