Sunday Jul, 14 2024 07:14:05 PM

NDBC BIDA BALITA Jan. 5, 2016

 • 18:04 PM Tue Jan 5, 2016
2,021
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

JANUARY 05,
2016 (TUESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MGA INDIBIDWAL na inakusahang
nagnakaw sa bahay ng isang Board Member sa Maguindanao, nagrereklamo ng
political harassment.

2. Pulis, sugatan matapos mataga nang
rumesponde sa isang hostage-taking incident sa Lake sebu, South Cotabato,
suspek napatay din.

3. 200 mga mag-aaral tumigil muna sa
pag-aaral matapos sunugin ng armadong pangkat ang kanilang mga bahay sa isang
barangay sa Matalam, North Cotabato

4. DAGDAG na sahod sa mag empleyado ng
gobyerno, posibleng hindi matuloy

AT SA DETALYE...Local………………..

HINAMON ngayon ni Sultan sa Barongis,
Maguindanao Board Member Jupner Angas si Maguindanao 2nd district Board member
Atty. Abubakar Katambak na patunayan ang kanyang mga alegasyon laban sa kanya.

Ito ay kaugnay nang sumiklab na
bakbakan sa Sitio Damabago, Brgy. Barurao, Sultan Sa Barongis sa pagitan ng
grupo nina Kumander Marato at Kumander Jappee na pawang mga taga-105th base
command ng Moro islamic Liberation front o MILF noong hapon nang December 31,
2015 hanggang madaling araw ng January 1, 2016.

Ayon kay Atty. Katambak, dalawang araw
bago ang bakbakan ay nandoon si Angas sa lugar upang magbigay ng bala at armas
sa grupo ng MILF.

Pero giit ni Angas, nasa Tacurong City
sila nung mga araw na na nangyari ang gulo.

Nagtataka lang si Angas kung bakit
idinadawit ni Katambak ang kanyang pangalan gayung ang naturang gulo ay sa
pagitan naman ng dalawang grupo ng MILF commanders.

Sabi ni Angas, malinaw na ang ginagawa
ni Katambak ay isang uri ng political harassment.

Samantala, maliban dito, idinawit rin
ni Katambak ang ilang mga magsasaka at empleyedo ng lokal na pamahalaan sa
kasong pagnanakaw.

Base sa blotter report ng SSB PNP, nang
sumiklab ang bakbakan ng grupo ng 105th base command ng MILF sa lugar ay iniwan
ng caretaker at ilang karpentero ang ipinapatayong bahay dahil sa takot na
madamay sa bakbakan.

Pero ayon sa caretaker na si Alvin
Liban Katambak, namataan nila sa lugar ang mahigit 35 mga lalaki na itinuturo
nilang nagnakaw ng mga gamit sa loob ng ipinatatayong bahay ni Katambak.

Kabilang daw sa mga ninakaw ay handsaw,
cutter, pipes, guitar, martilyo, solar panel, kalahating sako ng bigas, mga
bag, damit at construction materials.

Dawit rito ang isang principal na
Kulambog Elementary school na si Nasser Salilama.

Ngunit mariing itinanggi ni Salilama
ang ibinibintang sa kanya.

Pati ang magsasaka na si Ukay Simpal, ay
nagtaka kung bakit nadawit siya at ang kanyang mga anak sa reklamo ni Katambak.

Nilinaw din ng SSB-LGU, partikular sa
opisina ng Treasury at sa administrative office na wala silang kinalaman sa
pagnanakaw na naganap sa ipinatatayong bahay ni Katambak.
Sa panig naman ni Atty. Katambak,
sinabi nito na ang kanyang reklamo ay base naman sa salaysay ng mga testigo.

Handa naman si Katambak na sagutin sa
ligal na paraan, ang mga reklamong ibinabato sa kanya. Local …………………

RIDO o
away pamilya ang tinitingnan motibo ng mga otoridad sa pamamaril at pagpatay sa
isang sundalo ng Philippine Army na nakabase sa Barangay Pagatin, Datu Salibo,
Maguindanao.

Kinilala ni Army’s 6th Infantry
Division spokesperson Capt. Joan Petinglay ang nasawing sundalo na si Private
First Class Samsudin Mokammad ng 57th Infantry Battalion at taga-Datu Piang,
Maguindanao.

Sabi ni Petinglay, patungo sana sa
kanilang detachment si Mokammad sakay ng motorsiklo nang sabayan ng di kilalang
mga suspek na riding tandem at pinagbabaril gamit ang automatic rifle.

Nagtamo
ng mga tama ng bala sa dibdib at ulo, at sa iba pang bahagi ng katawan na
naging dahilan ng agaran niyang kamatayan.

Local…………………….

NAGING
MAAGAP ang Bureau of Fire Protection o BFP –Cotabato city at agad naapula ang
sunog na nangyari sa isang bakanteng lupa na ginawang basurahan sa barangay
Poblacion 3, Cotabato city

Sinabi
ni city fire marshal Insp. James Rah na nangyari ang sunog pasado alas singko
ng hapon kahapon.

Agad
namang rumesponde ang mga bombero sa lugar kaya’t hindi na kumalat pa ang apoy
sa mga katabing bahay.

Ang
pinagyarihan ng sunog ay malapit lang din sa barangay hall sa lugar.

Samantala,
sa General Santos city naman, patay ang dalawang maliliit na bata matapos
masunog ang kanilang bahay sa Purok Soriano, Brgy. Sinawal ng lungsod.

Sa
inisyal na impormasyon mula sa BFP-Gensan, pasado alas-tres ng hapon nang
makatanggap sila ng tawag kaugnay sa naturang sunog.

Sinasabing
na-trap sa loob ng kanilang nasusunog na bahay ang magkapatid na kinilalang
sina Ariane Kaye Basig, limang-taong gulang at Jacob Dat-ao, apat na taong
gulang na dahilan ng kanilang pagkamatay.

Natutulog
ang dalawang bata nang iwan sandali ng kanilang amang si Ian John Basig, upang
sunduin ang ina ng mga biktima.

Inaalam
pa ngayon ang sanhi ng sunog, kung saan napag-alamang wala namang linya ng
kuryente ang nasabing bahay.

Local……………….

NAGREKLAMO
ng rape ang isang 17 taong gulang na dalaga laban sa kanyang lalaking
ka-eyeball na nakilala lamang niya sa pamamagitan ng facebook.

Nangyari
ang panggagahasa kahapon nang makipagkita ang biktima sa suspek sa Kiamba,
Sarangani Province.

Naaresto
naman agad ng Kiamba PNP ang suspek dahil sa reklamo ng biktima habang
inihahanda na ang kasong rape laban dito.

Bago
ang nasabing insidente, may naitala ring kahalintulad na kaso ang Kiamba PNP
kung saan muntik nang magahasa ang isang dalagita matapos makipag kita sa
kanyang textmate.

Gayunman,
hindi na nagpursigi ang biktima na sampahan ng kaso ang lalaki.

Dahil
tapos na ang ‘Holiday alert’, sesentro na ngayon ang atensyon ng Philippine
National Police o PNP sa paghahanda para sa 2016 synchronized elections.

Ayon
kay PNP spokesperson Chief Supt. Wilben Mayor, sa ngayon ay sisimulan na nilang
paigtingin ang kampanya laban sa loose firearms at mga armadong grupo sa bansa.

Hihigpitan
din ng PNP ang pagbabantay sa mga lugar na itinu­turing na elections hotspots,
gaya ng mga lugar kung saan may mga naganap na insidente ng karahasan sa mga
nakalipas na halalan.

Sinabi
ni Mayor na ilalabas nila ang guidelines bago ang January 10.

Sabi
pa ni Mayor, sisimulan na nilang i-monitor ang mga lugar sa bansa na tinukoy na
hotspots.

Mas
papaigtingin rin ng PNP ang kanilang kampanya laban sa mga private armed group. Abot sa dalawang daang mga elementay pupils ng Brgy.Kidama, Matalam, North Cotabato ang tumigil muna ngayon sa kanilang pag-aaral.
Ito matapos na maabo ang kanilang bahay kasama ang kanilang mga gamit pang-eskwela ng sunugin ng armdadong pangkat ang kanilang mga bahay, bisperas noong bagong taon.Pati kanilang mga uniporme at iba pang gamit ay nasunog din.Karamihan sa mga mag-aaral ay nanatili ngayon sa evacuation center sa brgy. Kidama Hall.Matinding takot na madamay sa awayan ng grupo ng MILF at MNLF ang nag-udyok naman sa mga pamilya sa lugar na lisanin muna ang kanilang mga tahanan.Nabatid na sa mahigit dalawang daan mga estudyante sa brgy. Kidama Elementary School, 51 mga Kristayano lamang ang pumasok sa paaralan kahapon.Hinihikayat naman ng Principal ng naturang paaralan na si Mary Ann Belmonte ang mga bata na bumalik na sa kanilang pag-aaral.Bawat isa naman sa mga guro ay nagbigay na ng kanilang donasyon aa sa mga gamit ng mga bata.Wala naman aw daat ikabahala ang mga magulang sa agkain ng mga bata dahil meon naman silang feeding ogam na hatid ng Deametn of Education ng Noth Cotabato. Di pa batid ni Belmonte kung hanggang kelan nila mabibigyan ng gamit ang eskwela ang mga bata.Kaya naman, umaapela ngayon si Belmonte sa publiko ng tulong pinansyal o anumang gamit para hindi lamang makakakahinto sa kanilag ag-aaal ang mga kabataan. Patuloy pa ngayong iniimbestigahan at inaalam ng Matama PNP sa kung ano ang tunay na motibo sa nangyaring pamamaril sa isang pick up truck na sinakyan ng mga madre sa bgy. West Patadon, Matalam, Noth Cotabato kahapon ng gabi.Ayon kay Chief Ins. Sonny Leoncito hepe ng Matalam PNP, pasado alas otso ng gabi kahapon ng pauwi na ang sasakyan ng Notre Dame Kabacan na may sakay ng limang mga madre ay nagulat na lamang sila ng makarinig ng isang utok.Nangyari ito nang mag ovetake raw sila sa isang bus ng Mindanao Star sa nabanggit na lugar.Bagama't walang mga nasugutan ay Wasak naman ang salamin ng bintana ng naturang sasakyan.Wala ring maituturong suspek ang mga pulis dahil wala rin silang nakuhang matibay na ebidensya mula sa erya sa kung anong grupo o indibidwal ang may kagagawan nito.Kwento pa nang mga madre sa pulisya ay wala namang isa sa kanilang ang may natatangga na ay banta sa kanilang buhay.osible naman umanong ang bus ang unteya ng mga suspek bagay naman na atuloy ring iniimbestihan ng PNP.May anggulo ing sinusundan ang mga pulis na baka napagtripan lamang ng mga lasing sa lugar ang magpapatuk ng kanilang bail.Nangako naman ang PNP na susuriin nila ang lahat ng anggulo sa nabanggit na kaso. Lagpas na sa itinakdang araw para tapusin ng Llaban Construction ang kanilang ginagawang road widening sa National Highway parikular sa Quezon Blvd Kidapawan City.Ito ang ibinunyag ni Dept of Public Works and Highways o DPWH First Engrng District Engr Elpidio Birog, dahil noon pa raw sanang oktubre ang target completion date ng proyekto pero bigo silang tapusin ito.Paliwanag naman ng kontractor, na nadelay raw ito dahil na rin sa mga malalaking bato na nahukay nila sa lugar at paglipat sa mga electric post ng Cotelco.Una naring nagrekomenda ang DPWH na dagdangan ng Llaban Contsruction ang kanilang mga ginagamit na heavy equipment at bilisan ang trabaho pero hindi pa rin ito natapos ng nabanggit na kontraktor.
Ayon kay Birog, nasa negative 15 ngayon ang slippage ng Llaban Construction dahilan na posible silang ilalagay sa terminasyon base na rin sa regulasyon ng DPWH.At sakali mang materminate ang proyekto, ngayon pa lamang inamin na ng DPWH na posibleng masmatatagalan pa ang completion nito dahal sa mataas na proseso ng rebidding. Mahirap tanggapin para sa isang ina na siya mismo ang maglilibing sa kanyang sariling anak.Ito ang sinapit ni Nilda Madlus, ina ni Allen Roy Madlus na napatay matapos mahulog sa ginagawang tulay sa boundary ng Kidapawan City at Makilala, North Cotabato partikular ang Saguing Bridge, madaling araw noong bagong taon dahil nga sa kakulangan ng mga signages nito.Hanggang ngayon ay pilit pa rin iniitindi ng ina ang sinapit ng kanyang panganay na anak.Kwento pa ni Nilda sa Radyo Bida isa umanong babae ang tumatawag sa kanyang anak gabi pa noong December 31, 2015 para raw sunduin siya sa Kidapawan City.Hindi rin masabi ng ina kung kasintahan ito ni Allen.Alas kwatro ng madaling araw noong bagong taon ay agad namang sumirit ang binata sa Kidapawan City bagay na hindi naman alam ang ginagawang tulay sa nabanggit na lugar dahil galing pa ito ng Maynila.Dito na dumiretso ang biktima sakay ng isang motorsiklo dahil nga sa kakulangan ng signages na may konstruksyon pala duon.Patay on the spot ang biktima.Sa ngayon ay hindi na umano macontact ng pamilya Madlus ang naturang babae.Dahil sa insidente plano ngayon ng Pamilya Madlus na magsampa ng reklamo sa mga responsableng ahensya. MATINDING pananakit ng tiyan at ulo, pagsusuka, at pagkahilo ang naranasan ng ilang miyembro ng limang mga pamilya sa Poblacion ng Kidapawan City matapos kumain ng yema cake na umano nabili nila noong bisperas ng Bagong Taon.
Kinilala ang ilan sa kanila miyembro ng pamilya Nogodula, Parcon, Taclindo, Omandac, at Blancia na taga-Poblacion.
May isa rin umanong pamilya sa Barangay Linangkob na nakabili ng yema cake ang nakaranas ng kaparehong sitwasyon.
Isa ring pamilya na taga-New Alimodian, Matalam ang na-ospital dahil sa pagsusuka at pananakit ng tiyan. Kwento ng isa sa mga biktima, halos ilabas na raw niya ang lahat ng kanyang kinain sa buong maghapon, ilang oras matapos kumain ng yema cake. KWENTO naman ng isang ina, lupaypay na raw ang anak niya matapos magsuka at makaranas ng loose bowel movement. SINUBUKAN ng RADYO BIDA Kidapawan na kunan ng kanilang reaksyon ang may-ari ng Uncle Mars Bakeshop.
Pero lagi, tumanggi ang supervisor at manager ng bakeshop na magbigay ng kanyang pahayag.
Di rin matawagan ang may-ari ng tindahan para sa kanyang reaksyon.
Ayon sa report, tinungo na ng staff ng City Health Office ang tindahan na pag-aari ni Marcelino Ponte para suriin ang kanilang mga gamit sa paggawa ng yema cake – isa sa mabiling produkto ng Uncle Mars. Nagpapagaling pa sa ospital ang isang pulis matapos mataga sa nirespondehang hostage taking incident sa Lake Sebu, South Cotabato.
Ayon kay Police Chief Inspector Joven Bagaygay, ang Chief of Police ng Lake Sebu, si Police Officer 3 Joven Lilla, kwarenta’y uno anyos ay sugatan sa kanyang ulo at kamay.
Ito ay matapos umanong tagain ng suspek na si Marcos Calipay, trenta’y uno anyos, dakong alas singko y medya ng hapon kamakalawa.
Nabatid na pumunta ang pulis sa barangay Talisay Lake Sebuy para respondehan ang umano’y panghohostage ni Calipay sa pamilya nito sa loob mismo ng kanilang bahay.
Ayon kay Bagaygay, ang sinumang magtangkang pumagitna sa umanoy hostage taking ay hinahabol din ni Calipay ng itak kaya humingi na ng tulong ang mga kaanak nito sa pulisya.
Matapos ang negosasyon at pagaakalang naayos na gusot, hindi naman inaasahan ng mga pulis ang biglang pagatake ng suspek kay SPO 3 Lilla.
Naninidigan naman si Bagaybay na ipinagtaggol lamang ni Lilla ang sarili mula sa suspek kaya niya ito nabaril.
Ang suspek na si Calipay na tinamaan ng bala ng baril sa kanyang tiyan, dibdib at kamay ay dead on arrival sa Landero Hospital sa bayan ng Surallah. Kalaboso ang isang dating myembro ng Municial Security Unit o MSU sa Banga, South Cotabato.
Ito ay matapos umanong magpaputok ng kanyang baril sa Barangay El Nonok, Banga, pasado alas dyes ng gabi kamakalawa.
Kinilala ang suspek na si Geronimo Mampinayo, kwarenta’y dos anyos. Ayon kay El Nonok, Barangay Kagawad Rene Canapia, rumesponde ang kanilang grupo matapos makatanggap ng report mula sa grupo ng sundalong si Rafael Lariosa ng umanoy pagpapaputok ng baril sa bunkhouse ng CA Construction. Sa panayam ng Radyo Bida Koronadal, ipinahayag ni Canapia na sa kabila ng pagpapakilala nito bilang opisyal ng barangay, tinutukan pa rin umano sila ng baril ni Mampinayo. Inutusan din umano siya ng suspek na ibaba ang kanyang armas na issued ng provincial government. Inihayag ni Canapia na para makaiwas sa gulo, ibinigay nito ang dalang baril sa kasamang tanod at kinausap si Mampinayao.
Ngunit nang mapansin na nakainom ito ng alak agad silang umalis at nagsumbong sa mga pulis na umaresto naman sa suspek.
Narecover ng mga pulis sa lugar ang dalawang basyo ng m16 armalite rifle.
Kinumpirma naman ni Banga Mayor Albert Palencia na si Mampinaya, ay tinanggal na bilang MSU ng Banga LGU noong Disyembre a trenta’y uno.
Nilinaw din ni Palencia na hindi nagbibigay ng baril sa kanilang mga MSU ang lokal na pamahalaan ng Banga.
Ayon kay Palencia, kung may MSU member man na nagpaputok, posibleng gamit ng mga ito ang personal nilang armas.
Matatandaan na isang MSU member din sa Banga ang inakusahang nagpaputok ng baril noong nakaraang taon. Sugatan dahil sa paputok ang abot sa siyamnaput dalawa katao sa South Cotabato mula Nobyembre a biente singko ng 2015 hanggang Enero a tres nitong taon. Ayon sa Provincial Epidemiology and Surviellance Unit o PESU ng Integrated Provincial Health Office ito ay mas mababa ng 17.6 percent sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Pinakamaraming kaso ng mga naputukan na umabot sa labinanim ay naitala sa mga bayan ng Polomolok at Norala, labin tatlo sa Surallah, at lainbisa sa Koronadal City.
Ang bayan ng Sto, Nino ay nakapagtala naman ng siyam na fire cracker related injury, walo sa Banga, pito sa T’boli, at tig aapat naman sa mga bayan ng Lake Sebu, Tupi at Tantangan.
Ang bayan lamang ng Tampakan sa South Cotabato ang walang naitalang sugatan dahil sa paputok.
Pinakamarami pa ring nasugatan ay gumamit ng illegal na Piccolo na umabot sa animnaput pito, pito ang naputukan ng kwitis at apat ang pulbura.
Nasabugan naman ng five star ang tatlo sa mga sugatan at tig dadalawa naman ang nabiktima ng Roman Candle at Flying Tiger.
Ayon sa IPHO 31 sa mga naputukan ay nagkakaedad ng 0 hanggang 10 years old, tatlumput anim ay 11 hanggang 20 years old, labindalawa ay21 hanggang 30 years old, lima ay 31 hanggang 40 years old, anim ay 41 hanggang 50 years old at isa sa 51 hanggang 60 years old.
Bagama’t walang naitalang sugatan ang IPHO sa 61 hanggang 70 years old, isa naman ang naputukan sa aged bracket na 71 hanggang 80.
Kinumpirma ni Dr. Rogelio Aturdio, ang Provincial Health Officer ng South Cotabato na ang lalawigan pa rin ang may pinakamaraming naitalang fire cracker related injury sa buong region 12.
Gayunpaman binigyan diin ni Aturdido na ito ay resulta ng mas maigting na monitoring at reporting ng kanilang tanggapan sa mga firecracker related injuries.
Ayon kay Aturdido, inaasahan na madadagdagan pa ang bilang mga naputukan sa South Cotabato hanggang sa huling araw ng kanilang monitoring ngayong araw. Ideneklara ng Malakanyang ang January 11 bilang non working holiday sa Koronadal City.
Ibig sabihin nito walang pasok sa mga pampuboliko o pribadong mga paaralan at opisina sa lungsod sa nabanggit na araw.
Layon nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng lungsod na makisaya sa ika 76th Foundation Anniversary at 16th Hinugyaw Festival ng lungsod sa Enero a dyes.
Ito ay ayon kay Executive Secretary Pacquito Ochoa.
Ideneklarang January 11, araw ng Lunes ang Holiday dahil nagkataon na ang January 10, ay nataon sa araw ng linggo.
Kaugnay nito ipinahayag ni KOronadal City Mayor Peter Miguel na gagawin ang opening program ng selebrasyon sa Enero a sais.
Ito ayon sa alkalde ay dadaluhan naman ni Camarines Sur 3rd District Representative at vice presidentiable Leni Robredo. Apektado na ng taginit ang abot sa pitong libong ektaryang produktong pang-agrikultura sa South Cotabato.
Ito ay kinumpirma ni OIC Provincial Agriculture Officer Justina Navarete.
Ayon kay Navarete labis na apektado ng dry spell ang mga pananim na palay at mais, na matatagpuan sa mga lugar na walang irigasyon.
Karamihan sa mga ito ayon kay Navarete ay nasa mga bayan ng Polomolok at Tantangan at itinanim noong Nobyembre at Disyembre.
Nilinaw naman ni Navarete na dahil sa irrigation system, wala pang epekto sa mga pananim sa upper valley area ng lalawigan ang dry spell.
Ang upper valley area ng South Cotabato ay binubuo ng mga bayan ng Surallah, Banga, Sto. Nino at Norala, mga lugar kung saan matatagpuan ang malawak na palayan.
Inihayag ni Navarete na nakipagugnayan na ang Provicial Agriculture Office ng South Cotabato sa Bureau of Soil and Water Management ng Department of Agriculture.
Ito ay upang masimulan na ang pagsasagawa ng cloud seeding operation sa lalawigan.
Layon nito na maisalba ang mga pananim na apektado ng tagtuyo’t sa South Cotabato. sand//www.facebook.com/messages/roel.osano# rel= toggle

Bangsamoro READi nagpatupad ng evacuation sa SGA

Pasado alas onse Biernes kagabi ay nagsimula nang makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Special Geographic Area (SGA) ang Bangsamoro READi...

Images of floods affecting NoCot, MagSur, SulKud

COTABATO CITY - Several villages in Pikit, North Cotabato are now under water, including villages now under the Bangsamoro Special Geographic Area (...

Malacanang officials visit flood affected Maguindanao del Norte, other areas in Mindanao

COTABATO CITY - DSWD Secretary Rex Gatchalian, together with Undersecretary for Disaster Response Management Group (DRMG), arrived in the...

Floods submerge Pagalungan town hall compound

COTABATO CITY - An overnight downpour in Bukidnon and North Cotabato resulted in the flooding of Pagalungan after the Malitubog-Maridagao river...

Civilian police informer killed in illegal firearms deal sting

COTABATO CITY - An illegal gun dealer shot dead a civilian police informer and ran away after he sensed that he had sold three rifles to...