Tuesday May, 07 2024 08:43:08 AM

NDBC BIDA BALITA (FEB. 26, 2016)

 • 18:42 PM Fri Feb 26, 2016
1,622
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

FEBRUARY 26, 2016 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1.Mindanao tulong bakwet director, nagbitiw kasunod ng grenade attack sa opisina nito.2. IED natagpuan naman sa Midsayap North Cotabato. 81 mm sumbagot kasabay ng grassfire sa Maguindano

3. Isa sa dalawang suspect sa pamamaril
ng pamilya SAGPAH sa Kabacan, North Cotabato, hawak na ng PNP.

3. PNP South Cotabato naghigpit ng
seguridad bunsod ng kaguluhan sa karatig lalawigan

4. Mayor Duterte, dadalaw sa Cotabato City, makikipagkita sa MILF leadership NGAYON SA DETALYE NG MGA BALITAMAINIT
ang pagsuporta ng mga taga- Cotabato City at lalawigan ng Maguindanao sa
isinagawang BIDA FIESTA kahapon.

Ito
ay sa nagpapatuloy na selebrasyon ng 59th anniversary ng DXMS-RADYO BIDA sa
Cotabato City.

Nagkataon
naman na holiday dahil sa pagdiriwang ng EDSA Revolution, hindi na pinalampas
pa ng mga BIDA LISTENERS ang maka avail ng mga libreng serbisyong handog ng
DXMS-NDBC.

Sa
katunayan, higit 300 katao ang naserbisyohan sa libreng medical checkup, higit
50 katao naman sa dental services at humigit kumulang 150 naman na mga kabataan
ang sumailalim sa immunization.

Maliban
dito, dumating rin ang humigit kumulang 75 mga pet lovers para ipacheckup ang
kanilang mga alagang hayop sa ating mga naimbtihang Veternarians.

Suportado
rin ng LGU ang BIDA Fiesta kung saan ilan rin ang nakakuha ng kanilang mga
cedula.

Siyempre
hindi naman pinaglapas ng ating mga nanay, tatay, ate at kuya ang libreng
pedicure, manicure at haircut na kung susumain lahat ay umabot sa 250 katao ang
naserbisyohan.

Bago
nagtapos ang selebrasyon, nagtagisan naman ng galing sa kantahan ang sampung
BIDA singers kung saan tinanghal na kampeon si Noli Jay Samson.

Nakatanggap
naman ng mag consolation prize ang bawat contestant.

Lubos
na nagpapasalamat ang DXMS-RADYO bida sa lahat ng sumuporta at tumulong para sa
ikatatagumpay ng BIDA FIESTA ACTIVITIES. NAGDESISYON si
Mindanao Tulong Bakwet, Inc. o MTB executive director Fairudz Ibrahim-Ebus na
magbitiw sa pwesto para hindi mabahiran ng politika ang kanilang organisasyon.

Si Ebus ay
asawa kasi ng Bise-Alkalde ng bayan ng Datu Piang Maguindanao.

Nabatid na
mula kasi ng pasabugan ng ng fragmentation grenade ang kanilang opisina sa
lungsod ng Cotabato noong February 16, ay hindi na nawala ang espekulasyon na
may kinalaman sa politika ang insidente.

Ang naturang
pagsabog ay nagdulot ng sobrang takot sa mga kawani ng naturang organisasyon.

Sa isang sulat
na ipinadala ng MTB sa Radyo Bida, inihayag nitong nahaluan ng kulay ang
insidente at iniuugnay sa pulitika dahil kilala ang Executive Director ng
organisasyon na si

Mariin namang
itinanggi ng organisasyon na may kaugnayan sila anumang political activities.

Samantala,
epektibo ngayong March 1, 2016, ay papalit sa pwesto ni Ebus si Hairen Anayatin
bilang Officer-In-Charge ng organisasyon.

Ito ay upang
maipagpatuloy ang operasyon ng MTB bilang non-partisan organization.

Ang Mindanao
Tulong Bakwet Inc, ay isang non governmental at non-profit organization na 13
taon ng tumutulong sa mga internally displaced persons o IDPs na naaapektuhan
ng anumang insidente o sakuna sa Mindanao.

Kung maaalala,
alas-7:30 ng gabi noong February 16 nanag hagisan ng MK2 Fragmentation grenade
ang parking space ng opisina ng Central mindanao youth center at Mindanao
tulong bakwit sa Anacleto Badoy St. Cotabato City.

Ayon kay City
Director Sr. Supt. Raul Supiter, partikular na hinagisan ng granada ang parking
space ng dalawang opisina ng non-government organization o NGO sa erya bago ito
sumabog, pasado alas-7:30 kagabi.

ilang mga
testigo naman ang nakakita ng presensya ng dalawang lalake na nakasakay sa
motorsiklo at nag hagis ng granada sa lugar.

Hanggang sa
ngayon ay hindi parin matukoy kung ano ang motibo sa nangyaring pagpapasabog.

Tiniyak naman
ng MTB na suportado nila ang ginagawang imbestigasyon ng PNP para sa
ikakaresolba ng kaso.

KINUMPIRMA ni
Midsayap Chief of Police Sr. Supt. Gilbert Tuzon hindi sumabog at sa halip at
pinasabog na laman nila ang Improvised explosive device o IED na iniwan sa Sto.
Nino St., Pob. 6, Midsayap, pasado alas-3 ng hapon kahapon.

Ayon kay
Tuzon, agad silang rumisponde sa lugar matapos silang makatanggap ng tawag
kasama ang Explosive ordnance disposal team.

Narekober
nila sa area ang isang pyrtechnic powder, isang kilo ng concrete nail, nokia
cellular phone at improvised electornic blasting cap.

Sinabi ni
Tuzon na posibleng ang cellular phone ang gagawing triggering device para
pasabugin ang naturang IED.

Sa ngayon ay
hindi pa nila matukoy kung sino ang nasa likod at kung ano ang motibo ng
pagiiwan ng pampasabog sa erya.

Nagpapasalamat
naman si Tuzon sa aktibong partisipasyon at kooperasyon ng Midsayapenyo sa PNP.

KINUMPIRMA ni
SULTAN KUDARAT Maguindanao PNP Insp. Bangon Mamako na may narinig silang
malaking pagsabog sa Brgy. Narra ng nasabing bayan.

Ayon kay
Mamako, agad silang tumungo sa erya at akto nilang nakita ang isang grass fire.

Duda ng Sultan
Kudarat PNP, matagal ng nakabaon ang isang IED o pampapasabog sa lugar at
nadamay lamang sa pagkakasunog ng mga damo kung kaya't sumabog ito.

Narekober
naman sa area ang isang 7-inches na tubo at 4 na inches na sirang tubo.

Pero hindi pa
nila matiyak kung ilan ito sa mga component ng di pa matukoy na pampasabog.

Patuloy naman
inaalam ng mag otoridad kung anong klase pampasabog ang sumiklab sa Brgy.
Narra.

Tiniyak naman
ni Mamako na walang nasugatan o namatay sa nangyaring insidente.

MULING
BIBISITA si DAVAO CITY Mayor at Presidential Candidate Mayor Rodrigo Duterte sa
Cotabato City bukas, February 27.

Ito ay para sa kanyang opisyal na
campaign rally na gaganapin sa City Plaza, ala-una ng hapon.

Pero Umaga pa lang ay darating na si
Duterte sa lungsod para makipagpulong kay Moro Islamic Liberation front o MILF
Chairperson Al-haj Murad Ebrahim at iba pang miyembro ng MILF Central Committee
sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Inaasahang muling hihikayatin ng kampo
ni Duterte ang publiko na suportahan ang Federalismo na malaking tulong umano
para sa sambayanang Pilipino.

Minsan na ring nangako si Duterte na
sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan ay mapapatigil niya ang kaso ng droga, krimen
at korapsyon sa bansa kung sakaling siya ang mananao bilang pangulo ng
Pilipinas.
Pero hindi pa
nila matiyak kung ilan ito sa mga component ng di pa matukoy na pampasabog.

Patuloy naman
inaalam ng mag otoridad kung anong klase pampasabog ang sumiklab sa Brgy.
Narra.

Tiniyak naman
ni Mamako na walang nasugatan o namatay sa nangyaring insidente.

Mas naghigpit pa sa pagbabantay ng segurdiad ang pulisya sa South Cotabato.
Layon nito na matiyak ang katiwasayan sa lalawigan kasunod ng pagsabog ng granada sa kalapit bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat.
Isang improvised explosive device din na natagpuan malapit sa municipal plaza ng Polomolok ang pinasabog ng Explosive Ordnance Division o EOD team ng PNP.
Ayon kay Senior Superintendent Franklin Alvero, ang Provincial Director ng PNP South Cotabato, ginagawa ng pulisiya ang lahat upang mabantayan ang seguridad ng lalawigan.
Sa katunayan ayon kay Alvero nagdagdag na ng checkpoint ang PNP sa mga pangunahing daan ng South Cotabato.
Umaapela naman ang PNP sa mga mamamayan na maging mapagmatyag at tumulong sa pagbabantay ng seguridad sa lalawigan. Sisimulan ng Bureau of Fire Protection o BFP South Cotabato ang Fire Prevention Month celebration sa pamamagitan ng simultaneous na Walk for a Fire-Free and Fire-Safe Nation.”
Ito ay gaganapin naman sa ika a uno ng Marso.
Magkakaroon din ng sabay sabay na pagpapatunog ng mga fire apparatus sa Marso a dos.
Ayon kay South Cotabato Fire Marshall, Chief Inspector Nailyn Belonio, maliban sa pakikiisa sa national simultaneous activity, magkakaroon din ng sarili nitong aktibidad ang kanilang tanggapan sa buong buwan ng Marso.
Kabilang dito ang lalo pang pagpapaigting ng kanilang kampanya kontra sunog.
Ayon kay Belonio, abot na sa pitumput dalawang fire incidents ang naitala sa South Cotabato ngayong taon.
Pinakamarami dito ayon kahy Belonio ang structural fire o pagkasunog ng ilang mga bahay at gusali at grass fire.
Ayon kay Belonio, tutungo mismo sa mga bahay ang mga kasapi ng BFP para ituro sa publiko kung ano ang mga nararapat gawin para makaiwas sa sunog.
Pinaghahandaan na rin ng BFP ayon kay Belonio ang pagsubok sa mga fire hydrants, at pagtukoy sa mga lugar na mas delikado sa sunog.
Tampok din sa selebrasyon ang Takbo Laban sa Sunog,” isang fun run na pangungunahan ng BFP.
Isasailalim din sa refresher course ang mga myembro ng fire brigaide.
Ang Fire Prevention Month Celebration ngayong taon ay naka angkla sa temang Kaalaman at Pagtutulungan ng Sambayanan, Kaligtasan sa Sunog ay Makakamtan.”
Maliban sa National Schools Press Conference na ginaganap ngayon sa Koronadal City.
Isa pang mahalagang aktibidad ng Department of education ang dinaluhan ng libo libong mga kabataan sa General Santos City.
Ito ay ang National Festival of Talents o NFOT.
Ang NFOT sa GEnsan ay nagsimula rin kasabay ng pagsisimula ng NSPC 2016 sa Koronadal City noong Lunes.
Ayon kay DepEd 12 OIC Regional Director Arturo Bayucot, layon ng NFOT na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na maipakita ang kanilang talento sa pamamagitan ng products at performance showcased.
Ipinahayag ni Bayucot na kabilang sa mga tampok sa NFOT ang Technolympics para sa Technology and Livelihood Education, Sining Tanghalan sa larangan ng peforming arts, National Population Quiz at on the spot skills exhibition para sa population development sa Araling Panlipunan.
Magkakaroon din ng Pambansang Tagisan ng Talino para sa Filipino at Foreign Language Skills Showcase para sa Special Program in Foreign Language.
Ang NFOT ay nilahukan ng mahigit 1,600 na mga kabataan mula sa labinpitong rehiyon sa bansa.
Tulad ng NSPC ang NFOT ay magtatapos din ngayong araw. Ikinatuwa ng mga tricyle driver sa Koronadal City ang pag host ng lungsod ng mga malalaking event ngayong linggo.
Ito ay matapos tumaas ang kanilang kita.
Ayon sa mga tricyle drivers na nakausap ng radio bida Koronadal, halos dumoble ang kanilang kita sa pagdalo ng libli libong mga mamamayan sa National Schools Press Conference o NSPC 2016.
Ginanap din ngayon sa Koronadal City ang 21st National Bible Workshop na dinaluhan ng daang daang mga delegado mula sa iba’t ibang diocese ng simbahang katoliko.
Kwento ng bidang tricyle driver na si Gerry Panlingan mula sa dating tatlong daang piso kada , kumikit siya ngayon nag abot sa pitong daang piso kada araw.
Ito ayon kay Panlingan ay malaking tulong para maitaguyod ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.
Maliban sa NSPC 2016 na magtatapos ngayong araw at 21st National Bible Workshop na magtatapos bukas, pinaghahandaan din ng lokal na pamahalaan ng Koronadal ang National PRISAA games sa Abril.
Ayon kay City Mayor Peter Miguel, ito ay bilang kabahagi ng pagsulong ng lokal na pamahalaan para gawing sentro ng mga national events tulad ng seminar at conference ang Koronadal City. Inaresto ng mga pulis ang isang disi nuebe anyos na binate sa Koronadal City.
Ito ay dahil sa pagnanakaw umano ng motorsiklo.
Kinilala ang suspek na si Rodin Sarip, anyos, residente ng Purok South Wind, Barangay Morales, Koronadal.
Si Sarip ay naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Koronadal City PNP at Highway Patrol Group o HPG South Cotabato sa Purok Spring, Barangay Morales, kaninang tanghali.
Nabatid na si Sarip na suspek sa pagtangay sa isang motorsiklong nakaparada sa isang kolehiyo sa Koronadal ay matagal nang minamanmanan ng mga otoridad.
Para hindi mabuking ang umano’y illegal na gawain, pinaghihiwalay ng suspek ang parte ng umano’y ninakaw na motorsiklo at iniwan ang ilang bahagi nito sa Barangay Maibu, sa bayan ng Tantangan at Barangay Paraiso Koronadal.
Maging si Pacifico Dequina, ang may ari ng shop na pinagdalhan ng suspek sa spare parts ng motorsiklo ay iniimbistigahan din ng mga pulis.
Para matukoy kung ninakaw din ang mga ito o hindi,kinuha ng PNP ang chassis number ng limang motorsiklo kanilang natuklasan sa shop ni Dequina. Mariing kinondena ng Kabataan Party list ng North Cotabato ang pagkakasunog sa Haran Lumad Sanctuary sa Davao City na ngayon ang temporary shelter ng daang daang mga katutubo mula sa Davao del Norte.Sa press statement ng Kabataan Partylist, Sinabi ni Joanne Historia, spokesperson ng nabanggit na grupo, hindi umano makatao ang ginawa sa mga lumad sa lugar.Para sa kanila na mga kabataan na hindi naranasan ang Marcos Dictatorship ang OPLAN BAYANIHAN ngayon ng militar ang bagong bersyon ng Martial Law.Ayon kay Historia, ang OPLAN BAYANIHAN ay nagpapahiwatig lamang ng hindi pagbibigay ng karapatan sa mga lumad na mabuhay ng tahimik at payapa.Sa ngayon kasi higit isang daang libong kaso na ng pananakot, harasment, at intimidasyon at halos 70 libong insidente ng sapilitang ebakwasyon ang naitala ng grupong Karapatan sa ilalim ng Aquino Administration.Bagaman at suportado nila ang pag-papauwi sa mga katutubo sa kanilang mga lugar nanindigan pa rin sila sa total pullout ng military forces doon.Una rito, madaling araw nitong miyerkules ng masunog ang anim na mga kubo sa loob mismo ng United Church Of Christ in the Philippines o UCCP Haran Compound kabilang na ang dalawang dormitory na ikanasugat naman ng lima katao kabilang na ang mga bata.Ilang buwan na ring nanatili ang mga lumad sa evacuation center dahil sa takot pa rin na na kanilang nararamdanan dahil nga sa presensya ng militar sa kanilang mga lugar. Mula sa higit isang daang empleyado ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO dalawa raw ang nagpositibo nito sa droga.Ito ay base naman sa pahayag ni COTELCO General Manager Engr. Godofredo Homez base na rin sa inisyal na report sa kanila ng SOCO matapos isailalim sa drug test ang mga kawani ng COTELCO.Pero wala pa silang natatanggap na opisyal na statement o pangalan kaugnay rito.Bagaman at valid ang unang ginawang drug test, muling isasailalim ang dalawang umano nagpositibo sa droga ng isang accredited drug testing center sa kalakhang Maynila.Lalabas naman ang resulta nito ayon pa kay Homez pagkatapos ng dalawang linggo.Tiniyak naman ng opisyal na papatawan ng kaukulang parusa ang naturang mga empleyado oras na lumabas ang resulta sa nabanggit ng drug test.Posibleng suspension o masisibak sa trabaho ang patutungahan ng mga trabahante.Nilinaw din ni Homez na magiging regular na ang kanilang gagawing drug test para matiyak na malinis at walang gumagamit ng ilegal na droga sa kanyang nasasakupan.Inaman din ng opisyal na dahil sa kanyang mga natatangap na impormasyon sa umano pagkakasangkot ng ilang COTELCO employee sa droga, nagpasya siyang isailalim ang mga ito sa drug test.Noong nakaraang linggo isinagawa ang nabanggit na drug test sa COTELCO main brgy. Manubuan, Matalam katuwang naman ang Cotabato Police Provincial Office sa pamumuno ni CPPO Provincial Director Sr. Supt. Alexander Tagum. Patuloy ngayon ang ginagawang paghahanda ng Department of Education sa North Cotabato para sa full implementation ng Enhanced Basic Education o ng K to 12 program sa sistema ng edukasyon sa bansa.Isa kasi ang kahandaan ng Department of Education sa mga pangunahing kinukwestyon sa usapin ng pagpapatupad ng nabanggit na programa.Sa June 2016, sisimulan ng ipatupad ang grade 11 sa mga eskwelahan na bahagi ng Senior High School Level.Kaugnay nito, nagpapatuloy ngayon ang hiring ng mga guro na siyang magtuturo sa pagsisimula ng Senior High School para sa School Year 2016-2017.Ayon kay Cotabato Schools Division Supt. Omar Obas, nagpapatuloy ang interview at demonstartion teaching sa mga aplikante sa anim na mga venue sa North Cotabato.Sa ngayon, wala pang bilang kung ilan ang tatanggaping mga guro ngunit tiniyak ni Obas na sapat ang mga guro ngayong darating na Hunyo.May kanya-kanya namang qualifications para sa gustong mag apply sa nasabing programa ng DepEd. Naka depende ito sa kung anong track ang papasukan ng aplikante.Isa sa mga halimbawa dito ay ang technical and Vocational Track kung saan kailangan namang naka graduate ng NC II ang aplikante.Maari rin nilang piliin ang academic track.Posibleng mailabas na sa mga susunod na Linggo ang mga pangalan ng mga aplikanteng Pumasa sa Interview at Demostartion teaching ayon pa kay Obas. Nakakulong na ngayon sa Kabacan PNP lock up cell si Jerry Baay, isa sa primary suspek sa pamamaril sa Pamilya SAGPAH sa Purok Misalay, brgy. Pisan, North Cotabato.Kinumpirma mismo ni Chief Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang pagkakahuli nila sa suspek sa harapan ng Pisan Elementary School alas syete ng umaga noong nakaraang araw sa pangunguna ni Ins. Maxim Peralta.Positibong itinuro ang suspek sa anak mismo ng mga biktima na nakasaksi sa krimen.Personal na alitan umano ang dahilan ng naturang insidente.Una rito lunes ng gabi ng paulan ng bala ang pamilya SAGPAH ng dalawang mga suspek na nagresultan naman sa pagkamatay on the spot ng mister na kinilalang si Nelson SAGPAH habang tuluyan na ring binawian ng buhay si Bebot Sagpah ang asawa ng bitkima noong Miyerkules.Nakakulong na ngayon sa Kabacan PNP lock up cell si Baay habang tinutugis pa ang isa nitong kasama na responsable rin sa nabanggit na krimen. 0AMINADO ang AboitizPower Company, isa sa pinakamalaking independent power producer o IPP ng bansa, na nakaapekto sa pangkalahatang sitwasyon ng elektrisidad sa buong Mindanao ang pagkawala ng daloy ng Kuryente mula sa dalawa nila’ng naglalakihang planta.Sa panayam ng Radyo Bida kay AboitizPower communications officer Wilfredo Rodolfo III, off-the-grid pa rin, hanggang sa ngayon, ang diesel-fired power plants nila sa Maco, Compostela Valley, at ang Engine Number 2 ng coal-fired power plant nila sa Toril district, Davao City.Halos 300 megawatts ng Kuryente ang isinu-suplay ng naturang mga planta sa Mindanao.Ang TMI at TSI ay kapwa sumasailalim sa preventive maintenance schedule o PMS.Noon pang mga nakaraang linggo nawala na ito sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, ayon kay Rodolfo.Inaasahan namang makakabalik sa grid ang dalawang mga planta ng Aboitiz Power sa susunod na linggo.NDBC BIDA BALITA

Cotelco announces power interruption on May 11 in Kabacan, Matalam

Kabacan, Matalam towns TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on...

Cotabato Light announces brownout sked in Sultan Kudarat

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company announced today a scheduled power interruption affecting Macaguiling, Sultan Kudarat on Thursday...

Cotabato Light urged consumers to conserve energy amid rising electricity rate for May

COTABATO CITY - Cotabato Light customers will experience an electricity rate hike in May due to increased generation charges from higher Wholesale...

Motorcycle thief killed, 2 arrested in Sultan Kudarat police operation

COTABATO CITY - Policemen shot dead a long-wanted motorcycle thief, wounded two others and seized from them three firearms in an operation on Monday...

PRO-BAR chief Tanggawohn bestowed posthumous award to Capt. Moralde

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - The Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region bestowed posthumous award to late PCPT ROLAND ARNOLD...