Thursday Feb, 29 2024 09:28:18 AM

NDBC BIDA BALITA Feb. 8, 2016

 • 20:27 PM Mon Feb 8, 2016
1,857
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST FEBRUARY 08, 2016 (MON) 7and00 AM HEADLINESand 1. BIFF, nagbantang ituloy ang harassment sa Army, contractor sa Maguindanao flood control project.2. Dating punong barangay at body guard nito, patay sa pamamaril sa Arakan, North Cotabato3. Mahigit anim na libong ektaryang pananim sa Koronadal City, sinira ng tagtuyot4. PAG-GALAW NG PRESYO NG PETROLYO, aasahan muli ngayong linggo AT NGAYON SA DETALYE...MULI NA NAMANG UMATAKE ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa army detachment na nasa barangay Sambolawan, Datu Salibo, Maguindanao.Sinabi ni Army’s 6thInfantry Division spokesperson Capt. Joan Petinglay na tatlong beses nagtangkang umatake ang BIFF kahapon, pero hindi ito nagtagumpay.Wala rin aniyang nasaktang sundalo sa naturang insidente.Nabatid na ito ay may kaugnayan pa rin sa engkwentro naganap noong Biyernes, February 5, sa pagitan ng mga sundalo at BIFF.Sugatan sa naturang insidente si Capt. Jimmy Amoloy, commander ng 22nd Mechanized Company at isa pang sundalong si PFC Jun Robles.Sa panig naman ng BIFF, tatlong katao ang nasawi kabilang ang anak ng isang BIFF leader.Ang bakbakan ay kumalat pa sa mga barangay ng Tee, Butilen at Andabit.Sa panayam naman ng DXMS AM radyo bida kay BIFF spokesperson Abu Misri Mama, sinabi nito na ipinagtatanggol lang nila ang mga sibilyang inigawan ng lupa dahil sa ginagawang kalsada at tulay sa barangay Butilen.Sabi ni Mama, hindi raw binayaran ng contractor ang mga may-ari ng lupa na tinamaan ng naturang proyekto.Kaugnaynito ay nagbanta naman si Mama sa mga contractor, project engineer at iba pang mga nagpapatupad ng mga proyekto sa lugar kung saan nagtatago ang mga BIFF.Sabi ni Mama, hindi sila magdadalawang isip na barilin ang mga ito kapag nagpatuloy sa pagpapatupad ng proyekto nang walang pahintulot mula sa kanilang grupo.Samantala, agad namang kinontra ni Capt. Petinglay ang pahayag ni Mama at sinabing hindi kailanman makikipag ugnayan at makikipag kasundo ang pamahalaan sa mga teroristang grupong tulad ng BIFF. Nagsampa ng kasong kriminal ang Volunteers Against Crime and Corruption o VACC sa tanggapan ng Ombudsman laban kay dating PNP Chief Alan Purisima kaugnay ng madugong Mamasapano incident.Sa pitong pahinang reklamo, sinabi nina VACC chairperson Dante Jimenez at Atty. Ferdinand Topacio, na dapat imbestigahan si Purisima sa kasong usurpation of official functions na nasasaad sa ilalim ngArticle 177 of the Revised Penal Code kaugnay ng insidente.Ang kaso ay nag-ugat sa anila ay pakikiisa ni Purisima sa pagpaplano at pagpapatupad ng operasyon ng PNP-SAF sa Mamasapano, Maguindanao noong Jan. 25, 2015 na tinawag na Oplan Exodus para lansagin ang tatlong high-profile terrorists kabilang na si Malaysian bomb maker Zulkifli bin Hir alias Marwan.Noong panahong iyon, nasa preventive suspension si Purisima matapos suspendihin ng Ombudsman upang bigyang daan ang imbestigasyon sa kasong graft na naisampa dito na may kinalaman sa maanomalyang PNP contract sa isang courier company.Ayon kay Topacio, dahil suspended si Purisima kaya iligal ang kanyang partisipasyon sa Oplan Exodus at dapat siyang parusahan sa ilalim ng Article 177 ng Revised Penal Code. INARESTO NG PNP ang isang babae matapos mahuli sa aktong nangongolekta ng taya ng last two at last three pasado alas dos nang hapon kahapon sa Megamarket ng Citabato city.Kinilala ang naaresto na si Danice Dorado Dalumpines, 28 anyos, residente ng slaughter, Poblacion 4, ng lungsod.Nakuha mula kay Dalumpines ang mga gambling paraphernalia na gagamiting ebidensya para masampahan ito ng kasong paglabag sa Republic Act 9287.Samantala, isang babae naman ang hinablutan ng wallet pasado alas sais kagabi sa Veterans street partikular malapit sa tanggapan ng Red cross.Nakilala ang biktima na si Marita Saha Rosario, 48 anyos, taga-Mabini street, Barangay Bagua 3, Cotabato city.Hawak ni Rosario ang kanyang wallet habang naglalakad nang bigla itong hablutin ng isang bata.Nakatawag ng atensyon ang pagsigaw ng biktima kaya naalerto ang mga barangay tanod at agad hinabol ang batang suspek.Nahuli naman ng mga tanod ang 15 taong gulang na suspek pero naipasa na nito ang wallet ng biktima sa kasamahan niyang kinilala lamang sa pangalang Jaymar, 22 years old, taga-Old Market site, na agad nakatakas matapos ang insidente. TULOY-TULOY pa rin ang mga aktibidad sa 5th Sagayan Festival sa Maguindanao. Kahapon, matagumpay na isinagawa ang 1stSagayan Mountain Bike Challenge sa Buluan, Maguindanao.Mahigit isang libong bikers mula sa iba’t ibang panig ng Mindanao ang lumahok.Pagkatapos ng karera, tinanghal na champion sina Jimmy Esteva sa Funride A Category, Michael Abad sa Funride B, Nick Dumandan sa Funride C, at Jerry Dumandan sa Funride D.Kampeon din si Herder Modero sa JunSen Category, jeyrald Daraydo sa Veterans, Bon Jovi Cadungog sa Elite, Michael Majomot sa Fatboys Michael Ramos sa VIP at Agnes Ivy Alombro para sa Ladies’ Division.Samantala, ginanap rin kahapon ang awarding para sa Mural Contest. Champion ang Upi Agricultural School, 1stRunner Up ang Datu Ibrahim Paglas Memorial College at 2ndRunner Up naman ang MSU Maguindanao.Sinabi ni Maguindanao Governor Toto Mangudadatu na taunang ginagawa ang Sagayan festival sa Maguindanao para makahikayat ng mga bisitang turista.Layunin din nito na baguhin ang imahe ng lalawigan na noon ay nakilala dahil sa masasamang pangyayaring naganap sa lugar.Samantala, may paanyaya naman ang gubernador sa lahat. MAY INIHANDANG mga aktibidad ang lokal na pamahalaan ng Cotabato city ngayong araw kaugnay nag pagdiriwang ng Chinese New Year.Sinabi ni Cotabato city mayor Jojo Guiani na ang pakiki-isa ng lungsod sa pagdiriwang ng Chinese new year at bilang pagkilala sa mahalagang kontribusyon ng chinese community sa lungsod lalo na sa larangan ng negosyo.Ganap na alas nuebe ng umaga mamaya ay gaganapin ang culinary competition kung saan tampok ang iba't ibang chinese dishes o cousine na lutong Cotabateño.May inihanda ring programa ang City LGU mamamayang alas kwatro ng hapon kasabay ng Chinese Food Festival kung saan bida ang mga paboritong chinese food gaya ng siopao, siomai tikoy at iba pa.Ang mga naturang aktibidad ay gaganapin sa People's Palace. Ang lahat ay inaanyayahang dumalo at makisaya.Samantala, nagpa-alala naman ang Department of Labor and Employment o DOLE na epektibo sa pagdiriwang ng Chinese New Year ang no work, no pay policy na idineklarang special non-working holiday ng Malacañang.Ito ang mismong sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na nagsabing epektibo ang patakaran na ito sa pagbabayad sa mga empleyado na hindi papasok ngayong araw.Hinikayat ni Baldoz ang mga employer ng pribadong sektor na sundin ang tamang pagbabayad sa araw na ito sa mga empleyado lalo na sa pribadong sektor.Mas makatutulong sa mga empleyado na maging produktibo at epektibo sa kanilang mga trabaho ang pagsusulong ng kanilang kabutihan at proteksyon sa pamamagitan ng pagsunod sa labor standards. Nagbigay ng sampung taong tax holiday sa german company na NV Voght ang pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato. Gayunpaman nilinaw ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na saklaw lamang ng tax holiday na ito ang real property tax o RPT. Ibig sabihin nito ayon kay Fuentes, magbabayad pa rin ng business tax sa provincial government ang NV Voght. Paliwang ni Fuentes, bukod sa mas nangangailangan ng mas malaking investment, hindi rin kaagad kaagad mababawi ng mga kapitalista sa renewable energy ang kanilang puhunan. Ayon kay Fuentes, mahalaga din ang renewable energy para malabanan ang masamang epekto ng climate change. Ito ang naging dahilan ayon sa gobernador ng pagbibigay lalawigan ng exemption sa pagbayad ng RPT ng kompanya. Umaasa naman si Fuentes na ang tax holiday na ibinigay ng provincial government ay makakaenganyo pa ng mas maraming investor sa South Cotabato. Ang NV voght ang nagpatayo ng five megawatt solar power plant na matatagpuan sa walong ektaryang lupain sa bayan ng Surallah. Plano din ng kompanya na maglagak pa ng 150 million pesos na investment sa lalawigan. Ginawaran ng Office of the Ombudsman ng Blue Certification Level I Award ang Business Permit and Licensing Division o BPLD ng General Santos City. Ito ay matapos masunod ang mga panuntunan hindi lamang sa panganglaga sa kalikasan kungdi maging ang pagpapatupad ng mga kaukulang hakbang para maiwasan ang korupsyon sa pagkuha o renewal ng business permit. Ang Blue Certification ay ibinigay mismo ni Ma. Susanna Rasuman, ang Chief ng Public Assistance Unit ng Ombudsman kay Gensan City Mayor Ronnel Rivera. Lumabas sa assessment result ng Ombudsman na limamput dalawa sa walumput pitong prescribed standards ang naipatupad ng local na pamahalaan ng Gensan. Ito ayon kay Grace Bundaon,ng Licensing Office 1 ay resulta ng matagumpay na pagpapatupad ng Business One Stop Shop o BOSS ng Gensan LGU kada taon. Ipinahayag ni Bundaon na dahil sa BOSS nagiging mas madali para sa mga negosyante sa Gensan na kumuha o mag renew ng kanilang business permit. Ito ay sa pamamagitan sa paglalagay sa iisang lugar lamang sa mga tanggapan ng gobyerno na kailangan sa pagproseso ng negosyo. Ipinahayag din ni Bundaon na bawat buwan nagtatalaga ng mga tauhan ang kanilang tanggapan para tulungan sa kanilang mga legal works lalong lalo na ang mga baguhan pa lamang na negosyante. Nilinaw naman ng Ombudsman Mindanao na ang Blue Certification Level ay valid sa loob ng tatlong taon. Nabatid na para umaangat sa certification level II kailangan din ng isang LGU na maabot ang animnaput lima o pitumput limang porysyento ng standards na inilatag ng Ombudsman. Kapag ang isang LGU ay nakakuha naman ng Level III Certifidation sa magkasunod na dalawang taon, ito ,bibigyan naman ng Blue Certified Award, ang pinakamataas na certification level ng Ombudsman. May sapat na guro ang South Cotabato para magsilbi sa May 9 elections. Ayon kay Atty. Jay Gerada ang election supervisor ng lalawigan, ito ang tiniyak mismo sa kanya ng pamunuan ng Department of Education o DepEd. Nabatid na dahil sa bolontaryo na lamang ang pagserbisyo ng mga ito, marami ang nanganagmba na posibleng kulangin ang mga guro na magsisilbing Board of Election Inspectors o BEI. Ayon kay Gerada ang South Cotabato at General Santos City ay nangangailangan ng 15,456 na mga guro sa eleksyon. Ang mga ito ay itatalaga sa mahigit limang libong mga voting precints. Kaugnay nito, ipinahayag ni Gerada na sisimulan na ng comelec ang pagsasanay sa mga BEI sa Marso. Layon nito ayon kay Gerada na matiyak ang maayos at matiwasay na halalan. Ipinahayag din ni Gerada sa isang pulong balitaan na bawat BEI ay makatatanggap ng P2,400 pesos na training honorarium. Tatanggap naman ang mga ito ng karagdagang P4,500 sa araw pagsisilbi mismo sa araw ng eleksyon sa May 9. Kumuha ng accreditation sa kanilang tanggapan. Ito ang hiniling ni Nellie Nita Dillera ang Regional Director ng Department of Tourism o DOT sa mga negosyante sa Koronadal City. Partikular na tinukoy ni Dillera ang mga may ari ng negosyo may kaugnayan sa turismo. Kabilang dito ang mga hotel, inns, resort, professional congress organizers, souvenir shops, travel and tours at iba pang mga product outlets. Ayon kay Dillera mahalaga na makakuha ng accreditation ang mga tourism establishments para matulungan ng DOT sa promotion at maging sa mga kinakailangang infrustruktura. Inihayag din ni Dillera na ang mga tourism establishment na accredited ng DOT ay exempted din sa election ban. Umaabot na sa 3,600 ektaryang mga pananim ang apektado ng El Nino Phenomenon sa Koronadal City. Ito ay ayon kay Emelita Miguel ang City Agriculture Officer ng Koronadal. Ang tagtuyot ayon kay Miguel ay nakaapekto din sa mahigit 2,900 na mga magsasaka sa lungsod. Ipinahayag din nito na unang nakaranas ng matinding epekto ng dry spell ang mga sakahan sa upland barangay. Ayon kay Miguel wala na rin kasing supply ng tubig ang mga communal irrigation system na dumadaloy sa mga ito. Umaasa naman ang city agriculturist na matatapos na ng kanilang tanggapan ang assessment sa kabuuang danyos ng tagtuyot sa Koronadal ngayong Pebrero. Ito ay upang makapagbigay na ng kaukulang tulong sa mga apektadong mga mamamayan. Balak ng city agriculture office na magibigay ng seed assistance sa mga magsasaka ng Koronadal na nasiraan ng pananim dahil sa dry spell. Patuloy ngayong nilalapatan ng lunas ang isang 46 anyos na laborer sa isang pagamutan sa Kidapawan City matapos itong mabiktima ng pananaksak sa purok 6 brgy. kalaisan ng lungsod pasado alas kwatro ng hapon nitong Sabado.Kinilala ang biktima na si Arlan Labrador na taga barangay Mateo, Kidapawan na nagtamo ng sugat sa kanyang tiyan.Base sa report, nag-iinuman lamang ang biktima kasama ang apat na mga kakilala nito nang bigla na lamang dumating ang suspek na kinilalang si GEORGE ROQUERO, 50-ANYOS, LABORER,at bigla na lamang itong bumunot ng kutsilyo at sinaksak ang biktima.Hindi naman nagawa pang tumakas ang suspek matapos itong pagtulungang bugbugin ng mga kasamahan ng biktima na agad ding ikinulong sa Kidapawan City PNP lock up cell.Iniaalam pa ngayon ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa pananaksak sa biktima na posibleng namang sasampahan ng kaso. Magiging mas madali na ngayon para sa 636 na mga studyante at Out-of-School Youth mula sa tatlong distrito ng North Cotabato na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral matapos na sumailalim sila sa qualifying examinations para sa Provincial Scholarship Program o PSP, noong nakaraang linggo.Sinabi ni Norito Mazo, Community Affairs Officer I at Provincial Coordinator ng PSP, 288 mga kabataan ang kumuha ng naturang exam mula sa bayan ng Midsayap ng First District, 186 sa Amas, Kidapawan City, 2nd District at 162 mula sa 3rd District. The PSP scholarship ay tinatawag rin na Study Now Pay Never scheme na ang ibig sabihin, hindi na maaaring bayaran ng mga makakapasok na scholars ang Provincial Government sa kanilang pag-aaral kundi magrerender na lamang sila ng oras para magtrabaho sa Provincial Capitol o sa kanilang mga LGU sa loob ng 45 araw.Paraan raw ito ayon pa kay Mazo na matulungan ng probinsiya ang mga kabataan na nais ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at para matulungan din sila na ma-apply nila ang kanilang mga kaalaman at natutunan mula sa kanilang pag-aaral.Sa ilalim ng Provincial Ordinance No. 508 series of 2012, ang mga poor but deserving students at Out-of-School-Youths ay mabibigyan ng oportunidad na makapag-aral sa kolehiyo ng libre sa pamamagitan ng scholarship program.Kabilang sa mga eskwelahan na accrideted sa naturang scholarship ay ang University of Southern Mindanao Kabacan at Kidapawan City Campus o USM-KCC, Colegio de Kidapawan o CDK, Notre Dame of Kidapawan College, Southern Baptist College o SBC ng M’lang at Southern Christian College o SCC sa bayan ng Midsayap. Binalot nang makukulay na carnival costume at higanteng float ang Kidapawan City Highway kahapon ng umaga bilang pagsisimula sa ikalabing walong taong anibersaryo ng lungsod.Kabilang ang NDBC Kidapawan sa nakiisa sa isinagawang carnival thematic costume parade kasama ang ibat-ibang sektor at organisasyon sa pangunanguna mismo ni City Mayor Joseph Evangelista at kawani ng City LGU.Libu libong mga indibidwal rin ang sumaksi sa naturang aktibidad na nakaabang na mismo sa National highway.Kapansin pansin din ang presensya ng 20 Special Weapons and Tactic o SWAT member sa naturang parada kung saan ibinida ni Mayor Evangelista.Matatandaang pinaglaanan ng malaking pondo ng LGU ang mga personahe para sa kanilang nagpapatuloy ngayong training sa Cotabato Police Provincial Headquarters, Amas Kidpawan City dahil na rin dumaraming krimen hindi lamang sa Kidapawan City kundi sa buong North Cotabato.Naging katuwang ang SWAT team kahapon ng PNP at augment forces sa pagpapanitili ng katiwasayan at seduridad ng buong lungsod.Matapos ang naturang parade ay dumiretso ang lahat sa City gymnasium para sa pormal na pagbubukas ng programa kung saan naging panauhing pandangal si former USm Kidpawan City dean Luz Tapusok, isa sa itinanghal na hero of Kidapawan City noong 2015.Sa kabuuan naging masaya, mapayapa at nagmukhang pantaserye ang naging aktibidad kahapon.Muling inanyayahan ng alkalde ang publiko na bisitahin ang Kidapawan City at makiisa at makisaya sa nagpapatuloy ngayong aktibidad ng lungsod. Patay ang dating Punong Barangay ng Doruloman sa bayan ng Arakan, North Cotabato pati ang body guard nito matapos pagbabarilin ng tatlong mga armadong kalalakihan alas otso ng umaga kahapon.Kinilala ni Senior Ins. Felix Fornan, hepe ng Arakan PNP ang mga biktima na sina Bernabe Bantito Abanella at ang body guard nito na si Alias Digul Semillano.Ayon kay Fornan, pababa na sa kanilang sinasakyang Estrada pick-up Truck ang dalawa upang dumalo sana ng ‘Sunday Mass’ ng pagbabarilin ang mga ito.Nagtamo ng iba’t-ibang tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima.Mabilis namang isinugod sa bahay pagamutan ang dalawa pero binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas.Sinabi ni Fornan, na ilang beses na ring may tumangka sa buhay ng biktima pero nakaligtas ito.Napag-alaman na ang biktimang si Abanella ay dating punong brgy. ng Doruloman at security consultant ni Gov. Lala Mendoza at isang anti-communist advocate.Patuloy pa ngayong iniimbestigahan ng mga otoridad ang nabanggit na insidente. Tatlong mga kambing ang kinumpirma mismo ni brgy. Malinan Chairperson Gema Pajes ang namatay na dahil sa tindi ng epekto ng El Niño sa kanilang lugar.Ayon kay Pajes ang naturang mga hayop ay bigay pa mismo ng Department of Social Welfare and Development office o DSWD.Halos wala na kasing makaing halaman ang nabanggit na mga hayop dahil sa init ng panahon.Ilang mga purok na rin sa brgy.Malinan ang nagkukulang sa suply ng tubig.Kabilang na rito ang Purok balite,durian, at purok talisay.Pero tiniyak naman ng opisyal na anumang araw mula ngayon ay malalagyan na ito ng water tank bilang pagkukunan ng kanilang inuming tubig.Malaki na lamang ang pasasalamat ng opisyal dahil sa kahit papano ay may mga produkto pa ring napapakinabangan ang mga magsasaka sa lugar kagaya ng palay, mais at tubo.May mga napagtatrabahuan din ang ilang mga farm laborer bilang panustos sa kanilang pagkain sa araw araw.Bagaman sa ngayon ay di pa lubusang apektado ang brgy. Malinan,naniniwala naman si Pajes na pagdating ng Mayo at Hunyo ay titindi pa ang nabanggit na kalamidad.Kaya naman todo paghahanda na ngayon pa lamang ang barangay council para malabanan ang tindi ng epekto ng El Niño sa mga darating pang buwan.VC-Si brgy. Malinan Chaiperson Gemma Pajes.NDBC BIDA BALITA

BARMM Chief Minister signs into law bill creating parliamentary districts

COTABATO CITY  – Bangsamoro Region Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Balawag Ebrahim signed into law Wednesday night a bill creating...

Suspect sa pagpatay kay dating Cotabato City security chief ret. Colonel Balquin, naaresto

ITO ang kinumpirma ni CIDG BARMM Chief Lt.Col Ariel Huesca matapos maaresto ang suspek pasado alas 6:00 ngayong gabi sa Purok Lugay-Lugay, Barangay...

El Niño expected to affect up to 80 provinces – task force

MANILA – Task Force El Niño on Wednesday warned that about 80 provinces may experience the adverse effects of the weather phenomenon, sparing...

PRO-12, LGUs set rules against North Cotabato motorcycle races

COTABATO CITY  - The Police Regional Office-12, local executives and the provincial government of North Cotabato are now together addressing the...

Tribespeople get solar lights from BARMM lawmaker

COTABATO CITY - A peace activist in the Bangsamoro parliament distributed on Tuesday solar light sets for marginalized tribal enclaves in Carmen and...