Monday May, 06 2024 03:12:56 PM

NDBC BIDA BALITA (june 14, 2016)

 • 19:19 PM Tue Jun 14, 2016
1,726
By: 
NDBC

NEWSCAST

June 14, 2016
(TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. ISA PANG Canadian hostage ng Abu
Sayyaf sa Sulu, pinugutan na umano ARMM governor, kinondena ang insidente.

2. Kalahating sako ng pinaniniwalaang Marijuana
at umano’y shabu, nakuha ng PDEA sa dating driver ng alkalde ng Banga, South
Cotabato

3. Atty. Sayadi, nagsalita ukol sa alegasyon laban sa kanya kagnay ng ambush at kidnapping sa Timako.4. Daan-daang mga residente sa Koroandal, apektado ng sirang tulay sa Barangay Namnama. KINUMPIRMA ng tagapagsalita ng Abu
Sayyaf Group o ASG na itinuloy nila ang pagpugot sa isa pa nilang Canadian
hostage matapos na mabigo ang pamilya nito at mga otoridad na ibigay ang
kanilang hinihinging 600 million pesos na ransom.

Sabi ni ASG spokesperson Abu Raami,
pinugutan na nila si Robert Hall matapos na mapaso ang itinakdang deadline
kahapon.

Ayon kay Rami, ang ulo ni Hall ay
itinapon na nila sa isang lugar sa Jolo.

Gayunman, sinabi ni AFP Public Affairs
Office chief Col. Noel Detoyato na hanggang ngayon ay patuloy pa rin nilang
kinukumpirma ang ulat na pinugutan na si Hall.

Ayon naman kay Sulu Provincial Police
Office Director Police Sr. Supt. Wilfredo Cayat na kahapon ng umaga ay
nagkaroon pa ng negosasyon para pigilin ang ASG na pugutan ang dayuhang bihag.

Samantala, isang ulong pugot naman na
nakasilid sa isang itim na plastic bag ang natagpuan ng mga pulis sa Jolo,
Sulu.

Ayon kay Jolo-PNP chief Police Supt.
Junpikar Sittin, na-recover r nila ang ulo pasado alas-nuebe kagabi sa tabi ng
Carmelite Cathedral.

Aniya, ang naturang ulo ay tila mula sa
isang matandang lalaki na caucasian-looking.

Pero hindi pa naman nakumpirma kung ito
na ba ang ulo ng sinasabing pinugutan na si Robert Hall na bihag ng Abu Sayyaf.

Kaugnay naman ng balitang pagpugot sa
dayuhang bihag ng Abu Sayyaf ay mariing kinondena ni Autonomous Region in
Muslim Mindanao o ARMM Gov. Mujiv Hataman ang naturang hakbang.

Ayon kay Hataman, labis niyang
ikinalungkot ang pangyayari, kaya nananawagan siya sa mga kapwa niya Muslim na
magkaisa at muling buuin ang kanilang pananampalataya na pilit binubuwag ng
iba.

Aniya pa, napakawalang saysay ng
ganitong mga karahasan at terorismo.

Nakakadismaya rin aniya dahil naganap
ang naturang karahasan, isang linggo makaraang magsimula ang banal na buwan ng
Ramadan.

Giit pa ni Hataman, hindi ito ang ibig
sabihin ng Islam at ang mga miyembro ng Abu Sayyaf ay maituturing na
makasalanan at hindi tunay na Muslim.

Bilang mga Muslim aniya, naniniwala
sila na ang pagpatay sa isang tao ay pagpatay na rin sa buong sangkatauhan, at
ang pag-sagip sa isa ay pagsagip na rin sa lahat.

Nabatid na una ng pinugutan ng ASG ang
Canadian hostage na si John idsdel noong April 25, at itinapon rin ang ulo nito
sa isang basurahan malapit sa munisipyo ng Jolo matapos na hindi maibigay ang 300
million pesos na ransom.

Kabilang pa sa nalalabing Samal
hostages ay ang Norwegian na si Kjartan Sekkingstad at ang Pinay na si Maritess
Flor.

Sila ay binihag sa Ocean View Resort sa Island
Garden City of Samal noong September 21, 2015 saka dinala at itinago sa Sulu. PATULOY PA
RING inaalam ng mga pulis mula sa Police Station 2 ng Cotabato city, ang
pagkakakilanlan ng isang lalaking binaril at napatay sa lungsod.

Sa inisyal na
imbestigasyon ng City PNP, nangyari ang
pamamaril sa di pa nakikilalang biktima kaninang pasado alas tres ng madaling
araw sa tapat ng tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources
Region 12 sa Sinsuat Avenue.

Nagtamo ng
apat na tama ng bala ang naturang biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanyang
katawan mula sa cal. 45 pistol, na naging ng kanyang kamatayan.

Nabatid na
naglalakad lamang umano ang naturang lalaking biktima sa nabanggit na lugar
nang pagbabarilin ng hindi pa rin nakikilalang suspek.

Wala pa ring
makitang motibo ang mga otoridad sa naturang insidente.

Ayon sa City
PNP, ang lalaking biktima ay nakasuot ng maong na pantalon, kulay itim na T
Shirt at naka bonnet ng itim.

Kaugnay nito
ay nanawagan naman ang pulisya sa mga nawawalan ng kamag-anak na magtungo sa
kanilang tanggapan para kilalanin ang bangkay ng naturang lalaki. MAY
MAGANDANG HINAHARAP na nakikita ang pamunuan ng lokal na pamahalaan ng Cotabato
City.

Ito ay
matapos na naging mabunga ang unang pagpupulong ni city mayor-elect Japal
Guiani, Jr. at incoming president Rody Duterte sa Davao city.

Nabatid
na personal na inimbita ng susunod na pangulo si Guiani para pag usapan ang mga
plano kaugnay ng pagpapalawig ng investment potentials ng lungsod na inaasahang
magbubukas ng maraming trabaho para sa mga mamamayan ng lungsod at mga karatig
na bayan sa Maguindanao at North Cotabato.

Nagkasundo
si Duterte at Guiani na ang tanging daan tungo sa pagkamit ng kaunlaran ay sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng mapayapang syudad.

Nabatid
na makikiisa rin si Guiani kay Duterte sa pagsugpo ng iligal na droga kaya asahan
na ang mas maigting na kampanya laban sa mga drug pusher sa lungsod.

Samantala,
tuloy tuloy naman ang mga aktibidad sa pagdiriwang ng 57th Araw ng
Cotabato.

Sinabi
ni City Tourism Officer Gurlie Frondoza na kagabi ay ginanap ang talent
presentation ng walong kandidata ng Mutya ng Cotabato 2016.

Aniya,
nanalo bilang Miss Talent si Finalist No. 8 Em Jane Copreros na nagpamalas ng
galing sa interpretative dancing.

Sabi
pa ni Frondoza, kaabang abang din ang coronation night sa June 19, sa Shariff
Kabunsuan Cultural Complex.

Ang iba
pang aktibidad ay ang Gabi ng Parangal na gaganapin ngayong gabi.

May
mga magaganap ding cultural presentation at sports activities araw-araw
hanggang sa June 20, mismong anniversary day ng lungsod.

Mayroon
ding Pagkuya sa Awang o boat race ngayong Biyernes, June 17 na gaganapin sa
Tamontaka river.

NAGSALITA NA
RIN si Cotabato city vice mayor-elect Atty. Cynthia Sayadi hinggil sa mga
akusasyon ng nagpakilalang survivor ng naganap na sa pananambang na naganap
noong September 2014 sa isang ilog sa Timako area, sa barangay Kalanganan Dos, na
si Tengan Akmad

at Jainal
Dimatingkal.

Iginiit ni
Sayadi na kasinungalingan at gawa-gawa lamang ang mga pahayag ng naturang
indibidwal na aniya ay hindi niya kilala at hindi niya pa nakikita kahit
kailan.

Una rito, sinabi
ni Jainal Dimatingkal na tauhan ni Sayadi si Barangay Kalanganan kagawad Datu
Ayunan Pasawiran na responsable raw sa pananambang at pagpatay kay Saimona at
mga anak nito.

Ito rin daw
ay sangkot sa pagdukot sa negosyanteng si Adin Yu at sangkot pa umano ang mga
nabanggit na opisyal sa bentahan ng iligal na droga sa lungsod.

Bagay na
mariin namang pinabulaanan ng incoming vice mayor.

Naniniwala si
Sayadi na politika ang nasa likod ng paninira sa kanya.

Una na ring
itinanggi ni Barangay Kalanganan kagawad Datu Ayunan Pasawiran ang naturang
alegasyon ay sinabing hindi niya rin personal na kilala sina Akmad at
Dimatingkal.

Kaugnay nito
ay desidido si Sayadi na magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga indibidwal na pilit
na sumisira sa kanyang reputasyon at pagkatao.

NAGPAPATULOY
ang mga medical, dental at relief missions ng People’s medical team ng
Maguindanao provincial government ngayong Ramadan.

Sinabi
ng kanilang team leader na si Lynette Estandarte na namahagi sila ng mga
pagkain sa mga Masjid sa iba’t ibang mga bayan sa lalawigan para sa mga
mamamayang nagbubuka.

Aniya,
ilan sa mga bayan na kanila nang napuntahan ay ang Buluan, Pandag, Datu Paglas,
Mangudadatu at Gen. S. K. Pendatun

Nabatid
na tumutulong din ang Maguindanao people’s medical team sa pagkukumpuni ng mga
sirang classroom sa ilang mga bayan sa Maguindanao kabilang na ditto ang Pilar
National High School at Lumao National High School sa South Upi.

Namahagi
rin sila ng mga school bag at supplies sa marami pang mga bayan sa probinsya.

Samantala,
inaasahan naman na madaragdagan pa ang mga scholar ng Maguindanao provincial
government sa ilalim ng Maguindanao Program on Educational Assistance and
Community Empowerment o Mag-PEACE.

Sinabi
ni Estandarte, siya ring Mag-PEACE focal person, na nasa mahigit isang libong
scholars ang nagtapos noong nakaraang school year kaya inaasahang mahigit isang
libo rin ang madaragdag ngayong taon.

Sa
ngayon ay mayroon ng mahigit anim na libong scholars ang MagPEACE na nag aaral
sa iba’t ibang mga state college sa Maguindanao, Sultan Kudarat, Tacurong city
at Cotabato City. Mula sa 23 noong nakaraang lingo umaabot na ngayon sa 45 na mga umano’y sangkot sa illegal na droga ang bolontaryong dumulog sa Police Station ng Surallah, South Cotabato.
Ayon kay Surallah Chief of Police, Chief Ispector Joel Fuerte, kada araw ay may mga drug suspek na pumupunta sa Surallah PNP at nangakong magbabagong buhay simula nang ipabatid nila sa publiko na hawak nila ang listahan ng mga ito.
Sinabi ng police official na sampu sa mga sumuko ay mga drug pusher dalawa ang nasa drug watchlist ng pulisiya habang ang iba naman ay drug users.
Binalaan ni Fuerte ang mga sangkot sa illegal drugs sa Surallah na mayroon lamang sila hanggang June 15 para bolontaryong sumuko at pumirma ng certificate of undertaking.”
Tiniyak ni Fuerte na mananatiling lihim ang pangalan ng mga drug user at pusher na lalapit sa Surallah PNP.
Naniniwala naman ang police official na nagsimulang maglitawan ang mga drug suspect sa Surallah,ilang lingo bago ang pagupo ni President elect Rodrigo Duterte na nagpahayag na hindi nito sasantuhin ang mga sangkot sa illegal drugs. Nakakumpiska ng mahigit kalahating sako ng dried Marijuana leaves sa kanilang antil illegal drug operation sa Banga, South Cotabato ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12.
Kinilala ni PDEA 12 Regional Director Lyndon Aspacio ang suspek na si Virgilio Brillo Jr, 45 anyos at dating driver ni Banga Mayor Albert Palencia.
Nilinaw ni Palencia na naging driver nito ang suspek nang siya ay naging Ex officio member ng Sangguniang Bayan ng Banga.
Ayon kay Palencia nang mahalal na alkalde inirekomenda niya si Brillo para maging driver ng SB hanggang sa masisante dahil umano sa pagkakasangkot sa illegal na droga.
Sinalakay ng PDEA ang bahay ng suspek na ginawa umanong shabu tiangge” sa Purok Pagasa, Barangay Punong Grande Banga, pasado alas dose kahapon.
Kinumpirma ni Aspacio na maliban sa mga tuyong Marijuana leaves, nakuha din mula sa suspek ang tatlong malaking sachet ng suspected shabu at drug paraphernalia.
Ang mga kasama umano ni Brillo na sina Anthoy Esteva at alyas Toto ay pawang nakatakas bago pa man dumating ang mga pulis.
Ipinahayag ni Aspacio na nakipag ugnayan na rin sila sa Highway Patrol Group ng pulisiya matapos matuklasan din sa lugar ang mga pinaghiwalay na parte ng apat na motorsiklo na walang kaukulang mga papeles.
Aminado naman si Punong Grande Chairman Bobby Delalamon na matagal na nilang pinagsabihan ang suspek na itigil na ang umano’y illegal nitong Gawain.
Ang naarestong si Brillo ay kakasuhan naman ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Sinira ng malakas na agos ng tubig ang temporaryong tulay na naguugnay sa Barangay General Paulino Santos at Namnama sa Koronadal City.
Ito ang dahilan kung bakit hirap ngayon sa pagtawid sa ilog maging ang mga residente sa kapit brangay ng mga ito na Avancena, Koronadal at Tamnag sa Lutayan.
Matatandaan na matapos sirain ng baha ang konkretong tulay Hunyo 24 noong nakaraang taon naninigil ng bayad ang mga residente sa mga dumadaan sa ipinagawa nilang tulay .
Ayon kay Koronadal City Administrator Cyrus Urbano minabuti pa rin ng mga mamamayan na magbayad at dumaan sa delikadong tulay kesa sa bumiyahe ng mas mahabang ruta.
Ngunit ngayong sira na naman ang temporaryong tulay, nahaharap na naman sa kaparehong problema ang mga mamamayan na dumadaan dito.
Tanong tuloy ng ilang mga residente sa lugar, ano ang ginagawa ng Koronadal city government para maresolba ang problema.
Ayon naman kay City Mayor Peter Miguel tinitingnan pa ngayon ng lokal na pamahalaan kung ano ang makabubuti sa nakararami.
Ipinahayag ng alkalde, na kapag nagpatayo ng temporaryong tulang ng city government maari rin kasing mawalan ng kabuhayan ang pitong grupo na umaasa dito.
Ipinahayag ng alkalde na kailangan din ng lokal na pamahalaan na magbayad sa mayari ng lupain na pagtayuan ng tulay.
Isa din sa posibilidad na maaring gawin ayon kay Miguel ang pagtulong o pagbibigay ng subsidy sa mga residenteng nagpatayo ng tulay upang di na makapaningil ng sobra na dinaraing naman noon ng mga motorista.
Abot na sa 90 porsyento ng mga estudyante sa Grade 11 sa buong rehiyon ang nakapag-enroll.
Ito ang tiniyak ni Department of Education o DepEd 12 OIC Regional Director Arturo Bayocot sa panayam sa kanya ng Radyo Bida Koronadal.
Umaasa naman si Bayocot na kasabay ng pagsisimula ng klase kahapon ay nakapag-enroll na sa Senior High School ang nalalabing sampung porsyento ng mga ito.
Ayon kay Bayocot, abot sa mahigit 64,000 ang inaasahan ng DepEd na mapabilang sa unang batch ng full implementation ng K to 12 program.
Ang mga ito ayon kay Bayocot ay papasok naman sa 506 na mga eskwelahan na mayroong senior high school.
Inihayag ni Bayocot na 342 na mga Senior High School sa region 12 ay kabilang sa mga public schools at 134 naman ang pinamamahalaan ng mga private schools.
Umapela naman si Bayocot sa mga papasok ng senior high school na mag-enroll na at huwang nang hintayin pa ang deadline na itinakda ng DepEd ngayong Hunyo.
Naghahanda na para sa pagpapatupad ng Early Year’s Act ang mga Day Care Workers sa South Cotabato.
Ito ay ayon kay Provincial Social Welfare and Development Office-Day Care and Women Welfare Program Coordinator Sonia Bautista.
Ipinahayag ni Bautista na ang mga day care workers ay sasanayin sa pagpapatupad ng Early Year’s Act Curriculum.
Ito ayon kay Bautista ay paglalaanan ng pondo ng pamahalaang panlalawigan.
Umapela naman si Bautista sa mga local government units, na maglaan ng konting pondo para sa seminar ng kanilang mga day care workers.
KInumpirma din nito na sa sampung mga bayan sa lalawigan,tanging naglaan pa lamang ng pondo at humiling ng tulong sa PSWDO para sa seminar ng kanilang mga day care workers ang mga bayan ng Surallah at Tupi.
Inihayag ni Bautista na bilang pagsunod sa Early Child Act, ang mga Day Care Centers ay papangalanan nang Child Development Centers habang tatawagin namang Child Development Workers ang mga Day Care Workers.
Gayunpaman nilinaw ni Bautisa na dapat ito ay aprubahan muna ng Sangguniang Panlalawigan.

PRO-BAR chief Tanggawohn bestowed posthumous award to Capt. Moralde

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - The Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region bestowed posthumous award to late PCPT ROLAND ARNOLD...

Suspected gunrunners huli, mga armas nakumpiska sa kanila sa Alamada

COTABATO CITY - KULONG na ngayon ang dalawang mga gunrunners matapos mahuli ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM sa isang...

High value drug peddler falls, yields 150 grams of shabu in Lanao Sur

MARAWI CITY - Lanao del Sur PPO's Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Special Operations Group, 1st Provincial Mobile Force Company, Marawi...

6 armed villagers wounded in Basilan ambush incident

COTABATO CITY - Ambushers seriously wounded six men in a rival group in an attack early Saturday in Sitio Lessem, Barangay Bato-Bato, Akbar...

DA: Price freeze needed only in areas under state of calamity

MANILA – The Department of Agriculture (DA) on Friday said that a price freeze of rice and other basic commodities should only be implemented in...