Monday Jun, 17 2024 08:50:27 PM

NDBC BIDA BALITA Jan. 2, 2016

 • 17:58 PM Sat Jan 2, 2015
1,638
By: 
NDBC News and Current Affairs

NDBC NEWSCAST

JANUARY
02, 2016 (SATURDAY)7and00 AM

HEADLINESand

1. 125 katao sugatan dahil sa firecracker, 2 biktima ng stray bullet sa Region 12 Apat, tinamaan ng ligaw na bala sa ARMM2. Motoristang bakasyunista patay matapos mahulog sa ginagawang tulay sa Kidapawan-Makilala
highway

3. Pagpapatupadmuli
ng Justice on Wheels sa Gensan isinusulong.4. Tatlo patay sa rido sa Matalam, North Cotabato Sa detalye...125, sugatan sa paputok sa Region 12NAKAPAGTALA ng 125 kaso ng firecracker at fireworks related injuries ang Department of Health sa Central Mindanao sa pagsalubong ng bagong taon.Ang naturang bilang ay 16 porsyentong mas mataaskumpara noong nakaraang taon.Ayon kay DOH 12 Focal person Jenny Ventura sa kanilang record nagmumula ang mga biktima sa General Santos city, Sultan Kudarat at south Cotabato.Aniya, ang piccolo na isang banned napaputok ang nananatiling pangunahing dahilan ng firecracker at fireworks related injuries. Base sa DOH-12 Online National Electronic Injury Surveillance System o ONEISS, ang probinsya ng South Cotabato ang nangunguna sa bilang ng mga biktima ng paputok mula pa December 20 na sinundan ng North Cotabato, Sultan Kudarat at Saranggani.Nakapagtala naman ng walong kaso ang lungsod ng Cotabato.Dalawa ang biktima ng stray bullet, ayon kay Ventura. Isa mula Cotabato City at isa sa Gen. Santos.ANG Region 12 ay binubuo ng North Cotabato, Sultan Kudarat, Saranggani at South Cotabato at lungsod ng Cotabato, Kidapawan, Tacurong, Koronadal at Gen. Santos.City na mas kilala na bilang SOCCSKSARGEN region. Mahabang power interruption, posible pa rin sa 2016

SA
PAGPASOK ng bagongtaon, posiblengmakaranas ng mas madalasna power interruption
angilangbahagi ng Mindanao.

Ito ay matapos ang sunod sunod na nararanasang tagtuyot kasabay rin ng pagatake ng
mga rebelde sa transmission tower ng National Grid Corporation of the Philippines
o NGCP na nagdudulot ng kakapusan ng suplay ng enerhiya.

Dahil dito,
magtutuloy tuloy pa ang gagawing restoration ng NGCP sa mga toreng pinasabogan ng
armado.

Nitong nakaraang taon lang dalawa ang pinasabogang tore ng NGCP sa lanao del sur at North Cotabato.

Kaugnay nito,
umapela ang NGCP sa lahat ng lokal na opisyales ng pamahalaan at maging

mga residente na malapit sa kanilang mga
transmission towers na magbantay laban sa mga

pagsalakay
ng mga armado upang maiwasan ang mas malawak na kawalan ng kuryente sa rehiyon.

Sa datos
ng NGCP, nasa ika-14 at 15 nang mga tore ang pinasabog ng mga armadong grupo noong
2015.

Patuloy naman ang ginagawang
restoration efforts ng NGCP sa mga pinabagsak na tore. Malaysian trader mag-negosyo sa CotabatoMASAYANG
ibinalita ni Cotabato City Mayor Japal Guiani Jr. ang pagpapahayag ng interes ng
mga negosyante sa Malaysia na maginvest sa lungsod ng Cotabato.

Nitong nakaraang taon lang
ay nagtungo si Guiani sa Malaysia sa imbitasyon ng Secretary General ng Johor.

Dito nagkaroon sila
ng tyansang makausap, kasama si City Administrator Dr. Danda Juanday ang mga
business group sa lugar kabilang ang Iskandar Regional Development Authority
na isang governemnt office at planning arm ng nasabing bansa.

Ayon kay
Guiani, napagusapannila ang posibilidad ng paginvest ng Johor sa Cotabato City
kabilang na ang pag import ng mga produkto tulad ng niyog.

Napagusapan rin ang pagpapatayo
ng Iskandar RDA ng processing plant malapit sa Halal Slaughterhouse
sa lungsod na posibleng maglunsad ng meat export.

Highlight
ng naturang pagbisita ay ang paglagda sa Memorandum of Understanding for a

partnership
sa pagitan ng City Government ng Cotabato at cooperatives ng Johor sa Malaysia
na pinangunahan ng IM Coop. Bangko Sentraland Lumang pera pwede ipapalit sa BSPMULING NILINAW ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP na noong
December 31, 2015 na lamang maaring gamitin sa mga transaksyon ang mga lumang
perang papel.

At simula kahapon, January 1 ay wala nang halaga ang perang papel na may lumang disenyo bagama’t
maari pa itong papalitan hanggang December 31, 2016.

Pagdating naman ngEnero 1, 2017 , bukod sa hindi na magagamit sa
transaksyon ang lumang pera, hindi na rin ito maaaring papalitan.

Nabatid na ginagawa ito upang mapangalagaan ang integridad ng
pera at maiwasan ang pamemeke nito.

Ayon sa Bangko Sentral ng
Pilipinas, nasa labing anim na porsyento pa o mahigit sa apat na raang milyong
piraso ng lumang pera ang nasa sirkulasyon sa kasalukuyan.

Maiiwan na lamang sa sirkulasyon ay ang New Generation Currency
o NGC.

Mula October 2016 hanggang December 2016 naman ay maaaring
i-register sa website ng BSP ng mga kababayan natin sa abroad kung may hawak pa
silang lumang pera.

Bibigyan sila ng BSP ng isang taong palugit upang ipapalit ito. Rido sumiklab sa Matalam, North Cotabato, 3 patay 100 mga pamilya, lumikasPatay ang tatlong miyembro ng Moro National Liberation Front o MNLF sa panibagong sagupaan ng nabanggit na grupo at armadong pangkat ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa Brgy. Kidama, Matalam, North Cotabato.Kinilala ni Chief Ins Sunny Leoncito, hepe ng Matalam PNP ang mga biktima na sina Badrodin Ingkig, 27-anyos Taya Akmad, 60 at isang 35-anyos na kinilala lang sa pangalan Marcial.Ayon sa report, alas 8:30 ng umaga noong Disymbre 31, 2015 ng magkaroon ng tensiyon ang pamilya Mangadta ng MNLF at pamilya Ambalatan ng MILF na nagresulta sa madugong bakbakan.Sinasabing nag-ugat ang nasabing girian sa land conflict.Sinunog din umani ng mga MILF ang anim na mga kabahayan na pag-mamay-ari ng kanilang katunggali na kinilalang sina Macapagal Mangadta, Tautin Lamalan, Totin Ladsugan, Kamid Ingkid, Sittie Ladsigan at isang Allan sa may Purok 5 ng Brgy. Kidama.Abot naman sa 192 mga pamilya ang lumikas matapos na maipit sa nasabing kaguluhan na ngayon ay pansamantalang nanunuluyan sa Brgy. Hall ng Marbel, kalapit na barangay ng brgy. Kidama.Agad namang nagsagawa ng diyalogo ang pamunuan ng Matalam PNP kasama ang militar, mga barangay opisyal sa lugar, kasama si Board Member Kellie Antao at si MILF Local Monitoring Team Jabib Guiabar upang pahupain ang gulo at mabigyan ng solusyon ang problema doon.Ang panibagong enkwentro sa lugar ay hindi umano laban ng MILF at MNLF bagkus ay clan war kungsaan ang dalawang pamilya ay kasapi sa dalawang organisasyon ng Moro. IED narekober sa multicab sa Kabacan, North CotabatoNagapapasalamat ngayon ang PNP sa mga taga Kabacan, North Cotabato sa kanilang kooperasyong ipinakita matapos na maharang ang isang pampasaherong multicab na umano may lamang isang improvised explosive device o IED.Sinabi ni Sr. Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP, pasado alas onse ng umaga nitong huwebes, Dec, 31, 2015 nang makatanggap sila ng impormasyon na may papasok umanong kulay pulang multicab sa Kabacan na may lamang bomba.Agad nagsagawa ng mahigpit na highway inspection ang PNP katuwang ang Traffic Management Unit-Kabacan at duon matagumpay na intercept ang nabanggit na sasakyan sa brgy. Kayaga malapit sa Kabacan Terminal Complex.Nabatid na ng naturang sasakyan ay minamaneho ng isang Kandato Binggalingan, 54 anyos na taga Sito Lumayong brgy. Kayaga, Kabacan.Nagdulot naman ng panadaliang re-routing ang nabanggit na pangyayari.Ayon kay Cordero galing ang nabanggit na multicab sa Carmen, North Cotabato patungong Kabacan.Mabilis namang rumesponde ang EOD team ng CPPO, kasama na ang Philippine Army at nadisrupt ito ng maayos.Patuloy pa ngayong inaalam ng PNP kung saan nanggaling ang naturang pampasabog at inaalam rin nila kung bitbit ba ito mismo ng isa sa mga pasahero ng naturang sasakyan.Mabuti na lamang ay agad na napigilan ang nasabing masamang balakin dahil kung hindi ay magdudulot ito ng malaking pinsala at maaari pang kumitil ng ilang buhay ng tao.Kaya naman, sa pagpasok ng 2016, muling nag paalala ang mga otoridad sa publiko na maging mapagmatyag sa lahat ng panahon at agad na makipagugnayan sa kanila sakaling mang may mapansing kaduda dudang tao o bagay sa kanilang paligid. Wanted person patay nang manlaban sa pulis saMlang, North Cotabato.Patay ang isang wanted person matapos na manlaban nang arestuhin na sana ito ng Mlang PNP kasama ang Cotabato Police Provincial Office PNP sa Mlang North Cotabato kahapon ng hapon.Kinilala ni Chief Ins. Joefry Todeno ang suspek na napatay na si Palo Sisneros na taga Sitio Saranay, brgy. San Vicente, Makilala, North Cotabato.Si Sisneros ay may wanted sa kasong carnapping na may criminal case no. 174-2007 sa purok 2, Neuva Vida Mlang.Nang isagawa ng PNP ang operasyon kontra sa suspek ay nanlaban ito at nakipagpalitan pa ng putok sa mga pulis dahilan sa pagkakatama sa kanya na naging dahilan naman ng kanyang kamatayan.Narekober mula sa suspek ng isang caliber revolver na may limang mga bala at isang bala mula sa 38 caliber revolver. Babae, nagpatiwakal sa Kidapawan City Malungkot na sinalubong ng isang pamilya ang kanilang 2016 matapos na magpatiwakal ang isang 19-anyos na babae sa loob mismo ng kanilang bahay sa purok, Macapuno, Lapu2 street Kidapawan City.Kinilala ng City PNP ang biktima na si Rodelyn Reyes Marfi na taga Brgy. Bongolanunandlt magpet, North Cotabato.Ayon sa report nadatnan na lamang ng kanyang ka live in partner na si Datu Dido Pagayao, 21 anyos, isang laborer na nakabitin na ang asawa nito sa kisame at wala nang buhay.Sa salaysay naman ng ina ng biktima hindi ito ang unang pagkakataon na tinangkang kitilin ng dalagita ang kanyang sariling buhay dahil noong 13 taong gulang pa lamang umano ito ay tinangka na ring magpakamatay ang bitkima.Problema sa pag-ibig umano ang dahilan noon at ngayon ay patuloy ding inaalam ng mga otoridad kung may kaugnayan rin sa problema ng kanilang relasyong mag-asawa ang dahilan ng biktima. Motoristang bakasyunista patay matapos mahulog sa ginagawang tulay sa Kidapawan-Makilala highwayBALIKTAD na detour sign at gutay-gutay na mga warning signs na halos ‘di na mabasa. Ito marahil ang dahilan kung bakit ‘di napansin ng nagbabakasyong motorista na sa bandang unahan ay ang ginagawang tulay na nagdudugtong sa Kidapawan City sa Makilala.
Ayon sa report ng Makilala Police, bandang alas-430 ng madaling araw ng Bagong Taon, pauwi ng Kidapawan City ang 27-taong gulang na si Allen Roy Madlus nang sa halip na sa kabilang lane ay sa linya ng kalsada papunta sa ginagawang tulay siya napadako.
At dahil madilim pa raw ng mga oras na yun, tuluy-tuloy siya’ng nahulog sa tulay.
Patay noon din ang biktima, ayon kay Police Officer 1 Arnold Daleon.
Sinisi ni PO1 Daleon ang gutay-gutay na mga warning signs kung bakit nadisgrasya ang motorista. Maging ang detour sign ay di rin umano nakalagay sa may bandang unahan. Ito ay dahil ang detour sign na baliktad ay nakapuwesto na malapit sa tulay mismo.
Katwiran raw ng DPWH, mga tao na nakatira malapit sa erya ang sumira ng mga warning sign. Sila rin ang naglipat ng mga detour signs.
Kaugnay nito, ipatatawag ng Sangguniang Panglungsod ng Kidapawan, partikular ng Committee on Infrastructure, ang DPWH at ang contractor ng mga road projects na nasa Kidapawan-Makilala highway.
Napakarami na ring mga insidente na may nadisgrasya sa ginagawang road expansion projects dahil na rin sa kawalan ng warning signs ng contractor at ng Department of Public Works and Highways. Justice on Wheels, bubuhayin sa GenSanNais ni General Santos City Mayor Ronnel Rivera na ibalik muli sa lungsod ang Justice on Wheels.
Ito ayon kay Rivera ay upang mapabilis ang pagusad ng kaso sa mga preso sa lugar.
Ayon kay Rivera marami sa mga preso sa lungsod lalong lalo na ang mga kababaihan ang hindi pa rin nakalabas kahit na walang complainant.
Inihayag ni Rivera na karamihan kasi sa mga ito ay mga mahihirap at walang kakayahang kumuha ng abogado para umasikaso sa kanilang kaso.
Binigyan diin ng alkalde na mapapabilis lamang ang pagusad ng kaso ng mga inmate kapag naipatupad muli sa Gensan ang Justice on Wheels.
Matatandaan na dahil sa Enhance Justice on Wheels napalaya ang pitumpung mga preso sa Gensan noong 2013.
Ang mobile court ay pinayagan ng korte Suprema na magsagawa ng hearing ng matagal nang mga kaso sa labas ng korte.
Kalimitan isang araw lamang ang tinatangal ng hearing sa justice on wheels para madeisyunan ang isang kaso.
Nakatulong din ang mobile court para maibsan ang mga kaso na dahil sa dami ay usad pagong pa rin sa korte. Pulis na tulak ng shabu, huli sa Koronadal, asawa kasamaSinalubong ng isang pulis sa Koronadal City sa kulungan ang bagong taon.
Ito ay matapos makuhanan ng illegal na droga dakong alas onse ng umaga noong Disyambre a trenta’y uno.
Kinilala ni Dr. Glorio Sandig, ang Action Officer ng City Anti Drug Abuse Council o CADAC Koronadal ang naarestong pulis na si Police Officer 2 Ruben Morales, trenta’y nuebe anyos .
Ang naarestong pulis ay nakatalaga sa South Cotabato Provincial Police Office.
Si Morales ay nahuli sa buy bust operation ng team ni Police Superintendent Barney Condes ng Koronadadl City PNP at CADAC sa Purok Bayanihan, Barangay Santa Cruz,KOronadal.
Kasama din sa mga inaaresto ang umanoy live in partner nitong si Jona Pregua, disi nuebe anyos at residente ng Barangay San Filipe, Tantangan, South Cotabato.
Nakuha mula sa dalawa ng isang maliit na sachet ng suspected shabu na kanila umanong ibinenta sa isang police asset.
Kabilang din sa mga nakumpisa mula sa mga suspected drug pusher ang tig isang malaki at maliit na suspected shabu, dalawang plastic na may bakas umano ng illegal na droga at limang daang marked money.
Nakumpiska din sa mga ito ang dalawang granda, limang improvised tooter, disposable lighter, digital na kilohan, iba pang drug paraphernalia at dalawang cellphone na ginagamit umano sa kanilang illegal drug tansaction.
Inihahanda na ng Koronadal City PNP ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga suspek na nakakulong na ngayon sa Koronadal City PNP lock up cell. Lalaki, di na umabot sa New Year matapos mapatay sa aksidenteHindi na umabot pa sa pagsalubong ng bagong taon ang isang lalaki matapos maaksidente sa minamanehong motorsiklo sa Polomolok, South Cotabato.
Kinilala ng Polomolok PNP ang biktima na si Jonald Crayop, trenta’y uno anyos at residente ng Barangay Cebuano Tupi.
Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na ang biktima ay nasawi matapos maka head on collision ng minamaneho nitong Motor Star MSX motorcycle ang isang Honda XRM motorcycle.
Naganap ang banggaan ng dalawang mga motorsiklo sa Dole Pineapple Plantation sa Sitio Upper Cebuano, Tupi, dakong alas kwatro y medya ng hapon kamakalawa.
Ang biktimang si Crayop ay dead on arrival nang dalhin ng mga myembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMC sa Tupi Municipal Hospital
Ito ay matapos magtamo ng matinding mga sugat dahil sa lakas ng pagkakabangga sa kasalubong na motorsiklo.
Ang driver naman ng nakabanggaan nitong honda motorcycle na si Ronnel Langeras, biente sais anyos ng barangay Linan Tupi, ay agad ding inilipat sa South Cotabato Provincial Hospital.
Ang insidente ay iniimbistigahan pa ng Tupi PNP. 7 bahay, tupok sa sunog sa Koronadal bago ang 2016Nasunog ang tatlong mga bahay sa Koronadal City habang nagsasaya naman ang karamihan sa mga mamamayan sa pagsalubong ng bagong taon.
Nabatid na ang mga bahay na tinupok ng apoy ay matatagpuan sa compound na pagaari ng isang Boy Zabala sa Purok Bagong Pagasa, Barangay General Paulino Santos, Koronadal.
Duda naman ang mga kapitbahay ng nasunugang mga pamilya na maaring naging sanhi ng sunog ang mga paputok na tumama sa isa sa mga bahay.
Kanya kanya namang salba ng kanilang mga gamit ang mga nasunugang residente habang abala sa pag-apula ng apoy ang mga bombero.
Tumulong din sa pag-apula ng apoy ang mga fire volunteer at kasapi ng Bureau of Fire Protection o BFP sa mga karatig lugar ng Koronadal.
Kinumkumpirma pa ng BFP ang naging sanhi ng sunog at halaga ng mga ari arian na tinupok ng apoy. Bagong terminal sa Koronadal, matatapos ngayong taonNagpapatuloy na ang konstruksyon ng Integrated Public Terminal ng Koronadal City.
Ito ay tiniyak mismo ni Koronadal City Treasurer Marloun Gumbao.
Ayon kay Gumbao na-kapag release na kasi ng pera na gagamitin sa proyekto ang bangko kung saang nakapag-loan ang city government.
Tantiya ni Gumbao matatapos ang pagtatayo ng terminal sa loob ng isang taon.
Binigyan diin ni Gumbao na para masunod ang time frame sa proyekto, nagsasagawa rin ng maigting na monitoring sa konstruksyon nito ang technical working group ng bangko kung saan nakautang ang lokal na pamahalaan.
Ang public terminal ay matatagpuan sa may anim na ektaryang lupain sa Purok Yellow Bell, Barangay Zone IV, Koronadal City.

6 dead, four hurt in General Santos City highway accident

COTABATO CITY - Five commuters, among them a 12-month-old child, and a tricycle driver died when the three-wheeled vehicle carrying them...

NDBC BIDA BALITA (June 17, 2024)

HEADLINES 1   P2.2 million na halaga ng shabu, nakumpiska ng PNP sa simultaneous operation nito sa Region 12 2   Sa North...

63 guns seized, confiscated during PRO-12 Sacleo

GEN. SANTOS CITY - A total of 62 operations were conducted that resulted in the arrest of 2 individuals and the confiscation of 63 assorted...

P2.2-M shabu seized during PRO-12 SACLEO

GEN. SANTOS CITY - The Police Regional Office 12, under the leadership of Regional Director Brig. Gen. Percival Augustus Placer has successfully...

Kagi Murad: Reflect on Eid al-Adha for stronger, unified Bangsamoro

COTABATO CITY – As Muslims celebrated Eid al-Adha on Sunday, Chief Minister Ahod Ebrahim called on the Bangsamoro community to reflect on the...