Monday Apr, 29 2024 12:56:53 PM

NDBC BIDA BALITA (June 16, 2016)

 • 23:41 PM Thu Jun 16, 2016
1,976
By: 
NDBC

NEWSCAST

JUNE 16, 2016
(THU)
7and00 AM

HEADLINESand

1. KASAMBAHAY na pinagnakawan ang
kanyang amo sa Cotabato city at tinangay pa ang sasakyan nito, huli sa
Midsayap, North Cotabato.

2. Dating barangay kapitan, patay sa
pamamaril sa Mlang, North Cotabato

3.
Alahas at pera, natangay ng mga holdaper
sa isang sanglaan sa Polomolok, South Cotabato

APAT
na mga suspected carnapper, dalawa dito ay pawang mga menor de edad, ang
naaresto ng Midsayap PNP kahapon.

Sinabi
ni Midsayap PNP Chief, Police Supt. Tom Tuzon na unang naaresto ang suspek na
si Steve Montenegro, taga- Tulunan, North Cotabato.

Ayon
kay Tuzon, nadakip si Montenegro matapos na madisgrasya ang minamaneho nitong
Montero Sports sa barangay Poblacion 8 ng bayan pasado alas dos ng madaling
araw.

Aniya,
habang nagpapagamot sa ospital si Montenegro ay nagtungo sa Midsayap PNP ang
kapatid ng tunay na may ari ng naturang sasakyan na si Cherry Ann Blanco, taga
Cotabato city.

Dito
na nakumpirma na ninakaw nga ni Montenegro ang naturang sasakyan.

Nabatid
na una na rin palang nasangkot sa iba’t ibang kaso ng pagnanakaw ang naturang
suspek.

Namamasukan
umano ito bilang helper at pinagnanakawan ang kanyang amo.

Sa
follow up report naman ng Cotabato City PNP, napag-alaman na ang ninakaw na
Montero sports ay ginamit palang get-away vehicle ng suspek matapos na tangayin
nito ang pera, alahas at mga mamamahaling gadget ng kanyang amo sa Cotabato
city.

Samantala,
pasado alas nuebe naman ng umaga kahapon nang madakip din ang isa pang
suspected carnapper at dalawa pang kasama nito na pawang mga menor de edad.

Kinilala
ni Tuzon ang naturang suspek na si Omar Alba na tumangay umano ng isang SkyGo
Motorcycle na pagmamay-ari ng isang Eric Pugada habang nakaparada sa labas ng
internet café sa barangay Poblacion Singko.

Sabi
ni Tuzon, si Alba din ang suspek sa iba pang kaso ng pagnanakaw ng motorsiklo sa
lungsod nitong nakalipas na tatlong araw.

Sa
iba pang balita, tatlo katao naman ang arestado sa nagpapatuloy na drug buy
bust operation ng Midsayap PNP katuwang ang PDEA 12 at North Cotabato PNP.

Pasado
ala una ng hapon kahapon nang madakip ang suspek na si Domingo Atico Jr. sa
barangay Poblacion Uno ng lungsod.

Nakuha
mula ka yang isang gramo ng shabu at mga drug paraphernalia.

Samantala,
pasado alas tres naman ng hapon nang maaresto sina Junaib Tocod alyas urak at
kapatid nitong na si Naida Tucod sa barangay Poblacion Siyete, Midsayap.

Nabawi
sa dalawang mga suspek ang dalawang gramo ng Shabu, drug paraphernalia at
marked money.

KUMPIRMADONG
isang special non-working holiday ang Araw ng Lunes, June 20 sa Cotabato city.

Ito ay bilang
pagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan ng lungsod na makiisa sa pagdiriwang
ng 57th Araw ng Cotabato.

Kaya
hinihikayat ni city mayor Jojo Guiani ang lahat na makiisa at makisaya sa mga
inihandang aktibidad para sa nabanggit na selebrasyon.

Ayon kay
Guiani, napakaraming dahilan para magdiwang at isa na rito ang tuloy tuloy na
pagpasok ng mga mamumuhunan sa lungsod.

Aniya, abot
sa 400 mga investor ang nagpahayag ng interes na mamuhunan sa lungsod at 156 sa
bilang na ito ay pumasok na sa inisyal na kasunduan sa City LGU.

Ipinagmalaki
rin ni Guiani ang gumagandang peace and order situation ng lungsod na aniya ay
bunga ng pagtutulungan ng security forces sa lungsod, mga pulis, sundalo, mga tanod
ng barangay at maging ng mga concerned citizen.

Ito aniya ang
isa sa mga dahilan kung kaya mas lumalago ang industriya ng kalakal sa syudad.

Samantala,
narito naman ang ka-aabangang mga aktibidad para sa Araw ng Cotabato
celebration
Halal and
Tourism Trade Exhibits sa Mall of Alnor,Mayor Guiani
Culinary Cup na gaganapin ngayong umaga sa People’s Palace INAASAHAN
NA magiging mabunga ang dalawang araw na exploratory talks ng gobyerno at
National Democratic Front o NDF sa Oslo, Norway.

Sinabi
ni incoming Labor Sec. Silvestre Bello III na kasamang nagkasundo para sa
naturang pag-uusap sina outgoing 1-BAP Partylist Rep. Bello, incoming Presidential
Peace Adiver Jesus Dureza, dating Mayor Hernani Braganza, CPP founding chair
Jose Maria Sison at iba pang miyembro ng NDFP.

Aniya,
kabilang sa tatalakayin sa dalawang araw na informal peace talks ay ang
panunumbalik ng formal peace talks sa pagitan ng gobyerno at NDF, ceasefire
agreement, ang amnesty para sa lahat ng political prisoners at pagrebisa sa
Joint Agreement on Security Guarantees o JASIG.

Positibo
naman si CPP founding chair Jose Maria Sison na magiging matagumpay ang peace
talks na ito sa pagitan ng gobyerno at NDF sa ilalim ni President elect Rodrigo
Duterte.

Nabatid
na nagkasundo ang magkabilang panig na ituloy ang pormal na usaping
pangkapayapaan sa ikatlong linggo ng Hulyo base sa joint statement na nilagdaan
ng mga ito sa Oslo, Norway. POSIBLENG
magbabahay-bahay ang ilang mga school official at mga guro para hikayatin ang
nasa 400 libong dropouts para matukoy kung ano ang dahilan at hindi nag-enroll
ang mga ito.

Sinabi
ni outgoing Department of Education o DepEd Secretary Armin Luistro na mabigat na
trabaho ito pero talagang kasama ito sa gawain ng mga guro.

Maliban
sa mga estudyante ay damay din sa problema ang mga guro at mga kawani ng mga
eskuwelahan.

Dahil
dito, nakabitin sa kawalan ang kinabukasan ng nasabing bilang ng school
drop-out na diumano’y apektado ng implementasyon ng K-12.

Sinasabing
umaabot sa mahigit 400 libong mga estudyante ang hindi na itinuloy na
mag-enroll dahil ang voucher na ibinigay sa mga ito na P22, 500 ay hindi
makakasapat para ipagpatuloy ang senior high school sa private high schools na
paglilipatan ng mga ito.

Kaya
naman kailangang obserbahan pa aniya sa mga darating na linggo kung late
enrollees lang ba ang mga ito o talagang hindi na tutuloy at kritikal umano na
maobserbahan umano ito.

Sa
kabilang dako naman, pinatitiyak ng Catholic Bishops’ Conference of the
Philippines o CBCP sa lahat ng school administrator sa buong bansa na nababantayan
ang mga estudyante laban sa pambu-bully at harassment.

Sa
inilabas na pastoral letter ni CBCP president at Lingayen-Dagupan Archbishop
Socrates Villegas, sinabi nitong dapat tiyakin ng mga may-ari ng eskuwelahan na
ligtas sa anumang mga uri ng pambu-bully. ISA NA
NAMANG video ang kumalat sa internet na nagpapakita sa dalawang natitirang
bihag ng Abu Sayyaf na nagsusumamo sa pamahalaan na tulungan silang mapalaya sa
kamay ng kanilang mga hostage-taker.

Sa
video, makikita ang panawagan ng mga hostage na sina Kjartan Sekkingstad, isang
Norwegian at Pinay na si Marites Flor na hanapan ng paraan ng Norwegian
government at ng Pilipinas para sila’y mailigtas sa nakaambang kamatayan.

Umaasa
naman si Flor sa susunod na administrasyon na matutulungan silang makaligtas sa
kamay ng bandidong grupo.

Samantala,
sinabi naman ni Abu Sayyaf spokesperson Abu Raami, pupugutan nila ang mga bihag
kung hindi maibibigay ang 600 milyong pisong ransom demand para sa buhay ng mga
biktima.

Kahapon,
nagtungo si Pangulong Aquino sa Jolo, Sulu kung saan inamin nito na muntikan na
niyang ideklara ang martial law upang sugpuin ang problema ng Abu Sayyaf.

Gayunman,
hindi aniya niya ito itinuloy dahil sa posibilidad na magdulot ito ng mas
malaking probela sa halip na solusyon.

Kaugnay
nito, muling ipinagdiinan ng kampo ni President-elect Rodrigo Duterte na hindi
sila makikialam sa mga hakbang ng kasalukuyang pamahalaan sa problema sa
pagresolba sa problema sa Abu Sayyaf.

Ayon
kay incoming presidential spokespersonn Atty. Salvador Panelo tahimik pa sa
usapin si Duterte, dahil sa July 1 pa ito uupo bilang pang-16 na pangulo ng
bansa.

Dagdag
pa niya, posible rin daw makipag-usap si Duterte sa ASG ngunit patuloy ang
suporta nito sa no ransom policy ng pamahalaan.

Una
rito, inako naman ng administrasyong Aquino na kargo nito ang problemang dulot
ng Abu Sayyaf.

Pero
iginiit ni P. Aquino na hindi naman sa kasalukuyang administrasyon ipinanganak
at namayagpag ang ASG.

Nangako
naman ito na hindi titigil sa paglulunsad ng operasyon sa bandidong grupo hanggang
sa bumaba ito sa puwesto.

Headline and Upang lalo pang maisulong ang organic farming sa Koronadal City, insentibo ng mga organic farmers dadagdagan
Magdadagdag ng insintibo ang lokal na pamahalaan sa mga magsasaka na nagpapatupad ng organic farming sa Koronadal City.
Ayon kay City Mayor Peter Miguel, mula sa piso gagawin ng dalawang piso kada kilo ang cash incentives para sa organic rice.
Ang mga live stock growers naman ay magkakaroon ng P10 incentive bawat kilo.
Ito ayon kay Miguel ay bilang kabahagi ng pagsulong ng lokal na pamahalaan para gawing organic city ang Koronadal.
Binigyan diin ng alkalde na maliban sa mas nakabubuti sa kalusugan mas malaki din aniya ang kikitain ng mga magsasaka mula sa mga organic products.
Kaugnay nito, iniutos na ni Miguel sa City Agriculture Office na maglaan ng dagdag na pondo para sa cash incentives ng mga organic farmers.
Umapela din ang alkalde sa mga organic farmers ng Koronadal na makipagugnayan lamang sa lokal na pamahalaan upang maturuan kung ano ang mga dapat gawin para makakuha ng cash incentive. Sisikapin ng Department of Public Works and Highway o DPWH na matatapos agad sa Disyembre ang tulay na maguugnay sa mga barangay ng Namnama at General Paulino Santos sa Koronadal City.
Ayon kay DPWH 12 Regional Director Reynaldo Tamayo Sr., ito ay mas maaga sa pitong buwang contract” time ng proyekto.
Sa katunayan ayon kay Tamayo, ililipat muna ng DPWH 12 ang mga equipment nito sa Banga Bridge sa bayan ng Banga upang mapabilis ang konstruksyon ng bagong Namnana-General Paulino Santos Bridge.
Aminado naman si Tamayo na pinangambahan lamang ngayon ng DPWH ang paghukay ng may tatlumpung talampakan na paglagyan ng sampung poste ng tulay.
Ayon kay Tamayo, hindi kasi makikita ng mga enhinyero ng DPWH kung ano ang nasa ilalim ng may tatlumpung talampakang huhukaying bahagi ng ilog.
Gayunpaman sinabi ni Tamahyo na mahalaga na matatapos agad ang tulay dahil maliban sa Namnama at General Paulino Santos,dinadaanan din ito ng mga mamamayan ng mga kalapit barangay ng Avancena at bayan ng Lutayan sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Ang proyekto ayon kay Tamayo ay pinaglaanan ng pamahalaan ng mahigit P70 million.
Matatandaan na ang lumang Namnama-General Paulino Santos Bridge ay sinira ng malawakang pagbaha sa South Cotabato noon June 24,2015. The Best Opening among the many opening of classes”, ganito isinalarawan ni Department of Education o DepEd South Cotabato OIC Schools Division Superintendent Crispen Soliven ang unang apat na araw ng pasukan sa lalawigan para sa school year 2016-2017.
Ayon kay Soliven kung kinulang man ng mga upuan ang ilang Senior High School dahil sa under procurement, agad naman itong nasolosyonan.
May mga eskwelahan ayon kay Soliven na bumili ng silya gamit ang kanilang Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE Funds.
Ang iba naman ay nanghiram ng mga silya sa tulong ng Parents Teachers Association o PTA.
Hindi naman aniya problema ang kakulangan ng classroom sa Senior High School sa South Cotabato.
Ipinahayag ni Soliven na sa 170,000 na mga estudyante sa elementarya at sekondarya na inaasahan ng DepEd, mahigit 160,000 sa mga ito ang nakapag enroll.
Umaasa naman si Soliven na ito ay madadagdagan, hanggang sa deadline ng enrollment bukas June 17.
Ayon kay Soliven ang matagumpay na pagsisimula ng klase sa South Cotabato ay bunsod ng maagang paghahanda ng DepEd.
Sinabi ni Soliven na noong summer pa lamang ay nagsagawa ng mapping at house to house campaign ang DepEd upang alamin ang estado ng kanilang mga mag-aaral lalong lalo na nag papasok sa Senior High School.
Inaalam na lamang ngayon ng DepEd ayon kay Soliven ang bilang ng mga Senior High School Students mula pambulikong paralan na lumipat sa mga private schools.
Umapela din si Soliven sa mga magulang na ihabol sa mga nalalabing araw ng enrollment ang kanilang mga anak. Dalawa sa apat na mga mga supsek ang nanghold up mismo sa Dalton Pawnshop sa Gaisano Grand sa Polomolok, South Cotabato habang dalawa naman ay nagsilbing look out ng mga ito sa labas ng establisemento.
Ito ang ipinahayag ni Polomolok Chief, Superinendent Joedy Lito Guisanga kaugnay sa panhohold up sa sanglaan dakong alas nuebe y medya ng umaga kahapon.
Naniniwala si Guisanga na plinanong mabuti ng organisadong grupo ang krimen.
Ayon kay Guisinga, hinintay muna ng dalawang hold upper na magbukas ang pawnshop bago dumaan sa katabing drug store.
Habang tumatakas, nagpaputok pa umano ang mga holdupper dahilan upang tamaan ng bala sa kanang paa ang K9 handler na so Lordgie Boy Lozano.
Umaasa naman si Guisangga na kahit na walang Close Circuit Television o CCTV Camera ang nahold up na sanglaan, nakuhanan ng CCTV ng Gaisano Grand ang insidente upang makatulong sa kanilang imbistigasyon.
Inaalam pa ng pulisiya ang halaga ng pera at mga alahas na natangay ng mga hold upper sa sanglaan.
Voice Clip…Si Polomolok Chief of Police, Senior Superintendent Joedy Lito Guisinga. Matapos simulan sa bayan ng Surallah, sumunod na rin sa pagsuko sa mga pulis ang mga umanoy drug dependent sa iba pang lugar sa South Cotabato.
Kahapon ay abot na sa mahigit 200 na mga umanoy sangkot sa illegal na droga ang ang pumirma sa Affidavit of Undertakings” at nangakong magbagong buhay.
Nabatid na 30 sa mga sumuko ay mula sa bayan ng Tantangan.Ito ay ayon kay Tantangan Chief of Police Chief Inspector, John Rick Medel.
Matapos ang ang pagpupulong ng PNP, tatlong mga drug suspek din ang unang sumuko sa bayan ng Tupi.
Kinumpirma din ni Norala Chief of Police, Chief Inspector Dennis Madriaga na dalawa sa anim na mga sumuko sa kanila ay pawang mga menor de edad.
Sa Koronadal City, kinupirma ni Chief of Police, Superintendent Barney Condes na walo na rin ang sumuko sa kanila.
Dumulong din sa pulisiya ang 67 na mga umano’y drug suspek sa Banga.
Pinakamaraming sumuko ay sa bayan ng Surallah, na umabot sa 89.
Ayon kay Surallah Chief of Police, Chief Inspector Joel Fuerte, inilunsad kinumbinsi nila ang mga sangkot sa illegal na droga na sumuko bago pa man simulan ang Oplan Rody” ng Duterte Administration.

Graduation ceremony ng MILF, MNLF police recruits, pinangunahan ni P. Marcos

PARANG, Maguindanao del Norte - PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang graduation ceremony ng unang batch ng mga Moro combatants na...

Cotabato Light announces power service interruption for May 2

COTABATO CITY - Please be informed of the scheduled power interruption affecting Upper Dimapatoy, Awang D.O.S. on Thursday, May 2, 2024, from 8:00 AM...

Political alliances of former archrivals unfolding in BARMM

COTABATO CITY - Ang dating magkakalaban ngayon nagtutulungan. Sa isang pambihirang pagkakataon nagyakapan, nagkabati at magkasama na sa isang...

NDBC BIDA BALITA (April 29, 2024)

NEWSCAST 1   P. MARCOS, bibisita ngayong sa Maguindanao del Norte, at Pikit, North Cotabato 2   MGA PARTIDO pulitikal sa...

3 finalists ng Miss U Ph, napili na

ISULAN, Sultan Kudarat - Tatlo sa mga kandidata ng Miss Universe Philippines ang napili bilang finalists ng best in national costume sa ginanap na...