Sunday Apr, 28 2024 07:18:23 PM

NDBC BIDA BALITA Jan. 7, 2016

 • 18:42 PM Thu Jan 7, 2016
2,374
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS

NEWSCAST

JANUARY 7, 2016 (THURSDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. DALAWANG HOLDAPER, HULI sa Midsayap,
Cotabato

2. Mga bakwit sa
Matalam, North Cotabato ayaw pang umuwi kahit may go signal na ligtas nang bumalik.3. Karnaper na top 3 most wanted sa
South Cotabato arestado

4. Allah Valley hospital sa South Cotabato, operational na5. Agri Sec. Alcala, bumisita sa Masguindanao, namahagi ng agri assistance sa MILF communities

SA DETALYE... TULUYAN nang naaresto ang dalawang
lalake na itinuturong suspek sa mga insidente ng panghoholdap sa bayan ng
Midsayap, Cotabato, alas-11:30 ng umaga kahapon.

Ito matapos na mangholdap muli ang
dalawa kahapon sa naturang bayan.

Kinilala ni Midsayap Chief of Police
Supt. Gilbert Tuzon ang mga suspek na sina Roy Baliti Dorenyo, 48 years old at
Jerry Urdenesa santilo, 42 years old pawang mga residente ng San Francisco,
Agusan del Sur.

Ayon kay Tuzon, nangholdap ang dalawa
sa isang babaeng tumangging magpakilala na empleyado ng PETNET Inc. Western
Union.

Kasalukuyang nag wi-withdraw ng 200
thousand pesos na halaga ang biktima sa Philippine National Bank o PNB nang
lapitan ng mga suspek.

Bigla namang sumigaw ang biktima kung
kaya't na alarma ang mga otoridad na nasa paligid at rumisponde.

Agad namang humarurot papalayo ang mga
suspek na sina Santilo at Dorenyo, at palipat lipat ng sinasakyang motorsiklo
hanggang makaabot sa Sitio kwi, abacanan, libungan kung saan sila nasakote.

Narekober sa mga ito ang 45 caliber
pistol na baril na may magazine, 38 revolver, 1 fragmented grenade, 2
cellphone, Pekeng ID ng DEPED at perang 44, 960 pesos mula sa biktima.

Hinihikayat naman ng Midsayap PNP ang
publiko na posibleng biktima ng dalawang holadper na dumulog lamang sa kanilang
stasyon upang makapagsampa ng kaukulang kaso.

PATULOY PA RING INAALAM
NG mga imbestigador ang motibo sa nangyaring pamamaril sa isang binatilyo
pasado ala una nang hapon kahapon sa harap ng Tenorio boarding house, Notre
Dame avenue, Barangay Rosary Heights 2, Cotabato city.

Kinilala ang biktima na
si Aljen Talusob Amba, 15 anyos, residente ng Doña Blanco street, Mother
Barangay Poblacion ng lungsod.

Ayon sa inisyal na
imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ni Amba ang isang kulay puting Honda XRM
125 na may Temporary plate na 46396 nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang
mga suspek na sakay ng isang kulay puting van.

Nagtamo ng tama ng bala
ng kalibre 45 na baril si Amba sa kanyang leeg na agad namang naisugod sa
pagamutan kung saan ito nagpapagaling hanggang sa ngayon.

Agad naman umanong
nakatakas ang mga suspek papunta sa direksyon ng flyover at Sinsuat avenue.

Sa ngayon ay inaantay na
lamang ng mga imbestigador na makarekober si Amba para makunan ito ng
testimonya hinggil sa posibleng motibo at kung sino ang nasa likod ng pamamaril
sa kanya. BUMISITA si
Agriculture secretary Proceso Alcala sa Cotabato City kahapon.

Ito ay para
sa isasagawang turn-over ng mga proyektong pang agrikultura na handog ng
gobyerno sa daan-daang miyembro ng Moro Islamic Liberation front.

Tinatayang nasa
25.9 milyon pisong halaga ng mga interbensyong pang agrikultura ang
ipinagkaloob ng pamahalaan sa anim na kampo ng MILF sa Mindanao.

Isinagawa ang
turn-over sa Simuay Sultan Kudarat, Maguindanao.

Dumalo sa
naturang aktibidad ang libo-libong MILF, mga lokal na pamahalaan at iba't ibang
ahensya ng gobyerno.

Ang naturang
aktibidad ay inorganisa ng Office of the presidential adviser on the peace
process o OPPAP na bahagi ng normalization process na nakasaad sa comprehensive
agreement on the bangsamoro o CAB.Nakasaad sa
CAB ang probisyon ng socio-economic programs sa decomissiones Bangsamoro
Islamic Armed forces o BIAF kabilang na ang mga komunidad at anim na MILF
acknowledged camps.

Matapos ito
ay umaasa ang pamahalaan na makamit na ang tunay na pambansang kapayapaan. MATAPOS magsumbong ang isang Bida texters sa
DXMS radyo Bida na siningil umano sila ng penalty ng Cotabato electric
cooperative o COTELCO dahil sa hindi pagbayad ng kanilang bill sa nakatakdang
araw.

Paliwanag ng bida texter, paano sila makakabayad
kung nakatuon ang kanilang due date sa holiday season at agad silang pinatawan
ng penalty.

NILINAW naman ni COTELCO PPALMA General
Manager Felix Canja na nagbibigay sila ng konsiderasyon kung sakaling natuon sa
araw na walang pasok o holiday ang due date na nakalagay sa electric bill ng
kanilang consumer.

Paalala ni Canja, lahat ng hindi malinaw sa
kanilang consumer ay maaring itanong o idulog sa kanilang opisina.

Ngayong
ramdam na ang EL Nino, makibahagi tayo sa pagtulong na magamit ng tama ang mga
tubig lalo na't inaasahan ang napipintong krisis.

Ito ang
panawagan ng Balik-Kalikasan Advocacy Group o BKAG na naniniwalang walang
mahirap na suliranin sa kuminidad sa nagkakaisang mga mamamayan.

Ayon sa BKAG,
ayusin natin ang mga nagle-leak na mga tubo at wag ubos biyaya sa paggamit ng
tubig.

Kung maari, I
recycle ang mga nagamit ng tubig bilang panlinis sa mga banyo o di kayay
pandilig sa mga halaman.

Patuloy din
nating pangalagaan ang mga naitanim nang mga puno na hindi mamamatay sa panahon
ng tagtuyot at bantayan din ang kapaligiran laban sa mga forest fires.

At sa panahon
ng tag-ulan ay ipagpatuloy natin ang nakaugaliang pagtatanim ng mga puno sa
ating mga paligid. Mismong ang militar at mga barangay official na ang naghihikayat ngayon sa mga bakwit na nasa barangay Kidama Hall ng Matalam, North Cotabato na maaari na silang umuwi sa kanilang mga tahanan.Sinabi ni Lt. Lenard Lopez, Civil Military Operation Officer, matapos raw magpulong ang grupo ng MILF at MNLF kasama ang alkalde ng bayan noong martes, ay ideneklara nang ligtas bumalik ang mga evacuees na taga purok 5 at purok 6 sa kanilang lugar.Sa nakalap kasing report ng Radyo Bida mula mismo sa mga bakwit ay takot pa rin daw silang bumalik doon dahil dahil naniniwala silang nandun parin ang mga armadong pangkat kaya naman hangga't di pa siguradong ligtas ang area ay mananatili muna sila sa brgy. Hall.Pero para kay Lopez, hindi naman nila pwedeng madaliin o pilitin ang mga bakwit lalo na ang mga kababaihan at bata dahil rin sa tindi ng takot na kanilang naramdaman nang sumiklab ang enkwentro sa lugar.Nilinaw ni Lopez na nabisita na nila ang purok 5 at 6 ng brgy. Kidama, kasama ang PNP at mga local Official at tinitiyak nilang wala nang presensya ng mga armado duon.Sa ngayon patuloy din ang ginagawang negosasyon ng Matalam LGU sa pamilya Mangadta ng MNLF at pamilya Ambalatan ng MILF para matuldukan na kung anuman ang kanilang pinag-aawayan sa nabanggit na lugar. Lalarga na ngayong taon ang pagbuo ng Magpet LGU sa kanilang Municipal Tourism Plan para sa 2016 at mga susunod pang taon.Ito ang ibinunyag ni Magpet Mayor Florenito Gonzaga sa layunin maayos at maorganized ang mga programa ng turismo ng LGU at matutukan ang mga dapat paglalaanan ng pondo.Malaki ang paniniwala ni Gonzaga kakambal ng turismo ang trabaho at paglago ng ekonomiya sa bayan lalo na sa mga taga barangay.Unang hakbang ayon pa sa alkalde ang pagbuo ng Technical Team na xang papanday sa Tourism Development Plan at paglaan ng pondo nito.Ibinida rin ng opisyal na kahit wala pa ang Technical Team ay nasimulan na ng LGU ang development ng Tausuvan Falls na matatagpuan sa brgy. Bongolanon at Kirogdong Falls sa Brgy. Kinarum na dinadagsa na ng mga bisita.Kabilang na rin dito ang isang private family resort na sinasadya na rin ng ilang mga lokal na turista.Una na ring nangako ng tulong at suporta ang Department of Tourism o DOT 12 sa LGU para sa mga proper training, branding at marketing sa turismo sa bayan ng Magpet, North Cotabato. Umalma ngayon ang ilan sa mga tricycle operators matapos muling amyendahan ng Kidapawan City Franchising and Regulatory Board o CTFRB ang requirments sa mga application nito.Nabatid na mula sa requirment na voters ID noong mga nakaraang taon, kailangan na ngayong kumuha ng voters certification ang mga operator sa COMELEC bago makakuha ng priority number para kumuha ng prangkisa.Ayon sa isang tricycle operator dagdag gasto umano ito sa kanila dahil nasa 75 pesos hanggang 100 pesos ang kanilang mababayaran sa COMELEC bawat kopya sa certification.Samantala, paliwanag naman ni Nimfa Initan ang focal person ng CTFRB, layunin ng naturang requirment na matukoy ang totoong address ng aplikante para mabigyan ng prioridad ang mga taga Kidapawan City.May ilang mga operators na kasi sa lungsod ang hindi taga Kidapawan at nanggaling pa sa ibang munisipyu at dito lang bumabyahe.Nilinaw ng opisyal na mas prioridad ng serbisyo ng City LGU ang mga taga Kidapawan lalo pat botante sila rito.Naniniwala naman si Initan na maging sa ibang bayan sa lalawigan ay ginagawa rin ang kaparehas na proseso. Kung si Engr. Godofredo Homez, ang General Manager ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO ang tatanungin, dapat raw bago pa lamang sinimulan ang road widening project sa Quezon Boulevard sa Kidapawan City ay dapat kabilang na sila sa planning stage nito.Isa kasi ngayon sa itinurong dahilan ng kontractor ng proyekto kaya nadelay ang kanilang trabaho ay ang mga poste raw ng kuryente sa project site.Pero sinabi naman ni Homez na hindi sila kinunsulta ng DPWH tungkol sa mga ililipat na poste.Doon pa raw sila ipinatawag sa meeting nang nasimulan na ang proyekto.Ayon kay Homez, aabot sa mahigit dalawang milyong piso ang halaga para mailipat ito bagay naman na hindi napabilang sa kanilang program of works noong nakaraang taon.Pero tiniyak naman ni Homez na pinagsisikapan na nila iotng maisaaayos sa ngayon.Sa katunayan aniya hinihintay na lamang nilang matapos ang year end report noong disyembere para matukoy ang mga unconstracted projects nang sa ganun ay madivert ito sa kasalukuyang paglalaanan ng pondo.Isinapinal na rin ng Management at Board ng COTELCO para matukoy ang lugar kung saan pwede nilang ilipat ang mga poste ng mga kuryente. Pinabulaanan ni Mlang Mayor Joselito Piñol ang lumalabas ngayong report na mga miembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang nangharass at nakaengkwetro ng mga magsasaka sa Barangay Tibao, Mlang noong nakaraang linggo.Ito ang nilinaw ng alklade sa isinagawang security brieffing kasama ang militar, PNP, municipal at brgy officials sa kampo ng 7th IB ng PA. Ayon kay Piñol, grupo ng Moro farmers ang nakaengkwetro ng mga residente sa Brgy. Tibao na parehong nag-aagawan ng lupa sa lugar.Ang pahayag ng alkalde ay salungat naman sa nauna nang kumpirmasyon ni Brgy. Tibao Chairperson Armando Tungcua na mga miembro ng BIFF ang nangharas sa mga magsasaka na umano nagkukuta at nasa paligid lamang ng naturang lugar. Arestado ang isang suspected carnapper sa Koronadal City.
Ang suspek na si Abe Injam, biente kwawtro anyos, residente ng Purok 7, Barangay Dumadalig Tantangan, South Cotabato ay natimbog sa checkpoint ng mga otoridad sa Barangay Morales, Koronadal City. Ayon kay Police Chief Inspector Arnold Carino, ang hepe ng Highway Patrol Group o HPG ng PNP South Cotabato, si Injam ay naharang habang nagmamaneho ng tricyle kamakalawa.
Kasama ng HPG sa mga umaresto sa suspek ang intillegence section ng Koronadal City PNP sa pangunguna ni Police Superintendent Barney Condes.
Ipinahayag ni Carino na nakuha mula sa suspek ang limang maliit na sachet ng suspected shabu.
Ayon kay Carino si Injam ay myembro ng karnaping group na may kagagawan sa serye ng nakawan ng motorsiklo sa South Cotabato.
Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Roberto Ayco, ng Regional Trial Court Branch 26 sa bayan ng Surallah, South Cotabato.
Ito ay dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Si Injam ay nakapiit na ngayon sa lock up cell ng Koronadal City PNP. Hindi naging maganda para sa 348 na mga job order na kawani ng lokal na pamahalaan ng Banga, South Cotabato ang pagpasok ng bagong taon.
Ito ay matapos mawalan ng trabaho dahil sa hindi pag-renew ng kanilang kontrata.
Paliwanag ni Banga Mayor Albert Palencia, dahil sa kabiguan ng konseho na maipasa sa tamang oras ang kanilang annual investment plan o AIP, walang pangsweldo ang lokal na pamahalaan sa kanilang mga job order employees.
Binigyan diin ni Palencia na ang AIP ay ipinasa nito sa Sangguniang Bayan o SB noon pang October 2015.
Ayon kay Palencia, kawalan ng quorum ng committee on finance sa tuwing magpupulong ang naging sanhi ng pagkaantala ng mag-apruba ng kanilang AIP.
Inihayag ng alkalde na sa ngayon 112 lamang na mga permanent employees ng Banga LGU ang pumapasok sa kanilang mga trabaho.
Ipinahayag ni Palencia na bagama’t apektado ng hindi pagpasa ng AIP ang pamimigay ng tulong ng Banga Municipal Social Welfare and Development Office, tuloy pa ring makikinabang sa mga basic services ng lokal na pamahalaan ang mga mamamayan ng Banga.
Kabilang sa mga ito ayon kay Palencia ang kahandaan pa rin ng LGU na magbigay ng tulong sa mga crisis situation at serbisyong pangkalusugan.
Kinumpirma din ng alkalde na sa buong South Cotabato tanging ang bayan lamang ng Banga ang wala pang naipasang annual budget.
Ipinahayag ni Palencia na handa naman ang lokal na pamahalaan na ipatawag muli ang mga job order employees kapag naaprubahan na ng SB ang kanilang AIP Nagsimula nang dumagsa sa Koronadal City Hall lobby ang mga negosyante sa lungsod.
Ito ay upang makinabang sa Business One Stop Shop o BOSS ng lokal na pamahalaan.
Layon ng BOSS na mas mapadali ang transakyon sa pamamagitan ng paglalagay sa iisang lugar ng mga ahensya ng gobyerno na kailangan sa business permit o renewal.
Ayon kay Gilbert Gayosa,ang head ng Business Permit and Licensing Section o BPLS, inaasahan nilang makinabang sa BOSS ang abot sa mahigit 2,500 na mga negosyante sa Koronadal City.
Ipinahayag ni Gayosa na dahil sa patuloy na pagdami ng mga naglalagak ng puhunan sa Koronadal City, dadami pa ang kanilang mga kliyente ngayong taon.
Giit pa nito dahil sa BOSS, hindi aabot sa isang oras ang gugulin ng sinumang kumuha o pagpapa-renew ng kanilang business permit.
Inihayag din ni Gayosa na para matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan handang tumanggap ng mga kliyente ang BOSS kahit na lagpas na ng alas singko ng hapon.
Ang Business One stop Shop ayon kay Gayosa ay magtatagal naman hanggang sa Enero a biente. Abot sa siyamnaput anim na mga graduating grade six pupils ang mabibigyan ng pagkakataon na makapag high school ng libre sa SOCCSKSARGEN Region.
Ito ay matapos makapasa sa Philippine Science High School o PSHS National Competitive Examination noong nakaraang taon.
Ayon kay Zenaida Raof Laidan, ang Regional Director ng Department of Science and Technology o DOST 12, 34 sa mga bagong PSHS Scholars ay mula sa General Santos City, at 19 sa South Cotabato.
Ang lungsod ng Koronadal ay mayroon namang 16 na mga bagong PSHS scholars, 9 ang mula sa North Cotabato,tig pito 7 sa Sultan Kudarat at Tacurong City , dalawa sa Cotabato City at tig iisa naman sa Sarangani Province at Davao City.
Ayon kay Laidan ang mga bagong scholars na ito ay papasok sa PSHS-SOCCSKSARGEN Campus sa Koronadal City bilang mga grade 7 students.
Ito ay sa ilalim ng K to 12 system ng Department of Education sa susunod na pasukan. Napapakinabangan na ngayon ng mga mamamayan sa Upper Valley area ng South Cotabato ang Allah Valley Community Hospital sa bayan ng Surallah.
Ayon kay Dr. Rogelio Aturdido Jr.,ang pasilidad ay binuksan noong Disyembre biene kwatro.
Nilinaw naman ni Aturdido na tinatanggap lamang sa ospital sa ngayon ang mga out patient o mga may sakit na hindi na kailangan pa ng confinement.
Ayon kay Aturdido ang ospital ay pinamamahalaan ngayon ng dalawang mga doktor at apat na mga nurse.
Ang mga ito ay inilipat mula sa Lake Sebu District Hospital.
Nabatid na nasa proseso pa ngayon ng pag-hire ng karagdagang tatlong doktor at labin isang nurse para sa ospital ang pamahalaang panlalawigan.
Inihahanda na rin ng Integrated Provincial Health Office o IPHO South Cotabato ang lahat ng mga kinakailangan ng Department of Health.
Ito ay upang mabuksan na sa level 1 ang Allah Valley Community Hospital.
Ang ospital ay ipinatayo sa pakikipag tulungan ng South Cotabato Provicial Government sa DOH at San Miguel Corporation.
Ang pasilidad ay ipinatayo sa layong maibsan ang mga pasyente sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.
Ito ay inilaan sa mga mamamayan sa upper valley area ng lalawigan na kinabibilangan ng mga bayan ng Banga, Surallah, Lake Sebu, Sto. Nino at Norala.

Cotelco announces power service interruption

Carmen area TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following...

Dealer killed, P13.6-M worth shabu seized in Sulu PDEA operation

COTABATO CITY --- Anti-narcotics agents seized P13.6 million worth shabu from a peddler who was killed in a shootout he provoked when he sensed he...

Miss Unverse PH in float parade in Sultan Kudarat

ISULAN, Sultan Kudarat - The 2024 Miss Universe Philippines candidates during float parade from Tacurong City to Isulan town. ...

DSWD advises 4Ps cash grants beneficiaries to use ATM cards wisely

MANILA - Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) eligible beneficiaries may now claim their cash grants from select Land Bank of the Philippines...

New political party in BARMM inducts new officers, members in Cotabato City

COTABATO CITY - Mass oath taking of officers and members and general assembly ng "Serbisyong Inklosibo Alyansang Progresibo" o SIAP Party na...