Saturday May, 18 2024 11:50:18 AM

NDBC BIDA BALITA (July 14, 2016)

 • 17:53 PM Thu Jul 14, 2016
1,820
By: 
NDBC News and Current Affairs Team

NEWSCAST

JULY 14, 2016
(THUR)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MGA SUMUKONG indibidwal na sangkot
sa iligal na droga sa Maguindanao, abot na ngayon as mahigit 6,0002. Kakulangan ng pasilidad para sa mga
drug dependent, problema pa rin ng South Cotabato pro'vl govt/

3. Pulis sugatan sa pamamaril sa
Matalam North Cotabato at rape suspect, arestado naman ng CIDG sa Kidapawan
city

4. T'nalak festival sa South Cotabato, patuloy na dinadagsa local designer, international competitor na.5. Dalawa sa 11 mayor ng South Cotabato, nagsalita at sinabing di sila sangkot sa illegal drug. sand//scontent.fceb2-2.fna.fbcdn.net/v/t1.0-9/13626544_974303026024745_1263927604861038847_n.jpg?oh=5c119b814ff12bad1620bd6832ce4a04:ampoe=58247EC9 Wayward truck hits DXMS-Radyo Bida fence along Quezon Avenue, Cotabato City Wednesday. PINATUNAYAN ng lokal na pamahalaan ng
Pandag, sa Maguindanao na hindi hadlang ang kawalan ng Internal Revenue
Allotment o IRA para ipatupad ang programa ni P. Duterte laban sa iligal na
droga.

Katunayan kahapon, 14 na mga drug
pusher at 183 drug users ang sumuko sa kani-kanilang mga barangay official sa Pandag
at nangakong magbabagong-buhay.

Isinagawa naman ang mass oath-taking ng
mga sumuko kahapon sa harap nina Pandag mayor Zihan Mangudadatu, mister nitong
si 2nd District Assemblyman Khadafeh Mangudadatu at Maguindanao Gov.
Esmael Mangudadatu.

Ito ay pinangunahan ng hepe ng Pandag
PNP na si police Insp. Noli Sudaria.

Sinabi ni mayor Zihan Mangudadatu na
kusang sumuko ang naturang mga drug pusher at user kaya maluwag naman itong
tinanggap ng lokal na pamahalaan.

Nangako naman ang alkalde na
magkakaroon sila ng programa para sa rehabilitasyon ng mga sumuko sa kabila ng
kakapusan ng pondo.

Nabatid na mula nang maitatag ang bayan
noong 2006 ay hindi ito nabigyan ng IRA na malaking tulong sana para sa mas
epektibong pagpapatupad ng mga serbisyong pampubliko.

Una nang kumalat ang mga balitang
mayroong drug laboratory sa Pandag subalit mariin itong itinanggi ni mayor
Mangudadatu.

Aniya, mismong ang mga sumukong drug
pusher ang nagkumpirma na walang pagawaan ng iligal na droga sa kanilang lugar
at ang kanilang mga supply ay inihahatid lamang sa kanila mula sa iba’t ibang
lugar.

Samantala, binalaan naman ni Assemblyman
Mangudadatu ang mga sumuko na maging tapat sa kanilang sinumpaan at huwag nang
bumalik pa sa dating iligal na gawain.

Aniya, handa silang tulungan ang mga
gustong magbagong-buhay pero handa rin silang ipataw ang nararapat na parusa sa
mga hindi susunod sa batas.Pinaalalahanan naman ni Governor
Mangudadatu ang mga sumuko hinggil sa masamang dulot ng paggamit ng iligal na
droga.

Idiniin nito na sinisira ng iligal na
droga ang buhay ng mga gumagamit nito ganundin ang kanilang pamilya.

Sa ngayon abot na sa 6, 226 na
indibidwal ang sumuko sa Maguindanao. Ito na ang pinakamataas na bilang ng mga
sumukong sangkot sa iligal na droga sa buong Autonomous Region in Muslim
Mindanao o ARMM.

ISANG BATA
ang nasawi habang abot naman sa mahigit 200 mga indibidwal ang nagsilikas
matapos na muling magkasagupa ang mga sundalo at mga miembro ng Bangsamoro
Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Barangay Meta, Datu Unsay, Maguindanao.

Nangyari ang
bakbakan kahapon ng umaga matapos na inatake ng BIFF ang grupo ng mga sundalong
mula sa Army’s 34th Infantry Battalion na tinutugis ang grupo ni Daud Cansi, na
wanted sa mga kasong multiple murder at extortion.

Sa naturang
sagupaan, limang miembro ng BIFF ang sinasabing nalagas habang dalawang mga
sundalo naman ang nasugatan.

Kinilala
naman ang nasawing batang sibilyan na si Fatima Ilian na aksidenteng tinamaan
ng bala mula sa home-made .50 caliber Barret sniping rifle na ginamit ng BIFF.

Nabatid na
tumagal ng mahigit isang oras ang bakbakan dahilan para pansamantalang isara Cotabato-Gen.Santos
Highway sa bahagi ng Datu Unsay.

Natigil
lamang ang bakbakan matapos na umatras ang tropa ng BIFF matapos magpaputok ng
mortar ang mga sundalo.

Bago ito, una
nang inatake ng BIFF ang detachment ng 19th Infantry Battalion sa Barangay
Kuloy, Shariff Aguak, Maguindanao kamakailan.

Sa ngayon,
sinabi ni Army’s 6th Infantry Division spokesperson Captain Joann Petinglay na
nagpatupad sila ng mas mahigpit na seguridad sa mga lugar sa Maguindanao na
pinamumugaran ng BIFF.

Ayon kay
Petinglay, ang kanilang mga ginagawang hakbang ay may koordinasyon sa joint
ceasefire committee ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front o MILF.

Samantala, agad
namang nagpadala ng relief goods ang mga Maguindanao People’s Medical Team.

Sinabi ng
kanilang team leader na si Lynette Estandarte na nagpa-abot sila ng tulong sa
mga apektado pamilya sa Barangays Kuloy at Meta.

Aniya, balak
din nilang pasukin pa ang mga liblib na mga barangay pero kailangan pa nilang
humingi ng security clearance mula sa militar. SUGATAN
ang isang small time businessman sa Sultan Kudarat, Maguindanao matapos
pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek kagabi.

Sa
report ng Sultan Kudarat PNP, kinilala ang biktima na si Lester Bacason, 52
years old, taga -barangay Bulalo, Sultan Kudarat, at nagbebenta ng pritong
manok.

Batay
sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pasado alas siyete kagabi nang
pagbabarilin ng di nakikilalang suspek si Bacason habang nagpapakain ng kanyang
mga alagang manok sa loob mismo ng kanilang bakuran.

Tinamaan
sa kanyang kanang tagiliran ang biktima sanhi para agad siyang isugod sa isang
pagamutan sa Cotabato city.

Natagpuan
naman sa crime scene ang limang mga basyo ng cal. 45 pistol na pinaniniwalaang
ginamit ng suspek sa pamamaril sa biktima. BOLUNTARYONG
sumuko ang isang nagpakilalang drug pusher sa pamunuan ng Army’s 33rd
Infantry Battalion.

Sa
impormasyon mula kay Army Capt. Mark Soria, sumuko si Abdulatip Pendaliday kay 33rd
IB chief Lt. Colonel Ricky Bunayog, bitbit ang isang M-16 Armalite rifle at cal.
50 Barret sniper rifle.

Ayon
kay Pendaliday, sumuko siya matapos ng sunod-sunod na pagkamatay ng mga
kilalang drug pusher sa iba’t ibang panig ng bansa.

Aniya,
balak na rin niyang magbagong-buhay at may tiwala siya sa kasalukuyang
administrasyon ni P. Duterte.

Bagaman
at hindi naman nito kinilala ang mga pinagkukunan ng supply ng iligal na droga,
nangako si Pendaliday na makikipagtulungan sa mga otoridad para matukoy ang mga
big time drug syndicate sa lalawigan at mga karatig na lugar.

Samantala,
sinabi ni Pendaliday na mahigit isang taon na siyang nagbebenta ng
ipinagbabawal na droga sa mga banana plantation workers sa Barangay Lipao, Datu
Paglas. GINAWARAN
ng wounded personnel medal ang 14 na mga sugatang sundalo sa
nagpapatuloy na all-out offensive ng militar laban sa Abu Sayyaf Group o ASG sa
Basilan.

Ang
simpleng seremonya ay isinagawa mismo sa Camp Navarro General Hospital kung
saan ginagamot ang mga sugatang sundalo na pinangunahan mismo ng Western
Mindanao Command commander Lt. General Mayoralgo Dela Cruz.

Ayon
kay dela Cruz, unang nakapagtala ng anim na casualty mula sa kanilang tropa
nang sumabog ang itinanim ng bomba ng ASG kung saan isa rito ang agad binawian
ng buhay.

Nabatid
na nagsasagawa ng clearing operation ang mga sundalo ng 8th Scout Ranger
Company sa Barangay Baguindan, Tipo-Tipo pasado alas sais ng umaga kahapon nang
mangyari ang pagsabog.

Kasunod
ng insidente, nagpatuloy ang operasyon mga sundalo kaya nadagdgan ang bilang ng
mga nasugatan mula sa tropa ng pamahalaan.

Ang
mga casualty mula sa tropa ng pamahalaan ay nagmumula sa 8th Scout Ranger
Company, 14th Scout Ranger Company at 64th Infantry Battalion.

Ayon
pa kay dela Cruz, hindi titigil ang operayson ng militar sa Basilan at target
pa rin nila ang grupo nina ASG Commander Isnilon Hapilon at Furuji Indama.

Samantala,
isinailalim naman sa state of calamity ang mga bayan ng Tipo-Tipo, Albarka at
Ungkaya Pukan sa Basilan na sentro ngayon ng nagpapatuloy na all-out offensive
ng militar laban sa Abu Sayyaf. Nakinabang sa mahigit P1.5 million na tulong pangkabuhayan ng Department of Labor and Employment o DOLE ang 12,292 na mga mamamayan sa bayan ng Bagumbayan, lalawigan ng Sultan Kudarat.
Ang mga benipisyaryo ng DOLE Integrated Livelihood and Emergency Program o DILEEP ay mula sa siyam na mga barangay ng Bagumbayan.
Ang mga ito ay pinili mismo ng DOLE at lokal na pamahalaan.
Ipinahayag ni Bagumbayan Vice Mayor Jonalette De Pedro na dapat palaguin ng mga benipisyaryo ang kabuhayan na ibinigay sa kanila para sa ikauunlad ng maliliit na negosyante sa kanilang lugar.
Layon ng DILEEP na maibsan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng emergency na trabaho at kabuhayan sa mga mahihirap.
Ilan sa mga nakinabang sa programa ang mga persons with disability at senior citizens na nabigyan ng starter kits para sa carpentry, vending, dressmaking, welding at iba.
Pinaalalahanan naman ni DOLE Sultan Kudarat Field Office Head Arlene Bisnon ang mga benipisyaryo ng programa na palaguin ang kabuhayan na ibinigay sa kanila upang maging ehemplo ng iba pang mga mamamayan sa rehiyon dose. Naniniwala si South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na kulang sa paghahanda ang pamahalaan para matulungan ang mga nag-resurface na drug dependents.
Ayon kay Fuentes marahil ay hindi inaasahan ng gobyerno ang dami ng mga drug dependents na lilitaw kasabay ng pagsisimula ng Duterte Administration.
Nabatid na sa South Cotabato pa lamang abot na sa mahigit 3,500 na mga sangkot sa illegal drugs ang dumulog sa mga otoridad.
Aminado si Fuentes na kulang sa pasilidad o rehabilitation center ang lalawigan para paglagyan sa mga lulong sa illegal drugs.
Wala ring sapat na kasanayan na humawak sa mga adik sa illegal na droga ang mga doctor ng lalawigan.
Kaya ayon kay Fuentes, sa ngayon ay mahalaga pa rin ang suporta ng pamilya para mabago ang isang drug dependent.
Ayon sa gobernador handa namang tumulong ang lokal na pamahalaan sa pagpapa-rehab sa mga drug dependents na may pagasa pa at desididong magbagong buhay. Umaasa si Adelbert Adel” Franco na sa pamamagitan ng kanyang obra ay lalo pang pahalagahan ng mga mamamayan ang kultura ng mga T’boli.
Si Franco na tubong Surallah, South Cotabato ay unti unting nakikilala hindi sa pananahi ng damit ng tao tulad ng kanyang inang mananahi kungdi sa pagbihis T’boli sa mga manyika.
Ayon kay Franco nagsimula siyang gumawa ng T’boli na manyika bilang token at souvenir sa kasal.
Marami ang namangha sa kakaibang T’boli dolls ni Franco kaya dumarami na ang mga mamamayang tumatangkilik dito.
Sa katunayan ayon kay Franco, ang kanyang mga T’boli dolls na kumpleto sa accessories tulad ng kagal, s’loong, hegalong at beadworks ay nakarating na rin sa iba’t ibang bansa.
Karamihan sa mga ito ay inorder sa internet ng mga overseas Filipino workers .
Ang paggawa ng makukulay na T’boli dolls na sinimulan lamang ni Franco bilang hilig o hobby ay nagiging kabuhayan na nito ngayon.
Bawat T’boli dolls ayon kay Franco ay naibibebenta nito ng mula P350 hanggang P1,000 depende sa laki at style ng damit ng mga ito.Bagama’t aminado si Franco na nakatulong ng malaki sa kanilang kabuhayan ang pabebenta ng mga T’boli dolls sinabi nito na nakatulong din ito para sa promosyon ng turismo ng South Cotabato at kultura ng mga T’boli. Itinuturing ng sumisikat ngayong designer mula Koronadal City na si Jared Servano na malaking biyaya ang tagumpay na natatamo nito ngayon sa fashion industry.
Ito ang ipinahayag ni Servano matapos mabigyan ng sunod sunod na break, pinakahuli dito ay ang pagdesinyo ng mga damit para sa concert ng tanyang na singer na si Lani Misalucha sa Agosto.
Matatandaan na matapos magwagi bilang 2nd Runner Up sa Project Runaway Philippines noong nakaraang taon, tuloy tuloy na pang pamamayagpag ni Servano.
Itinahanghal din siyang 3rd placer sa International Fashion Showcase sa London noong Pebrero.
Si Servano rin ang feature designer sa Philippine Fashion Week ng ETC Channel sa Hulyo 17 kung kelan ipapakita ang kanyang mga obra.
Nakilala si Servano sa paggamit ng mga ethnic materials lalong lalo na ng mga B’laan sa kanyang mga desinyo.
Si Servano ay nakabase na ngayon sa Kalakhang Maynila, gayunpaman, ipinahayag nito na malaking bahagi ng kanyang tagumpay ang mga karanasan nito bilang mamamayan ng Koronadal City. Binigyan diin ni Banga, South Cotabato Mayor Albert Palencia na wala siyang kinalaman sa illegal drugs.
Nilinaw ni Palencia na hindi rin siya nag-resurfaced dahil wala naman aniyang dahilan para niya gawin ito.
Sinabi ng alkalde na dahil sa naging pahayag ni South Cotabato Governor Daisy AVance Fuentes lahat silang mga local chief executives ngayon sa lalawigan ay pinagduduhan ng mga mamamayan.
Hamon ni Palencia sa gobernador upang malinis ang pangalan ng walang mga kasalanan, pangalanan na nito ang sinasabing dalawang alkalde sa South Cotabato na sangkot sa illegal drugs.
Sinabi din ni Palencia na wala siyang laboratoryo ng illegal ng illegan na droga.
Sa katunayan ayon kay Palencia, mayroon siyang pinsan na ipinakulong dahil din sa pagkakalulong sa illegal drugs. Maging si Sto. Nino Mayor Pablo Matinong ay itinanggi rin ang pagkakasangkot nito sa illegal drugs.
Ayon kay Matinong sa kasagsagan pa lamang ng pangangampanya noong May 9 elections, isinasangkot na siya sa illegal na droga.
Tulad ni Palencia nais din ni Matinong na tukuyin na ng gobernador ang sinabi nitong mga alkalde na nasa drug wathclist ng mga otoridad upang matuldukan na rin ang pagduda ng mga mamamayan at makapagtabaho na rin sila ng matiwasay.Samantala tumanggi naman si Tampakan Mayor Leonardo Escobillo na magbigay ng pahayag sa usapin dahil ayon sa kanyang staff malinis ang kanyang konsenya.
Ang pagsasapubliko sa mga local chief executives na nasa drug watchlist ay una na ring hiniling ni League of Mayors in the Philippines South Cotabato Chapter President at Tupi Mayor Reynaldo Tamayo Jr. Kay Fuentes.
Naniniwala naman si Fuentes na darating din ang panahon na maisapubliko na ang pangalan ng mga alkalde na umanoy sangkot sa illegal drugs.
Kaya hiling ni Fuentes sa mga local chief executives na kung totoo mang sangkot sila sa illegal na gawain mag-resurface na habang mayroon pang sapat na panahon ang mga ito. KUNG may dapat singilin sa
sahod ng mga benepisyaryo ng proyektong, Tulong Pangkabuhayan para sa mga
Displaced at Disadvantaged o TUPAD Workers, ito ay ang Department of Labor and
Employment o DOLE.

Ito ang paglilinaw na ginawa
sa RADYO BIDA ni Herminia Infanta, siya’ng in-charge ng Public Employment
Services Office o PESO ng Kidapawan City Government.

Sagot ito ni Infanta sa mga
reklamo ng ilang mga benepisyaryo ng TUPAD patungkol sa tagal ng release ng
kanilang sahod.

Ayon kay Infanta, ang PESO
ay nagsilbing facilitator at taga-implementa lamang ng TUPAD sa Kidapawan City.

Sila rin ang nangungulekta
ng mga supporting documents tulad ng Daily Time Records ng mga trabahante para maisumite nila sa Dole. ANG DTR at ang iba
pang mga papeles ang magsisilbing batayan ng Dole sa sasahurin ng kanilang mga manggagawa.

Nito lamang July 12
nakumpleto ng mga benepisyaryo ang pag-submit nila ng mga supporting
documentsyo – halos isang buwan pagkatapos nila’ng gawin ang trabaho sa ilalim
ng proyektong TUPAD.

Sa Kidapawan City, abot sa
769 ang benepisyaryo ng naturang DOLE project. Trenta’y uno sa kanila nagtrabaho ng
kalahating buwan, at ang natira, nagtrabaho ng 10 araw mula July 3 hanggang
July 16 na ang arawang sahod ay P275.00.

NDBC
BIDA BALITA

SUGATAN si Police
Officer 3 Ricardo Cinces ng Kidapawan City PNP nang barilin ng isa sa dalawang
naka-motorsiklong lalaki habang binabaybay ang highway ng Matalam, North
Cotabato, bandang alas-1030 ng umaga ng Miyerkules.

Sa tagiliran ang sugat na
tinamo ni Cinces, ayon kay Senior Inspector Sunny Leoncito, hepe ng Matalam
PNP.

Ayon sa report, patungo na
ng opisina niya sa Kidapawan City ang biktima nang tabihan ng motorsiklo na may
sakay na dalawang lalaki.

Isa rito bumunot ng baril at
binaril ang biktima.

Dahil ‘di napuruhan,
nagawang bumunot ng baril ni Cinces at akma na sanang babarilin ang kanyang mga
attacker nang bigla’ng humarurot palabas ng Barangay Kidama, Matalam.

Agad nakahingi ng saklolo sa
Matalam PNP ang biktima at naihatid siya sa isang ospital para lapatan ng
lunas.

Patuloy pang inaalam ang
motibo at kung sino ang posibleng nasa likod ng tangkang pagpatay sa biktima.

SA
KIDAPAWAN CITY , arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and
Detection Group o CIDG North Cotabato ang isang rape suspect na kinilalang si
Leopoldo Cao ng Roxas St., Poblacion.

Hinuli si Cao sa bisa ng
warrant na inisyu ni Judge Arvin Balagot ng Regional Trial Court branch 17 ng
Kidapawan City base sa kasong rape o paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Rape
Law.

Ang rape, ayon sa report,
naganap noon pang 2015.

Agad dinala sa CIDG
headquarters ang suspect para mai-prisinta sa korte at nang mailipat na sa
Kidapawan City jail.

NILINAW ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO na wala
sila’ng nilabag na anumang polisiya ng Bureau of Jail Management and Penology o
BJMP nang pasukin ng mga tauhan nila ang ilang selda ng Cotabato Provincial
Jail, alas-1030 ng umaga, ng Martes.

Sa
panayam ng RADYO BIDA, sinabi ni CPPO spokesman Superintendent Bernard Tayong
na ang pagdala ng mga high-powered firearm ng kanilang mga tauhan ay proteksyon
lamang nila sa posibleng gawin ng mga preso habang nasa loob sila ng jail
facility.

Di
rin umano lumapit sa mga selda ang mga pulis na may bitbit na armas.

Ang
bukod-tanging pumasok lamang sa mga selda ay mga pulis na walang baril.

NAUNA nang sinabi ni BJMP Cotabato provincial chief,
Superintendent Erwin Ronquillo, na may nilabag na polisiya ang raiding team sa
kanilang Operation Greyhound.

Sinabi
ni Ronquillo na isang miyembro ng raiding team ang umano nanakit ng isa sa mga
preso ng Amas Jail – bagay na mahigpit na pinabulaanan ni Superintendent Tayong.

Sa
surprise raid nito’ng Martes, na-recover ng CPPO ang 13 mga sachet ng shabu,
mga drug paraphernalia, at tatlong deadly weapon – patunay umano na may
nagaganap na bentahan ng shabu sa loob mismo ng provincial jail.

NGCP scheduled power interruption for May 19 cancelled

What: CANCELLED NOTICE OF National Grid Corporation of the Philippines POWER INTERRUPTION When: Sunday, May 19, 2024 | 7:00 - 8:00 AM | 5:00...

Cotabato Light: Increased generation costs lead to a rise in the overall electricity rate

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) increased by P1.90 per kilowatt hour (kWh)...

Lalaking taga Cotabato City patay sa pamamaril sa Sultan Mastura, Maguindanao Norte

PATAY on the spot ang lalaking naka motor nang pagbabarilin ng mga gunmen sa Sitio Amadeo, Brgy. Boliok, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte,...

PNP wants Maguindanao Norte prosecutor out of slain cop's case

MANILA – The Philippine National Police (PNP) has sought the inhibition of a Maguindanao del Norte prosecutor from the case involving the fatal...

2 NPAs die in clash with Army in Lebak

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasawi ang dalawang mga kasapi ng teroristang komunista matapos na makipagbakbakan sa mga operating units...