Wednesday Apr, 24 2024 11:21:53 AM

NDBC BIDA BALITA Feb. 27, 2016

 • 19:02 PM Sat Feb 27, 2016
1,548
By: 
NDBC-NCA

NEWSCAST

FEBRUARY 27,
2016 (SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MILITAR patuloy na tutugisin ang mga
miyembro ng BIFF sa lalawigan ng Maguindanao

2. Paghuli sa mga Illegal drug user at
pusher sa Makilala, North Cotabato, hindi raw ititigil ng PNP

3. Mga Street Sweeper sa Koronadal City
sinanay sa Explosive Ordnace Disposal

4. Apat kataoarestado dahil sa shabu sa So. Cotabato5. Police ng Matalam, NorthCotabato, nakaligtas sa NPA roadside attack AT NGAYON SA DETALYE...PINASABUGAN NG HINIHINALANG miembro ng New Peoples Army (NPA) ang police patrol car ng Matalam PNP sa isang liblib na lugar kahapon.Ayon kay Matalam town police chiefSenior Supt. Sunny Leoncito na patungo ng isang peace meeting ang mga police nang mapadako sa Barangay Kibia ay sumabog ang isang homemade roadside bomb.Wasak ang windshiled ng sasakyan ng police pero walang nasaktan o tinamaan sa kanila.Naniniwala si Leoncito na NPA ang may kagagawan ng bomb attack dahil sa composition ng pampasabog.Matapos ang pagsabog, tatlong mga NPA pa ang nagpaputok sa mga police na naging daan upang magkaroon ng sandaling sagupaan. Tumakas ang mga armado nang mamataan ang parating na reinforcement mula sa Army at PNP. MULA NANG SUMIKLAB ang bakbakan sa
pagitan ng Militar at Bangsamoro Islamic freedom fighters o BIFF sa bayan ng
Datu Piang at Datu Salibo sa lalawigan ng Maguindanao noong February 5, 2016,
tatlong sundalo na nasawi sa hanay ng militar habang hindi naman malinaw kung
ilan ang nasawi o nasugatan sa pagitan ng BIFF dahil walang narekober na
katawan o anumang magpapatunay rito.

Una ng sinabi 6th Infantry Division
Philippine Army Public Affairs office chief Capt. Joan Petinglay, na unang
binawian ng buhay ang kanilang kasamang si Staff Sgt. Ronilo Quimba ng 601st
reconnaisance company noong February 11 nang magtamo ng maraming sugatan sa
katawan.

Sinundan ito ng pagkamatay ng isa
opisyal at si PFC Jury Catalan ng 57th infantry battalion nitong linggo lang
nang magsagawa ng clearing operations sa bayan ng Datu Salibo.

Patuloy naman na nagpapagaling sa
pagamutan ang abot sa 17 mga sugatan na sundalo kabilang sina Staff Sgt.
Renante Bolivar, Danilo Mondejar, PFC Raymundo Madis, PFC Von Chakie Viaje, at
PFC Romnick Herminado.

Ayon kay Capt. Petinglay, umabot na sa
humigit kumulang 100 IEDs ang kanilang narekober sa lahat ng pinagkukutuan ng
BIFF sa brgy. tee at Sambulawan.

Maaalalang nagbabantay lamang ang mga
tropa ng sundalo sa ginagawang flood control dredging project sa Brgy. Butalo
na naging dahilan para muling sumiklab ang gulo sa pagitan ng dalawang grupo.

Hindi naman matukoy kung ilan ang
nasugatan o namatay sa hanay ng BIFF dahil wala namang narekober na anumang
makapagpapatunay rito.

Sa ngayon ay pansamantalang humupa ang
bakbakan sa lalawigan ng Maguindanao, pero ayon kay Abu Misry ang tagapagsalita
ng BIFF, nagpapahinga lamang sila, at sa oras na makarekober sila ay muli
silang aatake laban sa militar.

Tuloy naman ang pagtugis ng militar
laban sa mga armado at para maipagtuloy na ang ginagawang dredging project sa
lugar.

INAASAHANG
pagdagsa ng ilang mga supporters sa gagawing campaign rally ni DAVAO CITY Mayor
at Presidential Candidate Mayor Rodrigo Duterte sa Cotabato City ngayong araw.

Nakatakdang gawin
ang campaign rally, ala-1 ng hapon sa Cotabato City Plaza.

Umaga pa lang
ay abala na si Duterte para makipagpulong kay Moro Islamic Liberation front o
MILF Chairperson Al-haj Murad Ebrahim at iba pang miyembro ng MILF Central
Committee sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Inaasahang
muling hihikayatin ng kampo ni Duterte ang publiko na suportahan ang
Federalismo na malaking tulong umano para sa sambayanang Pilipino.

Minsan na
ring nangako si Duterte na sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan ay mapapatigil niya
ang kaso ng droga, krimen at korapsyon sa bansa kung sakaling siya ang mananao
bilang pangulo ng Pilipinas.

ABOT
sa 60 gramo ng pinaniniwalaang shabu ang nakuha ng Midsayap PNP sa kanilang
isinagawang buy-bust operation sa Midsayap, North Cotabato, pasado ala-1 ng
hapon kahapon.

Ayon
kay Sr. Supt. Gilbert tom-Tuzon, hepe ng Midsayap, nagkakahalaga ito ng 500
thousand pesos.

Kinilala
ni Tuzon ang mga suspek na sina Jerry Biaco Chu, 50-anyos, Cecilla Baco
Chu-53-anyos, Jon Carlo Biaco Chu, 27 pawang mga taga Pob. 2 ng naturang
bayan,Alfredo
Jasper Esteban, 28-anyos isang nurse, residente ng Villarica at Marvin
Tenorio, 18, isang helper.

Ayon
kay Tuzon, nagbebenta ng batchoy ang mga naaresto sa harap ng isang eskwelahan
at gilid ng isang simbahan kung saan sila nahuli.

At
dito, aktong nag pa-pot session ang mga suspek ng magsagawa sila ng operasyon.

Nabatid
na matagal nang minamanmanan ng mga otoridad ang mga magbabatchoy sa lugar kung
saan tuluyang na itong naaresto dahil sa pagbebenta at paggamit ng illegal na
dorga.

Sa
ngayon ito na ang pinakamalaking halaga ng pinaniniwalaang shabu na narekober
ng Midsayap PNP sa ilalim ng pamumuno ni Sr. Supt. Tuzon, higit dalawang linggo
pa lang ang nakalilipas.

Kasunod
ng kaliwa't-kanang election paraphernlia na isinabit sa mga poste ng kuryente
at punong kahoy, uumpisahan na ng Department of Environment and Natural
Resources Autonomous Region in Muslim Mindanao, Commission on Elections,
Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at partner agencies
ang Oplan Baklas sa susunod na buwan ng Marso.

Sinabi
ni DENR-ARMM Secretary Hadji Kahal Kedtag na mahigpit na ipinagbabawal ang
paglalagay ng election campaign materials sa mga sumusunod punong kahoy, mga poste ng ilaw, kawad ng
kuryente, eskwelahan, waiting shed, sidewalk, traffic signs, tulay, Barangay
Hall, Health centers, public buildings, public shrines, terminals, airports,
Seaports, Public utility vehicles, Patrol cars, LRT, MRT, PNR, Train stations,
mga overpass at underpass, at Center islands.

Ayon
kay Kedtag, sinumang kandidato na susuway sa mga panuntunan ng Comelec sa
panahon ng kampanya ay lalabagin nito ang Republic Act 9006 o Fair Election Act.

February
9, umpisa ng kampanya para sa national candidates, dumagsa rin ang mga campaign
posters na isinabit sa iba’t-ibang sulok ng bansa. Karamihan sa mga ito ay wala
sa common poster area ng komisyon.

Muli
nagpaalala ang kalihim sa mga kandidato ngayong May 2016 elections na
pagsabihan ang kanilang mga tagasuporta at nagkakabit ng mga poster na iwasang
maglagay sa mga lugar na hindi sakop ng
common poster area upang maiwasan ang aberya sakaling maaktuhan at
makuhanan ng ebidensiya.

Ngayong
March 25, ratsada na ang kampanya para sa mga local candidates at magtatapos
ngayong May 7 base sa

calendar
of activities ng Comelec.

Umarangkada
na naman ang SALAM Program sa Barangay Bulalo, Sultan Kudarat Maguindanao.

Daan-daang
residente ang nakabenepisyo sa libreng gamot, birth certificate registration,
senior citizen membership, gupit, cedula, feeding, stress debriefing at iba
pang serbisyong hatid ng local government unit sa pangunguna ni Mayor Datu
Shameem B. Mastura.

Sinabi
ni Mastura na hindi sila titigil sa pagtungo sa mga liblib na lugar ng kanyang
bayan upang ibaba ang mga serbisyo mula sa munisipyo.

Maraming
mamamayan ng SK ang hirap na lumuwas ng bayan dahil sa sobrang layo ng lugar at
kinakailangan pang tumawid sa ilog.

Nagdesisyon
ang alkalde na sila na mismo ang magtutungo sa kanyang mga constituents tuwing
araw ng Huwebes upang alamin ang kanilang mga
pangangailangan mula sa LGU.

Bukod
sa pasasalamat umaasa ang mga residente na hindi magsasawa ang batang alkalde
sa pagbibigay ng tapat na serbisyo sa kanyang mga mamamayan. Tutulong na rin sa pagpapanatili ng katiwasayan ng Koronadal ang mga street sweeper sa lungsod.
Ito ay matapos sumailalim ang mga ito sa Explosive Ordnance Disposal.
Ayon kay Cyrus Urbano, ang City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC, nabigyan ng pagsasanay ang 120 na mga street sweeper sa Koronadal City.
Kabilang sa mga itinuro sa mga street sweepers kung ano ang mga nararapat gawin sakali pang makakita ang mnga ito ng pampasabog.
Ayon kay Urbano, bilang mga front liner o yaong kadalasang makikita sa mga kalye, malaki ang maitutulong ng mga street sweepers para mapigilan ang anumang tangnkang pagpasabog sa lungsod. Nakapagpadala ng abot sa sampung libong livestock at poulty animals ang South Cotabato sa iba’t ibang panig ng bansa, Enero ngayong taon.
Nabatid na ang mga kalabaw, baka at poultry animals na pinalaki sa South Cotabato ay nakakaabot na sa lalawigan ng Agusan, Tagum , Zamboanga ,Mindanao,Visayas at Kalakhang Maynila.
Gayunpaman karamihan sa may limang libong hogs sa South Cotabato ay dinala sa Barangay Glamang Polomolok, kung saan matatagpuan a Triple A Slaughter House.
Ang mga hayop na kinakatay sa pasilidad ay ipinadala sa mga mall sa Visayas at Metro Manila.
Ang South Cotabato ay nakakolekta ng abot sa limamput limang libo mula sa transport permits ng mga hayop.Matatandaan na abot sa animnaput tatlong libong hayop ang naipadala ng South Cotabato sa ibang lugar noong nakaraang taon.
Nakakolekta naman noon ng mahigit pitong libong piso ang lalawigan mula sa transport permits ng mga ito.
Ipinahayag ni OIC Veterinary Officer Flora Bigot, na nanatili pa ring mataas ang demand ng mga karne mula South Cotabato.
Ayon kay Bigot ligtas pa rin kasi sa Foot and Mouth Disease ang lalawigan hanggang sa ngayon. Tinanghal na Over All Champion sa National Schools Press Conference o NSPC 2016 sa Koronadal City ang CALABARZON o Region 4-A.
Ito ay matapos makapagtala ng pinakamaraming panalo sa lahat na kategorya ng limang araw na patimpalak.
Pumapangalawa naman sa Region 4-A ang National Capital Region at Pangatlo ang Region III.
Hindi man nakapasok sa top three Regions, nakasungkit din ng karagdagang panalo ang mga delegado ng Region 12 sa NSPC 2016.
Ang Region 12 ay pang anim sa Top 7 Performing Region sa Individual Category.
Wagi sa Science and Technology Writing sa elementary level ang Kidapawan City bilang second place at 4th place naman ang Tacurong City.
Tacurong City din ang tinanghal na third place sa Editorial Writing in English
Nasungkit naman ng Koronadal city ang pangapat na pwesto sa News writing English Category, elementary level .
Ang General Santo City Division ay tinahanghal naman bilang 5th placer sa Desktop Publishing Elementary Category.
Nadagdagan din ang panalo ng region 12 sa Secondary level ng mapili bilang 6th placer ang mga delegate ng Cotabato province sa Best Infomercial in English.
Si Hadelyn Kyan ng Sarangani Province ay second place sa Best in News Writing.
Si Amira Alisha Qumhaw ng Esperanza National High School sa Esperanza Sultan Kudarat ay napili bilang Outstanding Journalist.
Bago pa man ang closing program kahapon, nauna nang nakasungkit ng panalo sa NSPC 2016 ang mga NSPC contingent ng region 12 sa Kidapawan City,Sultan Kudarat at Koronadal City.
Nagpasalamat naman ni Anamarie San Diego, ang Over All Chair ng NSPC 2016 sa matiwasay at maayos na pagsagawa nito sa Koronadal City.
Ang NSPC 2016 sa Koroandal city ay nagtapos kahapon. Handa nang makapagsimula ng bagong buhay ang pitong mga balikbayang gurong Overseas Filipino Workers o OFW.
Ito ay matapos makatanggap ng tulong mula sa Department of Labor and Employment o DOLE region 12.
Ayon sa gurong si Emilord Zona Alegre ng Norala, South Cotabato, hindi nito pinalagpas ang tulong ng DOLE dahil mas kailangan siya ng kanyang pamilya dito sa Pilipinas.
Ang lisensyadong guro na si Alegre ay nagtrabaho bilang domestic helper sa Hongkong mula 2009 hanggang 2013.
Hindi naman makalimutan ni Michelle Rarican ng Isulan, Sultan Kudarat ang pagalis nito bisperas ng Pasko para magtabaho bilang domestic helper sa Singapore noong 2008.
Sina Rarican at Alegre ay kabilang sa mga nakinabang sa Sa Pinas,Ikaw and Man/SIR o SPIMS ng DOLE.
Ang mga balikbayang guro ay nabigyan ng tig sampung libong pisong halaga ng teaching kits.
Kabilang sa natnaggap ng mga ito ang tablet, Portable Digital Amplifier at iba pang gamit sa pagtuturo.
Sila ay mapabilang din sa tatlumput tatlong mga nagbalikbayang guro sa rehiyon dose na mabibigyan ng teaching positions ng DepEd sa mga susunod na buwan.
Ayon kay Jeanette Enolpe, ang Regional Coordinator ng National Reintegration Center for OFW ng DOLE, layon ng SPIMS na mahikayat ang mga gurong OFW na bumalik at magtrabaho sa bansa.
Arestado ang apat katao dahil umano sa paggamit ng illegal na droga sa Surallah, South Cotabato.
Kinilala ng Surallah PNP ang mga suspek na sina Richard Gordon Biente Tres anyos Renando Orlanda trenta’y kwatro, at Junbee Ginez.
Kasama din sa mga naaresto ang disi sais anyos na menor de edad.
Ang mga suspek ay akto umanong nahuling gumagamit ng illegal na droga sa Orlanda Residence, Zone XII, Barangay Libertad, Surallah, South Cotabato, kamakalawa.
Maliban sa drug paraphernalia nakuha ng mga pulis sa kanila ang dalawang sachet ng suspected shabu at walong sachet na may bakas pa ng illegal na droga.
Inihahanda na ng Surallah PNP ang pagsasampa ng aksong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa tatlong suspek.
Ang menor de edad naman na kasama ng mga ito ay ibibigay naman ng PNP sa pangangalaga ng municipal social welfare and development office o MSWDO Surallah.

Former Sen. Rene Saguisag dies

MANILA — Former Sen. Rene Saguisag, a human rights lawyer and defender, has died Wednesday morning, his lawyer son, Rebo Saguisag, announced on...

P340K na halaga ng smuggled cigarettes, natagpuan sa Maguindanao del Norte

COTABATO CITY - MAHIGIT P340,000 na smuggled cigarettes nasamsam sa baybayin ng Simuay, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte. Sa isinagawang Anti...

Maj. Gen. Rillera honors wounded soldiers in clash with BIFF in MagSur

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Major General Alex S. Rillera PA, Commander of the 6th Infantry Division/Joint Task Force Central, led the...

Cotelco announces power interruption sked in Kidapawan

TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following scheduled date...

Cotabato Light announces power service interruption for April 25

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company has announced a scheduled power interruption for April 25, Thursday affecting Bubong, Kalanganan...