Monday May, 06 2024 01:16:48 PM

NDBC BIDA BALITA Jan. 8, 2016

 • 18:39 PM Fri Jan 8, 2016
1,639
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS

NEWSCAST

JANUARY 08,
2016 (FRIDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. PETISYON kontra 5th special forces chief Col. Sevilla, tinutulan ng Bise Mayor

2. MILF infighting, naganap sa Pikit, N. Cotabato
3. Dating security guard na babae huli
sa buy bust operation lalaki patay matapos malunod sa ilog sa Kidapawan City

3. Dating brodkaster patay sa road
accident sa Koronadal City

4. BBL, di dapat maipit sa reopening ng Mamasapano incident probe

SA DETALYE NG MGA BALITA... MATAPOS ang lumalabas na balita na
planong paalisin at palitan si 5th special forces battalion Commander Lt. Col.
Ranulfo Sevilla sa Cotabato City, nagpahayag ng pagtutol rito si City Vice
Mayor Hadji Abdullah Andang.

Ayon kay Vice Mayor Andang, imbes na
paalisin ay mas marami siyang nakikitang dapat na icongratulate ang hanay ng
Special Forces lalo na sa pamumuno ni Sevilla dahil sa kanilang serbisyong
ibinibigay sa lungsod.

Inihalimbawa pa ng Bise Mayor ang
pagkakahuli ng SF sa suspek na pumatay sa isang miyembro ng Philippine Marines
na aktong nagpapatrolya sila sa erya nang mangyari ang insidente.

Binigyang diin ni Andang na kung
susumahin anya ay wala namang nagawang masama ang mga elemento ng SF sa lungsod
bagkus ay nakatulong pa ito sa pangangalaga ng seguridad.

Iginiit nitong wala syang pinapanigan
ngunit kailangan anya na bawat unit ng PNP at AFP na maayos ang kanilang
koordinasyon sa isat isa at itinuring na Friendly forces pa ang mga ito.

SAMANTALA, mas pinalakas pa ngayon ang
pwersa ng 5th Special Forces sa lungsod, kung saan ayon kay Lt. Col Rannie
Sevilla ito ay upang makatulong sa City PNP para sa pagpapanatili ng Peace and
Order sa syudad.

PATULOY ANG
GINAGAWANG imbestigasyon ng pulisya sa panibagong insidente ng pamamaril na
naganap sa Salamat street, Mother Barangay Poblacion, Cotabato city dakong alas
syete kagabi.

Kinilala ang
biktima na si Bong Kusain Sarip, 27 anyos, residente ng Marquez Lumayon-5 sa
nasabing barangay.

Batay sa
inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naglalakad lamang si Sarip sa lugar nang
pinangyarihan nang lapitan ng isang hindi pa nakikilalang suspek at biglang
pinagbabaril nang maraming beses mula sa likuran.

Bumulagta ang
biktima at isinugod sa pagamutan pero binawian din ito ng buhay kaninang
madaling araw.

Sa ngayon ay
inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo sa nasabing pamamaril.

Nabatid na si
Sarip ay unang kinasuhan ng robbery/theft noong 2013 pero pinakawalan rin ito
matapos makipag-ayos sa mga ninakawan. PINAGHAHANDAAN
na ang gaganaping State of the region address ni ARMM Gov. Mujiv Hataman bago
matapos ang buwan ng enero ngayong taon.

Ayon
kay ARMM Executive secretary Laisa Alamia, nakadepende sa Regional Legislative
Assembly o RLA-ARMM kung kelan gaganapin ang SORA ng gobernador.

Ayon
kay Alamia, wala pang nakalatag na mga aasahang maririnig na nilalaman ng SORA
kung saan hinihimay himay pa nila ang mga programa na naging successful, nabigo
o dapat na pagibayuhin pa.

Inihayag
naman ng executive secretary na isa sa naging tagumpay ng ARMM ay ang
pag-qualify nito sa Good governance condition sa result base performance system
na kaunaunahan sa kasaysayan ng buong bansa.

Ipinaliwanag
naman ni Alamia kung bakit hindi agad na itakda ang SORA ni Gov. Hataman.

INIREREKLAMO
ng isang biyahero sa dxms radyo bida sa programang Madame Public service ang
pagbibilad ng ilang residente ng mais sa ilang bahagi ng national road sa
Sultan Kudarat, Maguindanao.

Binigyang
pansin din nito ang paglalagay ng buhangin ng ilang residente sa ilang bahagi
rin ng national highway ng nasabing lugar.

Ang
tinig ng isang concerned citizen na nagreklamo sa programang madam public
service ng dxms radyo bida.

Kaugnay
nito, Agad namang nagtungo ang mga tauhan ng DPWH-Maguindanao first district Sa
ilalim ng kautusan ni Engineer Nash Ibrahim sa maintenance division para
kausapin ang mga residente.

Balak
din ng opisyal na kausapin ang mga opisyal ng barangay upang matulungan silang
kumbinsihin at pagbawalan ang ilang residenteng nagbibilad ng mga mais sa ilang
portion ng national road at paglalagay ng buhangin sa ilang portion din
national highway sa Sultan Kudarat, Maguindanao. IGINIIT NG Malacañang na hindi dapat maipit ang
pagpasa ng Bangsamoro Basic Law o BBL sa panibagong imbestigasyon ng Senado sa
Mamasapano encounter noong January 25, 2015.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma,
mahalagang maipasa ang BBL para sa hangaring kapayapaan sa Mindanao.

Ayon kay Coloma, tungkulin ng mga mambabatas ang
pagpasa ng nasabing panukala kasabay ng kanilang mandatong magsagawa ng
imbestigasyon in aid of legislation.

Sa January 25, 2016 gugunitain ang unang anibersaryo
ng Mamasapano encounter na ikinamatay ng 44 Special Action Force sa kamay ng
mga armadong grupo sa Maguindanao.

Ayaw namang kulayan ng politika ng Malacañang
reinvestigation ng insidente na nataong papalapit na ang eleksyon. Nasawi matapos maaksidente sa sinakyang motorsiklo ang dating brodkaster sa Koronadal City dakong alas onse ng gabi kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Romelo Meloy” Sustituido, trenta’y syete anyos at residente ng Barangay San Jose Koronadal City.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng Koronadal City PNP traffic section na si Sustituido ay nasawi matapos masagasaan at makaladkad ng dalawang motorsiklo na nakasunod sa kanya nang matumba sa daan.
Naganap ang road accident sa Purok River Side, Barangay Sto. Nino, Koronadal habang papauwi na si Sustituido sa Barangay San Jose sakay ng Honda XRM motorcycle na may license plate SJ 5353.
Ayon sa PNP ang biktima ay unang nasagasaan ng kulay pula at puting Honda RS motorcycle na itinakas ng driver nito.
Tinukoy naman ng pulisiya ang isa pang motorsiklo na nakasagasa kay Sustituido na isang Yamaha motorcycle na may license plate MA 97245.
Ito ay minamaneho naman ng isang disi syete anyos na menor de edad kasama ang mga angkas na sina Rammel Tamba at Bryan Belotindos, pawang mga disi otso anyos.
Ang biktima ay dead on arrival sa ospital dahil sa matinding sugat sa ulo na natamo nito.
Si Sustituido na dating brodkaster sa isang himpilan ng radio sa Koronadal City ay nagtatrabaho ngayon bilang Political Affairs Officer sa tanggapan ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes.
Ang insidente ay patuloy pang iniimbistigahan ng Koronadal City PNP.
Inaresto dahil umano sa pagkakasangkot sa illegal na droga ang dalawa katao sa Barangay Saravia Koronadal City kagabi.
Kinilala ni Saravia Barangay Chairman Gregorio Presga ang mga suspek na sina Jefferson Santos at Miguel Salac, pawang mga residente din sa lugar.
Nakuha ng mga mula sa mga suspek ang dalawang garmo ng suspected shabu, labinlimang bundle ng dried marijuana leaves at drug paraphernalia.
Ang anti illegal drug operation ay pinangunahan ng Philippine Drug Enformcement Agency o PDEA 12.
Sa panayam ng Radyo Bida Koronadal, kinumpirma ni Presga na pinaghahanap din ng mga otoridad ang nakatakas na kasama nina Santos at Salac na si Raul Adolfo.
Ayon kay Presga, matagal nang minamanmanan ng mga otoridad ang tatlong mga drug suspek.
Inihahanda na ng pulisiya ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga drug suspek. Inirereklamo ng panggagahasa ng isa ring menor de edad at ang isang atleta sa South Cotabato.
Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisiya na ang suspek na disi syete anyos ay isang track and field player.
Ang suspek ay inakusahan ng panggagahasa ng dose anyos na textmate nito.
Ayon sa salaysay ng biktima sa mga pulis, naganap umano ang pangaabuso sa kanya nang matuloy sa boarding house ng nakatatandang kapatid ng suspek noong Enero a kwatro.
Nabatid na matagal na umanong mag-textmate ang biktima at suspek bago naganap ang pangaabuso.
Minabuti ng Radyo Bida Koronadal na huwag pangalanan ang mga biktima at suspek para mapangalagaan ang kanilang kapakanan.
Ito na ang pangalawang insidente ng umanoy pang-aabuso ng menor de edad sa South Cotabato.
Matatandaan dumulog din sa PNP ang mga magulang ng isang elementary pupil matapos umanong mabiktima ng pangagahasa sa lalawigan noong nakaraang buwan. Nag time out muna sa mga gawaing bukid ang mga magsasaka sa Koronadal City.
Ito ay upang makilahok sa Farmers Festival 2016 ngayong araw.
Ibinida sa festival ang mga ipinagmamalaking produkto ng mga magsasaka sa lungsod.
Kabilang sa mga ito ang palay, mais, prutas , gulay at maging ang kanilang mga livestock products.
Ipinakita din ng mga magsasaka mula sa dalawamput pitong mga barangay sa lungsod ang pagkamalikhain ng mga ito.
Ito ay sa pamamagitan ng paglalagay ng mga gulay at iba pang mga produkto bilang mga palamuti sa kanilang mga float na ipinarada sa Koronadal City.
Naging daan din ang Farmers Festival para maibenta ng mga magsasaka ang kanilang mga ani na patok naman sa mga mamamayan dahil sa mas mura nitong presyo.
Nakisaya din ang mga magsasaka sa iba’t ibang mga palarong pinoy.
Ayon kay Koronadal City Agriculture Officer Emelita Miguel, layon ng farmers festival na kilalanin ang malaking kontribusyon ng mga magsasaka sa pagulad ng lungsod. Ang farmers festival ay bilang kabahagi ng ipinagdiriwang ngayong 76th Foundation Anniversary at 16th Hinugyaw Festival ng Koronadal City
Nagpapatuloy ngayon ang konstruksyon ng Integrated Provincial Environment and Management Center o IPEMC ng South Cotabato.
Ang pasilidad ay matatagpuan sa barangay Tinongcop sa bayan ng Tantangan.
Ito ay ipinatatayo sa mahigit limang ektaryang lupain at nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso.
Inaasahan naman na matatapos ang konstruksyon nito sa susunod na buwan.
Ayon kay Elbe Balucanag, ang head ng Environment and Management Division ng PEMO South Cotabato, ang lugar ay magiging site din ng South Cotabato Health Care Waste Treatment Facility.
Ipatatayo din dito ayon kay Balucanag ang training at demo center, imbakan para sa mga nakumpiskang illegal logs, paraphernalia at nursery para sa mga planting materials.
Sinsimulan na ng pamahalaang panlalawigan ang paglalagay ng bakod sa lugar na pagtatayuan ng pasilidad. Hindi na nagawang makapalag pa ng isang 21- anyos na babae nang posasan ng Kidapawan City PNP matapos ilunsad ang drug buy bust operation sa isang bunkhouse sa Dayao Street, brgy. Magsaysay, Kidapawan City pasado alas otso kagabi.Kinilala ang suspek na si Suraya Jean Benites Villarosa na taga brgy. Buayan, General Santos City.Nakuha mula sa suspek ang pitong sachet ng pinaniniwalaang shabu, 500 peso bill bilang marked money at drug paraphernalia.Maliban dito, naaktuhan ring nagpopot session ang suspek kasama ang dalawang lalaki sa nabanggit na lugar.Agad namang dinala sa City PNP ang suspek at ngayon ay inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.Sa kabilang dako patay na nang matagpuan ang isang lalaki na pinaniniwalaang nalunod sa ilog sa Sitio San Vicente,Rambutan, Brgy. Singao Kidapqwan.Kinilala ang biktima na si Michael Bustos Torres, isang buddr na taga Dapan Subd. Makilala.Sa salaysay ni Jonard Dapan, kasama sa trabaho ng biktima, pinapatubigan lamang umano nila ang mga rubber seedling mula sa ilog nang mangyari ang insidente.Wala namang nakikitang foul play ang mga otoridad sa pagkamatay sa biktima. Mariing itinanggi ni brgy.Nueva Vida Chairperson Leo Ragandanon ang umano talamak na nakawan partikular ng cuplump sa kanyang barangay sa bayan ng Mlang, North Cotabato.Ayon kay Ragandanon ni isang report ay wala namang natatanggap ang kanilang opisina tungko rito.Sagot ito ni opisyal sa isang sulat-reklamo mula sa isang concerned citizen na sinasabing taga barangay Nueva Vida rin.Batay sa sulat isang mag-asawa ang kanyang binanggit doon na umano sangkot sa nasabing nakawan sa lugar na tiniyak naman ni Ragandanon na paiimbestigahan niya ito.Iginiit ni Ragandanon na simula nang siya ang umupo bilang punong barangay ng Nueva Vida ay wala pa namang nakakarating na report ng pagnanakaw sa kanilang tanggapan.Maging ang mga district Kagawad ng barangay ay wala ring nabannggit tungkol rito.Nilinaw rin nitong nakabantay naman ang mga miembro ng barangay peacekeeping action team o BPAT kaya nakasisiguro siyang ligtas at walang nagyayaring pagnanakaw sa kanyang barangay. Pinangangambahan ngayon ng Department of Education ng North Cotabato na baka bumaba ang bilang ng mga enrolees na pumapasok ngayon sa Kidama, Elementary School ng brgy. Kidama, Matalam, North Cotabato.Ito ay kung magtulo-tuloy pa ang kaguluhan sa nabanggit na lugar.Nabatid na simula noong lunes ay halos 80 porsyento sa mga mag-aaral duon ay hindi na pumapasok.Karamihan sa mga ito ay mga Moro pupils na taga Purok 5 at Purok 6 na sila namang pinaka naapektuhan nang sumiklab ang awayan ng dalawang pamilya sa lugar.Hinihikayat ngayon ni Cotabato Schools Division Supt. Omar Obas ang mga guro sa lugar na kahit wala ang mga estudyante ay magreport lamang sa eskwelahan para ma engganyo ang mga bata na pumasok.Nilinaw rin ni Obas na walang dapat ikabahala ang mga magulang at mga mag-aaral sa kanilang pagkain dahil may feeding program namang isinasagawa ang Matalam District.Tiniyak rin ni nito na kung hindi na makabalik ang mga mag-aaral sa Kidama Elementary School ay maari pa rin nila itong ipagpatuloy sa ibang paaralan sa pamamagitan ng Learners Information System.Sa kabilang dako, balik normal na ngayon ang sitawasyon sa ilang barangay sa Pigcawayan partikular sa brgy. Malagakit, Simsiman at Burikain matapos ang nangyaring pang-aatake doon ng Bangsamoro Islamic Freedon Fighters o BIFF noong nakaraang linggo.Ayon kay Obas balik skwela na ang mga estudyante sa lugar habang wala naman silang natangap na may suspension of classes sa bayan ng Midsayap na intake rin ng nabanggit na grupo kaya naniniwala si Obas na hindi apektado ang klase sa lugar. Muli na namang sumiklab ang tensyon sa bayan ng Pikit partikular sa brgy. Talitay at Rajamuda ng atakehin ng isang grupo ng Moro Islamic Libertion Front o MILF ang isa pang pangkat ng MILF.Sinabi ni Sr. Ins Sindatu Karim, Hepe ng Pikit PNP, nagsimula ang alitan ng dalawang grupo ilang taon na ang nakararaan.Ito ay sa pagitan naman ng magpinsang sina Commander Mokamad Andoy at Commander Ricky Hussain at Commander Buto Mantol.Humantong naman sa bakbakan ayon pa kay Karim ang hidwaan ng dalawang pangkat nang hindi umano isinurender nina Commander Andoy at Husain sa MILF o sa Kabacan PNP ang itinuturing suspek sa pagbaril at pagpatay sa kapatid ni Commander Mantol sa brgy. Kayaga ilang buwan na rin ang nakalilipas.Nabatid sa report na unang umatake ang tropa nina Commander Andoy ay Husain kasama ang higit isang daang armadong indibidwal sa pinagkukutaan naman nina Commander Buto Mantol na nakabase sa brgy. Talitay katabi lang ng brgy. Rajamuda.Umabot naman ng ilang minuto ang naturang bakbakan.Dahil sa insidente kinumpirma rin ni Pikit Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Tahira Kalantongan na nasa tatlong daang pamilya o nasa higit tatlong libong indibidwal mula sa brgy. Talitay at Rajamuda ang lumikas dahil sa takot na madamay sa pangyayari.Nanatili sila ngayon sa mga kalapit barangay ng Talitay at Rajamuda at sa kanilang mga kaanak.Agad ring nagpaabot na food packs ang Pikit LGU para sa mga bakwit.Isa rin umanong siyam na taong gulang na bata ang nadamay ng aksidenteng tamaan ng M79 grenade na patuloy namang iniimbestigahan ng mga otoridad.Si Pikit Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Tahira KalantonganKaugnay nito, naiparating na raw ng PNP ang kanilang komunikasyon sa pamunuan ng MILF para masolusyunan na ang nangyaring gusot sa dalawang pamilya.Sa pinakahuling update hanggang alas sais kagabi ay hindi pa rin makapasok ang PNP at militar sa lugar at tanging ang evacuation centers lang muna ngayon ang tinitiyak ng mga otoridad na magiging ligtas para sa mga evacuees at maging ang National Highway para sa mga commuters at motorista. Para sa Tricycle Federation, pabor raw para sa mga taga Kidapawan City operators ang pag obliga ng Voter's certification para sa pag-apply ng renewal ng kanilang mga prangkisa mula sa City Franchising and Regulatory Board o CTFRB.Sinabi ni Federation of Kidapawan City Tricyce's Association o FKITA President Jenery Tañala, mas updated raw ang voter's certificate kumpara sa voter's ID.Sa pamamagitan rin nito ay madaling matukoy ang address ng isang tricycle operator.Makikilala rin ang mga lehitimong operator na taga Kidapawan City na siya namang target ng CTFRB na mabigyan ng prayoridad na pumasada sa lungsod.Ayon kay Tañala nagiging kakumpetensiya na kasi ngayon nga mga operator ng Kidapawan City ang mga driver na taga ibang munisipyu.Base sa datus ng CTFRB, daan daang pang mga taga lungsod ang ngayon ay nakapending ang mga priority number.Sinabi ni Tañala, oras na raw para salain ang mga nagpakilalang mga taga lungsod na bumabyahe sa Kidapawan sa pamamagitan ng voters certification na hindi naman pala taga rito. Ang prioritization sa Kidapawan City Tricycle Operators ay hindi na umano bago dahil noon paman ay kabilang na ito sa naaprubahang Franchising Ordinance ng Sanguniang Panlungsod ng Kidapawan.Sa ngayon nasa higit dalawang libong mga tricycle lamang ang pinapayagang makapagbyahe sa Kidapawan City.NDBC BIDA BALITA

PRO-BAR chief Tanggawohn bestowed posthumous award to Capt. Moralde

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - The Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region bestowed posthumous award to late PCPT ROLAND ARNOLD...

Suspected gunrunners huli, mga armas nakumpiska sa kanila sa Alamada

COTABATO CITY - KULONG na ngayon ang dalawang mga gunrunners matapos mahuli ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM sa isang...

High value drug peddler falls, yields 150 grams of shabu in Lanao Sur

MARAWI CITY - Lanao del Sur PPO's Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Special Operations Group, 1st Provincial Mobile Force Company, Marawi...

6 armed villagers wounded in Basilan ambush incident

COTABATO CITY - Ambushers seriously wounded six men in a rival group in an attack early Saturday in Sitio Lessem, Barangay Bato-Bato, Akbar...

DA: Price freeze needed only in areas under state of calamity

MANILA – The Department of Agriculture (DA) on Friday said that a price freeze of rice and other basic commodities should only be implemented in...