Monday Apr, 29 2024 09:20:33 AM

NDBC BIDA BALITA (June 15, 2016)

 • 16:59 PM Wed Jun 15, 2016
2,061
By: 
NDBC

NEWSCAST

MAY 07, 2016 (THU)
7and00 AM

HEADLINESand

1. LABING WALONG mga kolehiyo at
unibersidad sa region 12, pinayagang magtaas ng singil sa tuition ngayong
school year.

2. Asawa ni PO1 Romeo Solana, dismayado
sa mabagal na imbestigasyon ng PNP sa pagkakawala
ng kanyang mister

3. MGA SUMUKONG SUSPEK na sangkot sa
bentahan ng iligal na droga sa South Cotabato, dumarami4. OPAPP, umaasa pa ring maipapasa ang BBL sa panahon ni President elect Duterte

ABOT sa labing walong colleges and universities sa region 12 ang
nabigyan ng pahintulot ng Commission on Higher Education o CHED 12.

Gayunman, sinabi ni CHED 12 Chief
Administrative Officer Maria Teressa Samonte na hanggang 6.26% lang ang
maaaring itaas ng tuition fee sa mga napahintulutang paaralan.

Ito aniya ang base sa ng regional
inflation rate na mula naman sa datus ng National Economic Development Agency.

Pero sabi pa ni Samonte, anim na mga
paaaralan ang magpapatupad ng limang porsyentong tuition fee increase na mas
mababa kaysa itinakda ng CHED 12 na base sa regional inflation rate.

Ito ay ang Dr P Ocampo College sa
Cotabato city,

Kings College ng Koronadal City at ang STI
Colleges sa mga lungsod ng Cotabato, Koronadal, Tacurong at General Santos City

Aniya, ang iba pang 12 paaaralan ay
nagpatupad ng 6.26% na tution fee increase

Samantala, sinabi ni Samonte na ang isa
sa mga kondisyon ng pagtataas ng tuition fee ay para madagdagan ang sahod ng
mga guro at school personnel.

Dapat din aniya na mapa-unlad din ng
naturang mga paaralan ang kanilang mga pasilidad.

Aniya, ang tuition fee increase ay
kailangan ding dumaan sa konsultasyon sa kanilang mga estudyante, mga guro at
iba pang stakeholders.

NAKILALA na
ang lalaking binaril at napatay sa Cotabato city kahapon ng madaling araw.

Ito ay si ROEL
ANTON PULIDO, 28 years old, hiwalay sa asawa, walang trabaho at taga SOUSA
STREET, barangay Rosary Heights 1 ng lungsod.

Nabatid na
huling nakita si Pulido noon pang JUNE 13 na PALABOY-LABOY AT HUMIHINGI NG PERA
AT PAGKAIN.

Una rito,
binaril ang biktima pasado alas tres ng madaling araw kahapon sa tapat ng
tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources Region 12 sa
Sinsuat Avenue.

Nagtamo ng
apat na tama ng bala ang naturang biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanyang
katawan mula sa cal. 45 pistol, na naging ng kanyang kamatayan.

Nabatid na
naglalakad lamang umano ang naturang lalaking biktima sa nabanggit na lugar
nang pagbabarilin ng hindi pa rin nakikilalang suspek.

Wala pa ring
makitang motibo ang mga otoridad sa naturang insidente.

Ayon sa City
PNP, ang lalaking biktima ay nakasuot ng maong na pantalon, kulay itim na T
Shirt at naka bonnet ng itim nang matagpuan ng mga otoridad. IPAPASA
NA ng Government Peace Panel ang posibleng pagpapatupad ng naudlot na proposed
Bangsamoro Basic Law o BBL sa susunod na mamumuno sa peace talks ng gobyerno at
Moro Islamic Liberation Front o MILF.

Tiniyak
naman ni GPH peace panel chair Prof. Miriam Colonel-Ferrer na maayos nilang
isasalin ang buong trabaho, data-based system at accomplishments sa susunod na
peace lieutenants ni President-elect Rodrigo Duterte.

Ayon
kay Ferrer, itu-turn over ng panel ang set of mechanisms para sa pagpapatupad
ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro, mula sa ceasefire hanggang sa
camps transformation at decommissioning, transitional justice at over-all
monitoring ng kasunduan.

Ikinatwiran
ni Ferrer na kung wala ang CAB-compliant Bangsamoro law ay malabong
maisakatuparan ang decommissioning ng mga armas ng Bangsamoro Islamic Armed
Forces at ang pagpapatupad ng normalization track.

Dahil
dito, INIHAYAG ni Ferrer na magkakambal ang pagsusulong ni President Duterte ng
Federalism at ang napurnadang BBL ng Aquino administration.

Aniya,
mismong si Duterte ang nagpahayag ng suporta sa BBL na umanoy tanging daan sa
pagtamo ng kapayapaan at katarungan ng Bangsamoro people.

TUMANGGAP
ng parangal ang DXMS AM Radyo Bida at DXOL Happy FM ng Notre Dame Broadcasting
Corporation sa ginanap na Gabi ng Parangal kagabi sa Cotabato City.

Ito ay
bilang pagkilala sa kontribusyon ng nabanggit na mga himpilan mas epektibong maipatupad
ng lokal na pamahalaan ng lungsod ang kanilang mga programa.

Kinilala
rin ng City LGU ang malaking papel na ginampanan ng DXMS AM Radyo Bida at DXOL
Happy FM para mabigyan ng impormasyon ang publiko sa mga kaganapan sa lungsod,
mga plano ng City LGU at implementasyon ng mga ito.

Sinabi
ni City Tourism Officer Gurlie Frondoza na iginawad ang kauna-unahang Kulintang
Award sa iba’t ibang mga indibidwal at organisasyon mula sa iba’t ibang sektor.

Aniya,
mula sa mga negosyante, alagad ng batas at media, hanggang sa mga civic
organization, ay may mahalagang papel na ginampanan para maging epektibo at
matagumpay ang mga programa ng City LGU.

Sa
kanya namang mensahe sa Awards Night kagabi, laubos na pinasalamatan ni city
vice mayor-elect Atty. Cynthia Guiani Sayadi ang lahat ng mga awardee dahil sa
walang sawa pagsuporta ng mga ito sa mga programa ng City LGU.

Aniya
pa, magiging mahirap para sa City LGU na makamit ang kanilang mga layunin at
maipatupad ng epektibo ang kanilang mga plano, kung walang tulong mula sa iba’t
ibang sektor sa lungsod.

Umaasa
naman si Sayadi sa mas matibay pang kooperasyon at partnership tungo sa mas
maunlad at mapayapang Cotabato city.

NAGPAPATULOY
ang mas maigting na law enforcement operation ng militar sa mga bulubunduking
bahagi ng Sulu matapos ang panibago na namang pagpugot sa isa sa kanilang
banyagang bihag.

Ayon
kay Western Mindanao Command spokesperson Major Filemon Tan, sa ngayon ay
naglunsad pa nang intensified law enforcement operation ang kanilang tropa.

Si
Hall ay napaulat na pinugutan matapos lumampas sa ibinigay na deadline ng Abu
Sayyaf upang maibigyay ang hinihingi nilang ransom demand.

Layunin
pa rin ng AFP operations ay para maisalba ang mga natitira pang biktima ng
kidnapping mula sa kamay ng mga kidnapper.

Sinabi
ni Tan na hindi rin makakaapekto sa kanilang operasyon ang panahon ng Ramadan
na ginugunita ngayon ng mga Muslim.

Samantala,
nakatakda nang ibigay sa kanyang pamilya ang mga labi ng Canadian na si Robert
Hall na pinugutan ng Abu Sayyaf matapos na hindi maibigay ang 300 million pesos
na ransom kapalit ng kanyang kalayaan.

Pasado
ala una ng madaling araw kahapon nang dumating sa Zamboanga City galing Jolo,
Sulu ang mga labi ni Hall sakay ng UH-1H helicopter.

Agad
namang dinala sa Maynila si Hall sa pamamagitan ng C130 plane ng Philippine Air
Force.

Ang
pugot na ulo ni Hall ay nagtagpuan bago mag alas 9and00 ng gabi kamakalawa, sa
harap ng Jolo Cathedral na nakasilid sa plastik.

Inakala
pa ng mga otoridad na bomba ang laman ng plastic pero nang buksan ito ay nakita
ang ulo ng Caucasian looking na lalaki.

Samantala,
hindi pa naman inilalabas ng mga otoridad ang impormasyon kung paanong narecover
ang katawan ni Hall. Ipagpapatuloy ng lokal na pamahalaan ng Koronadal City ang drug testing sa lahat na mga empleyado nito.Ito ang tiniyak mismo ni City Mayor Peter Miguel.Naniniwala ang akalde na bago pa man tugisin ang mga illegal drug users at pusher dapat munang tiyakin na ligtas sa droga ang Koronadal City Hall.
Matatandaan na hindi natuloy ang pagsagawa ng drug test sa mga kawani ng lokal na pamahalaan noong nakaraang taon dahil sa mga prosesong dapat sundin ng city government.Kaugnay nito, umaapela naman si Miguel sa mga mamamayan na tumulong sa pagsawata ng problema sa illegal na droga.
Ayon sa alkalde, basta’t naibigay lamang ng mga mamamayan ang pangalan at address ng mga drug suspek , bahala na ang lokal na pamahalaan sa pagtugis sa mga ito.Sinabi ni Miguel na ang mga drug puser at user ay maaring isumbong sa pamamagitan ng pag text sa cellphone number 0939 912 9902
Ang pagsagawa ng drug test sa mga empleyado ng Koronadal City Government ay kasunod naman ng pag positibo umano sa droga ng sampung mga kawani ng South Cotabato Provincial Government na isinailalim sa random drug testing. Bumaba mula 7.7 noong nakaraang taon sa 5.01 percent ngayong taon ang malnutrisyon rate ng mga batang magaaral sa South Cotabato.
Sa katunayan ayon kay Integrated Provincial Health Office Nutrition Program Coordinator Francy Aguilar, anim sa mga barangay na nasa atop 20 list na may pinakamaraming malnourished na bata ay natanggal na sa kanilang talaan.
Kabilang sa mga barangay na ito na matagumpay na nalabanan ang malnutrisyon ang New Pangasinan sa Koronadal City, Tinago sa Norala, Datal Dlanag sa T’boli, Halilan ng Lake Sebu, Lampitak sa Tampakan at Cacub sa Koronadal City.
Kinumpirma din ni Aguilar na bumuti rin ng 40 percent ang nutritional Status ng walo sa dalawampu na mga prayoridad na barangay.
Para lalo pang malabanan ang malnutrisyon, sampung mga barangay ang tinukoy para maging prayoridad ng mga programang pang nutrisyon sa South Cotabato.
Sinabi ni Aguilar na maliban sa regular na mga programa nito, nakikipag tulungan din silasa iba’t ibang grupo, para lalo pang mapabuti ang kalusugan ng mga batang magaaral sa South Cotabato.
Nabatid na target ng provincial nutrition office na makuha na maging Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition o CROWN awardee muli ng national nutricion council ngayong taon. Pinakahuling sumuko sa mga pulis sa lalawigan ng South Cotabato ang 37 na gumagamit at nagbebenta ng illegal na droga sa bayan ng Banga.
Ayon kay Banga Deputy Chief of Police, Inspector Ludivico Rendaje, ang mga sumuko ay lumagda sa certificate of understanding.”
Ang mga ito ayon kay Rendaje ay binigyan ng dalawang buwan ng PNP para magbagong buhay.
Kampante naman si Rendaje na dadami pa ang mga sangkot sa illegal drugs ang susuko sa bayan ng Banga.
Sumuko na rin at nangakong magbagong buhay ang anim na mga lulong sa illegal na droga sa bayan ng Norala.
Ito ay kasunod naman ng pagsuko ng 37 mga lulong sa illegal na droga sa bayan ng Surallah.
Dahil sa takot na matimbog sa Oplan Rody” kontra droga ng Duterte Administration, tiwala ang pulisiya na dadami pang mga sangkot sa illegal na droga ang susuko sa South Cotabato. Naglaan ng mahigit P2.3 milyon inisyal na pondo ang lokal na pamahalaan ng Koronadal para sa mga delegado ng lungsod na lalahok sa CIOFF World Folkloriada 2016 sa Zacatecas Mexico sa July 30 hanggang August 14.
Ayon kay City Mayor Peter Miguel ang pondo ay gagamitin para sa mahigit 30 mga myembro ng Hinugyaw Cultural Dance Troupe ng lungsod na kakatawan sa Pilipinas sa naturang international folklore festival.
Sinabi ng alkalde na ang World Folklariada ay pangunahing event ng International Council of Organizations of Folklore Festival ang Folk Arts.
Ibibida dito ng mga Koronadal Performers ayon kay Miguel ang kultura ng mga B’laan at iba pang mga katutubong mamamayan ng lungsod.
Ayon sa alkalde ang pakikilahok ng Koronadal sa aktibidad ay bilang pagtanaw na rin ng utang na loob sa Mexico na nakiisa rin sa Koronadal International Folklore Festival noong nakaraang taon.
Ipinaliwag din ni Miguel na bilang associate member ng CIOFF obligado ang Koronadal City na mag host ng international event na susulong sa kultura ng mga katutubo at pagdalo rin sa kahalintulad na aktibdad sa ibang panig ng mundo.
Ipinahayag ni Miguel na dahil sa lahat ng gastusin ng mga delegado ay aakuhin ng city government, maaring magdagdag pa ng city government ang pondo para dito. Patay ang 23 anyos na si Aries Libuon, matapos maaksidente sa sinakyan nitong motorsiklo sa national highway, Barangay Poblacion, Tantangan, South Cotabato kahapon.
Ayon sa saksi sa insidente na si Jong Tibangin, si Libuon ay nasawi nang aksidenteng mabangga ng minamanehong SYM Motorcyle na may license plate 7452 YG ang truck na noon ay nakaparada sa gilid ng highway.
Ang biktima na residente ng Poblacion, Tantangan ay dead on the spot dahil sa lakas ng pagkakabangga ng ulo nito sa likurang bahagi ng sasakyan.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na ipinarada ng driver na si Bicera Cresencio ng General Santos City ang truck sa gilid ng highway para tingnan ang ilaw nito nang aksidenteng mabangga ng biktima.
Ang driver ng truck na si Cresencico ay bolontaryo namang sumuko sa Tantangan Municipal Police Station. Maglalabinlimang araw na ngayon mula nang maireport na nawawala si PO1 Romeo Solana Jr. na taga brgy. Malasila, Makilala, pero hanggang ngayon blanko pa rin ang pamilya sa kinalalagyan nito.Ayon pa kay Marjorie Solana, asawa ng nabanggit na pulis, wala ring maibigay na impormasyon ang Cotabato Police Provincial Office kaugnay sa pagkakawala ng mister. Dahil dito, dismayado si Marjorie sa takbo ng imbestigasyon ng PNP dahil wala naman silang update kaugnay dito.Aniya responsibilidad umano ito ng CPPO na hanapin ang kanyang asawa dahil sila din ang dahilan kung bakit ito nawala matapos utusang bumili sa brgy. Sto Nino, Kidapawan ng baboy na panglechon.June 1 nang tunguhin ni Solana ang nabanggit na barangay kung saan na rin siya pinakahuling nakita.Pinakahuling update naman ng pamilya Solana na nakuha nung nagsagawa sila ng ocular investigation sa brgy. Sto kasama ang mga otoridad, barangay officials, kung saan ito pinaniniwalaang kinidnap ay tinangay raw siya ng di pa kilalang grupo matapos itong bugbugin at igapos sa puno.Ang pahayag ay base naman sa nakasaksi sa pangyayari na umano residente rin ng lugar.Una na silang nakatanggap na impormasyon na hawak raw si Solana ng pininiwalaang miembro ng New People's Army ng Gurilla Front 53 na pinangungunahan ni Commander Idoy.Wala namang pahayag ang NPA kaugnay sa nabanggit na alegasyon sa kanila.Sa ngayon buo ang paniniwala ng Pamilya Solana na buhay parin si PO1 Romeo.1Hiling lamang ni Marjorie sa publiko na sakali mang may mga impormasyon silang makuha kaugnay sa kinalalagyan ng asawa ay sana raw ay ipaalam sa kanila gayun sa PNP na kung saan ay bigyan man lamang sila ng update tungkol sa kanilang gingawang imbestigasyon.May panawagan rin ito sa mga taong umano may hawak sa kanyang mister. NDBC BIDA BALITA HeadlineandProgramang patubig at serbisyong kuryente, ipatutupad ng alkalde ng Kidapawan CitySa panibagong termino ngayon ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelsita, inaasahan ang pagpapatupad ng mga koneksyon ng tubig maiinom at serbisyung kuryente.Ito ilalagay at ikakabit naman sa mga malalayong barangay ng lungsod na hindi pa narating ng kuryente at tubig.Plano ngayon ni Evangelista na makipagtulungan sa Metro Kidpawan Water District at Cotabato Electric Cooeprative sa pagpapatupad ng nabanggit ng proyekto.Ikinokonsidera ng alkalde na ang LGU na ang bibili ng mga materyales para gagamitin sa koneksyon ng tubig mula sa linya ng MKWD patungo sa mga komunidad.Hihikayatin rin nito ang MKWD na ibigay ang kinakailangang labor services para sa pagsasagawa ng paghuhukay at paglalagay ng koneksyon ng tubig.Sa usapin naman ng pagbibigay ng serbisyong elektrisidad , makikipagpartner muli ang City LGU sa COTELCO sa pamamgitan ng National Intensified Household Electrification Program o NIHE na programa ng Department of Energy.

Una nang nabiyayaan ng NIHE ang City LGU noong nakaraang taon kung saan dalawang libong household ang ang nabigyan ng nabanggit na serbisyo.Target ulit ngayon ng LGU ang nasa dalawang libong household na mabibigyan nito.N Anim na mga bagong Service mobile ang madadagdag ngayon sa kasalukuyang response vehicle sa Kidapawan City Government.Ang mga sasakyan ay kinabibilangan ng isang pick-up truck para sa Disaster office, dalawang ambulansiya para sa Call 911, at tatlong mobile patrol para sa PNP at BPAT personnel. Sinabi ni City Mayor Joseph Evangelista, ang pagbili ng mga bagong Units at kabilang sa naaprubahang Public Safety Plan na ang pinakalayunin na mapagtibay pa ang quick response at seguridad sa lungsod.Nabatid na abot sa limang milyong piso ang pondong inilaan ng LG para rito.Iginiit pa ni Evangelista na ang nabanggit na proyekto ay bahagi lamang sa kaniyang una nang ibinunyag ng Pillars of Development na binubuo ng Edukasyon, Pangkalugan, Public Safety, Livelihood, at Good Governance. Dahan-dahan ng ipinamahagi ng apat na mga barangay ng Kidapawan City kung saan kabilang ang mga magsasaka sa mga nanguna sa kilos- protesta noong marso sa lungsod.Kabilang na rito ang brgy. Sto Nino, San Roque, Gayola at brgy. Katipunan.Sa brgy. Sto Nino, sinimulan nila ang pamamahagi ng bigas sa bawat pamilya kahapon ng tig walong kilo ng bigas kung saan higit 57 sako ng bigas ang inihatid para sa kanila noong nakaraang linggo.Abot naman sa Higit 350 pamilya ang nakatanggap ng naturang tulong na una nang ipinangako ng Davao City Government.Wala namang naging reklamo ang higit 30 indibidwal na mismong sumali sa rally sa kanilang natanggap na bigas.Una na kasing naghain ng resolusyon si Councilor Ruby Padilla Sison sa Sanguniang Panglungson na dapat makatanggap ng tig-isang sako ng bigas ang mga magsasakang napabilang sa naglunsad ng kilos protesta.Pero tila ay hindi ito natuloy dahil kahapon sa pagbisita ng Radyo Bida sa lugar ay nasa higit dalawang daang pamilya na ang kanilang naabutan ng bigas at wala namang naging reklamo ang mga magsasaka na kasabay sa rally sa kanilang natanggap.Nilinaw naman ni Kapitan Wilbert Zamora, na sa unang araw lamang sumali ang mga magsasaka mula brgy. Sto Nino at umuwi rin ang mga ito.Samantala kasabay naman ng Rice Distribution sa mga barangay ng Kidapawan at bayan ng Magpet nagsagawa naman ng Fact Finding Mission ang Philippine Church People's Responce o PCPR.Layunin nito na suriin ang mga bigas na ibinahagi sa mga magsasaka at tiyakin ang sistema sa tamang hatian nito.Anumang araw mula ngayon ay nangako naman ang PCPR na isasapubliko nila ang resulta sa kanilang isinagawang Fact Finding Mission. May resulta na ang unang round ng negosasyon ng Matalam LGU sa pagitan ng MILF at MNLF sa nangyaring kaguluhan sa bayan.Kasama sa Peace Dialogue ang mga miembro ng AFP, PNP LGU officials at DILG.Sinabi ni Matalam Mayor Oscar Valdivieso, kabilang sa kanilang napag-usapan kahapon ang Ceasefire Agreement at resolusyon sa land conflict sa pagitan ng MILF at MNLF partikular sa brgy. Kidama, MatalamInako na rin ng alkalde ang bayad na abot sa 120 thousand pesos na ibibigay sa MNLF sa inuukupa nitong lupa sa brgy. Kidama, na pilit inaangkin ng grupo ng MILF.Nilinaw naman ni Valdivieso na walang katotohanan ang report na si Jimmy Matalam ang nagpadala ng MNLF forces sa lugar para okupahin ang kanyang umano lupa.Aniya, mismong si Commander Cowboy o Matug Lumambas na chairman ng brgy. Nangaan, Kabacan ang nagpadala ng tauhan sa lugar para hanapin ang lupang isinanla sa kaniya ni Datu Buto Matalam na pinsan naman ni Jimmy Matalam.Bukas, gagawin ulit ang second round ng negosasyon kaugnay sa nabanggit na usapin. Nagpapagaling ngayon sa pagamutan sa New Cebu Hospital sa President Roxas North Cotabato ang isang lalaki na umano pinagbabaril kagabi sa Highway ng Purok Kwatro, brgy. Labuo sa nabanggit na bayan.Nakilala ni Brgy. Chairperson Eusebio Madriaga ang lalaki na si Joel Dizon na umano taga Davao Area.Paglalarawan ni Madriaga sa biktima ay nasa 30 ang edad at nakasuot lamang ng shortpants.Sa pagkakita ng mga residente sa biktima ay may tama na ito ng bala sa kanyang leeg na tumagos sa balikat nito.May mga nabanggit ding pangalan ang biktima na umano bumaril sa kanya at hindi rin ito nakilala na taga brgy. Labuo.Una rito may narinig raw na sasakyan na huminto ang mga residente at sumunod ang isang putok ng baril.Agad namang nakita ang biktima na nakadapa na sa kalsada na isinugod din sa pagamutan.Patuloy pa ngayong iniimbestigahan ng PNP ang nabanggit na pangyayari.NDBC BIDA BALITA

3 finalists ng Miss U Ph, napili na

ISULAN, Sultan Kudarat - Tatlo sa mga kandidata ng Miss Universe Philippines ang napili bilang finalists ng best in national costume sa ginanap na...

Cotelco announces power service interruption

Carmen area TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following...

Dealer killed, P13.6-M worth shabu seized in Sulu PDEA operation

COTABATO CITY --- Anti-narcotics agents seized P13.6 million worth shabu from a peddler who was killed in a shootout he provoked when he sensed he...

Miss Unverse PH in float parade in Sultan Kudarat

ISULAN, Sultan Kudarat - The 2024 Miss Universe Philippines candidates during float parade from Tacurong City to Isulan town. ...

DSWD advises 4Ps cash grants beneficiaries to use ATM cards wisely

MANILA - Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) eligible beneficiaries may now claim their cash grants from select Land Bank of the Philippines...