Monday Apr, 29 2024 06:25:53 PM

NDBC BIDA BALITA Jan. 6, 2015

 • 18:28 PM Wed Jan 6, 2016
1,713
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS

NEWSCAST

JANUARY 06,
2016 (WEDNESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Brgy. Chairman ng Pikit, North Cotabato patay sa ambush2. MOTORSIKLO AT BISIKLETA, NINAKAW sa
iisang kalye sa Cotabato city

3. Misis sugatan sa accidental firing
sa Tantangan, South Cotabato

4. Lalaki, patay matapos maipit sa pagitan ng dalawang cargo trucksa Magpet, North Cotabato5. Cloud seeding, isinusulong sa South at North Cotabato6. MALACANANG, inatasan ang pamilya
Marcos na ibalik ang ari-arian ng pamahalaan

AT NGAYON SA DETALYE

Patay ang isang brgy. Chairman matapos itong pagbabarilin ng riding tandem suspek sa Brgy. Ginatilan, Pikit, North Cotabato alas 8:15 ng umaga kahapon.Kinilala ni Ins. Sindatu Karim, hepe ng Pikit PNP ang bitkima na si Pecson Alang Mangansakan, 60-anyos, brgy Chairman ng brgy. Silik, Pikit.Ayon sa report, patungong Brgy. Poblacion ng Pikit ang biktima habnag minamaneho ang isang government issued Suzuki na multicab kulay dilaw na may plakang 1201-047307 kasama ang misis nitong si Marelo Mangansakan nang pagbabarilin ng mga suspek na nakasuot pa ng bonet.Nagtamo ng tama ng bala mula sa caliber 45 pistol ang biktima sa kanang balikat sanhi ng kanyang kamatayan.Naisugod pa umano ito sa pinakamalapit na pagamutan pero ideneklara ring dead on arrival ng mga doktor.Maswerte namang di tinamaan ang maybahay nito.Samantala, sa inisyal namang imbestigasyon ng pulisya napag alamang una nang naging biktima ng pamamaril si Mangansakan matagal na panahon na ang nakalilipas bagay namang iniialam ng PNP kung may kaugnayan ba ito sa pamamaril sa biktima.Rido rin ang isa sa mga anggulo na sinusundang ng PNP na posibleng motibo sa krimen.VC- KARIMSa ngayon ay hinihintay pa ng PNP ang pahayag ng pamilya ng biktima sa posible ring pagkakahuli at pagkakatukoy sa mga suspek.Si Mangansakan ang pinakaunang naitalang biktima ng pamamaril sa bayan ng Pikit ngayong 2016. INAPRUBAHAN
ng Senate Committee on Rules ang petsiyon nina Sen. Juan Ponce Enrile at Sen.
Vicente Tito Sotto na muling buksan ang imbestigasyon sa
Mamasapano, Maguindanao clash.

Ayon
kay Committee on Rules chair Sen. Alan Peter Cayetano, wala ng balakid para
hindi matuloy ang imbestigasyon ng committee report number 120 na insidente sa
Mamasapano noong January 25, 2015.

Noon
pang Nobyembre 2015 iminungkahi nina Enrile at Sotto na muling buksan ang
imbestigasyon upang makuwestyon ang naging tugon ng gobyerno sa engkwentro sa
pagitan ng Special Action Force at Moro Islamic Liberation front o MILF.

Hindi
rin nakasama si Enrile noong dininig ang kaso ng Senate Committee on Public
Order and Dangerous Drugs dahil sa pagkakakulong niya.

Pinaboran
din naman ng pinuno ng naturang komite si Sen. Grace Poe ang petisyon ni
Enrile.

Tiniyak
naman ni Cayetano na sa muling pagbubukas ng imbestigasyon ay hindi na
gagalawin pa ang mga naunang resulta.

Nauna
na ring nagpahayag ng suporta sina Sens. Ferdinand Bongbong Marcos
Jr., Francis Chiz Escudero. PAIIGTINGIN
ng probinsya ng Maguindanao ang seguridad sa kanilang lugar ngayong taon ng
2016.

Sa
isinagawang Provincial Peace and Order Council Meeting sa bayan ng Buluan
kahapon, Binigyang diin ni Maguindanao Governor Esmael Toto” Mangudadatu, na
syang chairman sa PPOC, na dapat ay may karagdagang mga army detachment o check
points sa ilang conflict-prone areas ng Maguindanao.

Ito ay
upang tuluyang mapanatili ang kaayusan sa bawat lugar na naapektuhan ng
nagdaang mga tension.

Kinakailangan
aniyang may presensya ng military sa bawat liblib na bahagi ng lalawigan upang
mabigyan ng seguridad lalo na ang mga mahihirap na matinding naapektuhan.

Nitong
december 2015 lang nang mangyari ang harassment ng BIFF sa naturang probinsya
partikyular sa Bgry. Kauran, Ampatuan kung saan anim na mga magsasaka ang
walang awang pinatay maliban pa sa nangyaring tension sa mga bayan ng Datu
Abdullah Sangki at Sultan sa Barongis.

Puspusan
naman ang ginagawang hakbang at pakikipag usap sa lahat ng sector ng Provincial
Government upang dina muling masundan ang insidente.

POSIBLENG
MAGKAROON NG malawakang blackout sa Mindanao sa panahon ng 2016 elections.

Ito ang
babala ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa harap ng
sunod-sunod na pagpapasabog ng mga rebelde sa towers nito sa Mindanao.

Sinabi ni
NGCP spokesperson Cynthia Alabanza na umabot ng 15 tore ang pinasabugan ng mga
armadong grupo sa loob lamang ng nakaraang taon.

Kaya naman,
ang reserbang supply ay hindi umano mai-transmit sa ibang grid dahil putol ang
mga linya ng koryente.

Sa ngayon ay
blangko pa umano sila kung kailan matatapos ang restoration.

DALAWANG LINGGO bago sumapit ang halad
festival indak-indakan sa kadalanan 2016 sa Midsayap, Cotabato, puspusan na ang
pagiinsayo ng mga lalahok sa street dancing competition na isa sa highlight ng
naturang selebrasyon.

Habang palapit na ang araw ng kapistahan ni
Sto. Nino, inaasahan na mas titindi pa ang pag-eensayo ng mga magtutunggaling
mga grupo na manggagaling pa sa ibat-ibang bahagi ng rehiyon.

Ito na ang ika-28 anibersaryo ng Halad festival
na may temang Ang bagong matibay na debosyon pinagpala ng panginoon .

Ang halad festival 2016 ay gaganapin sa enero
16 sa pangunguna ni Rolando Rolly Sacdalan ang over all chairman ng
naturang selebrasyon.

Ito
ay bilang pagbibigay pugay kay Sr. Sto. Nino ang patron saint ng Bayan ng
Midsayap.

Sugatan sa tiyan ang isang misis matapos aksidenteng tamaan ng baril sa Tantangan, South Cotabato.
Kinilala ng Tantangan PNP ang biktima na si Susan Dolaus, singkwenta’y uno anyos, at residente ng Purok San Francisco, Barangay Libas, Tantangan, South Cotabato.
Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis, na si Dolaus ay tinamaan ng di pa matukoy na uri ng baril na nahulog sa sahig.
Ito ay habang tinutupi ang jacket ng kanyang mister. Naganap ang umano’y accidental firing dakong pasado alas syete ng gabi kamakalawa.
Ang biktima ay agad namang dinala sa isang pribadong ospital sa Koronadal City.
Wala namang narecover na basyo ng pumutok na baril ang mga pulis sa lugar, dahilan ng pagpapatuloy ng imbistigasyon mga ito sa insidente. Magbibigay ng reward money si Koronadal City Mayor Peter Miguel sa makapagtuturo kung sino ang nagpaputok ng armas sa pagsalubong ng bagong taon.
Kasabay din nito ng paglabas ng standing order ng akalde sa pulis para sa dagliang ikadarakip ng mga suspek.
Ito ang ipinahayag ni Miguel sa regular flag raising ceremony sa city hall kamakalawa.
Hindi naman binanggit ng alkalde kung magkano ang matatanggap ng mga impormante.
Nabatid na tatlo sa apat na stray bullet incident sa South Cotabato ay naitala sa Koronadal City.
Isa mga biktima ay ang sitenta anyos na ginang sa Barangay Carpenter Hill, Koronadal na dinala sa ospital matapos tamaan ng bala ng baril sa kamay habang sinasalubong ang bagong taon.
Kaugnay nito kinumpirma naman ni Senior Superintendent Jose Briones Jr.,ang PNp Provincial Director ng South Cotabato na bagama’t bumababa ang bilang ng mga naputukan ng mga firercracker sa lalawigan, tumaas naman ang bilang ng stray bullet incidents sa lalawigan.
Ito ay sa kabila naman ng maigting na kampanya ng pulisiya laban sa illegal na pagpaputok ng armas sa pagdiriwang. Plano ngayon ng pamahalaang panlalawigan na magsagawa ng cloud seeding operation sa South Cotabato.
Ayon kay Governor Daisy Avance Fuentes, layon nito na maisalba mula sa tuluyang pagkalugi ang mga magsasaka sa lalawigan.
Ito ayon sa Gobernador ang kanyang ipinagutos sa Provincial Agriculture Office.
Inihayag ni Fuentes na dahil sa tagtuyo’t unti unti nang nasisira ang mga pananim sa ilang mga lugar sa South Cotabato.
Pinaka apektado ng dry spell ang mga palay at mais na hinabol itanim ng mga magsasaka noong Nobyembre at Disyembre.
Ito ay sa kabila ng paalala noon sa kanila ng provincial agriculture office sa inasahang tagtuyo’t sa unang quarter ng 2016.
Apektado na ng tagtuyo’t ang abot sa pitong libong ektaryang maisan at palayan sa mga lugar na hindi naabot ngirrigation system sa South Cotabato.Ipinahayag ni OIC Provincial Agriculture Officer Justina Navarete na nakikipag ugnayan na ngayon ang kanilang tanggapan sa Department of Agriculture o DA 12.
Ito ay hinggil naman sa posibilidad na pagsagawa ng cloud seeding sa lalawigan. Bawal muna ang mga motorista sa Lake Holon sa bayan ng T’boli, South Cotabato.
Paliwanag ni T’boli Mayor Dibu Tuan, layon nito na mabigyan daan ang rehabilitasyon sa ilang mga infrustruktura sa lugar.
Nais din ng lokal na pamahalaan ayon kay Tuan na maka-recover ang lugar matapos dagsain ng mahigit pitong libong mga turista noong Disyembre.
Inihayag ni Tuan na maliban sa dagdag na mga palikuran, ilang mga istruktura rin ang ilalagay ng lokal na pamahalaan sa lawa.
Para sa mas maayos na pamamahala sa tourist destination, isasailalim din sa pagsasanay ang mga tour guides, porter,at may ari ng kabayo na sinasakyan ng mga turista.
Nilinaw ni Tuan na saklaw din ng pagbabawal na ito maging ang mga daan papuntang Lake Holon.
Kabilang dito ang mga Sitio ng Kule, Tibolok, at Nabul sa barangay ng Sinolon.
Bubuksan naman muli sa publiko ang lawa sa Marso a kinse.
Ito ay bunsod na rin ng inaasahan na namang pagdayo ng mga turista sa lugar sa panahon ng bakasyon. Masasaksihan na naman ng publiko ang isa sa pinakamakulay at pinakamasayang festival sa SOCCSKSARGEN Region. Ito ang 16th Hinugyaw Festival na gaganapin kasabay ng 76th Foundation Anniversary ng Koronadal City.
Sisimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Civic Parade.
Ito ay susundan naman ng Battle of the Champion, isang Drum and Bugle Competition na lalahukan ng iba’t ibang mga secondary schools sa lungsod.
Ang kumpetisyon ay gaganapin sa South Cotabato Sports Complex kung saan din magkakaroon ng opening program.
Kabilang sa mga pinakaabangang aktibidad sa selebrasyon ang Mega Crew Hip-Hop Dance Competition Grand Finals sa Enero a syete, Farmer’s Festival at Lakambini ng Koronadal sa Enero a otso.
Maari ring makisaya ang publiko sa Kasadyahan sa Dalan bawat gabi sa Alunan Avenue, kung saan mamimigay ng kabuhayan showcased ang lokal na pamahalaan.
Ang pagdiriwang ay magtatapos naman sa Enero a dyes, araw mismo ng pagkakatatag ng Koronadal City.
Tampok dito ang Pyesta Kolon D’tal Street Dancing Competition na magsisimula alas kwatro ng hapon.
Kasunod naman nito ang closing program sa rotonda area na dadaluhan ng ilang kilalang personalidad.
Magkakaroon din ng traditional na disko sa kalye.
Ipinahayag naman ni Cyrus Urbano, ang City Administrator ng Koronadal na ang pagdiriwang ay pinaglaanan ng lokal na pamahalaan ng humigit kumulang sampung milyon.
Umaapela din si Koronadal sa publiko na makisaya sa selebrasyon.
Voice Clip…si Koronadal City Administrator Cyrus Urbano. Ramdam na sa ilang bahagi ng North Cotabato ang epekto ng matinding init ng panahon.Unang linggo pa lamang ng taon ay matinding init na ang sumalubong sa ilang mga magsasaka partikular sa Matalam, North Cotabato.Sa pagbisita ng Radyo Bida sa naturang lugar kapansin pansin na ang pagkakabiyak at pagkakatuyo ng mga lupa sanhi ng mainit na panahon.Ayon sa mga magsasaka sa lugar ikalawang linggo pa noong December 2015 ang pinakahuling araw ng dalawin sila ng ulan.Sa barangay Dalapitan, Matalam, tinatayang nasa 50 ektaryang lupain ng palay ang nagsisimula na ngayong natutuyo ang lupa.Ikinabahala naman ng mga magsasaka ang naturang sitwasyon baka hindi na makakarekober ang kanilang mga tanim.Umaasa lang kasi raw sila sa ulan dahil wala silang acces sa mga irrigation canal sa lugar.Sa pag-aaral ng PAGASA, nagsimula noong buwan ng Septeymbre ang katamtamang epekto ng El Niño phenomenon sa buong bansa at patuloy itong titindi hanggang unang quarter ng 2016. Mas pinili ngayon ng daang daang mga bakwit na manatili muna sa evacuation center sa Brgy Kidama Matalam North Cotabato sa kabila ng abiso sa kanilang mga otoridad na ligtas nang bumalik sa kanilang mga tahanan.Naniniwala pa rin kasi ang ilan sa mga residente na posibleng pa ring maulit nangyaring enkentro sa lugar at natatakot silang maipit dalawang grupo.Ang deklarasyon ay ibinaba ng lokal na pamahalaan ng Matalam, Local Monitoring team at ng GPH-CCCH matapos magkasundo ang dalawang mga pangkat na lisan ang lugar.Sinabi ni Matalam Mayor Oscar Valdevieso, temporaryo munang idedeploy sa conflict area ang mga miembro ng 7th Infantry Batallion ng Philippine Army mara manuetralized ang tensyon sa lugar at magbibigay rin ng seguridad sa mga mamamayan duon.Plano rin ngayon ng LGU na ipatawag ang dalawang sangkot na pamilya para magpaliwanag sa pangyayari.Samantala, aminado rin si brgy. Kidama Chairperson Felipe Maluenda na hindi nila kontrolado ang armas sa kanilang area.Hinihikayat rin ng opisyal ang dalawang lider ng MILF at MNLF na ikontrol o bigyan ng sapat na disiplina ang kanilang mga tauhan para hindi na maulit pa ang kaparehong insidente.Magsasagawa ng panibagong conferrence ngayong Biyernes ang Kidapawan City Government kasama ang iba pang mga ahensya para mabigyan na ng solusyon ang na delay na Road widening Project sa Quezon Boulevard, Kidapawan City.Sinabi ni SP Commitee on Infrastructure Chairpeson Councilor Peter Salac, maliban sa Department of Public Works and Highways o DPWH First Engr. District, plano rin nilang ipapatawag ang mga opisyal sa Cotabato Electric Cooperative o COTELCO at Metro Kidapawan Water District o MKWD.Ayon kay Salac, lumabas kasi sa isinagawang committee hearing sa DPWH na isa sa itinuturong dahilan ng pagkakabalam ng proyekto ay ang mga linya ng kuryente at tubig sa project site na hindi pa nalilipat.Dahilan kung bakit hindi rin matapos tapos ng Llaban Contruction ang pagsemento sa outer lane at pagbutas sa mga drainage.Sa isainagawang commitee hearing kahapon, nagpahayag naman ng DPWH officials, una nang nangako sa kanila ang COTELCO na sisimulan ang pagsasaayos sa linya ng mga kuryente noong pang Disyembre perohindi naman ito nangyari.Habang ang MKWD lamang ay hinihintay lang din ang kontractor na makompleto ang bagong drainage kung saan nila pwedeng ilipat ang kanilang mga tubo.Isa rin sa mga problema ng kontractor ay ang kakulangan ng manpower at heavy equipment.Sinabi naman ni District Engr. Elpidio Birog, binigyan na nila ng ultimatum ang Llaban Construction Company para bilisan na nila ang kanilang trabaho.Hanggang January 10 na lamang umano ang binigay na palugit sa kanila at kung wala pa ring mangyayari sa proyekto ay agad silang iterminate ng DPWH. PATAY ang 30-anyos na si Raffy Miradores Pantua na taga-Poblacion Magpet, North Cotabato matapos maipit sa dalawang mga truck, alas-kuwatro ng hapon, kahapon.Ayon sa report, ipinarada lang ni Pantua ang minamaneho niya’ng truck para ilipat sa isa pang truck ang mga karga niya’ng saging.Nang makababa na sa truck ang biktima, aksidente namang umatras ang kanyang sasakyan at naipit siya sa isa pang 10-wheeler cargo vehicle.Umabot nang ilang minuto bago nakuha mula sa pagkakaipit ang biktima.Agad naman siya’ng dinala sa pinakamalapit na ospital pero di na umabot nang buhay.Ayon sa imbestigasyon ng Magpet PNP, walang foul play sa pagkamatay ni Pantua at ang lahat ay aksidente lang.

Graduation ceremony ng MILF, MNLF police recruits, pinangunahan ni P. Marcos

PARANG, Maguindanao del Norte - PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang graduation ceremony ng unang batch ng mga Moro combatants na...

Cotabato Light announces power service interruption for May 2

COTABATO CITY - Please be informed of the scheduled power interruption affecting Upper Dimapatoy, Awang D.O.S. on Thursday, May 2, 2024, from 8:00 AM...

Political alliances of former archrivals unfolding in BARMM

COTABATO CITY - Ang dating magkakalaban ngayon nagtutulungan. Sa isang pambihirang pagkakataon nagyakapan, nagkabati at magkasama na sa isang...

NDBC BIDA BALITA (April 29, 2024)

NEWSCAST 1   P. MARCOS, bibisita ngayong sa Maguindanao del Norte, at Pikit, North Cotabato 2   MGA PARTIDO pulitikal sa...

3 finalists ng Miss U Ph, napili na

ISULAN, Sultan Kudarat - Tatlo sa mga kandidata ng Miss Universe Philippines ang napili bilang finalists ng best in national costume sa ginanap na...