Thursday Jun, 20 2024 01:40:06 PM

NDBC BIDA BALITA Jan. 19, 2016

 • 19:26 PM Tue Jan 19, 2016
2,131
By: 
NDBC news and current affairs

NEWSCAST

JANUARY 19,
2016 (TUESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. SUMIKLAB na kaguluhan sa Barangay
Kauran, Ampatuan, Maguindanao noong December 2015, awayan sa lupa ang itinuturong
dahilan

2. Magsasaka kalaboso matapos
magpaputok ng baril kasabay ng Election Gun Ban sa Antipas, North Cotabato 16-
anyos na lalaki, sugatan nang tamaan ng bala

3. Mag-asawa patay sa road accident sa
Tampakan, South Cotabato

4. BAWAS PRESYO sa produktong petrolyo,
ipapatupad ngayong araw

MATAPOS aminin ng Bangsamoro Islamic
Freedom fighters o BIFF na sila ang responsable sa pangaatake noong bisperas at
mismong araw ng pasko noong nakaraang taon sa bayan ng Datu Abdullah Sangki, Maguindanao
Pigcawayan, North Cotabato at maging sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat.

Lumalabas sa imbestigasyon na AWAYAN sa
lupa ang naging ugat ng naganap na kaguluhan sa barangay Banaba sa bayan ng
Datu Abdullah Sangki, Maguindanao na umabot hanggang sa barangay Kauran sa
bayan ng Ampatuan, MAguindanao.

Sa isinagawang PPOC o provincial peace and order council meeting
kahapon, ipinaliwanag ni Maguindanao governor Esmael Toto Mangudadatu na siya
ring chairperson ng PPOC, na 61 hectares ang pinag-aawayan na lupa kung saan
may mga intruders sa barangay Banaba.

Ayon sa gubernador, ang nasabing land
conflict ay pinasukan ng mga third party na nagmula sa lalawigan ng South Cotabato
at ng mga elemento ng BIFF.

kung maaalala, ang naturang pangaatake
ay nagresulta sa pagkamatay ng 11 katao kabilang ang mga inosenteng magsasaka
at ilang miyembro ng armadong grupo.

Libo libo ring mga residente ang
nagsalikas dahil sa takot na madamay sa naturang bakbakan sa pagitan ng mga
rebelde at militar.

KINUMPIRMA ni
Libungan PNP cheif of police Chief Insp. Rommel Constantino sa programang MADAM
Public service ng DXMS radyo bida na may ilang mga impormasyon silang nakakalap
na talamak na ang bentahan ng illegal na droga sa barangay baguer, Libungan,
Cotabato.

Ayon kay
Constantino, dahil sa impormasyong kanilang natatanggap ay mas pinaiigting nila
ang kanilang kampanya kontra rito.

Sa katunayan,
mula noong linggo at kahapon ng madaling araw ay magkasunod nilang nahuli ang
rank 4 at rank 1 sa kanilang target list.

Kinilala ang
rank # 4 na si Rolly Gwadyaryo, taga Brgy. Kabaruyan.

Narekober
mula kay Gwadyaryo ang 44 na sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Si Alfredo
Cinco na rank # 1 na residente ng Brgy. Gumagam ay nahulihan ng 11 sachet ng shabu
kahapon ng madaling araw.

Hinihikayat
naman ni Constantino ang mga concern citizen na direktang pangalanan ang mga
ilegalista sa kanilang bayan.

DEAD
ON THE SPOT ang isang lalakeng biktima ng pananaksak sa Midsayap Cotabato.

Nangayari
ang insidente sa Brgy. Upper Glad ng nasabing bayan, pasado alas-7 kagabi.

Kinilala
ang biktima na si Joel Laluan, 45-anyos, may asawa at isang laborer.

Sa
report, pauwi na sana ang biktima mula sa kanyang trabaho nang harangin ito ng
suspek na si Gaga Cariaso at agad itong sinaksak sa tiyan kung saan tinamaan
ang kanyang kidney.

Agad
namang rumisponde ang mga otoridad sa crime scene pero mabilis na nakatakas si
Cariaso at iniwang nakabulagta si Laluan.

Sinasabing
nakainum ang naturang suspek na patuloy pang tinutugis ng Midsayap PNP.

SAMANTALA,
BIGO ng makapagsagawa ng agarang pursuit operation ang Midsayap PNP sa
insidente ng pagnanakaw ng motorsiklo sa nasabing bayan na nangyari noong
linggo.

Ito
matapos na, kahapon lamang dumulog at nagpasaklolo sa pulisya ang biktima,
dakong alas-3 ng hapon.

Sa
report, ipinarada lamang ng biktimang si Niel Diesto, 36-anyos, taga-brgy.
Salunayan ang kanyang kulay itim na XRM 125 na may license plate 8091 MP sa
bahagi ng Pilot Elementary school habang nanonood siya ng motorcross sa araw na
iyon.

Pagbalik
niya sa area ay wala na ang kanyang motorsiklo.

Nakipagugnayan
naman ang kapulisan sa ibang istasyon ng pulis sa mga karatig bayan tungkol sa
nasabing insidente.

Ito na
ang kauna-unahang insidente ng nakaw-motorsiklo sa bayan ng Midsayap para sa
taong 2016.

NAKA-ALERTO
ngayon ang militar sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao sa posibilidad
ng muling pag-atake ng Bangsamoro Islamic freedom fighters o BIFF sa lugar.

Nabatid
na pasado alas-8 ng gabi noong linggo nang hinarasss ng mga armado ang mga
sundalo ng 2nd mechanized infantry battalion na nagpapatrolya sa Brgy. Kabpangi
ng nasabing bayan.

Agad
namang umatras ang mga armado nang makipagpalitan na ng putok ang mga militar.

Ayon
kay 2nd mechanized IB Team leader 1st Lt. Emmanuel Ferrer sa NDBCnews.com.ph,
habang nakikipagbakbakan sila sa mga armado ay isang improvised explosive
device ang sumabog kasabay ng sunod sunod na putok ng baril mula sa dalawang
direksyon.

Patuloy
namang nakipaglaban ang mga elemento ng 2nd mechanized pero agad ding
ipinagutos ni Ferrer na bumalik na sa kanilang erya sa takot na baka maipit sa
bitag ng mga tumakas na BIFF.

Tumagal
ng abot sa 30 minuto ang palitang putok sa pagitan ng militar at biff noong
linggo ng gabi sa isang barangay sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan.

NAIS
PATUNAYAN ni Senator Juan Ponce Enrile na responsable si Pangulong Benigno
Aquino III sa pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Focre o SAF.

Sa
muling pagbukas ng Mamasapano probe sa Enero 27, iginiit ni Enrile na titiyakin
niyang malalathala ang tunay na nangyari sa naturang operasyon.

Inimbitahan
ng senador sina Executive Secretary Paquito Ochoa, Defense Secretary Voltaire
Gazmin, dating Philippine National Police chief Alan Purisima, dating Armed
Forces of the Philippines chief Gregorio Pio Catapang, dating Interior
secretary Mar Roxas, dating PNP officer-in-charge Leonardo Espina at Social
Welfare Secretary Dinky Soliman para sumailalim sa pagsisiyasat.

Inihayag
ni Enrile na itatanong niya ang mga katanungang hindi ginamit ng kanyang mga
kapwa senador noong unang hearing.

Pati
na rin ang rason sa pagpunta ng pangulo sa Zamboanga City noong Enero 25, 2016.

Una
nang sinabi ni Pangulong Aquino na may bahid ng paghihiganti at
politically-motivated ang muling pagbukas ng kaso dahil galit sa
kanyang administrasyon si Enrile.

Kunin na ang kanilang refund sa sa city government.
Ito ang hiniling ni City Franchising Officer Karen Kleitz Pacardo sa mga tricyle driver at operator sa Koronadal.
Ayon kay Pacardo, abot pa kasi sa mahigit apatnaraan ang hindi pa nakapag-claim ng kanilang limang daang pisong refund.
Ito ay mula naman sa 2,500 na mga tricyle drivers at operator na bigyan na prankisa ng lokal na pamahalaan.Binigyan diin ni Pacardo na hindi nagkulang ang kanilang tanggapan sa pagpapaalala sa mga driver at operators na maari nilang kunin ang kanilang refund.
Ayon kay Pacardo maliban sa pag-announce sa himpilan ng mga radio, nakapagsagawa na rin sila ng posting at pinadadalhan din ng text ang mga ito.
Ang refund ay subsidy ng lokal na pamahalaan sa pagpapinta ng mga mga tricyle na nabigya ng prankisa sa Koronadal City.Magsasaka naputulan ng daliri sa pananaga ng manugang sa Tupi, South Cotabato
Naputulan ng daliri sa kaliwang kamay ang isa katao matapos mabiktima ng pananaga sa Tupi, South Cotabato.
Kinilala ng Tupi PNP ang biktima na si Limbay Basiwal, sintenta’y, kwatro anyos at residente ng Purok 5, Barangay Kalkam, Tupi.
Naganap ang pananaga sa biktima dakong alas sais ng gabi kamakalawa.
Si Basil ay tinaga umano ng manugang nitong si Arnel Darson, trenta anyos laborer at residente din sa lugar.
Ang suspek ay agad namang naaresto ng mga pulis. Ang biktima na unang dinala sa Tupi Municipal Hospital ay nagpapagaling pa ngayon sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.
Inaalam pa ng mga pulis ang motibo ng manugang na suspek sa pagtaga sa bitkima. Nakapagtala ng 103 percent accomplishment sa pagpapatupad ng Urban Greening Program ng gobyerno ang lokal na pamahalaan ng T’boli.
Ito ang lumabas sa pagpupulong kamakailan lang ng Provincial League of Local Environment and Natural Resources Officers sa South Cotabato at Department of Environment and Natural Resources o DENR 12.
Ang bayan ng T’boli ay nakapagtanim ng abot sa 6,600 Eugenia plants na lumagpas sa target nitong 6,400.
Nagawa ring mapalitan ng LGU ang 365 sa mga namatay na flower seedlings.
Inihayag ni Forester Mary Jane Manlisis, ang Chief ng Forest and Inland Water Division ng Porovicial Environment and Management Office o PEMO na hindi na naabot ng ibang mga LGUs ang 100 percent accomplishment sa programa dahil sa iba’t ibang mga dahilan.
Kabilang dito ayon kay Manlisis kabiguan ng mga kontraktor na mai-deliver ang lahat ng mga planting materials at road construction ng Department of Public Works and Highways na nakasira sa mga tanim.
Para maresolba ang problema, plano nila ngayon ayon kay Manlisis na magpatawag ng pagpupulong kasama ang DPWH 12.
Ang programa ay magkatuwang na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan at DENR 12.
Layon niton na gawing kaaya aya hindi lamang sa mga mamamayan ng lalawigan kungdi maging sa mga turista na dumadayo sa lugar ang mga national highway sa South Cotabato.
Ang mga ornamental plants na itatanim sa mga national highway ay pipiliin mismo ng mga lokal na pamahalaan. Walang pulis na gumagamit ng illegal na droga sa Koronadal City.
Ito ay batay naman sa resulta ng drug testing na isinagawa sa may dalawang daang mga pulis sa lungsod noong Sabado.
Ayon kay Superintendent Barney Condes, ang bagong Chief of Police ng Koronadal, layon ng drug test na matiyak na walang pulis sa lungsod nag lulong sa illegal na droga.
Nauna nang ipinahayag ng police official na kabilang sa magiging prayoridad nito ang cleaning sa hanay ng PNP
Layon nito na maging huwaran sa mga mamamayang pinaglilingkuran ang mga pulis sa Koronadal City.Kaugnay nito umaapela naman si Condes sa publiko na makipagtulungan sa pulisiya lalong lalo na sa pagsugpo ng problema sa illegal na droga.
Ang drug testing ay pinangasiwaan ng chemist mula sa PNP 12 Crime Laboratory sa Koronadal City. Patay ang isang magasawa matapos maaksidente sa sinasakyang motorsiklo sa Tampakan, South Cotabato.
Kinilala ng Tampakan PNP ang mga biktima na sina Edgar Uayan singkwenta anyos,security guard ,driver nang naaksidenteng motorsiklo at misis nitong si Elsa kwarenta’y nuebe, radio operator ng lokal na pamahalaan ng Tampakan.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na ang magasawang biktima ay nasawi matapos aksidenteng mabangga ng sinakyang RS 110 Yamaha motorcyle na may license plate MC 13370 ang kasalubong na tricyle na may lulang sako sakong mais.
Kinapos ng tantiya ang driver ng motorsiklo na si Edgar nang mag-overtake ito sa sinusundang motorsiklo dahilan para mabangga ang tricyle.
Ang mag asawa ay pawang dead on the spot dahil sa lakas ng banggaan ng magkasalubong na mga sasakyan.
Naganap ang road accident sa tulay na nasa pababang bahagi ng daan sa Barangay Libertad, Tampakan, kahapon ng umaga.
Sugatan naman sa insidente ang angkas ng magasawang Uayan na sina Jushua Mazo disi sais anyos at Lerra Paclibar, empleyado ng Spring Radio sa Tampakan.
Ang driver ng TMX motorcycle na sidecar na nakabanggaan ng mga biktima na si Jingle Liceda, tranta’y syete anyos ay pansalamantalang inilagay sa custody ng Tampakan PNP.
Nagpapatuloy pa ang imbistigasyon ng mga pulis sa insidente. Unti-unti nang bumabalik sa normal ang mga buhay ng estudyante sa ilang bahagi ng North Cotabato matapos ang nangyaring ibat-ibang kaguluhan sa kanilang lugar.Sinabi ni Cotabato Schools Division Supt. Omar Obas, nagpapatuloy na ngayon ang klase sa brgy. Kidama, Matalam matapos ang ilang linggong pagkakahinto nito nang muling sumiklab ang tensyon doon.Maging sa bayan ng Pikit ay balik skwela na rin ang mga estudyante gayunman sa bayan ng Midsayap.Kahapon ay nakatanggap na rin ng abiso ang mga estudyante at guro sa bayan ng Pigcawayan na maari na silang bumalik sa kanilang mga klase ngayong araw maliban na lamang sa brgy. Buricain.Ayon kay Obas pinagsisikpan na nila ngayon kasama ng LGU at iba pang mga ahensya na i- resolba ang tensyon sa nabanggit na barangay para makabalik na rin sa kanilang pag-aaral ang mga estudyante.Posible rin na ma-extend ang pasok ng mga estudyante bilang make-up class sa mga araw na wala silang pasok.Ito ay kung magtuloy-tuloy pa ang gulo sa kanilang area.Isa ito ngayon sa ginagawan ng paraan ng Cotabato DepEd Division.0-KAHIT putol ang paa, sumabay sa rally ng mga retirees sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines si retired Inspector Regilda Segovia.Si Segovia ay isang person-with-disability o PWD.Naputol ang kanyang paa habang siya ay aktibo pa sa serbisyo at taong 1993 ito nangyari.Sakay raw siya ng bus mula sa bayan ng Matalam at patungo siya noon ng Kidapawan sa North Cotabato.Hindi pa raw siya nakababa sa bus nang lumarga ito.Nahila siya at nadaganan ang kanyang kanang paa ng hulihang gulong ng bus.Sa kabila nito, tuloy pa rin sa trabaho si Inspector Segovia.Hanggang sa siya ay magretiro noong 2003.Kabilang si Segovia sa higit isang libong mga retirees sa North Cotabato na miyembro ng Philippine Retirees Association, Inc o PRAI na humihiling na ibigay na sa kanila ang dagdag na pension na una nang ipinangako ng gubyerno.Ang dagdag sa pension ay ibinatay sa isang batas na ipinasa ng ilang mga senador, kabilang na rito si Senator Juan Ponce Enrile.Sigaw ni retired Police superintendent Vonfiglio Dacoco na ibigay sa kanila ang para sa kanila.Hiling naman ni PRAI Kidapawan president retired SPO4 Renato Torralba kay Finance Secretary Florencio Abad na gawing prayoridad sa release ng pondo ng gubyerno ang dagdag na pension ng mga retirees sa PNP at sa AFP. Anumang araw mula ngayon ay isasagawa na ang Cloud Seeding sa North Cotabato dahil sa malaking epekto ng El Niño Phenomenon.Sinabi ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC Officer Cynthia Ortega, isang private company ang maglulunsad ng Cloud Seeding at kahapon lang nila natapos ang kanilang assesment para rito.Ang Cloudseeding ay nakasentro sa mga watershed area sa lalawigan para maka dagdag sa supply ng tubig sa mga agricutural areas at tubig maiinom ng mamamayan.Gagawin ang cloud seeding isang oras kada araw sa loob ng dalawang buwan.Ayon kay Ortega, abot sa 4 million pesos ang pondong inilaan ng Cotabato Provincial Government na inaprubahan pa noong nakaraang taon.Maliban pa ito sa inisyatiba ng Department of Agriculture Region 12.Sa ngayon nagpapatuloy din ang validation ng PDRRMC kasama ang Office of the Provincial Agriculturist sa kabuuang danyos ng El Niño at Rat Infestation sa buong lalawigan. Sinampahan na ng kasong Frustrated Homicide at Violation of the Comelec gun ban ang isang magsasaka matapos itong magpapautok ng kanyang baril kasabay ng kapyestahan ng barangay Magsaysay, Antipas North Cotabato.Nilinaw ni Sr. Ins. Rolly Oranza, hepe ng Antipas PNP na kahapon lang nila isinampa ang nabanggit na kaso sa suspek na si Roberto Salad Arivalo, 45-anyos taga Poblacion Antipas, dahil sabado ng tanghali nangyari ang insidente.Aniya, hindi totoo na wala silang ginawang aksyon tungkol rito base na rin sa report na nakarating sa RADYO Bida.Kaugnay nito, sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya lasing raw ang suspek ng gawin ang pagpapatok ng kanyang 45 caliber pistol na merong pang limang mga bala.Dahil sa ginawa ng suspek aksidente naman niyang tinamaan ang isang 16-anyos na binatilyo na si Licerio Palma Grantos na ngayon ay patuloy namang nagpapagaling sa pagamutan.Sinabi ni Oranza na walang lisensya ang baril na bitbit ng suspek.Wala rin raw itong Gunban Exemption mula sa Comelec.Nakakulong na ngayon ang suspek sa Antipas PNP lock up cell. Tiyak na dadayuhin na naman ng mga bisita at lokal na turista ang bagong atraksyon ngayon na matatagpuan sa Sitio Mandarangan, Brgy. Ilomavis Kidapawan City.Ito ay ang Climbers Den Park.

Kahapon ng umaga ay pormal itong binuksan sa publiko na pinangunahan mismo ng may-ari nito na si Datu Chino Mamburam kasama ang Kidapawan City Toursim office sa pangunguna ni Tourism Officer Joey Recimilla, brgy Ilomavis Chairperson Jean Policarpio, Tribal Chieftain Datu Romeo Atang, City LGU officials, Local Media at mga residente sa lugar.Kapansin-pansin sa lugar ang mga gawang Tribung Manobo na kagamitan.Maging ang mga staff at Crew duon na mga Manobo ay nakasuot rin ng Tribal Dress.Sinabi ni Datu Mamburam hindi rin naging madali para sa kanya na itayo ang naturang resort at katunayan aniya higit anim na milyong piso ang kanyang nailagak para rito.Para sa kanya isa sa kanyang mithiin ay matulungan ang mga Manobo sa lugar para na rin sa kanilang mga kabuhayan.Ang Climbers Den Park ay isa lamang sa Tourist Destination sa Kidapawan City at inaasahang mas marami pang magbubukas na mga attraksyon sa lungsod ngayon taon at sa mga susunod na taon base na rin sa pinakahuling update mula sa Kidapawan City tourism office.

Dinna Harbi, NDU nursing student, is Mutya ng Kutawato 2024

Itinanghal na Mutya ng Kutawato 2024 si Dinna Harbi. Ito beauty and brain contest ay pinakatampok sa 65th Araw ng Kutawato celebration 2024....

Marcos accepts Sara's resignation as DepEd secretary

MANILA – Vice President Sara Duterte stepped down as education secretary and vice chairperson of the government’s anti-communist task force,...

6th ID inaugurates, opens Peace Museum

Officials launched on Wednesday a Peace Museum in the Army’s Camp Siongco in Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte showcasing relics and mementos...

VP Sara resigns sa education secretary, vice chair NTF-ELCAC

Presidential Communication Office (PCO) statement: At 2:21 pm today, 19 June 2024, Vice President Sara Z. Duterte, went to Malacañang and tendered...

Extensive probe on Lamitan City gas station bombing sought

COTABATO CITY - Residents urged for a deep probe on Tuesday night’s bombing of a fuel station in Lamitan City, convinced it was not a terror attack,...