Thursday May, 02 2024 06:24:32 PM

NDBC BIDA BALITA (June 13, 2016)

 • 17:35 PM Mon Jun 13, 2016
2,384
By: 
NDBC

NEWSCAST

JUNE 13, 2016
(MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. KALIGTASAN ng lahat ng mag-aaral sa buong bansa, tiniyak ng PNP.

2. LOLO,
kalaboso sa pagdadala ng iligal na droga sa Pikit, North Cotabato

3. Suspected rapist na napalaya, muling
naaresto sa panibgong anti -illegal drug operation sa Koronadal
City

4. IED natagpuan ng basurero sa Midsayap, North Cotabato

TINIYAK ng PNP na nakatutok sila ngayon
sa pagbabantay sa nasa 25 milyong estudyante sa kinder, elementary at high
school na dadagsa sa unang araw ng pagbubukas ng klase sa buong bansa.

Pangunahing binabantayan ng mga
kapulisan ang mga manggagantso, holdaper at snatcher na maaaring mambiktima ng
mga estudyante.

Nakatutok din ang mga pulis sa mga
small time drug pusher na posibleng puntiryahin ang mga kabataang papasok sa
eskwela dahil may mga allowance ang mga ito.

Para matiyak naman ang kaligtasan ng
mga estudyante mula sa iligal na droga, umapela ang kapulisan sa mga guro at
school officials, at maging sa mga magulang na makipagtulungan sa mga otoridad.

Ayon sa PNP, aktibo pa rin ang mga drug
syndicate sa pambibiktima ng mga kabataan kaya dapat lagging paalalahanan ang
mga kabataan hinggil sa masamang epekto ng iligal an droga.

Dapat din na ipaalam sa PNP ang mga
estudyante na sangkot sa droga upang
agad na masawata at matukoy ang pinanggagalingan nito.

Samantala, ayon naman kay Education
Sec. Armin Luistro, all system go ang kagawaran para sa pagbubukas ng school
year 2016-2017 ngayong araw.

Sinabi ni Luistro, nasa isang milyon
ang papasok sa Senior High Scholl o Grade 11, habang ang 24 milyon ay sa
kindergarten, elementary hanggang grade 10 mula sa mga pribado at pampublikong
paaralan sa buong bansa.

Aniya, walang katotohanan ang pahayag
ng mga militanteng mag-aaral na 303,722 estudyante lamang ang nag-enrol sa SHS
bagkus ay nasa isang milyon na ang papasok sa grade 11 na siyang first batch ng
full implementation ng K-12 program ng pamahalaan.

Inaasahan ni Luistro na dadami pa ang
mag-eenrol hanggang sa June 17 na siyang huling araw na maaaring i-accommodate
ang isang estudyante sa SHS na late enrolees.

Nagbanta
ang Abu Sayyaf Group o ASG na pupugutan ang isang dahuyang bihag ngayong araw
kung wala silang matatanggap na ransom para sa kalayaan ng nina Robert Hall at
Norwegian Kjartan Sekkingstad na kasamahan ng napatay na Canadian na si John
Ridsdel.

Humihingi
ang ASG ng 300 million pesos para sa bawat bihag.

Noong
2009 ay nagdeklara si dating Sulu Gov. Sakur Tan ng state of emergency sa
lalawigan upang tutukan ang kidnappings at terorismong dala ng Abu Sayyaf.

Samantala,
walang magaganap na peace talks ang pamahalaang Duterte sa ISIS-linked Abu Sayyaf
at ito ay kinumpirma ni incoming peace adviser Jesus Dureza.

Bago
lumipad patungong Oslo si Dureza para sa preliminary talks sa mga communist
rebels sa pagbubukas ng peace negotiations, ay tuluyang ng ibinasura nito ang
anumang pag-uusap sa Abu Sayyaf at sinabing It has to face the full force of
the law for their terrorism and criminal acts.”

Naunang
sinabi ni President-elect Rodrigo Duterte na posibleng magde-deklara ito ng
martial law sa Sulu at Basilan, na kabilang sa mga lalawigang sakop ng Autonomous
Region in Muslim Mindanao.

SINUNGALING
at sinisiraan lang daw siya ng lumantad na nagpakilalang survivor sa
pananambang na naganap noong September 2014 sa isang ilog sa Timako area, sa
barangay Kalanganan Dos, Cotabato city.

Sinabi ni Barangay
Kalanganan kagawad Datu Ayunan Pasawiran na hindi niya kilala si Tengan Akmad

Nagpakilalang
asawa ng nasawing si Saimona.

Ayon pa kay
Pasawiran, sa kanyang pagkaka alam ay si Jainal Dimatingkal ang totoong mister
ni Saimona na nagsampa sa kanya noon ng kaso kaugnay ng naturang pananambang.

Gayunman,
aniya, na-dismiss ang naturang kaso at napatunayang wala siyang kinalaman.

Sabi ni
Pasawiran, si Abu Omar aniya ang pangunahing suspek sa naturang insidente.

Samantala,
nabatid naman na sina Tengan Akmad at Jainal Dimatingkal ang pangunahing suspek
naman sa pananambang at pagpatay sa ina ni Pasawiran na si Bai Lilang Ayunan.

Iginiit din
ni Pasawiran na wala siyang kinalaman sa pag kidnap at pagpatay sa negosyanteng
si Adin Yu.

Kasinungalingan
din daw ang sinasabi ni Tengan Akmad na sangkot sila sa pagbebenta ng iligal na
droga.

Itinanggi rin
nito na sangkot si vice mayor-elect Atty. Cynthia Sayadi sa mga drug
trafficking.

Aniya,
politically motivated ang mga pahayag ng dalawa at ito ay para siraan lang ang
mga nakaupong opisyal ngayon ng lungsod.

Samantala,
ibinunyag ni Pasawiran na sina Akmad at Dimatingkal ay pawang pinaghahanap ng
otoridad dahil sa kinakaharap na mga kaso.

Aniya, ang
dalawang ay nagta trabaho umano sa fish pondo ni dating city vice mayor Mus
Sema.
Samantala,
hinamon naman ni Pasiwiran sina Akmad at Dimatingkal na magsama ng kaso para
magkaharap-harap sila at malaman sa korte kung sino ang nagsasabi ng totoo.

KULUNGAN
ang bagsak ni Esmael Usop Mande, 28 years old, may asawa at taga- barangay Bagua
Dos, Cotabato City.

Ito ay
matapos na mahuli siyang nagnakaw ng cologne sa isang convenient store sa
Sinsuat Avenue.

Pasado
alas singko ng hapon kamakalawa nang maaktuhan ng gwardiya ng isang convenience
store ang suspek na ibinubulsa ang isang pabango na nagkakahalaga ng 99 pesos.

Dinakip
ng gwardiya ang supek at agad na dinala sa police station 1 kung saan ito ay naka
ditine sa ngayon.

Samantala,
isang kawani naman ng Department of Agrarian Reform o DAR -MAGUINDANAO ang
pinakabagong biktima ng akyat bahay sa lungsod.

Kinilalala
ang biktima na si Myrna Padios Arsa, 53 ng Molave street, San Pablo Village.

Nakuha
mula sa bahay ng biktima ang tatlong laptops na nagkakahalaga ng mahigit 20
thousand pesos ang isa, cellphone, relo at 3 thousand pesos cash.

Ayon
kay Arsa, iniwan nila ang kanilang tahanan noong Biyernes, June 10, para
pumunta ng Davao city.

Pagkabalik
nila kinabukasan ay natuklasan na lang nila na pinasok na ng mga kawatan ang
kanilang bahay. Dumalo sa ika 118th Independence Day Celebration sa Koronadal City ang daang daang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, pribadong sektor at non government organizations at iba pang grupo kahapon.
Tampok sa selebrasyon ang wreath laying o pagaalay ng bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal sa Rizal Park.
Ginunita naman ng mga taga Koronadal ang kalayaan ng bansa sa pamamagitan ng theatrical presentation na nagpapakita sa mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng Pilipinas bago nakamit ang kalayaan mula sa mga dayuhan.
Naging daan naman ang pagdiriwang upang hilingin ni Koronadal City Mayor Peter Miguel sa publiko ang suporta sa kampanya kontra illegal na droga ni President-elect Rodrigo Duterte.
Ipinahayag ng alkalde na kung noon, ipinaglaban ng mga Pilipino ang kalayaan ng bansa mula sa mga dayuhan, dapat namang magkaisa ngayon ang mga Pilipino na labanan ang illegal na droga.
Binigyan diin ni Miguel na dapat ay pagtuunan ng pansin ng gobyerno ngayon ang paghuli ng mga malalaking isda na sangkot sa illegal drugs.
Ayon kay Miguel tanging mga nahuhuli lamang kasi sa Koronadal ang mga drug retailers o mga maliliit na isda habang nakalalaya pa rin ang supplier ng mga ito na matatagpuan sa karatig lugar ng Koronadal.
Matatandaan na apat na mga suspected drug pusher at user ang natimbog sa anti illegal drug operation ng mga pulis sa Koronadal City noong nakaraang linggo
Pansamantala mang makalaya, balik kulungan naman ang isang suspected rapist matapos matimbog sa anti illegal drug operation ng mga pulis sa Koronadal City kahapon.
Kinilala ni Koronadal City Chief of Police, Superintendent Barney Condes ang suspek na si Ramil Lamoste, 32 anyos at residente ng Purok Urban, Barangay San Isidro sa lungsod.
Nakuha ng mga pulis mula kay Lamoste ang dalawang sachet ng suspected shabu at motorsiklo na umanoy ginagamit nito sa illegal drug transaction.
Ang suspek ay natimbong sa Osmena Street, barangay Zone II pasado alas nuebe kahapon.
Ayon kay Condes si Lamoste ay kasama ng kapatid nitong kinasuhan ng panghahalay sa magkakapatid na menor de edad noong nakaraang linggo.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na posibleng lango sa illegal na droga ang mg suspek nang agawin ang krimen.
Maliban sa kasong panggahasa si Lamoste ay kakasuhan din ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. Bubuksan din kasabay ng pagsisimula ng pasukan ngayong araw ang abot sa 506 senior high school sa iba’t ibang lugar sa region 12.
Ayon kay DepEd 12 OIC Regional Director Arturo Bayocot ang mga pribado at pampubulikong ekswelahan na ito ay inaasahng papasukan ng mahigit 64,000 Junior High School complete na papasok sa Grade 11 sa school year 2016-2017.
Kabilang sa mga magbubukas ng Senior Junior High School sa region 12 ayon kay Bayocot ang 342 na mga public schools at 164 Non-DepEd Senior High School.
Ayon kay Bayocot, 462 sa 652 Junior High school sa rehiyon dose ay mga nasa pampublikong eskwelahan habang 190 naman sa mga private schools.
Nilinaw ni Bayocot na hindi lahat na mga eskwelahan na may Junior High School ay nag-ooffer din ng Senior High School.
Dinagdag din ni Bayocot na sa apat na mga track na ino-offer sa Senior High School , mahigit 34 thousand o 53 percent ang nag enroll sa academics.
Kabilang dito ang Science and Technology, Engineering and Mathematics o STEM, Accountancy, Business and Management o ABM, Humanities and Social Scientists o HUMSS, at General Academics o GAS.
Inihayag ni Bayocot sa mahigit 29 thousand o 46 percent sa unang batch na papasok sa K to 12 ay mas piniling magaral ng Technical-Vocational Livelihood, 383 o one percent ang Arts and Design, at 205 o zero percent sa Sports.
Ang DepED 12 ay nakapag-hire na rin ng 1,542 Grade 11 Teachers,at 296 Guidance Counselors na sinanay sa Senior High School Career Guidance Program.
Dinagdag ni Bayocot na maging ang 295 public school heads at 169 na nga non teaching personnel ang DepEd ay sinanay din sa K to 12 Curriculum Naghahanda na para sa pagpapatupad ng Early Year’s Act ang mga Day Care Workers sa South Cotabato.
Ito ay ayon kay Provincial Social Welfare and Development Office-Day Care and Women Welfare Program Coordinator Sonia Bautista.
Ipinahayag ni Bautista na ang mga day care workers ay sasanayin sa pagpapatupad ng Early Year’s Act Curriculum.
Ito ayon kay Bautista ay paglalaanan ng pondo ng pamahalaang panlalawigan.
Umapela naman si Bautista sa mga local government units, na maglaan ng konting pondo para sa seminar ng kanilang mga day care workers.
KInumpirma din nito na sa sampung mga bayan sa lalawigan,tanging naglaan pa lamang ng pondo at humiling ng tulong sa PSWDO para sa seminar ng kanilang mga day care workers ang mga bayan ng Surallah at Tupi.
Inihayag ni Bautista na bilang pagsunod sa Early Child Act, ang mga Day Care Centers ay papangalanan nang Child Development Centers habang tatawagin namang Child Development Workers ang mga Day Care Workers.
Gayunpaman nilinaw ni Bautisa na dapat ito ay aprubahan muna ng Sangguniang Panlalawigan. Umaapela si South Cotabato PNP Provincial Anti Illegal Drugs Special Operation Task Group Action Officer Police Chief Inspector Ramil Villagracia sa mga sangkot sa illegal na droga na sumuko na.
Ito ayon kay Villagracia ay habang may panahon pa at hindi pa nasimulan ng Duterte Administration ang pagtuis sa mga ito.
Ipinahayag ng police official na kung patuloy na magmamatigas kungdi man kulungan maaring sementeryo ang kahahantungan ng mga drug pusher at user.
Ang pahayag na ito ni Villagracia ay kasunod ng pakakumpiska ng mga pulis sa mahigit P400 thousand na halaga ng suspected shabu sa isa umanong drug pusher.
Ang 34 anyos na si Tong Samama, residente ng Datu Odin Sinual,Maguindanao, ay inaresto matapos magpanggap na bibili sa kanya ng isang sachet ng umanoy shabu si Villagracia.
Nakuha ng mga pulis mula sa suspek sa kanilang anti illegal drug operation sa national highway barangay Zone IV ang 11 malaking sachet ng suspected shabu.
Kinumpirma ni Villagracia na si Samama ay matagala nang binabantayan ng mga pulis dahil sa maramihan nitong pagpapasok ng illegal na droga sa South Cotabato.

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...