Sunday Jul, 14 2024 06:38:18 PM

NDBC BIDA BALITA Jan. 11, 2016

 • 18:12 PM Mon Jan 11, 2016
1,827
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

JANUARY 11,
2016 (MONDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. ELECTION GUN BAN, ipinatupad na.
PNP, mas maghigpit ng seguridad kaugnay ng papalapit na presidential elections.

2. Pikit LGU, nag-alok ng cash reward sa
mga tetestigo sa pagbaril at pagpatay sa isang punong-barangay sa bayan.

3. LIBO-LIBONG mga mamamayan nakisaya
sa 76th Foundation Anniversary at 16th Hinugyaw Festival ng Koronadal City

4. Dalawang lalaki, magkahiwalay na pinatay sa Midsayap at PIgcawayan, North Cotabato

5. Sen. Poe, di dapat sumama sa re-investigation ng Mamasapano incident ANG
DETALYE NG MGA BALITA….

INILUNSAD KAHAPON ng Commission on
Elections o COMELEC, PNP, Department of Interior at iba pang ahensya ng
pamahalaan ang Secure and Fair Elections o SAFE sa para sa kampanya kaugnay ng May
2016 Presidential Elections.

Hudyat ito ng pagsisimula ng election
period.

Pinangunahan mismo nina DILG Secretary
Mel Senen Sarmiento at Comelec Chairperson Andres Bautista ang parada para sa
SAFE kasama ang Department of National Defense, PNP, Department of Education at
mga non-government organizations o NGOs na isinagawa sa Quirino Granstand, sa
Maynila.

Kahapon din isinagawa ang peace walk,
covenant signing at candle-lighting.

Kahapon din ang pagsimula ng gun ban at
pagdadagdag ng mga checkpoint sa iba’t ibang lugar sa bansa bilang paghahanda
sa halalan sa Mayo.

Sabi ni Bautista, naging maayos naman
ang pagpapatupad ng PNP sa Comelec checkpoint.

Tiniyak naman ni PNP Chief Ricardo
Marquez na sumailalim sa training ang mga personnel na magmamando ng checkpoint
kaya’t siguradong susunod ang mga ito sa checkpoint guidelines ng Comelec.

Samantala, seryoso naman ang PNP sa
kanilang babala sa mag kandidato at supporters na kakasuhan sakaling may
gagawing paninira o iba pang dirty tactics sa social media.

Ayon sa PNP, habang papalapit ang
eleksyon ay inaasahan na ang pag-init ng ‘banatan’ at paggamit ng ‘dirty
tactics’ ng mga magkakalabang kandidato, at ng kanilang mga supporter, at
kadalasang gamit ng mga ito ang social network sites gaya ng Facebook,
Instagram at Twitter.

Ayon kay Anti-­Cybercrime Group
spokesperson Chief Insp. Jay Guillermo, kabilang sa mga maituturing na paninira
ay ang gawing katawa-tawa ang pagkatao ng isang kandidato at siraan ang
kredibilidad bilang isang aspiranteng public servant.

Sinabi ni Guillermo na handa silang
tumanggap ng reklamo na maituturing na ‘one step higher’ para sa kasong libelo.

Nabatid na lahat ng maghahayag ng
anumang nakakasakit na salita o paninira sa pagkatao ninuman sa social media
gaya ng ginagawa ng mga ‘bashers’ ay pwedeng kasuhan. DEAD on the
spot ang isang magsasaka habang kritikal naman ang anim na taong gulang na apo
nito matapos pagbabarilin ng di pa kilalang suspek sa Midsayap, North Cotabato.

Kinilala ang
nasawi na si Paot Panambulan Kunsian, 62 years old at taga-Sitio Narra,
Barangay Tumbras, Midsayap.

Habang ang nasa
pagamutan pa rin at kritikal ang kondisyon ng apo nitong si Samsudin Manto.

Sa report ng
Midsayap PNP, nasa labas lang ng kanilang bahay noong Sabado, January 9 ang mga
biktima nang pagbabarilin ng suspek na nakasakay sa isang top-down vehicle
gamit ang M-16 rifle, pasado alas otso ng umaga.

Nagtamo ng
mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan si Kunsian sanhi ng
agaran niyang kamatayan.

Tinamaan
naman ng ligaw na bala ang apo nitong si Manto.

Rido ang
nakikitang motibo ng Midsayap PNP sa naturang pamamaril.

PATULOY
PA RING inaalam ngayon ng mga pulis ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek sa
pamamaril sa isang lalaki sa Pigcawayan, North Cotabato.

Nakilala
ang biktima na si Kandil Sampiano, 35 taong gulang, may asawa, walang trabaho
at taga barangay Simsiman ng nabanggit na bayan.

Sa
imbestigasyon ng Pigcawayan PNP, pasado alas dos ng hapon noong Biyernes,
January 8 nang pagbabarilin ng di pa kilalang suspek ang biktima gamit ang 9mm
pistol.

Dead
on arrival sa pagamutan si Sampiano dahil sa tinamong apat na tama ng bala sa
iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Mabilis
namang tumakas ang suspek patungong barangay Buricain sakay ng itim na Baja
motorcycle.

Hinala
ng mga imbestigador, posibleng away pamilya ang dahilan ng naturang pamamaril. NAIS ng Liberal Party o LP
na mag inihibit si Sen. Grace Poe sa muling pagbubukas ng Mamasapano
investigation upang hindi mabahiran ng pulitika ang pagbuhay sa nasabing isyu.

Sabi nina Daang Matuwid
Coalition spokesperson at Akbayan partylist Rep. Barry Gutierrez kay Poe,
siyang chairperson ng Senate committee on peace and order, na hindi nila ito
pipiliting mag inihibit pero sana ay pairalin na lang ng senadora ang kanyang
konsensya.

Ganito rin ang panawagan ni Senador
Alan Peter Cayetano kay Poe.

Tinutukoy ni Cayetano ang
imbestigasyon sa enkuwentro ng puwersa ng pamahalaan at ng mga rebelde sa
Mamasapano sa Maguindanao noong nakaraang taon na ikinasawi ng 44 tauhan ng
Special Action Force ng Philippine National Police.

Aniya, mas mabuti na ipasa
ni Poe sa vice chairperson ng komite o sa isang senador na hindi kumakandidato
sa eleksyon ang pangungulo sa imbestigasyon at maaari na lang siyang magmonitor
sa pagdinig.

Sabi ni Cayetano, siya man
ay mag i-inhibit din sa pagdinig.

Samantala, hindi naman
naniniwala si Caloocan City Rep. Edgar Erice, isa sa mga spokesperson ng LP, na
makakatulong ang re-opening ng Senate investigation sa Mamasapano incident para
mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng SAF44.

Aniya, baka nga maging dahilan
lang ito para lalong gumulo ang isyu lalo na’t posibleng gagamitin lang ito ng
mga pulitiko.

Sa
panig naman ni Poe, iginiit ng kampo nito na hindi mag-i-inhibit ang senadora
sa muling pagbubukas ng imbestigasyon sa Mamasapano case.

Ayon
sa tagapagsalita ni Poe na si Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, ang pag-inhibit
ay boluntaryong desisyon ni Poe.

Siniguro
naman ni Gatchalian na magiging impartial at patas si Poe sa imbestigasyon si
Poe gaya ng ginawa nito sa pagbubukas ng hearing noong nakaraang taon. Binalik muna sa Committee level partikular sa Commitee on Education ang isang proposed ordinance na inihain ni Kidapawan City Councilor Ruby Padilla-Sison kaugnay sa pag-integrate o pagsama-samahanin ang lahat ng mga public elementary at Secondary School sa Kidapwan City.Ito matapos inulan ng tanong at reaksyon ng miembro ng SP.Unang punto naman mula kay Councilor Peter Salac, chair ng Committee on Infrascture, kung ano ang maidudulot na kabutihan nito kung sakali man maintegrate ang lahat ng mga elementary at secondary school sa lungsod.Pangalawa ay kung ano ang magiging epekto nito sa kasalukuyang administarsyon gayunman sa mga kabataan kung saan taliwas ito sa planong idecentralized ang mga ahensya ng gobyerno para mas maging epektibo sila sa pamamahala sa kanilang mga nasasakupan.Dahil dito naunsyami ang pagkakapasa ng naturang ordinansa dahilan para ibalik muna ito sa commitee level para mapag-aralan pa ng husto.Ang naturang proposal ay isinulong ni Sison kasabay sa pinakaunang session na isinagawa ng SP Kidapawan ngayong 2016, noong nakaraang linggo. Abot sa 50 thousand pesos ngayon ang inilaang pondo ng Pikit LGU bilang reward-money sa kung sino man ang makapagtuturo sa suspek sa pagbaril at pagpatay kay brgy. Silik Chaiperson Pecson Mangansakan.Ito ang ibinunyag ni Pikit Mayor Muhayrin Sultan Kasi sa panayam sa kanya ng DXND-radyo Bida.Ayon kay Casi, layunin nito na mapabilis ang pagresolba at pagtukoy sa salarin sa pagpaslang sa nabanggit na opisyal.Maliban sa pabuyang inilaan ng LGU pinabibilisan na rin sa Pikit PNP ang pagtukoy sa motibo at pagtugis sa mga suspek.Una nang ipinahayag ng PNP na Rido ang isa sa mga motibo at dahilan sa pagpatay sa biktima na patuloy rin nilang iniimbestigahan sa ngayon.Una rito, umaga nitong January 5, patungo sana ng Brgy. Poblacion ng Pikit ang biktima habang minamaneho ang government issued multicab kasama ang misis nitong si Marelo Mangansakan nang pagbabarilin siya ng riding tandem criminal na umano nakasuot pa ng bonet.Naisugod pa ang biktima sa hospital na tinamaan sa kanyang ulo pero indeneklara na itong dead on arrival ng mga doktor habang maswerte namang di tinamaan ang maybahay nito. Patay ang isang wanted person matapos itong manlaban sa PNP kasabay ng pag aresto sa sana sa kanya ng pinagsanib na pwersa ng Mlang PNP, Arakan PNP at 39th Infantry Batallion sa Sitio Upper Lumbo, Brgy Kabalantian, Arakan, North Cotabato.Kinilala ni Sr. Ins. Felix Fornan, hepe ng Arakan PNP ang suspek na si Henry Batoy, may asawa na taga brgy. Kabalantian, Arakan.Ayon kay Fornan biyernes ng hapon ng isagawa nila ang operasyon laban sa suspek, pagdating ng mga otoridad sa lugar habang nagkakaroon ng negosasyon sa pagitan ng suspek at PNP ay bigla na lamang itong bumunot ng kanyang baril.Agad itinutok ng suspek ang dala nitong caliber .357 sa mga pulis dahilan para unahan na itong barilin ng mga otoridad.Isang tama ng bala ang tinamo ng suspek na nadala pa sa pagamutan pero ideneklara na itong dead on arrival ng mga doktor.Kasong murder naman ang kinakaharap ng suspek na nangyari sa bayan ng Mlang ilang taon na ang nakalilipas. Umabot na sa 13 million pesos ang kabuuang halaga ng danyos sa pag-atake ng mga daga sa agricultural crops sa Kabacan, North Cotabato.Si datus mula sa Kabacan Municipal Risk Reduction and Management Council o MDRRMC, siyam na mga barangay na ang napeperwisyu sa Rat Infestation na kinabibilangan ng halos isang daang ektaryang maisan ay palayan.Sinabi ni MDRRM Officer Davin Saure, daan daang mga magasaka ang nagdeklara ng FAILURE matapos atakehin ng daga ang kanilang mga tanim.Kabilang na rito ang mga barangay ng Bangalan, Cuyapon, Dagupan, Lower Paatan, Katidtuan, Malamote, Upper Paatan, Simone, ug Pedtad. Halos isang libong pamilya mula sa mga nabanggit na lugar naman ang apektado sa naturang suliranin.Sa ngayon, pinag-aaralan na ng Kabacan LGU ang kanilang pwedeng maiabot sa mga magsasaka na inaasahang bumaba ang kita sa kanilang pag-ani.Ang rat Infestation ay ikinokonsidera ng Agricultural Officials na isa sa mga epekto ng El Niño na tumama sa lalawigan ng North Cotabato. SA BAYAN NG Magpet, North Cotabato, dalawang mga rebeldeng New People’s Army o NPA ang sinasabing sugatan sa enkwentro na naganap sa pagitan ng kanilang grupo at ng tropa ng gubyerno.Naganap ang bakbakan, alas-12 ng tanghali, kahapon, sa Sitio Pantaron, Barangay Tico, Magpet.Pinamumunuan umano ng isang Commander Aldrin ng Pulang Bagani Company ng NPA ang nakabakbakan ng mga sundalo sa erya.Binitbit umano ng mga rebelde ang mga sugatan nila’ng kasama, ayon pa sa report. Naaresto ang isang 18-anyos na lalaki matapos makuhanan ng baril sa isinagawang Highway inspection at OPLAN Sleepless nights ng mga otoridad sa Kidapawan City.Kinilala ang suspek na si Dan Monteverde Pounes na taga brgy. Bagumbayan, Tulunan, North Cotabato.Nakuha mula sa suspek ang isang 45 caliber pistol at apat na mga bala.Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A 10591 O COMPREHENSIVE FIREARMS AND AMMUNITION ACT na ngayon ay nakakulong na sa City PNP lock up cell.Nahuli ang suspek kasabay rin sa pagsisimula ng Election gun ban base na rin sa mandato ng Comission on Election O COMELEC.Samantala, aasahan naman ang mas maraming checkpoint sa buong North Cotabat simula ngayong Linggo, dahil opisyal nang magsisimula ang election period para sa halalan sa Mayo 9, 2016 gayundin ang pagpapatupad ng election gun ban.Batay sa Commission on Elections Resolution 9981, ang election period ay tatagal ng 120 araw o hanggang sa Hunyo 8, 2016.Kaugnay nito sinabi ni Cotabato Police Provincial Office o CPPO Director Sr. Supt. Alexander Tagum, mahigpit na nilang ipatutupad ang gun ban o pagbabawal sa pagdadala at pagbibiyahe ng mga armas at iba pang nakamamatay na sandata sa labas ng tahanan.Kaya naman nagbaba na ng deriktiba ang opisyal sa mga Municipal Police Station sa lalawigan sa mas mahigpit nilang pagpapatupad ng kanilang mga operasyon. Ipinagmalaki ng mga indigenous people o IP sa South Cotabato ang kanilang mga tradisyon at kultura.
Ito ay sa pamamagitan ng pakikilahok sa 1st Inter-LGU Indigenous Peoples Skills Exhibition na ginanap sa Koronadal City noong Sabado.
Nakilahok sa aktibidad ang daang daang mga IPs mula sa iba’t ibang bayan sa South Cotabato.
Naging daan naman ang patimpalak para patunayan ng mga IPs na sa kabila ng makabagong panahon, kaya pa rin ng mga itong ipreserba ang kanilang mga kultura at tradisyon.
Tampok sa aktibidad ang paligasahan sa pagluluto ng L’nulot.
Ito ang pagluluto ng manok gamit ang kawayan.
Nagkaroon din ng paligasahan sa kanilang mga katutubong laro ang mga IPs.
Kabilang sa mga ito ang sarili nilang bersyon ng dart na kung tawagin ay Gamti.
Nagpagalingan din ang mga ito sa paglalaro ng Samfut at Sifa.
Mayroong ding nag-display ng kanilang mga gawang accessories.
Ayon kay Sagid Munday, dating presidente ng Association of Barangay Chairman o ABC sa Koronadal, naging daan din ang Inter-LGU IP Skills Exhibition para maipakita nila ang kanilang karapatan bilang mga IP.
Patay ang isang laborer matapos pasaksak sa Koronadal City, dakong alas onse ng gabi kamakalawa.
Kinilala ng Koronadal City PNP ang biktima na si Leonardo Ledesma Jr, alyas Oging, residente ng Barangay Serapinang, Bagumbayan, Sultan Kudarat
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na si Ledesma ay sinaksak habang nagpapahinga sa kanyang kubo sa Purok Masipag, Barangay Santa Cruz Koronadal City.
Ang biktimang si Ledesma ay di na umabot ng buhay sa South Cotabato Provincial Hospital.
Ito ay matapos magtamo ng malubhang saksak sa kaliwang bahagi ng kanyang katawan.
Tinukoy naman ng mga pulis na sumaksak sa biktima ang singkwenta’y sais anyos na si Fred Baes, residente ng Purok Masipag, Barangay Santa Cruz, Koronadal City.
Ang suspek na si Baes ay naaresto sa follow up operation ng mga pulis sa Purok Yellow Bell, Barangay Santa Cruz, Koronadal.
Inaalam pa ng pulisiya kung ano ang motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima. Patay na ng matagpuan ng kanyang mga kaanak ang isang binata sa Banga, South Cotabato.
Ito ay matapos umanong mag-suicide sa pamamagitan ng pagbigiti sa sarili.
Kinilala ng Banga PNP ang biktima na si Naraval Neulid, dise nuebe anyos, at estudyante sa kolehiyo.
Ang wala nang buhay na katawan ni Neulid ay nadiskubreng nakalambitin sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Purong Halangdon, Barangay Benitez, Banga kamakalawa.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na ang binata ay nagbigti gamit ang kanyang sintoron.
Inaalam pa ng pulisiya kung ano ang naging dahilan ng pagpatiwakal ng naturang binata. Humihimas na ngayon ng malamig na bakal ang number one most wanted person sa South Cotabato.
Ito ay matapos maaresto ng mga kasapi ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG, South Cotabato.
Ang wanted na si Hernito Tuan Ungkal, singkwenta anyos ay naaresto sa Barangay Tubi-Allah, bayan ng Surallah noong byernes.
Si Ungkal, alyas Buroy ang siya umano’y lider ng Buroy Robbery Group na responsable sa serye ng mga nakawan sa Surallaha at karagig lugar.
Kasama rin sa naaresto ng mga pulis ang mga kasamahan umano ni Ungkal na sina Robin Fann Maan, sitenta’y sais anyos at Archie Sulan, trenta’y tres pawang mga taga barangay Tubi-Allah, Surallah.
Ayon kay Police Senior Inspector Timothy Arciso, ang hepe ng CIDG South Cotabato, ang mga suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest ng korte.
Ito ay matapos makasuhan ng qualified theft o pagnanakaw sa bayan ng Surallah.
Ang mga naaresto ay pansalamantalang ikinulong sa lock up cell ng CIDG.
Inihahanda na ng CIDG ang paglipat sa mga suspek sa South Cotabato Provincial Rehabilitation and Detention Center. Dinagsa ng libo libong mga mamamayan ng lungsod at maging karatig lugar ang Koronadal City
Ito ay para saksihan ang mga aktibidad kaugnay sa 76th Foundation Anniversary at 16th Hinugyaw Festival ng lungsod kahapon.
Tampok sa pagdiriwang ang Kolon D’tal Street Dancing showdown na nilahukan ng iba’t ibang eskwelahan sa Region 12 at Maguindanao.
Ipinakita sa patimpalak ang makululay na kultura ng mga tri-people ng Koronadal na kinabibilangan ng mga Muslim, B’laan at Kristyano.
Ang street dancing showdown ay nagtapos naman sa rotonda area na mas kilala ring roundball kung saan ginanap ang closing program.
Nagwagi naman bilang 3rd runner up na tumanggap ng limampung libo ang Sultan Kudarat National High School sa Maguindanao.
Tinanghal na second runner up ang Concepcion National High School sa Koronadal City na nabigyan ng 150 thousand pesos.
Ang first runner up na Polomolok Christian School sa bayan ng Polomolok ay tumanggap ng 200 thousand pesos.
Ang nag champion naman na Esperanza National High School sa bayan ng Esperanza,lalawigan ng Sultan Kudarat ay mayroong 250 thousand pesos cash prize.
Sampung pisong libong karagdagang premyo rin ang natanggap ng eskwelahan matapos makuha ang special award na Best in Production design.
Ang selebrasyon ay dinaluhan naman nina Senator Bam Quino, dating Department of Justice Secretary Leila De Lima at Quezon City 5th District Representative Alfred Vargas, na siya namang naging kinatawan ni Dating DILG Secretary Mar Roxas.
Tampok din sa pagdiriwang ang magarbong firerworks display at disco sa kalye.
Ipinahayag naman ni Koronadal City Mayor Peter Miguel na magiging hudyat ang selebrasyon upang lalo pang magkaisa ang mga mamamayan ng lungsod tungo sa pagbabago at pagunlad.
Dahil sa nataon naman na araw ng linggo ang January 10, araw mismo ng pagkakatag ng Koronadal, ideneklara ng Malakanyang na non Working Holiday sa Koronadal city ang January 11.
Ibig sabihin nito walang pasok sa lahat ng mga pribado at pampublikong mga eskwelahan at tanggapan ng gobyerno sa Koronadal City ngayong araw. PUPULUNGIN
MULI ni Pangulong Aquino ang mga kongresista sa susunod na linggo upang maipasa
na ng Kamara ang Bangsamoro Basic Law o BBL.

Una
nang pinulong ni PNoy noong Disyembre ang mga kongresista sa Malacañang upang
pakiusapan na aprubahan na ang BBL.

Sabi
ng pangulo, na tiniyak ni Congressman Rufus Rodriguez na patapos na sila sa
‘turno en contra’ at susunod na ang botohan.

Gayunman,
ayon sa ilang mga mambabatas, mabibigo lamang si Pangulong Aquino kung ipipilit
nito na maipasa ang BBL kaya dapat ipaubaya na lamang ito sa susunod na
administrasyon.

Sa
panayam kay Magdalo party-list Rep. Gary Alejano, hindi dapat paasahin pa ni
Aquino ang mamamayan na maipasa ang nasabing panukala hangga’t hindi pumapayag
ang Moro Islamic Liberation Front o MILF na baguhin na magkaroon ng pagbabago
sa Malacañang version.

Bukod
sa kakapusin aniya ng panahon dahil tatlong linggo lamang ang sesyon ng
Kongreso pagbalik ng mga ito sa trabaho simula January 18, 2016 ay
pagsususpetsahan lamang ang administrasyon na gagamitin ang panukalang ito para
sa pulitika.

Ayon
naman sa isang anti-BBL congressman, maraming mambabatas ang mapipilitang hindi
pumasok sa tatlong linggong sesyon ng mga ito kapag ipinilit ang BBL.

Sa
ngayon ay 177 pa rin ang anti-BBL congressmen kaya kapag hindi pumasok ang mga
ito ay hindi magkakaroon ng quorum at maaapektuhan ang ibang panukalang batas.

Images of floods affecting NoCot, MagSur, SulKud

COTABATO CITY - Several villages in Pikit, North Cotabato are now under water, including villages now under the Bangsamoro Special Geographic Area (...

Malacanang officials visit flood affected Maguindanao del Norte, other areas in Mindanao

COTABATO CITY - DSWD Secretary Rex Gatchalian, together with Undersecretary for Disaster Response Management Group (DRMG), arrived in the...

Floods submerge Pagalungan town hall compound

COTABATO CITY - An overnight downpour in Bukidnon and North Cotabato resulted in the flooding of Pagalungan after the Malitubog-Maridagao river...

Civilian police informer killed in illegal firearms deal sting

COTABATO CITY - An illegal gun dealer shot dead a civilian police informer and ran away after he sensed that he had sold three rifles to...

P6.8-M worth shabu seized in PDEA Lanao del Sur operation

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P6.8 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Western in...