Thursday Feb, 29 2024 10:36:49 AM

NDBC BIDA BALITA Jan. 16, 2015

 • 17:11 PM Sat Jan 16, 2016
1,584
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

JANUARY 16,
2016 (SATURDAY)

HEADLINESand

1. TORE ng NGCP sa bayan ng Aleosan,
North Cotabato, pinasabogan ng IED

2. Dalawang iba pang mga bayan
sa North Cotabato, apektado na rin ng Rat Infestation

3. Dating Sundalo at apat na iba pa
arestado dahil sa illegal na droga sa Koronadal City

4. WALANG BANTA sa seguridad ang bansa,
pagtitiyak ni Pangulong Aquino

At ngayon sa detalye...
MULI na namang pinasabugan ang tore ng
National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa Purok 4 Brgy Pagangan
Aleosan North Cotabato, pasado alas-11 ng umaga kahapon.

Mismo si Aleosan Chief of Police Sr.
Inspector Jun Napat ang nagkumpirma ng naturang insidente sa DXMS Radyo Bida.

Ayon kay Napat, nilagyan ng dalawang
Improvised Explosive Device o IED na may lamang pulbura ng 81mm na bala ang
tower 63 NG ngcp pero isang IED lamang rito ang sumabog.

Nabatid na nasa isang daan hanggang
dalawang daan metro lamang ang layo ng mga kabahayan mula sa pinagtayuan ng
pinasabogang tore.

Hindi pa mabatid ng mga otoridad kung
sino ang nasa likod ng muling pagpapasabog ng naturang tore.

Noong nakaraang taon lang ay
pinasabogan rin ang tower 68 ng NGCP sa bayan pa rin ng Aleosan.

INAALAM PA
ngaun ng mga imbdestigador ng Police station #1 kung sino ang nasa likod ng
panloloob sa Post office ng Cotabato city.

Ayon sa
report ng pulisya, nagsumbong sa kanila ang isa sa mga empleyado ng post office
na si Ayunan Diok, 45 anyos na nanakawan ang kanilang opisina dakong alas syete
nang umaga kahapon.

Agad namang
rumisponde ang pulisya at dito nakumpirmang positibo ang nasabing report.

Dumaan umano
ang mga magnanakaw sa back door ng post office.

Kabilang sa
mga nawawala ang isang ipod na ngka2halaga ng 35k pesos, tatlong relo na
ngka2hlaga ng 3,500k na pgaari ni Diok, isa pang relo na ngka2hlaga ng 5k na
pgaari nman ng teller na c Lydia Kadil, 900 pesos na collection money at
mailing stamp na ngka2hlga ng 2,400k.

Dahil dito,
hinigpitan pa ngaun ng post office ang seguridad sa nsbing tanggapan.

MATAPOS
ang terror attack sa Jakarta, Indonesia, tiniyak ni Pangulong Noynoy Aquino na
walang credible threat na umiiral laban sa seguridad ng bansa.

Pinagtuunang
pansin agad ng pangulo ang kaligtasan ng mga Filipino at hinimok na maging
mapagmatyag.

Noong
Lunes lang ay ipinag-utos ni PNP chief Police Director General Ricardo Marquez
na isailalim sa full alert status ang buong bansa kasunod sa nangyaring
pagsabog sa bansang Indonesia na kagagawan ng international terrorist group ang
ISIS.

Pinawi
naman ng pulisya ang pangamba ng publiko na may namomonitor silang banta mula
sa teroristang grupo.

Hiling
ng pulisya sa publiko na maging alerto at mapagmatyag sa kapaligiran at ireport
kaagad sa mga otoridad sakaling may mapapansing kahina hinala bagahe man o
indibidwal.

INILUNSAD
na ng Department of Social welfare and development o DSWD-ARMM ang kanilang
APAT DAPAT PROGRAM na isang inisyatibo laban sa kahirapan na naka-sentro sa 600
na mahihirap na pamilya sa rehiyon.

Dito
binigyang diin ang kahalagahan ng apat na pangangailangan ng bawat tao o bawat
pamilya, kabilang ang Pagkain, pailaw, water and sanitation at tirahan.

Umaasa
naman si DSWD-ARMM Secretary Rahima Alba na magiging tugma ang kanilang
programa sa komunidad na kanilang isinesentro sa ilalim ng kanilang development
projects.

Inihayag
ni Alba na kaakibat ng apat dapat program ay pagtitiyak na makukuntento ang
pamilya sa rekomendadong dietary allowance, pagidentify ng nararapat na
livelihood program, at pagkaron ng kita kasabay ng paghahanda ng ligtas na
pagkain sa kanilang hapagkainan.

Sinisikap
naman ng DSWD-ARMM na makipagugnayan sa mga Rural health Unit o RHU upang
matiyak na ang sapat na pagkain at seguridad para sa mga benepisyaryo ay
makakamit sa ilalim ng itinakdang programa ng ahensya.

SAMANTALA,
Nagkaroon naman ng municipal stakeholders meeting sa pangunguna ni ARMM Gov.
Mujiv Hataman para sa mga programang gagawin sa ilalim ng ARMM-humanitarian and
development Action Plan o ARMM-HDAP.

Target
ng naturang programa ang mga lubos na nangangailangan o mahihirap sa 15
munisipyong kanilang bibigyan ng atensyon mula sa second district ng
Maguindanao.

NAHULI
sa inilagay na checkpoint ng Cotabato City police station 2 sa ramon rabago
st., rh5 ang isang negosyante na nagdadala ng baril pasado alas nuwebe kagabi.

kinilala
ang COMELEC gunban violator na si Marlon Estalilla, 41 anyos, residente ng
purok 3, gov. Gutierez ave., rh9 ng lungsod.

Nakuha
mula kay Estalilla ang isang cal. 45 pistol na may serial #and 628567 at isang
magazine na may pitong bala habang minamaneho nito ang knyang kulay dilaw ng
honda xrm 125 na wlang license plate.

Nakakulong
na ngaun sa lockup cell ng Police station 2 si Estalilla habang inihahanda ang
kasong isasampa laban sa knya.

Nabatid
na mula ng ipatupad ang nationwide gunban, si estalilla pa lamang ang
kauna-unahang nahuli na lumabag rito.

NAKATAKDANG
ipamahagi ng Department of Environment and Natural Resources Autonomous Region
in Muslim Mindanao ang 40 piraso ng garbage trash bin para sa bayan ng Buluan Maguindanao.

Sinabi
ni DENR-ARMM Secretary Hadji Kahal Kedtag na itinakda ang turn-over ng
malalaking mga basurahan kay Governor Esmael Toto Mangudadatu ngayong February
11,

2016.

Ayon
kay Kedtag, personal na hiniling sa kanila ni Governor Mangudadatu ang trash
bin upang mailagay sa public market ng bayan at maiwasan ang pagkakalat ng mga
basura.

Layunin
ng programa na palakasin ang kaalaman sa wastong pagtatapon ng basura.
Inihihiwalay ang nabubulok sa hindi nabubulok na basura, dagdag ni Kedtag.

Ang
programa ay bahagi ng implementasyon ng Ecological Solid Waste Management Act
of 2000 kung saan hinihikayat ang publiko na sumunod sa tamang paraan ng pagtatapon ng basura para sa kaligtasan ng
mamamayan laban

sa
sakit, malusog na kapaligiran, at mapakinabangan ang mga basurang puwede pang
gamitin.

Maliban
sa Buluan, recipient din ng proyekto ang bayan ng Datu Piang.

Sampung
portable garbage bin ang ipamamahagi sa nabanggit na bayan at nakatakdang
ibigay kay Datu Piang Mayor Genuine Kamaong.

Mamimigay
din ng kahalintulad na basurahan ang environment department sa iba't-ibang
tanggapan sa ARMM compound upang matiyak na may pagtatapunan ng mga nabubulok
at hindi nabubulok na basura ang lahat ng opisina.

Ikinadismaya ng ilang miembro ng Sanguninang Panglungsod ng Kidapawan ang nakatambak ngayong mga cassava planting materials sa isang barangay ng lungsod.Naniniwala si Councilor Francis Palmones na ang naturang mga planting materials ay ang mga itinurn-over ng LGU para sa mga magsasaka.Ikinatakot naman ng opisyal na baka hindi na ito mapapakinabangan pa.Ipinahayag ng konseho ang kanilang mga saloobin kasabay naman ng SP Session kamakalawa.
Samantala, hinikayat naman ni Palmones ang El Nino Taskforce ng City Government na bilisan na nila ang ginagawang validation sa drought damage at mahigpit na imonitor sa kanilang mga nairelease na mga seedlings kung ito ba ay natanim na nang mga magsasaka.Sinabi ni City Acting Agriculturist Nesmero Espejo, disyemebre pa sinimulang ipinamahagi ng Taskforce ang mga drought resistant Planting materials sa mga barangay sa pamamgitan ng mga barangay official.Kabilang na rito ang vegetable seeds, yellow cassava stems na mga alternatibong pananim para pangkain at pang-negosyo ngayong tag-init ng mga magsasaka.Sa ngayon pending pa sa approval ang kanilang rekomendasyon na bumili ng mga water pumps na ipamamahagi sa Farmers Association na nagkakahalaga ng 30 thousand pesos bawat unit. Napeperwisyu na rin ngayon ang dalawang mga bayan sa North Cotabato matapos atakehin ng mga pesteng daga ang kanilang mga agricultural Crops.Base sa datus ng Office of the Provincial Agriculturist o OPAG umaabot na sa tatlumpong milyong piso ang iniwang danyos ng rat infestation sa mga palayan at maisan ng lalawigan.Sinabi ni OPAG Officer Roel Villanueva, Matapos ang bayan ng Kabacan na may pinsalang 13.5 million pesos, nadagdag na rin ngayon sa listahan ang mga bayan ng Alamada at Tulunan na meron ng danyos na umaabot sa 12.8 million pesos.Apektado sa bayan ng Alamada ang siyam na mga barangay na kinabibilangan ng brgy. Bao, Barangiran, Kamansig, Giling, Makabasa, Malitubog, Pakaw, Pauayan, at Pulayagan.Meron itong 87 ektarayng palayan na nasa vegitative stage na o no chance of recovery, habang nasa 40.6 hestares na maisan rin ang nasa reproductive stage ang inatake ng daga.Abot sa 95 ektarya rin ng maisan ang inatake ng pesteng daga sa Tulunan partikular sa brgy. ng Banayal, Bituan at Maybula na meron ng 3.2 million pesos na estimated damaged.Inihahanda na ngayon ng OPAG ang pamamahagi ng Zinc Phosphide sa mga apektadong magsasaka kasabay rin sa paghikayat sa kanila na linisin ang palibot ng kanilang mga pananim. Naaresto ang isang 18-anyos na babae sa inilunsad na buy bust operation ng mga otoridad sa loob ng isang KTV bar sa Datu Ingkal Street, Kidapawan City alas tres ng hapon kahapon.Kinilala ang suspek na si Marian Anda Miguel, may asawa na taga Miasong Polomolok, South Cotabato.Nakuha mula sa suspek ang dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu at drug money.Nakakulong na ngayon sa Kidapawan City PNP ang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa kanya.Samantala patuloy rin ngayon iniimbestigahan ng City PNP ang nangyaring panununog sa isang truck na may kargang oil Palm sa barangay Malinan ng lungsod.Una rito sinunog ng di pa kilalang mga suspek ang isang Figther FUSO truck na puno ng Oil Palm na nakaparada lamang sa nabanggit na lugar na pag-mamay ari naman ng isang Jose Mondejar Meyhaw, 80 anyos, negosyante na taga Perez Street, Poblacion Kidapawan.Inaalam pa ngayon ng PNP ang motibo sa nabanggit na krimen. Halos syetenta porsyento na ng mga residente ng barangay Onica ang apektado ngayon matinding init ng panahon.Ayon sa ilang mga magsasaka na nakapanayam ng RADYO BIDA sa lugar, halos tatlong buwan na rin silang hindi nakapagtanim ng kanilang mga produkto kagaya ng mais, palay at tubo dahil sa tigang na tigang na ang mga lupa.Iilan lamang sa mga magsasaka ang nakapag ani ng kanilang mga naunang naitanim na mga palay ngunit kakarampot lamang din ito matapos na abutan ng epekto ng El Nino.Ang iba sa mga ito ay nalugi pa umano.Dahil sa tindi ng epekto ng El Nino sa kanilang lugar, ilan sa mga residente at magsasaka sa barangay ay dumarayo na sa kalapit barangay para maghanap ng mapagkakakitaan.Karamihan kasi sa mga magsasaka sa brgy. Onica ay mga Tenant lamang at walang mga sariling lupa.Sa kabilang nito nanatili namang positibo ang mga magsasaka at umaasang maiibasan rin ang kanilang kahirapan sa tulong ng Maykapal.Ang barangay Onica ay una nang isinailalim sa state of calamity ng barangay council dahil sa tindi ng epekto ng El Niño Phenomenon. Abot sa 3 thousand board feet na mga ilegally cut logs ang nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng Kabacan PNP, Regional Public Safety Batallion 12, Cotabato Police Provincial Office at 7th IB ng Philippne Army, sa purok Kweba, brgy. Pisan, Kabacan, North Cotabato alas onse ng umaga kahapon.Sinabi ni Chief Ins. Ronnie Cordero nakatanggap raw ng impormasyon mula sa isang concerned citizen si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. sa umano ilegal na aktibidad sa nabanggit na lugar.Sa direktiba rin ni Cotabato Governor Emmylou Mendoza agad tinungo ng mga otoridad ang lugar at duon na nila nadatnan ang mga nakafile na mga troso.Ang malalaking puno ay nakatanim mismo sa watershed area ng barangay Pisan.Posible ring natunugan ng mga ilegal operators ang pagdating ng mga otoridad dahil ni isang tao at gamit ay wala na silang narekober doon.Isinagawa ang naturang operasyon kasabay rin sa mas pinalakas na kampanya ng Kabacan PNP kontra illegal logging sa bayan.Agad ring ikinustodiya ang nakumpiskang mga kahoy sa Kabacan Municipal Environment and Natural Resources Office na inilipat rin sa Provincial Capitol.Patuloy ngayong inaalam ng PNP kung sino ang responsable at nasa likod na naturang pamumutol ng kahoy.Ito na ang pangalawang operasyon ng Kabacan PNP kaugnay ng illegal logging sa bayan kung saan nakumpiska nila una ang nasa 1,200 board feet na mga kahoy na inabandona ng mga suspek. Inihahanda na ng Koronadal City PNP ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa limang suspek.
Ito ay matapos matimbog sa illegal drug buy bust operation ng mga pulis sa Purok Ycon, Barangay General Paulino Santos kamakalawa kagabi.
Kinilala ni Glorio Sandig ang action officer ng city anti drug abuse council o CADAC ang isa sa mga suspek na si Reylan Bentoy biente syete anyos at residente ng Barangay San Jose Koronadal.
Kinumpirma ni Sandig na si Bentoy ay dating myembro ng Special Action Force o SAF ng militar na nakatalaga sa Zamboanga City.
Ayon kay Sandig, arestado din ang mga kasama ni Bentoy na sina Glenda Mae Balitong biente dos anyos ng Barangay Zone III, Jonabelle Awid biente anyos ng Barangay General Paulino Santos,Jade Paul Salvatierra trenta’y kwatro ng Barangay Zone IV, sa Koronadal.
Arestado din si Myra Quibete, trenta’y syete anyos, ang may ari ng bahay na ni-raid ng mga pulis.
Ang mga suspek ayon kay Sandig ay naaktuhang ding gumagamit na illegal na droga.
Nakuha ng team ni Koronadal Chief Of Police Superintendent Barney Condes sa mga suspek ang dalawang large size , sampung medium pack at isang small sized sachet ng suspected shabu.
Kinumpirma din ni Sandig na kabilang umano sa mga paroyano ng mga suspek ang mga menor de edad na kung minsan ay naka school uniform pa tuwing bumibili sa kanila ng illegal na droga.
Ayon kay Sandig, nagsagawa ng surveillance sa lugar ang mga pulis matapos ireklamo ng ilang mga residente ang ingay sa ni raid na bahay tuwing gabi.
Ang mga suspek ay nakakulong na ngayon sa Koronadal City PNP lock up cell. Ramdam na ang matinding epekto ng tagtuyo’t sa South Cotabato.
Ito ay batay naman sa naging kumpirmasyon ni Charlyn Jamero ang Officer in Charge at Weather Obsever IV ng Pagasa Weather Station sa Awang Airport, Cotabato City.
Si Jamero ay dumalo sa Joint meeting ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council at Provincial Agriculture Office ng South Cotabato kamakalawa.
Ayon kay Jamero ang dry spell ay siyamnapung porsyentong maaring tumagal hanggang Abril at posibleng pitumput limang porsyento namang mararanasan hanggang Hunyo.
Pinakaminit na panahon sa lalawigan ayon kay Jamero ay maaring mmararamdaman sa Marso.
Inihayag din nito na kumpara noong mga nakaraang El Nino Phenomenon, aasahan ang mas mainit na panahon ngayon.
Kaugnay nito, ipinahayag naman ni Provincial Agriculture Officer Justina Navarete na isinusulong ngayon ang pagsasagawa ng Cloud seeding operation sa South Cotabato.
Layon nito na maisalba ang mga pananim at maibsan ang epekto ng dry spell sa lalawigan.
Gayunpaman ayon kay Navarete, bago pa man gagawin ang cloud seeding operation, nais muna nilang konsultahin ang mga magsasaka.
Paliwanag ni Navarete dapat din kasing matiyak na hindi makaapekto ang cloud seeding operation sa pamumulaklak ng mga manga at iba pang mga fruit bearing trees sa South Cotabato.
Tiniyak ni Karen Kleitz Pacardo,ang city Franchising officer ng Koronadal na reresolbahin ng kanilang tanggapan ang problema sa cloning o pangongopya ng motorized transport operators permit o MTOP ng mga tricyle.
Ayon kay Pacardo,tatlong kaso na kasi ng cloning ng MTOP ang naitala ng kanilang tanggapan.
Binigyan diin ni Pacardo na kapag napabayaan na lumalala pa ang problema, makaapekto ito sa mga legal na transport operators at driver sa Koronadal City.
Maari ring gamiting modus ng mga masasamang loob ang pangongopya ng MTOP number para makapambiktima.
Ayon kay Pacardo plano ngayon ng city franchising office na pagusapan ang problema kasama ang city traffic section na pinamumunuan ni Ed Tabago. Inihayag din ni Pacardo na pinaghahandaan na rin ng franchising office ang pagdami ng renewal ng prankisa sa Koronadal City ngayon.
Nabatid na ang Koronadal City ay mayroon ngayong 5,476 na active fracnchise holders o mga nabigyan ng prankisa na bumibyahe sa lungsod.Magsisilbing host ng tatlo pang mga malalaking kaganapan ang Koronadal City ngayong taon.
Ito ay ayon mismo kay City Mayor Peter Miguel.
Ayon kay Miguel naghahanda na ang lokal na pamahalaan sa pagtanggap sa mahigit limang libong mga delegado para sa National Schools Press Conference o NSPC.
Ito ay magaganap sa Pebrero biente dos hanggang biente sais.
Ang NSPC ay pinakamalaking pagtitipon at kumpetisyon ng mga campus o student journalist sa buong bansa.
Ito ay bilang pagtalima na rin sa Campus Journalism Act of 1991 na sumusulong sa responsable at malayang pamamahayag sa mga eskwelahan.
Tema nama ng NSPC 2016 ang The Role of the 21st Century Campus Journalists in Upholding Good Governance, Leadership and Transparency. Maliban sa NSPC gaganapin din sa Koronadal City ang Palarong Pambansa” ng mga private schools.
Ito ang 2016 Private Schools Athletic Association o PRISAA National Collegiate Game.
Ang PRISAA meet ay gaganapin sa Abril a dos hanggang nuebe.
Kumpirmado na rin ang pag host ng lungsod sa ecumenical na National Bible Conference sa huling bahagi ng 2016.
Matatandaan na nabigo man na makapag host ng Palarong Pambansa , ilang malalaking event naman ang isinagawa sa Koronadal city noong 2015.
Kabilang dito ang Koronadal International Folklore Festival na dinaluhan ng sampung mga bansa at Mindanao Leg ng Batang Pinoy Qualifying Games.
Ayon kay Miguel ito ay bilang kabahagi ng pagsulong ng lokal na pamahalaan na gagawing hub o sentro ng mga conferences, palaro at iba pang mga malalaking event ang Koronadal City. Nasa huling bugso na ng kanilang paghahanda para sa SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association o SRAA meet ang Department of Education o Deped 12.
Sa katunayan ayon kay Magdaleno Duhilag, ang Supervisor Incharge ng Sports Progam ng Dep Ed 12, limamput siyam na porsyento nang tapos ang mga paghahanda nila sa patimpalak.
Inihayag ni Duhilag na inaayos na ng Deped ang venue ng mga palaro at maging mga billeting quarters ng mga atleta.
Ayon kay Duhilag ang pagrepaso sa iba pang mga pangangailangan sa SRAA meet ay pinagusapan sa final coordinating meeting ng Dep Ed sa Kiamba, Sarangani Province kahapon.
Ito ay dinaluhan ng mga kinatawan ng local government unit, committee chairman at DepEd.
Ayon kay Duhilag, napili para maging host ng 2016 SRAA meet ang Kiamba sa layong mai-promote din ang mga coastal areas sa region 12.
Bukod dito ayon kay Duhilag, ayaw na ring abahalin pa ng Deped ang mga guro at magaaral sa mga lugar na palaging host ng regional meet tulad ng Koronadal City.
Dinagdag din ni Duhilag na dahil sa malamig na panahon at araw araw na mga pag ulan, mainam din na gagawin sa Kiamba ang SRAA meet bunsod na rin ng El Nino Phenomenon.
Ang SRAA meet ngayon taon ayon kay Duhilag ay pinaglaanan ng DepEd ng mahigit 1.8 million pesos.
Ito ay inaasahan namang dadaluhan ng mahigit tatlong libong mga delegado.
Ang 2016 SRAA meet ay gaganapin sa Kiamba, Sarangani sa Pebrero a tres hanggang syete.

NDBC BIDA BALITA (Feb. 29, 2024)

HEADLINES 1   SUSPECT sa pagpatay kay dating Cotabato City security chief na si ret. Colonel Balquin, naaresto ng CIDG 2 ...

BARMM Chief Minister signs into law bill creating parliamentary districts

COTABATO CITY  – Bangsamoro Region Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Balawag Ebrahim signed into law Wednesday night a bill creating...

Suspect sa pagpatay kay dating Cotabato City security chief ret. Colonel Balquin, naaresto

ITO ang kinumpirma ni CIDG BARMM Chief Lt.Col Ariel Huesca matapos maaresto ang suspek pasado alas 6:00 ngayong gabi sa Purok Lugay-Lugay, Barangay...

El Niño expected to affect up to 80 provinces – task force

MANILA – Task Force El Niño on Wednesday warned that about 80 provinces may experience the adverse effects of the weather phenomenon, sparing...

PRO-12, LGUs set rules against North Cotabato motorcycle races

COTABATO CITY  - The Police Regional Office-12, local executives and the provincial government of North Cotabato are now together addressing the...