Tuesday May, 14 2024 10:07:46 AM

NDBC BIDA BALITA (July 5, 2016)

 • 19:32 PM Tue Jul 5, 2016
1,902
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS

NEWSCAST

JULY 5, 2016 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. SUSPEK sa paggahasa at pagpatay sa
isang grade two pupil ng Parang, Maguindanao, patuloy pa ring inaalam ng mga
otoridad.

2. DENR 12 Official, binaril at napatay
sa Koronadal City

3. Alkalde ng Mlang, may hamon sa halos
dalawang daang mga sumukong drug suspect sa bayan

4. LABING ISANG mga pulis na
napatunayang gumagamit ng iligal na droga, tiyak ng masisibak sa tungkulin.

sand//scontent.fceb2-2.fna.fbcdn.net/v/t34.0-12/13608271_10207235465025768_806940825_n.jpg?oh=b11f79e2f78733837a628e7f3065b1b8andampoe=577D5017 (Police suspect that illegal drug has something to do with the crime - DXOM-AM Radyo Bida) Patay ang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources o DENR 12 matapos barilin pasado alas nuebe ng umaga kahapon sa Koronadal City.Kinilala ni Koronadal Chief of Police, Superindendent Barney Condes ang biktima na si Noel Dungca, 54 anyos at regional program coordinator ng DENR 12.Ayon kay Condes mula sa isang mall kung saan bumili ng gamot, ang biktima na nakamotorsiklo ay sinundan ng riding tandem na mga suspek at pinagbabaril pagdating sa entrance ng San Antonio Subdivision Phase 2, sa barangay Santa Cruz.Ang biktimang si Dungca ay dead on the spot matapos magtamo ng multiple gunshot wounds sa ulo.Narekober ng mga pulis sa crime scene ang pitong basyo at isang slug ng 45 pistol.Hindi pa batid ng PNP kung ano ang motibo ng mga tumakas na suspek sa krimen.Gayunpaman umaasa si Condes na makatutulong sa kanilang imbistigasyon ang kuha ng CCTV Cameras sa mga lugar kung saan dumaan ang biktima.Lumalabas sa report na si Dungca ay nasa illegal drug watchlist ng Koronadal PNP. DESIDIDO ang mga magulang ng isang grade
two pupil ng Punta Elementary School sa Parang, Maguindanao, na panagutin sa
batas ang mga suspek na na gumahasa at pumatay sa kanilang walong taong gulang
na anak.

Gayunman, sa ngayon ay hindi pa rin
matukoy ng Parang PNP ang mga responsable sa naturang karumal-dumal na krimen.

Sabi ni Parang chief police Sr. Insp.
Arnold Bulosan na may mga inimbitihan na silang indibidwal na posibleng may
alam sa insidente at isinailalim na rin sa post mortem exam ang mga labi ng batang
biktima.

Nag-alok na rin ng 20 libong pisong
pabuya ang Parang LGU para sa makapagbibigay ng mga impormasyon na makakatulong
para matukoy at maaresto ang mga suspek.Pasado alas siyete ng gabi noong July 2
nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng isang septic tank sa barangay
Magsaysay, Parang.

Nabatid na pasado alas onse pa ng umaga
nang umalis ang bata sa kanilang bahay at mula noon ay hindi na siya nakita pa
ng kanyang mga magulang.

Samantala, umaasa naman ang mga
magulang ng batang biktima na makakamit nila ang hustisya sa tulong ng mga
otoridad at ng mga residente sa lugar. sand//scontent.fceb2-2.fna.fbcdn.net/v/t1.0-9/13592309_1712383019034106_8204942267997985864_n.jpg?oh=27782fda514e20f0ee904e283996c384andampoe=58053335 (The septic tank in Barangay Magsaysay, Parang, Maguindanaowhere the child was thrown off in an attempt to cover up the crime. Suspect remained at large - DXMS-AM) ISASAILALIM
sa mandatory drug test ang lahat ng mga pulis sa region 12.

Katunayan, pinangunahan
ni PNP Regional director Chief Supt. Cedric Train ang mandatory drug testing
kasama ang lahat ng mga miyembro ng General Santos City PNP sa pangunguna naman
ni city PNP director Sr. Supt. Maximo Layugan.

Kasabay ito ng
inilunsad na Project DUTERTE o Drug Use and Trafficking Elimination through
Rehabilitation, Training and Enforcement sa buong rehiyon.

Nakahanda
naman ang pamunuan ng PNP sa rehiyon na isapubliko ang magiging resulta ng
nasabing drug test, kung saan ang sinumang magpositibo ay haharap sa kasong
administratibo at posibleng masibak sa serbisyo.

Samantala,
ginulat naman ni Mayor Ma. Theresa Constantino ang lahat ng mga empleyado ng lokal
na pamahalaan ng Malungon, Sarangani sa pagsasagawa ng surprise drug testing.

Sinabi ni kay
Malungon PNP chief police Sr. Insp. Richard Pabalina na isinagawa ang
surpresong drug testing sa lahat ng mga kawani ng Malungon LGU pagkatapos ng
kanilang flag ceremony kahapon ng umaga.

Kaya naman
walang kawala ang lahat ng mga regular na empleyado ng LGU pati ang mga
miyembro ng pulisya na sumalalim lahat sa naturang drug test sa tulong ng
Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Si Mayor
Tessa ay dating legal officer ng PDEA Region-12, bago nagpasyang tumakbo sa
pagka-alkalde nang nasabing bayan upang humalili sa kanyang amang si former
Malungon Mayor Bongbong Constantino. SINAMPULAN
ng Cotabato City PNP ang mga pasaway na motoristang patuloy na nagsasagawa ng
drag racing sa lungsod.

Kagabi,
apat na mga motorsiklo ang kinumpiska ng mga otoridad matapos na mahuli sa
aktong lumalahok sa iligal na karera ang mga driver nito.

Ang
mga nakumpiska ay kinabibilangan ng isang kulay asul na HONDA XRM 125 na may
plakang NI-6307, dalawang kulay pula na HONDA XRM 125 na walang plaka at isang
kulay itim na HONDA WAVE 100 na pawang wala ring mga plaka.

Nakumpiska
ang mga naturang motorsiklo, pasado alas
dyes kagabi sa Sinsuat avenue.

Mismong
si city vice Mayor Atty. Cynthia Guiani-Sayadi ang nanguna sa panghuhuli kasama
ang mga pulis ng Police Station Two.

Nabatid
na isang araw bago ang eid’l fit’r ay mas pinaigting pa city PNP at City LGU ang
kampanya laban sa mga iligal na aktibidad sa lungsod para mas maging payapa ang
lungsod.

Una na
ring naglabas ng direktiba ang lokal na pamahalaan ng lungsod sa mga mananampalatayang
Muslim na gawing tahimik at payapa ang pagtatapos ng Ramadan.

Mariing
ipinagbabawal ang paggamit ng mga motorsiklong may open pipe o bora bora sa
pagsasagawa ng Takbir at pagsakay sa mga bubong ng mga sasakyan para makaiwas
sa disgrasya. PLANO ng
Commission on Elections o COMELEC na gawin ang pagpapatala ng mga botante sa
Barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections tatlong buwan bago ang eleksyon
sa Oktubre ng taong kasalukuyan.

Sinabi ni
Comelec Commissioner Luie Guia na maaari ng simulan ang voters’ registration sa
July 15 hanggang July 31, 2016.

Paliwanag ni
Guia, hindi nila maaaring patagalin ang registration period dahil sa iksi ng
panahong natitira para maghanda sa nalalapit na halalan.

Sa ilalim ng
batas, dapat gawin ang eleksyon sa huling Lunes ng Oktubre kung saan nataon ito
sa October 31 ngayong taon.

Binigyang
diin ni Guia na bibigyan din ng labinlimang araw ang sinuman upang magsampa ng
protesta ang sinumang nais humarang sa nasabing pagpapatala.

Sa lungsod ng
Cotabato, mayroong tatlumpu’t pitong mga barangay at mahigit isang daang libong
bilang ng mga botante ang aasahang dadagsa sa opisina ng Comelec para sa 15
araw na voter's registration.

Nakasaad sa
batas na sa pinakahuling Lunes ng Oktubre dapat gawin ang barangay at SK polls
kaya naman sa Oktubre 31 ito pumatak.

Nabatid na noong
2013, nabatid na umabot sa mahigit tatlong milyong kabataan ang nagparehistro
upang makaboto sa SK election. IDINEKLARA
ng Malacañang ang July 6 — araw ng Miyerkules — bilang special non-working
holiday bilang paggunita sa pagtatapos ng Ramadan ng mga Muslim o Eid’l Fitr.

Ayon
kay presidential spokesperson Ernesto Abella, nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo
Duterte ang proklamasyon na nagdedeklara sa July 6, bilang special non-working
holiday.

Ipinagdiriwang
ng mga Muslim sa buong mundo ang Eid’l Fitr ng tatlong araw matapos ang halos isang
buwang pag aayuno.

Samantala,
pormal namang inanunsyo ng Grand Mufti, Sheikh Abu Huraira Udasan, na
ipagdiriwang ng mga Muslim ang Eidl Fitr bukas, July 6, bilang paglilinaw sa
mga maling impormasyong lumalabas na nagsasabing ngayong araw na magtatapos ang
Ramadan.

Kaugnay
nito, nakiusap ang Grand Mufti sa mga mamamayang Muslim sa lungsod at mga
karatig na lalawigan na iwasang magpaputok ng baril at gawing payapa at maayos
ang pagsalubong ng Eidl Fitr.

Inaasahan
namang magdadagsaan ang mga mamamayang Muslim sa iba’t ibang mga mosque at
ilang mga paaralan sa lungsod para sa gagawing congregational prayer bukas ng
umaga.

Abot na ngayon sa halos isang daang drug suspect ang boluntaryong sumuko sa Tulunan, North Cotabato.Ito ang ibinunyag ni Sr. Ins Felix Fornan, hepe ng Tulunan PNP kaugnay sa nagpapatuloy na Project Duterte sa buong bansa.Ayon kay Fornan, isasagawa nila bukas ang mass oath taking sa mga sumukong indibidwal kasama ang ibang matataas na opisyal ng Tulunan LGU.Umaasa si Fornan na bilang bagong upong hepe sa nabanggit na bayan ay matutulungan nila ang mga sangkot sa ilegal na aktibidad na magbagong buhay.Samantala, umabot naman ngayon sa 328 na mga drug personalities ang sumuko sa KIDAPAWAN CITY.Nabatid na ang pagsurface ng mga drug dependents ay nagsimula nitong nakaraang biyernes, unang araw sa pag-upo ni Presidente Duterte.Ngayong darating na July 22, pangungunahan mismo ni City Mayor Joseph Evangelista ang Balik Pangarap program, isang proyekto na ang layunin ay tulungang makapagbagong buhay ang isang sumukong indibidwal.Una nang nabanggit ni City Chief of Police Supt. Leo Ajero kasabay ng unang batch ng mass oath ng mga sumuko na nakikipag-ugnayan na ang City LGU sa TESDA at Transport Sector para sa mga posibleng programa na ibibigay sa mga nag-surface na mga drug users, pushers, at couriers sa Kidapawan City. Hinamon ngayon ni Mlang Mayor Russel Abonado ang halos dalawang daang drug personalities na maging sinsiro sa kanilang ginawang pagtalikod sa paggamit ng ilegal na droga.Ayon kay Abonado, malaking hamon para sa mga sumukong indibidwal ang kanilang pag-amin at pagsuko pero tiniyak naman ng alkalde na aalayan sila ng LGU at PNP.Pinag-aaralan na ngayon ng LGU at PNP ang mga livelihood programs na pwede nilang maibigay sa mga sumukong indibidwal.Nais lamang ng opisyal na maging sinsiro sila sa kanilang sinumpaang pangako.VC- ABONADOSamantala, ikinasurpresa naman ni Mlang Chief of Police Supt. Joefry Todeño ang bilang ng mga sumukong drug dependents kahapon sa bayan.Ayon kay Todeño hindi niya inaasahan ang nabanggit na bilang dahil taliwas naman ito sa listahan na kanyang hawak.Pero sa kabila nito, bukas pa rin ang PNP na tanggapin ang lahat na mga nagnanais na magbabagong buhay.Sa ngayon nasa sampung barangay palang ang mga naitalang may mga sumuko habang inaasahan pang madadagdagan ang mga ito. Aasahan ngayon ng daan-daang lokal na magsasaka sa Kidapawn City ang implementasyon ng dlaawang milyong pisong livelihood assistance program.Ang naturang programa ay sa ilalim naman ng Integrated Community Food Production of the National Anti-Poverty Commission (NAPC).Sinabi ni Acting City Agriculturist Nesmero Espejo, nakapaloob sa programa ang pamamahagi ng vegetable seeda at farming tools sa mga mga benepisyaryo na nagmula sa mga 14 na mga barangay ng Kidapawan City na una nang napili ng the Local People Response Action Team.Kabilang na rito ang mga barangay ng
Amas, Amazion, Balindog, Birada, Balabag, Indangan, Kalasuyan, Katipunan, Linangkob, Luvimin, Maceboleg, Onica, Patadon, at Sumbac.Ang ipapamahaging seedlings at garden tool sa kanila ay nagkakahala ng abot sa 700 thousand pesos habang ang 1.2 million pesos naman ay para sa mga cacao at rubber seedlings.Plano namang isailalim sa briefing at orientation ang mga magsasaka para matukoy ang bilang na kanilang dapat i produce na produkto mula sa ibinigay sa kanila.Ayon kay Espejo, malaking tulong aniya ang nabanggit na programa lalo na sa mga magsasakang kulang ang kapasidad na bumili ng kanilang sariling mga gamit.Nagpahayag naman ng malaking suporta si Mayor Joseph Evangelista sa implematsyon ng naturang programa para madama ng mga magsasakang nakatira sa liblib na barangay na handa ang gobyerno na tulungan sila sa kanilang pang-araw araw na buhay. Matapos manumpa bilang pinakamataas na opisyal ng Lalawigan ng Cotabato, aasahan ngayon ang mas marami pang proyekto at programang ipapatupad at ipagpapatuloy ni Gov Emmylou Lala Taliño-Mendoza sa ilalim ng adbokasiyang Serbisyong Totoo”.Layunin nito ay para mapa angat ang buhay ng mga mamamayan ng Cotabato.Kabilang dito ang imprastuktura, agrikultura, pangkabuhayan, edukasyon, sports, peace efforts o initiatives at iba pa.Iginiit ni Gov. Mendoza na sa kabila ng mga pagsubok at krisis na kinaharap ng Pamahalaang Panlalawigan, nanatiling matatag ang kanyang administrasyon kasama ang Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Gov Greg Dodong” Ipong.Kamakaylan lang ay nanguna ang gobernadora sa turn-over of projects sa ilang mga barangay sa Tulunan, Mlang, Kabacan, Arakan, Aleosan, Midsayap, Libungan, Pigcawayan at Kidapawan City.Kabilang sa mga proyektong ito ang road concreting, covered courts, potable water systems at multi-purpose buildings.Maliban rito, patuloy rin ang pamamahagi ng mga corn, rice and vegetables seedlings sa mga magsasakang matinding naapektuhan ng nagdaang drought at ang iba pang mga basic services para sa mga Cotabateños.Kaugnay nito, nanawagan si Gov Taliño-Mendoza sa mamayan na patuloy na makiisa at suportahan ang Provincial Government of Cotabato sa pagpapatupad ng mga programs at projects upang matiyak ang tuluy-tuloy na pag-unlad ng lalawigan. Mariing itinanggi ni Tita Raya ang Principal ng Malasila National Vocational and Technological High School ang alegasyong wala na umanong ibang inaatupag ang mga guro sa kanilang eskwelahan kundi magbenta na lamang sa kanilang bagong tayong school canteen.Ayon kay Raya, may mga teaching loads naman ang kanyang mga guro at tanging bakanteng oras lamang itong nakakabisita sa nabanggit na canteen.VC- RAYAAng pahayag ng principal ay nag-ugat matapos ireklamo ang kanilang bagong tayong school canteen sa loob mismo ng compund.Pero paglilinaw ni Raya na ang naturang canteen ay base sa DepEd Order na kanila lamang sinunod mula sa Deped.Ilang mga evaluation at assesment na rin kasi ang natapos at palaging ang rekomendasyon ay ang pagpapatayo ng sariling canteen sa eskwelahan.Layunin rin nitong maprotektahan ang kanilang mga estudyante mula sa mga unhealthy foods na kadalasang binebenta ng mga vendors sa labas ng compound.Samantala, ngayong darating na biyernes, inaasahan ang gagawing General Assembley sa mga magulang at guro at aasahan rin ang muling pagpapaintindi ng opisyal kaugnay sa nabanggit na DepEd order na kanilang ipinatupad ngayong taon lamang. Hindi na nakapalag pa ang isang dating Assistant Comelec Officer matapos matimbog ng mga kasapi ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG South Cotabato sa bayan ng T’boli.Ayon kay CIDG South Cotabato Provincial Chief, Police Senior Inspector Timothy Arciso, ang suspek na si Ramon Diamante, 62 anyos ay naaresto sa Purok 3, Barangay New Dumangas, T’boli.Si Diamante ay dating Assistant Comelec Officer ng bayan ng Tantangan, South Cotabato.Ang suspek ay inaresto ng CIDG sa bisa ng warrant of arrest ng korte.Ayon kay Arciso inaresto nila ang supek bilang pagpapatupad ng Oplan Pagtugis” flagship project ng CIDG.
Nabatid na si Arciso ay nahaharap sa kasong Malversation of Pubic Funds.Inihahanda na ng CIDG South Cotabato ang paglilipat kay Arciso sa South Cotabato Provincial Rehabilitation and Detention Center mula sa kanilang lock up cell. Kinilala ni Tantangan Chief of Police, Senior Inspector John Rick Medel ang biktima na si Santi Marasigan, 38 anyos at residente ng Extension Digos City.Ayon kay Medel natukoy ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng biktima sa pamamagitan ng ilang mga dokomento at ID na nakita sa pitaka nito.Ang bangkay ng biktima ay natagpuan ng ilang mga residente sa gilid ng national highway, Barangay Magon, Tantangan, South Cotabato kahapon ng umaga.Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na ang biktima ay may tama ng bala ng di pa matukoy na uri ng baril sa ulo na naging sanhi ng pagkasawi nito.Ayon kay Medel, wala ring nakitang palantdaan na lumaban sa mga salarin ang biktima.Posible ayon kay Medel pinaslang sa ibang lugar si Marasigan at itinapon na lamang ng mga salarin sa barangay Magon.Paliwanag ng police official wala rin kasing nakitang basyo ng bala ng baril at palatandaan na doon mismo pinatay sa lugar kung saan nakita ang biktimang si Marasigan.Di pa batid ng mga pulis kung sino ang mga suspek at ano ang motibo ng mga ito sa pagbaril sa biktima. Magpapakitang gilas sa Streedancing Competition ng Golden Anniversary at 17th T’nalak Festival ng South Cotabato ang 17 mga contingent mula sa lalawigan.Ayon kay Provincial Budget Officer at Streetdancing Committee Chair Luz Fontanilla tampok sa kumpetisyon ang tatlong mga kategorya.Kabilang dito ayon kay Fontanilla ang Madal Be’lan na magpapakita ng kultura ng mga T’boli, Kasadyahan sa kapatagan ng mga Kristyano at Kadsagayan A Lalan ng mga Muslim.Maglalaban laman naman sa Madal Be’lan ang Santa Cruz Mission School College Departnent ng Lake Sebu, Surallah Central Elementary School ng Surallah, Kematu Elementary School ng T’boli, Poblacion Polomolok National High School ng Polomolok at Liberty National High School ng Tampakan.
Lalahok naman sa Kasadyahan sa Kapatagan ang Lapuz National High School ng Norala, Tantangan National High School ng Tantangan, Tupi National High School ng bayan ng Tupi at T’boli National High School.Tatlong mga eskwelahan ang magpapakitang gilas sa Kadsagayan Alalan.Ang mga ito ay ang Purok Sison Elementary School ng Surallah, Edwards National High School ng T’boli, at Esperanza National High School ng Koronadal City.Ayon kay Fontanilla ang mga mananalo sa bawat kategorya ay tatanggap ng P150,000 pesos P125,000 at P100,000.
Lahat ng mga kalahok ay nabigyan na rin ng P70,000 seed money para sa kanilang food allowance at financial assistance.Gaganapin ang Streetdancing Competetion sa araw mismo ng kapyestahan ng lalawigan sa July 18. Sabay sabay na nagsagawa ng noise barrage at motorcade ang mga himpilan ng pulisiya sa region 12 kahapon.Ito ay bilang hudyat ng pagsisimula ng Project DUTERTE o Drug Use and Trafficking Elimination Through Rehabilitation Training and Enforcement.Ayon kay Police Regional Office 12 Information Officer, Police Superintendent Romeo Galgo, ang proyekto ay inisyatibo ng PNP 12 upang lalo pang mapaigting ang kampanya kontra illegal na droga.Ipinakikita rin nito suporta ng PNP 12 sa adbokasiya ng Duterte Administration kontra illegal drugs.Layon ng programa na isailim sa rehabilitasyon at mabigyan ng skills training ang mga nagbagong buhay na drug dependents.Ayon naman kay Koronadal City Chief of Police Superintendent Barney Condes, ang pakikiisa ng mga kasapi ng Barangay Peace Keeping Action Team o BPTS sa paglunsad ng Project Duterte ay patunay ng maigting na pakikipag ugnayan ng PNP sa mga barangay upang malutas ang problema ng illegal na droga sa lungsod.

Shiek Guiamaden named Bangsamoro 'Wali'

COTABATO CITY — The Bangsamoro Parliament convened in a special session on Monday, May 13, to officially appoint Sheikh Muslim Guiamaden as the new...

Wanted MILF commander, nakatakas sa CIDG operation sa MagNorte, bata ginamit na human shield

COTABATO CITY - Nakatakas sa warrant implementation ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM si Musa Alamada o kilala bilang...

Cotelco announces power interruption for May 14 in Kabacan

TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following scheduled date...

Suspected 'false killer whale' sighted in SarBay

KORONADAL CITY - The Protected Area Management Office of Sarangani Bay Protected Seascape (PAMO-SBPS) reported the sighting of a suspected ‘false...

PNP eyes transfer of slain cop's case out of Maguindanao Norte

MANILA – The Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) is studying the possibility of transferring the venue of the...