Monday Apr, 29 2024 07:34:14 AM

NDBC BIDA BALITA Jan. 27, 2016

 • 19:50 PM Wed Jan 27, 2016
1,569
By: 
NDBC-NCA Team

NEWSCAST

JANUARY 27,
2016 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1.PAGKATAPOS ng masalimuot na
Mamasapano encounter, matinding tagtuyot at pag-atake ng mga pesteng daga,
problema naman ngayon ng mga mamamayan sa bayan.

2. Balak na pagtakas ng mga inmate sa
lock up cell ng Koronadal City PNP, nabisto ng mga pulis.

3. Mga aktibidad para sa nalalapit na
anibersaryo ng Kidapawan City, plantsado na seguridad ng publiko, tiniyak ng
alklade ng lungsod.

4. Tatlo sugatan sa grenade attack sa Pikit, North Cotabato
AT NGAYON SA DETALYE..TATLO KATAO ang sugatan, kabilang na ang isang taong gulang na bata, matapos na hagisan ng granada ang bahay ng pamilyang Dawadi sa Barangay Inug-og, Pikit, North Cotabato kahapon.Kinilala ni Pikit PNP chiefSenior Insp. Sindatu Karim and mga nasugatan na sina Tokas Dawadi, 50, anak nitong si Bailanie Usop, 24 at isang guro at ang anak nito na isang taong gulang.Ayon kay Karim, nasa labas ng kanilang bahay ang mga biktima nang dumating ang dalawang lalaki sakay ng motorsiklo at walang tanong-tanong na silay hinagisan ng granada. Agad na tumakas ang mga suspect.Agad namang isinugod ng mga kapitbahay sa pagamutan ang mga biktima na nagtamo ng minor injuries, ayon kay Karim.Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP sa kaso.Si Dawadi ay tagapagbantay ng ilang tore ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Pikit. TILA dahan-dahan nang nalilimutan ng
mga resident eng Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao ang masalumuot na
pangyayari sa kanilang lugar isang taon na ang nakakaraan.

Gayunman, panibagong problema naman
ngayon ang kinakaharap ng mga mamamayan sa naturang lugar.

Ito ay ang matinding tagtuyot na
nararanasan ngayon sa halos lahat ng mga bayan sa Maguindanao at ang pagsalakay
ng mga pesteng daga sa mga taniman ng mais sa lugar.

Sabi ni Zaharimim Amilil, isang
magsasaka sa Tukanalipao, masaya na sana sila dahil sa mga bagong kalsada at
tulay na ipinagawa pagkatapos ng engkwentro ng SAF 44 at MILF noong January 25,
2015.

Aniya, mas mabilis na sana nilang
maihahatid ang kanilang mga produktong mais sa mga pamilihan.

Gayunman, aniya, tila kokonti ang
kanilang aanihin ngayon.

Inubos daw kasi ng mga daga ang
kanilang mga tanim na mais.

Ang iba naman ay nalanta dahil sa
sobrang init ng panahon.

Sabi pa ni Amilil, kung dati ay
nakaka-ani sila ng hanggang 90 sako sa isang ektaryang maisan, ngayon ay
kulang-kulang 20 sako na lang ang kanilang aanihin.

Ganito rin ang sinabi ni Tukanalipao
Kagawad Abulkadir Adam.

Sabi ni Adam, ‘failure’ daw ang
kanilang ani ngayong buwan.

Aniya, problema pa niya ngayon ang
ipambabayad sa inutang na puhunan para makapagtanim sa kanyang dalawang
ektaryang lupain.

Sa ulat ng Department of Agriculturure o
DA-ARMM, abot sa anim na milyong pisong halaga ng mga palay at mais ang sinira
ng mga daga sa Maguindanao, partikular sa mga bayan ng Mamasapano, Datu Unsay,
Sultan Mastura, Datu Odin Sinsuat at Northern Kabuntalan.

Sabi ni Kagawad Adam, tinatayang nasa
60 libo hanggang 80 libong piso ang nawala dahil sa sinapit ng kanyang maisan.

Samantala, umaasa naman ang mga
magsasaka sa naturang bayan ng tulong mula sa mga kina-uukulang ahensya ng
ARMM.

TINIYAK
NGAYON ng Department of Justice o DOJ na
ilalabas na nito anumang araw mula ngayon ang resolusyon laban sa 90 mga miyembro
ng Moro Islamic Liberation Front o MILF, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o
BIFF at private armed groups sa mga alegasyon laban sa kanila kaugnay sa
pagkamatay ng 44 na miyembro ng Special Action Force o SAF ng PNP.

Sabi ni acting
DoJ Sec. Emanuel Caparas, submitted for resolution na ang kaso laban sa mga
suspek na isinasangkot sa engkwentro sa Mamasapano.

Gayunman,
inamin ni Caparas na mabagal ang pag-usad ng imbestigasyon dahil maraming
testigo at respondent pero nangako ito na gagawin nila ang lahat para mapabilis
ang paglutas sa kaso.

Hindi naman
nagbigay ng eksaktong panahon ang kalihim kung kailan ilalabas ang resolusyon
pero minamadali na raw ito lalo na’t natapos na ang pagdinig ng DoJ pannel.

Ang kaso sa
DoJ panel ay may kaugnayan sa pagkamatay ng 35 sa 44 na miyembro ng PNP-SAF na
kasama sa Oplan Exodus para hulihin ang Malaysian terrorist na si Zulkifli bin
Hir alyas Marwan. NAARESTO
na ng pinagsanib na pwersa ng Midsayap PNP at mga barangay tanod ng central
Katinggawan, Midsayap, North Cotabato ang suspek sa pagpatay sa isang 62 taong
gulang na lalaki sa lugar.

Naaresto
kahapon ang suspek na si Mark Anthony Pakuputan, 22 years old, binata at
residente rin ng naturang barangay.

Inundayan
ng saksak ni Pakuputan ang biktima na si

Fausto
Valientin alyas Usting, 62 years old, walang asawa at manunuba.

Naglalakad
lang sa kalsada at pauwi n asana si Valientin pasado alas otso ng gabi
kamakalawa nang lapitan ng suspek at saka pinagsa saksak gamit ang isang
kitchen knife.

Hindi
naman mabatid ang dahilan ng pananaksak ng suspek sa biktima.

Dead
on arrival sa pagamutan si Valientin habang si Pakuputan ay nakakulong na
ngayon sa Midsayap PNP lock up cell. NABABAHALA
na ang Cotabato City PNP sa dumaraming mga bata sa lungsod na nasasangkot sa
mga iligal na gawain.

Sa
panayam ng DXMS AM Radyo Bida kay City PNP Dir. Sr. Supt. Raul Supiter sinabi
nito na may mga bata silang nahuli dahil sa pagnanakaw.

Hinala
ni Supiter, maaaring may sindikatong nag oorganisa sa mga ito para gamitin sa
mga iligal na aktibidad.

Sabi
naman ni Cotabato City Social Welfare Officer Guialil Pandi na pautloy ang kanilang
adbokasiya para hindi malulong sa iligal na droga at mga krimen ang mga
kabataan sa lungsod.

Katunayan
aniya, hinihingi nila ang tulong ng mga magulang at mga barangay official.

Ayon
kay Pandi, kapag may mga batang nahuhuli ay agad nilang ipino proseso ang mga
ito.

Ang
iba ay sumasailim sa counseling habang ang iba naman ay nasasampahan ng kaso at
ipinadadala sa

Regional
rehabilitation center for youth sa Tupi, South Cotabato habang nililitis ang
kanilang mga kaso.

GUSTONG
IPAGBAWAL ng Commission?on?Elections o Comelec ang pagse-selfie at
picture-taking sa loob ng polling precinct sa panahon ng eleksyon sa Mayo.

Ayon
kay Comelec Chair Andres Bautista, hindi malayong magamit sa vote buying ang
pagkuha ng larawan ng balota na may nakalagay nang pangalan ng ibinotong
pulitiko.

Aniya,?maaari?ring
kumalat sa social media ang mga larawan at malalaman ng publiko kung sino ang
ibinoto ng mga botante lalo na kapag kinunan ng larawan ang mga balota.

Isa
rin itong dahilan kung bakit pinag-aaralan pa ng ahensya ang pag-imprenta ng
voter-verified paper audit trail o VVPAT feature?dahil puwede rin itong kumalat
sa social media.

Posible?raw?kasing
humaba ang proseso ng halalan at gamitin sa vote buying ang VVPAT.

Magdudulot
din ito ng kumplikasyon dahil lalabag ang naturang feature sa ballot secrecy
law.

Kaugnay
nito, tiniyak ni Bautista na mas mabilis at maganda ang bagong vote counting
machine na gagamitin sa 2016 presidential election kapalit ng precinct count
optical scan o PCOS machines.

Ibinida
ng Comelec ang bagong feature ng vote counting machine kabilang na ang source
code review, ultraviolet lamps at digital signature na isang high-tech machine. Dahil sa lumalakas ngayon na pwersa ng mga kriminal na nakakalat sa probinsiya ng North Cotabato at kalapit probinsya naglunsad ang Cotabato Police Provincial Office o CPPO ng isang pagsasanay para sa mga pulis.Ito ay ang Special Weapons and Tactics Training o SWATT na sinimulan kahapon na pinangunahan naman ng Police Regional Office Region 12.Ayon kay Supt. Bernard Tayong ang spokesperson ng CPPO ginawa ang naturang pagsasanay sa hiling na rin ng mga matataas na opisyal ng bawat munisipyu at personal rin na request ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista para sa lungsod.Layunin nito na maturuan ang mga pulis sa kanilang mga responsibilidad at gawain bilang mga taga protekta sa mamamayan.Nilahukan ito ng mga partisipante mula sa General Santos City, Regional Mobile Group GenSan, Kabacan, Cotabato City, Midsayap at Kidapawan City PNP.Inaasahan naman ang 60 mga pulis na sasailalim sa naturang pagsasanay.Ang nabanggit na aktibidad ay magtatapos pagkatapos 45 araw.Samantala, naglaan naman ng pondo ang Kidapawan City Government sa mga partisipante ng City PNP para sa kanilang mga pangangailangan na abot sa sampung milyong piso.Inaasahan pagkatapos ng naturang training ay mas lalo pang maintindihan ng pulisya ang mga tungkulin na dapat nilang gampanan lalo na sa pagsugpo sa mga ilegal na aktibidad at kriminal sa buong lalawigan. Bukas ay ililibing na ang dalawang taong gulang na batang lalaki na si Jorel Estopito matapos itong mahulog sa ginagawang waterpump sa kanilang barangay sa Dalipi, Mlang, North Cotabato noong nakaraang linggo.Sa panayam ng Radyo Bida kay Brgy. Dalipi Chairperson Arturo Makahiling, lunes ng umaga raw nang mangyari ang malagim na insidente.Naglalaro lang daw ang bata sa lugar habang binabantayan ng kanyang amang si July Estopito samantalang ang ina nito na si Padang Estopito ay naglilinis ilang metro din ang layo mula sa kinalalagyan ng anak.Ilang minuto daw ay umalis ang ama ng bata at ibinilin nito sa asawa pero hindi naman ito narinig ng misis.Dahil dalawang taong gulang pa ay nakarating ito sa ginagawang waterpump sa lugar na wala ring bakod at duon na siya nahulog.Dalawang oras pa bago nalaman na nahulog at nalunod na pala ang bata pero lumulutang na at wala nang buhay ng matagpuan ito.Ihahatid si Jorel sa kanyang huling hantungan sa brgy. Lika, Mlang bukas.Paalala ngayon ng mga otoridad sa lahat ng mga magulang na huwag hayaang maglaro mag-isa ang kanilang mga anak para hindi na maulit pa ang nabanggit na insidente. Pormal nang inaprubahan ng Sangguniang Panglungsod ng Kidapawan ang Budget Allocations para sa mga aktibidad na gagawin at ilulunsad kaugany sa nalalapit na week long celebration ng Kidapawan City ngayong darating na Pebrero.Noong nakaraang session kasi ng SP ay ipinagpaliban ang pag-aruba nito matapos hiningi ni City Councilor Mario Flores ang kabuuang detalye ng mga aktibidad kasama na ang budget allocations nito bagay naman na sinuportahan ng iba pang City Councilors.Sinabi naman ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista, matapos mag recess ang sesyon, kaagad nag-utos ang alklade na ilatag sa kanila ang lahat ng detalye at budgetary requirement na hinihingi ng konseho.Abot sa mahigit 3.5 million pesos ang inilaang Pondo ng City LGU para sa isang linggong anibersaryo ng lungsod na naprobahan pa raw noong pang September 2015.Wala naman itong pinagkaiba sa mga nauna nang budget para sa selebrasyon noong 2014 at 2015 anniversarry.Ngayong araw nakatakda namang gagawin ang isang press conferrence kasama si Evangelista at ang City Tourism Office para pag-usapan ang iba pang aktibidad na gagawin at sisimulan para sa nalalapit na 18th Foundation Carnival Events ng Kidapawan City. Halos kalahati na ng apat na raang mga residente ng Barangay Maybula, sa bayan ng Tulunan, North Cotabato ang umano’y nakakaranas na ng gutom dahil sa epekto ng El Niño Phenomenon.Mismong si Maybula chairperson Alfredo Satore ang nagkumpirma nito nang makapanyam siya ng Radyo Bida kahapon ng tanghali.Sinabi ni Satore na sa ngayon, kanya-kanyang diskarte na lamang ang kanyang mga mamamayan upang makakain sa araw-araw.Maging ang supply ng tubig na maiinom ay apektado narin ng tagtuyot.
Karamihan sa mga residente ng Barangay Maybula ay umaasa sa tubig mula sa deep well at mga balon.Pero dahil sa tindi ng init sa lugar maging ang mga ito ay nauubusan narin ng tubig.Sa katunayan, maging ang mga ilog sa barangay ay unti unti na ring natutuyo.Kaugnay nito, umapela ngayong ng tulong ang opisyal sa lokal na pamahalaan ng Tulunan.Tiniyak din ng opisyal na mamimigay sila ng bigas bilang ayuda, kung saan ang pondong gagamitin ay magmumula sa limang porsiyentong quick response fund ng barangay.Nauna nang nagdeklara ng state of calamity ang Tulunan, dahil sa drought at rat infestations sa bayan.Tinatayang aabot sa P3 milyon ang halaga ng pinsala nang nabangit na weather phenomenon. Isa hanggang dalawang oras na LOAD Curtailment ang mararanasan ngayon ng service area ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO.Sinabi ni COTELCO spokesperson Vincent Baguio ito ay base na rin sa abiso na kanilang natanggap mula a National Power Corporation o NPC na nagkukulang na rin ang supply ng kuryente mula sa Hydro Electric Power Plants sanhi ng nararanasang epekto ng matinding init ng panahon sa Isla ng Mindanao.Maliban dito, idinagdag din ni Baguio na pansamantala ring mawawala sa Grid ng PITONG ARAW ang Therma South Inc. o TSI Unit 2 na may kapasidad na 150MW.Ito ay bilang paghahanda na rin nila sa kanilang gagawing commercial operation.Dahil dito mula sa 10MW na nakontranta ng COTELCO mula sa TSI ay mababawasan ito hanggang 5MW dahilan para sa gagawing Load Curtailment.Humingi naman ng pang-unawa si COTELCO General Manager Engr. Godofredo Homez sa mga power consumer dahil sa oras na maibalik na ang TSI sa grid ay babalik din kaagad sa normal ang power supply sa service area ng COTELCO. Nasa ikaapat na araw na ngayon ng International Eucharistic Congress o IEC na isinasagawa sa Cebu City. Sa panayam ng DXND Radyo Bida kay Father Renan Aban OMI, IP Director ng Archdiocese sa Cotabato at Chair ng IP na nakabase sa Kulaman, Sultan Kudarat, dinudumog ng milyung milyung mananampalatayang katoliko ang bawat aktibidad na isinasagawa duon.Ito ay nagmula pa sa ibat-ibang bahagi ng Mundo.Sa kabila rin ng masamang panahon na nararanasan ngayon sa Kabisayaan, ayon pa kay Father Aban ay di pa rin sila nagpatinag para dahulan ang bawat event.Ayon kay Father Aban ang 51st IEC ay nakatutok ngayon sa Terorismo at Climate Change.Sa mensahe raw ni Father Robert Baron ng Los Angelis, California ipinaintindi nito ang kahulugan Eucharist.Kung saan kabilang na rito ang sakripisyu, Pagkain sa salita ng Dios Araw Araw, obligasyon bilang mananampalataya at maging ang pagpapalakas sa personal na relasyon sa Dios. Samantala aminado naman si Father Aban na sa lebel ng mga Indigenous People’s may kahirapan ito na ipaunawa ang kahulugan ng Eukaristiya.Di raw kasi lahat ng IP’s ay Katoliko pero sa pamamagitan ng pagpapaunawa at pagpapakita nito sa gawa ay dahan dahan rin itong matanggap ng mga katutubo. Ngayong araw nakatakdang pag-usapan sa naturang congress ang Eucharist and the Mission at Eucharist and the Creation. Plano ngayon ng Cotabato Provincial Government na magloan at bumili ng mga bagong heavy equipment para magamit sa mga nakahilira na ngayong road building projects sa lalawigan.Ito ay base sa naging rekomendasyon ng Provincial Engineering office na inihain sa Sanguniang Panlalawigan sa pamamagitan kay Governor Emmylou Mendoza.Kaugnay nito, kahapon, agad na inaprubahan sa ilalim ng urgent matter ng Sanggunian ang resolusyon na nagbibigay ng pahintulot kay Governor Mendoza na makipag-ugnayan sa Land Bank of the Philippines para sa nabanggit na loan.Pero wala pang nabanggit kung magkano ang planong i- loan sa pagbili ng mga Heavy Equipment.Kinabibilangan naman ito sa apat na mga bulldozer, 12 mga 6wheeler dump trucks, dalawang hydraulic excavator, isang bold truck, isang low bed trailer, at drop-side truck. Layunin nito na mapabilis ang road maintenance at construction sa ibat ibang bahagi ng probinsya at bilang tugon at sagot na rin sa kakulangan ng mga kagamitan na ipinapagamit sa bawat bayan ng North Cotabato. NAGSIPANG-ABOT ang dalawang grupo ng gang sa kahabaan ng Datu Ingkal Street sa Kidapawan City kagabi.Literal na umulan ng mga bote at malalaking tipak nang mga bato ang harapang bahagi ng Notre Dame of Kidapawan College dahil sa away ng Warshock at Trese bungkig gangs.Dahil dito, nagkalat ang mga bato at mga bubog sa kalsada na nagsanhi ng pinsala sa mga sasakyang dumaraan sa lugar.Sa katunayan, tatlong mga tricycle ang nabutasan ng gulong dahil sa mga nagkalat na mga bubog sa kalsada.Wala namang naiulat na nasugatan sa pagitan ng dalawang grupo.Pero ang himutok ng mga dumaraang estudyante at mga residente mabagal raw ang pag-aksiyon ng Kidapawan City PNP.Tapos na ang away ng grupo bago pa man sila nakarating.Kaya tanging ang mga nagkalat na mga bubog at mga bato na lamang ang kanilang nadatnan nang silay rumesponde sa lugar.Nauna nang iniulat ni dating Kidapawan City PNP chief of police Franklin Anito na nabuwag na nila ang mga gangs sa lungsod.Pero muli itong nabuhay at naging aktibo sa panahon naman ng panunungkulan ni Supt. John Meredil Calinga, ang kasalukuyang hepe ng Kidapawan PNP.Tinawagan ng Radyo Bida si Calinga upang kunin ang kanyang pahayag, pero sinabi nito na wala silang report na natanggap kaugnay sa insidente. Kinumpirma mismo ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista na walang politiko o sinumang National Figure ang kanilang inimbitahan para sa nalalapit na 18th Anniversary ng Kidapawan City.Ayon kay Evangelista magiging speaker sa naturang aktibidad si Former University Of Southern Mindanao Kidapawan City Campus Dean Luz Tapusok ang itinanghal na Hero of the year noong 2015.Ayaw kasi ng alklade na mabahiran ng politika ang nabanggit na selebrasyon.Samantala, ibat ibang mga aktibidad na rin ang inaasahang matutunghayan ng publiko ngayong February 6 hanggang February 14 na ayon pa kay Evangelista ay unang gagawin ng City Government.Kabilang na rito ang gagawing Civic Military at Carnival Costume Parade kung saan gagawin ito sa unang araw ng selebrasyon, February 7, alas syete ng umaga igagawad din ang Barangay Perfomance Challenge Fund Best Implementor kung saan mabibigyan ng 200 thousand cash ang tatanghalin dito at ang kakaibang Fireworks Display.Ayon pa sa alkalde kakaiba ito at pinakaunang mangyayari sa lungsod, kaya naman inaayayahan ang publiko na saksihan ang pinaghandaang FIREWORKS dispaly na gaganapin sa February 12 ng gabi.Maraming pang aktibidad ang inihanda ng City Governemnt katuwang ang City Tourism Office kung saan tiniyak rin ni Evangelista ang seguridad ng lahat na bibisita at dadalo sa lungsod.Abot sa tatlong daang mga pulis, militar, PNP station sa ilalim ng Cotabato Police Provincial Office, Special Action Team, BPAT, SWAT at mga force mutlipliers ang inaasahang nakakalat sa ibat-ibang lugar sa Kidapawan na tututok sa mga gagawing security measures para sa seguridad ng mamamayan.Tema ngayong taon ay Kidapawan at 18: Celebrating Life, Sustaining Peace, Envisioning Prosperity.”VC-JAESi Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista Bagaman at nagsisimula na ang ginagawang cloudseeding ng Department of Agriculture sa ilang mga lugar sa North Cotabato, unti-unti pa ring nadadagdagan ang mga area na naapektuhan ng El Niño Phenomenon.Kabilang na rito ang Brgy. Macebolig sa Kidapawan City.Kinumpirma mismo ni Macebolig Chairperson Daniel Paman na halos 80 porsyento na sa mga residente sa lugar ay apektado na ng nabanggit na kalamidad.Daan- daang mga magsasaka na rin ang hindi nakapag-ani, maliban na lamang sa mga area na malapit sa irrigation.Ilang mga tanim na rin maliban sa palay ang apektado kagaya ng niyog, mais at iba.Ayon kay Paman, Disyembre pa nila dahan-dahang nararanasan ang epekto ng tagtuyot sa kanilang lugar.Inaasahan na kung magtuloy tuloy pa ito hanggang Hunyo ay wala na silang makain.Samantala, sinabi ni Paman na sa kabila ngayong matinding init na nararamdaman sa lugar tiniyak pa rin nito ang kapakanan ng kanyang mga constituents at katunayan aniya, nagpalabas na ang barangay council ng abot sa 30 thousand pesos para ibili ng bigas.Sa susunod na linggo ay ipamamahagi na nila ito sa mga residente ng Barangay Macebolig.-0Huhulihin na ang sinumang naninigarilyo sa mga pampbulikong lugar sa General Santos City.
Ito ay bilang pagtalima na rin sa kautusan ni City Mayor Ronnel Rivera na maigting na pagpapatupad ng Anti-Smoking Ordinance ng lungsod.
Ang ordinansa ay inapbrubahan ng SAngguniang Panglungsod noong nakaraang taon.
Binigyan diin ni Rivera na nais nitong gawing smoking free” ang General Santo City.
Ito ayon sa alkalde ay maari lamang maipatupad sa pamamagitan ng ordinansa.
Ang sinumang mahuhuling lumabag sa anti smoking orindannce sa Gensan ay maaring pagmultahin ng mula isa hanggang tatlong libong piso.
Ang mga business establishment naman sa lungsod na mahuhulihan ng mga ninigarilyo sa labas ng kanilang smoking area ay pagmumultahin naman ng mula isang libo hanggang limang libong piso.
Binigyan diin ni Rivera na bilang isang dating change smoker” alam nito ang masamang epekto ng sigarilyo sa katawan kaya pursigido ang lokal na pamahalaan na mariin itong ipababawal.
Igniit dinng alkalde na saklaw ng maging ang paggamit ng electronic cigarette ay ipagbabawal din sa Gensan dahil ito ay nakasaad din sa kanilang anti smoking ordinance. Nagsimula nang maghanda para sa golden anniversary ng South Cotabato at 17th Tinalak Festival ang pamahalaang panlalawigan.
Ito ay matapos mag-proposed ng P20 million budget para sa pagdiriwang ang mga myembro ng T’nalak Excecutive Committee.
Ayon kay South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes, na siya ring pinuno ng komite,k isang milestone para sa lalawigan ang selebrasyon sa July 18,2016.
Inihayag ni Fuentes na bagama’t pareho din noong nakaraang taon ang mga inihandang aktibidad sa pagdiriwang , sisikapin ng provincial government na gawing mas makulay at magarbo ang mga ito ngayong taon.
Kabilang sa mga aktibidad na tiyak aabangan ng publiko ang T’nalak Food Garden, t’nalak Strip, Thematic parade, Mutya ng South Cotabato, Street Dancing Competition at marami pang iba.
Ayon kay Fuentes, matutunghayan din ng publiko ang authentic T’nalak Cloth Weaving sa South Cotabato Productivity o Protect Center.
Kinumpirma din ni Fuentes na ang hiniling ng komite na dalwampung milyong budget ay pinakamalaki sa kasaysayan ng lalawigan.
Gayunpaman ayon sa gobernador, posibleng madadagdagan pa ito habang nagpapatuloy pa ang mga paghahanda sa selebrasyon.
Tema ng golden anniversary ng south cotabato at 17th T’nalak Festival ang”Sharing Our Best with the World,”
Nabigyan ng lupa ang abot sa 76,722 na mga mamamayan sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Ang mga ito ay pawang mga benipisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP.
Ayon kay Roldolfo Alburo, ang Provincial Agrarian Reform Officer o PARPO II ng Department of Agrarian Reform o DAR sa lalawigan, ang mga CARP beneficiary ay kabilang sa mga nakinabang sa mahigit 173 thousand ektaryang lupain na ipinamigay ng gobyerno.
Ipinahayag ni Alburo na pangunahing layon ng programa na mabigyan ng sarili lupaing maari nilang mapagkukunan ng kabuhayan ang mga magsasaka.
Tiniyak din ni Alburo ang maayos na pagpapatupad ng CARP sa lalawigan.
Sa katunayan ayon kay Alburo, handa ring tumulong ang DAR para tumaas ang ani ng kanilang mga CARP beneficiary. Napurnada ang tangka sanang pagtakas ng ilang mga preso sa lock up cell ng Koronadal City PNP.
Ito ayon kay Superintendent Barney Condes ay matapos matuklasan ang binakbak na bahagi na konkretong dingding ng kanilang lock up cell upang makalusot sa bubungan.
Sa isang pulong balitaan ipinahayag ni Condes na matapos isumbong ng isang concerned citized, agad na nagsagawa ng surprise inspection sa selda ang mga pulis.
Narecover ng mga pulis mula sa loob ng selda ang isang iron bar na maaring ginamit ng mga ito sa pagbakbak sa dingding nito.
Ayon sa police official ang bakal ay possible naputol na bahagi rin ng selda.
Hinala ni Condes posibleng sinimulan ng mga preso na bakbakin ang dingding ng kanilang kulungan noon pang disyembre.
Inihayag nito na posibleng sinamantala ng mga preso ang pagiging abala noon ng mga pulis sa panahon ng kapaskuhan at weeklong Foundation Anniversary at Hinugyaw Festival ng Koronadal City.
Ang binakbak na bahagi ng dingding ay ipinasemento muli ng PNP.
Gayunpaman, ayon kay Condes, para di na maulit pa ang tangkang pagtkas ng mga preso, hihigpitan pa ng pulisiya ang kanilang pagbabantay sa kanilang lock up cell. Matatandaan na limang mga preso pa ng lock up cell ang pinaghahanap ngayon matapos makatakas sa pamamagitan ng pagbutas sa yero na bubong nito noong nakaraang taon. Magingat sa mga manloloko na gumagamit sa mga kawani ng Land Transportation Office o LTO para makapangotong.
Ito ang hiniling ni Rasid Romaob, ang Chief ng Operation Division ng LTO region 12 matapos matimbog ng mga pulis ang apat katao na mga umanoy extortionist na ginagamit ang kanilang tanggapan.
Matatandaan na ang mga suspek na sina Buhari Upam biente syete anyos, Almansor Usop biente uno, Benjie Ganding biente otso, at Sadam Usop biente kwatro ay natimbong sa entrabpmen ng mga pulis sa isang gasolinahan sa Surallah, South Cotabato na bibiktimahin din sana ng mga ito kamakalawa.
Ang mga suspek na pawang mga residente ng Tacurong City,Sultan KUdarat ay gumagamit ng umanoy solicitation letter galing ng LTO para makapangikil.
Binigyan diin ni Romaob na hindi nito pirma at maging ng iba pang idinadawit na opishal ng LTO 12 ang nakalagay sa solicitation letter na ipinakakalat ng mga suspek.
Ipinahayag ni Romaob na alam na nito ang modus ng mga suspek noong pang nakaraang taon kaya nito hiniling ang tulong ng pulisiya.
Kaugnay nito, nananawagan si Rumaob sa mga naging biktima ng apat na mga suspek na makpag-ugnayan lamang sa Surallah Municipal Police Station upang makapagsampa ng kaukulang kaso.

3 finalists ng Miss U Ph, napili na

ISULAN, Sultan Kudarat - Tatlo sa mga kandidata ng Miss Universe Philippines ang napili bilang finalists ng best in national costume sa ginanap na...

Cotelco announces power service interruption

Carmen area TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following...

Dealer killed, P13.6-M worth shabu seized in Sulu PDEA operation

COTABATO CITY --- Anti-narcotics agents seized P13.6 million worth shabu from a peddler who was killed in a shootout he provoked when he sensed he...

Miss Unverse PH in float parade in Sultan Kudarat

ISULAN, Sultan Kudarat - The 2024 Miss Universe Philippines candidates during float parade from Tacurong City to Isulan town. ...

DSWD advises 4Ps cash grants beneficiaries to use ATM cards wisely

MANILA - Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) eligible beneficiaries may now claim their cash grants from select Land Bank of the Philippines...