Friday Apr, 12 2024 07:16:19 PM

NDBC BIDA BALITA Jan. 14, 2016

 • 17:06 PM Thu Jan 14, 2016
1,737
By: 
NDBC News and Current Affairs Team

NEWSCAST

JANUARY 14,
2016 (THURSDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MULING PAGBUBUKAS ng pagdinig
kaugnay ng Mamamasapano case, naging mainit na usapin sa pagbisita ni
presidential bet Mar Roxas sa Cotabato city at Maguindanao.

2. KABACAN, NORTH COTABATO, isasailalim
sa State of Calamity dahil sa rat infestation South Cotabato, naglunsad na rin
ng gyera kontra mga pesteng daga.

3. Department of Education Regional
Office 12, may bago ng Director.

4. Kumkandidatong konsehal sa Maguindanao, patay sa pamamaril sa Cotabato City AT SA DETALYE ... NAGING MAINIT NA USAPIN sa pagbisita ni
Presidential aspirant Mar Roxas sa Maguindanao at sa Cotabato city kahapon ang
muling pagbubukas ng pagdinig kaugnay ng Mamasapano case.

Sabi ni Roxas, hindi naman siya
tumututol sa naturang hakbang pero umaasa siyang hindi ito mahahaluan ng
pamumulitika lalo na't nalalapit na ang eleksyon.

Patungkol naman sa pagpasa ng panukalang
Bangsamoro Basic Law o BBL, tahasan sinabing ni Roxas na suportado niya ito at
titiyaking maipasa ito sakaling siya ang papalaring manalo sa pagka-pangulo.

Sa dalawang araw na pananatili ni Mar
Roxas, una sa Maguindanao at sumunod sa Cotabato City ay nagkaroon siya ng pagkakataong
mabisita ang mga mag aaral ng COtabato City State Polytechnic College o CCSPC
para sa isang forum at maging ang palengke ng lungsod.

Sa kaugnay na balita, sa ngayon ay
hindi pa tiyak kung matutuloy ang muling pagsagawa ng imbestigasyon ng Senado
sa kontrobersiyal na Mamasapano encounter na ikinasawi ng 44 na miyembro ng
Special Action Force sa January 25.

Sabi ni Senate Committee on Public
Order and Safety chairperson Sen. Grace Poe, sa pagbukas ng sesyon sa Lunes, January
18, ay lilinawin nito mula sa Senate Committee on Rules kung sino-sino sa mga
senador ang nais pabuksan muli ang imbestigasyon.

Ito ay sa harap ng mga batikos na
pamumulitika lamang ang muling pagbukas ng imbestigasyon ng Senado sa SAF
44 upang idiin ang administrasyon.

Pero binigyang diin ni Poe na kung siya
lang ay wala na itong balak magsagawa ng imbestigasyon lalo't marami na silang
ginawang pagdinig at mayroon nang komite report.

Gayunman, kung matutuloy ang
imbestigasyon dahil sa kahilingan ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile
ay nais niyang malagay sa records kung sino-sino ang mga senador na pumabor na
buksan muli ang pagdinig.

Sinabi pa ni Poe na kung talagang
matuloy ang imbestigasyon ay maaring gawin ito sa ibang araw at hindi sa
mismong anibersaryo ng sagupaan sa January 25 dahil may mga aktibidad ang
pulisya tulad ng pagbigay pugay sa kanilang nasawing kasamahan.

Sa panig naman ng Malacañang, bumwelta
ang palasyo sa harap ng alegasyon ni Sen. Juan Ponce Enrile na walang kuwentang
lider ng bansa si Pangulong Aquino kung pagbabasehan ang failure of
leadership” sa pumalpak na operasyon sa Mamasapano.

Nanindigan si Presidential?Communications
Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr. na maraming beses nang
pinatunayan ng Pangulo ang kanyang kapabilidad bilang lider sa mga dumaang
krisis sa administrasyon.

Depensa ni Coloma, kung totoo ang
pahayag ni Enrile, bakit patuloy na pinagkakatiwalaan ng mayorya ng taumbayan
si PNoy.

DEAD ON THE
SPOT ang isang kandidato sa pagka-konsehal sa Buldon, Maguindanao matapos
pagbabarilin pasado alas syete kagabi sa Cotabato city plaza partikular sa
harap ng old city hall, sa Dorotheo street corner Don Rufino Alonzo street, sa
barangay Poblacion 6.

Kinilala ang
biktima na si Makawali Saranga, 38 anyos, taga-Barangay Uring, Buldon,
Maguindanao at tumatakbo bilang municipal councilor ng nasabing bayan.

Ayon sa mga
nakasaksi, kumakain lang ng balot si Saranga kasama ang isang kaibigan sa
Cotabato city plaza habang nasa ospital ang anak nitong may sakit.

Aniya, nilapitan
ito ng isang hindi pa nakikilalang suspek na nakasuot ng kulay puting t-shirt
at pinagbabaril gamit ang isang cal. 45 pistol.

Sapul sa noo ang
biktima sanhi ng agaran nitong kamaqtayan habang agad namang tumakas ang suspek
sakay ng motorsiklo.

Inaalam pa
ngayon ng mga imbestigador ng police station number 1 kung sino ang posibleng
nasa likod ng pamamaril kay Saranga at kung may kinalaman ba ito sa politika.

MAGANDANG
BALITA para sa mga Muslim na nag Haj noong taong 2012 hanggang 2014.

Sinabi
ni National Commission on Muslim Filipinos o NCMF Acting Regional Director
Galay Makalinggan na kayo ay makatatanggap ng cash refund na hanggang 18 US
dollars.

Sabi ni
Makalinggan, ito ay mula sa kanilang ibinayad na Insurance Fee.

Ayon
pa kay NCMF Director, matatanggap ng mga accredited Sheik ang kanilang refund
sa pamamagitan ng tseke.

Ang
distribusyon ay gagawin sa NCMF regional office sa Cotabato city sa January 17,
ala una hanggang alas singko ng hapon at sa January 18, mula alas otso hanggang
alas dyes ng umaga.

Para
sa dagdag na impormasyon, maaaring tumawag sa telephone number 064 421 3092.

MAS NAGHIGPIT
PA ngayon ng seguridad ang tanggapan ng Public Safety Savings and Loan
Association Incorporated o PSSLAI sa Cotabato city matapos na muli na naman
itong looban ng mga kawatan kahapon nang madaling araw.

Ayon
kay Ansari Gayak, finance officer ng PSSLAI Cotabato city, natuklasan nila
kahapon ng umaga pagbukas ng tanggapan na sira na ang bintana ng CR sa 2nd
floor kung saan pinaniniwalaang dumaan ang mga maganakaw.

Nakuha
mula sa PSSLAI office ang isang laptop at cash na nagkakahalaga ng dalawang
libong piso.

Nabatid
na may on duty na gwardya ang nasabing opisina nang mangyari ang insidente pero
nalusutan pa rin ito ng mga magnanakaw.

Ito na
ang ikalawang beses na ninakawan ang naturang opisina.

Patay on the spot ang isang
kasapi ng Civil Security Unit o CSU sa pamamaril sa Polomolok, South Cotabato.

Ang biktimang si Ricardo
Perez Jr, ay nagmamaneho ng kanyang Bajaj motorcycle na may license plate 4311
MP pauwi sa Barangay Pagalungan, Polomolok nang barilin.

Naganap ang pamamaril sa
national highway, Barangay Pagalungan, Polomolok, dakong alas otso ng umaga
kamakalawa.

Ayon sa Polomolok PNP, si
Perez ay binaril ng isa sa riding tandem na mga suspek na nakasunod sa kanya.

Matapos barilin ng
malapitan, nabangga ni Perez ang konkretong harang sa highway dahilan ng
pagkatumba nito.

Dito na siya nilapitan ng
mga salarin at muling pinagbabaril hanggang sa mapatay.

Tama ng bala ng baril sa ulo at iba pang parte ng katawan ang
naging sanhi ng dagliang pagkasawi ng biktima.

Narekober ng mga pulis sa
crime scene ang isang basyo ng di pa matukoy na uri ng armas.

Inaalam pa ng mga pulis kung
sino ang tumakas na mga suspek at kung ano ang motibo ng mga ito sa pagpatay sa
biktima.

Apektado ng balasahan sa
kanilang hanay ang limang mga Chief of Police sa lalawigan.

Ito ay kinumpirma mismo ni
Senior Superintdent Jose Briones Jr. ang PNP Provincial Director ng South
Cotabato.

Ayon kay Briones, pumalit
kay dating Koronadal Chief of Police Superintendent Nestor Salcedo si Police
Superintendent Barney Condes.

Si Salcedo ay itinalaga sa
PNP Regional Headquarters sa General Santos City.

Si Superintdent Benito Seron
ng Surallah ay pinalitan naman ni Police Chief Inspector Joel Fuerte na dating
chief of police sa bayan ng Sto. Nino.

Pumalit naman kay Fuerte si
Police Chief Inspector Bernie Faldas.

Itinalaga naman bilang
bagong Chief of Police sa bayan ng Polomolok
si Superintendent Joedy Lito Guisinga kapalit ni Superintendent Amante Suriaga.

Si Police Chief Inspector
Sherwin Boy Maglana naman ng Tampakan na itinalaga bilang Deputy Chief of Police
ng Koronadal ay pinalitan ni Police Chief Inspector Rey Sibal.

Ipinaliwanag ni Briones na
ang overstaying sa kanilang mga dating assignment ang naging dahilan ng
paglipat ng limang mga Chief of Police sa South Cotabato.
Magkakaroon na ng bagong
Regional Director ang Department of
Education o Dep ed Region 12.

Ayon kay Antonio Maganto
ang designated information officer ng
Dep Ed 12, papalit kay Dr. Allan Farnazo si Arturo Bayucot.

Ayon kay Maganto si Bayucot ay dating Schools Division Superintendent ng DepEd, Zamboanga del Norte.

Siya ay pormal uupo sa
pamamagitan ng turn over ceremony na gagawin ngayong araw.

Inihayag ni Maganto na ang papalitan
ni Bayucot na si Farnazo ay inilipat sa DepEd Region 10 sa Cagayan de Oro City.

Ang paglipat kay Farnazo sa
region ao at pagtalaga naman kay Baluyot
bilang bagong Dep ed 12 Regional Director ay iniuutos mismo ni Secretary Armin
Luistro.

Plano ngayon ng Provincial
Agriculture Office na muling ipatupad ang food for work program.

Ayon kay Justina Navarete,
ang Provincial Agriculture Officer ng South Cotabato sa ngayon ay inaayos na
lamang ang budget para sa pagpapatupad ng programa.

Layon nito ayon kay Navarete
ay upang mapaigting ang kampanya ng lalawigan kontra mga pesteng daga.

Sa ilalim ng programa, tatnaggap
ng bigas mula sa provincial agriculture Office ang mga
magsasaka kapalit ng buntot ng mga daga na kanilang mahuhuli.

Kinumpirma ni Navarete na
dahil sa tag-init, sinalanta ng mga daga
ang mga pananim sa ilang mga
bayan ng South Cotabato.

Inaalam pa ng Office of the Provincial Agriculturist o OPAG
ang lawak ng pinsalang hatid ng mga pesteng daga sa mga pananim.

Ayon kay Navarete,
nahihirapan ngayon ang provincial agriculture office na puksain ang mga daga dahil iniiwasan na ng mga ito ang
mga pagkaing may rodentecides na inilalagay sa mga sakahan.

Ang problema sa matinding
epekto ng taginit ay isa sa
paguusapan sa provincial disaster risk
reduction and management council meeting ng South Cotabato sa susunod na
linggo.
Tinupok ng apoy ang
bunkhouse ng Deparmtent of Public Works and Highways o DPWH sa national highway
Barangay San Filipe Tantangan, South Cotabato.

Naganap ang sunog dakong
alas kwatro ng hapon kahapon.

Ipinahayag naman ng mga
saksi na sina Alyas Jun jun at Joseph na nakausap ng Radyo Bida Koronadal, na
sigarilyo ang pinagmulan ng sunog.

Aminado ang dalawa na sumabog ang container na puno ng gasolina sa
loob ng bunkhouse ng ilagay nila sa tabi nito ang sinindihang sigarilyo.

Nabatid na ang mga menor de edad ay nagtitinda ng tingi tinging
gasolina sa tabi ng highway.

Ginawang imbakan ng mga ito
ng tindang gasolina ang nasunog na
bunkhouse na hindi na ginagamit ng DPWH.

Sa kabila ng maagap na
pagresponde ng mga bombero, agad namang naabo ang buong bunkhouse na gawa sa
light materials.

Nasunog din ang isang
topdown motorcycle na nakaparada sa tabi nito.

Inaalam pa ng mga otoridad
ang halaga ng mga ari arian na tinupok ng apoy.
Ideneklara na ng Kabacan town councilang state of calamity sa ilang barangay ngKabacan, North Cotabato ayon sa rekomendasyon ng municipal disaster risk reduction and management council.
Ito matapos umabot na sa siyam na mga barangay sa bayan ang patuloy na naapektuhan ng pang-aatake ng mga daga sa kanilang mga taniman.
Sa pinakahuling validation na isinagawa ng pamunuan ng MDRRM kasama ang Municipal Social And Development Office o MSWDO at Municipal Agriculture Office, nasa 606 hectares na taniman na ng mais at palay ang apektado ng RAT Infestation kung saan halos limang daang pamilya rin ang naapektuhan ang kanilang mga hanapbuhay.
Sinabi ni MDRRM Officer David Saure, layunin ng kanilang pagdeklara ng state of Calamity sa bayan ay para makapag palabas sila ng pondo nang sa ganun ay makapag-paabot sila ng ayuda sa mga apektadong magsasaka.
Isa rin sa mga plano ng MDRRM ang pagpapalawak ng kanilang kampanya sa mga barangay ang tungkol sa Rat campaign para mapuksa na ang pananalasa ng naturang hayop.
Inaasahan ngayon ang mas mabilis na pagresponde sa anumang mga operasyon ng Philippine National Police sa North Cotabato matapos matanggap ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO ang mga bagong Police patrol vehicle mula sa Department of Interior and Local Government o DILG para sa 17 mga bayan ng lalawigan.Sinabi ni DILG provincial Director Ali Abdullah, layunin ng pagbibigay ng mga sasakayan na mas mapaigting pa ang mga police operations and patrols sa mga rural areas at mga bayan sa buong North Cotabato.Ang bagong 4x4 Police patrol vehicle ay tinatayang nagkakahalaga ng 1.9 million pesos bawat unit na pinondohan naman ni dating DILG Sec. Mar Roxas.Malaking tulong ito ayon pa kay Abdullah lalo na sa mga police stations na walang matinong sasakyan para sa kanilang mga operasyon.Hiling lamang ng opisyal sa PNP na alagaan ito ng mabuti para magamit pa mas matagal na panahon at para mas maging epektibo sa kanilang mga trabaho.Ang turn over ceremony sa naturang mga sasakyan ay personal namang dinaluhan ni CPPO Director Sr. Supt. Alexander Tagum, kasama ang mga LGU Official at DILG officials ng lalawigan. Nakahilera na ngayon ang plano para sa rehabilitasyon at pagsasaayos sa mga potensyal na tourist destination sa probinsya ng North Cotabato.Kabilang na rito ang mga bayan ng Makilala, Aleosan, Libungan at Kidapawan City.Kasabay ng Regional Ecotourism Committee Meeting na isinagawa kahapon sa Sitio Maupot, bgy. Pango-an Magpet, isa -isang inilitag ng nabanggit na mga bayan ang kanilang mga nais mangyari sa kanilang mga bayan kaugnay sa pagaalago ng Turismo.Isa na rito ang tourism development plan sa New. Israel,Makilala kung saan ngayon ay unti unti nang nakikila sa buong ehiyon, Kansal Falls sa bgy. Perez, Kidapawan City, UK Peak ng Aleosan at isa ring tourist spot sa Libungan, North Cotabato.Samantala, sinabi naman ni Depatment Of Tourism 12 Regional Director Nelly Dillera aprubado na ang 37 million pesos na pondo para sa dagdag na para sa mga tourist attraction sa probinsya.Kabilang na rito ang Road Rehabilitation Patungong Asik Asik Falls sa bayan ng Alamada, Function hall, visitors information centee para sa New Isarel Eco-Adventure Park at ang daanan naman sa Lake Sebu, South Cotabato.Maliban dito ayon kay Dillera nasa dalawamung mga plano pa ng DOT ang ngayon ay patuloy na pinag-aaralan para maipesenta ito sa mga resonsableng ahensya.Ang nabanggit na mga plano ay nakatakdang tatalakayin ngayong araw sa Geneal Santos City at inaasahan naman ang pagsisimula ng implementasyon nito ngayong taon.Kasama naman sa isinagawang Fist Quartee meeting kahapon ang DENR 12, DOT 12, DPWH, TESDA at mga Municipal Tourism Office at LGU officials ng Libungan, Aleosan, Makilala at Kidapawan City. Tiniyak ngayon ng Central Committee ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at Moro National Liberation Front o MNLF na wala nang presensya ng armadong grupo na nasa brgy. Kidama Matalam, North Cotabato.Ibig sabihin ligtas nang makabalik ang mga bakwit sa purok singko at sais ng barangay Kidama na una na ring ideneklara ng Matalam LGU at barangay Council.Sinabi naman ni Jabib Guibar, Local Monitoring Member ng probinsya una na nang humiling ang LGU, brgy. Officials ng presensya ng militar para sa seguridad ng mga evacues sakaling bumalik na sila sa kanilang mga tahanan.Kumpiyansa naman si Guibar sa pangako ng MILF at MNLF leaders na ligtas na ang mga bakwit base na rin sa kanilang unang pagpupulong.Pero inamin ng opisyal na wala pang nangyayaring negosasyon sa pagresolba ng land conflict na siya namang nag-ugat sa nangayring tensyon sa lugar bagay naman na kanilang pinagsiskapang isasaayos sa ngayonMatatandaang tatlo katao ang nasawi sa nangyaring enkwentro ng dalawang pamilya sa nabanggit na lugar.- Huli ng Mlang PNP at Regional Public Safety Battalion ang isang lalaki sa isinagawang searh operation sa barangay Buayan, alas kwatro ng madaling araw kanina.Kinilala ang suspek na si Kim Von Braca na taga Purok Pangcog, Barangay Buayan,MLang.Hinalughog ang bahay ng suspek sa pamagitan ng bisa ng search warrant na inissue ni Judge Vicente Imbang ng 2nd Municipal Circuit Trial Court .Sinabi naman ni Sr. Supt. Alexander Tagum, ang provincial director ng Cotabato Police Provincial Office, nakuha mula kay Braca ang tatlong mga sachet ng pinaniniwalaang shabu at drug paraphernalia.Nakakulong na ngayon ang suspek sa Mlang PNP lock up Cell habang inihahanda ang kasong paglabag Section 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

SACLEO: PRO-12 arrests 71 wanted persons, seizes P1.5-M shabu

KORONADAL CITY – Seventy-one wanted persons with warrants of arrest issued by various local courts were arrested during the daylong Simultaneous...

Supporters of DavNor Gov. Jubahib blocked capitol

DAVAO CITY - Supporters of Davao del Norte Gov. Edwin Jubahib continued barricading the gate of the provincial capitol against the police who handed...

Lalaki, naaresto ng PNP sa paglabag sa election gun ban sa Pigcawayan, North Cotabato

COTABATO CITY - Inaresto ng PNP ang isang 25-anyos na lalaki matapos lumabag sa ipinatutupad na Comelec gun ban sa Castor Street, Brgy. Poblacion 2,...

PDEA-12 agents seize P178K worth of MJ-flavored vapes in GenSan

KOROANDAL CITY - Fifty-one vape cartridges containing suspected marijuana oil were confiscated from three drug personalities in a buy-bust operation...

Cotelco announces scheduled power service interruption

KIDAPAWAN CITY - The Cotabato Electric Cooperative (Cotelco) today announced the scheduled power interruption on Friday, April 12, affecting this...