Monday Apr, 29 2024 03:15:28 PM

NDBC BIDA BALITA Jan. 21, 2016

Breaking News • 17:44 PM Thu Jan 21, 2016
1,745
By: 
NDBC News and Current Affairs Team

NEWSCAST

JANUARY 21,
2016 (THURSDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. SAMPUNG BAHAY, naabo sa
panibagong insidente ng sunog sa Cotabato city.

2. Anti-Rat campaign sa Kabacan, North
Cotabato sinimulan na mga magsasakang makakahuli ng 500 mga daga, bibigyan ng
isang sakong bigas.

3. PITONG mga kawani ng DOLE 12,
pinarangalan ng Civil Service Commission

4. 2 sangkot sa illegal drug pushing, arestado sa North Cotabato
NAABO ang sampung mga bahay sa RS Buan,
Barangay Poblacion 1, Cotabato city pasado ala una ng hapon kahapon.

Sinabi ni City Fire Marshall Fire
Inspector James Rah na ang mga nasunog na bahay ay pawang gawa sa mga light
material kaya mabilis natupok ng apoy.

Sabi ni Rah, nagsimula ang sunog sa
bahay ng isang Armando Makakua. Aniya, nag iihaw ng isda ang mga bata sa
naturang lugar at naiwan nila ang kanilang niluluto kaya kumalat ang apoy.

Ang mga nasunugan ay kinilalang sina Mando
Makakua, Kolaipa Kamid, Datu Ali Sanday, Umbra Pakan, Unti Pakan, Salamina
Mangulamas, Saada Rakim, Ibrahim Anda at Rajah Ampuan.

Naghihintay naman ngayon ng tulong mula
sa City LGU ang mga ito na pansamantala ngayong nanunuluyan sa mga kaanak at
kapit-bahay.

Tinatayang nasa 500 libong piso ang estimated
cost of damage sa naturang sunog. Ito na ang ikalawang sunog na nangyari sa
lungsod ngayong taon maliban pa sa limang maliliit na insidenteng ng sunog na
naitala sa lungsod.

Gayunman, wala namang naitalang
nasaktan o nasawi sa naturang insidente.

HINIKAYAT
ngayon ng isang peace advocates’ group na Teach Peace, Build Peace Movement ang
mga kabataan na maging peace ambassador sa pamamagitan ng kanilang mga social
networking sites.

Sinabi ni Teach
Peace, Build Peace Movement founder

Bai Rohaniza
Sumndad-Usman, miembro rin ng the National Peace Council, na malaking hamon
ngayon sa lahat ng mga kabataang tulad niya na makiisa sa kampanya para sa
kapayapaan.

Sabi ni
Usman, habang hinihintay ang resulta ng pagsasabatas sa Bangsamoro Basic Law o
BBL ay pwedeng gumawa ng hakbang ang mga kabataan para mabura ang biases at
diskriminasyon sa mga Muslim.

Ito aniya ay
sa pamamagitan ng responsible at pro-active na paggamit ng kanilang mga social
media accounts para mas maunawaan at irespeto ang pagkakaiba ng relihiyon at
kultura.

SA KAUGNAY NA BALITA...nanawagan naman ang mga Visayan youth group sa mga mambabatas na ipasa ang BBL.

Giit kasi ni National
Youth Commission Assistant Secretary Perci Cendaña na mas magiging panatag at
maayos ang kapakanan ng mga kabataan kapag sila ay mamumuhay sa mapayapang
komunidad.

Para naman
kay Federation of Muslim Students Association Vice President Jabar Sabdullah na
maaaring ang BBL daan para mawakasan ang diskriminasyon sa mga Moro at
pagkakataon para mas maintindihan ng sambayanang Pilipino ang kultura at
pamumuhay ng mga Muslim.

Nabatid na
matapos makabuo ng quorum para sa BBL noong Martes ng gabi, hindi na muling
sinipot ng mga mambabatas ang kanilang sesyon kahapon kaya tumamlay muli ang
BBL.

Kinapos ng
isang boto ang roll call kahapon dahil 144 lang ang tumugon sa roll call gayung
kailangang 145 para magkaroon ng quorum.

Noong Martes
ay umabot sa 175 kongresista ang tumugon sa roll call kaya sinimulan na ang
period of amendment sa BBL sa pamamagitan ng turno-en-contra ni House Minority
Leader Ronaldo Zamora.

Bago ito,
kumalat ang impormasyon sa Kamara na muling naasar ang karamihan sa mga
mambabatas matapos mag-lobby ang government peace panel na ibalik ang lahat ng
probisyon na inalis sa orihinal na panukala.

Kabilang sa
mga probisyon na inalis sa orihinal na panukala ay ang opt-in provision na
magpapalawak ng teritoryo ng Bangsamoro, pagkakaroon ng sariling militar at
police, pagkakaroon ng sariling commission on audit at ombudsman office at iba
pa.

Dahil dito,
tumamlay muli ang pag-asa ng BBL na maipasa bago magbakasyon ang Kongreso sa
ikalawang linggo ng Pebrero.

NAGSIMULA
na ang mga aktibidad para sa pagdiriwang ng Sagayan Festival 2016.

Isa sa
mga highlight ng festival celebration ay ang Kategalan sa Maguindanao, ang
tagisan ng talento ng mga LGU employee, senior citizen at Persons with
disabilities mula sa iba’t ibang mga bayan sa Maguindanao.

Kahapon,
nagsimula na ang elimination round sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Tuloy-tuloy
naman ang selection process sa Lunes, January 25 sa Upi, Maguindanao, sa
January 26 sa bayan ng Ampatuan, January 27 sa Parang, January 28 sa Datu
Paglas at sa January 29 sa Datu Saudi
town.

Sabi
ni Kategalan chairperson Leonor Pascual, ang talent competition ay bukas sa
lahat ng mga lehitimong LGU employee sa lahat ng mga bayan na sakop ng
Maguindanao ganundin sa mga senior citizen at PWDs sa lalawigan.

Aniya,
50 libong piso ang naghihintay na premyo sa tatanghaling champion sa Kategalan
sa Maguindanao 2016.

Para
sa dagdag na impormasyon at registration, makipag ugnayan lang sa inyong Municipal
Budget Officer.

HINDI PIPIGILAN ng mga
senador sakaling may ilantad na ‘surprise witness’ si Sen. Juan Ponce Enrile sa
muling imbestigasyon ng Senado sa Mamasapano incident, ayon kay Sen. Grace Poe.

Sabi ni Poe, wala namang
puwedeng pumigil sa mga witness kung gusto nilang lumabas.

Giit ng senador, kapag
niyang meron naman talagang dahilan para sila’y magsalita ay pagbibigyan niya
ito.

Si Poe ang chair ng Senate
committee on public order and dangerous drugs.

Kaugnay nito, mahigit sa 24
resource persons ang inimbitahan ng Senado sa panibagong imbestigasyon sa
Mamasapano na itinakda sa January 26.

Umaasa naman si Poe na
dadalo ang mga ito sa pagdinig para hindi na sila tawagin uli at hindi na
humaba pa ang pagdinig.

MAHIGIT
100 libong mga manggagawa ang naghihintay sa mga aplikanteng Pinoy sa Pilipinas
at sa ibang bansa, ayon sa Department of Labor and Employment o DoLE.

Nakasaad
sa PhilJobNet, ang opisyal na job search website ng DoLE, na umabot na sa 116
thousand, 295 ang mga nakarehistrong job opening mula sa iba’t ibang kumpanya.

Nasa
18 thousand, 764 na maaaring pasukang trabaho sa Pilipinas ay para sa customer
service clerk.

Ito ay
sinundan ng personnel and protective sales workers na nasa 14 thousand, 129, at
sales worker na nasa 12,081 vacancies.

Para
sa mga trabaho sa ibang bansa, ito ay kinabibilangan ng mga metal, machinery at
iba pang industrial job opportunity.

In-demand
din ang mga trabaho sa sektor ng mining at construction.

Hinikayat
ng DoLE ang mga naghahanap ng trabaho na bisitahin ang PhilJobNet website upang
matukoy ang mga posibleng job opening na akma sa kanilang kakayahan at
kaalaman.

Tiniyak
din ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na regular nilang isinasaayos ang
listahan ng job opportunities sa PhilJobNet upang makatulong hindi lamang sa
mga aplikante kundi maging sa mga employer.

Pinatatangal ng korte sa talaan ng mga botante ang mahigit limang daang bagong registrants sa bayan ng Sto. Nino, South Cotabato.
Ito ay bilang tugon na rin ng korte sa petisyong inihain ni Board Member at Sto. Nino Mayoralty Candidate Ervin Luntao.
Ang desisyon ay ipinalabas ni Judge Marlon Brasales ng Municipal Regional Trial Court sa bayan ng Norala.
Ayon kay Luntao, ang mga pinatanggal nito sa talaan ay mga bagong botante sa Barangay Teresita ng Sto. Nino na hindi mga residente ng lugar.
Ang mga ito ay pawang mga hinakot na residente ng Barangay Dajay, Colunggulo at Little baguio sa bayan ng Surallah at Kusan sa Banga.
Ito ayon kay Luntao ay inamin mismo ng ilan sa kanila sa korte.
Ayon kay Luntao, hawak na rin niya ngayon ang affidavit ng ilang sa mga umanoy hinakot na botante.
Kinumpirma din ni Luntao na maari din siyang magsampa ng panibagong kaso laban sa mga uman’oy residente na may balak maging flying voter.
Binigyan diin ni Luntao na nais lamang nitong matiyak ang isang patas at malinis nahalalan sa bayan ng Sto. Nino sa Mayo. Tanggapin kung ano lang ang kayang ibayad ng mga mamamayan.
Ayon kay Barangay General Paulino Santos Chairman Margarita Subaldo ito ang napakasunduan sa pagpupulong na ipinatawag nito sa mga may ari ng balsa na sinasakyan ng mga mamamayan.
Ang mga balsang kawayan ginawang alternatibong tawiran ng mga residente kapalit ng nasirang tulay sa bahagi ng ilog ng barangay GPS at Namnama.
Binigyan diin ni Subaldo na ang mga residente na ayaw magbayad sa pagsakay sa balsa para makatawid sa ilog ay maari ring dumaan sa iba lugar.
Gayunpaman ipinahayag ng Barangay Chairman na hindi nito maaring kunsentihin ang sobrang paniningil ng mga balsa operator kahit pa na ito ay kanilan ginastusan.
Ayon kay Subaldo, bawal na rin sa mga menor de edad at mga senior citizens na magtulak ng mga balsa.
Ito ay dahil nakaapekto na rin sa kanilang pagaaral at kalusugan.
Ayon kay Subaldo posibleng ipatigil ng barangay ang operasyon ng mga balsa kapag hindi ito naipatupad ng mga may ari.
Ito ang naging tugon ni Subaldo sa hinaing ng mga bida listeners sa umanoy sobra sobrang paniningil ng may ari sa mga mamamayan sumasakay sa kanilang balsa para makatawid sa ilog.
Matatandaan na ginawang alternatibong sakayan ang mga balsa, matapos sirain ng baha ang tulay na naguugnay sa mga barangay ng Namnama at GPS noong June 24 2015. Nakapagtanggal ng tone-toneladang water lilies sa Lake Sebu, ang Provincial Environment and Management Office o PEMO noong nakaraang taon.
Ayon kay Forester Mary Jane Manlisis, ang hepe ng Inland Water Division ng PEMO kabilang sa mga nilinis ang labinlimang ektaryang Lawa ng Seloton at ang Lake Sebu, dalawa sa mga pangunahing lake sa lugar.
Ipinahayag ni Manlisis na nakinabang din sa kanilang clean up drive ang apatnaput apat na mga residente na kinuhang mga laborer ng PEMO.
Ipinahayag din ni Manlisis na tinulungan din ng PEMO ang lokal na pamahalaan ng Lake Sebu sa paglilinis at pagsira sa mga illegal structures sa lawa.
Matagumpay rin na inilunsad ng PEMO ang Search for Cleanest and Greenest Household sa Lake Sebu noong nakaraang taon.
Ito ay isang Lakeshore beautification program na nilahukan ng mahigit tatlumpung mga residente.
Ayon kay Manlinis , inilaan din ang labinapat na ektayrang lupain sa mga barangay ng Lahit, Lamlahak, Poblacion, Talisay, Tasiman at Lamdalag para sa agro-forestry farms.
Itinamin sa mga ito ang mga iba’t ibang mga fruit bearing trees kasabay din ng pagtuturo sa mga residente ng vermicast at agroforestry farming. Pinarangalan ng Civil Service Commision o CSC Region 12 ang pitong mga kawani ng Department of Labor and Employment o DOLE 12.
Kabilang sa mga tumanggap ng a CSC Pagasa awards sa group category para sa 2015 sina Angelica Capao-an, Chief ng Human Resource Specialist
Si Capao an ay pinarangalan ahil sa ipinakitang galing sa pagpapatupad ng online systems ng DOLE para sa mas maayos na pagpapatupad ng mga programa ng ahensya.Kabilang dito ang Special Employment for Students o SPES at Registration of Workers Association.
Inaasahan naman ni Capao-an maipagpatuloy ang kanilang nasimulan upang makapaglilingkod pa ng mas maayos sa mga mamamayan ng rehiyon dose.
Maliban kay Capao-an pinarangalan din sina Regional Director Ofelia Domingo, LEO Chief Ruby Carrasco, AOV Rossalve Mylene Tamse, Sr.LEO Jemeia Mae Eslabon,LEO II Mechelle Olog, ISA II Marnie Dave Eballes at ang Statistician na si Oliver Sespene.
Naniniwala naman si DOLE 12 Regional Director Ofelia Domingo na dahil sa galing na ipinakita ng mga ito, umaasa siyang marami pang mga kawani ng DOLE 12 ang makatatangap ng Pagasawa Awards ng CSC.
Magkakaroon na ng kabuhayan ang mga preso sa Bureau of Jail Management ang Penology o BJMP sa Koronadal City.
Ayon kay Jail Inspector Gchris Abanilla, ng BJMP,Koronadal city sinimulan na nila ang pagsasanay sa kanilang mga inmate.
Kabilang sa mga itinuturo sa mga ito ayon kay Abanilla ang beads at bonsai making.
Layon nito na turuang maging independent at kapakipakinabang pa rin ang kanilang mga preso ng BJMP.
Ayon kay Abanilla, ang programa ay suportado naman ng mga preso.
Inihayag ni Abanilla na ang livelihood program ay maaring mapapakinabangan ng tatalumput tatlong lalaki at tatlong babaeng inmate sa BJMP Koronadal.
Ayon kay Abanilla Problema di nila ngayon ang siksikan at lumang mga pasilidad ng BJMP.
Kinumpirma din ni Abanilla ang plano ng lokal na pamahalaan na paglipat a BJMP sa Provincial Police Headquartes.
Ito ay kapag tuluyan nang nakalipat sa lupang inilaan sa kanila ng provincial government sa Barangay Morales ang PHQ. Bumuo ngayon ng TASKFORCE LAND CONFLICT ang lokal na pamahalaan ng Mlang, North Cotabato na siyang tututok sa mga problema sa awayan sa lupa sa ilang barangay ng bayan.Sinabi ni Mlang Mayor Joselito Piñol, layunin ng kanilang itinayong TASKFORCE na tukuyin ang kasaysayan ng land conflicts sa area.Aminado ang opisyal na matagal na ang naturang girian sa kanyang bayan at nais nitong maintindihan muna ng mga miembro ang tunay na pinagmulan ng problema at ang mga naunang tinahak na kasunduan sa pagitan ng mga claimants.Ayon kay Piñol, ang Taskforce ang magsasagawa ng temporary resolution habang hinihintay ang mga ginagawang hakbang at proseso ng Department of Environment and Natural Resources o DENR.Pangungunahan naman ito mismo ni Mayor Piñol kasama sina Vice Mayor Rasel Abonado, PMP, militar, brgy. chairman sa mga barangay, Muslim Council of Elders, DENR, Department of Agrarian Reform at Media Personality.Kaugnay nito, umapela naman si Piñol sa mga residente ng Mlang na huwag munang gamitin ang kanilang mga armas at agad na magsumbong sa mga otoridad kung kinakailangan ang proteksyon laban sa mga di iniaasahang pang-aatake. DALAWA sa anim katao na pinagdududahang sangkot sa bentahan ng droga ang huli ng mga awtoridad sa iba’t ibang bayan ng North Cotabato ang nasa watchlist ng PNP at ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Una rito ang 32-taong gulang na si John Rey Legazpi alias Jan-Jan na taga-Barangay Camansi, Alamada.
Nahuli siya bandang alas-5 ng umaga sa Alamada.
Pangalawa na ang 38-taong gulang na misis na si Norsaida Alay Sakilin ng Purok Islam, Barangay Poblacion sa bayan ng Matalam.
Nasa PDEA drug watchlist din si Sakilin.
Sa Kabacan, huli sa anti-drug illegal operation sina Maguid Bla Talusan at ang isa pang misis na si Vivian Udak Kusain alias Dabby Gonsang.
Nakatakas naman ang dalawa katao na nasa watchlist rin ng PDEA na sina Shiokan Guiamandang at Babo Bombay habang isinasagawa ang search operations, alas-onse ng tanghali, kahapon.
Arestado rin ang isang Marlon Bildek sa search operations na isinagawa sa bayan ng Carmen.
Higit 30 mga sachet ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa naturang mga anti-illegal drug operations, ayon kay Sr. Supt. Alex Tagum, ang provincial director ng Cotabato Police Provincial Office.
Sa Kidapawan City, huli ang isang Renante Sundo ng Barangay Nuangan, Kidapawan City na may kasong robbery.
Ibinatay ang hulihan kay Sundo batay sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Arvin Balagot ng Regional Trial Court branch 17 sa Kidapawan City.
Nanguna sa pag-aresto kay Sundo ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group.
NDBC BIDA BALITA Pormal nang inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Kabacan sa North Cotabato ang RAT Campaign Program na Dagang Buntot Kapalit ay Bigas sa pangunguna mismo ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr.Layunin ng programa na hikayatin ang mga magsasaka na hulihin sa kanilang sariling paraan ang mga pesteng daga na hindi ginagamitan ng anumang ipinagbabawal ng pestisidyo.Ang Kabacan LGU ay magbibigay ng gantimpala para sa mga grupo ng magsasaka na makakahuli ng limang daang daga at maipakita ang limang daang buntot nito ay makakakuha sila ng limampong kilong bigas o katumbas ng isang sako.Habang para sa mga indibidwal na magsasaka naman ay kung makakahuli at makapagpakita ng sampong daga at buntot nito ay makakuha sila ng isang kilong bigas.Sinabi ni Mayor Guzman, magtatagal ang naturang kampanya hanggang sa maubos ang mga pesteng daga na matagal ng nagbibigay perwisyu sa kanilang mga sakahan.Matatandaan na isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Kabacan sa bisa ng Sangguniang Bayan Resolution number 2016-006 na inilabas dahil sa pag-atake ng mga daga sa palayan ng siyam na barangay sa bayan simula pa noong Disyembre ng nakaraang taon. Patay ang isang katiwala ng sakahan matapos pagbabarilin ng riding tandem criminals sa Manuel Roxas St., Purok Santan, Poblacion, Matalam, North Cotabato.Kinilala ni Police Chief Ins. Sunny Leoncito, hepe ng Matalam PNP ang napaslang na si Raul Benedicto, 47-anyos, may asawa at residente ng Sitio F. Valdieso, Brgy. New Bugasong, Matalam.Sinabi ni Leoncito alas syete ng umaga kahapon habang sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo papuntang Matalam Public Market ay sinundan na siya ng mga suspek na naka motorsiklo din at pagdating sa bahagi ng Purok Santan ay doon na siya pinagbabaril.Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima sanhi ng kanyang agarang kamatayan.Sa isinagawa namang hot pursuit operation ng Matalam PNP agad nilang nahuli ang pinaniniwalaang mga suspek sa naturang pamamaril.At sa kanilang imbestigasyon, kakilala lamang daw ng biktima ang mga ito at katunayan halos dalawang daang kilometro lamang ang layo ng kanilang bahay sa tinitirhan ng biktima.Nabatid na una na ring nagkaroon ng giriin ang pamilya ng biktima sa mga suspek dahil sa utang.Personal Grudge naman ang sinusundang anggulo ng PNP na motibo sa naturang pamamaril.
Ngayong araw nakatakdang isailalim ang dalawang mga suspek sa paraffin test para mapatunayang may kinalaman ang dalawa sa krimen dahil sa salaysaly ng mga ito wala raw silang kinalaman sa krimen.Patuloy pa ngayong iniimbestigahan ng mga otoridad ang nabanggit na insidente. Posible pag madagdagan ang halaga ng danyos na sanhi ng El Niño Phenomenon na tumama sa mga agricultural crops sa North Cotabato.Ito ang sinabi ni Provincial Agriculturist Engr. Eliseo Mangliwan sa panayam sa kanya ng Radyo Bida.Ayon kay Mangliwan ang una nilang tala na 238,017, 964.35 na halaga ng pinsala sa mga pananim ay hindi pa kasali rito ang kasiraan sa mga saging na tanim.Kaya posible pang umakyat ito oras na matapos ang kanilang ginagawang validation.Sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council o PDRRMC kabilang sa mga naapektuhan ang palay, masis, Oil Palm, niyog, rubber, cacao at kape.Samantala anumang araw mula ngayon ay maglulunsad na rin ang provincial Government ng Cloud seeding at plano nilang sesentro ito sa mga upland areas particular sa Kidapawan City at mga bayan ng Magpet, Arakan, Matalam Antipas at Makilala.Una nang nagpalabas ng report ang Philippine Atmostpheric Geophysical and Astronomical Administration o PAG-ASA na posibleng magtutuloy-tuloy na maramdaman ang init ng panahon sa ilang bahagi ng bansa hanggang Abril ngayon taon.

Graduation ceremony ng MILF, MNLF police recruits, pinangunahan ni P. Marcos

PARANG, Maguindanao del Norte - PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang graduation ceremony ng unang batch ng mga Moro combatants na...

Cotabato Light announces power service interruption for May 2

COTABATO CITY - Please be informed of the scheduled power interruption affecting Upper Dimapatoy, Awang D.O.S. on Thursday, May 2, 2024, from 8:00 AM...

Political alliances of former archrivals unfolding in BARMM

COTABATO CITY - Ang dating magkakalaban ngayon nagtutulungan. Sa isang pambihirang pagkakataon nagyakapan, nagkabati at magkasama na sa isang...

NDBC BIDA BALITA (April 29, 2024)

NEWSCAST 1   P. MARCOS, bibisita ngayong sa Maguindanao del Norte, at Pikit, North Cotabato 2   MGA PARTIDO pulitikal sa...

3 finalists ng Miss U Ph, napili na

ISULAN, Sultan Kudarat - Tatlo sa mga kandidata ng Miss Universe Philippines ang napili bilang finalists ng best in national costume sa ginanap na...