Friday May, 03 2024 10:59:36 AM

NDBC BIDA BALITA Feb. 6, 2016

 • 21:57 PM Sat Feb 6, 2016
1,500
By: 
NDBC NCAT

FEBRUARY 06,
2016 (SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MILITAR AT BIFF muling nagkasagupa
sa Bayan ng Datu Salibo, Maguindanao.

2. Ilang grupo ng Moro Sa Mindanao,
nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa pagbalewala ng kongreso sa BBL

3. Mga pasaway na traffic enforcer sa
Tupi, South Cotabato pinatanggal ng alkalde

4. DEADLINE para sa mag-aapply ng
Senior High School Voucher Program ng DepED, EXTENDED

Sa detalye ng mga balitaKINUMPIRMA ni 6th Infantry Division
Philippine Army Public Affairs Office Chief Capt. Joan Petinglay ang nangyaring
bakbakan sa pagitan ng militar at miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom
Fighters o BIFF sa Sitio Dagading, Brgy. Tee, Datu Salibo, Maguindanao.

Nangyari ang insidente pasado alas-4:30
ng hapon kahapon.

Ayon kay Petinglay, mismo ang grupo ng
2nd mechanized Infantry Battalion, partikyular ang 22nd Mechanized Company ng
militar ang inatake ng BIFF sa pangunguna ng isang alias Bungos.

Nabatid na agad na nagpaputok ang mga
armado ng mapansin ang presensya ng mga sundalo sa lugar.

Ligtas naman ang hindi pinangalanang
opisyal ng 22nd mechanized Company na nagtamo ng sugat sa kanyang noo na agad
na isinugod sa pagamutan.

Humupa rin ang tensyon sa pagitan ng
dalawang grupo kagabi.

Agad namang nakapagdeploy ng
karagdagang presensya ng mga sundalo sa lugar na siyang magbabantay sa road
project.

IPINADIRIWANG
ngayon ang ika-68 taon ng Community Paper na Mindanao Cross sa pagsusulat at
paghayag ng tama, konkreto at mahahalagang pangyayari sa South Central Mindana.

Ang Mindanao
Cross ang pinakamatandang catholic news paper sa Mindanao.

Binigyang
diin ni Mindanao Cross editor in chief Eva Tan, na sa loob ng 68 taon,
kapayapaan ang kanilang matatag adbokasiya sa pagbibigay ng serbisyo sa
mamamayan.

At sa
paglipas ng taon hindi lang naging limitado ang serbisyo ng Mindanao Cross sa
dyaryo kundi pati na rin sa Social Media, mapa facebook, twitter at maging sa
website na ndbcnews.com.ph.

Lubos naman
ang pasasalamat ni Tan sa lahat ng bumubuo, sumusuporta at patuloy na
tumatangkilik sa Mindanao Cross na may motto na THE LITTLE PAPER WITH A
BIG CAUSE.

SAMANTALA,
taos puso naman ang pagbati ng Oblates of Mary Immaculate o OMI, Philippine
Province sa 68th founding anniversary ng Mindanao Cross.

Sa mensaheng
ipinaabot ni OMI Provincial Superior Fr. Lauro de Guia, OMI, inihayag nito na
nananatiling matatag ang naturang community newspaper sa loob ng mahabang taon.

Bilang isa sa
pinakamahusay na Community Newspaper sa buong bansa, malaki ang naging bahagi
ng Mindanao Cross sa pagbibigay ng inklusibo at konkretong impormasyon na
patunay lamang na karapatdapat sa kanilang mga natatangap na award.

Nagpasalamat
naman si Fr. De Guia sa bumubuo ng Mindanao Cross para sa tapat, dedikasyon at
pantay na serbisyo maging ang pagsuporta at pagsulong ng kapayapaan sa
Mindanao.

HINDI
NA NATAGPUAN PA ng isang lalaki ang kanyang motorsiklo pagkatapos nitong
maglaro ng bingo pasado alas 3and00 nang hapon kahapon sa Makakua street,
Barangay Poblacion 5, Cotabato city.

Ayon
sa salaysay ni Mohammad Kanapia Bansil, 28 anyos, residente ng Barangay Limbo,
Sultan Kudarat, Maguindanao, ipinarada niya ang kanyang Honda XRM 125 na may
license plate MO 3066 sa tabi ng kalsada para maglaro ng bingo.

Pero
makalipas ang halos dalawang oras pagbalik nito, ay wala na ang kanyang motorsiklo.

Naniniwala
si Bansil na siya ay biktima ng motorcycle theft kaya agad na nagreport sa
Police station number 1. DAHIL
SA BANTA NG EL NINO PHENOMENON, NAGLAAN na ng pondo ang Sugar Regulatory
Administration o SRA para sa nationwide cloudseeding operations para sa mga
maaapektuhang suplay ng asukal.

Aabot
sa 25.9 milyon ang inihanda ng SRA sa ilalim ng Climate Change Project.

Tututukan
ng cloudseeding ang Batangas, Camarines Sur, Tarlac, Pampanga, at Cagayan
Valley sa Luzon, samantalang may nakalaan ding pondo sa Davao del Sur at
Cotabato sa Mindanao.

Matatandaang
noong isang taon, umabot sa 167 milyon pesos ang halaga ng nawasak na pananim
sa isla ng Negros dahil sa pananalasa ng El Niño o tagtuyot.

Dahil
dito, agad iniutos na paghandaan ang nasabing operasyon upang hindi na maulit
ang nangyari.

Patuloy
ang koordinasyon ng SRA sa Bureau of Soils and Water Management at Office of
the Provincial Agriculturist ng Negros Occidental upang agad maayos ang mga
dokumento at logistics ng cloud seeding.

SISIMULAN
na ng Commission on Elections o COMELEC ang pagsasanay ng mga Board of Election
Inspectors o BEI sa ikatlong linggo ng
March 2016.

Layon
ng BEI training na ihanda ang mga gurong magsisilbi sa halalan upang maiwasan
ang aberya sa panahon ng botohan.

Kaugnay
nito, Tiniyak naman ng Department of
Education 12 na sapat ang bilang ng mga guro na maglilingkod sa darating na
eleksyon at magsisilbing BEI volunteer.

Bilang
BEI, makakatanggap ang bawat guro ng 2,000 pesos na training honorarium at
karagdagang 4,500 pesos bilang pagsisilbi sa mismong araw ng halalan.

Ipinatupad
naman ng Comelec ang dating pamantayan sa airtime limit ng mga kandidato para
sa national at local elections 2016.

Sa
implementing rules and regulations ng Fair Elections Act, bawat broadcast
network o originating station na ang pagbabasehan ng airtime limit sa
patalastas ng mga kandidato sa Eleksyon 2016 at hindi na ang kabuuang ads sa
lahat ng broadcast network.

Nakasaad
sa resolusyon na ang mga kandidato sa national position ay may hanggang 120
minuto na air time advertisement sa kada istasyon ng telebisyon at 180 minuto
naman sa kada istasyon ng radyo.

Para
sa mga kandidato sa lokal na posisyon, ang bawat kandidato ay may 60 minuto sa
bawat istasyon ng telebisyon at 90 minuto sa kada radyo.

Kinakailangang
ang patalastas ay samahan ng audible words na political advertisement paid
for,” at dapat sundan ng totoong pangalan ng kandidato o partido na
makikinabang sa election propaganda.

Sinibak na sa trabaho ang ilang mga traffic enforcer na nagpapatupad ng speed limit sa bayan ng Tupi, South Cotabato.
Ayon kay Tupi Mayor Reynaldo Tamayo, ito ay matapos ireklamo ng umanoy ay pangongotong ng mga motoristang kanilang hinuli.
Nabatid na sa halip na pagbayarin ng isang libong pisong dahil sa paglabag sa speed limit ordinance, may mga traffic enforcer umano sa Tupi na pinagbabayad na lamang ng limang daan ang kanilang mga hinuhuli.
Kapalit naman nito ang hindi na pag isyu ng resibo sa mga hinuhuling motorista.
Ang hinaing na ito ay ipinarating ng ilang mga bidang tagapakinig sa facebook page ng Radyo Bida Koronadal.
Binigyan diin naman ni Tamayo na alam na nito noon pa ang umanoy modus ng kanilang mga traffic enforcer kaya niya ito pinatanggal.
Babala pa nito sa mga traffic enforcers ng Tupi, handa ang lokal na pamahalaan na palitan silang lahat kahit ni isa man sa mga ito ang mapatunayang nangongotong sa mga motorista.
Ipinagutos din nito sa mga traffic enforcers na bantayan ang bawat isa upang hindi makapangotong.
Ito ang ipinahayag ni Tamayo kasabay ng pagkumpirma nito na patuloy pa ring pagpapatupad ng speed limit ordinance sa bayan.
Ayon kay Tamayo, hindi pa rin kasi nila natanggap ang desisyon ng korte na nagdeklara sa ordinansa bilang invalid o walang bisa.
Naglaan ng 2.12 million pesos na pondo ang lokal na pamahalaan sa 2016 Search for Cleanest and Greenest Local Government Unit sa South Cotabato.
Ang pondo ay gagamitin bilang incentive sa mga mananalong LGU.
Ito ang napagusapan sa orientation ng mga kasapi ng Techniwal Working Group o TWG kamakalawa.
Ayon kay Seigred Flaviano, ang OIC ng PEMO may binago sa mga criteria at mechanics para sa patimpalak ngayong taon.
Magkakaroon ng announce at unannounced evaluation ang TWG para sa patimpalak.
Nakatakda namang simulan ng TWG ang kanilang announced evaluation sa ngayong Pebrero.
Ang mananalo ay tatanggap ng mula limampu hanggang walong daang libong incentive.
Limang mga LGUs naman ang tatanggap ng tig sampung libong consolation prize.
Ang magwawagi ng Best in Community Garden Special Award ay tatanggap ng dalawampung libo at sampung libo naman ang Best Backyard Garden at Best Public Toilet.
Habang ang mga makatatangap ng Best Plaza and Parks, Best Public Market, Best Central Material Recovery Facility, Best Municipal Nursery and Best Roadside Beautification awards ay bibigyan ng tig tatlumpung libong piso.
Ang tatlong mananalong best barangay ay bibigyan ng mula sampu hanggang tatlumpung libo.
Layon ng Search for Cleanest and Greenest LGU na kilalanin ang mga prgorama para sa pangangalaga sa kalikasan ng mga lokal na pamahalaan. Ang awarding ceremony para sa mga magwawagi sa patimpalak ay isasabay sa 50th Golden Anniversary at 2016 T’nalak Festival sa Hulyo.
Sinimulan na ng mga kasapi ng Anti-Smoking Ordinance Task Force ang pag ispeksyon sa mga gusali at establisemento sa General Santos City.
Kabilang sa mga ito ang mga mall, at merkado publiko.
Hindi rin nakaligtas sa pag-inspeksyon ng Task Force maging ang hall of justice.
Layon nito na matiyak ang pagtalima sa ordinansa ng mga establisemento sa gensan.
Iniutos ng anti-smoking ordinance ang paglalagay ng smoking area ng mga establismento sa lungsod.
Ang smoking area ay matatagpuan dapat sampung metro ang layo mula sa mga tao.
Ayon kay Gensan City Administrator Arnel Zapatos, ang mga establisemento na hindi sumsunod sa ordinansa ay papatawan ng kaululang penalidad.
Kabilang dito ang multa ng mula isang libo hanggang tatlong libo at posibleng kanselasyon ng permit.
Ang perang makukolekta ay ibibigay naman sa barangay kung saan nahuli ang lumabag sa ordinansa.
Nauna nang tiniyak ng PNP Gensan na huhulihin nila ang sinumang naninigarilyo sa mga pampublikong lugar at tanggapan ng gobyerno.
Ayon kay Gensan City Mayor Ronnel Rivera isinulong ng lokal na pamahalaan ang anti smoking ordinance dahil na rin sa masamang epekto ng paninigarilyo sa kalugusan ng isang tao. Tumangging bumaba sa pwesto si Arnel Wanan ang Indigenous Peoples Mandatory Representative o IPMR sa bayan ng Banga, South Cotabato.
Ito ay sa kabila ng naging kautusan ng National Commission on Indigenous Peoples o NCIP region 12.
Ayon kay Wanan aalis lamang siya kung ito ay ipagutos ng Department of Interior and Local Government o DILG.
Iginiit ni Wanan na hangga’t walang order mula sa DILG dadalo pa rin siya sa session ng konseho sa susunod na linggo. Nabatid na ang kawalan umano ng tiwala kay Wanan ng IP Community sa bayan ng Banga ang naging basehan ng NCIP sa pagtanggal sa kanya.
Gayunpaman ayon kay Wanan hindi final at executory ang utos ng NCIP.
Ayon kay Wanan idudulog nito sa DILG ang usapin,
Ang pagigipit umano na ito sa kanya ayon kay Wanan ay ihihiling din niya ng tulong sa Office of the President.
Matatandaan na dahil umano sa pangingialam sa processo ng recall sa IPMR, nagsampa din ng kasong administratibo sa Ombudsman laban kay Banga Mayor Albert Palencia si Wanan.
Kaugnay nito ipinahayag naman ni Palencia na bilang alkalde ng Banga, titiyakin nitong mananatiling buo ang IP Communities sa Banga.
Ito ay sa kabila ng magkakasalungat na paninindigan sa pagtanggal sa kanilang IPMR representative. Timbog sa one time big time operation ng mga pulis ang dalawampu katao sa magkakaibang lugar sa South Cotabato kahapon.
Pinakamaraming suspek na umabot sa labin apat kabilang ang isang katorse anyos na menor de edad ay natimbog sa purok Looban, barangay Zone 3.
Ang mga suspek ay natimbog matapos halughugin ng mga pulis ang tatlong mga bahay sa lugar.
Nakuha ng mga ito ang tatlong sachet ng suspected shabu, dalawang supot ng dried marijuana leaves, isang paltik na pistola at drug paraphernalia.
Pinasok din ng mga pulis ang Kings Compound sa Barangay General Paulino Santos Koronadal kung saan sila nakaaresto ng tatlo katao.
Kinilala ang mga ito na sina Ricky Gonzales alyas Cargil, at Ginrick Escado.
Nakatakas naman ang kasama ng mga ito na si Ero Palantis.
Hinuli din ng mga pulis ang tumakbong si Denis Calantioy na residente ng Barangay Tamnag, Lutayan, Sultan Kudarat.
Nakuha kay Calatioy ang umano’y dried marijuana leaves na nakabalot sa newspaper.
Sa Norala, South Cotabato arestado din ang tatlong mga drug suspek.
Kinilala ni Norala Police Chief Inspector Dennis Madriaga ang mga suspek na sina Warren Valenzuela may ari ng bahay na sinalkay ng mga otoridad , Jericho Echanova at John Paul Castillo.
Ang mga suspek ay natimbog sa Purok Que-alma, Poblacion, Norala.
Nakuha sa mga ito ang isang kilohan, dalawang maliit, isang medium at isang large sachet ng suspected shabu.
Kinumpiska din ng mga pulis ang cellphone at tatlong motorsiklo na ginagamit umano ng mga suspek sa kanilang illegal drug transaction.
Inihahanda na ng pulisiya ang pagsasampa ng kaukulang mga kaso laban sa mga suspek. Patay ang isang 74 anyos na lalaki matapos itong hampasin ng tubo sa kanyang ulo ng sariling anak sa brgy. Singkatulan, Makilala, North Cotabato madaling araw kahapon.Kinilala ng Makilala PNP ang nasawing biktima na si Fabian Belarmino, isang magsasaka habang kinilala ang suspek na anak nitong si Marcil Belarmino, 42 anyos na ngayon ay taga Malungon Saranggani province.Ayon sa report, habang nag iinuman ang dalawang ay bigla na lamang itong humantong sa mainit na pagtatalo.Dito unang hinampas ng ama ang anak gamit ang tubo, pero nakuha ito ng anak sa kanya.Ilang sandali pa ay pumunta sa likod ng bahay ang anak at doon na naman siya tinaga ng ama kung saan tinamaan ang kanyng kaliwang paa.Nang maagaw na ng anak ang hawak-hawak na tubo ng ama ay hinampas na niya ito at tinamaan sa ulo na nagresulta naman sa kanyang kamatayan.Nabatid na bumisita lamang ang anak sa lugar para sa death anniversarry ng kanyang ana.Blanko pa ngayon ang mga otoridad sa ugat ng pag-aaway ng dalawa na patuloy naman ngayong iniimbestigahan ng PNP. Nakakulong na ngayon ang dalawang mga laborer sa Kidapawan City PNP lock up cell matapos isagawa ang magkahiwalay na search operation ng PNP kagabi.Kinilala ang mga naarestong suspek na si RONALDO EMBAC, ALIAS GOGO EMBAC, 33 ANYOS, na taga PUROK 3 KALASUYAN, KIDAPWAN CITY.Hinalughog ang bahay ni Embac sa bisa naman ng search warrant kung saan nakuha mula sa suspek ang dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu.Habang sa hiwalay na operasyon ng PNP sa kaparehong lugar huli din ang isang GARRY ACABONG ALIAS LOLONG, 38-ANYOS, .Nakuha rin sa kanya ang dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu.Wala nang nagawa pa ang dalawang mga suspek ng posasan ng PNP at binitbit sa prisinto.Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ngayon ng dalawang mga suspke.Sa Makilala, North Cotabato, huli din ang Jamir Amercan, 36 anyos na taga purok Seniorita, brgy. Saguing, Makilala.Nakuha mula sa kanya ang dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu at 23 empty shell ng caliber 45 pistol at isang empty shell ng 9mm pistol.Nakakulong na ngayon sa Makilala PNP lock up cell ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya. Dismayado ngayon ang Grupong KAWAGIB Moro Human Rights Organization at grupong GABRIELA sa naging resulta sa deliberasyon ng kongreso kung saan ideklara nang patay na” ang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa isinagawang 16th Congress nitong martes. Sinabi ni Bai Ali Indayla, ang Sec. gen ng KAWAGIB, isa sila ngayon sa libu -libong mamamayang MORO sa Mindanao na nalulungkot sa pagkamatay ng BBL.Para kay Bai Ali, hindi sinsero ang AQUINO administration at kulang raw ang political wil ni Pangulong Noynoy Aquino na makamit ang tunay na kapayapaan para sa mamamayang Moro.Gaynman, kahit idineklarang patay na ang BBL, nanindigan naman ang Malacañang na buhay pa rin ang determinasyon ng pamahalaan na itaguyod ang usapang pangkapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front o MILF.Katunayan isa rin ito sa isinusulong ngayon ni LP standard bearer at Dating DILG Sec. Mar Roxas.Para kay Roxas kung hindi man naipasa ang BBL sa ngayon meron pang ibang kapaaraanan. Pero ang pahayag naman na ito ni Roxas ay sinupalpal ni Bai ALi ng grupong KAWAGIB.Ayon sa kanya gagamitin na naman raw ng LIBERAL PARTY ang BBL para makuha ang loob ng mga MORO sa Mindanao.Posible raw kasi na sinadya ang hindi pagpasa sa BBL at ipagpapatuloy ito ng bagong administrasyon sa kanilang standard bearer na si Sec. Mar Roxas. Ang BBL ay bahagi ng usapang pangkapayapaan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) kung saan magtatayo ng bagong political entity na ipapalit sa Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM).Ngunit dahil nasangkot ang ilang tauhan ng MILF sa Mamasapano encounter kung saan napatay ang 44 na SAF troopers noong Enero 25, 2015, natigil ang deleberasyon ng Kamara at Senado sa BBL, at nagkaroon ng maraming pagtutol. It so good to be true.Ito ang mga katagang sinabi ni Mlang Mayor Joselito Piñol kaugnay sa ipinagako ni Presidential Aspirant Sec. Mar Roxas na tatapusin nito ang naudlot na konstruksyon ng Central Mindanao Rural Airport sa Barangay Tawan-Tawan, Mlang.Ayon kay Pinol, maganda sang isipin kung magiging totoo ito.Sa ngayon kasi maraming mga technicalities ang dapat pang ayusin sa nabanggit na proyekto lalo na ang pagtransfer sa titulo ng lupa nito ng Department of Transportation and Communications o DOTC. Bagaman may mga ahensyang nakatutok rito kinakailangan pa rin ang matinding monitoring at pag follow up nito.Ayon kay Piñol natapos na raw ang extension ng runway sa naturang airport.Ang ginagawa na ngayon ay ang Fire station building nito at maging ang fencing nito.Samantala positibo naman si Piñol na magagawan ito ng paraan ng sinumang papalarin na maging presidente ng Pilinas.Aniya, marami na rin kasing nasayang na oportunidad ang bayan ng Mlang at ang North Cotabato dahil sa tagal na ring panahon na hindi naasikaso ang nabanggit na proyekto. Ayon kay Piñol hindi lamang daw si Roxas ang nangako na tatapusin ang nabanggit na airport dahil maging si Davao City Mayor Duterte at nangako rin na tutulong siya sa pagpapatuloy ng naturang proyekto sa bayan. Napipilitan na ngayong mangibang bayan at bansa ang ilang mga residente ng Peace Zone area sa Tulunan, North Cotabato partikular ang apat na kumonidad na kinabibilangan ng Barangay Bituan, Barangay Nabundasan, Sitio New Alimodian, at Sitio Matub dahil sa tindi ng epekto ng El Nino.Ayon kay Max Casulukan, ang coordinator ng Tulunan Municipal Peace Zones Development Council, halos hindi na nakakain ng tatlong beses sa isang araw ang ilang mga pamilya sa lugar lalo na ang mga mamamayan na pagsasaka lang ang inaasahan.Wala na kasi silang maaasahan sa kanilang mga pananim dahil patay na rin ang mga ito at ang iba ay sunog na.Saging na lang daw ang ginagawa nilang pantawid sa gutom.Napipilitan rin ang mga magulang na pagtrabahuin ang kanilang mga anak para may pandagdag sa kanilang mga gastusin at pagkain.Umaasa na lamang ngayon ang mga magsasaka sa lugar sa tulong na ipaabot sa kanila ng

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...