Tuesday May, 14 2024 12:47:11 PM

NDBC BIDA BALITA FEB. 22, 2016

 • 18:25 PM Mon Feb 22, 2016
1,619
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

FEBRUARY 22,
2016 (MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. LIMANG PRESIDENTIABLES, ginisa sa
presidential debate kahapon.

2. ISA KATAO, patay habang 15 iba pa
sugatan sa magkahiwalay na pagsabog ng mga granada sa Pikit, North Cotabato at
Esperanza, Sultan Kudarat

3. Mga
manggagawa na tumulong sa road construction project sa Tantangan, South
Cotabato, pinagbabaril ng armadong grupo

4. NSPC 2016, magsisimula ngayon sa Koronadal City Sa detalye...PATAY ANG isang 6 na taong gulang na batang lalaki matapos na sumabog ang dalawang granada na inihagis sa isang peryahan sa Esperanza, Sultan Kudarat, alas 8 kagabi.Si Anton John Antonio ay nasawi dahil sa tama ng shrapnel sa ulo.Isa sa tatlong suspect ang naaresto ng mga police at ngayon ay iniimbestigahan, ayon kay Esperanza town police chief Bryan Bernardino.Sinabi ni Bernardino na nasa kalagitnaan ng kasayahan ang mga tao sa peryahan nang sabay sabay na inihagis ng tatlong suspect ang mga granada. Dalawa ang sumabog habang pumalya ang isa.Ang mga sugatan, na ayon sa Phil. National Red Cross, ay umabot sa 35 ay nasa ibat ibang pagamutan. Ilan sa kanila ay outpatients.Nagpapatuloty pa ang imbestigasyon ng PNP. TUMUTOK ang milyon-milyong mga Pinoy sa
bansa at sa buong mundo sa presidential debate kahapon.

Trending sa mga social media ang pigil-hiningang
kickoff ng Presidential Debate sa Capitol University sa Cagayan de Oro City na
dinaluhan nina Vice President Jejomar Binay, Sen. Miriam Defensor-Santiago,
Sen. Grace Poe, Davao City Mayor Rudy Duterte at dating DILG Sec. Mar Roxas.

Nagisa sa naturang debate ang limang mga
kandidato sa pagkapangulo.

Hindi pa man umi-init ang balitaktakan
ay agad na pinasaringan ni Roxas ang tatlo sa kanyang mga katunggali.

Banat ni Roxas, Kanino daw ba dapat
ipagkakatiwala ang bansa? Sa taong may kaso, sa taong mainitin ang ulo, sa
taong ngayon pa lang natututo magmaneho, o sa taong kahit minsan ay hindi
ipinahamak ang mga Pinoy?”

Sa opening statement naman ni Vice
Pres. Jejomar Binay sinabi nito na noon hanggang ngayon ay kahirapan pa rin ang
problema ng bayan.

Aniya, nagawa niya sa Makati, na
maibaba ang bilang ng mga mahirap.

Naniniwala naman si Sen. Miriam
Defensor Santiago na maraming yaman ang bansa subalit nananatiling mahirap ang
mga Pilipino dahil na rin sa korupsiyon.

SAMANTALA, Nanindigan naman si Davao City Mayor
Rodrigo Duterte na korapsyon at kriminalidad ang kanyang pagtutuunan ng pansin
sakaling mahalal na pangulo ng bansa.

Handa rin si Duterte na ipagpatuloy ang
pagpatay sa mga kriminal lalo na sa may kinalaman sa droga.

Paninindigan, malasakit at mabilis na
pagtugon naman ang nakikitang solusyon ni Sen. Grace Poe sa mga problema ng
bansa.

Naging mainit din ang debate ni Roxas
at Poe nang sabihin ng dating kalihim na ang pagiging pangulo ay hindi OJT.

Sinagot naman ni Poe ang banat ni Roxas
sa pagsasabing nakatatlong puwesto na ito sa gobyerno subalit walang naibigay na
maliwanag at mabisang solusyon sa mga problema ng bansa.

Tila nairita naman si Santiago ng
matanong tungkol sa performance niya sa Senado kung saan ilang sesyon lang ang
kanyang dinaluhan.

Pagtatanggol ni Santiago, nasa bingid
siya ng kamatayan subalit iniligtas lang ng kanyang anghel na nakapagbantay.

Itinanggi naman ni Duterte na may mga
kaso siya ng acts of lasciviousness.

Kinumpirma rin niya na marami siyang
naging girlfriends noon pero hiwalay naman siya sa asawa.

Sabi naman ni Poe na totoong very
attractive si Duterte sa mga kababaihan pero pinayuhan niya ang Davao mayor na
magkaroon ng pagpipigil sa sarili.

Kahit naging mainit ang diskusyon at
pagpapalitan ng kani-kanilang opinyon ng mga presidentiable, sa huli ay
nagkamay naman ang mga ito.

Sabi nga ng mga host na sina Jessica
Sojo at Mike Enriquez, walang personalan, politika lang.

PATAY ang pinaniniwalaang
lider ng isang kidnap-for-ransom group sa Marawi City makaraang makipag-barilan
ito sa mga pulis na naglulunsad ng rescue operation.

Sa report ng
pulisya, ang napatay na suspect ay kinilalang si Jun Nazir, taga-Madalum, Lando
Del Sur.

Si Nazir ang
sinasabing utak sa pagdukot sa isang 7-year-old na estudyante sa Cagayan De Oro
City noong February 12.

Kahapon ay
nagkasundo sina Nazir at ang mga magulang ng biktima na magkita sa isang lugar
sa Marawi City para magbayad ng ransom kapalit ng kalayaan ng kanilang batang
biktima.

Nang
maramdaman ng suspect ang presensiya ng mga pulis ay kaagad itong
nakipagbarilan sa mga tauhan ng PNP kung saan sugatan din sina Senior Inspector
Ramses Cartagena at PO1 Jeremy Rivera.

Makaraan ang
ilang minutong palitan ng putok ay napatay ng mga pulis ang suspect.

Samantala, sa
kanilang follow-up operations ay matagumpay namang narekober ng mga pulis ang
dinukot na estudyante habang hinuli din ng mga otoridad ang tatlong mga kaanak
ng biktima dahil sa umano’y pakikipag-sabwatan sa napatay na suspect.

TINUPOK ng apoy ang bahay ng
isang guro sa Midsayap, North Cotabato.

Naganap ang insidente pasado
alas singko ng umaga kahapon sa Purok Kwatro Manggahan, Barangay Villarica,
Midsayap.

Sabi ni Senior Fire Officer
Lando Marquez na mahimbing pang natutulog ang may-ari ng bahay na si

Norman Dumanggal kasama ang
kanyang misis at anak n ang nangyari ang sunog.

Dahil sa bilis ng pangyayari
ay walang naisalbang anumang gamit ang pamilya Dumanggal.

Tumalon na lang ang mga ito
mula sa bintana para mailigtas ang kanilang buhay.

Sa pagtaya ng Bureau of Fire
Protection, abot sa isang milyong piso ang halaga ng mga nasunog na ari-arian
na pag aari ng mga Dumanggal.

Di pa batid ngayon ang
pinagmulan ng sunog. PATAY ANG
ISANG LALAKI nang sumalpok ang motorsiklong minamaneho nito sa isa pang
kasalubong na motorsiklo sa kanto ng Sinsuat Avenue at Don E. Sero street,
Cotabato city.

Sa report
ng Traffic Management Unit o TMU-Cotabato city, naganap ang aksidente pasado
alas kwatro nang hapon kamakalawa

Papunta
ng downtown area ang kulay berdeng Honda Wave na minamaneho ni Danny Solaiman, taga-SPDA
village, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, nang makasalubong nito ang
motorsiklong kulay asul na Hao Jue na minamaneho ni Min Macmod, taga-Tukananes,
Cotabato city angkas sina Casmira Villanueva, 56 anyos, taga- Bagua Mother at
Alexander Sero, 45, taga-Sero Compound, Cotabato city.

Mabilis
ang takbo ng dalawang mga motorsiklo nang magkabanggaan dahilan para magtamo ng
grabeng sugat ang mga biktima.

Agad
dinala sa pagamutan ang mga ito pero hindi pinalad ang driver ng isa sa mga
motorsiklo na si Min Macmod matapos mapuruhan ang ulo at paa nito.

Patuloy
namang nagpapagaling sa pagamutan si Villanueva at Solaiman habang nakalabas na
ng pagamutan si Sero kahapon. Apektado
ang bilang ng mga guro sa mga pribadong paaralan ngayong darating na pasukan.

Kasunod
ito ng paglagda ni Pangulong Aquino ng isang executive order na ipinapatupad
ang una sa apat na tranches sa pagpapatas ng sahod ng mga government employees
kabilang ang mga guro.

Nangangamba
ang Executive Director ng Coordinating Council of Private Educational
Associations o COCOPEA na si Rene Salvador San Andres na mawawalan sila ng
maraming guro at kawani dahil sa muling pagtaas ng sahod ng mga empleyado sa
gobyerno.

Aniya
higit na apektado sa higit dalawang libong mga miyembro ng kanilang samahan ang
maraming maliliit na mission at parochial schools.

Napag-alaman
na sa Salary Grade 11, ang isang guro na may antas na Teacher 1 ay tatanggap na
ng sahod na nasa 19 na libong piso kada buwan bunga ng Executive Order No. 201,
series of 2016.

Inaasahan
na lilipat na ang karamihan sa mga guro mula private schools sa mga
pampublikong paaralan dahil hindi kayang pantayan ng karamihan sa mga COCOPEA
members ang bagong pasahod sa mga government worker. Patay ang dalawang drug pusher matapos manlaban sa mga otoridad sa inilunsad na buy-bust operation sa Brgy. Lawili, Aleosan, North Cotabato kahapon.Kinilala ang nasawing suspek na si Abedin Bandala Maguid, 34-anyos, walang trabaho at residente ng residente ng Purok 8, Brgy New Panay, Aleosan habang patuloy pang kinikilala ang isa pa nitong kasama.Ayon sa report isang pulis ang nagpanggap na bumili ng illegal na droga sa suspek
nang makuha na ng suspek ang marked money, agad na inaresto si Maguid, pero pumalag ito at isa sa kasama ng suspek ay bumunot ng baril.Agad na pinaputukan ng mga pulis ang mga suspek.Naisugod pa sa bahay pagamutan ang dalawa pero binawian din ng buhay.Narekober mula sa kanila ang anim na sachet ng pinaniniwalaang shabu, dalawang granada, isang unit ng kalibre .38 revolver, at drug paraphernalia.Dinala rin sa himpilan ng pulisya ang Wizard Skygo SG 110 na kulay itim at blue na sasakyan ng mga suspek. Tinutugis na ngayon ng Pikit Municipal Police Station ang dalawang lalaki na umano responsable sa panghahagis ng granada sa brgy. Batulawab Pikit North Cotabato pasado ala syete ng gabi noong sabado.Sa report ng Pikit PNP nakatanggap lamang sila ng report mula sa isang concern citizen sa nangyaring pagsabog sa lugar kung saan dalawang lalaking suspek ang kanilang nakitang naghagis ng granada.Dahil sa pagsabog isa ang sugatan na kinilalang si Muslimen Panga, 19-anyos na agad namang isinugod sa pagamutan.Agad naman tumakas ang mga suspek matapos ang insidente.Ang nabanggit na pagsabog ay nagdulot naman ng takot sa mga residente sa lugar na ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad. Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang magsasaka matapos maaresto sa isinagawang drug buy bust operation ng Matalam PNP sa Purok Islam, Brgy. Poblacion, Matalam, North Cotabato umaga nitong sabado.Ang suspek ay kinilalang si Saidina Mangandili, 34-anyos na taga brgy. Galakit, Pagalungan, Maguindanao.Maliban sa apat na sachet ng pinaniniwalaang shabu na nakuha mula sa suspek nakuhanan rin ito ng isang granada sa kanyang bulsa.Nasa kustodiya na ngayon ng Criminal Investigation and Detection Group North Cotabato ang suspek pati na ang mga ebidensyang nakuha mula sa kanya.Sa kabilang dako sugatan naman dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng riding tandem criminals sa panulukan ng Sunset at Rio Grande Street, Poblacion, Kabacan, North Cotabato sabado ng gabi.Kinilala ni Police Chief Ins Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang mga biktima na sina Montaser Mahadi, 25-anyos, may asawa at residente ng Mantawil St., Poblacion, Kabacan at Norodin Banjao Langalen, 21-anyos at residente ng Pendatun, Buluan, Maguindanao.Ayon sa report, habang sakay ang dalawang mga biktima sa XRM 125 motorcycle na may license plate 3585 KJ motorsiklo ay may mag-overtake sa kanila na riding tandem suspects at doon na sila pinagbabaril.Mabilis namang isinugod ang mga biktima sa pinakamalapit na bahay pagamutan na ngayon ay patuloy na nagpapagaling.Tinutugis na ngayon ng mga otoridad ang responsable sa nabanggit na krimen. TATLONG mga kapitan sa bayan ng Matalam, North Cotabato ang sugatan nang masangkot sa aksidente sa national highway ng Kidapawan City ang sinasakyan nilang passenger van habang patungo ng Davao City, alas-230 ng umaga, kanina.Di nakilala sa report ang mga sugatan na pawang nagtamo ng mga sugat sa ulo.Ayon kay Renward Saidona, driver ng van, sakay sa minamaneho niya’ng Toyota D4D van ang dose na mga kapitan mula sa bayan ng Matalam.Kasabay nila ang iba pang mga kapitan na sakay sa tatlo pang mga passenger van.Alas-dos ng madaling araw sila umalis ng Matalam para humabol sa kanilang flight patungo ng Maynila. Dadalo raw sila sa isang miting doon.Pero sa ‘di inaasahang pangyayari, nagkasalpukan sa highway ang van na kanilang sinasakyan at ang Mitsubishi Adventure na kulay light grey.Sinabi ng van driver na bagama’t sugatan ang tatlong mga kapitan tumuloy pa rin sila sa kanilang flight. Lumipat lamang daw sila sa iba pang van na byahe’ng Davao pa rin. Patay ang dalawang lalaki matapos magsaksakan sa Brgy. New Consolacion, Mlang North Cotabato madaling araw nitong Sabado.Sinabi ni Police Supt. Joefry Todeño, hepe ng Mlang PNP sakay ang dalawang mga lalaki sa isang motorsiklo mula naman sa isang tindahan sa kalapit brgy dahil bumili ng sigarilyo.Sa kanilang pagbiyahe, doon na sinaksak ng backrider na si Christopher Cabahug, 25, na taga Nursery Kidapawan ang nagmamanehong si Alfredo Rios Jr. 31 anyos na taga brgy, New Consalacion, Mlang.Dahil sa pananaksak natumba ang sinasakyan nilang motorsiklo dahilan para maagaw ng biktima ang kutsilyo mula sa suspek at gumati rin ng saksak ito.Dead on the spot si Cabahug habang nakahingi pa ng tulong ang biktima na isinugod pa sa pagamutan pero binawian din ng buhay.Una rito, araw ng biyernes nagkasundo pa ang dalawa na magkakarga ng mga tubo sa bahay ng isang Alfredo Estecomen bago nangyari ang krimen.Naniniwala naman ang PNP na posibleng nagtalo ang dalawa sa kanilang pag biyahe pag uwi na humantong naman sa nabanggit na insidente. Lutuin ang mga pagkain sa mismong mga billeting quarter.
Ito ang ipinagutos ng City Health office o CHO sa mga caterer ng National School Press Conference.
Ayon kay Dr. Edito Vego ng CHO, layon nito na mapangalagaan ang kalusugan ng mga delegado sa NSPC.
Paliwanag ni Vego mas madali kasing masira ang mga pagkain kapag binibyahe.
Kaya ayon kay Vego, mas nararapat sa mga caterer ng labinpitong mga rehiyon sa NSPC na maglagay ng temporaryong kusina sa mga billeting quarter.
Binigyan diin ni Vego na para maiwasan ang kontaminasyon, dapat ding maging malinis ang mga caterer sa food preparation at pagtuunang pansin ang kanilang personal hygiene.
Ipinahayag ni Vego na sa ngayon ay nakikipag ugnayan ang mga sanitary inspectors ng lokal na pamahalaan sa Dep
Ipinahayag din ni Vego na isinailalim din sa seminar hinggil sa food prepration maging ang mga street vendor sa Koronadal.
Paliwanag ni Vego maliban sa mga mall at iba pang mga malalaking negosyo, nais din ng lokal na pamahalaan naisulong ang kapakanan ng mga maliliit na negosyante sa Koronadal City. Magsisimula na ang NSPC ngayong araw.
Magkakaroon muna ng parada ang mga NSPC delegates mula sa Gaisano Grand Mall papuntang city hall.
Ito ay bago pa man ang pormal na pagsisimula ng programa dakong alas kwatro mamayang hapon.
Inaasahan naman ang pagdalo sa programa ni DepEd Secretary Armin Luistro.
Magtatapos ang NSPC sa Pebrero biente sais.
Dadalo sa NSPC 2016 ay mahigit limang libong mahigit limang libong mga estudyanteng mamamahayag sa buong bansa.
Kaugnay nito, umaapela naman si Koronadal Mayor Peter Miguel sa mga mamamayan ng lungsod na magpakita ng kagandang loob sa mga NSPC delegates. Nais ng provincial veterinary office na mabakunahan ng anti rabbies ang humigit kumulang apat na libong libong aso sa South Cotabato ngayong taon.
Nanatili pa rin kasing pinakamura at pinaka epektibong paraan sa paglaban sa rabbies ang pagbakuna sa mga aso.
Ito ay ayon kay South Cotabato OIC Provincial Veterenarian Dr. Flora Bigot.
Ayon kay Bigot abot sa dalawamput walong libong aso ang nabakunahan ng anti rabbies sa lalawigan noong 2014.
Nakapagbakuna naman ng mahigit tatlumpung libong aso ang provincial veterinary office noong nakaraang taon.
Aminado si Bigot na sa kabila ng kanilang kampanya sa mga barangay,mababa pa rin ang bilang ng mga mamamayan na nagpapabakuna ng kanilang mga alagang hayop.
Ito ayon kay Bigot ay dahil na rin sa pagbalewala sa kahalagahan nito at kakulangan ng personnel ng provincial veterinary office.
Kaugnay nito, nagdagdag na ng limang personnel ang bayan ng Norala bilang suporta sa pagpapaigting ng kampanya kontra rabbies.
Ayon kay Bigot isang malaking hamon din ngayon sa kanilang tanggapan ang paghikayat sa bawat local government unit sa South Cotabato na magtatag ng dog pounding facility.
Maglalagay ng detachment ang pulisiya at militar sa Purok Bagong Silang, Barangay Bukay Pait, Tantangan, South Cotabato.
Ayon kay Tantangan Chief of Police, Senior Inspector John Erik Medel,layon nito na mapanatili ang katiwasayan at bantayan ang seguridad ng mga mangagawa at mga equipment sa road construction project.
Ito ay matapos paulanan ng bala ang mga magsasaka sa lugar dakong alas onse ng umaga noong byernes
Ipinahayag ni Medel na ang mga magsasaka ay bigla na lamang pinaputukan ng armadong grupo habang abala sa paghahanda ng tanghalian ng kawani ng South Cotabato provincial engineering office at municipal engineering office ng Tantangan.
Sa panayam ng DXOM Radyo Bida Koronadal, sinabi ni Medel na tutol ang mga suspek sa road construction project, kaya nila tinakot ang mga magsasaka para umalis sa lugar.
Ang mga magsasaka ay tumutulong bilang counter part sa ipinapagawang kalsada ng provincial government sa Purok Bagong Silang, Bukay Pait.
Nilinaw ni Medel na walang nasawi o nasaktan sa panghaharass ng armadong grupo na pinangunahan umano ng isang Rocky Gondi.
NDBC News AM Feb 20
Headline and Kalagayan ng supply ng kuryente sa South Cotabato, paguusapan sa power forum ng South Cotabato Electric Cooperative I
Magsasagawa ng Power Forum ang South Cotabato Electric Cooperative o Socoteco I.
Ayon kay Socoteco I General Manager Santiago Tudio, layon nito na maipaliwanag sa publiko ang epekto sa South Cotabato ng kakulangan ng supply ng kuryente sa Mindanao.
Inaasahan din na magiging daan ang forum para paugsapan ang mga maaring gawin para maibsan ang epekto ng kakulangan sa supply ng kuryente sa lalawigan.
Umapela naman si Tudio sa kanilang myembro konsomidor na dumalo sa forum.
Ito ay gagawin ala una ng hapon sa activity area ng KCC mall of Marbel sa Pebrero a biente tres.
Ipinatutupad ngayon ng Socoteco I ang isang oras kada araw na rotating brownout sa South Cotabato.
Ayon kay Tudio, apektado na rin kasi ng pagbaba ng supply ng kuryente sa Mindanao ang lalawigan.
Ito ay sa kabila ng 13 Megawatt na dieseled-power plant sa Koronadal at solar power plant na pinagkukunan din ng supply ng kuryente sa South Cotabato. Nagsagawa ng search and rescue dry run para sa high angle rescue ang provincial disaster risk reduction and management office o PDRRMO South Cotabato.
Layon ng katatapos lamang na dalawang araw na dry run ay upang paghandaan ang Search and Rescue o SAR proficiency training.
Ito ay nilahukan ng mga participants sa taunang Search and Rescue Olympics sa South Cotabato.
Ang patimpalak ay inaasahang lalahukan ng siymnapung mga rescue personnel at volunteers mula sa labinisang mga local government units sa lalawigan.
Ayon kay PDRRMO Mila Lorca, ang mga makatapos sa kanilang SAR training ay magiging katuwang ng pamahalaang panlalawigan sa disaster at relief operation sa sakali mang salantain ng kalamidad ang lalawigan.

BARMM youth nanawagan ng BTA extension

COTABATO CITY - Nagtipon ngayong umaga sa Gutierrez Avenue papasok ng Bangsamoro Government Center ang grupo ng mga kabataan para ipanawagan ang BTA...

Son stabbed dead, daughter wounded by father in MagNorte rampage

COTABATO CITY - A man stabbed his 11-year-old son dead and seriously wounded her adolescent daughter in a rampage at about midnight Sunday in...

Shiek Guiamaden named Bangsamoro 'Wali'

COTABATO CITY — The Bangsamoro Parliament convened in a special session on Monday, May 13, to officially appoint Sheikh Muslim Guiamaden as the new...

Wanted MILF commander, nakatakas sa CIDG operation sa MagNorte, bata ginamit na human shield

COTABATO CITY - Nakatakas sa warrant implementation ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM si Musa Alamada o kilala bilang...

Cotelco announces power interruption for May 14 in Kabacan

TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following scheduled date...