Wednesday Apr, 24 2024 10:57:44 AM

NDBC BIDA BALITA Jan. 18, 2016

 • 17:19 PM Mon Jan 18, 2016
2,066
By: 
NDBC News and Current Affairs Team

NDBC BIDA BALITAJANUARY 18, 2016 (MONDAY)HEADLINESand 1. PINASABUGANG tore ng NGCP noong nakaraang linggo, ayos na.2. Police, nabiktima ng bukas kotse gang sa Cotabato City.3. Kagawad ng Brgy. San Vicente, Makilala, sinagot ang isyu ng illegal drug laban sa kanya4. Lalaki, inaresto sa araw ng kanyang kasal sa Sto Nino, South Cotabato.5. Bagong pambublikong ospital, bubuksan na sa South Cotabato AT NGAYON SA DETALYE..MATAPOS pasabugan ng Improvised explosive device o IED ang isa na namang tore ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP noong biyernes ng umaga, agad namang natapos ang pagsasaayos dito noong sabado.Una nang kinumpirma ni Aleosan Chief of Police Sr. Inspector Jun Napat sa DXMS radyo bida ang pagpapasabog sa TOWER 63 ng NGCP sa Purok 4, Brgy Pagangan Aleosan, Cotabato.Ayon kay Napat, dalawang IED na may laman na pulbura ng 81mm na bala ang inilagay sa tore pero isa lamang rito ang sumabog.Inihayag naman ni NGCP spokesperson Melfrance Capulong, hindi naman tuluyang natumba ang tore pero nasira ang ilalim na bahagi nito. Ito na ang kauna-unahang pagpapasabog sa mga tore ng NGCP ngayong taon.Inaasahan naman na paiigtingin na ng NGCP ang seguridad at pagbabantay sa kanilang mga tore sa tulong ng mga barangay officials at nakatalaga nilang mga watchmen sa lugar upang hindi na maulit pa ang insidente. Nabatid na noon nakaraang taon ay abot sa 16 na tore na ng NGCP ang nasira dahil sa pangaatake ng mga armadong grupo. HIRAP at NAABALA umano ang mga motoristang hindi makadaan sa tapat ng Notre Dame University o NDU sa Cotabato City dahil sa isinagawang road repair dito.Imbes na mapapadali ka patungo sa iyong destinasyon ay kelangan mo pang mag re-route sa masikip na daan.Ayon kay DPWH-Cotabato City district engineer Marlo De Guia, isang closed drainage ang ginagawa sa tapat ng NDU at kinakailangan nilang isara ang kalsada dahil hindi pa matigas ang manhole na ginagawa nila dito.Kaugnay nito, humihingi naman ng paumanhin ang DPWH-Cotabato City sa idinulot na abala ng kanilang proyekto. DUMULOG SA police station number 2 ang isang pulis matapos umanong mabiktima ng basag-kotse sa kahabaan ng Sinsuat avenue, Cotabato city.Ayon sa salaysay ni PO2 Allan Macarimbang, nakatalaga sa PNP Maguindanao, ipinarada umano niya ang kanyang Hyundai Eon na may license plate AAG 1757 sa harap ng Las Hermanas dakong alas syete kagabi.Pero pagbalik ni PO2 Macarimbang, nakita nitong basag na ang kanyang windshield sa passenger side.Nang i-check naman nito ang kanyang mga gamit, wala nang ang sampung libong cash sa kanyang wallet, 450 pesos na nakalagay naman sa lalagyan ng inumin.Nabatid na huling umatake ang mga basag-kotse sa Cotabato city noong kasagsagan ng pagbubukas ng Mall of Alnor kung saan ay pawang ipinarada ng mga nabiktima ang kanilang sasakyan sa Sinsuat avenue, o harap ng Cotabato Regional and Medical Center. ISANG groundbreaking ceremony ng kauna-unahang state of the art na operation center o opcen ng ARMM-HEART ang isasagawa ngayong araw sa ARMM-ORG Compound.Ito ay sa pangunguna ni ARMM-Gov. Mujiv Hataman.Ayon kay Jo Henry ng ARMM HEART, ang naturang opcen ay nagkakahalaga ng 33.8 million pesos na may tatlong palapag at may mga pasilidad, training hall, function hall at bodega.Sisimulan ang konstruksyon pagkatapos ang demolition na kasalukuyang isinasagawa sa tabi ng itinatayong tanggapan ng RBMO-ARMM.Ang DPWH-Maguindanao first district naman ang siyang nakatokang magtayo nito sa pangunguna ni district engineer Nash Ibrahim.SAMANTALA, ngayong araw, gagawin din ang ground breaking ceremony ng itatayong bagong provincial capitol building ng Maguindanao provincial government sa bayan ng Buluan.Susundan naman ito ng PPOC o provincial peace and order council meeting na pangungunahan ni Maguindanao governor Esmael Toto Mangudadatu. Mapapakinabangan na ng mga mamamayan lalong lalo na sa Upper Valley area ng South Cotabato ang Allah Valley Community Hospital sa bayan ng Surallah.
Ayon kay South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes, ang pampublikong Ospital ay pormal ng bubuksan sa publiko ngayong araw.
Mangunguna sa pagbubukas nito ang ilang mga opisyal ng Department of Health o DOH 12.
Binigyan diin ni Fuentes na matapos matengga ng tatlong taon, kailangan na talagang mabuksan ang ospital .
Ito ayon kay Fuentes ay kahit na meron pang dapat ayusin sa pasilidad tulad ng plumping, gripo at mga dingding .
Umaasa kasi ang gobernador na makatutulong ang Allah Valley Community Hospital para maibsan ang siksikan ng mga pasyente sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.
Ang Hospital ay ipinatayo sa pakikipag tulungan ng lokal na pamahalaan sa DOH, at pribadong sector.
Matatandaan na matapos ang soft opening nito , sinimulan ng ospital ang pagtanggap ng mga out patient noong Disyembre.
Kasabay naman ng pormal na pagbubukas nito ayon kay Fuentes ay ang pagtanggap na Allah Valley Hospital ng mga mga pasyente na kailangan ng admission. Pumalit kay dating South Cotabato PNP Provincial Director Senior Superintdent Jose Briones Jr, si Senior Superintenden Franklin Alvero.
Si Alvero ay pormal na umupo sa bilang bagong provincial director ng PNP South Cotabato noong byernes.
Ito ay matapos ang simpleng turn over of command saPNP Provincial Headquarters sa Koronadal City.
Ipinahayag naman ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na pinili nito si Alvero dahil sa maganda nitong track record bilang isang police official.
Si Alvero na taga Surallah, ang unang taga South Cotabato na maninilbihan bilang Provincial Director ng lalawigan.
Siya ay dating hepe ng Regional Logistics Research and Development Division ng PNP 12.
Dinagdag din d ni Fuentes na kuntento siya sa performance ni dating PNP provincial director Briones, lalong lalo na sa kampanya nito kontra illegal na droga.
Patunay dito ayon sa gobernador ang parangal na natanggap ng lalawigan sa Dangerous Drugs Board o DDB.
Matatandaan na kinilala ng DDB ang Provincial Anti Drug Abuse Council bilang pinakamagaling sa buong bansa noong nakaraang taon. Gayunpaman ayon kay Fuentes may kakulangan din ang PNP sa pamumuno ni Briones sa pagresolba ng kaso ng nakawan ng motorsiklo sa lalawigan.
Ipinahayag ni Fuentes na sa limampung kaso na motornapping na naitala sa South Cotabato sa panunungkulan ni Briones, isa lamang umano ang suspek na nahuli ng pulisiya. Ikinatuwa naman ng mga mamamayan ang mas pinabilis na proseso ng pagkuha at renewal ng business permit sa Koronadal City.
Ito ay sa pamamagitan ng Business One Stop Shop o BOSS na matatagpuan sa City Hall Lobby ngayon.
Ayon sa ilang mga mamamayan na nakausap ng NDBC Koronadal, dahil sa BOSS hindi na nila kinakailangan pang pumila ng matagal.
Kadalasan ayon sa mga ito tumatagal lamang sa hanggang isang oras ang kanilang pakikipag-transakyon sa lokal na pamahalaan. Kaugnay nito, ipinahayag naman ni City Mayor Peter Miguel na maghahandog ng libreng kape para sa mga kleyente ng BOSS ang lokal na pamahalaan simula ngayong araw.
Bukod dito libre ring makapag-photocopy sa BOSS ng kanilang mga kinakailangang dokomento ang mga kukuha o mag-renew ng kanilang business permit.
Layon nito ayon sa alkalde na lalo pang mahikayat ang mga mamamayan na samantalhin ang serbisyong handog ng BOSS.
Ang mga negosyante sa Koronadal City ay maari magpa-renew o kumuha ng kanilang business permit sa BOSS hanggang sa Enero a biente.
Matatagpuan sa BOSS ang mga kinatawan ng mga ahensya ng gobyerno na kailangan sa pagkuha o renewal ng business permit.
PATAY ANG ISANG lalaki matapos pagbabarilin pasado alas otso nang umaga kahapon sa Sinsuat avenue, sakop ng Poblacion 5, Cotabato city partikular sa tabi ng Alconel dry goods.Kinilala ang biktima na si Benjie Abdul Ponce, 43 anyos, residente ng Tukananes, Poblacion 7, ng lungsod.Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakaupo si Ponce sa lugar ng pinangyarihan kasama ang kanyang asawa nang lumitaw anv dalawang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo.Bigla umanong pinagbabaril ng isa sa mga ito ang biktima na timaan sa kanyang balikat, kili-kili at hita.Agad tumakas ang mga suspek habang isinugod naman sa pagamutan si Ponce kung saan ay nasawi rin ito habang ginagamot ng mga doktor.Narekober naman sa crime scene ang tatlong empty shells ng kalibre 45 na pistola na pinaniniwalaang ginamit ng mga suspek sa pamamaril kay Ponce.Patuloy na inaalam ngayon ng mga imbestigador kung ano ang motibo sa nasabing pamamaril. Nabigyan ng kabuhayan ang abot sa isang daang mga mamamayan sa Koronadal City.
Ito ay sa pamamagitan ng Nego Kart na kanilang natanggap.
Ayon kay Judith Marmonejo ang Manager ng Public Employment Service Office o PESO Koronadal, ang Nego Kart ay napakinabangan ng 114 mga mamamayan.
Ang mga ito ay kabilang sa mga nag-apply para makinabang sa proyektong pangkabuhayan ng lokal na pamahalaan at DOLE.
Inihayag ni Marmonejo na ang proyekto ay pinondohan sa pamamagitan ng Bottom Up Budgeting o BUB program ng gobyerno.
Kaakibat ng pagbibigay ng Nego kart ay ang pampuhunan din sa mga benipisyaryo nito.
Ang proyekto ay pinaglaanan naman ng mahigit tatlong daang libong piso ng lokal na pamahalaan at DOLE.
Bago pa man ipamimigay, pinabasbasan muna ng lokal na pamahalaan kay Father Mario Eudela ang Vicar 1 ng Saint Anthony Parish ng Koronadal ang mga Nego Kart noong byernes.
Hindi na nagawa pang makadalo sa reception ang isa katao matapos arestuhin ng mga pulis pagkatapos mismo ng kanyang kasal sa Sto. Nino, South Cotabato noong Sabado.
Kinilala ang suspek na si Rodel Estorque, trenta’y tres anyos, foreman at residente ng Barangay San Isidro, Sto. Nino.
Sa eklusibong panayam sa kanya ng Radyo Bida, Koronadal, ipinahayag ng biente nuebe anyos na misis ni Rodel na si Rosalyn na mismong siya ay nagulat nang lapitan ng mga pulis at posasan ang mister paglabas mismo ng simbahan.
Ang suspek ay inaresto ng mga kasapi ng Regional Public Safety Batallion 1st Company dahil sa kasong frustrated homecide.
Ipinahayag naman ng ina ng inarestong suspek na si Delia Estorque na nataga noon ng anak ang biktima dahil sa pagtatanggol sa kanya.
Depensa pa ng ina , nakita kasi ng anak na si Rodel ang pambubogbog sa kanya ng suspek sa loob mismo ng kanilang bahay kaya niya nataga ang complainant na dayo lamang umano sa kanilang lugar.
Inihayag din nito na maging siya man ay nagulat sa pagaresto sa anak dahil naganap umano ang krimen noon pang 2007.
Ang inarestong si Rodel Estorque ay nai-turn over na ng RSPB at Sto. Nino. PNP sa Norala Municipal Police Station, kung saan naka file ang akso at naganap umano ang krimen. Hindi na nagawang makapalag pa ang ang 47-anyos na lalaki matapos itong posasan dahil sa mga nakuhang ilegal na droga sa kanya sa isinagawang search operation ng PNP sa Bartolaba Sub. Lanao, Kidapawan City alas kwatro ng madaling araw kanina.Kinilala ang suspek na si Edgar Quinones, may -asawa na residente ng nabanggit na lugar.Sa paghalughog ng PNP sa bahay ng suspek doon na narekober ang sampung sachet ng pinaniniwalaang shabu at drug paraphernalia.Maliban dito nakuha rin mula sa kanya ang isang unit ng 38 revolver na may tatlong mga bala na ayon sa suspek ay sangla lamang sa kanyan.Matagal na ring minamanmanan ang suspek na nagbebenta at gumagamit ng ilegal na droga.Nakakulong na ngayon ang Quinones sa Kidapawan City PNP lock up cell habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya. Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang negosyante matapos mahuli sa isinagawang buy bust operation ng mga otoridad sa brgy. Poblacion Makilala, North Cotabato alas 11:40 ng umaga kahapon.Sa operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Municipal Anti-Illegal Drug Special Operation Task Group at ng PDEA Region 12 nahuli ang isang Roberto Ambos Yagao, 44 anyos na taga brgy. Saguing Makilala.Bagaman at isang sachet lamang ng pinaniniwalaang shabu ang nakuha mula sa suspek naniniwala naman ang PNP na may kasamahan pa itong iba na responsable rin sa pagbebenta ng ilegal na droga sa bayan ng Makilala.Agad namang pinosasan ang suspek na ngayon ay nananatiling nakakulong sa Makilala PNP lock up cell. Nilinaw ng isang barangay kagawad na si Rod Lastimado ng San Vicente Makilala na hindi siya gumagamit ng ilegal na droga.Ito ang pahayag ng opisyal matapos na umano tawagan ng kanyang kaibigan na siya ang tinutukoy sa sulat reklamo na ipinadala ng isang concerned citizen noong nakaraang linggo na talamak na raw ang ilegal na droga sa brgy. San vicente at kagawad pa mismo ang nangunguna rito.Bagaman at hindi pinangalanan sa naturang sulat reklamo, nais ngayong linisin ni Lastimado ang kanyang pangalan.Marami na rin kasi raw siyang natatanggap na mensahe na siya nga ang tinumtumbok sa nabanggit na reklamo.Para kay Lastimado paninira lamang ang kanyang nakikitang dahilan para gawin ito sa kanya.Handa rin si Lastimodo na mag pa drug test kasama ng iba pang mga barangay kagawad base na rin sa nauna nang rekomendasyon ng kanilang barangay Chairperson na si Estor
Bautista na una na ring sinagot ang nabanggit na reklamo at ngayon ay ginagawan na ng aksyon ng opisyal. Bukas ang tanggapan ng Department of Trade and Indusrty o DTI North Cotabato sa anumang reklamo ng mga consumers kaugnay sa kanilang mga nabiling sira at depektibong produkto.Ito ang tiniyak ni DTI North Cotabato standard Officer Jong Quijano sa panayam sa kanya ng DXND Radyo Bida.Ayon kay Quijano, nakasaad sa Consumer Welfare Law na kung makabili man ng sira o depektibong produkto ang isang consumer ay may karapatan itong magreklamo.Maari rin nitong papalitan ang nabiling item.Ang nasabing pahayag ng opisyal ay nag-ugat sa isang security guard na dumulog sa Radyo Bida matapos makabili ng isang depektibong cellphone sa isang Mall sa Kidapawan City.Ayon sa kanya, Hunyo 2015 pa niya nabili ang naturang item at dalawang beses na itong nasira.Dalawang buwan pa matapos nitong nakuha ang unit pero isang araw lang din ang lumipas ay nasira ito ulit.Hanggang nitong Oktubre at umabot nalang ang Enero 2016 ay di pa rin nababalik sa kanya ang unit.Paliwanag naman ng mga tindera na ipinapaayos pa raw ito sa Davao City.Bawal din sa kanila na palitan ito ng bagong unit o-irefund, bagay naman na hindi sang-ayon sa probisyon ng Republic Act o ang Consumer Welfare Act of 1992 upang isulong ang karapatan at responsibilidad ng mga konsyumer.Kaugnay nito hinamon ngayon ni Quijano sa publiko na kung sino man ang makakaranas ng ganitong problema ay wag mag atubiling isumbong kaagad sa tanggapan ng DTI. NAABO ang bahay na pag-aari ng mga Subaldo sa may Purok Pagkakaisa sa Barangay Aringay, Kabacan, North Cotabato, kagabi.
Naganap umano ang sunog, bandang alas-735 ng gabi.
Gawa sa light materials ang bahay ng mga Subaldo kaya madali ito’ng nagliyab at naabo.
Itinanggi ni Senior Inspector Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP, ang naunang report na may sinunog namang tore sa kanyang area-of-responsibility.
Sinabi niya na walang tore ng mobile phone na nasunog at aksidente lamang ang pagkakaabo ng isang bahay sa naturang barangay.
Pero hindi raw dito nagtatapos ang kanilang imbestigasyon.
Ayon pa kay Cordero, magpapatuloy sila sa kanilang pagpapalalim sa kaso para mabatid kung sinadya o hindi ang sunog.
NDBC BIDA BALITA

P340K na halaga ng smuggled cigarettes, natagpuan sa Maguindanao del Norte

COTABATO CITY - MAHIGIT P340,000 na smuggled cigarettes nasamsam sa baybayin ng Simuay, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte. Sa isinagawang Anti...

Maj. Gen. Rillera honors wounded soldiers in clash with BIFF in MagSur

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Major General Alex S. Rillera PA, Commander of the 6th Infantry Division/Joint Task Force Central, led the...

Cotelco announces power interruption sked in Kidapawan

TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following scheduled date...

Cotabato Light announces power service interruption for April 25

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company has announced a scheduled power interruption for April 25, Thursday affecting Bubong, Kalanganan...

NDBC BIDA BALITA (April 23, 2024)

HEADLINES 1   BIFF leader Kagi Karialan at 11 mga tauhan, patay sa Army offensive sa Maguindanao del Sur; sabi ng BIFF laban nila di pa...