Sunday Mar, 03 2024 01:44:31 PM

NDBC BIDA BALITA Feb. 9, 2016

Breaking News • 20:22 PM Tue Feb 9, 2016
1,964
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST FEBRUARY 09, 2016 (TUE) 7and00 AM HEADLINESand 1. ISA SA MGA PINOY na nasawi sa nasunog na hotel sa Iraq, taga-Pigcawayan, North Cotabato pamilya ng biktima, hinihintay na ang bangkay ng kaanak.2. Pagpatay sa dating barangay chaiperson ng Doruluman, Arakan, North Cotabato at CSU head ng provincial Government, inamin ng New People's Army3. Number 3 Most wanted person sa South Cotabato, arestado na4. KABATAAN PARTYLIST, umalma sa nakaambang pagtaas ng matrikula ng 400 PRIVATE COLLEGES sa bansa GUSTO NA LAMANG ng pamilya ng Overseas Filipino Worker o OFW na si Ruby Jean Soria na maiuwi ang bangkay nito sa lalong madaling panahon.Si Ruby Jean ay isa sa 14 na mga Pinoy na nasawi sa sunog sa isang hotel sa Erbil, ang kabisera ng Kurdistan Region sa Iraq, nitong Biyernes ng gabi, February 5.Ang nasawing OFW ay taga-barangay Poblacion Uno, Pigcawayan, North Cotabato at napangasawa ng pulis na si PO3 Midzichael Angie na taga-Parang, Maguindanao, Sa panayam ng DXMS AM Radyo Bida sa ama ni Ruby Jean na si retired SPO2 Kelly Soria, sinabi nito na sa ngayon ay nasa Maynila ang ina ni Ruby Jean na si Nelly at hinihintay ang pag-uwi ng bangkay ng anak sa Pilipinas.Ayon kay mang Kelly, magdadalawang taon pa lang si Ruby Jean sa Iraq at nagta trabaho sa isang spa na katabi ng natupok na Capitol Hotel.Sabi pa ni mang Kelly, isang araw bago nasawi si Ruby Jean ay nakausap niya pa ang anak at maayos naman daw ang kalagayan nito sa nabanggit na bansa.Aniya, marami pa sanang mga pangarap si Ruby Jean para mapaganda ang buhay ng kanyang pamilya dito sa Pilipinas.Sa ngayon ay hindi pa alam ng pamilya Soria kung kailan makakarating ng Pilipinas ang bangkay nito.Nanawagan na lamang si Mang Kelly sa kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan na mag-alay ng panalangin para sa anak at para sa kanilang pamilya.Samantala, sinabi ni Iraq Chargé d’Affaires Elmer Cato, opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Baghdad, bukod sa 14 na mga Pinoy, dalawang Iraqi at isang Palestinian din ang napaulat na namatay sa sunog.Tiniyak naman ni Cato na iuuwi nila sa lalong madaling panahon ang labi ng mga nasawing OFW mula sa Iraq. SUGATAN AT AGAW-BUHAY ngayon ang isang security guard matapos pagbabarilin sa Quezon Avenue, cotabato City partikular malapit sa isang gas station kahapon pasado alas dyes ng umaga.Kinilala ang biktima na si Ric Oresco Calamba, 27 years old at taga- upper miganding, aleosan, north cotabato.Ayon sa inisyal na imbistigasyon ng police station 1, alas otso ng umaga kahapon, ay may nakaalitan ang biktima na isang payong-payong driver at nagbantang babalikan ito.Pero binale wala lang ng biktima ang pahayag ng nakaalitan at hindi niya akalaing tototohanin nito ang kanyang pagbabanta.narecover sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng caliber 45 pistol habang di pa malaman ang pagkakakilanlan ng suspek.ngayon, patuloy pang iniimbistigahan ng kapulisan ang naturang pangyayari. MAGKAKAROON NA ng sarili nitong power generator ang Home Development Mutual Fund o HDMF o mas kilala sa PAG-IBIG Fund-Cotabato City Office.Sabi ni PAG-IBIG Fund-Cotabato City manager Joy Villarma, ito ay para matugunan ang reklamo ng mga kliyente na sa tuwing may brownout ay naantala ang kanilang transaksyon at nasasayang ang oras ng mga ito sa paghihintay.Ayon kay Villarma, sa ngayon ay nasa procurement process na ang kanilang request na bumili ng generator.Posibleng sa susunod na buwan ay magkakaroon na sila ng generator kaya asahang magiging tuluy-tuloy na ang transaksyon kahit pa may rotational o unscheduled power interruption na mararanasan sa lungsod.Samantala, hinikayat naman ni Villarma ang lahat ng mga PAG IBIG fund members na kumuha na ng kanilang loyalty card upang mas mapabilis ang kanilang transaksyon sa tanggapan. PINULONG ng Commission on Elections o COMELEC ang mga lokal na kandidato sa Pagalungan, Maguindanao para lumagda sa isang peace covenant.Ayon kay Pagalungan Municipal Election Officer Lunamer Gargara, ang pirmahan ay sinaksihan ng mga opisyal mula sa PNP, militar at election watchdog.Aniya, nais nilang patunayan na kaya nilang magkaroon ng mapayapang halalan sa kanilang bayan lalo na at ang magkakalabang kandidato ay pawang magkakamag-anak din.Nabatid na ang Pagalungan ay isa sa mga natukoy ng COMELEC bilang Areas of Immediate Concern noong nakaraang eleksyon dahil sa presensya ng mga armadong grupo at private armies.Sa ngayon ay tatlong kandidato sa Pagalungan ang maglalaban sa mayoryal race na kinabibilangan ni incumbent Mayor Salik Mamasabulod, Datu Jimmy Matalam at Bai Masla Kalantongan.Nakasaad sa nilagdaang peace covenant ng mga kandidato na maliban sa pagbabawal sa karahasan at pananakot, hahayaan ng mga ito ang mga botante na malayang makaboto.Bilang isang 1st class municipality, ang Pagalungan ay may 12 barangay, populasyon ng 31,891 at 15 libong registered voters. Sa pagsisimula ng campaign period ngayong araw para sa mga tumatakbo sa national positions ay may huling panawagan ang Comission on Elections o Comelec.Sinabi ni Comelec chairperson Andres Bautista sinabi na imo-monitor nila ang gagastusin ng mga politiko.Aniya, may mga nakasaad sa batas na alintuntunin kung magkano lamang ang perang gugugulin ng mga kandidato.Dagdag pa ng poll chief, kung dati ay hindi nila binabantayan ang mga lumalabas na advertisement sa radyo at telebisyon dahil hindi pa panahon ng kampanya.Nanawagan pa si Bautista sa mga kandidato na tanggalin na ang mga campaign material na hindi nakalagay sa tamang lugar at huwag nang hintayin ang Comelec, Department of Public Works and Highways at Metropolitan Manila Development Authority ang magtanggal sa mga ito.Kabuuang 90 araw o tatlong buwan ang ibinigay ng komisyon para makapagkampanya ang mga kandidato sa pangka-pangulo, pangalawang pangulo, senador at partylist habang ang local positions at mga kongresista ay magsisimula ang kampanya sa March 26. Timbog sa operasyon ng mga pulis ang wanted na matagal nang pinaghahanap sa South Cotabato. Kinilala ang suspek na si John Casiple Equinan, alyas Nognog.” Si Equinan ay naaresto ng pinagsanib na pwerwsa ng Banga PNP at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 sa Sitio Surba, Barangay Cinco, Banga, South Cotabato kamakalawa. Ito ay batay naman sa search warrant na ipinalabas ng Korte. Ang suspek ay number 1 most wanted ng PNP sa bayan ng Surallah, number 3 sa South Cotabato at PDEA 12. Nakuha mula kay Equinan ang dalawang granada. Inaresto din ng mga otoridad ang kasama nitong si Prudencio Hapitan Falalimpa. Kabilang sa mga kasong kinakaharap nito ang pagtutulak ng illegal na droga at illegal npagdadala ng baril. Si Equinan ay nakatakas nang salakayin ng mga kasapi ng Criminal Investigation and detection Groupo CIDG South Cotabato ang bahay nito sa Sitio Surba, Mayo noong nakaraang taon. Matatandaan na ang operasyon na ito ng mga pulis ay nagresulta sa pagkasawi ng isang ginang na noon ay tinamaan ng ligaw na bala habang tinutugis ang tumatakas na suspek. Nabawi ng South Cotabato Province ang kampeonato sa SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association o SRAA meet 2016. Ang lalawigan ay nakakuha ng kabuuang 670 points. Ito ay mas mataas ng 81 points sa First Runner Up at nag champion noong nakaraang taon na General Santos City na nakakuha ng 589 points ngayong taon. Tinanghal naman na Second Runner Up sa Regional Meet ang Cotabato Province, Third Runner Up ang Koronadal City, at 4th Runner Up ang Host Province na Sarangani. Maliban sa mga sports event, may mga delegado rin na nakapag uwi ng mga special awards.Ang Best in Saludo special award ay nakuha ng Sultan Kudarat Province Delegation, Most Discipline ang General Santos City , Most Friendly ang Sarangani at Most Eco Friendly naman ang Cotabato delegation. Ayon kay DepEd 12 Information Officer Antonio Maganto mahalaga ang mga special awards dahil kabilang din ang mga ito sa mga ipamimigay sa Palarong Pambansa. Ang SRAA meet 2016 at ay nagtapos sa Kiamba, Sarangani Province noong linggo. Ayon naman kay Deped 12 Regional Sports Supervisor Jojo Duhilag, sisimulan naman ng mga atleta ng rehiyon para sa Palarong Pambansa sa Albay ang tatlumpung araw na pagsasanay ngayong Pebrero. Inilunsad ng Provincial Nutrition Office ng South Cotabato ang handbook para sa mga Barangay Nutrition Scholars o BNS sa lalawigan. Laman ng handbook ang guidelines hinggil sa BNS programs, Basic Concepts on Food Nutrition, at Nutrition Program Management. Matuturuan din ng handbook ang mga BNS sa mga resposibilidad ng mga ito sa bawat bugso ng apat na mga Barangay Nutrition Program Management. Ayon kay Provincial Nutrition Officer Ma. Ana Uy makatutulong ang handbook para lalo pang mahasa ng mga BNS ang kanilang kasanayan sa pagpapatupad ng mga programang pang nutrisyon. Umaapela din si UY sa mga BNS na para sa ikatatagumpay ng kanilang mga programa,intindihing mabuti ang nilalaman ng kanilang handbook. Matatandaan na ang BNS mula South Cotabato na si Juneila Jomel ay tinanghal bilang Most Outstanding BNS sa Rehiyon dose noong nakaraang taon. Target naman ng Provincial Nutrition Council ng South Cotabato na sa tulong ng BNS handbook,makukuha pa rin lalawigan ang kahalintulad na parangal ngayong taon. Ingatan ang mga alagang hayop laban sa masamang epekto ng El Nino Phenomenon. Ito ang payo ni City Veternarian Dr.Charlamagne Calo sa mga mamamayan ng lungsod. Ayon kay Calo mabisang panlaban para makaiwas sa heat stroke ang pagbalanse sa kanilang electrolytes. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapainom ng mga fluids na hinaluan ng electrolytes tulad ng asin. Payo ni Calo sa publiko, dapat ding bantayan laban sa heatstroke ang mga alagang hayop lalong lalo na ngayong minsan ay umaabot na sa 37 degrees Celsius ang tempratura. Ayon kay Calo, kapag nakitaan ng sintomas ng heat stroke ang mga alagang aso tulad ng tuloy tuloy na paghingal at pamumula ng mata, dapat ay pahiran ng basang tuwalya ang dibdib. Maari ring balutan ng tuwalya na binasa ng malamig na tubig ang mga algang aso kapag tuluyan na itong natumba dahil sa heat stroke at dalhin sa pinakamalapit na veterinary clinic. Ipinahayag din ni Calo na maiiwasan ang heat stroke sa mga manok kapag binuksan at maliwanag ang kulungan ng mga ito. Ayon kay Calo bagama’t mas malakas ang panlaban ng mga baka at kalabaw sa tagtuyo’t, mas mainam pa rin na pasilungan ang mga ito kapag tirik ang sikat araw . Nilinaw naman ni Calo na sa ngayon ay nanatili pa ring ligtas sa epekto ng El Nino Phenomenon ang Koronadal City. Gayunpaman tiniyak nito na handa ang city veterinary office na tumulong sa mga magsasaka na dudulong sa kanilang tanggapan. Umaapela si Evelyn Fetalvero ang Assistant Regional Director ng DepEd 12 sa mga eskwelahan na hangga’t maari ay huwag nang magsagawa ng Junior/Senior o JS Prom. Ayon kay Fetalvero, bagama’t walang written memorandum ang DepEd hinggil sa pagbabawal ng JS Prom may karapatan ang bawat eskwelahan na huwag nang gawin ito. Payo pa nito sa mga mga estudyante at mga magulang, dapat na maging praktikal ang mga ito. Ipinaliwanag ni Fetalvero wala na ring saysay ang JS Prom ngayon na ginagawa noon ng mga nasa Third Year at 4th year High School. Paliwanag ni Fetalvero wala rin kasing graduation na magaganap dahil sa K to 12 Program. Ayon kay Fetalvero, sa halip na gumastos para sa JS Prom mas makabubuting paghandaan na lamang ng mga estudyante ang pagpasok sa Senior High School. Kung ikukumpara noong nakaraang taon mas malala raw ngayon ang nararanasan ng ilang magsasaka sa barangay Manubuan, Matalam, North Cotabato dahil sa epekto ng El Niño. 90 porsyento kasi sa nabanggit na barangay ay pagsasaka lang ang inaasahan. Kung noong nakaraang El Niño ay nakakapag-ani pa sila ng kanilang mga pananim na palay ngayon ay wala na. Halos tatlong buwan na rin kasing hindi sila dinadalaw ng ulan at karamihan sa kanilang mga palayan ay tigang na tigang na.Sinabi ni Aimee Angga na taga Bliss, Manubuan, Matalam sa Radyo Bida, maswerte na lamang raw kung may magpapalaba sa kanila para pambili ng bigas. Ang iba rin raw ay lumuluwas na lamang sa bayan para maghanap ng mapagkakakitaan. Tatlong ektarya naman sa kanilang mga pananim ay tuyong tuyo na at hindi na mapapakinabangan. Dalawang beses na ring nag FAILURE ang kanilang ani. Umaabot na rin sa higit isang daang libo ang nalugi sa kanila. Umaapela na lamang si Angga sa gobyerno ng anumang tulong dahil na rin sa hirap na kanilang dinaranas na dala na tagtuyot. Samantala, kinumpirma naman mismo ni Brgy. Manubuan Kagawad Nastasia Magbanua na malaki na ang naging epekto sa kanila ng nabanggit na kalamidad. Abot na sa higit limang daang pamilya ang apektado nito. Sa ngayon ay isinailalim na sa state of calamity ang barangay at isinumite na rin sa lokal na pamahalaan ang mga kinakailangan reports para magamit na nila ang kanilang calamity fund sa lalong madaling panahon. Sinamantala ng mga taga Kidapawan City ang Special Non-Working Holiday kahapon para saksihan ang ibat-ibang aktibidad sa nagpapatuloy na selebrasyon ng ika-18th founding anniversary ng lungsod. Alas syete pa lang ng umaga kahapon ay puno na kaagad ang City gymnasium para tunghayan ang limang mga performers mula sa ibat- ibang eskwelahan sa North Cotabato para sa Cheerdance Competition. Sigawan at Hiyawan ang bumalot sa buong gym nang isa-isa nang mag perform ang mga partisipante na binigyan lamang ng anim na minutong performance. Kabilang sa mga lumahok rito ay ang Notre Dame of Kidapawan College, Southern Philippines Methodist Colleges, Central Mindanao Colleges, Makilala institute of Science and Technology at University of Southern Mindanao Kidapawan City. Sa naturang kompetisyon idineklarang 3rd placer ang NDKC na nakatanggap ng plaque at cash na 10 thousand pesos na nagtamo ng 199 points. 2nd Placer ang USM-KCC na nakatanggap ng plaque at cash na 15 thousand pesos sa puntos na 244. At itinanghal naman bilang kampeon ang Central Mindanao Colleges o CMC na nakatanggap ng plaque at 20 thousand pesos sa puntos na 248, mula naman sa tatlong mga magagaling na hurado. Matatandaang noong nakaraang 2015, ang NDKC ang siyang naging kampeon sa nabanggit na kompetisyon. Nilinaw ni Tulunan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMC Officer Jeric Ardina na hindi pinababayaan ng Tulunan LGU ang mga residenteng apektado ng El Niño Phenomenon. Ito ang sinabi ng opisyal matapos ang pahayag ng ilang mga taga barangay Minapan, Tulunan, na tila walang pakialam ang mga opisyal ng gobyerno sa kanilang nararanasan sa lugar. Wala na raw kasi silang tubig na maiinum doon at karamihan na rin sa mga menor de edad sa Peace Zone area ay napipilitan ng maghanap ng trabaho sa ibang mga bayan. Paliwanag naman ni Ardina Huwebes ng umaga lang noong nakaraang linggo kasi nila natanggap ang resolusyon mula sa Sanguniang Bayan na isasailalim na sa state of calamity ang Tulunan. Dahil dito agad na ipinatawag ni Tulunan Mayor Lani Candolada ang mga head offices ng LGU para talakayin ang mga planong gawin para tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong magsasaka at pamilya. Kaya hindi raw totoo na pinababayaan nila ang mga taga Tulunan. Ayon kay Ardina, patuloy ang kanilang ginagawang monitoring ngayon sa mga lugar sa bayan para matukoy ang ilang area na naapektuhan ng tagtuyot. Tiniyak din nito na gagawan nila nang paraan na pagkasyahin ang nasa higit dalawang milyong pisong pondo mula sa Quick Response Fund ng LGU na gagamitin umano sa loob ng dalawang quarter ng taon. Umapela na lamang si Ardina sa mga barangay official na i-utilized muna nila ang calamity fund ng kanilang barangay at gumawa ng report bago humingi ng assistance sa LGU. Humihingi rin siya ng pang-unawa sa mga taga Tulunan, dahil dumadaan lamang raw sila sa proseso pero tiniyak nito na magpapaabot rin sila kaagad ng tulong para sa mga apektadong pamilya matapos na mailatag ang mga gagawing plano sa mga apektadong pamilya sa bayan. MATATAGPUAN ang Kidapawan City sa paanan ng bundok Apo sa timog-kanlurang bahagi ng Cotabato province. Ang Mount Apo ang nagsisilbing pananggalang ng Kidapawan sa mga bagyo na papasok sa lugar. Kaya nga ba’t ang Kidapawan ay matatagpuan sa labas ng typhoon belt at mild ang klima rito na may pag-ulan at tag-init. Nahahati sa apatnapung mga barangay ang Kidapawan – pito rito ay itinuturing na urban area at ang natitira ay nasa rural. Ito rin ang itinuturing na industrial hub ng Cotabato province. Ang Kidapawan ang pumapangalawa sa Davao City na pinakama NAPASAMA ang Kidapawan City sa top 50 most competitive cities ng National Competitive Councils o NCC noong 2013. Ang Kidapawan City ay noon pang 2005 na-classify bilang first class city sa bisa ng Department of Finance Order No. 20-2005. Pormal nang itinurn-over ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang mga specialized equipment para sa bubuuingSpecial Weapons and tactics o SWAT team ng PNP. Sinabi ni City PNP Chief Of Police Supt. John Meridel Calinga, kabilang sa naturang mga equipment ang sampung mga M4 Assault Rifles na nagkakahalaga ng halos 150 thousand bawat isa, bullet vest, carrier, pistol rig, at Kevlar helmet at iba pa. Gagamitin naman ito ng 18 mga piling police personnel na sumasailalim ngayon sa training sa loob ng 45 araw sa Cotabato Police Provincial Headquarters, Amas, Kidapawan City. Ang seremonya kahapon ay ginanap ala una ng hapon sa City gymnasium na personal namang dinaluhan ni Police Regional Office 12 Director Chief Supt Noel Armillia, CPPO Director Senior Supt Alexander Tagum, City PNP chief of Police Supt. John Meridel Calinga, SP Chair on Peace and Order Councilor Francis Palmones at mga PNP personnel. Sa pahayag naman ni Evangelista, pauna pa lamang ito dahil marami pang mga gamit ang kanilang ibibigay sa SWAT para kumpletuhin para sa mga operasyon. Una nang ibinunyag ng alklade na abot sa sampung milyong piso ang inilaang pondo ng LGU para sa naturang team para na rin samaintainance and Operations. Layunin ng LGU na protektahan ang publiko sa anumang terror threat at pang-aatake mula sa mga rebeldeng grupo na ngayon ay patuloy na dumarami sa lalawigan ng North Cotabato. INAKO ng New Peoples’ Army o NPA ang pagpatay noong a-7 ng Pebrero kay Bernabe Abanilla alias Bantito, siya’ng hepe ng Civil Security Unit o CSU ng Cotabato provincial government at dating barangay chair ng Doruluman, Arakan. Sa isang press statement, sinabi ng tagapagsalita ng Mount Apo sub-regional operations command ng NPA na matagal nang nasa ‘hit list’ nila si Abanilla dahil sa umano sa mga kasalanan” nito sa kilusan at sa masa. Una na rito ang koneksyon niya sa pagpatay noong 2002 sa student human rights activist na si Benjaline ‘Beng’ Hernandez. Pangalawa, sa pagpatay noong October 17, 2011 sa Italyanong pari na si Fausto Tentorio ng Arakan parish. At pangatlo, sa pag-udyok sa iba pang grupo ng mga lumad na kontrahin ang mga katutubo na lumikas mula sa Talainged, Davao del Norte at North Cotabato dahil sa serye ng mga military operations. Para sa NPA, malaking Tagumpay ang pagpatay nila kay Abanilla. Samantala, todo-tanggi si 2nd district Representative Nancy Catamco na konektado siya kay Abanilla o Bantito. Bagama’t inamin ni Catamco na ay nagkasama sila ni Bantito sa kampanya sa eleksyon noong 2010, naghiwalay naman sila ng landas noong 2013. At hanggang sa ngayon, aniya, ay tuluy-tuloy pa ang paninira ni Bantito kontra sa kanya. Para kay Catamco, may bahid pulitika ang pag-konekta sa kanya sa pinaslang na si Bantito. SI BANTITO ay pinatay, alas-820 ng umaga, nito’ng Linggo, sa Barangay Doruluman, Arakan. Pababa sa kanyang Sasakyan si Abanilla para magsimba – kasama ang pamilya, nang tambangan ng mga armado. Patay noon din ang biktima. NDBC BIDA BALITA

Cotabato City disaster response official slain in ambush

COTABATO CITY - Gunmen killed the operations chief of the Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office in a daring ambush here on...

Cotabato City CDRRM officer slain in gun attack

COTABATO CITY - Dead on arrival sa ospital ang Chief Of Operations ng Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office na si Jose Raymond...

Unang araw ng fire prevention month, isang bahay sa Cotabato City, nasunog

INAALAM pa ng Bureau of Fire Protection Cotabato City ang pinagmulan ng sunog sa Block 21, Barangay Rosary Heights 8 kahapon ng umaga kung saan isang...

15 BIFF sumuko sa Cotabato City at BARMM government

DALA ang pitong mga matataas na kalibre ng armas ay nagdesisyon ang 15 dating kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Karialan Faction na...

Cotabato Light announces power service interruption in Sultan Kudarat on March 1

To all our valued customers, please be informed of the scheduled power interruption affecting customers in Barangay Calsada, on Friday, March 1, 2024...