Wednesday May, 15 2024 06:50:57 PM

NDBC BIDA BALITA (July 6, 2016)

 • 18:37 PM Wed Jul 6, 2016
1,931
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

JULY 6, 2016 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. PAGSALUBONG ng Eidl Fitr ng mga
mananampalatayang Muslim sa Cotabato city at mga karatig na lugar, naging
payapa sa pangkalahatan.

2. DILG, di titigilan ang kampanya kontra illegal drugs, ayon kay Sec. Sueno3. PAGPATAY SA ISANG DENR 12 Official, dahil
umano sa iligal na droga, ayon sa PNP

4. Congregational prayer, gagawin ngayong umaga kasabay ng pagtatapos ng Ramadan sand//scontent.fceb2-2.fna.fbcdn.net/v/t1.0-0/p235x350/13620784_10209744933847957_7409668455547836904_n.jpg?oh=288d23111fae6c223d79b371a58d5f48andampoe=57F96D1D (Eid'l Fitr congregational prayer inside ARMM compound in Cotabato City-Photo courtesy of Ferdinandh Cabrera)UMANI ng positibong mga komento at
papuri sa social media ang pagsalubong ng mga mananampalatayang Muslim sa Eidl
Fitr at pagsasagawa ng Takbir kagabi hanggang kaninang madaling araw.

Kapansin-pansin kasi na mas naging
payapa, tahimik at maayos ito, lalo na dito sa Cotabato city.

Sa kanyang facebook account, una na
kasing nakiusap si city vice mayor Atty. Cynthia Guiani-Sayadi sa lahat ng mga
kapwa niya Muslim sa lungsod na salubungin ng maayos at payapa ang Eidl Fitr.

Nakiusap din ang bise alkalde na iwasan
ang pagpapaputok ng baril para makaiwas sa sakuna.

Sa mensahe ni Sayadi, sinabi nito na
ang pag-iingay o pagkalampag o pagbasag ng kahit anong mga bagay ay hindi
pagpapakita ng pagmamahal sa relihiyong Islam.

Aniya, sa pagdiriwang ng Eid dapat
ipakita ang respeto sa isa’t isa.

Sa pangkalahatan, base sa record ng
City PNP, walang naitalang nasawi o nasaktan sa pagsalubong ng Eid.

Samantala, kanina ay dinagsa na ng mga
mananampalatayang Muslim ang iba’t ibang mga venue para sa congregational
prayer bilang bahagi ng Eidl Fitr celebration.

At… dahil deklaradong holiday ang araw
na ito, tiyak din na dadagsain ang iba’t ibang mga resort sa mga karatig na
probinsiya ng Maguindanao at North Cotabato kaya naman todo alerto ang mga
otoridad para matiyak ang kaligtasan ng mga magdiriwang ng Eid’l Fitr. sand//scontent.fceb2-2.fna.fbcdn.net/v/t1.0-9/13590479_513119988894483_4126493176534648316_n.jpg?oh=1cd7f6c04c60fa70dbc0c19a366a0681andampoe=57F00AD3 (Muslim soldiers of the 6th Infantry Division attend congregational prayer inside the 6th ID grandstand on July 6, 2016 - 6th ID photo) SERYOSO at
hindi nagbibiro si P. Rody Duterte sa pagsasabing lilinisin niya ang bansa sa
iligal na droga sa loob ng anim na buwan.

Ito ang
tahasang sinabi ni bagong upong Interior and Local Government Sec. Mike Sueno
sa panayam sa DXMS AM Radyo Bida ngayong umaga.

Kaya naman,
sabi ng kalihim, tuloy tuloy ang mas pina-igting na kampanya ng PNP laban sa
iligal na droga, partikular sa paghuli sa mga bigtime drug syndicate at
pag-rehabilitate naman sa mga drug user.

Sinabi ni Sueno
na naging mahigpit din ang pagpapatupad ng Project Duterte kung saan daan-daang
mga pulis na ang sinibak at may ilang mga opisyal ng PNP din ang pina
iimbestigahan dahil umano sa pagkakasangkot sa bentahan ng iligal na droga sa
bansa.

Pero tiniyak
naman ni Sueno na dadaan sa due process ang imbestigasyon laban sa mga
idinadawit sa illegal drug trade.

Samantala, sa
ngayon aniya, ay nakatutok din sila sa paghahanap ng mapagtatayuan ng mga
rehabilitation center para sa mga sumusukong drug user.

Aniya, balak
din nilang humingi ng tulong sa mga malalaking kumpanya para sa pagpapatayo ng mga
rehab center. PANIBAGO NA
NAMANG insidente ng pagnanakaw ng motorsiklo ang naitala ng Cotabato City PNP kahapon.

Pinakahuling
biktima ang isang sundalo na kinilalang Cpl. Harris Solano, 29 years old, na nakadestino
sa Army’s 6th Infantry Division, Camp Sionco, Awang, datu Odin Sinsuat,
Maguindanao.

Ayon sa
biktima, alas tres ng madaling araw kahapon ay ipinarada niya ang kanyang kulay
asul na Honda XRM 125 na may plakang MN-3004 sa tapat ng isang paaralan sa Sinsuat
Avenue.

Ngunit nang balikan
ay nawawala na ang kanyang motorsiklo.

Ito na ang ikatlong
kaso ng pagnanakaw ng motorsiklo na naitala sa lungsod ng Cotabato ngayong
buwan, sa loob lang ng isang linggo.

Noong
nakaraang araw ng linggo, pinaniniwalaang tinangay din ng kawatan ang isang
kulay itim na Honda XRM 125 sa kaparehong lugar at isang kulay it in din na
Honda Wave 100 sa super market area.

PATULOY
NGAYON ang inilunsad na allout offensive operation ng militar laban sa Abu
Sayyaf Group o ASG sa bulubunduking bahagi ng Punoh Amitul, Barangay Baguindan
sa Tipo-Tipo, Basilan.

Ayon
kay Western Mindanao Command o WestMinCom spokesperson Major Filemon Tan, ang
operasyon ay nagsimula nitong Linggo kung saan nagsagawa ng serye ng airstrike
at artillery fire ang tropa ng Joint Task Force Basilan.

Sabi
pa ni Tan, target nila ang lugar na pinaniniwalaan pinagtataguan ng humigit
kumulang 150 Abu Sayyaf members na pinagungunahan nina Abu Sayyaf commander
Furuji Indama at Isnilon Hapilon.

Gayunman,
sa ngayon ay wala pa namang naitatalang casualty sa panig ng Abu Sayyaf at
maging sa mga sundalo.

Una
rito, kumalat sa internet ang video ng mga nagpakilalang mga miyembro ng
international terrorist na ISIS na sinasabi na kinikilala nila si Basilan
based-Abu Sayyaf Commander Hapilon.

Pero
hindi naman sinabi ni Tan kung may kaugnayan sa naturang video ang paglunsad
nila ng operasyon sa Basilan.

Nabatid
na si Indama ay isa sa mga natitirang kilalang commander ng Abu Sayyaf na
target ng US government.

Ito ay
may patong sa ulo na umaabot sa 5 million US dollars o mahigit 200 milyong piso. ITUTURO
na sa mga estudyante ang pag-iwas sa bawal na gamot at sa sindikato at sa mga
taong gumagamit at nagtutulak nito.

Sinabi
ni Education Secretary Leonor Briones na sa ilalim ng kanyang pamumuno ay mahigpit
na sisiyasatin at paklalakasin ang syllabus kaugnay ng drug education.

Aniya,
magpapatupad sila ng hiwalay na asignatura tungkol dito alinsunod na rin sa
isinusulong na polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga.

Ayon
pa kay Briones, inatasan na sila ng pangulo na simulan na ang pagrepaso sa
syllabus, at iniutos na simulan ang pagtuturo ng drug literacy mula sa mga
estudyanteng nasa ikaapat na baytang.

Iginiit
ng kalihim na dapat ding maituro sa mga bata kung paano nila malalaman kung
sila ba ay ineengganyo na ng isang drug pusher sa ganitong iligal na gawain,
kung paano sila tatanggi at kung saan sila dapat magsumbong sakaling may
mag-alok sa kanilang gumamit ng bawal na gamot. Sinimulan ang mandatory drug testing ng mga pulis sa South Cotabato sa Provincial Police Headquarters sa Koronadal City kahapon.
Ayon kay PNP Provincial Director, Police Senior Superintendent Franklin Alvero, layon nito na malinis sa illegal na droga ang hanay ng pambansang pulisiya.
Ang mandatory drug testing ayon kay Alvero ay bilang suporta na rin ng pulisiya sa kampanya kontra illegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tiniyak ni Alvero na lahat ng mga pulis sa lalawigan anuman ang ranggo o katungkulan ay dadaan sa mandatory drug test.
Binigyan diin ng police official na kung hindi man lang gumagamit ng illegal drugs hindi na dapat magatubiling sumailalim sa drug test ang isang pulis.
Nanawagan din si Alvero sa mga kasapi ng PNP na gumagamit ng illegal na droga na kung mayroon man, na magbagong buhay na at magsilbing modelo sa mga komunidad na kanilang pinagsisilbihan.
Umaapela ang pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato sa mga mamamayan na makisaya sa Golden Anniversary at 17th T’nalak Festival na itapon ng tama ang kanilang mga basura .
Ayon kay Provincial Environment and Management Officer Siegfred Flaviano, pagmumultahin ang simumang lumabag sa Anti-Littering Ordinance ng lalawigan na mariing ipatutupad sa siyam na araw na selebrasyon.
Binigyan diin ni Flaviano na kadalasan kasi ay nagiging problema ng PEMO ang dami ng mga basurang nakakalat sa mga kalye pagkatapos ng pagdiriwang.
Si Flaviano na siya ring Chairperson ng Committee on Solid Waste Management ng pestibal ay bumalangkas ng mga programa para matiyak ang kalinisan sa mga lugar na pagdarausan ng iba’t ibang aktibidad.
Kabilang sa mga ito ang pagsasagawa ng orientation hinggil sa tamang pagtatapon ng basura ,kasama ang iba pang komite ng T’nalak, stakeholders, stall owners, at occupants.
Magsisilbi ring enforcer ng komite ang T’nalak Festival Task Force Kalinisan” na binuo ng PEMO Maaring drug related o may kinalaman sa illegal na droga ang pagkakapaslang sa isang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources o DENR 12 sa Koronadal City
Ito ang ipinahayag ni Koronadal City Chief of Police Superintendent Barney Condes matapos kumpirmahin na nasa drug watchlist ng pulisiya ang biktimang si Noel Dungca.
Matatandaan na si Dungca, 54 anyos, Regional Program Coordinator ng DENR 12 ay binaril ng riding tandem na mga suspek sa San Antonio Village, Phase 2 pasado alas nuebe ng umaga noong Lunes.
Ayon kay Condes si Dungca ay posibleng itinumba din ng mga kasamahan nitong drug dependents.
Ipinahayag ng police official na kung hindi naunahan ng mga salarin, plano din ng Koronadal City PNP na magsagawa ng anti illegal drug operation laban kay Dungca.
Pinalalakas pa ng Philippine Carabao Center of the Philippines o PCC ang kampanya nito para sa artificial insemination ng mga kalabaw sa Koronadal City.
Ito ay matapos lumabas sa datus na sa 1,500 na kalabaw ngayon sa Koronadal abot lamang sa 500 dito ay pawang mga babae.
Ayon kay PCC 12 Regional Director Benjie Basilio, para maparami ang populasyon ng mga kalabaw sa lungsod mayroon na silang training program sa mga technicians na magsasagawa ang artificial insemination sa bawat barangay.
Binigyan diin ni Basilio na dapat paramihin muli ang mga kalabaw para maisalba mula sa tuluyang pagkaubos at makatulong sa kabuhayan ng mga mamamayan.
Ayon kay Basilio, mahalaga din ang infusion ng semilya ng buffalo hindi lamang para manganak ang isang kalabaw kungdi pati na rin maparami rin ang produksyon ng carabao milk.
Ayon kay Basilio ang gatas ng kalabaw ay nagtataglay kasi ng alpha-lactalbumin na mabisang panlaban sa cancer cell. Tiniyak ni Koronadal City Mayor Peter Miguel na buo ang suporta ng lokal na pamahalaan sa Project DUTERTE o Drug Use and Trafficking Elimination through Rehabilitation, Training and Enforcment ng pulisiya sa rehiyon dose.
Ayon kay Miguel, kung mayroon pang ibang Non Government Organizations o NGO na magsagawa ng grassroots training program kontra illegal na droga ibibigay ng city government ang all out support para sa mga ito.
Ipinahayag din ng alkalde na kung nais ng mga nag-resurfaced na drug dependents na magkaroon ng livelihood programs, tutulong din sa mga ito ang pamahalaang lokal.
Ito ay sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo para dito.
Kinumpirma naman ni Koronadal Chief of Police, Superintendent Barney Condes na patuloy pa rin sa pagdulog sa Koronadal City Police Station ang mga drug dependents na nais magbagong buhay.
Nauna nang ipinahayag ng police official na hangga’t hindi pa naaresto ng mga otoridad, maari pa ring pumunta anumang oras sa himipilan ng pulisiya ang mga sangkot sa illegal na droga na nais magbagong buhay sa Koronadal City.
Abot na sa mahigit 600 drug dependents ang nag-resurfaced at nangakong magbagong buhay sa Koronadal City.

Cotelco: All area collection offices close on May 16

KIDAPAWAN CITY - Inanunsyo ng Cotabato Electric Cooperative na ang Area at Collection offices ngayong Mayo 16, 2024 (Huwebes) ay sarado upang...

Cotabato Light announces power interruption for May 19 in Awang

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company today announced a scheduled power interruption affecting Crossing Awang, Datu Odin Sinsuat on...

P3.4-M worth shabu seized in Marawi City PDEA operation

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P3.4 million worth of shabu from a dealer entrapped in Marawi City on Tuesday...

Secretary Galvez lauds BARMM accomplishments, priority codes passage

COTABATO CITY — “The Bangsamoro Parliament has done more than enough,” said Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr., commending them...

GSIS offers emergency loan to members affected by rabies, El Niño

MANILA – Around 77,000 members and pensioners of the Government Service Insurance System (GSIS) from 13 areas in the country affected by rabies...