Thursday May, 02 2024 10:44:21 PM

NDBC BIDA BALITA (Jan. 9, 2016)

 • 17:37 PM Sat Jan 9, 2016
1,674
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

JANUARY
09-2016 (SATURDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. KAMARA, ayaw sundan ang
reinvestigation ng Mamasapano case ng Senado

2. Higit 500 pamilya mula sa dalawang
barangay ng Pikit, North Cotabato, nasa evacuation center pa rin

3. Dahil sa pagnanakaw ng daang daang
bungang Pinya, driver kalaboso sa Surallah, South Cotabato

4. ANTI-RABIES VACCINE, libre na ayon
sa DOH

AT NGAYON SA DETALYE MALABONG sundan
ng liderato ng Kamara ang hakbang ng Senado sa pagbubukas ng imbestigasyon sa
Mamasapano incident noon January 25, 2015.

Pero ayon kay
House majority leader Neptali Gonzales II, may mga kongresista ring humirit na
buksan muli ang pagsisiyasat ng Kamara sa malagim na insidente at sakyan ang
kaganapan sa Senado.

Gayunpaman,
binigyang diin ni Gonzales na hindi ito nararapat na gawin lalo na kung hindi
naman hawak ng sinumang kongresista ang sinasabi ni Sen. Juan Ponce Enrile na
bagong impormasyon sa Mamasapano incident.

SAMANTALA, Kumbinsido
naman si Pangulong Noynoy Aquino na politically motivated ang
reopening nang Mamasapano investigation sa Senado.

Sinabi ni
Pangulong Aquino na dahil sa malapit na ang campaign period ay sinusubukan ng
mga pasimuno ng imbestigasyon na samantalahin ang pagkakataon.

Kung saan ito ay
may layunin lamang ng hakbang na pahirapan siya at idiin sa isyu lalo pa't may
sama ng loob sa kanyang administrasyon ang nagsusulong nang Mamasapano
reinvestigation.

Kasabay nito, may
pasaring din si Pangulong Aquino sa Senate committee chairman na unang duminig
sa pangyayari dahil pinayagan nitong ibalik ang kanilang trabaho at pinayagan
ang reinvestigation.

Samantala,
tiniyak naman ni Sen. Grace Poe, chairperson ng Senate Committee on Public
Order na siyang mangunguna sa muling pagbubukas nang imbestigasyon na hindi
niya papayagang magamit ang hearing sa pamumulitika.

SIMULA bukas
ay iniimplimenta na ang gun ban sa buong bansa hanggang June 8, 2016.

Ito ay
kaugnay parin ng nalalapit na May 2016 Elections.

Ayon kay
Cotabato City election officer Atty. Mike Ignes, sana'y maunawaan ng bawat isa
ang pagbabawal ng pagdadala ng armas at iba pang regulasyon na alinsunod sa
comelec resolution 10029.

Binigyang
diin ni Ignes ang pagbabawal sa mga politicians na kumuha ng mga uniformed
escorts maliban na lamang kung pinahintulutan ng COMELEC.

Para naman sa
may mga ilang katanungan o klaripikasyon ay pwedeng dumulog sa kanilang
opisina.

SINIMULAN
na ang selebrasyon para sa Halad Festival 2016 sa bayan ng Midsayap.

Kahapon
ay nagsama-sama na ang mga opisyal at mamamayan ng bayan sa isang novena mass
na sinabayan ng prosesyon at blessings ng mga imahe ni Sto. Nino.

Maliban
pa rito ay nagsagawa pa ng isang short program at nagtapos sa magarbong
fireworks display bilang hudyat ng pagbubukas ng ika-28 Halad Festival.

Ang
taunang selebrasyon ay nakasentro sa pagpapasalamat ng mga Midsayapeño sa
biyaya at proteksyon ng kanilang patron na si Senior Santo Nino.

Ngayong
araw ay ang pagbubukas ng Agro-Trade fair na gaganapin sa municipal plaza,
grand carcarnival sa Pilot Central School at cultural night presentations sa

Municipal
Plaza.

Kabilang
sa mga aktibidad ngayong taon ay ang Pet show, Mutya ng Midsayap 2016, Street
Dancing Competition, motor cross, 4x4 offroad challenge at marami pang iba.

Samantala,
puspusan na rin ang ginagawang preparasyon ng mga lalahok sa Halad Indakan sa
Kadalanan 2016 street dancing competition na gaganapin sa Enero 16-17.

Habang
palapit na ang araw ng kapistahan, inaasahan na mas titindi pa ang pag-eensayo
ng mga magtutungaling mga grupo na magmumula pa mismo sa South Cotabato,
Maguindanao, at ilang bayan sa North Cotabato na may kabuuang premyo na

700
thousand pesos na nahati sa dalawang kategorya.

Inaanyayahan
naman ng mga organizers ang mga mamamayan ng Midsayap at mga karatig lugar na
makiisa sa Halad Festival ngayong taon.

Inaasahan
ang pagdalo ng mga pangunahing personalidad na nagtataguyod ng Halad Festival,
mga lokal na opisyal at iba pang mga panauhin.

BINIGYANG
prayoridad ng Sultan Kudarat Maguindanao municipality ang rehabilitasyon ng mga
kalsada sa mga barangay nito upang mabigyan ng maayos na daan ang mga
residente.

Ayon
kay Sultan Kudarat Mayor Shameem Mastura, kasalukuyang inaayos ang kalsada
lalong lalo na sa Baranggay Bulalo hanggang Calsada at Pinaring papuntang Limbo
para sa ikabubuti ng residente roon.

Ayon
kay Mayor Mastura, malaking tulong rin ito para sa may mga binabiyahe at
inilalabas na produkto sa ibat ibang mamayan tulad ng Cotabato City.

Samantala
lubos naman ang kagalakan ng LGU SK sa tuloy tuloy na suporta ng ARMM
Government sa kanila.

Maliban
sa farm to market road na proyekto tuloy tuloy rin ang itinatayong Basketball
Covered Court sa Brgy. Banatin.

Nagsisiksikan ngayon ang higit tatlong libong inidbidwal sa mga evacuation center at sa kanilang mga kaanak sa Pikit North Cotabato matapos sumiklab ang kaguluhan sa brgy. Talitay at Rajamuda, Pikit sa pagitan ng dalawang angkan na parehong kumander ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.Sa pagbisita ng Radyo Bida sa lugar kitang kitang ang sitwasyon ng mga bakwit na nahihirapan sila doon.Wala silang bitbit na mga gamit.Maging ang kanilang mga hayop at iba pang mga ari-arian ay iniwan nila sa kanilang mga lugar dahil sa takot na madamay sa insidente.Rinig na rinig pa umano nila ang bakbakan ng dalawang grupo na malapit lang sa kanilang lugar.Pero sa kabila ng kanilang mahirap na sitwasyon hindi pa rin nakakalimutan ng mga bakwit na tumawa.Isa lamang si Aling Jenny, hindi niya tunay na pangalan, na nang makapanayam ng Radyo Bida ay damang dama pa rin sa kanya ang pagiging positibo.Aniya gamit lamang umano at mga hayop ang kanilang naiwan sa kanilang mga tahanan at hindi ang pagiging positibo at masiyahin.Samantala, nanawagan naman ngayon ang mga evacuess ng karagdagang tulong mula sa mga responsableng ahensya na sana ay bilisan na ang pagresolba ng mga otoridad sa hidwaan ng dalawang pamilya nang sa ganun ay makabalik na sila sa kanilang mga tahanan at para maipagpatuloy ang kanilang mga hanapbuhay.Hiling rin nila na dagdag na pagkain para sa mga kabataan na nanatili ngayon sa evacuation center.Isa rin sa mga pinoproblema nila ngayon ay ang mga estudyante na hindi makapasok sa kanilang mga paaralan dahil hindi pa siguradong ligtas ang area. Simula ngayong taon, 30 Kilometers per hour na speed limit na ang ipatutupad ng Kidapawan City LGU sa lahat ng uri ng sasakyang bumibyahe sa sentrong bahagi ng Poblacion sa Kidapawan City.Layunin ng paglimita sa bilis ng mga sasakyan ay upang makaiwas sa disgrasya ang mga motorista at pedestrians sa lansangan. Sa pahayag ng Traffic Management Unit kasabay ng seminar ng mga tricycle operators noong nakaraang linggo, ipapatupad ang speed limit kapag dumating na ang 'speed gun' na binili ng City LGU na inaasahan naman anumang araw mula ngayon.Ito ay base na rin sa naapurubahan ng Sanguniang Panlungsod ng Kidapawan ang Public Safety Code kung saan kalakip dito ang speed limit para sa lahat ng uri ng sasakyan mula sa single motorcycle hanggang sa malalaking truck at bus na bumibyahe sa lungsod.Nakapaloob ang itinakdang speed limit sa City Ordinance number 15-1061 o An Ordinance Enacting the Kidapawan City Public Safety, Security, Peace and Order Code of 2015.
Pagmulutahin naman ng isang libong piso ang susuway dito at limang libong piso naman kapag nagdulot ng aksidente ang pagpapatakbo ng sasakyan lagpas sa itinakdang speed limit dagdag pa ang pagkakumpiska ng driver's license.
Pinangunahan mismo ni Pangulong Benigno Aquino III ang pag-inagura at pag switch on sa 300-megawatt coal-fired power plant na matatagpuan sa Toril Davao City kahapon ng umaga.Sinabi ni Pangulong Aquino na malaki ang maitutulong ng Therma South, Inc. o TSI na maresolba ang patuloy na pagtaas ng demand ng kuryente sa Mindanao.Sa kanyang mensahe, nabanggit ng pangulo na bago magtapos ang kanyang termino ngayong May 2016, nasa 11 power plants ng independent power producers o IPPs na may kapasidad na 675MW ang kanilang maipapatayo at makukumpleto.Ang tinig ni Pangulong Benigno Aquino III.Samantala, apektado naman ngayon ang ilang power consumers sa Mindanao partikular sa North Cotabato na nakapende lamang sa Agus and Pulangi hydro-electric power plants.Sinabi naman ni Felix Canja, ang general manager ng Cotabato Electric Cooperative PPALMA, ang kuryenteng kanilang kinukuha mula sa TSI ay nakakatulong na maibsan ang brown outs sa kanilang service area.Sakop ng Cotelco PPALMA ang power consumers ng mga bayan ng Pigcawayan, Pikit, Aleosan, Libungan, Midsayap, at Alamada in North Cotabato at mga bayan ng Pagalungan at Pagagawan sa Maguindanao.Kaya naman kapag may kakulangan sa suplay ng kuryente kadalasan umaabot sa 10-12 oras ang brown outs kada araw.Pero aniya, sa 4 MW na kanilang makukuha mula sa TSI ngayon ay nakakatitiyak siyang wala nang mararanasang brown out ang kanilang service area.Nabatid na ang Cotelco-Main ay bumili ng abot sa 10MW power mula sa TSI.Maliban dito, kumukuha rin ng suplay ng kuryente ang COTELCO mula sa Therma Marine, Inc. ng AboitizPower, Hydro sa Napocor, at Lopez’ geothermal power sa Mount Apo. Nangako ngayon sa Kidapawan City Government ang Cotabato Electric Cooperative o COTELCO at Metro Kidapawan Water District o MKWD na tatanggalin na nila ang kanilang mga pasilidad na nasa project site na itinuturong dahilan ng pagkakabalam sa nagpapatuloy na Road Widening Project sa Quezon Boulevard, Kidapawan City.Sinabi ni DPWH District Engr. Elpedio Birog, ipinangako ng dalawang mga ahensya na sisimulan nila ang paglipat sa kanilang mga poste at tubo sa huling linggo ng Enero.Sa pamamagitan nito, wala na raw dahilan ang Llaban Construction na madelay pa ang proyekto, na ngayon ay binigyan na ng deadline ng DPWH hanggang April 1, 2016.Habang kinumpirma naman ng Llaban Construction na nakadagdag na sila ng manpower at mga heavy equipment na kabilang naman sa demand ng DPWH.Ito ang naging resulta sa isinagawang Conference kahapon na pinagunahan mismo ni City Mayor Joseph Evangelista na dinaluhan naman ng mga residente at business owners na apektado sa naturang proyekto at mga matataas na opisyal ng DPWH First Engineering District.Kulungan ang bagsak ng 28-anyos na lalaki matapos mahuli sa isinagawang Checkpoint ng Kidpawan City PNP nang makuhanan ng marijuana leaves sa brgy. Paco, Kidapawan, alas onse ng umaga kahapon.Kinilala ang suspek na si Alexis Exvanya, driver na taga Amistad Subd. brgy. Poblacion, Kidapawan City.Nang parahin na ang suspek ng PNP dito na nakuha sa kanya ang dalawang rolyo ng marijuana leaves at aluminom paper.Agad namang pinosasan ang suspek at binitbit sa Kidapawan City Police Station.Dinala na rin sa Regional Crime Laboratory sa General Santos City ang naturang mga paraphernalia para sa karagdagang imbestigasyon.NDBC BIDA BALITA Arestado dahil umano sa pagnanakaw ng bunga ng pinya ang isa katao sa Surallah, South Cotabato.
Kinilala ng Surallah PNP ang suspek na si Diego Villa Juan Ballao, trenta’y syete anyos, driver at residente ng Barangay Centrala, Surallah.
Si Ballao ay naaresto ng mga gwardiya ng DOLE Philippines sa Sitio US, Barangay Moloy Surallah, pasado alas dose ng tanghali kamakalawa.
Ito ay matapos aktong mahuling nagnanakaw ng 450 na mga bagong pitas na pineapple fruits.
Ang mga ninakaw na pinya ay ikinakarga pa umano ng suspek sa Kawasaki bajaj tricyle nang maaktuhan ng mga gwardiya.
Lumabas sa inisyal na imbistigayon ng mga pulis na ang suspek ay mayroon na ring naka-pending na warrant of arrest dahil sa pagnanakaw.
Si Ballao ay nakapiit na ngayon sa lock up cell ng Surallah PNP.Nakapagtala ng abot sa siyamnaput siyam na kaso ng fire cracker related injury ang Integrated Provincial Health Office o IPHO South Cotabato.
Ito ay resulta ng monitoring ng tanggapan mula Nobyembre biente singko hanggang Enero a singko.
Ayon kay Dr. Rogelio Aturdido Jr, ang provincial health officer ng lalawigan, ito ay mas mababa ng labinlimang porsyento sa 112 na mga naputukan noong sinalubong ang 2015.
Gayunpaman ayon kay Aturdido, kung pagbabatayan ang nabawas sa mga naputukan , bigo pa rin ang kanilang Iwas paputok Campaign” ngayong taon.
Karamihan pa rin kasi sa mga naputukan o 81 percent sa mga ito ay gumamit ng illegal na mga paputok lalong lalo na ng Piccolo.
Pinakabatang naputukan ang dalawang taong gulang na bata at pinakamatanda naman ang sitenta’y syete anyos na lolo.
Iginiit ni Aturdido sa isang pulong balitaan na maliit lamang ang ibinaba ng fire cracker related injury sa South Cotabato.
Ito ay sa kabila naman ng paulit ulit na paalala ng mga otoridad sa publiko na pagiwas sa mga paputok.
Kaugnay nito, ipinahayag naman ni Aturdido na suportado nito ang panukala ng Department of Health na total ban sa mga paputok.
Ayon kay Aturdido, kahit pa kasi tradisyunal na ang pagpapaputok sa pasko at bagong taon, marami naman ang nadidisgrasya dahil dito.
Ang pahayag na ito ni Aturdido ay kinatigan naman ni Dr. Alah baby Vingno, ang Assistant Provicial Health Officer ng South Cotabato.
Ayon kay Vingo tagning solosyon lamang para maiwasan ang fire cracker related injury ay ang total ban sa mga paputok. Umupo na bilang bagong Indigenous Peoples Mandatory Representative o IPMR General Santos City si Juanito Kindat.
Si Kindat ay isang B’laan Cheftain mula sa Barangay Labangal sa Gensan.
Pinalitan nito bilang IPMR si Fulong Mario Empal na sumakabilang buhay noong nakaraang taon.
Si Kindat ay nanumpa bilang bagong IPMR ng Gensan kay Mayor Ronnel Rivera.
Ito ay sinaksihan ng kanyang pamilya at mga kinatawan mula sa mga indigenous communities sa lungsod.
Si Kindat ay itinalaga bilang IPMR matapos makakuha ng karamihan sa boto ng mga Cheftains at kumpirmasyon ng mga B’laan leaders.
Ipinahayag naman ni Rivera na isang malaking hamon ngayon kay Kindat ang pagpapatuloy sa mga nagawa ng pinalitan nitong si Empal.
Ito ay mariin namang tinanggap ni Kindat.
Matatandaan na bukod sa pagsulong sa karapatan ng mga IPs,ang pinalitan ni Kindat na si Empal ay nanguna sa pagpapatayo ng B’laan Museum sa General Santos City.
Hindi na nagawa pang makatakas ng suspected karnaper sa Tacurong City na nasawi matapos mabangga sa puno ng Gemelina tree ang umano’y tinangay nitong motorsiklo.
Kinilala ni Superintendent Junny Buenacusa ang Chief of Police ng Tacurong ang suspek na si Joey Mateo.
Ang suspey ay natukoy batay na rin sa identification card na nakita sa pitaka nito.
Si Mateo, trenta’y tres anyos ay residente ng Barangay Sadsalan, Lambayong Sultan Kudarat.
Ang suspek ay hinabol ng mga otoridad matapos maaktuhan ng isang Sergeant Pio Bedola na tinatangay na ang kanyang motorsiklo, dakong alas otso y medya ng umaga kahapon.
Sa halip na huminto at sumuko, nakipaghabulan pa sa mga sundalong tumutugis sa kanya ang suspek hanggang sa mabangga sa isang puno ng Gemelina tree na naging sanhi ng kanyang dagliang pagkasawi.
Kinukumpirma pa ng mga pulis kung ang nasawing suspek ay myembro ng isang karnaping group na responsable sa pagnanakaw ng mga motorsiklo sa Sultan Kudarat at karatig lugar. Ipinahayag ni Barangay Captain Benedicto Pastera ng barangay Carpenter Hill Koronadal na hindi self accident ang nangyari sa dating broadcaster ni si Romelo Meloy” Sustituido.
Ito ang sinabi ni Pastera matapos sumuko sa kanya ang driver ng isang RS motorcycle na umano ay nakasagi sa manibela ng motorsiklo na minamaneho ni Sustituido.Kinilala ni Pastera ang driver na si Marlon Diaz, residente ng Purok Paglaum, Barangay Carpenter Hill, Koronadal City.
Ayon kay Pastera, ipinahayag umano ni Diaz na malayo pa ay nakita na nito na pa-ekis ekis na takbo ng motorsiklo ni Sustituido hanggang sa okupahin nito ang kabilang lane.
Naging dahilan nito para magkabanggaan ang manibela ng dalawang motorsiklo.
Iginiit ni Diaz ayon kay Pastera na hindi siya ang nakasagasa sa natumbang si Sustituido kungdi ang motorsiklong nakasunod sa kanya.
Maliban kay Diaz nagtamo rin ng mga gasgas sa katawan ang menor de edad nitong anak na kasama nito nang maaksidente.
Matatandaan na si Sustituido ay nasawi matapos maaksidente sa Purok Riverside Barangay Sto. Nino, dakong alas onse ng gabi kamakalawa.
Inaalam pa ng mga otoridad kung may foul play sa pagkamatay ng biktima.

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...