Sunday Jun, 16 2024 08:04:48 AM

NDBC BIDA BALITA (jULY 28, 2016)

 • 16:38 PM Thu Jul 28, 2016
2,040
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JULY 28, 2016
(THUR)
7and00 AM

HEADLINESand

1. APAT KATAO, arestado sa pagdadala ng
mga baril na pinaniniwalaang walang lisensya at iligal na droga.

2. RESULTA ng Random Drug testing sa
Kabacan PNP Personnel, inilabas na

3. NUMBER ONE sa drug watchlist ng mga
pulis sa Koronadal city, arestado na.

NADAKIP ng mga elemento ng Cotabato
City PNP ang apat na mga indibidwal matapos makuhanan ng mga baril at iligal na
droga sa Barangay Poblacion Singko ng lungsod.

Nakilala ang mga naaresto na sina
Macmud Guiani Lauban, 59 years old na taga-Lugay-Lugay, Barangay Bagua Una ng
lunsod Asharaf Bajunaid, 46, taga- Barangay Bagua Uno Abdulmanan Alim Sulaik,
44 at taga-Barangay Poblacion Mother, Cotabato city at Teng Kudanting
Macabantog, 40 anyos, taga-Talayan, Maguindanao.

Nahaharap ngayon sa patong patong na
kaso ang apat matapos makuhanan ng isang cal. 45 pistol, isang cal. 38 pistol,
dalawag hand grenades na pinaniniwalaang walang kaukulang lisensya at apat na sachets
ng shabu.

Nasakote ang naturang mga indibidwal
dahil na sa mas pinaigting na kampanya ng mga otoridad kotra kriminalidad sa
pakikipagtulungan ng mamamayan ng lungsod.

Naalarma kasi ang mga residente sa naturang
lugar dahil sa presensya ng mga armadong
indibidwal dahilan para magsumbong sila sa mga pulis.

Agad namang rumesponde ang kapulisan ng
lungsod kasama ang baranggay official ng barangay Poblacion Singko.

HULI ang
dalawang mga lalaking ahente ng Davao Reach Global Distributions Company
matapos makumpirmang may dala-dala silang iligal na droga sa loob ng kanilang
minamanehong sasakyan.

Ang dalawang mga
ahente ay kinilalang sina Joseph Martin Nayal Mantoya, 39 years old, taga-Lanang,
Davao City at Rolf Boy Roxas Culaste, 41, taga, Isla Verde, Boulevard, Davao
City.

Naharang ang
mga suspek matapos magsagawa ng checkpoint ang mga operatiba ng Philippine Drug
Enforcement Agency o PDEA-ARMM kasama ang mga sundalo ng 603rd infantry Brigade
sa Brgy. Pigcalagan, Sultan Kudarat, Maguindanao pasado alas-dose ng tanghali
kahapon.

Sa report ng
PDEA-ARMM, nakatanggap sila ng impormasyon na meronng dalawang mga lalaki na papalabas
ng Cotabato city na may dalang iligal na droga.

Inilarawan
din ng kanilang impormante ang mga suspek at maging ang sasakyan na minamaneho
ng mga ito na TOYOTA VIOS at may license plate na KFE 155.

HABANG
nakatigil ang sasakyan sa naturang checkpoint mabilis namang pinalibot at pinaamoy
ng mga operatiba ang naturang sasakyan sa kanilang naka stand-by na K9 unit.

Mismong ang
mga suspek naman ang naghalughog ng kanilang mga gamit at ipinapakita sa mga
operatiba.

Natagpuan sa ilalim
ng KAMBYO ng sasakyan, ang maliit na brown envelope kung saan nakabalot ang 40
GRAMO ng pinaniniwalaang shabu, isang all weather glass tooter, digital
weighing scale, lighter, mga cellphone, iba't ibang sim card at iba pang drug
paraphernalia.

Nabatid na
ang minamaneho nilang sasakyan ay nakarehistro sa kompanya na kanilang
pinagtatrabahuan.

Plano raw ng
mga suspek na ibiyahe ang kanilang dalang shabu sa Davao city na binili pa nila
sa Cotabato City.

Kasalukuyang
nakakulong na sa PDEA-ARMM lock-up cell ang mga suspek habang inihahanda ang
kasong isasampa laban sa kanila.

PATAY
ang isang drug suspect matapos manlaban sa mga otoridad na nagsagawa ng raid sa
dalawang mga bahay sa barangay Tamontaka Mother, Cotabato city, partikular sa
Bubong area.

Sinabi
ni Cotabato City PNP spokesperson Police Sr. Insp. Rowel Zafra na sa ngayon ay
on-going pa ang kanilang imbestigasyon kaugnay ng pangyayari.

Kinilala
naman ni Zafra ang nasawi na si Dens Alipulo alyas Demonyo na isa sa mga
subject ng isinagawang raid ng pinagsanib na pwersa ng City PNP, SWAT, City
Public Safety Force at SOCO ARMM pasado alas kwatro ng madaling araw kanina.

Ayon
kay Zafra, posibleng nanlaban ang suspek kaya nabaril at napatay ng raiding
team.

Samantala,
sinabi ni Zafra na target din ng mga otoridad sa raid ang mag asawang Tonina at
Almori Brahim na matagal nang nasa drug watchlist ng City PNP.

Sila
ay pinaniniwalaang sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga at pagkakaroon ng
mga baril na walang mga kakukulang lisensya.

DEAD
ON THE SPOT ang isang babae matapos pagbabarilin ng hindi pa na kikilalang
suspek sa barangay Bulalo, Sultan Kudarat, Maguindanao pasado alas siyete
kagabi.

Kinilala
ang biktima na si Jeanne Aratoc Payos, 39 years old at residente rin ng
nasabing lugar.

Nagtamo
ng tama ng bala sa ulo ang biktima at iba pang bahagi ng kanyang katawan sanhi
ng agaran niyang kamatayan.

Narekober
naman ng Sultan Kudarat PNP sa crime scene ang limang empty shells ng caliber
45 pistol.

Hanggang
ngayon ay patuloy pang ini-imbestigahan ng mga otoridad ang insidente para
matukoy ang motibo at kung sino ang nasa likod ng nasabing pamamaril. HAWAK
NA NGAYON ng mga otoridad ang tatlong pinaniniwalaang miembro ng isang
organisadong grupo ng sindikato sa Kalamansig, Sultan Kudarat.

Sinabi
ni Sultan Kudarat PNP Director police Senior Superintendent Raul Supiter na nadakip
ang mga suspek na sina Mantingan Silungan alyas Mantingan anak na
si Nowal Kamsa at isa pang indibidwal na kinilala lang sa alyas na Akas ,
sa isinagawang operasyon ng ng Sultan Kudarat PNP.

Ayon
kay Supiter, nakuha sa posisyon ng mga ito ang matataas na kalibre ng baril tulad
ng M-60 machine gun, at mga bala, M-14 magazines, at cal. 45 at cal. 22 na mga
baril.

Nakuha
rin sa mga ito ang 85 sachets ng pinaniniwalaang naglalaman ng iligal na droga.

Kaugnay
nito, napag-alaman din na ang mga nahuling suspek na mag-ama ay may mga kasong
Murder, Frustrated murder at Illegal discharge of firearms kung saan nakatakda
ang mga itong idulog sa korte upang harapin ang kanilang mga kaso.

Samantala,
sabi ni Supiter, patuloy pa nila ngayong tinutugis ang lider ng naturang kriminal
na grupo na si Kumander Tinti. Ipinakilala na sa publiko ang abot sa 11 kandidata para sa Search for the Mutya ng North Cotabato 2016 kaugnay ng nalalapit na ika-102nd founding
anniversary at Kalivungan Festival ng Cotabato sa September 1, 2016.
Ito ay sina Juhaina Al-Issa ng Matalam, Aia Lov Apostol ng Libungan, Hazel Joy Galas ng Kabacan , Pamela Dianne Faye Layo ng Tulunan, Bai karla
Ison ,, Liezel Libria, Sweet Honet Mae Manansala, Kyla Ocso ng Kidapawan City, Juvie May Santander ng M’lang, Lynie Tagctac ng Carmen, at Darlene
Amor Zamora ng Midsayap.

Kaugnay nito pormal na ipinakilala ang mga naggagandahang kandidata sa Capitol Lobby, Amas, Kidapawan City kamakaylan at binisita ng mga ito ang
iba’t-ibang departamento sa kapitolyo.

Ayon kay PGO Media Affairs Focal Person Ralph Ryan Rafael, gaganapin ang Talent Night sa bayan ng Tulunan sa August 21 at ang Grand Coronation
Night sa Capitol, Amas, Kidapawan city sa August 28, 2016.Sinabi ni Rafael na umaasa ang mga organizers na ang mga mananalong dilag ay magiging top contender sa mga national beauty pageants tulad ng Bb.
Pilipinas, Miss Earth at iba pa.Bilang bahagi ng Kalivungan Festival 2016, nais naman ni Gov Emmylou Mendoza na maging makabuluhan ang naturang search at magsilbing daan para
makilala pang lalo ang Lalawigan ng Cotabato sa mga national at international beauty pageants.
Nag-negatibo sa illegal na droga ang lahat ng mga personnel ng Kabacan PNP.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP, ito ay batay sa resulta ng drug test na isinagawa sa mga ito noong nakaraang linggo.

Ang naturang drug test ay pinangunahan ng mga hanay ng SOCO North Cotabato na nakabase sa Kidapawan PNP sa pamumuno ni Chief Inspector Michael
Tan.

Isinailalim sa naturang test ang nasa 40 mga pulisya at gayundin ang miembro ng Task Force ng nasabing bayan

ang PNP sa matagumpay na strong enforcement sa mga kampanya sa bayan.Ayon kay Cordero, bahagi ito ng paglilinis nila sa kanilang hanay upang tiyakin na walang kasapi ng kapulisan ang sangkot sa paggamit, pagtutulak
o protektor ng illegal na droga. Ikinatuwa ngayon ng Kidapawan City LGU ang pagbaba ng bilang ng mga malnourished na kabataan sa lungsod.

Ayon kay City Nutrition and Action Officer Melanie Espina, bumaba ito ng mahigit 50%

Aniya, bunsod na rin ito ng nagpapatuloy na supplementary feeding program ng Department of Social Welfare and development office at sa suporta ng
City LGU sa pangunguna ni City Mayor Joseph Evangelista.
Sa ngayon ang Kidapawan City ay mayroong 106 na mga daycare centers na siyang benipisyaryo ng feeding program kung saan papakainin ang mga ito ng
mga masustansyang pagkain sa loob ng 120 araw.Samantala, ibat-ibang mga aktibidad naman ang inihanda ng City Nutrition office sa gagawing culmination program ng Nutrition Month Celebration
ngayong araw sa Kidapawan city Gymnasium.

Ilan sa mga ito ay ang poster making contest, baby contest na sesentro naman sa nasabing selebrasyon.Nakatakda ring isagawa ng mga paaralan sa North Cotabato ang kanilang culmination program ng Nutrition month sa biyernes.
Dalawang araw bago ang pagsara ng Kidapawan City COMELEC office sa mga nais magpatala sa Katipunan ng Kabataan o KK at Barangay Elections ay
patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga ito sa tanggapan ng COMELEC.

Sinabi ni City COMELEC Officer Atty. Myla Luna, sa ngayon nasa 3,600 na ang nakapag parehistro sa lungsod.Sa nabanggit na bilang 2,000 rito ay nasa edad 15-17 taong gulang.

Target ng COMELEC na umabot sa higit limang libong bontante na siyang lalahok sa nabanggit na pagpipili.

Samantala, mano-mano naman ang magiging sistema o paraan kaugnay sa pagboto ng mga botante.

Kung noong nakaraang eleksyon ay PCOS machine na ang ginamit, ngayong darating na oktubre ay mano-mano na umano.Kinakailangan talagang isulat ng isang botante ang pangalan ng kanyang ibobotong kandidato.

Pero sa usaping teknekilidad, ay bago raw ang oktubre magsasagawa ang COMELEC ng voter's education para hindi malito at walang lalabas na isyung
dayaan sa nabanggit na halalan. Gagawin naman ang filing ng certificate of candidacy sa mga tatakbo sa KK at Barangay Elections ay sa October hanggang October 5, 2016.
Ini- re organisa ng Kidapawan city government ang dalawang konseho na may partipisayon ang ang civil society sa lungsod.Una nito ang City Peace and Order Council o CPOC, at ikalawa ang Local Price Coordinating Council o LPCC.

Ang pagre-organisa sa naturang mga grupo ay sa pamamagitan naman ng isang executive order na inisyu ni City Mayor Joseph Evangelista.Ang CPOC at LPCC ay pinangunahan mismo ni Evangelista.

Sa CPOC, magiging partner o sunod naman ni Evangelista ay si City Councilor Francis Palmones bilang chair ng Committee on Peace and Order sa
Sangguniang Panglungsod, habang sa LPCC ay si City councilor Lee Michael Rualo bilang chair sa SP Committee on Trade and Industry.Miembro naman sa nabanggit na grupo ang mga representante mula sa ibat-ibang sektor at kabilang na rito ang business chamber at media.

Nabatid na ang CPOC, nakatutok sa usapin ng peace and order, habang ang LPCC ay nakatutok sa consumer welfare and protection.

NDBC BIDA BALITA
Abot na sa 20,599 na mga drug personalities ang nag-re-surfaced sa buong Region 12.
Ito ay kinumpirma mismo ni Police Regional Office 12 Informtion Officer, Police Superintendent Romeo Galgo.
Ayon kay Galgo pinakamarami sa mga nag-resurface ay nasa South Cotabato na umaabot sa mahigit 6,000.
Tiniyak ni Galgo na may kaukulang tulong na ibibigay ang gobyerno sa mga resurfacing drug personalities.
Sa katunayan ayon sa police official bilang paunang hakbang, nakikipag ugnayan na ngayon ang PNP sa Technical Education Skills Development Authority TESDA.
Ayon kay Galgo inaalamm pa ng TESDA kung ilan sa mga nag-resurfaced na drug personalities ang babae at lalaki pati na rin ang aged bracket ng mga ito.
Layon nito ayon kay Galgo na matukoy kung anong uri ng livelihood training ang maibibigay sa mga lumitaw na drug personalities sa rehiyon.
Umaapela si Galgo sa mga drug pusher at user na nagaatubili pa ring sumuko at magbagong buhay, na makipag ugnayan sa kanilang barangay officials upang makinabang sa tulong ng pamahalaan. Nasawi dahil sa sakit na dengue fever ang 13 katao sa South Cotabat nitong taon.
Ang mga ito ay naitala sa Koronadal City at mga bayan ng Surallah, Tupi, Norala at Banga.Abot na rin sa 2035 na kaso ng dengue ang naitala ng Provincial Epediomology and Surviellance Unit PESU sa buong South Cotabato mula Enero hanggang Hulyo 23 ngayong taon.Ito ay mas mataas naman ng 48.2% aa 1,373 na kaso ng dengue sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Dahil sa patuloy na pagdami ng mga nagkakasakit ng dengue, maglalagay ng dengue lane ang South Cotabato Provincial Hospital.Ayon kay Chief of Hospital Dr. Conrado Brana, layon nito na magamot agad ang mga dengue patients.
Pinakamaraming nagkasakit ng dengue sa lalawigan ang Koronadal City na mayroong 405, sumunod ang Tupi na may 374 at Surallah na may 360.
Tanging nakapagdeklara pa lamang ng State of Calamity dahil sa dengue ngayong taon ang Tupi.Nilinaw naman ni Koronadal City OIC Health Officer Dr. Jean Genevieve Aturdido na maari lamang ideklara ang state of calamity sa Kornadal kapag naitala ang sunod sunod na pagkasawi dahil sa sakit na dengue fever.
Ayon kay Aturdido, huling nakapagtala ng nasawi dahil sa dengue ang Koronadal noon pang Marso.
Muling pinalalahanan ni Aturdido ang publiko na pinakamabisang paraan pa rin para maiwasan ang dengue ang pagpapanatili ng malinis na kapaligiran Nilinaw ni 27 IB Commander Lt. Col. Bejamin Leander na mananatili pa ring nakaalerto ang militar.
Ito ayon kay Leander ay sa kabila ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tigil putukan sa New Peoples Army.
Sa katunayan ayon kay Leander mananatili pa rin sa mga komunidad ang militar para na rin ipagpatuloy ang iba pa nilang proyekto.Sinabi ni Leander na handa pa rin ang militar na pangalagaanang kaligtasan ng mga sibilyan laban sa rebeldeng grupo kung kinakailaangan.
Ito ay kahit pa ang pagtigil ng opensiba ng militar laban sa rebeldeng grupo.Gayunpaman, nilinaw ni Leander na walang namomonitor na paggagalaw ng anumang grupo lalong lalo na sa kanilang Areas of Responsibility o AOR ang 27th IB.

Hindi na nakapalag pa ang isang drug suspek nang arestuhin ng mga pulis sa Megaland Subdivision,Barangay Carpenter Hill, Koronadal City kahapon.Kinilala ni Koronadal Chief of Police, Superintendent Barney Condes ang suspek na si Renante Magno alyas Natoy”, 37 anyos at residente din sa lugar.Ayon kay Condes ang drug suspek na si Magno ay number 1 sa drug watchlist ngayon ng mga pulis sa Koronadal City.
Nakuha ng PNP mula sa suspek ang apat na medium sachet, dalawang small sachet, at isang malaking sachet ng suspected shabu, P500 marked money at illegal drugs. paraphernalia.Itinanggi naman ng suspek na sa kanya ang mga nasamsam na kontrabando.
Nilinaw ni Department of Social Welfare and Development Officer Dennis Domingo na magpapatuloy pa rin ang programang pantawid pamilyang pilipino program o 4Ps ng ahensya.Gayunpaman aminado si Domingo na tanging mga benipisyaryo ng programa na nasa talaan ng DSWD ngayong 2016 ang maaring lamang makikinabang sa 4Ps.
Paliwanag ni Domingo, nakadepende pa sa magiging pondo ng ahensya sa susunod na taon kung magkakaroon ng bagong myembro ang 4Ps.Ipinahayag ni Domingo na maliban sa pera, inaatas na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabibigyan din ng buwanang supply ng bigas ang mga 4ps beneficiary.Sa ngayon ayon kay Domingo ay inaalam pa kung saan manggaling ang bigas na ipamimigay at ang eskema na gagamitin sa pamimigay nit.
Voice Clip…Si DSWD 12 Information Officer Dennis Domingo.

Darul Ifta hosts inter-faith dialogue to promote peace

The highest Islamic body in the Bangsamoro Region in Muslim Mindanao (BARMM) has gathered leaders of various religious groups in the region to...

Eid'l Adha holiday advisory

Pursuant to the Bangsamoro Holidays Act of 2023 and in line with the traditions and festivities of Eid'l Adha (Feast of Sacrifice), the Bangsamoro...

Shabu dealer killed in shootout with PDEA-12 agents

COTABATO CITY --- Anti-narcotics agents shot dead an elusive shabu dealer in an entrapment operation on Friday night in Koronadal City that turned...

DOLE issues pay rules for Eid’l Adha

MANILA – Private sector employees who will not report for work on June 17, a regular holiday in observance of Eid’l Adha (Feast of Sacrifice),...

2 bata patay nang malunod sa ilog; OVP BARMM, nagbigay ng ayuda at Janazah Kits

COTABATO CITY - TUMAGAL ng halos apat na oras ang paghahanap sa magkapatid na nalunod sa Matampay river, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City...