Monday Jul, 15 2024 04:31:49 PM

NDBC BIDA BALITA Jan. 22, 2016

 • 18:58 PM Fri Jan 22, 2016
1,790
By: 
NDBC news and current affairs

NEWSCAST

JANUARY 22,
2016 (FRIDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. PROPOSED BBL, pagbobotohan na.

2. DUMARAMING bilang ng mga kabataang
nasasangkot sa iligal na aktibidad sa Kabacan, North Cotabato, ikina alarma ng
pulisya sa bayan.

3. Tatlo katao, patay sa banggaan ng
dalawang trucks sa Koronadal City

4. 15 sugatan sa vehicular accident sa Sultan Mastura, Maguindanao AT NGAYON SA DETALYE...ABOT sa halos 15 katao ang nasaktan sa isang accident na naganap sa kahabaan ng national highway sa Barangay Tambo, Sultan Mastura, Maguindanao.Sinabi ni Sultan Mastura town police chief Police Chief Inspector Wendelyn Banico na naganap ang insidente alas 6:30 kaninang umaga.Sangkot sa vehicular accident ang isang pampasaherong van at nakaparadang Isuzu Elf Truck.Ayon kay Banico, ang kulay grey na passenger van (MWE-333) ay patungo ng Cotabato City nang maganap ang aksidente.Ang mga biktima ay isinugod na sa ibat ibang pagamutan sa Cotabato City. Ikinatuwa ni Pasig Rep. Roman Romulo
ang pagkilala sa Fallen 44 at kahit pa aniya, tila huli na ang parangal na ito
ay naniniwala ang mambabatas na makakatulong ito para maghilom at maayos ang
mga gusot na idinulot ng insidente.

Gayunman, iginiit ni Romulo na
mabibigyan lang ng hustisya ang mga 44 na mga SAF member kung mapaparusahan ang
lahat ng responsable sa naturang insidente.

Matatandaang ang Mamasapano incident
din ang naging sagabal sa pag-apruba ng Bangsamoro Basic Law o BBL na patuloy
na ipinupursigeng mailusot bago mag-recess ang Kongreso sa February 5 para
bigyang daan ang kampanyahan sa eleksyon.

Samantala, umaasa si Government Peace
Panel chairperson Professor Miriam Coronel Ferrer, na mag tuloy-tuloy na ang
pag-usad ng proposed BBL sa House of Representatives.

Ito ay kasunod ng pagtakda na Kamara sa
January 27 upang pagbotohan ang BBL matapos ang isinagawang period of
amendments.

Hiling lang ni Ferrer, sana ay
magkaroon ng quorum ang mga mambabatas sa kanilang session upang matuloy ang
botohan.

Binigyang-diin nito na kung palagi lang
sanang may quorum ang mga mambabatas ay matagal nang naisagawa ang botohan.

Sa kabila nito, sinabi ni Ferrer na ang
mahalaga ay malaman na, kung ano ang magiging posisyon ng Kamara hinggil sa
panukala.

Kahit parang gahol na sa panahon ay
umaasa pa rin si Ferrer na maihahabol pa ito at maipasa bago ang adjournment ng
Kongreso. PATULOY PA
RIN ang pag-asa ng pamilya ng 58 kataong nasawi sa Ampatuan massacre noong
November 23, 2009.

Anim na taon
na kasi ang nakararaan, subalit hanggang ngayon ay mailap pa rin ang hustisya
sa mga biktima at patuloy na naka-antabay sa mabibing desisyon ng korte laban
sa mga nakakulong na suspek.

Kaugnay nito,
kahit sa administrasyon ni dating Pangulong Arroyo naganap ang pag-masaker sa
58 katao sa Ampatuan, Maguindanao, ramdam naman daw ng administrasyon ni
Pangulong Aquino ang latay sa hindi pa nareresolbang kaso ng Ampatuan massacre.

Sa
isinagawang survey ng Social Weather Station o SWS noong December 5-8, 2015 na
nilahukan ng 1,200 respondents, 16 percent lang ang nagsabing kuntento sila sa
pagsusulong ng pamahalaan para makamit ang hustisya sa nasabing kaso subalit 73
percent naman ang hindi kuntento, habang 12 percent ang undecided.

Dahil dito,
nakakuha ng negative 57 o very bad na grado ang pamahalaang Aquino sa usaping
ito.

Bukas,
January 23, ang ika-73 buwang paggunita sa malagim na insidente.

Samantala, ang
isa pang puna ng mga Pinoy sa kasalukuyang?administrasyon?ay ang paglaban sa inflation
kung saan nakakuha ng negative 7 o
neutral na grado ang administrasyon.

Ngunit sa
pangkalahatan, nakakuha ng mataas na positive 39?ang?administrasyon,
pinakamataas sa loob ng 21 buwan.

NAGPAPASAKLOLO
NA sa Philippine Air Force ang mga lokal na opisyal ng Lanal del Sur dahil sa
malaking sunog na patuloy na kumakalat sa kagubatan ng Mt. Makaturing, sa Butig,
Lanao del Sur simula pa kahapon.

Sinabi
ni Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM Gov. Haroun Al-Rashid Lucman ay
ikinababahala na rin ng mga residente sa mga karatig na lugar.

Ayon
kay Lucman, ito ang kauna unahang pagkakataon na nagkaroon sila ng ganitong
insidente sa kanilang lugar.

Si
Lucman ay isang Maranao mula sa Bayang, Lanao del Sur.

Ayon
kay Lucman, matapos na makarating sa kanya ang balita mula sa mga lokal na
opisyal ng lalawigan ay agad niya itong ipinagbigay-alam kay ARMM Governor
Mujiv Hataman.

Giit
ng opisyal, tumanggap siya ng text message mula sa kanyang mga kababayan na
patuloy na tinutupok ng apoy ang mga makapal na kagubatan sa naturang lugar,
kabilang na ang bulubunduking tinatawag na sleeping lady”.

Nabatid
na apektado na rin ng sunog ang Mt. Pyagayongan at Mt. Mapantao sa bayan ng Lumba
Bayabao.

Kaugnay
nito ay hinihingi rin ang tulong ng mga eksperto mula sa Department of
Environment and Natural Resources o DENR para tumugon sa insidenteng ito.

Sa
ngayon kasi, hindi pa alam ng mga otoridad kung ano ang naging sanhi ng
naturang malaking sunog.

MAHIGIT dalawang libong mga
barangay sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM ang bubuhusan ng mga
proyekto sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan o PAMANA program ng Department
of Social Welfare and Development o DSWD-ARMM.

Ang mga naturang proyekto ay
ipatutupad sa pamamagitan ng PAMANA Community Driven Development o CDD
Expansion at PAMANA MNLF Program.

Target ng PAMANA CDD
Expansion ang 1,777 barangays sa ARMM habang ang PAMANA MNLF program naman ay
ipatutupad sa 291 pre-identified barangays sa 74 na mga bayan sa ARMM.

Sinabi ni DSWD-ARMM
Secretary Rahima Alba, siya ring concurrent PAMANA program manager, na ang mga PAMANA
project ngayong taon ay naka-sentro sa pagpapatatag ng mga kooperatibang
inalalayan ng programa.

Ayon kay Alba, ito na ang
huling taon ng implementasyon ng programa.

Gayunman, aniya, kahit patapos
na ang programa, ay umaasa siyang ang mga kooperatiba mismo ang magpapatuloy ng
pagpapa-unlad ng kanilang mga naipundar na proyekto.

Nabatid na kabilang sa mga
proyektong ipatutupad ngayong taon ay ang pagsasagawa ng Capacity development
trainings Production of inputs at pagbibigay ng dagdag na kapital para sa mga
benipisyaryo.

Kada barangay ay inaasahang
tatanggap ng 300 thousand pesos na halaga ng mga proyekto.

Habang ang PAMANA MNLF
program naman ay may project cost ceiling na 885 thousand pesos.

PINAKALMA
ng Malacañang ang mga guro,?health?worker?at
maging ang mga
scientist ng Department of Science and Technology o DOST at iginiit na hindi
malulusaw ang kanilang mga benepisyo sa pagpapatupad ng Salary?Standardization
Law-4 o SSL-4.

Ginawa
ni Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr.
ang pahayag matapos kalampagin ng mga guro, health workers at scientist ng
gobyerno na nangangambang mawawala ang kanilang?benepisyo?sa
ilalim?ng?kani-kanilang
magna carta kapag pinairal ang SSL-4.

Nagbanta
pa ang mga guro, health workers at scientists?na?makakatikim ng zero vote ang
mga kandidato ng Liberal Party sa kanilang hanay kapag nalusaw ang kanilang mga
benepisyo.

Sinabi
naman ni Coloma na sa mismong pahayag ni Budget Secretary Florencio Abad,
hindi?mawawala?ang?mga benepisyo?sa?ilalim?ng kani-kanilang magna carta kapag
naisabatas na ang SSL4.

Samantala,
para naman sa mga lolo at lola, panibagong?benepisyo ang isinusulong ngayon sa
Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa
inihaing panukala ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, iginiit nito ang
pagpapasa ng Kongreso sa panukalang nagbibigay ng 20 porsyentong?diskwento
sa senior citizens sa lahat ng pagkain at inuming aprubado ng Food and Drug
Administration o FDA.

Ayon
sa mambabatas, malaking tulong ang panukala sa matatanda lalo na sa mahihirap
upang magkaroon ng pagkakataong makabili ng nutritional food and drinks na
higit nilang kailangan ngayong nagkaka-edad na.

Sa
kasalukuyan, ayon kay Zarate, may kamahalan ang mga produktong aprubado?ng?FDA?kaya
pawang mga mayayaman lamang na matatanda?ang? nakakabili.

Patay ang tatlo katao sa banggaan ng dalawang mga sasakyan sa National Highway Purok Ilang-ilang, barangay Saravia, Koronadal City dakong alas syete y medya ng umaga Kahapon.
Tinukoy ng pulisiya ang mga nagbanggaan na isang panel ng softdrink at Bongo Kia truck.
Ayon kay Superintendent Barney Condes,ang Chief of Police ng Koronadal posibleng nagpa gewang gewang sa highway ang Bongo kia truck at inagaw ang kabilang lane dahilan para maka head on collision ang kasalubong na panel.
Ito ay matapos pumutok ang unahang gulong at mawalan ng control ang driver nito.
Dahil sa lakas ng impact ng banggaan, wasak ang unahang bahagi ng Bonggo truck.
Nahirapan naman ang mga rescuer sa pagtanggal sa mga pahinante nito na naipit sa truck.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Marco Fernando, driver ng Bongo Kia TruckBonilio Vicente at Vicente Santos. Ang mga biktima ay pawang galing ng Zamboanga City at kinontrata ng isang negosyante para maghatid ng kahon kahong tuyo sa Koronadal City at General Santos City.
Ang mga ito ay pawang dead on the spot matapos magtamo ng matinding mga sugat.
Kinilala naman ang driver ng panel ng softdrink na nakabanggaan ng mga ito na si Jomer Retardo ng Malalag, Davao Del Sur.
Si Retardo na nagmatamo ng minor injury sa ulo ay bolontaryong sumuko sa mga pulis.
Nagdulot naman ng matinding traffic sa kabahaan ng highway ang road accident na patuloy pang iniimbistigahan ng mga pulis. Umupo na bilang bagong Chief of Police ng Tacurong City, Sultan Kudarat si Police Superintendent Ranie Hachuela.
Ang turn over of command sa bagong Chief of Police ay ginawa sa City Police Station kamakalawa.
Ito ay dinaluhan mismo ni Tacurong City Mayor Lina Montilla, at iba pang mga lokal na opisyal ng lungsod.
Dumalo din sa turn over ceremony ang mga kinatawan mula sa pribadong sector.
Ipinahayag naman ni Hachuela na tututukan ng kanyang liderato ang pagresolba ng problema sa illegal na droga at mga street crimes sa Tacurong City.
Kabilang dito ayon sa police official ang motornapping at robbery.
Pinalitan ni Hachuela si dating PNP Chief of Police, Superintendent Junny Buenacusa.
Si Hachuela na tubong Barangay Baras Tacurong City ay itinalaga bilang Deputy R4 Logistics ng PNP Region 9 sa Zamboanga City bago inilipat sa Tacurong.
Siya ay ginawaran ng Medalya ng kagitingan noong 2003.
Ito ay dahil sa ipinakitang katapakan na maidepensa ang bayan ng Siocon sa Zamboanga del Norte kung saan iniligtas din nito ang alkalde ng bayan at pamilya nito sa pananalakay ng armadong grupo. Nakadepende na sa desisyon ng Senado ang conversion ng Upper Valley Community Hospital bilang Regional Hospital sa SOCCSKSARGEN Region.
Ito ang ipinahayag ni South Cotabato second District Representative Ferndinand Hernandez kasabay ng pagbubukas ospital noong Lunes.
Ayon kay Hernandez aprubado na kasi ng mababang kapulungan ang House Bill 5433 o An Act Establishing the SOCCSKSARGEN Hospital in the Municipality of Surallah”, Pebrero noong nakaraang taon.
Binigyan diin ng Congresista na masyado na kasing malayo pa sa mga mamamayan sa malaking bahagi ng region 12 na magpagamot sa Cotabato Regional and Medical Center sa Cotabato City.
Inihayag din ni Hernandez, na isa sa mga dahilan ng pagapruba ng mga kongresista sa House bill ay ang strategic location ng Upper Valley Community Hospital sa Surallah.
Ayon kay Hernandez, mas madali kasi itong puntahan ng mga mamamayan, lalong lalo na kapag tuluyan nang mabuksan ang daan na magdudugtong sa mga bayan ng Lake Sebu, South Cotabato at Maasim sa Sarangani Province.
Ito ay bukod pa sa ipinatatayong daan na magdudogtong naman sa bayan ng T’boli sa General Santos City Airport.
Umaasa si Hernandez na sa tulong ni Senate President Franklin Drilon ay tuluyang nang ma-convert ang Upper Valley Hospital bilang regional hospital. Patay ang isang motorista sa panibagong aksidente sa daan sa Tupi, South Cotabato.
Kinilala ng Tupi PNP ang biktima na si Boy-boy Habana residente ng Barangay Bololmala, Tupi, South Cotabato.
Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na si Habana ay nasawi matapos aksidenteng mabangga ng minamaneho nitong motorsiklo ang prime mover truck na nakaparada sa gilid ng highway.
Naganap ang road accident sa National Highway, , Barangay Poblacion Tupi, pasado alas dose ng hatinggabi kamakalawa.
Ang biktimang si Habana ay dead on the spot matapos magtamo ng grabeng sugat sa ulo bunsod ng lakas ng pagkakabangga nito sa nakaparadang truck.
Ang angkas naman nitong biente anyos na si Ramil Grajo ay dinala sa Tupi Municipal Hospital.
Ito bunsod ng sugat sa mga paa na natamo nito.
Kinilala naman ang driver ng prime mover na si Alexander Bautista, kwarenta’y singko anyos, residente ng Tacurong City Sultan Kudarat.
Ayon sa Tupi PNP, ipinarada umano ni Bautista ang minameehong truck para tingnan ang generator set ng freezer van na lulan nito.
Ang dalawang mga sasakyan ay iniligay sa custody ng Tupi PNP habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbistigasyon sa insidente. Nakakumpiska ng abot sa dalawamput pitong mga container na puno ng petroleum products ang Task Force Against Illegal Trading of Flammable Substance/Petroleum Products sa Koronadal City.
Ang mga ito ay nakuha ng Task Force sa Purok Siodina, Barangay General Paulino Santos, Koronadal City kamakalawa ng umaga.
Maliban sa mga container na puno ng mga petroleum products, nakumpiska din ng Task Force ang isang daan at limang mga containers na walang laman.
Kabilang din sa mga kinumpiska ng mga otoridad ang anim na mga may side car na tricycle na ginagamit sa pag-transport sa mga illegal petroleum products.
Kinilala naman ang may ari ng mga ito na si Jennifer Alba, residente ng Purok Siodina.
Inihahanda na ng Task Force ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa may ari ng nakumpiskang mga petroleum products.
Ang pagbebenta ng tingi tinging gasolina lalong lalo na sa gilid ng mga daan ay mariing ipinagbabawal sa Koronadal.
Ito ay dahil na rin sa peligrong dala nito sa publiko.
Matatandaan na isang bunkhouse ng Department of Public Works and Highways ang nasunog sa Barangay San Filipe Tantangan, South Cotabato noong nakaraang linggo.
Ito ay matapos lumiyab ang mga nakaimbak na container ng gasolina, matapos magsindi ng sigarilyo ang isa sa dalawang mga menor de edad na nagbebenta nito. Ikinaalarma ngayon ng Kabacan PNP ang posibleng pagkakasangkot ng ilang mga kabataan sa ilegal na aktibidad sa bayan.Ito ang ibinunyag ni Chief Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP sa panayam sa kanya ng Radyon Bida.Sinabi ni Cordero, may mga hawak sila ngayong mga pangalan ng ilan pang mga tulak at gumagamit ng illegal na droga na patuloy ngayong isinailalim sa surveillance at monitoring.
Ang naturang listahan ay mula mismo sa mga estudyante sa mga paaralan ng bayan kung saan nagsasagawa sila ng drug symposium.Ang kanilang kampanyang ito ay Bahagi rin sa mas pinalakas na OPLAN LAMBAT Sibat ng bayan.Kapansin pansin kasi raw sa kanilang isinagawang drug raid operation sa Purok Krisam, Poblacion kamakalawa ang bilang ng mga Kabataan doon at karamihan ay mga out of school Youth na pinaniniwalaang sangkot sa ilegal na Gawain sa lugar.Sa naturang operasyon ng mga otoridad dalawa ang nahuli sa lima sana nilang target habang nakatakas naman ang tatalo.Kinilala ang mga nahuli na sina Maguid Bla Talusan alias Maguid at Vivian Udak Kusain alias Dabby Gonsang kapwa residente ng nabanggit na lugar.Habang patuloy namang ngayong tinutugis ang tatlong mga tumakas na target na sina kinilalang sina Alias Babo Bombay, Shiokan Guiamandang at isang alias Marlon Bildek.Ang lambat sibat anti-illegal drug operation at implementasiyon ng search warrant ay pinangunahan ng Cotabato Police Provincial Office sa koordinasyon rin ng PDEA at Cotabato Provincial Public Safety Force o CPPSF at ilan pang mga PNP Station sa North Cotabato at Kabacan Municipal Police Station. Sisikapin ngayon ng nag-iisang Irrigators Association mula sa Mlang, North Cotabato na iuwi ang titulo para sa National Agri-Pinoy Rice Achievers Award 2016 na hatid ng Department of Agriculture o DA.Ito ay ang BNBL Irrigators Association na may 545 mga miembro mula sa mga barangay ng Bagontapay, New barbaza, Buayan, Lipaga, sa bayan ng Mlang at Bagumbayan, sa Tulunan, North Cotabato. Sila lang din ang nag-iisang kalahok mula sa Region 12.Sinabi ni BNBL president Jerry Sugilon, napili ang kanilang asosasyon matapos na sila ang nanguna sa larangan ng cropping intensity, average yield, record keeping, at DA project implementation.Kaugnay nito, nagsagawa na validation ang DA Central Office kasama ang mga matataas na opisyal ng DA 12 at Office of the provincial Agriculturist o OPAG.Ang BNBL, ang haharap sa 14 pang mga asosasyon mula sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas at lima sa kanila ang makakatanggap ng isang milyong pisong cash bilang reward. Bulontaryong binaklas ang kanilang mga istrukturaSinimulan ng baklasin ng ilang mga residente ng Quezon Boulevard, Kidapawan City National Highway ang kanilang mga bahay.Ito matapos matanggap ang abiso na ipapatupad na Department of Public Works and Highways o DPWH ang road widening project sa lugar.Sinabi ni DPWH District Engr. Elpidio Birog, nasa 30 mga pamilya ang matatamaan sa naturang proyekto at karamihan ay nasa malapit ng St Mary’s Academy patungong Alim Street, Poblacion Kidapawan.Nagpapasalamat si Birog dahil sa pag-intindi at pagsang-ayon ng mga residente at sila mismo ang boluntaryong bumakante sa road-right-of-way matapos ang sunod-sunod na mga konsultasyon sa tulong na rin ng City Government.Ayon pa sa opisyal, ang nabanggit na hakbang ay makakatulong para mapabilis ang implementasyon sa proyekto at makakatulong rin sa mas maraming motorista at commuters.Ang Road-widening project ng DPWH ay pinondohan ng abot sa 50 Million pesos na siya namang ipapatupad sa Quezon Boulevard at Jose Abad Santos Street ng lungsod na parehong dadagdagan ng dalawang lane ang kalsada.NDBC BIDA BALITA Bagaman at malayo pa ang school year 2016-2017 pormal ng binukasan ng Mount Apo Foundation, Inc o MAFI sa publiko ang kanilang inaalok na scholarship program.Ngayon taon 20 scholar’s ang maaring makaavail sa naturang programa.Sinabi ni MAFI Director Samuel Asicam, bukas ito hindi lamang sa mga Indigenous People o IP pati na rin sa mga mahihirap na non-IP member na nasa area of responsibility ng MAFI.Ibig sabihin sa nabanggit na bilang dalawa o tatlong non-IP ang makakapasok bilang scholar nila.Sakop naman ng MAFI sa North Cotabato ang 13 barangay ng Magpet, 13 barangay din sa Kidapawan City, at anim na barangay mula sa bayan ng Makilala.Pero ayon kay Asicam, sasailalim muna sa tamang proseso kagaya ng entrance exam, community investigation at panel interview.Nilinaw din ng opisyal na nakabase rin sa resulta ng kanilang entrance exam ang kursong kanilang pwedeng kunin.Sa ilalim ng naturang programa libre ang maging board and lodging ng mga scholars, tuition fee, transportation at iba.Ang Mount Apo Foundation, Incorporated ay isang non-government organization na naglilingkod sa mga lumad sa lalawigan. Ipinagpaliban muna ang pag-apruba ng Sanguniang Panlungsod ng Kidapawan ang resolusyon na magbibigay pahintulot kay City Mayor Joseph Evangelista na pirmahan ang kontrata sa pagitan ng mga talents sa darating na anibersaryo ng lungsod sa susunod na buwan.Ito matapos hiningi ng konseho ang kabuuang detalye ng mga aktibidad kasama na ang budget allocations nito.Sinabi ni Councilor Mario Flores, kinakailangan din nilang makita ang budget sa bawat aktibidad bago ito tuluyang aprubahan.Ang pahayag na ito ng opisyal ay sinuportahan din ng SP members dahilan para ipagpaliban muna ang pag-abruba nito.Nilinaw ng konsehal na paraan lamang ito sa pagpapatupad ng transparensiya sa dalawang sangay ng LGU.Tinayak rin ni Flores na oras na matanggap na nila ang budgetary allocations sa bawat event ay agad nila itong aprubahan. SPORTS...KABILANG
na ang Phoenix Petroleum sa mga bigating team ng Philippine Basketball
assosciation o PBA sa import-flavored Commissioner’s Cup sa Feb. 10.

Unanimously
approved sa PBA Board of Governors special meeting sa PBA office sa Libis,
Quezon City ang pagbenta ng Barako Bull sa Davao-based Phoenix Petroleum
Philippines, Inc.

Hiniling
ni Barako board representative Manny Mendoza ang espesyal na pulong para sa
nasabing bagay.

Pormal
ng dadalo ang oil company sa regular board meeting sa January 27.

In-charge
na ang Phoenix sa lahat ng mga kasalukuyang kontrata ng players at coaches ng
Barako.

PDEA-12 agents arrest couple together operating drug den

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P91,800 worth of shabu from a couple operating a drug den in Barangay Cabaruyan in Libungan, North...

Badminton player from Lanao Sur brings gold for BARMM in Palaro 2024

Jamal Rahmat Pandi of Lanao del Sur I has brought honor to the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) by winning another gold medal...

P1.2-M smuggled cigarettes recovered in Tawi-Tawi

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - In a coordinated effort on the night of July 13, 2024, law enforcement units successfully intercepted a...

Bangsamoro READi nagpatupad ng evacuation sa SGA

Pasado alas onse Biernes ng gabi ay nagsimula nang makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Special Geographic Area (SGA) ang Bangsamoro READi...

Images of floods affecting NoCot, MagSur, SulKud

COTABATO CITY - Several villages in Pikit, North Cotabato are now under water, including villages now under the Bangsamoro Special Geographic Area (...