Wednesday Apr, 24 2024 11:22:55 AM

NDBC BIDA BALITA Feb. 29. 2016

Breaking News • 01:58 AM Tue Mar 1, 2016
1,646
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

FEBRUARY 29,
2016 (MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. APAT KATAO, kabilang ang dalawang
mga bata, patay sa pamamaril sa Cotabato city

2. Satellite office ng NBI sa Kidapawan
City, magbubukas na ngayong Biyernes

3. PASYENTE, tumalon sa ikatlong
palapag ng South Cotabato provincial hospital, patay

4. USM-Carabao center worker, natagpuang patay Sa detalye ng mga balita....DEAD ON THE SPOT ang tatlo katao,
habang dead on arrival naman sa pagamutan ang isa pa matapos pagbabarilin sa
Rajah Tabunaway Boulevard, barangay Poblacion Singko, Cotabato city pasado alas
dos nang hapon kahapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Rahima
Tan Macarido, 40 years old, mga anak nitong sina Jerry Tan Macarido, 10 years
old at Sunshine Inten Tan, 11 years old, at ang habal-habal driver na si Jaiber
Miraato, 26, pawang taga- Lugay Lugay, Brgy. Bagua Uno, ng lungsod.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng City
PNP, binisita lang ng mag-iina ang nakakulong na padre de pamilya nila na si
Mimang Macarido sa city jail.

Nakulong si Macarido dahil sa kasong
murder at illegal possession of firearms.

Pauwi na ang mag-iina mula sa city jail
sakay ng habal-habal na minamaneho ni Miraato nang pagbabarilin ng dalawang mga
suspek.

Naglakad lang ang di pa kilalang mga suspek
patungong Sinsuat Avenue matapos gawin ang krimen.

Samantala, na-recover naman sa crime
scene ang labing limang empty shells ng cal. 45 pistol at pitong empty shells
ng 9mm pistol.

Naniniwala naman ang mga otoridad na
posibleng rido ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa mga biktima.

Sabi naman ni City PNP Dir. Sr. Supt.
Raul Supiter na may kuha ang CCTV cam hinggil sa posibleng mga suspek sa
krimen.

Tiniyak ni Supiter na gagawin ang lahat
para matukoy at mapanagot ang salarin. Arestado ang isang barangay Kagawad matapos umanong makabaril at makapatay sa Koronadal City. Kinilala ni Superintendent Barney Condes ang Chief of Police ng Koronadal ang suspek na si Dante Manuel, trenta’y dos anyos,Kagawad ng Barangay Namnama, sa lungsod.Si Manuel ayon kay Condes ang umano’y bumaril sa biktimang si Ronelo Galayogo, trenta’y uno anyos, residente ng PUrok Ferry, Namnama. Ayon kay Condes binaril umano ng barangay kagawad ang si Galayogo, dahil nagalit ito sa ingay ng open pipe na motorsiklo ng biktima.Ang biktima ay dead on arrival sa South Cotabato provincial hospital dahil sa tama ng baril sa kanyang likod. Naganap ang pamamaril sa Purok Magsaysay, Barangay Namnama, dakong alas dos ng madaling araw noong Sabado.Ang suspek na barangay kagawad ay sumuko naman kay Namnama, barangay Chairman, Alfredo Sotelo.Ayon kay Sotelo nagpakawala lamang ng warning shot ang suspek dahil sa sobrang ingay ng motorsiklo ng biktima.Gayunpaman hini ito katanggap tanggap sa pamilya ni Galayoga na sumisigay ngayong hustisya. Maliban sa kasong pagpatay ang suspek na barangay kagawad ay maari ring maharap sa kasong pagbalag sa Comelec gun Ban.Ito ay matapos matuklasan na illegal o walang dokomento ang 22 rifle na umano ay ginamit nito sa pagbaril sa biktima. HULI SA
ISINAGAWANG DRUG BUY BUST operation sa Midsayap, North Cotabato ang isang
indibidwal na matagal nang nagpapanggap bilang isang pari.

Kinilala ni
Midsayap PNP chief police supt. Tom Tuzon ang naarestong suspek na si John
Ferolin alyas Fr. John.

Sabi ni
Tuzon, matagal na nilang minamanmanan si Ferolino dahil kabilang ito sa
kanilang priority watchlist.

Sa
interogasyon kasi sa mga nauna nadakip na suspek ay lumalabas ang pangalan ni
Ferolino bilang tulak ng shabu sa PALMA-P area.

Kaya naman
kahapon pasado alas sais ng gabi ay naglunsad ng operasyon ang mga otoridad sa
bahay ng suspek sa lower Katinggawan, Midsayap.

Nabawi mula
sa posesyon ng suspek ang marked money at tatlong sachets ng shabu na
nagkakahalaga ng 7,500 pesos.

Ayon kay
Tuzon, iginigiit pa rin ni Ferolin na pari siya at tanggaling sa Don Bosco sa Maynila.

Gayunman, wala
naman itong maipakitang mga dokumento para patunayan ang kanyang sinasabi.

DINALA
NA ng Datu Odin Sinsuat PNP ang bangkay ng isang lalaki sa villa funeral homes,
sa Cotabato city matapos itong matagpuan pasado alas otso kagabi sa Brgy.
Kurintem ng bayan.

Sa paglalarawan
ng DOS PNP, ang di pa nakikilalang bangkay ng lalaki ay nase edad 25 to 30 yrs.
Old, may suot na polo shirt, dirty white pants, at nakagapos ang mga kamay.

May
tama ito ng bala sa ulo kaya naniniwala ang pulisya na biktima ito ng summary
execution.

Sa ngayon
ay hinihintay pa ng DOS PNP na may umako sa bangkay para makilala ito at
malaman ang motibo sa pagpaslang dito. NAG REPOSITION ang pwersa ng
Moro Islamic Liberation Front o MILF sa Salibo, Pagatin, Mamasapano, Shariff
Aguak sa Maguindanao para bigyan ng daan ang pwersa ang ginagawang operasyon ng
militar laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.

Ayon kay Government
Ceasefire Committee chairperson Carlos Sol Jr., ang pagtabi ng MILF ay hindi
kalituhan at malagay sa alanganin ang usapang pangkapayapaan.

Umaabot sa anim na libo ang
miyembro ng armadong grupong MILF at ang kanilang pamilya ang naninirahan sa naturang
mga bayan.

Nagsimulang lumipat ang MILF
nung nakaraang Sabado matapos na pumasok sa lugar ang militar, at sa ngayon
umaabot na sa 55 mga terorista ang napapatay ng mga sundalo kabilang na ang
kanilang mga supporter sa pitong araw na opensiba ng pwersa ng gobyerno.

Samantala,
binuksan naman ng MILF ang isa sa kanilang mga kampo para sa mga lumilikas na
residente dahil sa nagpapatuloy na sagupaan sa pagitan ng mga militar at
armadong grupo sa Lanao del Sur.

Ayon naman kay Abdullah Macapaar
o MILF commander Bravo, ang grupong nakakasagupa ng mga militar sa Lanao del
Sur ay kinabibilangan ng local na na-recruit sa Islamic State of Syria and Iraq
o ISIS.

Sabi
naman ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, naging posible
ang pag-kupkop ng MILF sa mga evacuees dahil sa naging kasunduan sa pagitan
nila at ng gobyerno.

Ang
mga lumikas na residenteng apektado ng bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at
mga armadong kalalakihan ay dinala muna sa Barangay Sandab sa bayan ng Butig,
na kilalang kuta ng isang sangay ng MILF na Bangsamoro Islamic Armed Forces, at
kung saan rin nag-oopisina ang kanilang peace negotiating panel.

Sinabi
pa ng OPAPP na tiniyak ng miyembro ng MILF Coordinating Committee on the
Cessation of Hostilities na si Ameruddin Usman na ipinaalam nila sa front
commander ng lugar ang pagkupkop sa mga evacuee.

Nasa
500 pamilya na ang ligtas na nailikas sa Brgy. Sandab, habang marami pang ibang
pamilya ang pumunta naman sa kanilang mga kaanak sa ibang barangay na malayo sa
ginaganapan ng engkwentro.

Sa
kabilang dako pa, itinuturo ng MILF ang hindi pagsasa-batas ng Bangsamoro Basic
Law o BBL na dahilan ng sagupaan ng mga sundalo at armadong grupo sa Butig,
Lanao del Sur.

Ayon
kay MILF vice chairperson Ghadzali Jaafar, taliwas sa mga impormasyong naiulat,
ang mga kalaban ng mga sundalo ngayon sa Butig ay hindi mga terorista, kundi
mga Moro.

Dismayado
aniya ang mga Moro dahil puro pangako lamang ang pamahalaan kaugnay sa peace
negotiations, ngunit wala namang naisasakatuparan.

Sinang-ayunan
rin ni Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Sec. Teresita
Deles ang dahilan ng nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at
armadong mga lalaki sa Mindanao.

Ayon
kay Deles, malaki ang pagka-dismaya ng mga taga-Mindanao sa hindi pagkakapasa
ng BBL. ABOT
sa mahigit isang libong mga mamamayan sa liblib na mga barangay sa Maguindanao na
ngayon ay lubhang apektado ng matinding tagtuyot ang nakabenipisyo sa mga
humanitarian mission ng People’s medical team ng Maguindanao provincial government,

Sinabi
ni People’s Medical Team leader Lynette Estandarte na mahigpit na ibinilin ni
Maguindanao governor Esmael ‘Toto’
Mangudadatu sa grupo na tutukan ang sitwasyon ng mga mamamayan sa mga liblib na
lugar.

Pinakahuling
relief mission ng team ay sa Rajah Buayan na tinamaan ng matinding pagbaha
noong nakaraang taon habang ngayong taon ay apektado naman ito ng matinding
tagtuyot.

Nabatid
na katuwang ng people’s medical team ng Maguindanao ang medics ng Army’s 40th
Infantry Battalion sa pangunguna ni Lt. Col. Joel Mamon.

Una
rito, nagsagawa rin ng kahalintulad na aktibidad ang grupo sa Barangay Tomicor,
Ampatuan at sa mga residente rin ng South Upi.

Patay ang isang pasyente matapos tumalon mula sa ikatlong palapag ng South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City, Sabado ng umaga.
Kinilala ang umanoy nag-suicide na si Crisanto Saldua, singkwenta’y tres anyos, residente ng Tampakan, South Cotabato.
Si Saldua ay ilang araw na ring na admit sa pay wing ng provincial hospital dahil sa iniinda nitong tuberculosis.
Ayon sa misis nitong si Anabele, napansin nitong tila kakaibang kilos ng kanyang mister ilang araw bago pa ito nagpakamatay.
Hindi na nagawa pang pigilan ng mga gwardiya sa ospital si Saldua, dahil nagmamadali itong umakyat sa third floor ng ospital at lumundag.
Naniniwala naman ang misis ni Saldua na kaya ito nagpakamtay dahil hindi na nito kayan ang iniindang sakit na Tuberculosis.
Naghahanda na para sa 6th Summer Training Festival ang lokal na pamahalaan ng Koronadal.
Sa katunayan ayon kay Koronadal City Sports Coordinator Tony Aguilar sisimulan na na nila ang registration sa susunod na linggo.
Ayon kay Aguilar, abot sa tatlumput apat na sports and arts clinic ang maaring pagpipilian ng mga batang nais mag enroll sa Summer Training Festival.
Kabilang sa mga ito ang training sa iba’t ibang larangan ng sports, sayaw, speech, patugtog ng musical instruments at iba pa.
Nadagdag din sa maaring pagaaralan ng mga bata ngayong taon ang basic photography at wrestling
Ayon kay Aguilar kapansin pansin kasi ang paghakot ng medalya ng mga bata sa wrestling sa Batanang Pinoy Games noong nakaraang taon.
Layon ng Summer Training Festival na gawing kapakipakinabang ang bakasyon ng mga bata sa Koronadal City sa pamamagitan ng paghasa sa kanilang kasanayan. Nakakulong na ngayon sa Koronadal City PNP lock up ang apat katao kabilang ang isang babae.
Ito ay magtapos matimbog sa operasyon laban sa illegal na droga ng mga pulis sa Purok Katipunan, Barangay General Paulino Santos noong Sabado.
Kinilala ni Superintendent Barney Condes, ang Chief of Police ng Koronadal ang mga suspek na sina Jeres Fajimolin, Jario Nalon, Mark Nalon, at Lovelie Magan.
Ang mga suspek ayon kay Condes, ay aktong nahuling gumagamit ng illegal na droga sa loob ng isang bahay sa lugar.
Ipinahayag ni Condes na agad na isinagawa ng mga pulis ang kanilang anti illegal drug operation matapos makatanggap ng tip sa illegal na gawain ng mga suspek.
Nakuha sa mga ito ang tatlo sachet na may bakas ng illegal na droga , drug paraphernalia, 38 revolver at tatlong mga bala nito.
Maliban sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang mga suspek ay maari ring maharap sa kasong paglabag sa election gun ban.
Samantala, Arestado din ang lima katao dahil sa paggamit ng illegal na droga sa Barangay Santa Cruz Koronadal City.
Kinilala ang mga suspek na sina Ryan Deblois, disi nuebe anyos, taga Purok Kahirup, Barangay Sto, Nino, Koronadal Eduardo Dolendo kwarenta anyos Jeffrey Prinsesa trentay kwatro anyos, pawang mga residente din ng Barangay Santa Cruz.
Kasama din sa mga inaresto sina Ruby Galvez biente anyos ng Purok Magsaysay, Barangay Zone I, at Michelle Jose, biente anyos ng Purok Tuburan, Santa Cruz.
Ayon kay Glorio Sandig, ang Action Officer ng City Anti Drug Abuse Council o CADAC ang limang mga suspek ay isinumbong mismo sa mga pulis ng may ari ng lodge na tinutuluyan ng mga ito .
Ang mga suspek ay aktong nahuling gumagamit ng illegal na droga sa mismong kwartong kanilang inukopa sa Sky Inn pasado alas dyes Sabado ng gabi.
Nakuha ng mga pulis sa mga ito ang walong sachet ng suspected shabu, dried marijuana leaves, tooter at iba pang drug paraphernalia.
Kinumpirma din ni Superintendent Barney Condes, ang Chief of Police ng Koronadal na ang suspek na si Prisesa ay nasa drug watchlist ng PNP.
Inihahanda na ng Koronadal City PNP ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa mga suspek. Nangunguna pa ring problema sa ngipin ng mga bata sa South Cotabato ang dental caries.
Ayon kay Dr. Normie Buison ng Philippine Dental Association-South Cotabato Chapter ay dahil sa hindi regular na pagsipilyo ng ngipin.
Ayon kay Buison kailangan ng mga bata sa South Cotabato ngayon ang oral health attention.
Ito ang dahilan kung bakit pinaiigitng ng grupo ng mga dentista sa lalawigan ang kanilang outreach program bilang pagdiriwang ng Oral Health Awareness Month ngayong Pebrero.
Kabilang sa mga nakinabang sa libreng serbisyo ng mga dentisat ang mahigit isang libong mga bata.
Ang mga ito ay mula sa mga liblib na barangay ng Tantangan, Tampakan, Surallah, T’boli, at Lake sebu.
Bukod sa libreng bunot ng ngipin tinuruan din sa mga ito ang tamang pangangalaga ng ngipin.
Tema naman ng Oral Health Awareness Month ngayon ang Kalinisan ng Ngipin Laging Panatilihin, Kumain ng Masustansiyang Pagkain,” Maagang nagbigay ng paalala ang Bureau of Fire Protection o BFP Kidapawan City sa mamamayan na laging mag-ingat upang maiwasan ang sunog.Ginawa ito ng BFP bilang bahagi ng paghahanda sa buwan ng Marso na siyang fire prevention month.Kalimitang sanhi ng sunog ay kapabayaan kaya’t pwede itong maiwasan sa pamamagitan ng ibayong pag-iingat at paghahanda.Sa datus mula sa BFP Kidapawan dalawa lang ang naitalang sunog sa lungsod simula nitong Enero a-uno 2016, hanggang sa kasalukuyan.Pinakahuling insidente ay nitong nakaraang Miyerkules ng gabi kung saan nilamon ng apoy ang buong stock room o carpentry ng Cotabato Provincial Government sa Capitol Compound, Amas Kidapawan City.Umabot naman sa higit limang milyong pisong danyos nito na ngayon ay patulong pang iniimbestigahan ng BFP ang naging sanhi ng nabanggit na sunog.Kaugnay nito, isang Kick off activity naman ang gagawin ng BFP-Kidapawan kung saan sisimulan ito bukas, alas 4and00 ng madaling sa pamamagitan ng isang FUN walk at motorcade.Tema ngayong taon ng fire prevention month ay Kaalaman at pagtutulungan ng Sambayanan, kaligtasan sa sunog ay makakamtan. Umabot na ngayon sa halos 60 million pesos ang danyos sa Agrikultura sa Matalam, North Cotabato dahil sa El Niño at Rat Infestation na tumama sa lugar.Matapos na isinailalim sa state of Calamity noong nakaraang linggo ang bayan, pinag-aaralan na ngayon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMC ang mga hakbang para sa mga apektadong sektor.Matatandaang malaking area at halos lahat ng barangay sa Matalam ang naapektuhan ng tagtuyot at Rat Infestation.Dahil sa nabanggit na mga kalamidad nagresulta naman ito ng FAILURE sa ani at pagbaba ng income ng mga magsasaka sa lugar.Isa sa mga ikinokonsidera ngayon ng LGU ay ang pagsasagawa ng relief operation sa mga barangay at pamamahagi ng seedlings sa mga apektadong magsasaka. MAGBUBUKAS na ngayong Biyernes, March 4, ang satellite office ng National Bureau of Investigation o NBI sa Kidapawan City.Gaganapin dakong alas-9 ng umaga ang inauguration ng naturang opisina na matatagpuan sa Overland Terminal sa may Ninoy Aquino Avenue.Ang pagpasok ng NBI sa Kidapawan City ay base sa imbitasyon ng Kidapawan City Government.Malaki kasi ang pakinabang ng NBI sa mga mamamayan ng lungsod na ‘di na kailangang pumunta pa ng NBI office sa Bansalan, Davao del Sur o di kaya naman sa Cotabato City para lamang makakuha ng NBI clearance.Nakatakdang dumalo sa inauguration ng NBI satellite office ang matataas na opisyal ng NBI Region 12 at city LGU. Plano ngayon ng Kidapawan City Government na paigtingin pa ang Technical Education and Skills Development o TESDA program sa lungsod ngayong 2016.Sinabi ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista, layunin ng LGU na gawing Regional Technical and Vocational HUB ang Kidapawan City para mas mapalakas at madagdagan pa ang kasalukuyang bilang ng mga kabataang nakapagtapos ng technical education sa lungsod.Ayon pa sa alkalde, hindi raw ito imposible lalo na na nasimulan na ang E-learning center sa Kidapawan na may sampung estudyante ngayong school year.Ang Technical Education ay malaking tulong lalo na sa mga magulang na nahihirapang magpa-aral sa kanilang mga anak dahil na rin sa matinding krisis ng panahon.Kaugnay nito,ngayon pa lamang, nagpahayag na ng kanyang suporta sa nabanggit na programa si TESDA Secretary Joel Villanueva na isa naman sa kanyang mga prayuridad sakali mang palarin ngayong darating na Mayo na nagpapili bilang Senador ng Pilipinas. Wala ng buhay ng matagpuan ang isang kawani ng Philippine Carabao Center ng University of Southern Mindanao sa mismong pinagtatrabahuan nito sa PCC-USM, Kabacan, North Cotabato alas 8:50 ng umaga noong Sabado.Kinilala ang biktima na si Rolando Landas, 33-anyos,na taga Bansalan, Davao del Sur.Nakita na lamang ng kanyang ka-trabaho na walang buhay ang biktima sa higaan nito na nasa isang kubo kung saan nito ginagatasan ang mga kalabaw.Ayon kay Police Ins. Maxim Peralta, deputy ng Kabacan PNP natural death ang sanhi ng pagkamatay ni Landas.Patuloy namang inaalam at iniimbestigahan ng Kabacan PNP kung may foul play sa pagkamatay ng biktima.

Former Sen. Rene Saguisag dies

MANILA — Former Sen. Rene Saguisag, a human rights lawyer and defender, has died Wednesday morning, his lawyer son, Rebo Saguisag, announced on...

P340K na halaga ng smuggled cigarettes, natagpuan sa Maguindanao del Norte

COTABATO CITY - MAHIGIT P340,000 na smuggled cigarettes nasamsam sa baybayin ng Simuay, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte. Sa isinagawang Anti...

Maj. Gen. Rillera honors wounded soldiers in clash with BIFF in MagSur

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Major General Alex S. Rillera PA, Commander of the 6th Infantry Division/Joint Task Force Central, led the...

Cotelco announces power interruption sked in Kidapawan

TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following scheduled date...

Cotabato Light announces power service interruption for April 25

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company has announced a scheduled power interruption for April 25, Thursday affecting Bubong, Kalanganan...