Monday Apr, 29 2024 03:40:01 PM

NDBC BIDA BALITA (June 17, 2016)

 • 18:01 PM Fri Jun 17, 2016
1,835
By: 
NDBC

NEWSCAST

JUNE 17, 2016
(FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Brownout naranasan ng Cotabato City at Maguindanao, Cotabato light, nagpaliwanag.2. Mag-live-in na coercionist huli sa
entrapment operation mga illegal drugs nakuha din sa mga suspek sa Kabancan,
North Cotabato

3. Suspension sa CHED 12 Regional
Director, ipinaliwang ng Ombudsman

4. Mga sumukong suspected drug dependents sa S. Cotabato, umaabot na sa 393. NAG-ALBURUTO ang mga mamamayan ng
Cotabato city dahil sa mahigit tatlo hanggang apat na oras na brownout na
naranasan sa iba’t ibang mga lugar sa lungsod kahapon.

Nagsimula ang power interruption alas
singko ng hapon kahapon at bumalik ito sa ilang mga lugar alas otso na ng gabi.

Habang sa ibang lugar naman ay bumalik
lang ang kuryente alas nuebe y medya na ng gabi.

Paliwanag ni Colight Human Resources
and Reputation Enhancement Officer Anna Leah Nataño, nagkaroon ng line fault o
depekto sa linya ng kuryente ng National Grid Corporation in the Philippines o
NGCP, partikular sa kanilang Kibawe-Nuling Line at Kibawe-Tacurong Line.

Subalit nilinaw naman ni Nataño na
walang napaulat na pambobomba o pananabotahe sa alinmang linya ng kuryente ng
NGCP.

Aniya, hanggang ngayong araw ay inaalam
pa rin ng NGCP kung ano ang sanhi ng pagkasira ng mga naturang linya.

Samantala, nabatid na maging ang ilang
mga bayan sa North Cotabato at Maguindanao ay nakaranas din ng mahabang
brownout.

SA KASAGSAGAN
ng paggunita ng banal na buwan ng Ramadan ay wala pa ring pakundangan ang mga
kawatan sa patuloy na pambibiktima sa Cotabato city.

Nagsumbong sa
Police Station 2 ng lungsod ang biktimang si Gemma Gesulga matapos na ma-holdap
habang sakay ng pedicab pasado alas onse ng umaga kahapon.

Pauwi na sana
sa kanilang bahay sa Peña Francia Village, sa barangay Rosary Heights 12 ang
biktima nang harangin siya ng biktimang naka motorsiklo sa bahagi ng San Isidro
Street.

Sa takot ay
walang nagawa ang biktima kundi ibigay ang kanyang bag na naglalaman ng cash na
41 thousand pesos/

Kamakalawa ng
gabi, nagsumbong din sa City PNP ang negosyanteng si Alibazar Anggao matapos
mabiktima ng basag-kotse.

Nabatid na
ipinarada lang ni Anggao ang kanyang Toyota Innova na may license plate ACU
9260 sa loob ng ARMM compound at ng balikan niya ito ay basag na ang windshield
nito.

Natangay ng
mga kawatan ang kanyang bag na naglalaman ng 53 thousand pesos cash.

Una na ring
nagreklamo sa pulisya ang isang estudyante na hinoldap din noong Martes ng
gabi.

Maluhaluha pa
at takot ang isang estudyante nang magsumbong sa mga pulis matapos na mahold-up
mag-aalas nuwebe ng gabi noong June 14.

Kinalala ang
biktima na si John Zyroll Dellara, 22 years old at taga Pigcawayan, North
Cotabato.

Naglalakad
lang ang biktima sa Sinsuat Avenue, nang harangin ng dalawang mga lalaking
naka-motorisklo nma walang plaka sabay deklara ng hold up.

Natangay ng
mga suspek ang cellphone ng biktima na nagkakahalaga ng 5,700 pesos.

NAKIKIPAGTULUNGAN
na rin ang militar at pulisya sa Malaysia authorities para makakuha ng impormasyon
hinggil sa balitang may apat na mga Malaysian ang dinukot sa Sabah na malapit lamang
sa Tawi-Tawi, isa sa limang mga lalawigan ng Autonomous Region in Muslim
Mindanao o ARMM.

Inamin
ni Malaysian Police Inspecor-General Tan Sri Khalid Abu Bakar na hanggang
ngayon ay pa silang kumpirmasyon sa naturang umuugong na balita kaya’t patuloy
silang nag iimbestiga.

Posible
umanong Abu Sayyaf Group ang may gawa nito, ayon sa mga ulat, subali’t maging
si Sabah Police Commissioner Datuk Rashid Harun ay nagsabing hindi pa ito
kumpirmado.

Sa
kumakalat na balita, dinala sa Tawi-Tawi ang mga biktima at saka inilipat sa
Sulu.

Pumutok
naman ang balita halos tatlong araw matapos na pugutan ng Abu Sayyaf si
Canadian Robert Hall sa Sulu.

Nabatid
na isinara na ng Sabah ang border nito sa Pilipinas dahil sa sunod-sunod na
kidnappings ng Abu Sayyaf doon.

Ipinagbawal
na rin ng Malaysia ang lahat ng trading activities sa Sabah at Tawi-Tawi. INAASAHANG
MAGKAKAROON na ng mas stable na supply ng kuryente ang mga lalawigan ng Sulu,
Basilan at Tawi-Tawi sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.

Ito ay
matapos namang pumasok sa power purchase agreement ang Tawi-Tawi Electric Cooperative
at Kaltimex Rural Energy Corporation, ang local affiliate ng Indonesian-Indian
firm na kilala sa pagbibigay ng power supply sa mga off-grid islands sa Indonesia.

Nabatid
maglalaan ang Kaltimex ng 400 milyong pisong halaga ng eight-megawatt diesel-fed
power barge sa Tawi-Tawi.

Ito ay
maaari pang mapalawig sa hinaharap sa pamamagitan naman ng pagkakaroon ng solar
power plant.

Plano
rin ng Kaltimex na magtayo ng katulad na proyekto sa Sulu kaya sa ngayon ay
nakikipag-usap na ito sa Sulu Electric Cooperative.

Sabi
ni Regional Board of Investments RBOI- ARMM chair and managing head Atty. Ishak
Mastura, ang pagkakaroon ng stable na supply ng kuryente sa naturang mga
lalawigan ay magdudulot ng kaginhawaan sa mga mamamayan ng lugar at magbubukas
din ito ng mga panibagong oportunidad para sa pagkamit ng social, economic, at technological
development.

Samantala,
ayon naman kay ARMM Governor Mujiv Hataman na sisikapin niyang maging fully
electrified na ang Basilan, Sulu at Tawi Tawi sa pamamagitan ng paghikayat ng
mas maraming energy investments. NAHAHARAP
ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o comprehensive dangerous drugs
act of 2002 ang isang aktibong miyembro ng Moro National Liberation front o
MNLF na nasa ilalim ng Central Mindanao Command.

Sa
isinigawang operasyon ng Philippine drug enforcement agency o PDEA-ARMM, huli
si Misuari Maguid Elias na mas kilala bilang Budy , 29-anyos, may
asawa at residente ng Purok 6, Esteros, Rosary Heights 9, Cotabato City.

Naaresto
si Elias sa kanyang mismong pamamahay pasado ala-una ng madalign araw kamakalawa.

Sa
report ng PDEA-ARMM, nagpanggap na poseur buyer ang isa sa kanilang mga kasama
kung saan nakabili sila kay Elias na isang pakete ng pinaniniwalaang shabu.

Maliban
rito, nakuha rin mula sa suspek ang isang kaha ng sigarilyo na naglalaman ng
dalawang pakete ng shabu, isang caliber 9mm magazine na may lamang caliber 9mm
live ammunitions na nakasilid sa isang hello kitty pouch, at iba pang drug
paraphernalia.Kasalukuyang
nakakulong ngayon ang suspek sa PDEA-ARMM locked-up cell.

Kulungan ang bagsak ng mag-live-in partner na suspected coercionist at pinaniniwalaang tulak droga matapos maaresto sa inilatag na entrapment operation sa Palawan Pawnshop sa Rizal Avenue, Poblacion, Kabacan, North CotabatoKinilala ni Police Senior Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang mga nahuli na sina Datulamie Ampatuan Pendaliday, 28-anyos, at empleyado ng BFAR na taga Sitio Lote, Brgy. Kayaga, Kabacan,habang kinilala naman ang kasama nito na si Hernalyn Banzon Estampa, 33-anyos, at residente ng Buhangin, Davao City.Narekober mula kay Pendaliday ang isang piraso ng Improvised glass tube tooter na naglalaman ng shabu residue, dalawang piraso ng disposable lighter at isang unit ng Sony Cellular phone, ang nasabing cell phone ay pag-mamay-ari naman umano ni Geofrey Kent Culanag.Habang nakuha naman kay Estampa ang dalawang resibo ng Palawan Express Pera Padala, isang heat sealed plastic sachet at 18 mga piraso ng open transparent plastic sachet.Nahuli ang mga suspek ng pinagsanib na pwersa ng joint operative ng Kabacan PNP, Midsayap PNP at ng 7th IB, PA kasama ang JMAG.Batay sa report, hinihingian umano ng mga suspek ng pera ang kapatid ng isang police personnel na nakabase sa bayan ng Midsayap matapos na makuha nila ang cell phone ng kanilang bibiktimahin.Kaya ng magpadala ng pera ang pulis doon na sila nahuli sa isinagawang entrapment operation. Samanatala Arestado rin ng Kabacan PNP ang isang 18-anyos na lalaki sa isinagawang drug buy bust operation sa Quirino St., Poblacion, Kabacan, noong nakaraang gabi.Kinilala ang suspek na si Uwaw Bando Sugkawan, 18-anyos, isang driver at residente ng Tunggol, Datu Montawal, Maguindanao.Narekober mula sa suspek ang isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu at marked money.nakakulong na ngayon ang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa kanya. Ikinaalarma ng Sangguninang Panglungsod ng Kidapawan ang pagiging tahimik ngayon ng City LGU kaugnay sa pagkakawala ni PO1 Romeo Solana Jr sa Brgy. Sto Nino, Kidapawan noong nakaraang JUne 1.Sinabi ni City Coun. Ruby Padilla-Sison, siyang chair sa Committe on human Rights bf SP, dapat na umanong makialam angkonseho sa estado ng kaso at resulta ginawang imbestigasyon ng PNP.Dahilan na isang resoulsyon ang inaprubahan ng Sangunian kahapon na ipapatawag sa isang Committee meeting si City PNP chief Of Police Supt. Leo Ajero kasama ang Comittee on Human Rights, Peace and Order at Brgy Affairs. Ikinabahala na kasi ng opisyal dahil apektado uli ang pangalan ng Kidapawan City at integredad sa kalasukuyang liderato.Tulong na rin aniya ito sa PNP at Pamilya Solana para makamtan ang katotothanan at mabigyan na ng aksyon ang nabanggit na pangyayari. Pursigido si Incoming Mlang Mayor Russel Abonado na mahigpit nitong ipapatupad ang ang pag-aresto sa mga sibilyang may baril at di lisensyado.Ito ang ibinunyag ni Abonado matapos ang nangyayaring pamamaril kay Brgy Katipunan Coucilor Edwin Fernando.Layunin nito na di na maulit pa ang kaparehang insidente at para masampulan rin ang mga gun holders na madali lang para sa kanilang magbitbit ng baril sa mga pampublikong lugar.Nilinaw nitong mga pulis lamang at sundalo ang maaaring makabitbit sa kanilang mga baril sa pampublikong lugar para protektahan ang mamamayan.Ayon pa kay Abonado, sa unang araw pa lamang sa kanyang pagkakaupo bilang alklade ng bayan ay agad siyang magpapatawag ng Municipal Peace and Order Council para gawing opisyal ang nabanggit na utos.Samanatala, inamin naman ng opisyal na ang pagakakapaslang kay Kagawad Edwin Fernando ay malaking hamon para sa kanya.Samantala sa pinakahuling update naman mula sa PNP sinabi ni Supt. Joefrry Todeño na blanko pa sila sa pagkakakilanlan sa mga suspek sa Krimen.Bagaman tinukoy nito na politika at personal grudge ang pinakamalapit na motibo sa nabanggit na pangyayari. Nilagdaan na ni Kidapawan City Mayor Jospeh Evangelista ang Executive order number 024 na naglilikha ng Sports Management Committee na siyang tututok sa pagpapatupad ng Sports at Fitness Program ng City LGU.Layunin ayon pa kay Evangelista na makasabay sa mas mahigpit at mas mataas na lebel ng kumpitesyon sa pampalakasan ng mga atleta ng lungsod.Partikular naman na bibigyang diin nito ay ang angkop at seyentipikong pagsasanay kapwa sa manlalaro at coaches sports nutrition and health na kinakailangan para sa kalusugan at optimum performance ng mga atleta partnership ng City LGU at ng ibang sektor sa pangangalap ng kinakailangang resources sports development programs at ang grassroots sports development na naglalayong makahanap ng mga kabataang mau malaking potensyal ba nagtagumpay sa munod ng palakasan.Bahagi ng magiging responsibolidad ng komite na gumawa ng pananaliksik sa makabagong pamamaraan at teknolohiya sa sports development program upang maiangat ang performance level ng mga atleta ng Kidapawan.Nakasaad din sa nabanggit na batas ang insentibo para sa mga manananalong atleta sa ibvar ibang kompetsyon ng kanilang sinalihan.Kaya naman dahil dito, magkakaroon na ng regular na sports tournament ang LGU sa pagsisimula ng bagong termino ng alklade. Nananawagan si Tupi, South Cotabato Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC Action Officer Emil Sumagaysay sa mga mamamayan sa lugar na magingat sa posibleng mga pagbaha.
Binigyan diin ni Sumagaysay na dapat ay doble ingat ang mga residente na nakatira malapit sa pampang ng mga ilog at sapa ngayong dumating na ang tagulan
Ayon kay Sumagaysay hindi rin dapat maging kampante ang mga residente dahil may mga mababang lugar din sa Tupi na hindi nakaranas ng mga pagbaha ang sinalanta na rin ngayong ng kalamidad.
Ito ang ipinahayag ng MDRRMC Action Officer matapos salantain ng mga pagbaha ang may 20 pamilya sa mga barangay ng Cebuano, Crossing Rubber, at Bololmala sa Tupi.
Sinabi ni Sumgaysay na ang baha na tumangay sa mga personal na gamit at sumira sa mga bahay ng mga apektadong residente ay bunsod ng halos dalawang oras na ulan sa bayan.
Para matiyak ang kanilang kaligtasan,bibigyan ng pinansyal na tulong ang mga pamilyang binaha sa barangay Cebuano upang makalipat sa mas ligtas na lugar. Nakinabang sa pangalawang bugso ng pamimigay ng insecticide treated nets ang 20 mga paaralan sa South Cotabato.
Layon nito na maproteksyonan laban sa sakit na dengue fever ang mga batang magaaral sa pagsisimula ng klase kung kelan kadalasan dumadami ang nagkakasakit nito.
Kabilang sa mga nabigyan nito ayon kay Mosquito –borne disease focal person Jose Barroquillo ang Tubi Allah, Lambonton, at Colonggolo Elementary School sa bayan ng Surallah Acmonan at Kalkam Ekementary School sa Tupi Reyes, Rizal, Upong, Sancho, El Nonok Integrated School, at Lambingi Elementary School sa Banga Afus at New Dumanggas Elementary Scool sa Tboli Panay Guinsang-an at Poblacion Central Elementary School sa Sto. Nino Dumadalig Eelementary School sa Tantangan at Marbel t at Carpenter Hill Eelementary School sa Koronadal City.
Ang ang mosquito net ay ay nagkakahalaga ng mahigit P1.7 million.
Ayon kay Barroquillo ang insecticide treated nets na tatagal ng limang taon ay ilalagay sa mga bintana para panaggalang sa papasok ng lamok na nagdadala ng dengue sa mga silid aralan.
Ipinahayag ni Barroquillo na abot na sa 605 na rolyo ng insecticide-treated nets ang maipamigay ng Department of Health at Pamahalaang Panlalawigan sa South Cotabato.
Ang pamimigay sa mga ito ay itinaon din sa ASEAN Dengue Day sa bayan ng Surallah kamakalawa. Kinumpirma ni Koronadal Traffic Supervisor Ed Tabago ang mas pinaigting na pagtugis na mga colorum o mga tricyle na illegal na bumibyahe sa lungsod.
Ayon ay Tabago mariing tintutukan ng city traffic office ang Registered Motorized Operators Permit o MTOP number ng mga tricyle.
Ipinahayag ng traffic officer na ilan kasi sa mga nabigyan noon ng prankisa ay nagpalit ng binibyaheng tricyle na hindi dumaan sa proseso ng Land Transportation office.
May ilang ding mga masasamang loob na ginagamit sa krimen ang mga tricyle na walang MTOP number o hindi nabigyan ng prankisa
Binigyan diin ni Tabago na ang pahuli sa mga pasaway na tricyle drivers at operators ay ginagawa ng kanilang tanggapan kada araw.
Nauna nang nanawagan si Koronadal City Chief of Police, Superintendent Barney Condes sa mga mamamayan na para di mabiktima ng mapagsamantal ay huwag sumakay ng mga triycle na walang MTOP lalo na sa disoras ng gabi. Nananawagan si Tupi, South Cotabato Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC Action Officer Emil Sumagaysay sa mga mamamayan sa lugar na magingat sa posibleng mga pagbaha.
Binigyan diin ni Sumagaysay na dapat ay doble ingat ang mga residente na nakatira malapit sa pampang ng mga ilog at sapa ngayong dumating na ang tagulan
Ayon kay Sumagaysay hindi rin dapat maging kampante ang mga residente dahil may mga mababang lugar din sa Tupi na hindi nakaranas ng mga pagbaha ang sinalanta na rin ngayong ng kalamidad.
Ito ang ipinahayag ng MDRRMC Action Officer matapos salantain ng mga pagbaha ang may 20 pamilya sa mga barangay ng Cebuano, Crossing Rubber, at Bololmala sa Tupi.
Sinabi ni Sumgaysay na ang baha na tumangay sa mga personal na gamit at sumira sa mga bahay ng mga apektadong residente ay bunsod ng halos dalawang oras na ulan sa bayan.
Para matiyak ang kanilang kaligtasan,bibigyan ng pinansyal na tulong ang mga pamilyang binaha sa barangay Cebuano upang makalipat sa mas ligtas na lugar. Umaapela si South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes sa mga drug dependent sa lalawigan na bolontaryo nang dumulog sa Pulisiya .Ayon kay Fuentes isang magandang pagkakataon ang ibinibigay ngayon sa mga sangkot sa droga na magbagong buhay bago pa man simulan ng Duterte Administration ang pagtugis sa kanila.
Bukod dito ayon kay Fuentes, dapat ding maging halimbawa sa pagsugpo sa illegal drugs ang South Cotabato dahil taga lalawigan ang incoming Department of Interior and Local Government Secretary na si Mike Sueno.
Binigyan diin ni Fuentes na matapos bigyan ng pagkakataon na sumuko, hindi aniya maaring sisihin ng publiko ang pulisiya at kanilang mga lokal na opisyal pagdating ng Hulyo kung kelan inaasahan ang pagpapatupad ng Oplan Rody” ng susunod na administrasyon.
Ayon kay Fuentes,maring totohanin ni incoming president elect Rodrigo Duterte ang sinbi nito noong pagbuo ng tracking team para tugisin ang mg sangkot sa illegal drugs. Sa ngayon abot sa 393 drug dependent ang bolontryong sumuko sa iba’t ibang polic stations ng South Cotabato

Graduation ceremony ng MILF, MNLF police recruits, pinangunahan ni P. Marcos

PARANG, Maguindanao del Norte - PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang graduation ceremony ng unang batch ng mga Moro combatants na...

Cotabato Light announces power service interruption for May 2

COTABATO CITY - Please be informed of the scheduled power interruption affecting Upper Dimapatoy, Awang D.O.S. on Thursday, May 2, 2024, from 8:00 AM...

Political alliances of former archrivals unfolding in BARMM

COTABATO CITY - Ang dating magkakalaban ngayon nagtutulungan. Sa isang pambihirang pagkakataon nagyakapan, nagkabati at magkasama na sa isang...

NDBC BIDA BALITA (April 29, 2024)

NEWSCAST 1   P. MARCOS, bibisita ngayong sa Maguindanao del Norte, at Pikit, North Cotabato 2   MGA PARTIDO pulitikal sa...

3 finalists ng Miss U Ph, napili na

ISULAN, Sultan Kudarat - Tatlo sa mga kandidata ng Miss Universe Philippines ang napili bilang finalists ng best in national costume sa ginanap na...