Monday May, 20 2024 11:49:51 PM

NDBC BIDA BALITA Jan. 26, 2016

 • 17:07 PM Tue Jan 26, 2016
1,792
By: 
NDBC News and Current Affairs team

NEWSCAST

JANUARY 26,
2016 (TUESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MILF, nawawalan na ng pag-asang
maisasabatas pa ang BBL sa termino ni P. Aquino.

2. Daang-daang mga residente ng isang
barangay sa Tulunan, North Cotabato, halos wala nang makain dahil sa epekto ng
El Niño Phenomenon

3. Number 8 most wanted sa Surallah,
South Cotabato patay sa pamamaril

AT SA DETALYE..TILA SUKO NA ang Moro Islamic
Liberation Front o MILF at nawawalan na ito ng tiwalang maipapasa pa ng Kamara
ang Bangsamoro Basic Law o BBL sa nalalabing session days ng 16th Congress.

Sinabi ni MILF peace panel chairperson
Mohager Iqbal na posibleng kapos na sa panahon ang mga mambabatas para
maisabatas pa ang BBL dahil na rin sa palaging walang ‘quorum’ sa Mababang
Kapulungan.

Ito ang sinabi ni Iqbal nang dumalo sa
book launching ng Journey to Bangsamoro na sponsored ng European Union
delegation to the Philippines.

Sa panig naman ni government peace
panel chairperson Miriam Coronel-Ferrer, patuloy siyang umaasa pa na makakapasa
sa nalalabing araw ng sesyon ang BBL kahit sa pananaw nito ay ‘very slim’ o
napakaliit na ang tsansa nito.

Samantala, kaugnay naman ng unang
anibersaryo ng Mamasapano encounter kahapon, January 25, sinabi ni MILF
chairperson Ebrahim Murad na nag-alay lamang sila ng panalangin para sa
kanilang mga kasamahan na nasawi sa naturang insidente sa Tukanalipao,
Mamasapano.

Paglilinaw ni Murad, hindi naman kasi
naka-ugalian ng MILF na mag-gunita ng mga masalimuot at malungkot na pangyayari
sa kanilang hanay.

Umaasa naman si Murad na hindi
makaka-apekto sa pagsasabatas ng BBL ang muling pagbubukas ng pagdinig para sa
Mamasapano encounter.

Pero aniya, para sa kanilang grupo,
‘case closed’ o sarado na ang kaso kaugnay ng engkwentro sa Mamasapano dahil
naisagawa na ang imbestigasyon na nararapat.

Sa Mamasapano encounter na nangyari
isang taon na ang nakakaraan, abot sa 60 katao ang nasawi kabilang ang mga
miembro ng SAF at MILF, habang mahigit 120 libong mga sibilyan naman ang
nagsilikas. PATULOY PANG
inaalam ng mga otoridad sa ngayon kung may ‘foul play’ sa nasunog at natumbang
tower ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa Salimbao,
Sultan Kudarat, Maguindanao noong Biyernes ng gabi, January 22.

Maalalang nagdulot
ito ng mahabang brownout mula alas dyes ng gabi noong Biyernes hanggang Sabado
ng umaga, January 23 sa lahat ng mga franchise area ng Cotabato Light and Power
Company.

Naganap ang
naturang insidente kasunod ng magkakasunod na pambobomba sa mga electric
facility ng NGCP sa Mindanao mula pa noong nakaraang buwan na sumira sa nasa 18
NGCP transmission towers.

Sinabi ni NGCP
spokesperson Cynthia Alabanza na sampung towers ang tuluyang natumba habang
anim naman ang damaged.

Habang ang
ibang mga bombang itinanim sa tatlo pang NGCP towers ay hindi sumabog.

Nabatid na
dalawang NGCP towers pa ang inatake ng di pa rin matukoy na grupo ngayong buwan.

Sa kaugnay na
balita, humingi naman ng tulong ang NGCP sa Commission on Elections o Comelec
para iutos sa mga pulis at sundalo na tulungan silang makapasok sa lugar kung
saan nakatayo ang isa sa mga binombang NGCP tower sa Ramain, Lanao del Sur.

Hindi pa rin
makumpuni ng NGCP ang Tower #25 sa Agus-2 Kibawe 138kV line na binomba noong
Disyembre, dahil ayaw silang papasukin ng pay-ari ng lupang kinatitirikan ng
naturang NGCP tower.

Hindi pa raw
kasi binabayaran ng gobyerno hanggang ngayon ang may-ari ng lupa.

Samantala, sa
Aleosan, North Cotabato nagpulong na rin ang Aleosan PNP, AFP at Aleosan LGU
officials para imbestigahan ang anggulo right of way” claim maaaring dahilan
ng pagbobomba sa mga tore sa lugar.

Sabi ni kay
Sanguniang Panlalawigan Committee on Peace and Order Chair Mohamad Antao may
mga may-ari kasi ang lupang kinatitirikan ng NGCP towers na posibleng

hindi maayos
na nakasundo ng NGCP.

Sabi naman ni
Comelec chair Andres Bautista, mag iisyu siya ng resolusyon para tumulong ang
mga pulis at military sa NGCP personnel na makapasok sa mga lugar na
kinatatayuan ng mga transmission tower upang ayusin ang mga ito.

Mas
hihigpitan din ng mga otoridad ang pagbabantay sa mga NGCP tower lalo na
ngayong papalapit ang eleksyon para matiyak na hindi masasabotahe ng mga
masasamang loob ang halalan sa Mayo.

MASWERTE
AT NAKALIGTAS PA RIN SA TIYAK na kapahamakan ang isang lalaki matapos tagain ng
sariling kapatid at hampasin pa ng matigas na bagay ng kanyang ama pasado alas
sais kagabi sa Sousa street, PC Hill, Barangay Rosary Heights 1, Cotabato city.

Kinilala
ng City PNP ang biktima na si Roel Anton Pulido, 27 years old na tinaga ng
kapatid nitong si Rolly Pulido, Jr. at hinampas naman ni Rolly Pulido, Sr.

Ayon
sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagsisigawan ang tatlo hanggang sa
nagka-initan at humantong sa pisikal na pananakit.

Gamit
ang stainless kitchen knife ay sinaksak ni Rolly Jr. si Roel sa kamay at
hinampas pa sa ulo ni Rolly Sr.

Agad
dinala ng mga rumespondeng pulis sa ospital ang biktima kung saan ito
nagpapagaling hanggang sa ngayon.

Plano
naman ng pamilya Pulido na areglohin na lamang sa barangay ang kanilang
problema.

Nabatid
naman na dati nang inireklamo ang biktima sa Police station 1 dahil sa
pananakit umano sa kanyang anak at asawa. UMARANGKADA NA NAMAN ang
kawatan sa Cotabato City at ang puntirya ng mga ito ngayon… mga metro ng tubig.

UNOD-SUNOD NA NAGSUMBONG sa
police station 2 kahapon ang tatlong mga residente ng Mother Barangay Rosary
Heights, Cotabato city matapos matuklasang ninakaw ang metro ng kanilang tubig.

Unang nagreport sa pulisya
si Natividad Andres, 74 years old, taga-Purok Bañas matapos matuklasang ninakaw
ang dalawang water metro nila pasado alas kwatro ng madaling araw kahapon.

Sumunod namang nagreport si
Andy Panaggulon, 65 years old, matapos nakawin rin ang kanilang water meter
dakong alas dos nang madaling araw kahapon.

Panghuling nagreport si
Julie Ann Andoy, 37, taga-naman ng Roales street corner TV Juliano alas singko
kahapon nang manakawan rin ng water meter.

Dahil dito, mas pinaigting
ng Police station 2 ang pagpapatrolya tuwing madaling araw para matukoy at
mahuli ang mga magnanakaw na nasa likod ng naturang mga insidente.

Nabatid na ang hinahabol ng
mga magnanamaw sa metro ng tubig ay ang bras content nito na tinutunaw at
maaaring gawing kulintang, ash tray at iba pang materyal na kapag ibinenta ay
may kamahalan.

BAGAMAN
AT TILA hindi pa malinaw ang daan tungo sa kapayapaan dahilan sa posibleng
bigong pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law o BBL, ipinaramdam ng Moro Islamic
Liberation Front o MILF na patuloy pa rin sila sa pagsisikap na makamit ang tunay
at pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao at sa buong Pilipinas.

Ito
ang mensahe ng isinagawang peace summit na

pinangunahan
ng MILF, Mindanao Alliance for Peace o MAP, Heavenly Culture, World Peace,
Restoration of Light o HWPL at International Women Peace Group o IWPG sa Camp
Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao noong January 24.

Tinatayang
nasa mahigit sampung libong mga peace advocate at supporter ang dumalo sa
naturang aktibidad na nagmula pa sa iba’t ibang lugar sa Mindanao.

Nasa
okasyon din ang pinuno ng Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light o
HWPL na si chairman MAN HEE LEE.

Si Lee
ay isang Korean war veteran na tumutungo sa iba’t ibang mga bansa para
ipalaganap ang mensahe ng pagkakaisa at kapayapaan.

Samantala,
bahagi naman ng peace summit unveiling ng peace monument na inilagay sa Camp
Darapananan.

Umaasa si Flora Gabunales, ang Provincial Director ng Department of Trade and Industry o DTI sa South Cotabato na posibleng bababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa susunod na tatlong buwan.
Ito ayon kay Gabunales ay bunsod na rin ng pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo sa panaigdigang merkado.
Sa katunayan ayon kay Gabunales, pinapatawag na ng DTI Central Office ang mga manufacturer ng iba’t ibang mga produkto para pagusapan ang posibleng bagong suggested retail price o SRP.
Binigyan diin nito na kumpara noong mga nakaraang buwan, mas malaki kasi ang ibinaba ng presyo ng mga produktong petrolyo ngayon
Ayon kay Gabunales dahil bahagya lamang di gaanong maramdaman ng mga mamamayan ang pagbaba ngayon sa presyo ng ilang mga pangunahing bilihin. Gayunpaman ayon kay Gabunales, maari ring maging sagabal sa pag-baba pa sa presyo ng mga pangunahing produktlo ang El Nino Phenomenon.
Inihayag ng DTI official na labis na maapektuhan ng tagtuyo’t ang presyo ng mga produktong pang-agrikultura tulad asukal. Humihiling ng three percent gross sa mga negosyante sa South Cotabato ang New Peoples Army o NPA.
Ang pangonghotong na ito ng rebeldeng grupo ay kinumpirma mismo ni Governor Daisy Avance Fuentes.
Inihayag ni Fuentes na maging siya mismo ay sinubukang ring kotongan ng mga rebelde.
Ayon sa Gobernador, nagiwan ng sulat para sa kanya ang mga armadong grupo na nanunog sa apat na mga heavy equipment sa Barangay Edwards, T’boli, noong byernes ng gabi.
Ayon kay Fuentes inaakala kasi ng mga rebelde na isa siya sa mga mayari ng tracking service na kinontrata ng banana company na Sumifru.
Inihayag ng gobernador na marahil ay kinagalit din ng NPA ang pagtanggi nito ng kanilang suporta sa kanya. Kaugnay nito, ipinahayag ni Fuentes na ipinagutos nito sa militar at PNP ang patuloy na pagtugis sa mga rebeldeng grupo
Naniniwala din si Fuentes na ang panghaharass na ito ng armadong grupo ay isang pagsubok na malalampasan din ng lalawigan.
Patay sa pamamaril ang isang laborer sa PUrok Asparagus, Barangay Colungulo, Surallah, South Cotabato.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na ang kwarenta’y uno anyos na si Jay Retuyan ay binaril habang nakatayo sa national highway dakong alas nuebe y medya ng gabi kamakalawa.
Ang biktimang si Retuyan ay nasawi dahil sa tama ng bala sa kanyang tiyan.
Onsehan naman sa droga ang motibo na tinukoy ng mga pulis sa krimen.
Bukod kasi sa basyo ng 45 pistol at mahigit siyamnaraang piso, narecover din ng mga pulis sa crime scene ang isang sachet ng suspected shabu.
Ang napaslang na si Retuyan na may standing warrant of arrest dahil sa pagnanakaw ay number 8 most wanted sa bayan ng Surallah.
Nagpapatuloy pa ang imbistigasyon ng Surallah PNP para matukoy ang suspek sa krimen. Patay ang isa katao matapos maaksidente sa minamanehong motorsiklo sa national highway, Barangay Crossing Palkan, Polomolok,South Cotabato.
Kinilala ng Polomolok PNP ang biktima na si Joebert Pabalinas, singkwenta anyos at residente din sa lugar.
Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na habang minamaneho ni Pabalinas ang isang MCX motorcycle na may license plate QN 322, aksidente itong nabangga ng sumusunod sa kanyang Toyota Innova, na may license plate ROY 818.
Matapos mabangga, nakaladkad pa ng totota Innova ang motorsiklo na naging dahilan naman para tumilapon sa shoulder ng highway ang biktima.
Ang road accident ay naganap mag-aalas onse ng umaga kamakalawa.
Ang biktimang si Pabalinas ay dead on arrival dahil sa matinding mga sugat na natamo nito.
Ang driver naman ng Toyota Innova na nakabangga sa kanya na si Braulio Dela Cruz, singkwenta’y dose anyos ay bolontaryong sumuko sa mga pulis.
Nagpapatuloy pa ang imbistigasyon ng mga pulis sa insidente. Huli sa entrapment operation ng mga pulis ang apat katao sa bayan ng Surallah,South Cotabato kahapon ng umaga.
Ito ay matapos magpanggap na mga tauhan ng Land Transportation Office o LTO para makapangotong.
Kinilala ni Police Chief Inspector Arnold Carino, ang hepe ng Highway Patrol Group ng South Cotabato PNP ang mga suspek na sina na sina Mack Usop, Benjie Candang, Buhari Upam at Marco Abutazil.
Ang apat na mga suspek ayon kay Carino ay nagpanggap na mga traffic enforcers ng LTO na nakabase sa bayan ng Polomolok.
Ang mga ito ay inaresto ng pinagsanib na pwersa ng HPG at Crininal Investigation and Detection Group o CIDG South Cotabato.
Ayon kay Carino kadalasang biktima ng pangongotong ng mga suspek ang mga negosyante sa South Cotabato.Ginawang modus ng mga suspek ang pagpapakita sa kanilang bibiktimahin ng solicitation letters na pirmado pa ng mga opisyal ng LTO katulad nina LTO 12 Operations Chief Rashid Rumaob, at LTO Gensan operation Chief Rudy Concha.
Nakumpiska din ng mga pulis mula sa apat na mga suspek ang mga pekeng ID ng LTO at isang kotse na ginagamit umano sa kanilang modus.
Inihahanda na ng pulisiya ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga suspek na nakulong na ngayon sa lock up cell ng Surallah PNP. Dahil sa lumalakas ngayon na pwersa ng mga kriminal na nakakalat sa probinsiya ng North Cotabato at kalapit probinsya naglunsad ang Cotabato Police Provincial Office o CPPO ng isang pagsasanay para sa mga pulis.Ito ay ang Special Weapons and Tactics Training o SWATT na sinimulan kahapon na pinangunahan naman ng Police Regional Office Region 12.Ayon kay Supt. Bernard Tayong ang spokesperson ng CPPO ginawa ang naturang pagsasanay sa hiling na rin ng mga matataas na opisyal ng bawat munisipyu at personal rin na request ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista para sa lungsod.Layunin nito na maturuan ang mga pulis sa kanilang mga responsibilidad at gawain bilang mga taga protekta sa mamamayan.Nilahukan ito ng mga partisipante mula sa General Santos City, Regional Mobile Group GenSan, Kabacan, Cotabato City, Midsayap at Kidapawan City PNP.Inaasahan naman ang 60 mga pulis na sasailalim sa naturang pagsasanay.Ang nabanggit na aktibidad ay magtatapos pagkatapos 45 araw.Samantala, naglaan naman ng pondo ang Kidapawan City Government sa mga partisipante ng City PNP para sa kanilang mga pangangailangan na abot sa sampung milyong piso.Inaasahan pagkatapos ng naturang training ay mas lalo pang maintindihan ng pulisya ang mga tungkulin na dapat nilang gampanan lalo na sa pagsugpo sa mga ilegal na aktibidad at kriminal sa buong lalawigan. Bukas ay ililibing na ang dalawang taong gulang na batang lalaki na si Jorel Estopito matapos itong mahulog sa ginagawang waterpump sa kanilang barangay sa Dalipi, Mlang, North Cotabato noong nakaraang linggo.Sa panayam ng Radyo Bida kay Brgy. Dalipi Chairperson Arturo Makahiling, lunes ng umaga raw nang mangyari ang malagim na insidente.Naglalaro lang daw ang bata sa lugar habang binabantayan ng kanyang amang si July Estopito samantalang ang ina nito na si Padang Estopito ay naglilinis ilang metro din ang layo mula sa kinalalagyan ng anak.Ilang minuto daw ay umalis ang ama ng bata at ibinilin nito sa asawa pero hindi naman ito narinig ng misis.Dahil dalawang taong gulang pa ay nakarating ito sa ginagawang waterpump sa lugar na wala ring bakod at duon na siya nahulog.Dalawang oras pa bago nalaman na nahulog at nalunod na pala ang bata pero lumulutang na at wala nang buhay ng matagpuan ito.Ihahatid si Jorel sa kanyang huling hantungan sa brgy. Lika, Mlang bukas.Paalala ngayon ng mga otoridad sa lahat ng mga magulang na huwag hayaang maglaro mag-isa ang kanilang mga anak para hindi na maulit pa ang nabanggit na insidente. Pormal nang inaprubahan ng Sangguniang Panglungsod ng Kidapawan ang Budget Allocations para sa mga aktibidad na gagawin at ilulunsad kaugany sa nalalapit na week long celebration ng Kidapawan City ngayong darating na Pebrero.Noong nakaraang session kasi ng SP ay ipinagpaliban ang pag-aruba nito matapos hiningi ni City Councilor Mario Flores ang kabuuang detalye ng mga aktibidad kasama na ang budget allocations nito bagay naman na sinuportahan ng iba pang City Councilors.Sinabi naman ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista, matapos mag recess ang sesyon, kaagad nag-utos ang alklade na ilatag sa kanila ang lahat ng detalye at budgetary requirement na hinihingi ng konseho.Abot sa mahigit 3.5 million pesos ang inilaang Pondo ng City LGU para sa isang linggong anibersaryo ng lungsod na naprobahan pa raw noong pang September 2015.Wala naman itong pinagkaiba sa mga nauna nang budget para sa selebrasyon noong 2014 at 2015 anniversarry.Ngayong araw nakatakda namang gagawin ang isang press conferrence kasama si Evangelista at ang City Tourism Office para pag-usapan ang iba pang aktibidad na gagawin at sisimulan para sa nalalapit na 18th Foundation Carnival Events ng Kidapawan City. Halos kalahati na ng apat na raang mga residente ng Barangay Maybula, sa bayan ng Tulunan, North Cotabato ang umano’y nakakaranas na ng gutom dahil sa epekto ng El Niño Phenomenon.Mismong si Maybula chairperson Alfredo Satore ang nagkumpirma nito nang makapanyam siya ng Radyo Bida kahapon ng tanghali.Sinabi ni Satore na sa ngayon, kanya-kanyang diskarte na lamang ang kanyang mga mamamayan upang makakain sa araw-araw.Maging ang supply ng tubig na maiinom ay apektado narin ng tagtuyot.
Karamihan sa mga residente ng Barangay Maybula ay umaasa sa tubig mula sa deep well at mga balon.Pero dahil sa tindi ng init sa lugar maging ang mga ito ay nauubusan narin ng tubig.Sa katunayan, maging ang mga ilog sa barangay ay unti unti na ring natutuyo.Kaugnay nito, umapela ngayong ng tulong ang opisyal sa lokal na pamahalaan ng Tulunan.Tiniyak din ng opisyal na mamimigay sila ng bigas bilang ayuda, kung saan ang pondong gagamitin ay magmumula sa limang porsiyentong quick response fund ng barangay.Nauna nang nagdeklara ng state of calamity ang Tulunan, dahil sa drought at rat infestations sa bayan.Tinatayang aabot sa P3 milyon ang halaga ng pinsala nang nabangit na weather phenomenon. Isa hanggang dalawang oras na LOAD Curtailment ang mararanasan ngayon ng service area ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO.Sinabi ni COTELCO spokesperson Vincent Baguio ito ay base na rin sa abiso na kanilang natanggap mula a National Power Corporation o NPC na nagkukulang na rin ang supply ng kuryente mula sa Hydro Electric Power Plants sanhi ng nararanasang epekto ng matinding init ng panahon sa Isla ng Mindanao.Maliban dito, idinagdag din ni Baguio na pansamantala ring mawawala sa Grid ng PITONG ARAW ang Therma South Inc. o TSI Unit 2 na may kapasidad na 150MW.Ito ay bilang paghahanda na rin nila sa kanilang gagawing commercial operation.Dahil dito mula sa 10MW na nakontranta ng COTELCO mula sa TSI ay mababawasan ito hanggang 5MW dahilan para sa gagawing Load Curtailment.Humingi naman ng pang-unawa si COTELCO General Manager Engr. Godofredo Homez sa mga power consumer dahil sa oras na maibalik na ang TSI sa grid ay babalik din kaagad sa normal ang power supply sa service area ng COTELCO.

Groups, BARMM officials condemn Cotabato City chapel bombing

COTABATO CITY - Various sectors condemned Sunday’s grenade attack on a small Catholic chapel in a residential area here that hurt two worshipers and...

2 drug peddlers nabbed, over P1-M shabu seized in Pikit anti-drug ops

GEN. SANTOS CITY  – Anti-illegal drug entrapment operation in Barangay Ladtingan, Pikit, North Cotabato on May 19, 2024, led to the arrest of...

MNLF’s political bloc urges members to stay off hostile politics

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Saturday reminded its more than 90,000 duly registered members to avoid...

Granada na pinaglaruan ng isang binatilyo, na recover ng PNP sa Bansalan, Davao Sur

KIDAPAWAN CITY - Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang 14 na taong gulang na binatilyo matapos na marecover mula sa kanya ng pulis ang isang...

Cardinal Quevedo's statement of condemnation on Cotabato chapel bombing

As a member of the BARMM Council of Leaders representing the Christian Settler Communities and as Catholic Cardinal, I condemn in the strongest terms...