Wednesday May, 08 2024 03:18:09 PM

NDBC BIDA BALITA Feb. 3, 2016

 • 16:33 PM Wed Feb 3, 2016
1,862
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

FEBRUARY 03,
2016 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MGA MAMAMAYAN ng South Upi,
Maguindanao, nanawagan ng tulong sa pamahalaan dahil sa epekto ng matinding
tagtuyot at pagsalakay ng mga daga sa kanilang sakahan.

2. TATLO KATAO, sugatan sa pagsabog ng bomba
sa Tacurong City

3. 27-taong gulang na babae, ginahasa
bago pinatay sa Matalam, North Cotabato suspek, arestado

4. PANGULONG AQUINO, magbibigay ng sampung
libong piso sa lahat ng kawani at opisyal ng DSWD bilang anniversary bonus

AT SA DETALYE NG MGA BALITA AMINADO ang mga residente ng South Upi,
Maguindanao na hindi sapat ang kanilang paghahanda sa kabila ng paulit ulit na
nararanasan nilang epekto ng tagtuyot sa kanilang bayan.

Lalo na ngayon na maliban sa matinding
init ay inatake pa ng mga pesteng daga ang kanilang mga pananim.

Nang magtungo ang DXMS Radyo Bida sa naturang
bayan kahapon, sa biyahe pa lang ay kapansin-pansin ang tigang na lupa, tuyong
mga maisan at mga puno na halos wala ng dahon.

Malungkot at dismayado si Layla
Dismanas ng Barangay Kuya, dahil sa perwisyong dulot ng El Niño at mga daga.

Hirap naman si Jocelyn Sardoma kung
paano tipirin ang lahat ng natitira nilang mga pagkain at tubig na unti unti na
ring nauubos.

Maliban sa pagkain at tubig problema na
rin niya ngayon ang pagpapagamot sa kanyang mga anak na nagkakasakit na.

Hindi naman alam ni Elizabeth Silvestre
ng Sitio Gila-Gila kung paano siya makakapagsimulang muli.

Mag-isa lang kasi siyang kumakayod para
sa kanyang mga anak at pagsasaka lang ang alam niyang hanap-buhay.

Hiling ni Elizabeth, sana'y bigyang
pansin ng gobyerno ang kanilang sitwasyon.

PERO SA KABILA NG NARARANASANG TAGTUYOT
at pananalasa ng pesteng daga, nananatiling positibo ang pananaw ng mga
taga-South Upi na makakabawi rin sila sa kanilang hanap buhay.

Isa si Lola Loyda Pascual na nagpakita
ng kanyang ngiti at nagpahayag ng kanyang positibong reaksyon dahil sa tulong
na kanilang natatanggap.

Sa ngayon nagsisikap si Lola Loyda na
gumawa ng banig at iba pa para ibenta upang pambili ng bigas.

Samantala, sinabi ni South Upi vice
mayor Remegio Sioson na anumang araw mula ngayon ay isasailalim na nila sa
State of Calamity ang bayan.

Ito ay para magamit ang kanilang
calamity fund pantugon sa mga pangangailangan ng mga apektadong residente.

Sa inisyal na pagtaya ng Municipal
Social Welfare and Development Office ng bayan, mahigit 12 libong pamilya o
nasa 60 libong mga indibidwal ang apektado ng kalamidad sa 11 mga barangay
doon.

Sinabi ni municipal social welfare and
development officer Renita Lomungsod, pangunahing pangangailangan ng mga
mamamayan sa bayan ay pagkain, tubig at mga gamot.

Sabi ni Lomungsod, lubos na naapektuhan
ang mga barangay ng Kuya, Pandan at Itaw na target ngayon ng unang bugso ng
relief assistance mula sa Maguindanao provincial government at ARMM government
sa pamamagitan ng ARMM HEART.

Nabatid na tatlong mga bata na ang
nasawi dahil sa pagtatae at dehydration.

Isang magsasaka naman ang namatay
matapos magbigti dahil sa matinding depresyon nang masira ang kanyang taniman.

Tatlo sugatan sa pagsabog ng IED sa Tacurong City, Sultan Kudarat Sumabog ang isang improvised explosive device sa ilalim ng Toyota box type vehicle na nakaparada sa gilid ng daan sa Jose Abad Santos Street, Tacurong City, Sultan Kudarat mag-aalas dos ng hapon kahapon.Ito ay ikinasugat naman ng tatlo katao na pawang mga bystanders sa lugar. Kinilala ng Tacurong City PNP ang mga biktima na sina Pepito Patricio, Arniel Pawaon at Freddie Tumindig.Ang mga biktima na pawang nagtamo ng minor injury ay agad namang dinala sa iba’t ibang mga ospital sa Tacurong City.Basag din ang salamin ng isang tricyle na tyempong napadaan sa lugar nang tamaan ng shrapnel ng sumabog na IED. Maging ang bumper ng box type Toyota vehicle kung saan iniligay sa ilalim nito ang pampasabog ay nawasak din.Di pa makumpirma ng mga otoridad kung target din ng mga suspek ang may ari ng naturang sasakyan na si Marilyn Coles.Ayon kay Tacurong Chief of Police, Superintendent Ranie Hachuela, ang sumabog na bomba ay hinaluan ng pulbura.Narecover din ng mga kasapi ng Scene of the Crime Operatives o SOCO sa blast site ang ilang mga pako at wire na ginamit sa IED.Umaasa naman ang PNP ayon kay Hachuela na makatutulong ang kuha ng Close circuit television o CCTV camera sa kalapit na establisemento para matukoy nila kung sino ang mga suspek at ano ang motibo ng mga ito sa krimen.Inaalam pa ng mga otoridad kung anong uri ng pampasabog ang nareocver sa lugar.Naganap ang pagsabog kasabay naman ng patronal fiesta ng Tacurong City.Matatandaan na isang IED rin ang na detonate ng mga otoridad malapit lamang sa lugar na pinasabogan kahapon noong nakaraang buwan. Patay sa pamamaril ang isa katao sa Tupi, South Cotabato. Kinilala ng Tupi PNP ang biktima na si Randy Feleciano, kwarenta’y kwatro anyos, security guard ng isang kooperatiba sa bayan.Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na si Feleciano ay binaril habang nasa harapan ng isang karenderya sa National Highway, Barangay Polonuling, Tupi, dakong alas nuebe kinse ng umaga kamakalawa.Ang biktima ay dead on the spot dahil sa tama ng bala ng 45 pistol sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan. Ang di kilalang suspek na bumaril sa kanya ay tumakas sakay ng motorsiklo natapos gawin ang pamamaril.Inaalam pa ng pulisiya kung sino ang suspek at ano ang motibo nito sa pagpatay sa biktimang security guard. KALABOSO
ngayon sa lockup cell ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG - Maguindanao
ang isang lalaking suspek sa pagpatay.

Naaresto ng
CIDG ARMM sa pangunguna ni Police senior Inspector Allan Uy ang suspek na si
Mario Luis sa Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao sa bisa ng arrest warrant
na inihain ni Judge Bansawan Ibrahim, RTC 12, Branch 13 Cotabato City.

Si Luis ay
nahaharap sa kasong Murder na may
criminal case number 2015-7359 mula pa noong May 18, 2015.

Nabatid na
hindi maaring makapagpiyansa si Luis sa kasong kanyang kinakaharap.

Samantala,
huli rin ng Maguindanao CIDG ang suspek na si JEFFREY TEBAN sa Brgy Romongaob,
South Upi, Maguindanao

Si Teban ay
nahaharap sa kasong serious illegal detention at limang kaso ng rape.

Nabatid na
ang naturang suspek ay kabilang sa top most wanted person sa bayan ng South
Upi.

Kasalukuyan
namang nakakulong ang suspek sa CIDG ARMM lock-up cell.

Tuloy tuloy
naman ang pagtugis ng Maguindanao CIDG sa mga kriminal lalong lalo na sa mga
most wanted person ng lalawigan. NAGPAHAYAG
ng lubos na pagkadismaya si Maguindanao 1st District and Cotabato city
representative Bai Sandra Sema sa aniya ay patuloy na dinaranas na
diskriminasyon ng mga mamamayang bangsamoro.

Sa
kanyang privilege speech kamakalawa, ini-ugnay niya ang kalagayan ng mga
mamamayang Moro sa pagdiriwang ika-26 na anibersaryo ng pagkakabuo ng Saligang
Batas ng Pilipinas kahapon.

Iginiit
ng mambabatas na hindi pa man nabuo ang saligang batas ay sibilisado na ang mga
mamamayang Moro sa Mindanao na nakipaglaban at tumangging magpasakop sa mga
dayuhan.

Kaya
aniya, nararapat na bigyang halaga ang bangsamoro bilang mga Pilipino.

Binigyang-diin
ni Sema na nararapat lang ang pagkakaroon ng otomiya sa bangsamoro region.

Aniya,
karapatan din ng mga mamamayang bangsamoro na mabuhay ng malaya na naaayon sa
Saligang Batas.

Dagdag
pa ni Sema, karapatan din ng mga mamamayang Moro na ma-protektahan ng batas na
hindi hinuhusgahan at manatiling inosente hanggang sa mapatunayang nagkasala.

Aniya,
karapatan ng bangsamoro na magkaroon ng de kalidad na edukasyon, desenteng
tirahan at maayos na kabuhayan.

Ayon
sa mambabatas, higit sa lahat, karapatan ng mga mamamayang bangsamoro na
mabuhay ng mapayapa at matamasa ang kaunlaran.

Ito,
ayon kay Congresswoman Sema, ang dapat ginagarantiya ng Saligang Batas.

Subalit
tila mailap at ipinag kakait pa rin ito ng maraming mga lider ng bansa.

Sabi
pa ni Sema, kasabay ng pagkabigong maipasa bilang ganap na batas ng BANGSAMORO
BASIC LAW, ay tila naglaho rin ang pangarap ng mga mamamayang bangsamoro.

TIYAK NA MAPAPAHIYA ang mga
kandidato na maglalagay ng mga poster sa mga hindi awtorisadong lugar kapag
nagpatupad na ng shame campaign ang Commission on Elections o Comelec.

Ito ang banta ni Comelec
Chairperson Andres Bautista, kasabay nang pinasok nitong kasunduan kina
Department of Public Works and Highways o DPWH Sec. Rogelio Singson, at
Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Chairperson Emerson Carlos
para sa pinag-isang puwersa laban sa mga epal candidates” na hindi susunod sa
patakaran ukol sa common poster areas.

Nabatid na tatanggalin ng
DPWH at MMDA ang mga campaign material na nakalagay sa mga hindi dapat na
lagyan ng campaign materials habang sa panig ng Comelec ay ililista ang mga
kandidatong lumalabag sa mga patakaran ng fair elections act upang makita ng
mga botante kung sino ang mga abusadong kandidato sa darating na halalan.

Pinayuhan naman ni Bautista
ang publiko na makipagtulungan para mai-report ang mga pasaway na kandidato.

Sa ibang mga lugar naman,
bibigyan din ng karapatan ang DPWH district offices para tanggalin ang mga
poster ng mga kandidatong nakalagay sa hindi tamang lugar.

Samantala, nanawagan naman
si Bautista sa netizens na kuhanan ng litrato ang mga campaign material ng
sinumang kandidato upang mapanagot ang mga ito. KULUNGAN
ang bagsak ng isang punong barangay sa Maasim, Sarangani matapos makuhanan ng
shabu at mga baril.

Kinilala
ang suspek na si Bonnie Sultan, punong barangay ng Lumatil, Maasim.

Nabatid
na nagsagawa ng raid ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA
12 sa limang bahay sa baragnay Lumatil, sa bisa ng search warrant na inilabas
ni RTC 35 Judge Oscar Noel Jr.

Negatibo
ang resulta ng raid sa apat na mga bahay maliban sa bahay ni Sultan.

Ito ay
matapos na makuha sa bahay ni Sultan ang isang sachet ng shabu, mga empty shell
ng caliber 45 pistol at 38 revolver, at cash na nagkahalaga ng 90 thousand
pesos.

Kinasuhan
na ng paglabag sa Republic Act 9165 ang punong barangay na ngayon ay nakakulong
sa selda ng PDEA 12.

Naghahanda na para sa The Science Tourand Agham na Randam ang Department of Science and Technology o DOST 12.
Ayon kay DOST 12 Regional Director Zenaida Raof Laidan, tampok sa aktibidad ang Symposium hinggil sa Climate Change, display ng mga entry sa Regional Invention Contest, Forum sa Small Enterprise Technology Upgrading Program at Halal certification Conference.
Paguusapan din dito ang naging epekto ng mga bagong programa ng DOST sa mga mamamayan, at mga bagong teknolohiya na nabuo ng ahensya.
Ilulunsad din ayon kay Laidan ang kanilang ONEStore, ito ay isang online marketing strategy para sa mga maliliit na negosyante.
Ang The Science Tourand Agham na Randam ay gaganapin sa KCC Convention Hall sa General Santos City sa February 16 hanggang 18.
Ayon kay Laidan, ito ay inaasahang dadaluhan ng mahigit isang libong mga kinatawan mula sa industry at private sectors, local government units, national government agencies, non-government institutions, civil society organizations, academic profesionals at mga estudyante.
Nilinaw naman ni Laidan na libre ang registration para sa aktibidad at ito ay bukas din sa lahat ng sector.
Ang mga mamamayan na interesadong makilahok dito ay maaring magpatala sa pamamagitan ng DOST website na and//www.region12.dost.gov.ph/ www.region12.dost.gov.ph .
Iwasan muna ang pag laser sa mga ulap na maaring magdadala ng ulan.
Ito ang panawagan ni Justina Naverete ang provincial agriculturist ng South Cotabato sa mga mamamayan ng lalawigan.
Ayon kay Navarete isa sa mga dahilan kung bakit tila walang epekto ang cloud seeding operation ng Department of Agriculture ay ang pag-laser sa mga ulap.
Ito ayon kay Navarete ay lalo ding nagpapainit ng temperatura.
Ipinahayag ng provincial agriculturist na sa kabila ng pagbabadya nito, hindi pa rin natutuloy ang mga pag-ulan dahil sa paglaser ng mga ulap lalong lalo na sa Koronadal City.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Navarete na hihilingin nila sa Sangguniang Panlalawigan na bumalangkas ng ordinsa na ipagbawal muna ang laser sa lalawigan, habang nararanasan pa ang epekto ng El Nino Phenomenon.
Maging si South Cotabato governor Daisy Avance Fuentes ay hiniling na sa publiko na magdasal para umulan.
Ito ay matapos sabihin na walang epekto ang cloud seeding operation ng Department of Agriculture.
Ayon kay Fuentes ang kawalan ng ulan sa kabila ng cloud seeding operation ng ahesnya ay patunay lamang na hindi kaya ng taong baguhin anuman ang kagustuhan ng poong maykapal.
Paguusapan naman Task Force El Nino ng South Cotabato sa kanilang pagpupulong bukas ang pagpapaigting ng mga programa para maibasan ang epekto ng El Nino Phenomenon.
Isinailalim sa state of calamity ang Barangay Sta. Cruz sa Koronadal City.
Ayon kay Sta Cruz Barangay Chairman Reuben Tano ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa kanilang lugar.
Ayon kay Tano, dalawamput isa katao na ang nagkasakit ng dengue sa Barangay Santa Cruz mula disyembre 2015 hanggang Enero ngayong taon.
Ang nakababahala pa ayon kay Tano, ang mga ito ay pawang nasa Purok Bayanihan lamang.
Ipinahayag ng Barangay Chairman na posibleng naging dahilan nito ay ang stagnant na tubig mula sa mga flowing na matatagpuan sa lugar.
Ang mga ito ayon kay Tano ay pinagtulungan nang linisin ng mga mamamayan at barangay officials.
Nakapag-spray na rin ng chemical kontra sa lamok na nagdadala ng dengue ang barangay.
Ayon kay Tano layon ng pagdeklara ng state of calamity sa Barangay Santa Cruz ay upang magamit ang kanilang quick response fund para sa mga programa upang labanan ang dengue.
Ipinahayag ni Tano na sa pamamagitan nito ay lalo pang mapalawak ang kampanya kontra dengue sa buong barangay .
Ayon kay Tano, para mapaigting ang kanilang kampanya kontra dengue, itinatatag sa barangay Sta Cruz ang Barangay Anti-Dengue Campaign Committee at Purok Anti-Dengue Task Force. Tinutugis na ngayon ng Kidapawan City PNP ang mga suspek na responsbale sa panloloob ng isang establisyemento sa Quezon Boulevard, Kidapawan City alas 12:55 ng tanghali kahapon.Ang naturang establishmento ay nagbebenta ng Liquid Petroleum Gas o LPG na pagmamay-ari ng isang Gerry Rosemilla.Abot naman sa halos tatlong libong piso na cash ang natangay ng dalawang suspek sa naturang tindahan.Sa salaysay ng delivery Staff ng tindahan, malakas umano ang loob ng mga suspek ng pumasok sa establisyemento dahil ni takip sa mukha ay wala ang mga ito.Nakapanayam naman ng Radyo Bida ang anak mismo ng may-ari na si Christel June Rosemilla sa pamamagitan ng Facebook account nito, aniya, pagpasok ng dalawang suspek ay agad silang nagdekalara ng hold up sabay tutok rin sa bitbit na kutsilyo.Dahil sa takot ibinigay nito ang kanilang kita sa araw na iyon.Sinubukan pa umanong habulin ng isang Alyas tata ang dalawang suspek na mabilis tumakbo papalayu pero sa unahan ay may nakaabang na raw na motorsiklo patungong Magsaysay area ng lungsod.Nabatid na ilang kaso na naman ng pagnanakaw ang naitala sa Kidapawan City sa pagpasok pa lang ng 2016 na patuloy naman ngayong hinahanapan ng solusyon ng PNP. Mariing itinanggi ni Calixto Juntilla, brgy. Chairperson ng Pangao-an sa bayan ng Magpet ang report na isa umano sa kanyang mga residente ang binaril ng isang Konsehal ng bayan.Ito ang naging pahayag ni Juntilla kaugnay sa mensahe na natanggap ng Radyo Bida Kidapawan sa umano, binaril ni Municipal Councilor Boboy Apostol at natamaan pa sa paa ang isang 20- anyos na lalaki na si Joey Antona matapos itong mag-amok sa Sitio Palo 2 ng Barangay.Una rito, huwebes ng gabi noong nakaraang linggo, unang nag-amok si Joey Antona at hinahanap ang kanyang ama na si Ricky Antona dahil papatayin raw nito.Nag-ugat naman ang galit ng anak sa kanyang ama dahil sa pera. Agad namang tinungo ni Juntilla ang lugar pero umalis na raw ang binata kaya di nila naabutan.Kinabukasan ay muli na naman itong nag-amok at pagresponde ulit nila kasama ang mga barangay tanod ay sila na mismo ang sinubukang tagain ng suspek.Humingi na rin daw sila ng tulong sa Magpet PNP at dahil sira raw ang sasakyan ng PNP sa mga oras na iyon ay hindi sila nakapag responde sa lugar.Doon na tumulong at pumagitna si Councilor Boboy Apostol.Nadatnan pa nito na nag-aamok ang suspek at muntik rin siyang tinaga nito.Nilinaw naman ni Kgwd Apostol na Tubo ang kanyang dala at hindi baril nang rumesponde sa lugar.
Ayon kay Apostol hindi niya binaril ang suspek, tumakbo kasi raw sa kabilang bahay ang binata dahilan para matusok ng kawayan ang kanyang paa.Mismong si Apostol pa umano ang nagpagamot sa suspek. Matapos ang insidente agad namang humingi ng pasensya si Joey sa opisyal sa idinulot nitong gulo sa kanilang lugar. Kasong rape with Homicide ang kakaharapin ngayon ng 35-anyos na lalaki matapos nitong gahasain at patayin ang biktima na si Ivy Gallogo-Idul sa Purok Union, Brgy Central Malamote, Matalam, North Cotabato, linggo ng hapon.Kinilala ni Chief Ins. Sunny Leoncito, hepe ng Matalam PNP ang suspek na si Henry Perez-Gumanit Alyas Bobong, kapitbahay lamang ng biktima.Agad namang naaresto ang suspek sa inilunsad na follow-up operations ng PNP.Positibo kasing itinuro ang suspek na siya ang pinakahuling lumabas sa lugar kung saan nangyari ang krimen.Sa imbestigasyon ng pulisya ala una ng hapon ng hanapin umano ng biktima ang kanyang ka live-in patner, hanggang sa makarating siya sa lugar kung saan nakaabang ang suspek.Nanlaban pa umano si Ivy pero hinampas siya ng matigas na bagay sa kanyang mukha dahilan para mawalan ito ng malay.Doon na siya hinila ng suspek sa gilid ng irrigation canal at ginahasa.Di pa nakontento ang suspek at tinaga pa nito ang noo ng biktima gamit ang dalang itak at sinakal pa gamit ang lubid.Nalaman pa ng PNP na bago gawin ng suspek ang karumal dumal na krimen ay nag pot session pa umano ito kasama ang tatlong iba ipang binata.Sila mismo ang nagturo sa suspek na siyang huling nakita sa crime scene. Samantala, isasailalim din sa DNA test ang nakolektang ebidensya partikular ang sigarilyo, semen, at buhok na nakuha sa kamay ng biktima para i-match sa nahuling suspek.Hustisya ngayon ang sigaw ni Lloy Idul sa sinapit ng kanyang kapatid.Inilarawan naman ni Lola Rebecca Penya ang apo nito na mabuting bata at may pangarap sa buhay.Agad namang nagpababa ng deriktiba si Governor Emylou Mendoza na bilisan ang imbestigasyon sa krimen.Sinagot na rin ng Provincial Government ang DNA test na kinakailangan sa pamilya ng biktima at sa pagpapalibing nito.NDBC BIDA BALITA

NDBC BIDA BALITA (May 8, 2024)

HEADLINES 1   MINDANAO PEACE process, posibleng maaapektuhan kung sakaling matalo ang MILF sa 2025 elections, ayon sa isang political...

Soccsksargen niyanig ng Magnitude 4.8 na lindol

NIYANIG NG Magnitude 4.8 ang Saranggani, South Cotabato at Sultan Kudarat kanina. Ayon sa Phivolcs, ang lindol ay tectonic in origin at...

Energy Conservation Tips - Air Conditioner for Cotabato Light

Kuryentalks: Energy Conservation Tips - Air Conditioner 1. Set a comfortable temperature on your thermostat. When using an air conditioner, set...

Thousands displaced as rival Moro groups clash in Maguindanao del Sur

COTABATO CITY --- Local officials are struggling to disengage two feuding Moro factions in Mamasapano town Maguindanao del Sur that clashed again...

USM professor, nag-public apology sa pag-angkin ng thesis ng isang USM student

Public Apology ng dating university professor sa kanyang estudyante dahil sa pangongopya nito sa kanyang thesis. Naglabas ng kanyang public...