Sunday May, 05 2024 02:18:43 PM

NDBC BIDA BALITA Jan. 15, 2016

 • 16:15 PM Fri Jan 15, 2016
1,714
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

JANUARY 15,
2016 (FRIDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Malaysian
investors na interesadong mamuhunan sa Cotabato city, bibisita sa lungsod
ngayong buwan.

2. Isang barangay sa Kidapawan City,
apektado na ng El Niño Phenomenon state of calamity, ideneklara.

3. Anak na tinangkang patayin ng sarili
niyang magulang, kalaboso sa T’boli, South Cotabato

4. Halad festival, gagawin bukas sa Midsayap5. Mangudadatu, MILF, tutol na muling buksan ang Mamasapano investigation AT NGAYON SA DETALYE...DADALO sa business forum na gagawin sa
Cotabato city ang tatlong malalaking mga mamumuhunan mula sa Malaysia.

naturang grupo ng mga investor ay
kinabibilangan ng mga opisyal mula sa ISKANDAR Regional Development Authority,
Johor Corporation, at IM Coop, tatlo sa pinakamalalaking mamumuhunan sa Johor,
Malaysia.Sinabi ni city mayor Japal ‘Jojo’
Guiani Jr. na ang naturang mga investor ay darating sa lungsod ngayong January 25
upang personal na makausap ang mga pinuno ng mga kooperatiba sa lungsod at iba
pang mga negosyante.

Ayon kay Guiani, layunin ng business
forum na magkaroon ng matibay na ugnayan ang mga lokal na negosyante ng lungsod
sa Johor para mapalawak pa ang kanilang negosyo.

Sabi ni Guiani, ang pagbisita ng mga
nabanggit na Malaysian investor sa lungsod ay resulta ng ng kanilang business
trip sa Johor, Malaysia noong nakaraang buwan.

Nabatid na nakipagpulong si Guiani sa
mga mamumuhunan sa naturang bansa at naging positibo naman ang tugon ng mga ito
na makapagbigay ng negosyo at trabaho sa mga Cotabateño.

Kasama ni mayor Guiani sa naturang
business trip si dating city administrator Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi na
siyang bumalangkas at nagplano ng naturang hakbang.

Ibinida ng magkapatid na Guiani sa mga
Malaysian investor ang mayamang aquaculture at agriculture resources sa lungsod
at lumalagong Halal industry dito. TUTOL si Maguindanao
Gov. Esmael Mangudadatu na buksan muli ang imbestigasyon sa Mamasapano case na
ikinasawi ng 44 na mga miembro ng PNP Special Action Force noong Jan. 25, 2015.

Sinabi ni
Mangudadatu na maaari kasing magkaroon ng negatibong epekto ang muling
pananariwa ng mga kaganapan noon na bumulabog sa katiwasayan ng buong bansa at
naging malaking hamon para kay P. Aquino at Moro Islamic Liberation Front o
MILF.

Sabi ng
gubernador na hayaan na lang sanang maghilum muna ang sugat na idinulot ng
insidente sa pamilya ng mga biktima at sa mga Pinoy na naki simpatiya sa mga
nasawing pulis.

Iginiit ni
Mangudadatu, siyang chairperson ng provincial peace and order council, na ang
gobyerno at MILF ang kailangang magtulungan para wakasan ang Mamasapano
controversy.

Una rito,
nagpahayag na rin ng pagtutol si ARMM Gov. Mujiv Hataman dahil sa pangambang
magagamit lang sa pamumulitika ang naturang hakbang.

Maging ang
mga Civil Society Group sa Mindanao ay hindi rin sang ayon sa muling pagbubukas
ng Mamasapano case investigation.

Ayon kay Mindanao
Peoples Caucus Secretary General Bobby Benito, posibleng magpapabalam lang sa
pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law o BBL ang naturang hakbang.

Ganito rin
ang pahayag ni MILF’s vice chairperson for political affairs Ghadzali Jaafar.

Aniya pa,
posibleng gusto ng ilang mga mambabatas na buksan muli ang Mamasapano case ‘in
aid of election’ at hindi ‘in aid of legislation’.

Para kasi sa
MILF, sarado na ang Mamasapano incident.

MAGBIBIGAY
ng ayuda sa mahigit 64 na libong mga magsasaka at agriculture groups sa
Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM ang Department of Agriculture and
Fisheries o DAF-ARMM.

Ito ay
para sa unang quarter ng 2016 sa ilalim ng Agri-Pinoy Program.

Sinabi
ni DAF-ARMM Secretary Alexander Alonto na nakapila na ang mga programa at
proyektong kanilang ipatutupad sa buong taon para matulungan ang farming
communities sa rehiyon.

Tiniyak
naman ni Alonto na sisikapin nilang maipatupad ang lahat ng mga naka line up na
proyekto para matulungan ang mga magsasaka.

Ang Agrikulturang Pilipino, o Agri-Pinoy, ay ang over-all strategic framework ng Department
of Agriculture na nagsisilbing gabay ng ahensya sa pagpapatupad ng agricultural
services at programs mula taong 2011 hanggang 2016.

May
kabuuang budget na 451.2 million pesos ang DAF-ARMM para sa Agri-Pinoy Program nito
ngayong taon.

Nabatid
na sa ilalim ng Agri-Pinoy Rice Program pa lang, makikinabang na ang mahigit 48
libong magsasaka at 255 agricultural groups na tatanggap ng hybrid at certified
palay seeds, at mga agricultural equipment na kinabibilangan ng 170 units ng hand
tractor, floating tiller, transplanter at multi-purpose dying pavement.

Mayroon
ding agricultural interventions sa ilalim ng Agri-Pinoy Corn Program.

Kabilang
sa mga makinarya na ipamimigay sa mga corn farmer ay sampung mechanical
shellers.

BUKAS na gaganapin ang en
grandeng pagdiriwang ng Halad Sa Santo Niño festival na taunang ginagawa sa
MIdsayap, North Cotabato.

Sisimulan ang pinaka
aabangan Halad Street Dancing sa ganap na alas sais ng umaga.

Ang showdown ay gagawin
naman sa ganap na alas dyes ng umaga sa Notre Dame of Midsayap grounds.

Nabatid na mayroong 16
contingents ang street dancing competition and showdown ngayong taon.

Sampu sa local category at
may anim na grupo naman para sa open category.

Paglalabanan ng mga
contingent ang 75 thousand pesos na premyo para sa local category habang 150
thousand pesos naman ang naghihintay na premyo para sa mananalo sa Open
Category.

Kaugnay nito, pina
alalahanan naman ng Traffic Management Unit ng Midsayap ang mga motorista na
hindi na ito maaaring makapasok pa sa loob ng Midsayap proper mula alas sais ng
umaga bukas.

Samantala, nabatid na bukas
ng gabi naman ang huling novena mass para sa patron ng bayan na si Santo Niño.

Sa Linggo, nakatakda namang
isagawa ang binyagang bayan o libreng binyag sa ganap na alas onse ng umaga. NAGBABALA
NGAYON ang Armed Forces of the Philippines o AFP at Philippine National Police
o PNP sa posibleng banta sa seguridad sa bansa kasunod ng suicide attacks sa
Jakarta, Indonesia kahapon na hinihinalang may koneksyon sa Islamic State.

Sa joint
statement ng AFP at PNP matapos ang nangyaring pag-atake sa Jakarta inihayag ng
mga ito na may ‘emerging threat’ sa bansa subalit ginagawa nila ang lahat ng
paraan para pigilan ang anumang tangkang pag atake ng mga terorista.

Nakiusap
naman ang AFP AT PNP sa publiko na doblehin ang pag iingat at maging mapag
matyag.

Sinabi
ni AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla na nakaalerto pareho ang
militar at pulisya at patuloy na nagsasagawa ng mga operasyon laban sa BIFF at
ASG para makaiwas sa posibleng pag-atake saan mang panig ng bansa.

Sinasabi
ng militar na ang dalawang nasabing grupo ay nagkanlong ng mga foreign militant
na tumakas matapos ang 2002 Bali bombings sa Indonesia.

Samantala,
maging ang mga analysts ay nagbabala na rin sa panganib na posibleng idulot ng
mga homegrown Islamic networks” sa Southeast Asian region kasunod ng
Paris-style” suicide strike sa Jakarta.

Binanggit
pa nito na mayroong mga grupo sa Indonesia at Pilipinas na nagpahayag ng
katapatan sa IS at kinakailangan mabuwag ang mga ito.

Sinabinaman ni Indonesian national police spokesman Gen. Anton Charliyan na noong November
2015 pa sila nakatanggap ng impormasyon na magkakaroon ng terror attack sa
kanilang bansa.

Humantong sa kulungan ang biente tres anyos na anak matapos umano nitong tangkain patayin ang sariling mga magulang, sa barangay New Dumangas, bayan ng T’boli, South Cotabato.
Ang suspek na si Joneme Genanda, biente tres anyos ay iti-nurn over ng mga kasapi ng Barangay Peacekeeping Action Team o BPATS na unang nakasakote sa kanya sa mga pulis .
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng T’boli PNP na ikinagalit umano ng suspek ang pagpapakalma sa kanya ng kanyang mga magulang habang nakikipag away sa live in partner nitong si Maribel Canilla.
Tinaga umano ni Genanda ang mga magulang ngunit maswerteng hindi tinamaan at agad na nakatakbo at nagkulong sa kanilang kwarto.
Gayunpaman ang singkwenta’y syete anyos na si Naba Genanda at misis nitong si Teresita kwarenta’y nuebe ay sinundan pa rin ng anak at pinagtataga ang naka lock na pinto hanggang sa tuluyan na itong nasira at nakapasok.
Nang mataga sa kaliwang kamay ang inang si Teresita, di na nakapagpigil ang amang si Naba at pinalo ng tubo sa ulo ang nagwawalang anak.
Dito na nagkaroon ng tsansa ang magasawa na makahingi ng tulong sa mga kasapi ng BPATS
Naganap ang tangka umanong pagpatay ng suspek sa sariling mga magulang sa loob mismo ng kanilang bahay sa Sitio Toril, New Dumangas T’boli alas otso ng gabi kamakalawa.
Inihahanda na ng mga pulis ang pagsasampa ng kaukulang kaso sa suspek na nakakulong na ngayon sa T’boli PNP lock up cell. Nasawi sa aksidente sa daan sa Koronadal City ang isang pulis.
Ang biktimang si Police Officer I Gilbert Cura, trenta anyos, residente ng Tampakan South Cotabato ay ideneklarang dead on arrival sa South Cotabato Provicial Hospital.
Ito ay matapos matumba ang habang nagmamaneho ng kanyang Yamaha Crypton Motorcyle sa kahabaan ng Jessie Robredo Avenue, sa Barangay Zone 3.
Naganap ang road accident dakong alas dos ng madaling araw kahapon.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng traffic section ng Koronadal City PNP na self accident ang nangyari kay PO1 Cura na ikakasal na sana sa Enero a trenta.
Si Cura na nagtamo ng matinding mga sugat ay nakatalaga sa 3rd Manuever, Regional Public Safety Batallion o RPSB 12 na nakabase sa bayan ng Surallah, South Cotabato.
Maswerte namang nakaligtas sa insidente ang angkas nitong si Jarar Cardinas, biente singko anyos ng Barangay Carpenter Hill, Koronadal City.
Nagkaroon ng abot sa 1.9 million pesos na rollback collection ang South Cotabato Self-Employment Assistant-Kaunlaran o SEA-K program noong 2015.
Ito ay mas mataas naman ng 17.43 percent sa inaasahang 1.68 million pesos.
Ayon kay SEA-K Focal Person Bobby Salanio, dahilan naman nito ang pagiging responsable ng mga nakinabang sa livelihood program.
Inihayag ni Salanio na para maturuan ang mga benipsiyaryo ng SEA-K na mapangalagaan ang kabuhayang bigay sa kanila, isinailalim ang mga ito sa iba’t ibang mga team building activities.
Kumpara noong nakaraang taon ayon kay Salanio, hindi na nila kailangan pang paalalahanan ang mga SEA-K members na ibalik sa pamahalaang panlalawigan ang ipinuhunan sa kanila.
Ayon kay Salanio , target nilang makolekta ang nalalabing P1.75 million pesos sa kanilang mga SEA-K beneficiary hanggang sa December 2016. Matatandaanna labin tatlong mga SEA-K organizations ang nabigyan ng pampuhunan sa South Cotabato noong nakaraang taon.
Target naman ng pamahalaang panlalawigan na magpahiram din ng puhunan sa dalawamput tatlo pang mga organisasyon sa lalawigan ngayong taon.
Ang SEA-K ay isang capability program ng Department of Social Welfare and Development at lokal na pamahalaan.
Layon nito na mapaunlad ang pamumuhay ng mga mahihirap na mamamayan sa pamamagitan ng pagpapahiram sa kanila ng puhunan.
Naghahanda na para sa ika anim na surgical at medical mission nito ang lokal na pamahalaan ng Koronadal City.
Ayon kay City Mayor Peter Miguel, makikiisa sa aktibidad ang mga volunteer doctors mula sa University of Sto. Tomas at ibang bansa.
Inihayag ni Miguel na target na nabigyan ng minor surgery ang pitumpong mga pasyente..
Habang ang medical mission ayon sa alkalde ay dadalhin mismo sa mga piling barangay sa lungsod.
Sampung porsyento sa makikinabang sa aktibidad ay mula naman sa iba pang bayan ng South Cotabato.
Bukas naman ang tanggapan ng Koronadal City Health Office at Mayor’s office para sa mga nais magpatala para dito.
Ayon kay Miguel mahalaga para sa mga nais sumailalim sa operasyon na masuri muna ng mas maaga ang kanilang mga sakit para mapaghandaan ng kanilang mga volunteer doctors.
Ang 6th surgical at medical mission ng Koronadal LGU ay gaganapin sa Enero biente hanggang biente dos.
Abot na sa mahigit isang libong mga business permit ang naipamigay ng lokal na pamahalaan ng Koronadal.
Ito ay sa pamamagitan ng Business One Stop Shop o BOSS na ipinatutupad sa City Hall Lobby ngayon.
Ayon kay Gilbert Gayosa, ang Head ng Business Permit Licensing Section o BPLS ng lungsod, abot sa mahigit sampung milyon ang nakolekta ng lokal na pamahalaan sa unang sampung araw na pagpapatupad ng BOSS.
Nabatid na nakakapag-isyu ng 250 na mga business permit ang BOSS sa loob ng isang araw.
Ito ay ipatutupad naman hanggang sa Enero a biente.
Layon ng BOSS na mapadali ang pagkuha o renewal ng business permit sa pamamagitan ng paglalagay sa iisang lugar ng mga ahensya ng pamahalaan na kailangan sa pagkuha ng mga ito. Target naman ng BOSS ayon kay Gayosa na makapag renew ng mahgit 2,500 na mga business permit.
Umaapela naman si Gayosa sa mga negosyante sa lungsod na mag-renew o kumuha ng kanilang business permit ng mas maaga at huwag nang hintayin ang January 20 deadline. Magiging maliwanag na ngayon ang nasa 25 mga classroom sa iba't ibang paaralan sa ilalim ng Kidapawan City Division.Ito matapos pormal na pirmahan ang Memorandum of Agreement o MOA sa pagitan ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO, Aboitiz Power Company at nang Deped Kidapawan ang kanilang commitment na magbibigay sila abot sa 50 mga celing fan, LED Bulb at libreng electrical installation sa mgapiling classroom sa Kidapawan City.Sinabi ni COTELCO General Manager Engr. Godofredo Homez, isa lamang ito sa mga corporate Social Responsibility sa dalawang mga ahensya na ang layunin ay maipaabot sa komunidad ang kanilang presensya.Unang target naman ng naturang programa ay ang Patadon Elementary School kung saan bawat classroom ay may nakalaan na tig 20 thousand pesos.Libreng bulb at wirings ang ibibigay mula sa COTELCO habang libreng ceiling fan naman mula sa Aboitiz Company.Nabatid na sa buong taon ng 2015 abot sa 1.3 million pesos ang kanilang nailaan sa programa na nakapagbigay ng ilaw sa 65 mga classroom sa ilalim ng DepEd Kidapawan at Cotabato Schools Division. Mariing itinanggi ni barangay San Vicente Chairperson Estor Bautista na sangkot ang isa sa mga kagawad nito sa paggamit ng ilegal na droga sa lugar.Ito ang pahayag ni Bautista kaugnay sa sulat reklamo na ipinarating sa DXND Radyo Bida na umano talamak na ang paggamit ng ilegal na droga sa barangay at mismong isa sa mga barangay kagawad nito ang nangunguna.Aniya matagal na panahon na nang makatanggap siya ng report tungkol sa issue ng pagkakasangkot ng kanyang mga kagawad sa droga pero sa ngayon ay wala na raw ito.Pero nga dahil sa kasalukuyang impormasyon, inirerekomenda ng opisyal na isasailalim niya sa mandatory drug test ang lahat ng kanyang mga konsehal para matukoy kung sino-sino ang mga ito at mabigyan ng karampatang parusa.Tiniyak ni Bautista na gagawin naman ito sa lalong madaling panahon.Hiling lamang ni Bautista sa mga taga Brgy. San Vicente na sakali mang may mga alam silang impormasyon lalo na’t may kaugnay sa droga ay ipaabot ito kaagad sa kanya o isumbong mga otoridad Pinasinungalingan ni Dr. Kahar Macasayon ang Kidapawan City School Division Supt. ang alegasyon ng umano'y mga ghost Arabic Language and Islamic Values Education o ALIVE teachers.Pahayag ito ni Macasayon sa reklamong idinulog ng dalawang mga ALIVE Teachers sa Radyo Bida.Sinabi ni Macasayon na 17 mga Arabic Teachers lamang ang tumatanggap ng honorarium na 6 thousand pesos mula sa DepEd National Office.Aniya kahit pa nakasulat sa opisyal na listahan ang 27 mga ALIVE teacher's na nakatalaga sa Kidapawan City Division sampu naman sa mga ito ay bakante at hindi mga Ghost Teacher's.Bagaman may pondo sa sampung bakante hindi naman nila ito natatanggap dahil ibinabalik ito sa finance Division nang DepEd National Office.Nag-ugat ang reklamo ng mga ALIVE TEACHERS matapos hindi nila natanggap ang kanilang honorarium noong buwan ng Abril at Mayo.Paliwanag ni Macasayon na naabutan kasi ng pagsasara ng libro kayat hindi narelease ang kanilang sweldo. UMANGAL ang maraming mga negosyante sa Kidapawan City sa sobrang laki ng itinaas sa garbage collection fee na sinisingil sa renewal ng business permit.Kung dati, nagbabayad sila ng annual garbage collection fee na P250, ngayong taon, abot na ito sa P1,250 o pagtaas sa 400 percent.Ang iba naman ay umaabot dalawang libong piso.Pero ang malalaking establisiemento, pumapalo ang kanilang bayarin ng mula tatlo hanggang anim na libo.Pahayag naman ng City treasurer na si Elsa Palmones, ang inilatag na bayarin ay mula sa Citý Environment and Natural Resources o CENRO. Ibinatay raw ito sa bigat ng mga basura na kinukulekta kada araw ng garbage dumptruck.Katwiran pa ni Palmones, bahagi rin ang pagtaas ng bayad sa Tax Reform Code na ipinasa nitong 2015 pagkatapos ng 17 taon.Gayunman, kung paano nakapaglatag ng ganitong scheme sa garbage collection fee ang city LGU, mas maige umano na ang magpaliwanag ay ang Citý Environment and Natural Resources Office. Posibleng gutom ang aabutin ngayon ng mga residente ng barangay Onica sa Kidapawan City dahil sa epekto ng El Niño Phenomenon.Sa katunayan halos tigang na ang mga sakahan sa buong barangay sanhi ng pagdeklara ng state of calamity ng barangay Council.Sinabi ni brgy. Onica Chairperson Gasmabel Suelan nasa 95 ektarya ng maisan at higit talong daang ektarya ng palayaan ang tigang na tigang na.Matagal din kasi na hindi sila dinalaw ng ulan.Samantala, inamin naman ng opisyal na hindi sapat ang limang porsyentong barangay calamity fund na nagkakahalaga lamang ng 70 thousand pesos para ibsan ang epekto ng El Niño.Kaya umaasa pa rin sila sa maagap na tulong ng City government at nang Department ng Agriculture para sa kaniyang mga kababayan.Bagaman at nakapagtanim na sila ng dilaw na kamote bilang paghahanda sa epekto ng tag-init ay hindi pa naman ito mapapakinabangan agad-agad ng mga residente dahil hihintayin pa nila ang anim na buwan bago ito maani.Si barangay Onica Chairperson at ABC President Gasmabel Suelan. Ang pagdeklara ng state of calamity sa barangay Onica ay kasunod rin ng pagsasailalim ng state of Calamity ng Bayan ng Kabacan sa North Cotabato dahil sa tindi rin ng pinsala ng pang-aatake ng daga sa kanilang mga sakahan.

High value drug peddler falls, yields 150 grams of shabu in Lanao Sur

MARAWI CITY - Lanao del Sur PPO's Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Special Operations Group, 1st Provincial Mobile Force Company, Marawi...

6 armed villagers wounded in Basilan ambush incident

COTABATO CITY - Ambushers seriously wounded six men in a rival group in an attack early Saturday in Sitio Lessem, Barangay Bato-Bato, Akbar...

DA: Price freeze needed only in areas under state of calamity

MANILA – The Department of Agriculture (DA) on Friday said that a price freeze of rice and other basic commodities should only be implemented in...

2 BIFFs yield to Army in MagSur

RADJAH BUAYAN, Maguindanao del Sur -  On May 3, 2024, the 33rd Infantry (Makabayan) Battalion presented two Former Violent Extremists (FVEs) to...

DENR-12 MANP Cotabato documents encounter with "Ibong Adarna"

KIDAPAWAN CITY - Four birds of the Philippine Trogon (Harpactes ardens), a bird species associated with the mythical Ibong Adarna, were documented...